Manloloko
Mabilis akong nagluto ng kanin at nag adobo ng manok, mag ihaw din ako ng kaunting baboy at ng sausage. Pagkatapos ay hinanda ko na ang mga baonan, wala na akong nakitang medyo malaki sa dalawang kulay pink na lunch box. Kaya eto nalang talaga ang lalagyan ko. Tahimik akong nagsasalin ng pumasok si Mamam sa kusina.
"Oh, ba't nagluto ka na? At dalawa pa ang lunch box mo. Dadalhan mo din ba si Ava?", guat niyang tanong ng tignan niya ang mga ito.
"Ah, kay Saint po yong isa, gusto niya daw po eh", tantyado kong sagot kay Mama.
"Tama yan, sabi nga nila a way to a man's heart is through his stomach", nakangiting sagot niya rin sa akin.
Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ko naman gusto ang lalaking iyon. Napilitan lang akong magluto dahil gusto at nangungulit siya. Muntik ko nang masabi kay Mama. Kasunod noon ay ang pagpunta rin ni Papa sa mesa.
"Magbabaon ka anak?", takang tanong ni Papa.
Sasagot na sana ako ng inunahan na ako ni Mama.
"Baon daw nilang dalawa yan ni Paris, tiyak matutuwa yon at masarap kang ring magluto anak", sabi ni Mama. Nakita kong ngumiti si Papa sa akin. Hindi maitago ang saya sa mga mata.
Talaga lang ha! Wala naman espesyal sa mga niluto ko. Simpleng adobo, sausage at inihaw na liempo lang. Itong nanay ko parang nagluto ako ng kare-kare!
Tahimik nalang din sila pati si Atlas ng nasa hapag na kaming lahat. Mabilis kong natapos ang pagkain ko at nauna na rin akong umalis ng bahay. Dala dala ko nag bag na lagayan ng bento box namin, maingat kong nilapag sa ilam ng desk ko para maitago sa mga ni Ava. Isa pa naman matalas ang mata baka mag usisa yon pag nakita.
Maayos naman ang umagang trabaho, yon nga lang pagdating ng magtatanghalian na hindi ako mapakali. Baka mamaya masurpresa nalang akong pumasok na namn iyon dito at kakain kami. Kya itetext ko nalang siya.
Ako:
Anong oras mo kukunin ang lunch mo? O saan ko iiabot?
Panay ang tingin ko sa cellphone ko kug magrereply siya. Pero hanggang sumapit na ang lunch time ni wala man lang kahit ano. Siguro sobrang busy yon o di kaya nagbibiro lang talaga iyon ng sinabi. At ako namn tinotoo! Baka nga!
Kaya naman laking pagtataka ni Ava ng makitang may dala kong bento box sa lamesa namin. Kunot noo niyang tinitigan iyon.
"Himala! Nagbaon ka? Ba't ang dami? Dalawa ha. Akin ba yong isa?", komento niya pa.
"Sayo yan, masyado marami kasi", sagot ko nalang sa kanya. Hindi na rin naman siguro kukunin ni De Luca yan!
"Hay salamat at makakatipid din ako, pero bakit mo ba naisipan na magbaon?", sabi pa niya habang binubuksan na at tinitigan ang laman.
"Wala lang, nag sasawa na ako sa laginnating kinakain eh", kaswal kong sagot sa kanya.
"Ang sarap nitong adobo! Ikaw ba nagluto o si Tita?", tanong niya habang kumakain.
"Ako nagluto niyan", matamlay kong sagot sa kanya.
Hindi pa ako kumakain, pinagmasdan ko lang siyang maganang kumain nito. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Okay ka lang ba? Wag mo sabihing napagod ka sa pagluluto nito ah", sabi pa niya.
"Eto nga kakain na ako, wag ka ng maingay. Babawiin ko yan", banta ko sa kanya.
Tumahimik nalang din siya at nagpatuloy sa pagkain. Nakadalawang subo na ako ng may biglang humawak sa mga balikat ko. Pati si Ava na maganang kumain ay napahinto. Ang mga empleyadong kasabay namin kumain ay napahinto saglit at tumingin sa mesa namin. Yong iba lihim na nagbubulongan.
"Good afternnon Sir!", bati ni Ava pagkatapos uminom ng tubig.
Bigla akong napalingon sa likod ng makita ko si Saint na naka kunot noo sa lamesa namin.
Tumango lang siya at kumuha ng upuan sa kabilang table para tumabi sa akin. Si Ava naman hindi alam ang gagawin kung kakain pa ba o iiwan nalang kami.
"Where is my lunch?", agad na tanong niya sa akin.
Patay! Napatingin ako kay Ava na tumitig din sa kinakain niya. Kaya pati si Saint napatigin din doon saglit pagkatapos binalik sa akin ang titig at sa bento box ko.
"Uhmm, ano kase..", hagilap ko ng mga salita.
Nakita kong pinandilatan ako ni Ava, siguro alam na niya kung para dapat kanino ang lunch na kinakain niya.
"Akala ko kasi hindi mo na kukunin kaya binigay ko nalang kay Ava", tootong sagot ko sa kanya.
Matalim niya lang akong tinitigan.
"But atleast I can still eat some of those", sabi niya sabay turo sa pagkain kong konto lang ang bawas.
"Pasensya ka na Sir, hindi ko alam na sa inyo pala to, kung alam ko po di ko na sana tinanggap", singit ni Ava.
"it's okay, don't worry about it Ava", ngumiti pa ito sa bestfriend ko.
"Masarap po yong adobo, at siya po mismo nagluto niyan", dagdag pa ng baliw na Ava.
"Sure, I'll just go to the restroom first and I'll eat with you", sabi pa nito at tumitig sa akin bago umalis.
"Gaga ka! Bakit mo pinakain sa akin to? Eh, para pala sa inyong dalawa to!", ssumbat niya sa akin.
"Hindi ko naman alam na sisipot pa yan eh, tinext ko yan kanina kung kukunin niya di naman nagreply. Di kainin natin kaysa masayang", mahabang paliwanag ko.
"Wow! Nagtetext kayo?", parang batang tanong ni Ava.
Inirapan ko nalang siya. Mabilis niyang inubos at niligpit ang bento box na binigay ko.
"Okay ka lang ba kung iwan na kita dito?", tanong niya.
Sasagot na sana ako pero naramdaman ko nag presensya niya sa likod ko kaya tinikom ko nalang ang bibig ko.
"Sir mauna na po ako sa inyo, enjoy your lunch", paaalm nito sa amin bago mabilis na naglakad.
"I'm sorry hindi na ako nakapagreply, matagal natapos ang meeting kaya dumiretso nalang ako ng mabilis dito. Hindi mo man lang ako hinintay huh", mariin na sabi niya.
Tinitigan niya ang bento box ko at saka kinuha ang kutsara at tinidor ko.
"Sayo nalang yan lahat", sabi ko sa kanya. Nahiya tuloy ako sa ginawa ko.
"I should try and eat this. Ito ang unang luto mo sa akin", sabi niya pa habang kumukuha ng kanin at adobo.
"I ordered additional food para sa atin", dagdag pa niya.
At ilang minuto lang ay dumatingb na ang order niya sa amin. Marami iyon. Lalagyan niya rin sana ang plato ko ng sa bento ng tumanggi ako.
"Ikaw na kumain niyan, para naman talaga sayo iyan", sabi ko sa kanya.
"Okay, I'll take a bit now", sabi niya habang sinusubo na ang kanin at adobo.
Inantay ko ang magiging reaksyon niya. Baka mamaya hindi niya magustuhan yon pero sabi ni Ava masarap kaya yon nalang ang pangkakapitan ko.
"Anong masasabi mo?", tanong ko agad sa kanya.
"Ang sarap!", sumilay ang ngiti sa labi nito at sunod sunod ang subo.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Pero hindi pa rin ako mapakali at kumbinsido sa sinabi niya at nahalata niya rin yon.
"Sigurado ka ba? Baka mamaya binobola niyo lang akoni Ava", aniya ko sa kanya.
"Yup, hindi ba obvious na malapit ko ng maubos to?", ngisi niya bago ipakita sa akin ang laman na konti nalang.
Kumuha na rin siya ng pagkain sa mga inorder at nilagay sa pinggan ko bago sa kanya.
"Ako na, pinagtitinginan tayo ng ibang empleyado. Hindi ako sanay, nakakahiya", totoong sabi ko sa kanya.
"Nevermind them, ganoon talaga pag may kasama kang gwapo", pilyo niyang sabi.
I just rolled my eyes on him at saka pinagpatuloy ang pagkain Sa gilid ng mata ko ay napansin ko si Gabe na dadaan papunta sa mesa namin kaya hindi ako kumibo. Makikiusyuso lang ang baklang ito! Kaya hinintay kong makalagpas muna siya bago ako nagsalita.
"Uhm, pwede bang huwag ka munag pumunta dito sa office? Siguro pwede sa labas nalang muna tayo magkita", kaswal na sabi ko.
Nakita ko ang paghinto niya sa pagkain at mariing tumitig sa akin ngayon. Naagaw ko ang buong atensyon niya.
"At bakit naman?", kunot noo niyang balik sa akin.
Nagpalinga linga ako ako sa paligid.pangit naman kong dito ko sasabihin sa kanya ang rason baka mamaya may makarinig pa sa amin dito. May iilang empleyado pang andito.
"Pagkatapos nalang ng office hours tayo mag usap, pwede na sa basement. Pupunta nalang ako mamaya doon, kahit sa sasakyan mo", bigay alam ko sa kanya.
"Okay", iritado at medyo galit na sagot niya.
Biglang umiba ang timpla niya. Tahimik at seryoso na siyang kumain ngayon. Mukhang malalim ang iniisip. Natapos namin ang lunch ng medyo awkward na dahil hindi na niya ako kinibo pa.
"Thank you for the lunch, altough I want to have it everyday. I think it's too much to asked", seryoso niyang sabi pero kalaunan nag iwas ng tingin.
"Simple lang naman ang mga niluluto ko, hindi ko alam kung magugustuham mo rin yon", mahinang sabi ng nasa lobby na kaming dalawa.
"I don't mind, as long as you are one who cooked it", sagot naman nito.
Tumango ako binigyan siya ng matipid na ngiti.
"I will see you later then", sabi niya at huminto sa harap ko.
"I'll text you", sagot naman sa kanya.
Yon ang huling pag uusap namin ng tanghalian. Isinaulado ko ang mga sasabihin ko sa kanya mamaya. Hindi naman siguro masama kong protektahan ko ang sarili ko.
Hindi na rin nag usisa si Ava ng magpaalam ako sa kanya na mauuna na ako. Alam kong medyo nagtatampo na sa akin ang bruhang yon. Nakakabinging katahimikan habang naglalakad ako sa papuntang basement. Nag text na rin siya na nadoon na siya naghihintay sa akin. Mabilis kong hinanap ang kotse niya ng may biglang umilaw sa bandang kanan ko. Dumiretso ako at nakita kong siya iyon. Binuksan ko ang pinto at saka pumasok na sa loob.
"Wanto to go somewhere else first?", tanong niya agad sa akin.
"No, dito nalang, hindi rin naman magtatagal", agap kong sabi sa kanya.
"Tungkol sa sinabi ko kanina na pwedeng huwag ka munang pumunta sa office", panimula ko.
Mataman lang siya nakatitig sa akin at nahihiya akong sabayan ang titig ng mga mata niya.
"Alam ko naman ang karakas mo pagdating sa mga babae kaya yong mga pagpunta ko sa office o mga paglabas natin ay di uobra sa akin. Pwede naman tayong magkita isa o dalawang beses sa isang linggo na nakikita ng lahat. Gaya ng napagusapan natin pwede mo naman gawin ang dati mong ginagawa. It's just a fake arrangement right? ", kaswal kong sabi sa kanya.
Nakita ko ang pag igting ng panga niya at seryosong nakatitig sa manibela na akala mo galit na galit.
"You are telling that na hindi na natin itutuloy ang set up? Hindi mo ako tutulugan?", marring sabi niya.
"Hindi naman ganyan ang sinabi ko, pwede naman tayong magkita ng paminsan minsan alam naman nila Tita Adi na magkasundo na rin tayo. Besides, baka hindi mo na nagagawa ang mga nakasanayan mo. Wala namang problema sa akin kong anong gawin basta hindi lang ako madadamay. Ayoko ko lang naaabala ka sa ibang mga gagawin mo dahil sa akin", mahabang sagot ko sa kanya.
"Okay, if that's what you want", naka kunot noo niya pa ring sagot sa akin. Hindi niya ako binalingan.
"I-text mo nalang ako o i-text kita. Wag mo na rin akong ihatid ngayon", sabi ko sa kanya.
"Is that all?", iritado niyang sagot na.
"Oo", simpleng sagot ko.Tumango nalang siya.
"Lalabas na ako", paalam ko bago tuluyan ng lumabas sa sasakyan niya.
Sumulyap siya ng isang beses bago pinaharurot ang sasakyan niya. Tinignan ko nalang hanggang sa mawala na sa paningin ko. Napabuntng hininga ako bago pumara ng taxi pauwi.
Kinaumagahan medyo mabigat ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kagabi. Wala man akong masamang sinabi pero alam kong medyo galit siya sa akin base sa ekspresyon at aksyon niya kagabi. Hnagang sa tahimik kaming kumakain ng lunch ng biglang napatili si Ava sa pagtingin ng cellphone niya.
"Bakit?", takang tanong ko sa kanya.
"Wala, nagulat lang ako sa nakita ko. Wag mo napansisin", iwas niyang tingin sa akin akmang ibaba na cellphone ng hinablot ko iyon sa kanya.
"Oh my god! Wag mong tignana, akin ananga yan Andromeda!", medyo napalakas niyang sigaw.
Pero huli na ang lahat dahil nakita ko na namn ang mukha ng isang lalaki at isang babae na naghahalikan. Pinublish ito ng isang undergound website. Marami pang kuaha na larawan, medyo madilim pero halata kung sino ang mga iyon. Si Paris De Luca na may kahalikang sikat na starlet sa isang high end na bar. Meron nakaakbay siya habang nakangiti dito, nabubulungan silang dalawa,nakandong sa kanya ang babae hang hinahalikan niya sa leeg at marami pang iba.
Hindi ko alam kong ilang segundo akong napatunganga sa pagtitig sa cellphone ni Ava. Bumalik lang ako sa huwisyo ng kinuha na niya ito sa kamay ko.
"Sabi ko sayong wag mo nang tignan eh", rinig kong reklamo ni Ava sa harap ko.
Well ano pa nga ba ang bago kung aasahan sa isang De Luca na yon. A playboy is always a playboy.Tama lang ang desisyon ko na ilayo muna ang sarili ko. Higit sa lahat akyoko ng may maramdaman na kahit ano sa kanya. Tulad ngayon, hindi ko maiintindihan ang nararamdaman ko, may halong galit, disaapointed at konting selos? Hindi ko alam! At ayoko ng ganito!
"Okay ka lang?", tanong ni Ava saka pumitik pikit pa ng kamy niya sa harap ko.
"Oo, hayaan mo na", simple kong sagot at binigyan pa siya ng tipid na ngiti.
"Wag mo akong lokohin, batukan din kita eh! Ano bang trip ng lalaking iyan? Tinatakot ka ba kaya ka sunod ng sunod at punta ng punta din ang lalaking yan dito?", galit na sabi ni Ava.
"Hay naku, pag nakita ko na naman dito yan pa sweet sweet sayo baka mahampas ko na siya. Naiinis na ako sa kanya. Hindi na ako boto sa kanya para sayo.Hindi ko man alam kung anong meron sa inyo pero na mapunta ka sa ganyang lalaki", mahabang litanya niya sa akin.
"At wag kang iiyak sa mga ganyang lalaki ha, sayang lang luha! Naku pag nakita kita paluluwain ko yang mata mo talaga. Naiintindihan mo ba?", dagdag niya pa.
Tumango nalang ako at hindi na dinagdagan pa ang mga sinabi niya. Alam kong curious din ang mga kasamahan ko sa mga nagyayari sa paligid at sigurado ako alam na nila ang latest na balita ngayon.
Pagdating ng Friday at pagkatapos ng trabaho ay nag aya naman itong si Ava at Gabe na mag bar sa malapit lang. Hindi ko alam kong anong pumasok sa mga utak nila at bigla nalang gusto nila.
"Halika na! Minsan lang naman at kailangan din nating magrelax paminsan minsan. Wag puro trabo ang atupagin namin okay", sulsol pa ni Ava sa akin.
"Okay, basta wag kayong maglalasing ha. Sige na, sasama na ako", sabi ko niligpit na ang mga gamit. Nagtext na rin ako kay Mama na gagabihin ako ng uwi at kasama ko nman sina Ava at Gabe.
"Yes! Oh my god!", excited na sabi ni Ava at pumalakpak pa.
"Niyaya ko sina Nick ,Jack, Claire at Sarah, sasama din sila. Oh di ba marami tayo para masaya", malapad na ngiti ni Gabe sa amin.
Dahil may kotse naman sina Gabe at Jack, nag hati nalang kami ng sasakay doon. Magkakasama kami nina Gabe, Ava at Sarah at iba sa kotse ni Jack. Mabilis kaming nakarating sa naturang bar dahil malapit lang naman. Pagpasok namin ay agad kaming sinalubong ng maingay na tugtog. Dumiretso kami sa sa pa U na sofa para maupo. Agad namang nag order sila ng inumin.
"Anong sayo?", tanong ni Ava.
"Orange juice", mabilis kong sagot sa kanya.
"Anong orange juice? Uminom ka kahit konti! Hello nasa bar tayo hindi tayo nasa canteen sa school", mariing pukol sa akin ni Ava.
"Two martini please", sabi niya sa waiter.
"Andito tayo para magsaya, kahit papano medyo rumihan ko naman yang kidney mo masyado ng healthy", sabi niya ng binalingan ako.
Hindi ko alam kong nagbibiro ba siay o hindi sa mga sinasabi niya. Narinig ko nalang ang tawa ni Gabe at ni Claire na malapit sa banda namin.
"At maghunting tayo ng mga hot guys! May mga bachelor at celebrities na pumupunta dito", kinikilig na sabi ni Gabe.
Dumating ang mga inumin at nagsimula na rin silang uminom. Napasarap ang kwentuhan hanggang sa nag aya na silang sumayaw. Medyo marami na rin ang nainom nila pero hindi pa naman gaanong lasing.
"Mauna na kayo", sabi ko sa kanila.
"Samahan ko nalang muna si Lois dito", si Nick.
Mabilis namang pumunta ng dance floor sila at naiwan kami. Napasandal ako sa sofa dahil medyo nahihilona ako. Dawalang baso palang ang nainom ko hindi katulad niya na marami na. Napapikit ako ng kaunto para marelax naman ako.
"Okay ka lang Lois?", rinig kong tanong ni Nick.
"Okay lang, medyo nahihilo lang ako. Hindi ako sanay uminom eh", dumilat ako ng kaunti para sumagot sa kanya.
Narinig kong tinawag niya ang waiter at kung may anong sinabi dito. Nanatili pa rin akong nakapikit at parang gusto ko ng matulog.
"Eto inumin mo muna yong tubig para kahit papano gumaan ang pakiramdam mo", inilapit niya sa akin ang isang basong tubig.
"Salamat", tanging nasabi ko at mabilis na ininom at tubig. Feeling ko parang uhaw na uhaw din ako.
"Gusto mo bang pumunta ng dance floor? Okay lang naman ako dito", sabi ko sa kanya.
"Mamaya na, pagbalik nalang nila dito. Baka batukan ako ni Ava pag iniwan kita", natawang sagot niya sa akin.
"Hayaan muna na yon, maya maya medyo okay na rin ang pakiramdam ko", sagot ko sa kanya.
"Eh, di sabay na tayo maya sa dance floor", biro niya pa sa akin.
"Oo ba, pero wag kang aangal kung maapakan kita. Parehong kaliwa ang paa ko", ganting biro ko sa kanya.
Hanggang sa napasarap ang kwentuhan naming dalawa ang tawanan sa mga experiences namin. At ng nakabalik na sina Jack, Claire at Gabe ay saka naman kami nagdesisyon na pumunta sa gitna. Nakita kong may kasayaw na foreigner na hunk si Ava sa gitna. Kaya pala ayaw pang bumalik. May kalandian!
Lumapit kami ni Nick sa kanila at nakita ko rin na may kasayaw ni Sarah sa di kalayuan. Natatawa nalang kami ni Nick na sumayaw. Hindi ko alam kong parehas kaming matigas ang katawan.
"Parang ayoko na, nakakahiya sumayaw sa harap mo ng ganito", sabi pa niya.
"Okay lang yan, It's a tie naman", sabi ko at sabay kaming nagtawanan.
Makalipas ang ilang minuto ay nagpalit na kami ng kasayawan. Ienjoy ko nalang din, nang may naramdaman akong may humawak sa beywang ko at sumayaw sa likod ko. I grind a bit at sinabayan ko lang ang sayaw niya, narinig kong umungol siya dahil sa ginawa ko. I don't know if we look erotic or sensual. Haharap na sana ako ng may marahas na kamay ang humablot sa akin. Nabigla ako at napasubson sa dibdin nito.
Nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko ang nagbabagang mata ni Paris na nakatitig sa akin. Pati ang mga katabing sumasayaw namin ay medyo napahinto.
"Sorry man, I did not know she's your girl", sabi ng lalaking nakasayaw ko habang nakataas pa ang dalawang kamay, Mestizo at gwapo rin siya.
"Now you know!", galit na sabi niya dito habang nakayukom ang mga kamao. Mabilis namang umatras ang lalaki palayo sa amin.