Ningas
A playboy like him are fond of throwing flowery words. Sanay na sanay sa mga salitang magbigay ng mga salitang gustong gusto marinig ng mga babae.
Yon ang huling mga sinabi niya sa akin bago kami umalis ng restaurant. Pinabayaan ko na lamang iyon kunwari hindi ko narinig ang mga sinabi niya. Baka naman mauto niya ako. Sa talino kong to!
Pero yon nga lang araw araw sa linggong ito na siya tumatambay sa opisina at sinusundo ako para kumain kami sa labas. Ewan ko ba kung nagpapakitang gilas lang siya sa mga magulang namin o ano.
Gaya ngayon pupunta daw kami sa mansyon nila dahil nagyaya na mag dinner si Tita Adi. Nagpaalam naman ako kina Mama at Papa, hindi ko rin alam kong bakit ang higpit ng pagtanggi nila na samahan ako. Kinakabahan ako pero isinantabi ko lang iyon. Hindi naman siguro ako ipapahamak ng mga magulang ko.
"Good evening Senorito, Senorita", bati ng mga katulong nila pagkapasok namin. Nakakailang dahil hindi naman ako sanay na tinatawag sa ganyang paraan.
"Ma, were here", imporma niya habang naglalakad kami papunta sa kitchen. Hawak hawak niya ang kamay ko.
Nakita ko si Tita Adi na nagmamadaling pumunta ng sala para salubungin kami, nakaapron pa siya lahat lahat.
"Mabuti at nakarating na agad kayo", sabi niya ng niyakap at hinalikan niya ako sa pisngi.
"Patapos na rin ako sa pagluluto, magbibihis nalang ako saglit at kakain na tayo.", sabi niya ng pabalik na sa kusina,
Iginala ko ang mga mata sa kabuoan ng mansyon nila. Kahit saan ka tumingin ay sumusigaw ng karangyaan, bawat tabi ay may nakaistambay na katulong. Si Tita Adi hindi ko kailan man naisip na pwede pala siya maging simpleng maybahay, nagluluto at naghahanda din. Para sa akin isa siyang eleganteng babae na kahit sa ngayon ay di ko nakikita na kaya niya palang gawin ang mga bagay na ito.
"Mama is always like that, she loves to cook for us and to those special to her. Bihira ka lang makatikim ng specialty niyan", sabi ni Paris na parang nabasa niya ata nag iniisip ko.
So, special ako? Ganoon?
"Uhm, hindi lang maisip na marunong pala siyang magluto na parang simpleng maybahay lang. Ibang iba siya sa kung saan nakikita ko siya sa magazine", komento ko pero parang bigla akong nahiya sa pag judge ko.
Narinig ko siyang humalakhak siya ng malakas at bumaling sa akin na may pilyong ngiti sa mga labi.
"She is simple as you think, a loving mother and an ordinary housewife as ever", sabi niya pa ng maupo kami sa sofa.
"Pwede ko naman munag tulungan si Tita Adi", sabi ko sabay bitaw sa mga kamay niya. Hindi lang ako komportable na ganito kami, para bang nakukuryente ako.
"Okay", sabi niya pero parang guni guni ko lang na ayaw niya pakawalan ang mga kamay ko,
Dumiretso ako sa kusina at naabutan ko si Tita Adi na nagtitikim sa nakasalang na niluluto niya.
"Tita tulungan ko na po kayo", magalang kong sabi sa kanya.
"Oh, Lois you should be just relaxing with Saint", sabi niya sabay baling at bumalik ulit sa pagluluto.
"I insist po Tita, sanay na rin naman po ako sa mga gawaing bahay lalo na po sa pagluluto", sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Sige, can you just help me arrange the table, hindi na muna kita patitikman ng lasa ng niluto baka maispoil ka", nakangi niyang sabi sa akin.
"Itsura palang po mukhang masarap na", komento ko sabay sulyap sa niluto niya. Nilalagay na niya ito sa malaking mangkok.
"Let see it later kapag natikman mo na", tugon niya sabay kindat sa akin. Sinuklian ko naman ng isang malawak na ngiti.
"I'll shower and change , mabilis lang ako. You can settle down at the table", sabi pa niya.
Bumalik muna ko sa sala para magsabi na maya maya kakain na kami. Nakita kong naka de kwarto na upo si Paris habang naka kunot noong binabasa ang isang sikat na magazine
"Ihahanda ko lang ang lamesa, kakain na daw tayo pagkatapos ni Tita Adi mag freshen up. Asan pala si Tito Lucas?", tanong ko sa kanya.
"Papa is in the library, baba na rin iyon", sabi niya at tiniklop ang binabasa at tumningin sa akin.
"Mag aayos na ako ng mesa at ng pagkain", sabi ko nauna ng bumalik sa kusina.
"Tulungan na kita, I'm bored anyway", sabi niya at sumabay sa akin maglakad patungo ng kusina.
Tahimik naming nag aayos ng lamesa at paglagay ng mga pagkain sa mga mangkok. Ang mga kasambahay sa tabi para bang kabado kung bakit kami nag aayos dito.
"Don't worry, kami na dito" sabi ni Paris sa kanila pero kita pa rin sa kanila ang pag aalinlangan.
"Oh, wow! I'm glad you are both here", napalingon nalang kaming dalawa ng makita si Tito Lucas sa likod namin.
"Hello po Mr. President, kamusta po?", magalang kong bati sa kanya.
Humalakhak ito na parang si Paris. Saka lumapit sa akin para humalik sa pisngi.
"Hija, I told you, Tito Lucas nalang", sabi niya sa akin. Ewan ko ba parang nailang parin akong matawag siyang ganoon parang hindi bagay.
"Hi there, you three are here, come on now settle down! I'm excited for this dinner", hindi namin alam na nakababa na rin pala siya at binigyan malawak na ngiti ni TIta Adi sa akin at saka kumindat kay Paris at Tito Lucas. Si Paris lang ay seryosong tumango sa ama.
"This is a special dinner that's why I am the one who prepared it. I hope you will like my cooking recipes hija!", excited na dagdag niya habang masayang masaya ang mukha. Umupo si President sa kabisera, si Tita Adi sa kanan at magkatabi kami ni Paris sa kaliwang bahagi ng lamesa.
"We have Paella, Beef Puchero, Fabada, Morcon and Tostadillas hija, that's my specialies. For tonight, you will be the judge of this dishes. Saint's favorite are Puchero and Tostadillas", kindat ni Tita sa akin. Napatingin din ako sa Santong nasa tabi ko.
"Mukha pong masarap lahat Tita", magalang kong sabi sa kanya. Totoo namang nakakatakam tignan. Hindi ko alam kong ano ang una kong titikman.
"Ako na", tangka kong agawin sa kanya yong kubyertos na hawak niya.
"Let me just serve you okay. I want you to try this two first. This one is Tostadillas and Beef Puchero, my favorites", malambing na sabi niya sa akin.
Naglagay siya ng Tostadillas sa pinggan ko at pagkatapos nagsalin siya ng Puchero sa mangkok ko.Isinunod niya ang sa kanya.
"Thank you", sabi ko nalang sa kanya.
At nang tumingin ako sa harap ay nakita ko sina Tito na lihim na nagtinginan. Uminom sa baso si Tita Adi para naitago ang ngisi at nag taas lang kilay si Tito Lucas pero hindi rin maitago ang ngisi para sa anak..
"Let's eat now", si Tita Adi na pumalakpak pa mismo.
Una kong tinikman ang nakalagay na Tostadillas sa pingan ko. Pagkagat ko lasang lasa ang mga inilagay na mga sangkap nito. Ang sarap!
Excited na nagaabang si Tita ng magiging reaksyon ko kaya hindi ko na kailangan magpapangap tulad ng ginagawa namin.
"Masarap po Tita, nagustuhan ko po", sagot ko sa kanya. Malawak siyang ngumiti at nagsimula na rin kumain.
"I told you, try the puchero. Be careful medyo mainit pa yan", mataman niyang sinabi sa akin.
Medyo awkward akong tumingin kina Tita. Hindi ko alam na magaling pala umakting to anak nila. Bukod sa magaling sa bussinessman!
Nginitian ko nalang si Paris, kunwari kinikilig ako sa ka sweetan niya. Saka ko tinikman ang pucherong nasa mangkok. Hindi ko talaga akalaing masarap tallaga magluto si Tita Adi.
"Masarap din po ang Puchero", sabi ko pagkatapos kong tikman saka bumaling kay Paris.
Seryosong nakatitig sa akin na para bang isa akong aparisyon. Baka mamaya may mali akong nasabi o ano.
"Bakit?", nagtataka kong tanong sa kanya.
Bigla niya nalang pinunasan ang labi ko ng kanyang hinlalaki. Nabigla ako sa kanyang ginawa kaya hindi ako nakagalaw, nanatiling nakabaling sa kanya..
"You have a sauce on the side of your lips", sagot ni Paris at saka sinipsip ang mga daliring hinatid sa akin. My god!
Bigla nalang naubo ng malakas si Tito Lucas. Nasamid ata sa kinain niya.
"Are you okay darling?", panic na sabi ni Tita Adi at tumayo bagamat hindi maitago ang pagsilay ng ngiti.
"Nguyain mo kasi ng mabuti yong food hindi yong kung saan saan ka pa nakatingin", dagdag ni Tita Adi habang hinahaplos ang likod. At inaubutan ng tubbig sa tabi.
"I'm okay now, no worries. Continue eating, sorry about that", ani ni Tito Lucas na medyo naubo ubo pa.
Nagpatuloy na kami sa pagkain kahit na medyo nahihiya na ako sa ginagawa ni Paris. Siguro bago din sa paningin nila na ganito ang anak nila.
"You should eat more", dagdag pa ni Paris habang nilalagyan ng pagkain pa ang pingan ko.
"Tama na yan, baka hindi ko maubos. Busog na ako", sabi ko ng pigilan siya sa paglalagay.
"I'm happy you two are doing great now. I just hope no more rumors and scandalous photos of you Saint this time", seryosong sabi ni Tito Lucas.
"It won't happen again. We are trying to figure out ourselves", seryosong sabi ni Paris sa ama niya.
"Good to hear that. We have high expectation on both of you. There is no harm in trying and besides arranged marriage is not bad at all", sabi ni Tita Adi sa amin bago bumaling kay Tito at ngumiti.
Tumango nalang ako sa mga sinabi niya.
"Why don't you plan on a get away? Vacation? So you can relax Saint, you've been working hard this past few weeks too", suhesto naman ni Tito Lucas.
"Actually, that's my plan. Hindi ko palang siya nakakausap doon, we will just talk about it", kaswal na sabi ni Paris sa mga magulang.
Bigla ko siyang sinipa sa paa sa sinabi niya. Anong get awy pinagsasabi nito? Wala sa plano namin ang bakason lalo na kaming dalawa lang. Ngumiti ako ng matamis sa kanya para naman naramdaman niya kabaliktaran ang gusto kong mangyari.
"Oh my god! Do you want me to book your island or hotel exclusive for you?", parang batang excited na sabi ni Tita Adi. Nagniningning ang mga mata sa mga sinasabi.
"Darling let your son have his way", komento naman ni Tito Lucas.
"I'll take care of that Ma, I want to surprise her", malambing na sabi nito sa ina. Alam na alam niya talaga kong paano kilitiin ito.
"Just tell me or call me up hijo, if you need some help", sabi pa rin ni Tita Adi para bang hindi kumbinsido sa sinabi ng anak.
Natapos ang dinner na iyon lang ang pinagusapan namin. Kung saan daw kami mag get away, dito daw ba sa Pilipinas o sa ibang bansa. Marami silang suhestyon na lugar at mga gustong gawin namin habang nandoon. Alam kong sobrang yaman ng mga De Luca at kung saan saang private hotel at island ang mga gusto nilang libutin namin.
Nakahinga nalang ako ng maluwag ng pauwi na kami. Parng ayaw pa kaming pakawalan ni Tita Adi. Agad ko naman hinarap ang isang to!
"Anong get away get away ang pingsasabi mo doon? Wala sa usapan natin yon! Bawiin mo yon hindi ako sasama sao", nakairap kong sabi sa kanya.
"That's one way of convincing them that we are taking it seriously saka masaya sila. Didn't you saw their faces beaming the whole time?", sabi sa akin ni Paris.
"Yes, I know pero hindi naman natin kailangan gawin yon. We can date just in here after office or some other time we are not both busy", patuloy ko sa pag rarant sa kanya.
Bumuntung hininga ito at saka tumitig sa akin, hindi ko mabasa kong ano ang nais ipahiwatig ng mga mata niya.
"Saka marami pa akong mga plates na dapat tapusin sa trabaho hindi ko pwedeng iwan yon ng basta basta lang para mag liwalyiw", dagdag ko pang sabi sa kanya.
"You can take a break too. I know it's been so toxic this last few weeks because of the last project. Ayaw mo bang makapag relax?", balik tanong niya ulit sa akin.
"At ano ang sasabihin ng mga kasamahan ko? Pa VIP ako kasi pinupuntahan mo ako sa office? Dahil porquet may something tayo. I am not like that", seryosong sabi ko sa kanya.
"You're my girlfriend", pabulong na sabi niya sapat lang na marinig ko ng malinaw.
"Huh? Anong girlfriend pinagsasabi mo dyan?", taas kilay kong sabi sa kanya.
"Well that's how they are expecting us to be", kibit balikat niyang sabi.
Parang sumasakit ang ulo ko sa mga pinagsasabi niya. Nahilot ko ng mariin ang sentido ko.
"We can act like we are but we are not. For real, baka nakakalimutan mo", pinaalala ko sa kanya ang deal namin.
"Hindi ko nakakalimutan", sagot niya sa akin.
Hinatid niya lang ako sa bahay at nagpaalam na rin, hindi na pumasok sa bahay. Agad naman akong sinalubong nina Mama at Papa sa sala.
"Bakit hindi mo pinapasok muna si Paris dito anak?", tanong ni Mama.
"Kailangan niya na pong umuwi agad", sagot ko nalang.
"So, kamusta ang mga De Luca?", tanong ni Papa naman.
"Okay naman po sila Ma, Pa. Mabait naman ang trato nila sa akin", magalang kong sabi.
"Sana magpatuloy ang pagkakakigihan ninyo ni Paris anak, wala naman kaming hiling kundi mabuti sayo", malamyos na sabi ni Papa.
"Alam ko po, naiintindihan ko", tanging sagot ko sa kanya.
"Hindi pa po ba kayo matutulog?", tanong ko sa kanilang dalawa.
"Matutulog na din inantay ka lang namin dumating. Siya, sige na pumasok ka na nang kawrto at ng makapagpahinga ka na", sabi ni Mama. Humalik ako sa kanilang dalawa bago tumulak.
Pagkahiga ko sa kama, napaisip ako sa mga nangyayari na ngayon. Gusto ko lang naman ng normal na buhay, mabigyan ng magandang retirement sina Mama at kapatid ko. Ano ba tong napasukan ng pamilya ko at higit sa lahat sa akin pa ito iniatang? Hindi kailan man ako nagreklamo sa pagtulong sa mga magulang kahit sa totoo pwede na akong mamuhay mag isa pero hindi ko ginawa dahil mahal ko sila higit sa lahat mahal ko sila.
Wala naman akong masabi na masama sa mag asawang De Luca at talagang mabait naman sila. Masyado lang silang stiff kapag humarap sa ibang tao dahil na rin siguro sanay sila sa pagiging propesyon na business manpero pagdating sa bahay simpleng mag asawa at pamilya din sila.
Ang ayoko ko lang sa kanila yong karakas ng anak nilang babaero. Kahit kailan hindi talaga ako magiging komportable sa kanya. Siguro hindi nahahalata ng ibang tao o sadyang marunong lang talaga ako mag dala ng emosyon minsan. Hanggang sa nakatulugan ko nalang ang ag iisip.
Dumating ang weekend at makapagpahinga na rin ulit ng mahaba haba.
Pero maaga akong nagising ng hindi inaasahan. Ang ingay na nanggagaling sa labas. Tumayo ako at papungas pungas na dumiretso sa bintana para silipin kung anong meron sa bakuran. Ang naniningkit kong mata galing sa pagtulog ay biglang nanlaki sa nakita ko.
Agad agad akong naghilamos at lumabs ng kwarto ko. Naabutan kong komportableng nakaupo si Papa sa kawayang upuan at nakatanaw sa labas habang nagkakape at si Mama na nagluluto na.
"Papa, anong ginagawa niyan dito?", diretso kong tanong sa kanya.
"Nagsisibak ng kahoy, panggatong. Maagang pumunta dito eh tulog ka pa kaya pinagsibak ko muna. Wala rin daw siyang gagawin kaya ayan", kalmante niyang sagot bago sumimsim ng kape.
Natampal ko nalang ang noo ko sa mga sinabi ni Papa. Anong panggatong? Meron kaming gas! May uling naman din! Ni hindi ko naman nakita si Mama na gumamit niyan kahit noong nakaraaan buwan pa.
Mabilis akong naglakad papunta sa lalaking ito. Walang damit pang itaas! Napalunok ako ng makita ko ang pawisan niyang likod. Namumutok ang mga muscles. Parang ang swete namna ng mga pawis na dumadaloy. Ke aga aga naman. Hindi niya siguro namalayan na nasa tabi na niya ako. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya. Agad naman siyang napalingon.
"Anong ginagawa mo dito?", agad na asik kong tanong sa kanya.
"Good morning", bati niya sa akin ng may pilyong ngiti pa sa labi.
"Wag mo akong pilosoposihin Santo, alam mo ang ibig kong sabihin. Napag usapan nanatin ito ah, akala ko ba malinaw na ang lahat sayo? Weekend ngayon kaya anong ginagawa mo dito? Lumayas ka na nga!", gigil at mariin kong sabi sa kanya.
"Yeah, I remember that. You said too that we can still meet in some other time that both of us are not busy. So, this is some other time that I am not busy. Unless you have other plans for today? Sabi ni Tita, on weeekends you just rest and stay at home", nakataas pang kilay niyang sabi.
"Uh, ewan ko sayo. Bilisan mo na dyan at umuwi ka na", di ko papatinag na sabi.
Habang naglalakbay ag mata ko sa buo niyang katawan. Bakit kasi may papandesal agad. Pawis na pawis siya at medyo namumula ang leeg hanggang dibdib. At yong six packs abs niyang ibinalandra sa harap ko. At nang magangat ako ng tingin nakita ko siyang nakangisi na. Nahuli akong nakatitig sa katawan niya! Para naman akong m******s na naglalaway dito!
"You like the view?", mapaglaro nyang tanong sa akin.
Inirapan ko lang siya at humalakhak naman siya.
"Hindi ko type yang katawan mo, masyadong mabato", sabi ko sabay ismid sa kanya.
"Oh really? Kaya pala titig na titig ka", may ngisi pa rin sa labi niya.
"And by the way, bakit mo ba ako inaaway at pinapaalis. Is that how you treat your suitor?", dagdag niya pa.
"Tumigil ka na, hindi ako natutuwa sayo", gigil kong sabi sa kanya pabalik.
"Where's my morning kiss?", pilyo niya pang sabi habang papalapit sa akin.
Agad akong napaatras sa ginawa niya, bigla akong kinabahan. Hindi pa ako nakapag toothbrush!
"Dyan ka lang! Wag kang lalapit", sabi ko pa sa kanya.
"Too late", sabi niya at saka niya ako kinabig.
Napapikit ako ng mariin, nag aantay na lumapat ang mga labi niya sa labi ko pero walang nangyari kaya napamulat nalang ako. Nakita kong nakangisi siya sa akin, tuwang tuwa sa ginawa niya.
Napasubsob ako ng kaunti sa dibdib niya. Kahit gaano pa siya katipuno pero pawisan parin siya. Hindi maganda yon, yon lang ang bango!
Naramdaman ko nalang na may lumapat sa pisnigi ko ng mag angat ako ng tingin sa kanya. Pinanlakihan ko siya ng mata sa ginawa at tinulak ng malakas.
"Anong gingawa mo? Ba't ka nanghahalik?", tulak ko pero kahit kaunti hindi man lang siya natinag.
"Ehem!", bigla akong napalingon sa likod sa gulat at nakita ni Mama ng nakangiti.
Hinapit ako sa baywang ni Paris at malapit siyang ngumiti kay Mama.
"Ang sweet sweet naman! Mabuti at nakapaggaanan kayo ng loob", masayang sabi ni Mama. Tignan mo pati magulang ko bumilib sa acting niya. Paniwalng paniwala sa amin!
"Halina na kayo, at kakain na tayo ng almusal, alam kong gutom ka na hijo", dagdag pa ni Mama at naglakad na.
So, akong anak mo hindi pa gutom? Ano yon Ma?
"Tanggalin mo na yang kamay mo", matalim kong titig sa kanya.
"Okay, as you say", sabi niya.
Yon nga lang binitawan nga niya ang baywang ko, ginagap niya naman ng mahigpit ang mga kamay ko saka hinila na ako papasok ng bahay.
"We are just starting, my lady", mahinang sabi niya.