CHAPTER 7

2743 Words
BLAKE SHIN DELA VEGA Masaya ako finally she's back. Hawak ko ang kamay nito habang himbing itong natutulog. Busy naman sila Crystal, Winter at ang mga bata sa paggawa ng Welcome home banner na gusto nila ilagay sa room ng kanilang ate. "She's back, so relax na tol." tapik sa balikat ko ni Hanz. Ngumiti ako at tumango. "I know, thanks," pasasalamat ko. Dahan dahan kong inayos ang kamay nito sa higaan at tumayo ako upang lapitan ang mga bata sana. Nang mapansin ko ang kaliwang kamay ni Flame. She's still wearing the ring that i gave her. Ngumiti ako at lalo at hinayaan na itong mag pahinga muna. "Kamusta yan?" tanong ko at tumabi ako kay Cloud na pini-pintahan ng kung ano ano ang cartolina paper. "We almost done po kuya." naka ngiting sagot ni Winter. Tumango naman ako at tinulungan na lang sila sa ginagawa nila. Yung anak ko naman panay silip sa mama niya kung gising na ito o hindi pa. Maya maya tumayo ito at nakita kong humiga sa tabi ng mama niya. Nakita ko din na niyakap niya ito ng mahigpit. Hindi ko mapigilan hindi tumulo ang luha ko ng ma-realize ko kung gaano ka miss ni Cloud ang mama niya. Halos isang niyang hindi naka sama at na yakap. Napa lunok ako at umiling na lang. "Bilis kabit na natin baka magising na si ate!" bulong ni Winter. Kaya naman tumayo na ako tinapik si Hanz sa balikat. "Tumulong ka!" ungot ko dito. Tumawa naman ito at kaming dalawa ang nag kabit ng banner sa harapan mismo ng kama ni Flame. Nang maiayos namin 'yun at sinabi ng mga bata na pantay na bumaba kami at hinayaan ko na si Cloud sa tabi ng mama niya. Dahil tulog ito. Nag handa kami ng pagkain dahil finally bumalik na rin ang totoong nag bibigay ng buhay sa mansion na ito. Ang mga bata ang nag design ng isang cake kasi ayaw magpatalo na kami lang ang mag di-disenyo at sila ate Sky ang gagawa. Kaya ginawan sila ng isa pang cake na para they can decide what the design they want. Nang matapos umakyat ako at nang bubuksan ko na ang pinto narinig ko ang usapan sa loob. Alam ko gising na siya. Kaya agad akong nag text kay Thunder na gising na ang kapatid nito. "She's awake?" bulong ni ate Sky. Tumango ako at nag senyas na makinig lang kami muna. "Mama hindi na po ikaw aalis ulit? Hindi mo ako iiwan ulit?" humikhikbing tanong ni Cloud. Nakita ko naman sila na napa luha. "Opo, hindi na kasi tapos na si mama mag tago. I miss you so much.." sagot ni Flame. D*mn i miss her voice. Mas lalo kung nag sasalita ito kaharap ang mga bata at anak nito. Malambing kasi ito sa kanila pero sa iba daig pa nito ang yelo sa lamig. "Pasok na tayo." utos ni Thunder. Saktong dating nila Damon at ang iba pang pinsan ni Flame. Nakipag fist bump sakin ang mga ito at kay Hanz bago kami pumasok. "Kuya Thunder, kuya Storm!" nakita kong tumayo ito at inalis ang swero na naka lagay sa kamay nito at tinalon ang kama niya at mahigpit na niyakap ang mga kuya niya. Ang pinipigilan kong luha ay kumawala na ng tuluyan. Nang makita ko kung gaano ito nangungulila sa mga kuya niya. Hindi ako nag tangkang lumapit o ano man. Mas maigi na mauna sila dahil ito ang kamag anak niya. Lumapit din sila Winter dito at yumakap sila ng mahigpit. Naging group hug ang nangyari ngayon. Narinig ko ang malakas na iyak ni Flame na parang bata ito na umiiyak. "Masaya ako na bumalik na siya at mag kaka buhay na ang bahay na ito. " bulong ni mommy sa'kin at inakla pa nito ang kamay niya sa braso ko. "I hope dito na mag simula ang kwento niyong dalawa.." dagdag nito. Ngumiti ako at sumagot. "Matagal na nag simula mom, hindi lang matuloy dahil sa obligasyon niya. But i will make sure na dito na mom mag uumpisa." sagot ko. Nang hindi ito sumagot at sinundan ko ito ng tingin. Nagulat ako ng makita ko si Flame na nasa harapan ko. Nakita kong ngumiti ito at biglang yumakap sa'kin "Yun oh! Hindi na kami tututol!" sigaw ni Damon. Ngumiti ako at niyakap ito ng mahigpit. "I miss you so much!" bulong ko at niyakap ko pa ito ng mahigpit. "Miss na miss ko din kayo at ikaw. Noon naka tanaw lang ako sa malayo sinisiguro na maayos kayong lahat!" wika nito kaya naman bumitaw ako at hinawakan ko ang pisngi nito. Patuloy lang ito sa pag iyak. "Shhh.. Tama na 'wag kana umiyak maayos kami dito, baka maka sama sayo ang sobrang pag iyak!" pag aalo ko dito at pinunasan ko ang pisngi nito. Tumango naman ito at humawak sa mag kabilaang wrist ko. Ngumiti ako at nag salita. "Halika mag pahinga kana muna dito. Kailangan mo din bumawi ng kain para kahit papaano mas lumakas ka pa." wika ko at hihilahin ko na sana ito ng baklasin niya ang kamay ko sa pagkaka hawak ko sa kanya sa kanya. Nilapitan niya si mom at mahigpit na niyakap. Hindi na ako nag protesta at hinayaan na lang siya. "Shh.. don't worry for anything hija tapos na ang pag sasakripsyo okay? Tama na okay?" rinig kong sabi ni mom dito. Ngumiti naman ako at nang tingin ko ang mag kakapatid at mag pinsan na Lavistre at Valencia naka ngiti sila. Nag thumbs up naman si Storm sa'kin kaya tumango ako ng bahagya. "Flame ito kumain kana hija alam ko gutom ka.." biglang singit ni nanay Fely. Kumalas naman ito sa pag kakayakap at nakita naman namin itong pumatak na naman ang luha. "Nanay.." ngumuso ito ng parang bata kaya naman natawa na ako. Kinuha agad ni Yj ang tray ng pagkain kaya agad naman niyakap ni Flame si Nanay Fely. "Para ka namang ano d'yan. Halos araw araw tayo nag kikita noon," wika ni nanay Fe. Na kina laki ng mata ko at.. "What??" sabay sabay na tanong nila Thunder. "Pa-paano?" tanong ni Thunder. Nanahimik naman kami para makinig na lang sa kanila. "Lagi akong pumupunta dito mas lalo kapag wala na kayo. Pinapapasok ako ng guard dahil kilala ako." si Flame na ang sumagot. Humarap ito sa'min at huminga ng malalim." Kaya ako pilit na nag tago dahil kapag nalaman nilang tinatago niyo ako. Makakasuhan kayo, hinintay ko din na bawiin ng Presidente ang pagiging wanted ko para malaya na ako maka kilos ng hindi na ngangamba na may maka kilala sakin." naka yuko nitong wika. Nakita ko so mom na lumuha pati si tita Christine ang Mommy ni Kenneth at Kurt. "Inutos ko bago matuloy ang laban ang may halos dalawang taon na ang lumipas na. Kapag nag kaka gulo na ay agad umalis na sila Ken, Lance, Samantha at ang magkapatid na Akira at Asahina. Iwan nila ako sa ganung paraan ako ang nasa front ng giyera." pag amin nito. Napa iling naman ako at nanatiling tahimik. Sila naman ay nakikinig na lang din. Muli naman itong nag salita. "I'm sorry kung tinago ko sainyo. Gusto ko lang hindi tayo sabay sabay makulong lahat ang mga bata ang iniisip ko dahil kapag nalaman nila saan tayo naka tira hindi sila mag dadalawang isip na pumunta. Ang galit na taong bayan, ayoko mag karoon ng trauma ang mga bata dahil sa kagagawan nating lahat." nanatili itong naka yuko. "Una, plano ko isuko ang sarili ko at mag pakulong na lang ng matapos na pero nang malaman ko na balak ni Lolo. Ubusin ang tauhan ko, i take over ang mga tao ko sila Mika ang Underground nag isip ako agad na hindi pwede. Dahil sigurado ako gagawing aso ng matandang iyon kayong lahat. Kukunin ang meron ako, tayo." tuloy nito sa pag papaliwanag. Naka tingin lang ako sa kanya na panay ang singhot. "Kinausap ko si Luther ng palihim kinausap naman ako ni Drake ng palihim. Humiling ako na kapag ang huling kasama ko sa laban kung sino man sa inyo? At kapag may napuruhan sa inyo, kapag tama ako na ako ang kailangan matira saka sila lalabas." tumingin ito sa'min. "Wala akong planong kahit ano. Ang tanging nasa isip ko lang lalaban hanggang huli. Patawad, muntik ko na patayin ang sarili ko matapos ko patayin si Lolo tinutok ko ang baril sa ulo ko ngunit..." napa lunok ito at tiningnan ang anak niya pati ang mga cute na pamangkin niya. "Nang makita ko ang mga ngiti nila sa isip ko. Hi-hindi ko magawang kalabitin ang gatilyo, mahal ko sila at gusto ko pa makita ang mga ngiti nila ulit mga pangungulit nila. Gusto ko pa makita na maayos na ang lahat kahit nasa malayo ako.." pumatak na naman ang mga luha nito at lumuhod ito sa harap namin at binuksan nito ang kanyang mga bisig kaya naman nag takbuhan ang mga bata. Yumakap sa kanya ang mga ito. Walang duda lahat ng kilos niya pamilya niya ang inuuna niya kahit pa siya ang mapahamak. "Yun ang naging dahilan na pinutok ko ang huling bala ko sa lupa. At umalis na lang ako doon ng hindi dala ang motor ko nag tago muna ako sa bundok ng isang linggo hanggang makita kong wala ng pumupunta saka ako malayang bumaba ay nag tungo ako agad sa maynila dahil doon alam ko hindi ako kilala." muling paliwanag nito. Tumingin ito sa kuya niya at muling tumayo. "Kuya Thunder, kuya Storm. Sorry sa pag tatago ko sainyo ng totoo. Sorry kung pinag lilihiman ko kayo, bilang boss gagawin ko yun ng paulit ulit, kayo lang inaasahan ko sa mga bata at sa kumpanya. Kung lahat tayo makukulong paano sila? " pag hingi nito ng tawad sa mga kuya niya. Lumapit ito at lumuhod nakita na naman namin ang malulusog na luha nito. "Kuya. Sorry sa lahat tatanggapin ko kung galit kayo sa'kin naiintindihan ko!" "Hindi bagay sa'yo ang lumuluhod. Halika na matagal na kitang pinatawad Flame!" naka ngiting sagot ni Thunder. Inangat nito ang bunso niyang kapatid. "Sapat na ang narinig namin para mawala lahat ng tampo at tanong sa isip namin. Kaya stop saying sorry matagal ka na namin napatawad hmm?" nakita ko kung paano punasan ni Thunder ang luha ng bunso niyang kapatid. Ito ang pamilya na kahit sa likod ng delikadong gawain at pangalan. Alam mong punong puno ng pag mamahal. Ang pagmamahal na handang isakripisyo ang lahat para sa kapakanan ng nakararami. Si Flame ang halimbawa na handang akuin ang lahat para sa pamilya. Handang iharap ang sariling buhay kay kamatayan para sa pamilya. Pamilya ang naging lakas niya sa lahat ng nangyari at mangyayari pa. Kahit malagay ang pamilya niya sa alanganin hindi siya mag dadalawang isip na kumilos. Hindi lang isang boss na maituturing si Flame isa rin siyang matatag na tao na nakilala ko. Maaring sumuko na kaming lahat ngunit siya ang bubuhay ng dugo ng lahat para bumangon at lumaban pa. Yun ang katotohanan na hindi kaya tanggapin ng lolo at ng mga kaaway niya. And that's the real Leader.. FLAME MORJIANA LAVISTRE Nanatili lang muna ako sa kwarto ko matapos ang iyakan kanina. Napa ngiti ako ng maalala ko ang nangyari kanina. Napa tingin ako sa labas ng kwarto ko nang maalala ko si Lola sa hospital. Dahan dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto ko. Narinig ko sila sa baba na nag tatawanan. Dahan dahan lang ako nag lakad pababa hanggang lumingon si Hanz sa'kin. "Boss Flame bakit ka bumaba?" tanong nito sa'kin. "G-gusto ko sana mang hiram ng cellphone," nahihiya kong sagot. "Hindi mo ba nakita ang cellphone mo sa kwarto mo? Nakuha ni Damon yun sa motor mo." wika ni kuya Thunder. Inalalayan ako nito. "Hindi ko tiningnan, may tatawagan ako." sagot ko. Pinaupo naman ako nito doon ko nakita na kasama pala namin si Miss Aliyah. "Hi po." magalang kong bati dito. Ngumiti naman ito at lumapit sa'kin. "Winter kunin mo yung cellphone ni ate mo sa taas." utos ni kuya Thunder kay Winter. "Kuya hindi na po yun gumagana. Diba tinawagan niyo na ideactivate na ng company yun?" sagot ni Winter. Naka tingin lang ako sa kanila habang nag uusap. "Fine. Ito na lang gamitin mo muna yung sa'kin, tawagan mo yung tatawagan mo bibilhan na lang kita mamaya ng bago." sagot ni kuya Thunder. Tahimik naman akong tumango at kinuha ito. Mabilis kong dinayal ang number ng Doctor ni Lola. "Hello Doc, ako ito si Morjiana kamusta po si Lola?" magalang kong tanong dito. "Okay naman siya Morj. Ano gusto mo na ba siya kunin?" tanong ni Doktora Eden. "Opo ibibigay ko po ang full address ng bahay ko. Dito na lang po siya titira kasama ko." sagot ko. Nakita ko ang nag tataka nilang mga mata. "Okay sige we will prepare the ambulance para madala siya ng hindi siya natatag-tag.." sagot ni Doc. Umiling ako kahit hindi nito nakikita. "No doc, mag papadala ako ng tao d'yan to pick up her pwede ba?" tanong ko dito. "Pwede naman sige hihintayin ko." sagot nito. Binaba ko na ang tawag ko at sunod na tinawagan ang number ni Asahina. "Asahina." banggit ko sa pangalan nito. Nanlaki naman ang mata ni Damon. "Oh ikaw pala? Ano kukunin ko na ba si lola doon?" tanong nito. "Oo alam mo na yun diba? "tanong ko dito. "Oo pero mas maganda kung sila na ang mag hatid sa likod lang kami. Aalalay sa kanila una dahil matanda na yun." sagot nito. "Okay sige payag na ako. Ingatan niyo si Lola ha?" paalala ko dito. "Oo naman kami bahala." sagot nito.. Sunod ko naman ginawa ay sinend ko narin ang address ng mansion kay Doc. Eden matapos binalik ko na kay kuya Thunder ang cellphone niya. "Siya ba ang nag alaga sa'yo noong panahon na nag tatago ka?" tanong ni kuya Storm sa'kin umupo ito sa arm rest ng upuan ko at hinawakan ang buhok ko. Umiling ako at nag salita. "Lagi lang siyang pumupunta kung saan ako namamalagi noon. Tapos nung una na hindi siya nag pakita akala ko kinuha na s'ya ng mga anak niya kaya hindi na ako nag isip tungkol sa kanya. Pero sabi ng mga tao doon nasa bahay daw ito niya. Inisip ko na baka may ginagawa hindi ko siya pinuntahan," kwento ko, yumakap ako kay kuya Storm sa beywang nito. "Tapos anong nangyari?" tanong naman ni Mr. Leo Dela Vega. "Isang linggo hindi ko siya nakikita. Nag alala na ako nag punta ako sa bahay niya doon ko nalaman na hindi na pala siya nakaka kita. Tapos ang baho na niya kasi doon na siya dumu-dumi sa higaan niya." pumikit ako para pigilan ang luha ko. Naramdaman ko ang pag kirot ng dibdib ko. "Doon nag desisyon ako na lumapit sa bahay niya sa gilid ng tambakan ng basura. Kasi kung sa tinu-tuluyan ko hindi kami kakasya, nakuha ko yung wheelchair sa malapit na clinic ninakaw ko yun para kay Lola." kwento ko pa. Narinig ko ang pag higit ng hininga nila sa narinig nila sa'kin. "Nag nakaw ka hija?" hindi maka paniwalang tanong ni Mrs Christine Dela Vega. "Opo. Kasi minsan kailangan ko linisin ang higaan o ilabas siya kapag wala po akong trabaho." sagot ko at tiningnan sila. "D'yos ko, ni isang beses hindi ka man lang humingi sa'min ng tulong? Tutulong kami kahit patago." wika ni Mrs Aliyah. Umiling ako at nag salita. "Ayoko po gawin kasi kapag nakita ako nila kuya baka bigla akong buhatin pauwi dito." naka nguso kong sagot. "Gagawin ko talaga yan! Nag tago ka ng isang taon at halos mag da-dalawang taon? Hindi talaga ako mag dadalawang isip!" pag tataas na boses ni kuya Thunder. Natawa naman silang lahat kaya tinago ko ang mukha ko sa tagiliran ni kuya Storm. "Okay dahil nandito kana rin naman. All you need to do is rest hanggang maka bawi ka. Pabayaan mo muna ang mga kuya mo sa Kumpanya at Underground kaya nila yun." wika ni ate Sky na kararating lang galing kusina. Inabutan ako nito ng isang platito ng ng prutas na tinanggap ko naman. Ngumiti lang ako at hindi na nag salita. Alam ko naman na kaya nila nakita ko sa loob ng halos dalawang taon. - Nothing's perfect, the world's not perfect. But it's there for us. Trying the best it can, that's what makes it so Damn Beautiful..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD