CHAPTER 6

2643 Words
THIRD PERSON POV "Si Flame nga!" masayang sigaw ni Damon at hinampas pa si Earl na kinasama naman ng tingin nito sa pinsan. Sumilay naman ang ngiti sa bawat isa na ng makita na nila ang hinahanap nila. Walang emosyon ito nag lakad sa mahabang bulwagan sa ikalawang palapag. Armado ang kasama ni Flame. Nakita naman nila agad na sumugod ang mga Presidential personnel ng pangulo kasama na ang iilang sundalo. Ngunit isang malamig na salita ang lumabas sa bibig ni Flame. "Kung ako sainyo ibaba ko yan. Kahit kami lang nandito ubos kayo." malamig na banta ni Flame. Napa luha naman si Blake ng makita ulit si Flame kahit si Hanz na-mangha sa pagiging ma otoridad parin ng babae. Si Cloud naman ay masayang masaya na nakita ang mama niya. "Yehey mama ko yan! Diba? Dito pupunta siya po lagi kuya Helliot?" masayang pagtatanong ni Cloud. "Hey, nakikita mo si mama Flame na nag pupunta dito?" tanong ni Winter. Agad nag takip ng bibig ang mga bata sa tanong ni ate Winter nila. "Hey don't lie to us! No secret!" wika ni Winter. Isa isa nilang inalis ang kamay nila. "Opo ate Winter. Nag pupunta ang tita mommy lagi, kapag mga Friday po tapos doon kami sa gate lagi," naka nguso nitong pag sasabi ng totoo. "Tama ako na siya ang kausap ng mga bata may isang taon na ang lumipas. Bigla lang itong nawala noon." wika ni Blake. Naka nga nga naman si Winter sa narinig na sagot ng kuya Blake niya. Kitang kita sa lahat ng television at sa mga tahanan ang paglapit ng pangulo sa dalaga. Ni konting emosyon ay walang makita sa mata nito. Kung anong kina-inet ng pangalan nito yun ang kina-lamig nang binibigay nito sa mga tao. Binaba naman ng mga tauhan ng Malacañang ang kanilang armas. Hindi naman natinag ang tatlo, si Ken, Lance ( L.A ) at Brent sa kanilang pwesto kahit posible silang paulanan ng bala. Napa singhap ang lahat ng ang mismo ang pangulo ng bansa ay yumuko mismo sa dalaga. "Tulad ng pinag usapan natin tinupad ko na ang pangako ko na makalaya kana sa kamay ng batas." wika ng pangulo sa harap ng national TV. "Mabuti kung ganun. Tulad noon wala akong pakialam kung hantingin ako ng mga tao mo, pero kapag pamilya ko ang ginalaw nila. Alam mo na ang susunod na mangyayari," wika ni Flame. Napa ngisi naman si Thunder sa sinabi ng kapatid. Tulad pa rin ito ng dati wala itong pakialam sa masasagasaan niya. "Oo, hinding hindi kami ma-ngingialam sa inyo sa lahat ng operation niyo." wika ng pangulo. Nang ilahad ng pangulo ang kamay niya sa harap ng dalaga ay walang pakundangan itong tumalikod at nag lakad na paalis. "Ibang klase pinuno na ng bansa ang kaharap niya!" natatawang wika ni Damon. Umiling naman si Vlad at Demitri. Nakita nila itong nag lakad hanggang maka labas mismo ng Malacañang Palace at sumakay sa mga sasakyan at motor naman si Flame. "Tingin mo uuwi na siya?" tanong ni Storm sa kuya niya. "Tingin ko hindi pa rin." sagot ni Earl na naka sandal ito habang naka pikit. "Pero humanda kayo panigurado simula sa mga oras na ito may bubungad na banta sa atin!" matigas na utos ni Thunder. "Boss naibalik na lahat sa dati ang Underground System ng T.O.P! Kay Sir Ken po nanggaling ang lahat!" wika ni Jennica. "Okay siguraduhin niyong makaka pasok tayo agad sa access ng buong bansa. Remember, we always need to take control!" muling utos ni Thunder. "Areglado boss!" sabay sabay nilang sagot. SA KABILANG BANDA. "Boss Flame ano na next move?" tanong ni Lance. "Humanda kayo panigurado lalabas ang grupong yun!" utos ni Flame. "Bigyan mo ng babala ang lahat ng tauhan natin. Kumilos ka na agad," utos nito at nag tungo ito sa loob ng hospital upang dalawin ang kanyang Lola. "How is she Doc?" tanong nito sa doktora na ang aasikaso sa mata ng kanyang Lola. "To be honest with you Miss. Lavistre? Hindi na po natin magagawa pa ng paraan ang kanyang mata mas lalo at mahina na si Lola. She need more now, is full support, care and love na lang." pag sasabi ng doktora. Bumuntong hininga naman ang dalaga at magsasalita na sana ito ng hawakan siya sa kamay ng matanda. Naka hawak din kasi ang dalaga sa kamay ng matanda. "Apo, ayos na ako at matanda na rin bilang na rin ang araw ko sa mundo. Hayaan mo na ako hija." nakangiting pakiusap ng matanda. Ang hindi nila alam takot ang dalaga na may mawala na naman na importanteng tao sa kanyang harapan mismo. "Sige po Lola. Iuuwi ko kayo sa bahay ko, doon po masigurado ko po na masaya doon dahil may mga bata po doon. Alam ko sabik sila sa presence ng isang Lola." naka ngiting wika ni Flame. Ngumiti naman ang Doktora. "Tama yan hija. Makakabuti sa kanya na may mga bata pero careful okay?" paalala mula ng Doktora. "Okay doc. Pero sa ngayon dito po muna siya may kailangan lang ako gawin. Lahat ng kailangan niya tell me i will pay it." wika ni Flame. " No problem Miss Lavistre," sagot ng doktora. "Thanks," maikli nitong pasasalamat. EARL LOYD LAVISTRE Hindi na ako nagulat ng makita si Ken dito. Halata ang takot sa mata nito habang naka distansya sa'min. "Explain, kung bakit kayo ang tatago?" tanong ni Thunder. Napa tampal naman ako sa noo ko ng marinig ito mula sa kanya. Alam na niya ang ibig sabihin ng lahat pero nag tanong parin. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Damon. "Pare gusto daw niya makuntento. So, go answer it. I'm sure itatanong din niya yan kay Flame.." pang aasar naman nitong isa. Sa ines ko binatukan ko ng hawak kong paper cup na pinag lalagyan ko ng kape ko. "Puro ka kalokohan!" bulyaw ko dito. Naka nguso itong lumingon sa akin. "Totoo naman ah?! Alam na nga niya eh!" sigaw nito. "Si boss Flame na lang po ang mag e-explain ng lahat para sa kanya na mismo mang galing ang lahat. Ang utos lang sa akin ay sabihin sainyo na may parating na kalaban," mahinahon nitong sagot. Nag ka tinginan kami ni Storm si Damon naman ay nag salita na. "Okay, kalaban na naman. Hindi ba sila napapagod? Sabagay nakapag pahinga sila ng isang taon mahigit! " naka ngiti nitong wika. Natawa naman si Storm sa kalokohan ng isang 'to. "Minsan iniisip ko bakit ako may pinsan na katulad mo?" bulyaw ko dito. "He-he-he dumadami na lumalabas sa bibig mong salita fafs!" puna nito.. Tumikhim naman ako at umalis na lang sa tabi ng gung-gong na 'to. Tumayo ako at nag tungo sa unahan. "Eto ang malaking tanong sino ang kalaban?" tanong ni Ezekiel. "Ang Cervantes Family bagong pamilya sila sa bansa. At gusto nila kunin ang position kay Flame bilang mafia. Gusto nila ito noon pa pero hindi sila makalapit dahil na rin konti ang tauhan nila. This is the full information of that family." salubong ang kilay ni Ken at inilapag sa gitna ang bundok na information. "Paiik-kliin ko ang information. Meron silang private army ang head of the family nila na si Don. Francis Cervantes isa itong retired Army isa din siyang senador noon." kwento nito. "Okay ano pa dapat namin malaman?" tanong ni Thunder. Tahimik naman akong binabasa ang ibang information. Ganun din sila. "Ang goal guluhin sila at huwag patayin pero kapag may nasaktan isa sa atin tapusin silang lahat! That's the command from Boss Flame." sagot nito. Malaki din ang pinag bago ng taong ito. Hindi niya ito trabaho pero dahil wala si Flame ginawa niya ito. "But where's my sister?" tanong ni Thunder dito. "Huwag kayo mag alala mag papakita na siya sa inyo. Give her a time, mauna na ako na kay Mika na ang exact location kung saan magaganap ang inaasahan na laban." paalam nito at mabilis umalis. THIRD PERSON POV Nang makarating sila sa lugar, doon nila napagtanto na may kasama silang mga parak na pinag tataka naman nila. "Ibig sabihin kasama na natin ang mga parak na yan?" tanong ni Vladimir. "Mukha nga! Okay boys laban na!" utos ni Thunder. Tinakpan nila ang mukha nila at nag kanya kanyang labas. Bitbit ang matataas na kalibre ng baril, ang masakit nito ay nasa gitna pa talaga sila ng malaking highway sa Sandiganbayan pa. Nakita nila ang unti unti pag labas ng mga naka itim na lalaki dala din ang mataas na kalibre ng baril. Na alam nilang galing pa ito sa ibang bansa at iligal na pinasok sa bansa. "Be ready and don't f*cking die!" bulong ni Thunder. Nang itaas ng kalaban ang baril ay siyang pasok naman ng apat na motor na puro itim. Walang pasabi nagsimula ang mga ito ng pag papa-putok. Doon nila napansin na si Brent, Ken, Samantha at Asahina ito. "Sasali kami d'yan! Be prepared! Puro private army sila!" sigaw ni Samantha. "Alright!" sigaw ni Damon. Hindi sila pwede mag hagis ng granada dahil masisira ang mga kalapit na establisyimento. "D*mn it! Thunder covers me. I need another bullet!" sigaw ni Demitri. "Okay!" sigaw na sagot nito at pumuwesto ito sa harap ni Demitri at mabilis na ang reload ng bala. Matapos ay nakipag palitan na rin ang dalawa. Ang ingay ng paligid sa dahil sa mga putok ng baril. Nakita din nila halos bilang na lang sa daliri ang natirang pulis. "Wala din kwenta! May mga vest nga patay naman agad!" sigaw ni Earl nakipag palitan din ito ng bala sa mga private army sa itaas na bahagi na ginagawang riles ng tren. Nang makita nila na may ihahagis ang kabilang panig doon nila nakita kung ano ito. "Isang lason yan!" sigaw ni Ken. Bago pa sila maka takbo agad lumitaw ang isang Lamborghini Monster na sasakyan. Naka taas ang hood nito nakita na agad nila kung sino ito. Hindi pa tumitigil ang sasakyan ng tumayo na ito. "Lance sabay tayo! Ngayon na!" sigaw ng dalagang si Flame. Agad tinaas ni Flame ang baril niya at pinag aasinta ang mga tinapon na lason ganun din si Lance sa malayong distansya. Doon nila nakita na hindi pa rin nagbabago ang galing ng babae sa pag asinta kahit pa gumagalaw siya. "Huwag kayo tumanga d'yan! 8 o'clock left side patamaan niyo!" sigaw na utos ni Flame. Mabilis itong bumaba sa sasakyan at nilapitan ang kapatid na lalaki at mahigpit na niyakap. "Kuya Thunder!" sigaw nito. Nakita niyang lumuha ang nakaka batang kapatid kaya wala siyang nagawa kundi gantihan ang yakap nito. Yakap ng pangungulila ng matagal na panahon. "Trabaho na muna," bulong ni Flame sa nakakatandang Kapatid. Mabilis itong kumalas at muling kinargahan ng bala ang hawak niya. Mabilis din inilagay ng dalaga ang kanyang earpiece sa kanyang magkabilang teinga. She's now ready to command! "To all DCN, Black Organization men and Dark Organization. Makinig kayong lahat," putol na wika ni Flame. Nagulat ang DCN organization member ng marinig nilang kasama na nila ang dalawang organization na halos mailap sa kanila at sa mga kalaban.. "Totoo ba ito?" hindi maka paniwalang tanong ni Damon. Nakita niyang nag kalat ang mga tauhan ng dalawang Organization. "Tapusin ninyo lahat ng makita niyong kalaban. Huwag na huwag kayong mandadamay ng hindi kasali. At pakiusap protektahan ninyo ang mga tao!" utos ng dalaga. Napa ngisi si Thunder, Ezekiel, Vlad, Demitri at Earl. "Let's get it on baby!" naka ngiting wika ni Damon. Ang sumunod na nangyari ay ang nag pagulat sa lahat ng tao na live na nanonood sa kanilang bahay. Ang iba ay naka nga-nga sa galing lumaban ng grupong ito. Nakita nilang kahit malayo sila asintado parin ang grupong ito sa pag baril. Hanggang isa isang bumagsak ang mga kalaban. Nagkalat ang dugo ng mga kawawang private army ng pamilya Cervantes. "Ito ang mang yayari kapag pilit niyong kukunin sa'kin ang position ko. Ako lang ang pwedeng mag desisyon ng bagay na yon." malamig na wika ng dalaga at tumalikod na ito. Humarap siya sa mga kuya niya. Kasabay ang pagbagsak nito na agad naman nasalo ni Earl ang pinsan. "Anong nangyari? Flame?!" sigaw na tanong ni Earl. Walang pag dadalawang isip na binuhat niya ito doon niya napagtanto na.. Napaka-gaan ng dalaga. "Bakit may problema at napa tigil ka? Bilisan natin!" sigaw dito ni Thunder "Napaka gaan niya!" Sagot ni Earl at mabilis itong sinakay sa itim at bullet proof na van. "Kayo na bahala sa kotse!" utos ni Thunder at mabilis pinaandar ang van patungo sa Mansion. "Madrid, mag madali ka dala namin si Flame bigla siya nawalan ng malay!" si Earl ang tumawag kay Doktora Madrid. "Okay I'm on my way!" sagot ni Madrid. THUNDER LAVISTRE Mabilis kami nakarating ng mansion at ako na mismo bumuhat kay Flame papasok ng mansion. Na saktong dating ni Madrid. "Thunder! Sa infirmary bilisan mo!" utos ni Madrid. Tumango ako at mabilis na nagtungo doon. Nakita ko si Blake at ang ibang Dela Vega. "Flame?" narinig kong wika ni Blake. "Alexa open the door now!" ma otoridad kong utos sa A.I ng mansion nang bumukas ito agad kong hiniga si Flame at umatras na ako. Pumasok naman si Madrid at agad tiningnan si Flame. Pumasok din sila Nanay Fely at ang iba pa. Nakita kong umiling si Madrid. "Hailey anong problema?" nag aalala kong tanong. "May problema siya sa health niya. Kawalan ng sapat na kain ang sanhi ng pagkaka himatay niya kanina at mataas din ang lagnat niya." wika ni Madrid. Halos mabuwag ako sa narinig ko. Nakita kong inalis ni Madri ang suot ng kapatid ko doon ko nakita ang daming pantal at sugat ng kapatid ko. "She also have a skin rashes. Sigurado akong nakuha niya ito sa lugar kung saan siya noon nagtatago. Maruming kapaligiran, But no worries magagamot siya agad." pagbibigay assurance ni Madrid. "Lumabas na kayo muna kailangan ko siyang hubaran.." utos nito kaya agad kaming lumabas. Binuhat ko ang anak ni Flame dahil gusto na naman mag pa buhat. Nang maka labas kami palakad lakad naman ako hanggang mag reklamo si Cloud. "I feel dizzy na po," si Cloud sabay subsob nito sa leeg ko. Agad kong kinapa ang noo nito. "Hindi ka naman nilalagnat ah?" tanong ko dito, sinilip mo pa ang mukha nito. Narinig ko ang mahinang tawa ng kasama ko. "Nahihilo siya hijo kasi kanina ka pa palakad lakad," natatawang wika ni Miss Aliyah. Napangiwi naman ako at nag kamot ng ulo. "Kaya pala okay hindi na sorry.." wika ko at binigyan ko ng halik sa ulo ang pamangkin ko. Maya maya lumabas na si Doc--- Hailey na lang. "Kamusta siya?" tanong ko agad. Nag tayuan naman sila Miss Aliyah at ang iba pa. "For now obserbahan ko pa siya. Nay please magluto ka ng pagkain na masarap at healthy more on sabaw para bumalik ang lakas niya. I'm sure gigising siya ng gutom. At ito ang iinumin niya vitamins yan at ilang gamot." mahabang paliwanag ni Hailey. "Okay salamat! Blake, you can handle this ikaw na lang mag bantay sa kanya." pinasa ko kay Blake para naman pag gising ng kapatid ko siya ang una nitong makikita. I know miss na miss na niya ang kapatid ko sa tagal na wala itong bakas na kahit ano. "Sa-salamat!" nauutal nitong pasasalamat. Ngumiti ako at nag salita. "Please take care of her. " paalala ko dito. Tumango ito at ngumiti sa'kin. Don't get me wrong, mag papakita ako sa kapatid ko gusto ko lang siya ang mag bantay dito. Deserve niyang alagaan muna si Flame. Nakikita namin kung gaano niya ito kamahal at si Cloud hindi ako ganun ka damot na tao. Past is past ika nga nila. We move on from our past, so we can move forward easily. - Don't be so quick to judge me. After all, you only see what I choose to show you..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD