CHAPTER 8

2629 Words
FLAME MORJIANA LAVISTRE Nang dumating ang ambulansya sa bahay kasama si Lola hinayaan ko muna itong mag pahinga sa naka laan na silid niya sa ibaba. Sabi kasi nila kuya doon na lang ito dahil matanda na ito. Para hindi na rin kami mahirapan kung gusto namin siya ilabas. Pumayag na ako dahil utos ni kuya, ngayon nandito lang ako sa balcony ng kwarto ko habang nasa hita ko ang anak ko na naka upo. "Mama. Love mo po ba si daddy?" tanong nito sa'kin. Tiningnan ko ito at nginitian. "Oo naman why?" tanong ko naman din dito. Ngumiti ito kaya inayos ko ang buhok nito. "Because, daddy always says he loves you so much." sagot ng anak ko. Ngumiti naman at hindi na umimik. Alam ko noon pa man nakikita ko yun sa mata niya, kahit maka ilang beses niya akong sinubukan idaan sa marahas na paraan. Na ngingibabaw yung respeto niya sa'kin. Niyakap ko ang anak ko ng mahigpit hanggang may humawak sa balikat ko at humalik sa pisngi ko. Nang lumingon ako. "Daddy!" tawag ng anak ko sa daddy Blake niya. Agad kong pinakawalan ito sa yakap at hinayaan na mag tungo ito sa daddy niya. "How's your feeling hon? Hi baby? And how about you? Baka naman pinasakit mo na agad ulo ni mama ha? Bawal pa.." tanong nito sa amin dalawa ng anak ko, binuhat niya ito at umupo sa kaharap kong upuan. "I'm fine. Medyo na ninibago lang ng konti, ikaw? Akala ko ba papasok ka sa opisina?" tanong ko dito. "Daddy baba ako!" paalam ng anak ko. Hindi na nito magawang sumagot sa daddy niya. "Okay careful and don't run," paalala ni Blake sa bata. "Galing ako saglit may pinirmahan lang ako. Pinabalik ako agad ng kuya mo dito, kasi gusto niya ako mag monitor sa'yo at masigurado na kumakain ka ng maayos. " naka ngiti nitong sagot. Hinawakan nito ang kamay ko. Napa tango ako at nag tanong. " Galit ba sa'kin sila kuya?" tanong ko dito. Nanlaki ang mata nito at mabilis naupo sa tabi ko. Ramdam ko kasi na umiiwas sila sa'kin. "Hey, hindi sila galit sayo maybe, nagtatampo ng konti.." sagot nito. Ramdam ko ang pag pisil ng kamay nito sa kamay ko. Napa lunok ako. "Hindi na ako babalik sa Underground bilang boss. Ipapaubaya ko kina kuya ang pamumuno dito. Matapos ang nangyari at ilang beses na niyang tinake over ito, alam ko ayaw niyang mamuno noon, dahil kay lolo. Ngayon wala na siya so pwede na niya ito hawakan." mahabang wika ko. "Hey teka san ba nang gagaling itong sinasabi mo? They're all wait until you comeback para lang sa position na yun. Pero Flame makinig ka kung may problema naman sabihin mo agad. Wala na ang Lolo mo malaya ka na mag salita ng malaya. Nang hindi iniisip na may mag pakakatiwalaan ka pa ba?" mahabang paliwanag nito. Hindi ko na napigilan na lumuha at tiningnan ito. "Ramdam ko na galit sila sa'kin. And I can't stand that, gu-gusto ko nga na bumalik na lang kami ni Lola sa pinag lagyan sa'min ni Ken. Pakiramdam ko hi-hindi na ako welcome dito." pinunasan ko ang pisngi ko. BLAKE SHIN DELA VEGA Hindi parin nawawala ang bilis nitong makaramdam sa emotion ng iba. Totoong galit sila kay Flame mas lalo si Earl nang nasa opisina kami narinig ko sila na nag uusap about Flame. Walang meeting si Thunder ngayon at Storm but they choose to leave nasasakal daw sila sa presence ni Flame at ng matanda. Niyakap ko ito at hinayaan umiyak. Hindi pwede na ganito na lang sila lagi kay Flame, hinanap nila si Flame tapos nandito na ito ay bigla na lang silang mag babago? "Intindihin mo na lang muna sila." bulong ko dito. Naramdaman ko naman ang pag tango nito. Nang tumahan ito ay nag paalam muna ako na lalabas para mag bihis. Nang makita kong gabi na alam ko masaya sila Nanay Fely, ate Joan ay Joyce na nandito na rin ang amo nila. "Nak. Tahimik ka may problema ba?" tanong ni mommy. Kasama namin dito sila Hanz at Kurt at Kenneth. Kahit si Jun at Yj ay nandito din except kay Crystal. Napa buntong hininga ako at nag salita. "Ramdam ni Flame na galit ang mga kuya niya sa kanya. Which is true, hindi ko alam bakit at kailangan nila magalit." sagot ko. "My god! Hindi ba nila pwede isantabi muna yan? Mas kailangan sila ngayon ng kapatid nila." hindi maka paniwalang tanong ni mommy. "Siguro Tita dahil na rin sa matagal na nawala si Flame, they don't know how they feel towards her." sagot ni Kenneth. May point si Kenneth doon. Matagal din ang halos dalawang taon na rin na hindi ito nag pakita. Mag sasalita pa lang sana ng pumasok si Crystal. "Mom ayaw po ni ate Flame sumabay kumain sa baba. Nandyan daw po kasi sila kuya Thunder." sumbong nito. Napa iling na lang ako tinapos mag bihis "Pupuntahan ko siya at ako na at ako na lang sasama sa pagkain sa kanya." wika ko ng maka labas ako. Pag pasok ko sa kwarto ni Flame wala ito doon. "Akala ko ba ayaw ni Flame?" tanong ko naman. Pansin ko ang bukas na bintana at ang suot niya kaninang damit. Mabilis akong lumabas at tinakbo pababa na sakto nandun na ang lahat. "Nandyan ba si Lola? Si Flame bumaba ba?" sunod sunod kong tanong. "Huh? Ayaw niya po sumabay kuya ito nga po hahatiran namin siya." sagot ni Winter. Saktong labas ni Lola Pacita. "Wala siya sa kwarto niya nakita ko ang pinag palitan ng damit." sagot ko na kina tayo ni Thunder. "D*mn it! Where is she?!" galit ang tono nito sa pag tatanong. "Baka naman nasa cr?" tanong ni Storm. "May iku-kwento ako sainyo. Kayo ang pamilya niya diba pamilya ni Jiana?" tanong ni Lola Pacita. Lahat kami natahimik. "Noong bago sa lugar namin, napa mailap niya sa ibang tao nakita ko din ang pasa at mga sugat niya. Maraming gusto siyang pag tripan noon mas lalo mga tambay doon pero hindi siya nag patalo," panimula nito. "Ngunit habang tumatagal nagiging malambot siya kita ko sa mata niya nung panahon nakaka kita pa ako. Isang araw naka titig siya sa billboard may dalawang lalaki na napaka gwapo," putol niya. Ngumiti ito kahit wala ng ipin ito. "Akala ko crush niya. Nagulat ako ng sabihin niya na mahal niyang kapatid ang mga yun doon na siya nag simula mag kwento kung sino siya." "Mahal kayo ng kapatid ninyo. Kung ano man ang ginawa niya ay para sa inyo yun. Masama siyang tao sa paningin ng marami pero sabi ko sa kanya. Maaaring ang isang daang tao ay tingin sa kanya ay masama pero sa isang daan doon may isa pa rin na hindi masama ang tingin sa kanua." wika nito. Tumayo ako ng maayos at pinakinggan si Lola nakita ko naman na naikuyom ni Thunder ang kamay niya. "Lambutan niyo ang puso niyo para sa kanya. Higit na kailangan niya kayo, marami kayo na hindi pa alam sa kanya na nangyari, lagi siyang umiiyak sa gabi kapag umalis na ako matapos ko hatiran ito ng pagkain.." "Alam niyo ba na ang sabi niya. Kapag binawi ang pagiging wanted niya dadalhin niya ako dito? Para makakain ako ng maayos at magamot dahil sabi niya marami siyang pera?" nakita namin na lumuha ito. "Sabi nya kahit daw magalit kayo sa kanya tatanggapin niya ng buong buong. Napaka taba ng puso ng batang iyon, nakaka tuwa na may katulad pa niya sa mundong ito, sabi niya kapag wala ng tumanggap sa kanya aalis siya yun ang narinig ko habang kausap ang kaibigan niyang lalaki." wika nito. Nagulat ako ng may pumasok sa main door. "Tama si Lola. Hindi nag pakita si Flame para bumalik, handa na siyang igive up ang mafia position dahil gusto niya tumira sa tambakan ng basura na yun. Kung mag mamatigas kayo hindi ako mag tataka kung icut off niya ang sarili niya sainyo." wika ni Ken. "Galit kayo naiintindihan niya yun, pero sana isipin din ninyong anong sakripisyo ang ginawa niya para sainyo. Hindi niyo man hiningi pero ginawa niya para sainyo. Bakit? Dahil ayaw niyang doon na mag tapos ang buhay niyo nang hindi nararanasan maging masaya." mahabang paliwanag nito. Kinuha ko ang susi ko sa bulsa at nag salita ako. "Hahanapin ko siya at ibabalik dito." malamig kong wika at nag lakad na palabas. THUNDER LAVISTRE Nakita ko paano tumingin si Ken sa'kin. "Huwag kayo mabalot ng galit sa ginawa niyang desisyon." wika ng Lola ni Flame. Nakita ko si Earl na umiling. Napa lingon kami ng sumulpot si Brent. " Ginusto niya noon lumapit sa inyo pero natatakot siyang marinig na galit kayo sa kanya. Kaya nag tago kami at itinago din siya. " wika nito. "Araw araw naka tanaw si Flame sa malayo para lang masigurado na ayos lang kayong lahat. Ka muntik muntikan na ang kapatid niyong babuyin ng mga lalaki alam niyo ba na gusto niya mag sumbong sainyo, dahil wala siyang laban? Natatakot siyang maka patay. Kami ang kumilos para hindi na siya balikan!" panunumbat ni Brent sa'min. "Nag bibigay kami ng clue ngunit patay malisya parin kayo! " sigaw ni Brent. Napa nga-nga ako napa upo na. Napa tingin ako kay Earl na saktong pag bagsak ng luha nito. Lahat kami binaliwala ang clue na yun dahil iniisip namin tungkol lang yun sa mga ilegal na gawain tulad ng dr*gs. "She always crying every night hoping one day maka balik na siya dito at maka sama na kayo ulit. Tapos ipaparamdam niyo lang sa kanya na galit kayo? Anong klase kayong kuya? Matapos niyong hanapin ito gagawin ninyo?!" pag tataas na boses nito. "Aalis muna kami. Kailangan ko mahanap si Flame." wika ko at tumayo na ako. "Isa lang ang pinupuntahan niya kapag malungkot siya. Ang magulang n'yo." wika ni Lola. Tumango ako kahit hindi ito nakikita. Mabilis kong kinuha ang susi sa gilid ng main door ng mansion Wala akong imik na lumabas at nilagpasan ang dalawang lalaki. "Kuya sama ako!" sigaw ni Storm. Lumabas na rin si Thunder saktong dating ni Vlad. "San kayo?" tanong ni Vlad sa'min. "We need to find Flame now. Before it's too late." sagot ko at sumakay ako sa kotse ko at si Storm sa passenger seat. BRENT LAVISTRE VALENCIA "Paano pa kaya kapag nalaman pa nila ang isa pang sekreto ni Flame?" tanong ni Ken. "Panigurado baka mismong mga kapatid na niya ang mag palayas sa kanya." sunod nitong wika. Umiling ako at nag salita. "Hindi natin hahayaan yan. Ang importante ngayon ipaintinde sa kanila ang nangyari kay Flame. Kailangan nila maalala ang sakripisyong ginawa ni Flame para sa lahat." sagot ko. "Tama ka d'yan." pag sang-ayon nito. Napag desisyunan namin na hintayin sila at maki kain na rin dito dahil gutom na din naman kami. "Hi kuya Ken!" naka ngiting bati ng dalawang dalaga kay Ken. Yung mga bata naman sa akin lumapit agad. Hindi naka takas ang pisngi ko sa mga matatamis na halik nila. Ngumiti naman ako binigyan din sila ng tig iisang kiss sa cheeks nila. Kumain na kami ng maayos at ako naman ay inaasikaso ko ang katabi kong bata which is si Hermoine dahil ayaw niya sa mommy Sky niya ang mag pakain sa kanya. FLAME MORJIANA LAVISTRE Matapos ko kumain sa malapit na karinderya kung saan ang magulang ko naka libing nag tungo ako sa puntod ni mama at papa. Nilagay ko ang pagkain na bibili ko at naupo ako sa malaking bato yumuko lang ako doon at hindi umimik. Gusto ko lang lumipas ang oras hanggang maka limutan ko na ito at saka ako uuwi. Alam ko hahanapin nila ako pero wala akong balak umuwi doon ngayon. Nasa maayos naman na nakalagayan si Lola alam ko aalagaan siya ng mga tao doon. Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ko na maaari ako ulit umalis doon. Naikuyom ko ang kamao ko at tumayo agad ako. "Hindi ko pwede sirain ang pangako ko sa anak ko na hindi na ako aalis!" wika ko. Tatanggapin ko na lang galit nila sa'kin. Ang importante nasa tabi na ako ng anak ko. "Mama, papa uuwi na po ako sa totoong bahay ko. "naka ngiti kong paalam. Palakad na sana ako ng may nakaka silaw na ilaw ang sumalubong sa'kin. Agad kong kinuha ang b*ril ko na nasa likod ko hanggang namatay ang makina ng kotse ang natira ay ang ilaw sa likod na kasama nitong sasakyan din. "Flame! Put your gun down!" utos ni kuya Thunder. Kaya naman agad ko naman tinago ang baril na hawak ko. Nagulat ako na nandito sila. Kuya Vlad, Thunder, Storm at si Blake. Isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa'kin. Nagtataka man ako ay niyakap ko din ang kuya ko. "Sorry kung naramdaman mo na galit kami sa'yo. I'm sorry h-hindi na mauulit please, wag kana umalis okay?" bulong ni kuya Thunder sa'kin.. How? Sinabi ba ni Lola o ni Blake ang nararamdaman ko. Napa tingin ako kay Blake na umiiling ito. "Shh don't think to much. Let's go umuwi na tayo!" kumalas si kuya sa yakap. Naluha naman ako at tumango na lang ng tahimik. "Sorry po kuya!" pag hingi ko ng tawad. "Shhh. Stop that, let's go masyado ng gabi hindi maganda para sa'yo." hinubad nito ang suot niyang leather jacket at pinatong sa ulo ko. Wala akong imik na nag lakad patungo sa kotse ni kuya Thunder. Panay naman hingi ng tawad si kuya Vlad sa kabilang linya ganun din si Earl at Kuya Storm. Natawa na ako at nag salita. "Okay na tama na. Naririnde na utak ko. Ayos na ako." awat ko sa kanila hanggang marinig kong tumawa si Vlad pero si Earl naman ay tahimik lang. I hope dito na mag simula na mas lalong tatag ang samahan naming lahat. Ngunit na ngangamba parin ako na kapag nalaman nila ang isa kong sekreto. Napa kagat ako ng ibaba ng labi ko at napansin ni kuya Storm yun. "May problema ba Flame? You're shaking." tanong ni kuya Storm. Lumingon ako at umiling bago sumagot. "Wala kuya may inisip lang ako. " sagot ko. Sana bago ko sabihin sa kanila gumaling na siya at magising na siya. I hope magigising na siya ramdam ko yun. BLAKE SHIN DELA VEGA Naka upo lang ako sa balcony habang hawak ang binili kong sing-sing for Flame again. Matagal ko nang binili ito, sabi ko noon kapag bumalik siya mag po-propose na ako sa kanya. "Your planing to propose?" tanong ni Mom sa'kin. "Yes mom. Tingin mo ba oo na siya this time?" tanong ko dito. "Really kuya? We will help you!" masayang tanong ni Crystal. Ngumiti ako at nag tanong "Really? I would love that. Oo sana gusto ko na pakasalan siya." sagot ko dito. Narinig ko naman na tumili ang kapatid ko. "Oo anak sasagot siya ng 'Yes' don't worry anak. Sigurado ako d'yan. Nakikita ko yun." naka ngiting wika ni mom ay hinawakan ang balikat ko. "Ako na ang pinaka masayang lalaki kapag nangyari yun Mom. The woman i love is saying yes to me and willing to be my wife?" naka ngiti kong sagot. "And i am happy too son." ngumiti sa'kin si mom.. Dahil sa excited si Crystal panay ito tanong sa'kin gusto ko ng garden set kasi alam kong mahilig si Flame sa bulaklak at mahilig ito sa garden theme. Sila na daw ang bahala mag hanap ng magandang venue at garden. Gusto ko garden talaga ayoko ng hotel garden. Pahirap daw ako sa kanila mga estudyante lang sila. Sabi ng kapatid ko tumawa lang ako sa reklamo nito pero sumang-ayon parin naman. - I made a mistake and then a mistake made me..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD