THIRD PERSON POV
Habang nag lalakad papasok ng hospital napansin agad ng dalaga ang mga motor sa labas na kanina ay wala. Nang mag lakad siya patungo kung saan naka confine ang Lola Pacita niya nang makita niya ang kanyang kapatid na si Storm at ang pinsan na si Damon.
Napa atras ang dalaga hanggang mabitawan nito ang hawak niya na siyang lumikha ng ingay.
Pag lingon ng dalawang lalaki nanlaki ang mga mata nito ng makita nila ang matagal na nilang hinahanap. "Flame!" sigaw ni Damon,
Mabilis tumakbo ang dalaga palabas ng hospital at humabol naman ang dalawa sa kanya. Mabilis kumanan ang dalaga at doon tumakbo, pag lingon niya nakita niyang mabilis naka sunod ang pinsan at kapatid na may kapwa may kausap sa kabilang linya.
"Sh*t!" bulong niya. Mas binilisan niya pa ang takbo hanggang kumanan siya sa maliit na eskinita. Saktong nasa gitna na siya ng may humarang sa dulo na isang Lamborghini
Alam niyang kay Earl ito at kaya napa atras agad siya ng bumaba ito. "Flame please sumama ka na sa'min. Tama na ang habulan at taguan. Alam na namin bakit mo 'to ginagawa!" pakiusap ni Storm sa kanya.
"Hayaan niyo na muna ako." malamig na wika ng dalaga.
"Hayaan?! Paano ang anak mo? Lagi ka niya hinahanap, hindi ka ba na kokonsensya na iniwan mo na lang siya? Si Blake nangako ka sa kanya diba? " sagot ni Storm.
Biglang naalala ni Flame ang pangako siya sa binata na babalik siya. Doon lumabas ang luha na matagal din tinago. Napa ngiti sila ng lumambot ito ngunit nagulat sila ng umakyat ito sa basurahan at umakyat sa pader.
"Bwiset!" mura ni Storm.
Agad nag salita si Earl. "Hayaan na natin siya. May dahilan siya nakikita ko sa mga mata niya na may dahilan siya," wika ni Earl at bumalik ito sa kotse niya.
STORM LAVISTRE
Pinag masdan ko na lang si Earl na umalis hanggang nakaramdam ako ng mahinang tapik sa balikat ko. "Sang-ayon ako kay Earl kasi kung lalo natin siya lalapitan baka mas lalo tayong malagay sa alanganin. Kapag nalaman ng mga parak na alam na natin kung nasaan siya." makahulugan na wika ni Damon.
Nilingon ko ito. "Huh?" takang tanong ko.
"Hindi mo parin ba naiintindihan? Wanted si Flame inako niya ang lahat ng sisi para maging malaya tayo para sa mga taong pino-protekatahan niya. Kung lahat tayo mauuwi sa kulungan. Paano sila Cloud?" pag tatanong nito sa'kin.
Nanlaki ang mata ko ng maintindihan ko ang punto niya. "Mananagot tayo sa batas kapag may itinago tayong wanted. Kaya siya pilit lumalayo.." wika ko.
Ngumisi ito, "Nakuha mo din. Ngayon hintayin natin ang desiyon ng pangulo, at doon na mag sisimula ang totoong laban.." hindi maalis ang ngisi nito sa labi ng banggitin ang mga salitang iyon.
Nakapag desisyon kaming umalis na at bumalik na lang sa Underground. Hanggang may madaanan akong Vet Clinic at kasama na nag titinda din ng mga alagang hayop.
Dumaan ako at tumigil doon nakita ko din na tumigil si Damon. Halos sabay kaming bumaba ng sasakyan. "Bibili ka?" bungad na tanong ni Damon sa'kin.
"Oo. Siguro naman magustuhan ng mga bata ito?" hindi sigurado kong tanong.
"Aba'y oo naman. Kilala mo ang mga bata na yun napaka dali mapasaya." naka ngiti nitong sagot..
Natawa naman ako at tumango na lang magka sunod kaming pumasok sa loob at nakita agad namin ang iba't ibang alaga dito.
"Magandang araw. Bibili ho kayo?" naka ngiting bungad ng matabang babae sa'min na tingin ko ay may asawa narin may suot na wedding ring.
"Opo. Gusto po sana namin aso?" naka ngiti kong sagot.
Nakita ko naman na nag libot si Damon. "Pare pwede kaya natin sila bilhin lahat? Parang ayoko na sila iwan dito." tanong nito.
"Basta ikaw mag babayad, pwede naman yun!" sagot ko dito. Narinig kong natawa naman ito.
"Eto po sir ang mga binibenta iba po kasi sa kanila ay bayad na kukunin na lang, " paliwanag ng babae.
Tumango naman ako at mag sasalita na sana ako ng unahan ako ni Damon. "Eh saan po ba dito ng bayad na?" tanong ni Damon. Habang pilit pinapasok ang daliri niya sa loob ng kulang ng isang puting tuta.
"Yang buong kaliwa po." sagot nito. Tinutukoy niya yung mga kulungan kung saan naka pwesto si Damon.
"What? Pati itong cute na mukhang cotton candy?" hindi maka paniwala na tanong nito. Natawa naman kami sa ginamit nitong salita.
"Opo sir eh. Pero may isa pa kaming ganyan gusto niyo po?" tanong ng babae sa kanya. Kaya agad niyang tinalikuran yung kulungan na yun..
"Asan na siya? Bilhin ko mag kano siya?" tanong naman nito. Natawa na lang ako dahil nag asal bata na naman siya.
"Nasa 32 thousand po ang isa Shih Tzu Poodle or Shih-poo kung tawagin.." paliwanag nito.
Natawa ako sa reaksyon ni Damon na naka hawak pa sa dibdib niya at umakting na nawalan ng hininga. "Para sa maliit na cotton candy na yun? 32 thousand? May ginto ba buto non?" tanong nito na lalong kina tawa ko.
Pati yung ibang staff natawa na rin sa banat nito. "Siraulo!" sigaw ko dito at binigyan ko ng isang batok ito.
"Ang mahal pinsan eh!" naiiling nitong sabi. Nakita kong kinuha ng babae ang tuta sa kulungan.
"Ito po sir." natatawa parin sila sa isang 'to. Ako naman ay nag tingin tingin din at nakita ko ang love birds sa isang cage.
"May bumili na ba n'yan?" tanong ko sabay turo sa kanan.
"Wala po sir." naka ngiti nito sagot. Kinindatan ko ito ibig sabihin kukunin ko yun.
Kaya agad nito inutusan ang lalaki na staff na ibaba yun. "Pare sa 32k? Ganito ka liit? Ano pag kain nito? Kinakas na gold bar?" biro na naman nito.
Nag tawanan na naman ang ibang staff. "Haha si sir parang ano. Pwede po yan sila sa ganitong klaseng pagkain po." turo nito sa mga naka sachet na pang asong pagkain.
"Susyal ka ha? Sige kunin ko ito, saka yung pagkain ha?" naka ngiting utos ni Damon.
"Dito po tayo sir!" aya ng babae.
"Teka baka may magustuhan pa ako. Para sabay sabay!" awat dito ni Damon napa iling naman ako.
Nakita ko ang cute na brown na golden retriever. "Miss mag isa na lang siya?" tanong ko at naupo ako upang maka pantay ang aso na nasa maliit na kulungan.
Hinawakan ko ang ulo agad nito napa ngiti ako ng maalala ko ang sinabi noon ni Flame ng bata pa siya. She wants a golden retriever dog kasi kapag daw nanganganak ang dami dami daw.
May action pa siya noon habang nag ku-kwento. "Opo sir eh. " nahihimigan ng lungkot ang tono ng boses nito.
Napa tango ako at binuhat ang aso doon ko napag tanto na babae pala ito. "Kukunin ko na ito. Saka yung ibon, gusto ko mag dagdag ng yung Loro bird then yung dalawang parrot. " naka ngiti kong wika.
"Sige sir. " tuma-tango nitong wika.
"Dami ah? Naku masaya sila nito." naka ngiting wika ni Damon.
"Oo nga pala sino pag bibigyan mo n'yan?" tanong ko dito. Naramdaman ko ang pag dila ng aso sa mukha ko kaya maayos kong binuhat ito.
"Kay Flame syempre. Haha o kung ayaw niya bigay ko sa kapatid ni Blake," sagot nito.
"Teka tang*na ka! Nililigawan mo yon? Gago mas bata sa'yo yun!" angil ko dito.
Sinamaan naman ako ng tingin nito. "Gago! Ano akala mo sa'kin mapansamantala? Kingina gusto ko lang ibigay sa kanya. Para hindi naman siya naiinggit kasi meron ang iba siya wala, si Flame nga kapag binilihan sila. Lahat sila dapat meron." paliwanag nito.
"Oh? Sorry sabagay ganun si Flame patas siya lagi. " naka ngiti kong pag sang-ayon.
Matapos namin bilhin lahat ng kailangan para mga dala naming alaga. Yung aso na binili ko nasa lap ko ito hindi ako pumayag na ilagay nila sa kulungan.
Panigurado matutuwa ang isa pa naming golden retriever dahil may bago na siyang buddy.
Naka ngiting lang ako hanggang makarating sa bahay nauna akong bumaba sunod naman si Damon. Na buhat din ang aso na bitbit nito.
Pag pasok ko bumungad ang iyak ni Cloud at Hermoine. "Oh anong nangyari at umiiyak na naman kayo?" tanong ko sa kanila.
Nang lumingon sila sa'kin nakita kong napa tingin sila sa buhat ko at agad naman bumaba sa mataas na upuan. "Aso po yan?" tanong ni Cloud habang tuloy sa pag hikbi.
Natawa naman ako at lumuhod sa harap nito para makapantay siya. "Opo. Gusto mo? But bakit muna kayo nag iiyakan?" tanong ko dito
"Ka-kasi po tito hindi a-ako pa-pahiram ng la-laruan ni ate Hermoine." bumalik naman ang iyak nito. Na kinatawa ko naman.
"Tito po kasi. Pambabae po kasi tapos po susumbong daw po niya ako kay tito Blake. " sumbong naman ni Hermoine na kina kamot ko na ng ulo.
"Hahaha ganito na lang mag iba na kayo ng laro niyo, yung lahat kayo pwede." suhistsyon ni Damon sa kanila.
"Gusto ko po yan! Doon tayo sa taas laro tayo doon sa play room!" nagulat ako ang ng sumulpot si Helliot sa gilid namin dala dala nito ang Bulldozer nitong laruan.
"Nakita ko yun tol." bulong ni Damon. Napa iling na lang ako.
"But anyway kayo na ang mag pangalan sa aso ha? Saka itong ibon na binili ko." naka ngiti kong wika.
"Yehey!" sabay sabay nilang wika.
Binaba ko naman ang aso at hinayaan itong mag lakad lakad upang makilala niya ang bago niyang bahay.
Yung mga bata naman, aso na ang pinag diskitahan. Saktong dating naman ng dalawang dalaga. "Ayon may ibibigay ako sayo Crystal." salubong ni Damon dito.
"Wow Shih-poo? Akin po ito? Winter oh?" masayang masaya wika ni Crystal. Inakbayan ko naman si Damon.
"Akin yung golden retriever!" masayang wika ni Winter.
Alam ko sa sarili ko na malungkot parin sila. Dahil sa wala si Flame dito at isa pa si Azi, lahat kami ay nalungkot nang mangyari yun.
Pinag tataka ko parin kung nasaan sila tita Charlie matapos ang pagkamatay ni Azi bigla din sila nawala.
THUNDER LAVISTRE
Napa buntong hininga ako ng marinig ko ang sinabi ni Earl na nagawa nilang ma corner ang kapatid ko pero. Nakawala din ito.
"Kilala mo naman si Flame magaling ito sa lahat ng aspeto. Wala pa siya talagang balak makipag usap o mag pakita man lang sa atin. " rinig kong wika ni Vlad.
Nandito sila sa opisina ko ngayon para pag usapan ang gagawing hakbang sana para mahanap at mai-uwi na ang kapatid ko sa bahay.
"Mas maganda na hayaan na lang muna natin siya sa gusto niyan gawin Thunder. May mga bagay tayong hindi pa alam, matagal at mahaba din ang isang taon at sampung buwan na wala tayong balita sa kanya," wika ni Ezekiel.
"I can't, mas lalo ngayon na nakikita kong nahihirapan ang kapatid ko tapos ako walang magawa? Pakiramdam ko unti unti pinuputol hininga ko," putol ko.
"Sa loob ng isang taon mahigit. Nag hirap ang kapatid ko mas lalo na kapag naiisip ko na tayo kumakain ng masarap na pagkain tapos siya? Hindi ko alam kung maayos ba ang kinakain nito," hinawakan ko ang ulo ko.
Hindi ako naka tulog kagabe ng malaman ko ang tungkol sa kapatid ko. Hindi kaya ng utak ko na ang kapatid ko na naman ang magsa-sakripisyo.
"Hmm sa ngayon huwag mo na muna isipin yun. Konting tiis na lang okay? Alam ko may plano si Flame." si Vlad naman ang nag salita at tinapik nito ang likod ko.
"Relax lang. Mag tiwala lang tayo babalik siya sa atin." muling wika nito.
Napa hilamos naman ako at tumango na lang dahil wala naman magagawa ang paghihimutok ko. "Good. Now mag trabaho na tayo," nakangiti wika ni Vlad.
"Okay thanks," pasasalamat ko. Mabilis naman silang nag paalam hanggang ako na lang ulit mag isa.
Muli nag trabaho ako hanggang lumipas ang halos apat na oras ng may kumatok sa pinto ng opisina ko. "Come in." wika ko at bumukas ito.
Nang mag angat ako ng ulo ko si Blake pala ito. "May problema ba?" tanong ko dito.
Umiling ito bago inabot sa'kin ang folder. Simula ng mawala si Flame o hindi nag pakita ito ang pansamantalang humalili sa posisyon ni Flame sa kumpanya.
Kusa niyang ginawa yun para maka tulong siya sa'min. Dahil bumagsak din ang kumpanya ng mga oras na pumutok ang tungkol kay Flame.
Mas lalo sa tungkol sa pagiging Mafia Godmother nito. "Ito ang sales report for this week. Tumaas tayo ng 10% sa local market, ang alak naman na pag mamay-ari ni Earl ay kumita na rin ng halos 14% higit sa inaasahan nating dapat nitong kitain." wika nito.
Kinuha ko 'yun at binasa. Tama siya tumaas nga ito napa tango ako ng may inabot naman ulit ito. "Umangat din ang Company mula sa rank 8 nasa number 2 na ang company ngayon," naka ngiti nitong wika.
Tumayo ako at nakipag kamay sa kanya. "Maraming salamat sa tulong mo, mas lalo ng mga panahon na wala talaga ako sa sarili.." pasasalamat ko.
Umiling ako at ngumiti ito. "Is a great pleasure na masali ako sa kumpanya ninyo. Kahit alam ko na mahirap akong pagka tiwala---"
I cut him. "Past is past. Now you and your family part of our family. Hindi mo na kailangan pang balikan ang nakaraan." sabi ko dito.
Ngumiti ito at sinelyuhan ang usapan na ito ng pakikipag kamay. "Anyway sumama ka mamaya sa Underground." wika ko dito.
"Bakit may problema ba?" tanong nito sa'kin. Ngumiti ako at umiling, sinenyasan ko itong umupo kaya umupo naman ako din.
"Wala gusto ko lang sumama ka para kahit papaano madagdagan ang alam mo sa trabaho namin," sagot ko.
"Sige wala naman problema. Siguro naman hindi iiyak si Cloud kung ma late ako umuwi?" tanong nito.
"Oo nga pala yung bata pala. Pero nakita nila Storm, Earl at Damon si Flame sa isang hospital. Naka usap pero hindi ito matagal." pag bibigay alam ko sa kanya.
"How is she?" tanong naman nito..
"Mukha naman itong ayos lang pero kailangan parin namin. Malaman saan siya naka tira, para mabantayan siya. Anyway, may kasama itong matandang babae, tinatawag niyang Lola Pacita." mahabang sabi ko dito.
"Tingin din nila kaya hindi pa ito nag papakita. Dahil wanted siya, at kilala mo ang batas sa pilipinas kapag nag tago ka ng wanted kasama ka sa pwedeng kasuhan.." muling sabi ko dito.
"Kung ganun sino ang posible na tumutulong sa kanya?" tanong naman nito.
"May hinala kami si Ken ang tumutulong sa kanya. May kinuhang 500 thousand pesos sa bank account ni Flame kahapon, masyadong magaling ito sa hacking kung kapatid ko ang gagawa hindi niya kaya. Kaya may hinala kami na si Ken ito." mahabang sagot ko dito.
"Ibig sabihin nandito lang din talaga sila? Bakit sila hindi nag papakita? Wala naman silang kasalanan diba?" pag tatanong nito.
Tumango ako at sumagot. "Maybe natatakot sila na salubungin ang galit namin." sagot ko.
Nakita kong napailing ito. "Okay mag kita na lang tayo sa bahay. Deretso ako sa UG." paalam ko.
"Okay sige." sagot nito. Umalis na ito at ako naman ay nag handa na para umalis din.
THIRD PERSON POV
Nang makarating ang lahat sa Underground naka tanggap sila ng mensahe mula kay Ken.
"Mika ano sabi ni Ken?" tanong ni Demitri.
"Open the Screen lang po boss." sagot ni Mika. Kaya naman agad nila itong binuksan. Nakita nila ang pangulo ng bansa na nasa harap ng camera.
"Anong meron?" tanong ni Thunder.
"Nag kaka gulo po sa labas ng palasyo. Lahat po ng tao na andun ay gusto po nila palayain at alisin na ang patong sa ulo ni Miss Flame!" wika ni Divine. Tumayo ito at nilakasan ang volume ng Screen.
"Ibasura na ang Desisyon mo pangulo!" sigaw ng lalaki.
"IBASURA!"
"IBASURA!"
Sigaw ng mga tao. Ang hindi alam ng mga tao na ang pinag tatanggol nila ay malapit lang din sa kanila.
Huminga ng malalim ang pangulo at nagsalita na. "Mahal kong mamayan. Ako po ay nakapag desisyon na," putol ng pangulo sa kanyang sasabihin.
Lahat ay tahimik ay kabado sa mangyayari." Ito ang unang beses na pagdedesisyon ako bilang isang taong humahanga sa kanyang kakayahan. At sa mga tao niya, paumanhin sa aking naging padalos dalos na desisyon.." paghingi nito ng paumanhin.
"Ngayon ay opisyal ko ng inaalis ang 50 million pesos na patong sa ulo ng pinakabatang Mafia. Na ang nga-ngalang Flame!"
Kasabay nito ang hindi nila inaasahang lahat na darating kasama ang mga tauhan niyang biglang nawala.
Tila naging dahan dahan ang ikot ng oras at tanging tunog ng suot nitong heels ang maririnig sa sahig na yari sa Nara ang maririnig.
Nakita nila ang pag pasok ng naka itim na babae mahaba ang Coat nito itim na Leather ang pang ibaba at itim din na sando ang suot nito.
Mahaba ang itim na buhok nito. Na pawang naka suot na itim na mask. Ganun din ang kanyang mga kasama.
Nag tayuan ang mga pinsan, kapatid at tauhan niya.
Ang babaeng nag lalakad at mga kasama nito ay walang iba kundi si..
Flame Morjiana Lavistre,
Brent Lavistre Valencia,
Lance Alexander Hadisson
at si
Ken Xerxex Verswell.