CHAPTER 9

2637 Words
FLAME MORJIANA LAVISTRE Naging maayos na ang sumunod na araw simula ng iyakan na yun. At naipaliwanag ko na ang lahat ng dapat kong i-paliwanag. Nasagot ko na rin ang mga tanong nila. Ngayon naman ay nasa likod kami kasama si Lola at mga bata. May kasama na rin kaming caregiver na mag a-alalaga kay Lola mas lalo kapag wala ako. Dahil balak ko na rin pumunta sa UG upang maki-balita na rin. May kinakasang welcome party para sa'kin isa itong garden theme sabi ni kuya Thunder. Sumang-ayon ako dahil ang dalawang dalaga naman ay ayaw din mag pa pigil. Gusto ko kahit sa bahay na lang pero ayaw talaga ng bata. Kasi gusto daw nila sa totoong garden. Biniro ko pa na sa garden na lang pero nag mamaktol lang. Kaya pumayag na lang ako, nagising ako ng biglang sumulpot si Cloud na may dalagang bouquet of flowers na halos hindi ko na makita ang buong ulo ng anak ko "Ano ba yan nakita mo pa ba ang dinadaanan mo?" tanong ko dito at hinawakan ko ang braso nito. Narinig ko ang cute na gigles nito. Kaya naman napa ngiti ako "Mama bigay po ni Daddy ito!" wika nito bigla na lang iniwan sa hita ko. Ang buong akala ko naman ay aalis na. Yun pala uupo pa ito sa hita ko paharap sa'kin. "Mama hingi ako Chocolate?" patanong nitong pag hingi sa'kin. Nag taka naman ako at tiningnan agad ang binigay sa'kin dahil dito ito naka tingin. "Nagustuhan mo ba? Nag ask pa ako sa secretary mo about dyan." biglang sulpot ni Blake sa gilid ko. Binigyan naman ako nito ng halik sa pisngi na tinggap ko. "Ang ganda naman ng arrangement nila. Salamat ha? Oo naman mas lalo may chocolate." naka ngiti kong sagot. Napansin ko ang pamumula ng teinga nito. Hindi ko na lang pinuna dahil alam ko nahihiya o kinikilig ito. Nag desisyon ako na mapalapit pa sa kanya. "Mama, daddy! Hingi na ako!" hinawakan ng anak ko ang pisngi ko. Natawa naman ako at si Blake. "Okay masyado kang atat. Basta chocolate," si Blake na ang sumagot. Kumuha ito ng upuan at siya mismo ang nag asikaso kay Cloud. Tiningnan ko lang ito. "Salamat ha? Inaalagaan mo si Cloud noong panahon na wala ako." pasasalamat ko na kinalingon nito sa'kin. "That's my promise and Cloud is my son too hindi ko siya papabayaan. So don't thank me, that's every daddy's do." sagot nito. Tinapat nito sa'kin ang pinutol niyang white chocolate kaya agad kong sinubo din yun. Ngumiti ako at hindi na lang sumagot. Napa tingin naman ito sa kamay ko na suot ang promise ring na binigay niya sa'kin. "You're still wear that?" tanong nito. Inirapan ko ito dahil alam ko naman matagal na niyang nakita ito. "Oh please.. alam kong nakita mo ito ng dumating ako dito. Sipain pa kita ngayon d'yan!" irap ko dito. Natawa naman ito at nag peace sign. "Sorry, akala ko kasi aalisin mo siya after ng mga nangyari." wika nito. "Why would i do that? May galit ba ako sa sing-sing at kailangan ko alisin ito? Kahit gutom ako lagi at gusto ko ibenta ito dahil mukhang mahal yung bato sa gitna hindi ko ginawa baka ipag damot mo sa'kin anak ko." sagot ko dito. Lumipat naman sa kanya si Cloud na kinatawa naman ng isang 'to. "Hahaha pwede mo naman ibenta mahal din yan. Nasa 24k din yan, " natatawa nitong pag sakay sa sinabi ko. "Ayoko nga! Nag tiis nga ako na hindi kumain para lang hindi siya ibenta!" sagot ko dito. Kinuha nito ang kamay ko at hinalikan ng marahan ang mismong sing-sing ko. "Thank you! Akala ko kasi talaga hindi kana babalik." sabi nito. "Bakit mag hahanap ka? Subukan mo lang!" banta ko dito. Natawa naman ito nag kamot ng ulo. "Hahaha, hindi pa ako kasal sa'yo under na ako agad? Honey seryoso?" hindi nito maka-pani walang tanong. "Nope. Gusto ko lang kapag ayaw mo na sa'kin o sa'min tell me sa maayos na paraan hindi yung. Malalaman ko na may babae ka, just tell me the truth i will accept it." seryosong wika ko. "Hey! Hindi ako nambabae sa loob ng halos dalawang taon! Nakiusap sakin ang kuya mo na ako muna pansamantala ang tumao sa posisyon mo sa kumapanya," sagot nito. Gusto ko matawa sa hitsura nito. Pero pilit kong hindi inaalis ang pagiging seryoso ng mukha ko. "Saka ako mambabae pa? Baka hindi mo na ako makita ngayon dito o matagal na akong nasa ilalim ng lupa ka bonding yung mga bulate doon!" dagdag ulit nito. "Daddy! Doon po sa gilid ng halaman ni mama marami pong worm doon!" singit ng anak ko at tinuro pa nito yung taniman ko ng flowers. I can't hold may laughed anymore! Natawa na ako dahil sa sagot ng anak ko. "Paano mo nalaman yan?!" tanong ni Blake dito. Natawa lang ako at niyakap ang braso ni Blake. Doon ko hinilig ang ulo ko sa balikat nito. "Kasi po nag hukay po kami doon tapos pinakain po namin sa fish!" magalang na sagot ni Cloud lalo naman akong natawa sa hindi maipintang mukha ni Blake. Bumulong ito sa'kin. "Kaya pala namatay yung isda doon. Hindi yun pwede kumain ng ganung klase ng bulate. Iniyakan pa ni Crystal yun." bulong nito na kina tawa ko lalo. Pinalo ko ito ng mahina. "Eh bakit hindi mo pinag sabihan?" tanong ko dito. Nag kibit balikat ito bago sumagot. "Nag tanong naman ako pero naka tingin lang naman ang mga bata. Iniisip ata nila anong yung nangyayari? " tanong nito sa'kin. Inirapan ko naman siya agad. "Kapag ganun pag sabihan mo para hindi nila uilitin." paalala ko dito. "I will. I'm sorry ayoko lang na mag iyakan sila kasi para silang kinakatay kapag nag sabay sabay silang umiyak." naka ngiwi nitong sagot. Natawa naman ako ng mahina sa kalokohan nito. "Ayaw ko na uhaw na ako!" reklamo ng anak ko agad itong bumaba at nag tatakbo papunta sa loob. "Halika na pumasok na tayo." aya nito sa'kin. Tumango naman ako at tumayo na at ganun din ito. Kung noon iniiwasan ko siya ngayon hindi ko na kailangan gawin pa 'yun. Dahil para sa'kin tapos na akong matakot sa kaligtasan nila. Pero alam ko sa sarili ko na kapag nalaman nila ang tungkol kay Blake kikilos sila. "Blake?" tawag ko dito at tumigil kami sa pag lalakad. "Hmm? May problema?" tanong nito. Umiling ako at nag salita. "Kapag nalaman ng mga kaaway ang tungkol sa atin at sa'yo. Mag handa ka sa pwede mangyari okay?" paalala ko dito. Ngumiti ito at hinawi ang buhok kong hinangin. "Alam ko. Hindi mo pa ako nakitang lumaban Flame at kaya ko kumilos na katulad mo hindi lang ako napag bigyan noon dahil pinipigilan mo kami." sagot nito sa'kin. Ngumiti ako at tumango. "Let's go?" tanong ko dito. Tumango ito at sabay kami pumasok sa loob ng mansion. SOMEONE'S POV Tinapat ng lalaki ang kanyang baril sa mukha ni Flame at pinutok ito. "Darating ang oras na babalik ako at tatapusin kita," malamig na wika nito. THUNDER LAVISTRE Masaya ako sa takbo ng araw sa mansion at sa takbo ng buhay ni Blake at Flame. Sana dito na mag simula ang love story ng dalawang ito. Wala na akong balak humadlang pa pero pag nag loko yan pasensyahan na lang talaga. Kung alam ko ang plano ng bata sa welcome back party? Alam ko ang tungkol doon kaya isa na rin ako sa nag pumulit na pumayag ang kapatid kong si Flame na doon na lang ito ganapin. She has no idea kung anong plano ng dalawa. Nakita ko si Crystal at Winter na tuwang tuwa gumawa ng invitation card. Naging mahigpit din kami sa mga inimbistigahan namin. Tama si Flame sa oras na maging public ang pag babalik niya sunod sunod na naman ang laban na kakaharapin namin. "Hey girls.." putol ko at naupo ako sa tabi nilang dalawa. "Kuya?" tanong ni Winter sa'kin. Gumuhit ang pag tataka sa mukha nito. "Sino sino ang nasa list niyo para sa welcome back party?" tanong ko. Mabilis kinuha ni Crystal ang iPad at inabot sa'kin. "Nasa 50 person lang po ang ininvite namin. Dahil ayaw po ni ate Flame na masyadong crowded." sagot nito. Tumango ako at binasa isa isa. Knowing Flame ayaw talaga nito na masyadong crowded pag dating sa bisita mas gusto nito na yung kilala lang niya. "Okay. Make sure all the security ay nandoon din okay? Kayo ang in-charge d'yan and catering also." paalala ko sa kanila. "Opo kuya. " sabay nilang sagot. Napangiti naman ako at tahimik na tumayo. Ayaw kasi nila kumuha kami ng organizer gusto nila shoulder nila lahat. Pinabayaan na lang namin mukha naman na alam nila ang ginagawa nila. Lumapit ako kay Flame na tulala na naman. Hinawakan ko ang buhok nito na kina gulat nito. "Kuya?!" tanong nito. "Masyado kang akupado ng isip mo, anything you want to say or ask? Tell me." tanong ko dito. Naupo ako sa tabi nito at sya naman ang humarap sa'kin. "Kuya ang Cervantes Family hindi pa natin sila naubos." sabi nito sa'kin. "I know, wag kana mag isip ng tungkol doon." naka ngiti kong sagot dito. Nakita ko ang ibang emosyon sa mata nito. Maaaring wala kaming alam sa mga pinag daanan niya noon. Pero kailangan din namin siyang protektahan at isipin ang kanyang takot. Takot ang nakikita ko sa mga mata niya. Mag sasalita pa lang sana ito ng humahangos na pumasok si Avel. "Boss Thunder. Kailangan niyo pumunta sa Underground. Sumugod ang mga Cervantes army!" wika nito. Kaya naman napa tayo na ako. "Sasama ako!" wika ni Flame. Magsasalita pa lang ako ng tumakbo na ito patungo sa taas. Wala na akong nagawa kundi pumayag na lang din. "Susunod kami!" wika ko kay Avel, tumango ito at umalis na rin. FLAME MORJIANA LAVISTRE "Saan lakad mo?" tanong ni Blake. Humarap ako dito at inayos ang jacket ko. "Sa underground. Gusto mo sumama?" tanong ko dito. Lumapit pa ako sa kanya at nginitian ito. "Can i?" tanong nito. Tumango ako agad. "Okay bilis bihis kana hintayin kita sa baba!" sagot ko at nag lakad na ako palabas ng kwarto ko. Hindi siya natutulog sa kwarto ko dahil nandito na ako hindi na daw niya kailangan pang gawin yun. Mabilis kong kinuha ang susi ng Aston Martin ko at lumabas ng mansion. Na sakto naman nasa labas na rin ang kotse ko. Nakita ko si Kuya Danny na nag kakape habang naka tayo. "Kuya Danny!" tawag ko dito. "Ma'am! Musta po?" tanong nito. Hindi na ito lumapit sa'kin at ganun din ako. "Eto nag aadjust ng konti." naka ngiti kong sagot. Nang makita ko si Blake na pababa na nag paalam na ako. "Alis muna kami ha?" paalam ko Tumakbo ako sa driver side ng sasakyan. "Blake get in!" utos ko at pumasok na ako sa loob. Binuksan din nito ang pinto at sumakay na din. "Gaano ka bilis mag patakbo ng sasakyan?" tanong nito sa'kin. Mabilis kong pinaandar ang kotse ko palabas ng mansion. "Ikaw na lang ang umalam, depende kasi." sagot ko at tinapakan ko pa ang gas padle ng sasakyan ko at nang mas bumilis pa ito. Narinig kong nag mura ito. "Sana pala nag motor na lang ako! Sh*t!" mura nito. Mabilis kong kinabig pakaliwa ang sasakyan nang nasa patag na kami inalis ko ang seat belt ko at mas binilisan ko pa. "Relax lang hindi pa ito ang huling beses na hihinga ka. Tatakasan ka lang.." biro ko dito. Nakita kong nanlaki ang mata nito na kina tawa ko naman. Mabilis kami nakarating sa UG ako ang unang bumaba at hinayaan siyang bumaba ng siya lang. Mas mabuti na wala kaming personal na attachment sa isa't isa mas lalo sa public place para hindi kami mapa hamak pareho. Pag pasok ko agad akong sinalubong ng tauhan ko habang naka yuko nasa likod ko si Blake. "Lord Flame!" sabay sabay na bati nila nila sakin.. "Trabaho na!" utos ko at nag lakad ako papasok. Ganun din si Blake. "Mika anong status?" bungad ko na tanong ko ng makapasok ako. Inalis ko ang black leather jacket ko at hinagis sa upuan. "Boss Flame!" salubong sa'kin ng apat na babaeng ito Isang mahigpit na yakap ang binigay sa'kin ng mga ito. "Trabaho na muna.." bulong ko at mabilis silang bumalik sa pwesto ko. Si Blake naman ay tumabi kay Damon na naka harap sa malaking screen. "Boss, gusto po nila ng palit ulo!" si Onze ang sumagot. "Hawak nila si Samantha!" si Vlad ang nag salita. "Hindi ba kaya ni Samantha maka alis doon? Give me all status mas lalo kay Sammy." utos ko naka tayo parin ako at nasa likod ko. "Okay po boss!" sagot ni Mika. Lumapit ako kina kuya Thunder na seryoso ang mga mukha ng mga ito. "May problema ba?" mahinahon kong tanong. "Bakit sa iisang kotse kayo ni Blake?" tanong ni Earl. Napa ngiwi naman ako sa narinig ko. "Sayang ang gasolina?" patanong kong sagot. Napa iling na lang ito. "Okay fine. Mukhang nasa condition ka para ma-muno kaya ikaw na ang aasahan namin dito!" si kuya Thunder na ang nag salita. Bakit pakiramdam ko may mali akong nagawa. Nag give way ako. "Ka-kayo na ang kumilos, hindi dapat ako pumunta dito." wika ko. Ramdam ko ang pag lingon nila sa'king lahat kaya dahan dahan akong tumalikod at kinuha ko ang jacket ko. "May motor ako dito Blake yun gamitin mo pauwi." walang tingin tingin kong utos at nag lakad na ako palabas. Naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. Ramdam ko parin ang pagiging outcast ko sa kanila. Ito siguro ang nangyayari kapag matagal kang nawala. Hindi lahat babalik sa dati. Sumakay ako sa kotse mo at mabilis pinaharurot ito paalis hindi para umuwi. Binunot ko ang locator ng sasakyan ko at sinira ko iyon. Pinatay ko sin ang locator ng cellphone ko at hinagis ko ang earpiece ko sa daan. Naka kita ako ng malawak na dagat. Tumigil ako sa gilid at hinubad ang relo ko at hinulog ito doon. Mabilis akong bumalik sa loob at kinuha ang locator ng kotse ko at hinagis sa dagat. Muli kong pinatakbo ang sasakyan ko paalis sa manila. Kung saan man ako pupunta hindi ko din alam, gusto ko lang maka hinga muna. Nakita kong tumatawag si kuya Thunder ngunit hindi ko ito sinagot. Nang matapos ang tawag pinatay ko ang cellphone ko at mabilis pang tinahak ang daan. Nang makita ko ang signage na. " MALIGAYANG PAGDATING SA BAYAN NG SAN MATEO RIZAL " Hindi na ako nag dalawang isip na pasukin ang lugar na ito. Tingin ko isa isang probinsya hindi mahahalata dahil may mall akong nakita. Sinundan ko ang jeep na nakalagay ay Silangan, Tierra monte. Monterey. THUNDER LAVISTRE "Sumobra ka Thunder. Alam mong nag aadjust siya sa atin, sinabi mo pa ang salita na yun. Ngayon ikaw na ang bahala na kumilos ngayon susunod na lang kami." si Earl at umalis na lang habang panay ang pag iling. "Hindi ka dapat kuya nag salita ng ganun. Sensitive si Flame ngayon sinabi na nga ni Lola diba? Matagal si Flame nawala pero hindi naman pwede na ipamukha mo sa kanya yun.." wika ni Storm. "Hindi ko naman sinasadya nabigla din ako. Mika pwede mo ba siya hanapin?" tanong at sagot ko "Negative po Boss mukhang inalis niya po lahat ng pwedeng maka locate sa kanya. Wala na po siya sa line natin," nahihimigan ng pagka dismaya ang boses ni Mika. Napa hinga ako ng malalim at hinilot ang sentido ko. "God! Ano na naman ang ginawa ko!" angil ko. " Fix this kuya, " si Storm at tinapik pa ang balikat ko. "I will." sagot ko.. - Nothing can be done without HOPE and CONFIDENCE.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD