CHAPTER 4

2867 Words
THIRD PERSON POV Napa hinga ng malalim ang dalaga. "This so suffocating," bulong nito ng maka pasok sa loob ng sasakyan ni Ken. "Ano next move?" tanong ng kaibigan. "Kailangan na natin sila Brent, sa oras na makapag isip na ang panot na yun panigurado 24 hours simula sa oras na ito gagawin na niya ang gusto ko." sagot nito. Napailing na lang si Ken at pinaandar na nito ang sasakyan niya upang ihatid sa bahay ang kaibigan. Nang makarating sila nagulat sila sa taas ng apoy. "Teka anong nangyayari?!" tanong ni Ken. "Hindi ko alam!" sagot ng dalaga. Mabilis silang bumaba at tumakbo patungo sa bahay ng matanda o Lola nito. "Nay! Teka ang lola ko nasa loob!" sigaw ng kaibigan. "Miss hindi kayo pwede sa loob nakikita na ninyong mataas ng apoy!" sigaw ng bumbero. Sa galit ng babae tiningnan niya ito ng masama. Mag sasalita na sana siya ng may tumawag sa kanya. "Apo? Jiana?" tawag ng mahinang tinig. Napa lingon ang dalaga sa kanyang kanan. "Lola! " sigaw na tawag nito sa Lola niya at mabilis itong lumapit at yumakap ng mahigpit. "Lola, akala ko po nandun pa kayo sa loob!" humihikbi nitong wika at niyakap ito ng mahigpit ganun din naman ang matanda sa kanya. "Boss, paano ito san kayo titira?" tanong ng binata. "Kahit saan Ken. May pera pa ako pwede ako mag renta." sagot ng dalaga at pinunasan ang pisngi nito. "Salamat po sa pag kuha kay lola!" yukong pasasalamat nito sa lalaking nag ligtas sa lola niya. "Ano ka ba naman ganda! Sino pa ba mag tutulungan? Sige ha mauna na ako at mag tungo pa kami sa evacuation center." paalam ni mang Berting sa dalaga. "Sige po ingat po!" paalala ng dalaga. Hinawakan naman ng dalaga ang likod ng wheelchair at itinulak ito. "Boss, may isa pa akong bahay hindi yun naka declare as my property pa. Pwede kayo doon and about sa mga needs niyo ako na bahala." naka ngiting wika ng kaibigan. Napa luha naman ito at hindi na tumanggi dahil walang wala din siya ayaw din niya gamitin ang pera na sarili dahil lalong liliit ang mundo niya. "Lola, ako po si Ken Xerxex Verswell. Tawagin niyo na lang po akong Ken. Tara po doon muna kayo sa bahay ko ha?" naka ngiti pakilala ni ken sa nag sisilbing Lola ng dalaga. "Ay ganun ba? Ako naman si Pacita Lola na lang itawag mo sa'kin. Oo sige para naman hindi na namomoblema ang apo ko sa kakapay-pay sa'kin gabi gabi," sagot ng matanda. Hindi maiwasan hindi maawa ni Ken sa amo niya. Ang dating bilyonarya na natutulog sa magandang kwarto at malambot na kama ngayon nag titiis na lang sa maliit na pinag tagpi tagping bahay. Bahay bang maituturing o isang bahay ng tambakan ng basura. Hindi naman maiwasan na hindi maubo ng dalaga. Hinala ni Ken na may sakit ang amo pero ayaw nito mag tanong. Kahit pa sanay ito mag hirap hindi ito sanay sa maruming kapaligiran. Sa nag daang taon lagi silang naka subaybay sa galaw ang Underground upang hindi sila mangapa sa nangyayari. Mula sa malayong distansya ay kumikilos sila ng patago. Pinag tulungan nila ang matanda na isakay sa sasakyan at ang luma nitong Wheelchair ay iniwan na lang dahil nang lalamahid na ito sa dume. Hindi na rin maganda ang amoy nito. Matapos noon at mabilis nilang nilisan ang gilid ng dumpsite. Mabuti at malapit lang ang bahay na sinasabi ni Ken. Dahil doon agad na nakarating sila dito pinasok ni Ken ang sasakyan sa loob ng maliit na garahe. Pag labas nilang dalawa ay nag usap muna sila. "Kukuha ako ng pera para sa'yo. Hindi ko na kaya ang ginagawa mo, boss hindi ito ang buhay na kinasayan mo? Paano kung may mangyari kay Lola? Ano gagawin mo? Sooner or later malalaman na nila kung saan ka!" mahabang wika ni Ken dito. Nabakasan naman ng kaba ang mukha ang dalaga. "H-hindi ko alam paano sila haharapin. Na- natatakot ako," wika ng dalaga. Napa buntong hininga ang binata bago ito mag salita. "Kung kailangan ako ang mag paliwanag gagawin ko. " pag papa gaan nito sa loob. "Alam ko na mimiss mo na ang anak mo silang lahat kaya nga nag pupunta doon ng patago diba?" tanong nito. Oo siya ang nag tutungo sa mansion alam ng guard doon na ang among babae ang pumupunta sa mansion. Sa loob ng isang tao at syam na buwan Ginagawa ito ng dalaga miski ang pag akyat sa mataas na pader ng bahay upang dalawin ang anak ang ama ng anak niya. Upang bigyan ito ng isang good night kiss. Minsan inaaboy pa siya ng alas dos ng umaga doon sa kwarto ng hindi nag iingay upang pag masdan lang ng mag ama niya. "Ken, konti na lang magagawa ko din yan. Kahit ako na ang gumawa tutal ako naman ang may kasalanan ng lahat. Pero sa ngayon si Lola muna ang kailangan ko asikasuhin. Kahit bayaran na lang kita please?" pakiusap nito sa kaibigan. "Boss kahit hindi mo ako bayaran tutulungan kita. Walang kabayaran ang lahat ng sakripisyo mo kahit kalayaan mo sinakprisyo mo na. Oo ako bahala ipapa check up ko si Lola ako na ang gagawa para sa'yo. " pag payag nito. Niyakap naman siya agad ng amo at nag pasalamat ito ng marami. "Shhh.. wala yun sige na ipasok na natin si Lola." wika nito. Kaya agad naman silang kumilos dalawa. ABALA sa trabaho si Lance sa kanyang opisina ng kumatok ang sekretarya nito. "Come in." wika nito. Sa nag daan na taon siya na ang pumalit sa ama niya bilang CEO ngunit kasabay nun ang hindi niya pagiging active sa mafia. Nag tago na rin siya simula ng nangyari may isang taon na mahigit ang lumipas. Dahil wala siyang mukhang ihaharap sa lahat matapos niyang mag sinungaling at biglang nag laho. Hihintayin niya ang babalik ng kanyang amo alam niyang buhay ito at alam niyang nasa mabuting kalagayan ito. "Mr, Hadisson nasa baba po si Mr Thunder Lavistre." wika ng babae nitong sekretarya. Napa tigil siya sa pag pirma ng marinig ang pangalan ng boss din niya. "Pakisabi wala ako nasa business trip." utos nito. Nag buntong hininga na lang ang sekretarya at nag salita. "Okay po Sir. " lumabas na ito at siya naman at ginulo ang buhok niya. "Haist bakit naman kasi ang tagal?" bulong nito at lalo pang ginulo ang buhok. "Lahat kami nag tatago dahil sa nangyari!" angil nito ulit. THUNDER LAVISTRE Napa hinga ako ng malalim ng marinig ko ang sinabi ng babae sa front desk. Nag tungo ako ulit sa kumpanya ng daddy ni Lance ngunit ganun parin ang sagot nila. Nag desisyon akong umuwi na lang ng bahay dahil tanghali na at nagugutom na rin ako. Sumakay ako sa kotse ko at nag maneho pauwi. Bumili muna ako ng pasalubong para sa mga bata nang matapos umuwi na ako. Saktong nag tatanghalian na sila ng dumating ako. "Sana pag nag birthday na si Cloud nanditi na si ate." rinig kong wika ni Winter. "Kuya! Kain na po!" nakangiting aya sa'kin nito ng makita ako. Lumapit ako at binigyan ito ng halik sa buhok. "Mag bibihis lang ako. Nasaan si Blake?" tanong ko ng mapansin ko na wala ito. Kahit si Storm ay wala din. "Si Storm nay?" tanong ko naman kay nanay Fely. Binigyan ko naman halik sa pisngi ang anak ni Wendy na sobrang taba. Malaking bata ito ng lumabas na halos takasan ng hininga si Wendy ng ilabas ito. "Tito ako din kiss ako!" himutok naman ni Cloud nag papadyak pa ito. Na kita tawa ko naman. Agad ko itong nilapitan. "Hindi daw kakain si Storm dito. Si Blake naman umuwi sa kanila at kukuha ng damit daw at may pipirmahan din ito doon." sagot ni nanay. Naka tatlong halik naman si Cloud sa'kin na ako dapat mag bigay. "Haha ang cute ni Baby Cloud." giggles ni Hermoine habang pinapanood itong anak ni Flame. "Tama na mapupudpod na nguso mo," awat ko dito. Na ang paawat din naman. Kinatuwa ko naman na kahit papaano na nagagabayan ito ni Blake ng maayos kahit wala dito si Flame. "Sige po mag bihis lang ako nay. Sasabay ako," wika ko at nag tungo na ako sa kwarto ko para mag palit. Pag pasok ko nag quickbath muna ako at nag bihis ng pambahay. Matapos nag tungo na ako sa baba upang kumain kasabay nila. Pag upo ko pa lang agad lumipat si Cloud sa hita ko at alam ko na ibig sabihin niyan. Gusto niya subuan ko na lang siya. "Oo nga pala Thunder. Napansin ko umiilaw ang laptop ni Flame sa kwarto kanina noong nag lines ako doon." wika ni nanay habang nilalapag niyo ang tubig. "Po? Yung itim niyang laptop?" magalang kong tanong. Sumubo na ako habang hinihintay ang sagot ni nanay. "Oo yun nga. Sabi niya noon kasi kapag umiilaw yun ibig sabihin ginagamit. Paano naman gagamitin kung naka sara?" tanong ni nanay. May point siya napa tango ako. "Tama ho kayo. Ako na ho bahala mamaya." sagot ko at ngumiti. Umalis naman ito at may binabad pa siyang damit sa likod. Tahimik lang ako ng mag salita si ate Sky. "Yung pag labas ni Flame sa live conference ng pangulo. Tingin mo ba may chance na bawiin ng pangulo ang patong sa ulo ni Flame na 50 million pesos at ang pagiging wanted nito?" tanong ni ate Sky. Napa iling naman ako at nag salita. "Para sa'kin hindi nila gagawin ang kahangalan na yun. Mas lalo na kung kilala nila Flame bilang pinaka delikadong criminal ng bansa," malamig kong sagot kay ate. "Paano yan kapag may pumasok na naman panibagong kalaban?" tanong ni Miss Aliyah. "Wala si Flame. Alam natin na siya ang pwede maka talo sa mga yun." follow up question ito. "Hindi sila basta basta lalabas una dahil hindi naman nila pwede isipin na buhay ang kapatid ko." sagot ko na lang. "Eh diba nga buhay siya? Panigurado nakita na nila ang video na yun." si ate Sky naman ang nag salita. "Hindi po. Sa mafia lagi iniisip kung legit ba ito o hindi, dalawa lang pwede nila pag pilian kung maniniwala ba sila o hindi. Hangga't hindi lumalabas si Flame, hindi rin sila kikilos." paliwanag ko. "So ibig sabihin lalabas sila kapag na kumpirma na nila na si Flame ay buhay pa?" pag tatanong ni Miss Aliyah. "Exactly. Kaya sa loob ng isang taon at halos dalawang taon hindi sila lumalabas dahil. Wala naman ang pangunahing pakay nila." sagot ko. "Ang pakay nila ay si Flame. Hindi kami, ito lang naman ang balakid sa kanila." sagot ko. Hanggang umilaw ang bahay sa hindi ko malamang dahilan. "Boss! Kailangan kayo sa Underground! May gumamit ng black card ni Boss Flame!" bungad ni Onze sa'kin hinihingal pa itong pumasok sa mansion. "What? Sino? Imposible nasa sakin ang black card ng kapatid ko!" sigaw ko na agad at agad akong tumayo at binigay si Cloud kay ate Sky muna. "Ikaw muna bahala ate!" wika ko. "Okay sige ingat!" sagot ni ate. Umakyat ako sa taas upang mag bibis at pag baba ko andun parin si Onze. "Boss nang galing daw dito ang pag hack!" sagot ni Onze. Mabilis nag salubong ang kilay ko sa sinagot nito. "What?--- teka winter ibaba mo ang laptop ni Flame dito madali ka!" utos ko. "Opo!" sagot nito at mabilis itong umakyat. Nilagay ko ang earpiece ko sa teinga ko at kinausap si Mika sa kabilang linya. "Mika, sabihin mo sa'kin mag kano ang kinuha sa account ni Flame? Ano ito ninanakaw?" tanong ko. Agad kong kinuha kay Winter ang laptop ni Flame. Pag bukas ko pa lang bumungad sa'kin ang bank account ng kapatid ko. "Onze gumagalaw ng kusa? May multo ba ito?" gulat kong tanong. Naibaba ko ang laptop sa center glass table ito. "Hahaha hindi po boss. Natural po dahil ginagamit ng hacker ang account mismo ng kapatid niyo. But sadly hindi po natin ito mapapasok," sagot nito habang nawala naman ang tawa nito. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Sumagot naman agad si Divine at Onze ng sabay. "Dahil ang hacker na po ang may control sa account ni Boss Flame!" sabay nilang sagot. "Paano nangyari yun? Patayin natin ang laptop!" utos ko at lumabas na ako ng bahay "We can't po kahit patayin natin yan. Kumikilos parin po ito dahil siya nga po ang may hawak. Ang masakit dito pinalitan niya po ng passcode ang bank account ni Boss Flame." mahabang paliwanag ni Onze. "Tama po si Onze, boss Thunder hawak na niya ho ito. I think matagal na niya itong hawak hindi lang ninyo napapansin." paliwanag ni Alice. Hindi nag tagal nakarating na kami ni Onze sa Underground. Bumungad sa'kin si Damon na kumakain namaj ng gummy worms. "Gusto mo?" tanong nito na inirapan ko naman at umiling ako. "Mag kano ang kinuha niya?" tanong ko agad kina Mika. Nakita ko ang amount ng pera ng kapatid ko na halos ikaluwa na din ng mata ko. Alam ko naman na bilyonaryo ang kapatid ko halos lahat naman kami pero mas malaki ang asset ni Flame. "Kumuha lang sila ng 500 thousand pesos." sagot ni Damon. "Wala kayong any lead?" tanong ko ng biglang mag appear sa screen si Storm. "Kuya, guys! May naka kilala kay Flame sa isang Dumpsite sa manila. Pinuntahan namin ito may kasama daw itong matanda na ang pangalan at Pacita Gutierrez. May lalaki din itong kasama na hawig sa description ni Ken." wika ni Storm may nag appear na litrato sa gilid. Isang matandang babae. " Kung tama ako kinuha nila ang pero ni Flame para ipagamot ang matanda," muling paliwanag nito. Nag ka tinginan kami ni Onze at napa iling. " Kuya Thunder. Si Flame mismo ang nag utos nito kay Ken, kung hindi maaaring kumilos lang si Ken para kapakanan ni Flame at ng matanda. Pabalik na ako may kailangan kami sabihin sainyo ni Earl." wika nito at biglang nawala na lang. "Itigil niyo na. Kailangan nila yan, kung totoo ang sinasabi ni Storm wala tayo dapat ika-bahala." utos ko na agad naman nilang sinunod. Hindi nag tagal nakarating na rin ang dalawa. Hindi pala lahat sila halos. "Kailangan natin mag usap paano maiintrap si Flame. May hinala kami na malapit lang talaga si Flame dito." bungad ni Storm "Sige pag usapan natin ang nalaman ninyo." wika ko at naupo na ako. Ang iba naman mas lalo sila Mika ay nakinig lang. Hanggang unang mag salita si Storm. "Nabuhay si Flame ng halos isang taon sa may Manila sa Navotas ito namalagi. Doon ito nag trabaho para lang may makain siya araw araw," kwento nito. Napa yuko naman ako dahil pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga. "Matapos maraming trabaho itong pumasok. Nag tanong tanong ako kung namumukhaan nila si Flame. Sabi nila oo pero mailap ito sa mga tao hindi ito nakikipag usap. Basta ang gusto lang nito mag trabaho ng tahimik," putol ni Storm "Ano ang mga naging trabaho ni Flame?" tanong ni Vald dito. "Marami siyang naging trabaho isa na rito ang mangalakal ng basura para ibenta sa mga junkshop. Meron din na ang hihila ng banyerang isda para intinda sa mga negosyante. Mula umaga nag ta-trabaho ito nakikita nila ito. At ito ang naging bahay niya bago niya nakilala yung matandang tinatawag niyang Lola." sagot ni Earl at pinakita samin ang litrato na kuha niya sa cellphone. "Parang bahay na 'to ang aso eh. Bahay pa ba ito?!" hindi maka paniwalang tanong ni Demitri sa'min. Tahimik naman ako at hindi ko maiwasan na hindi pumatak ang luha ko. Sa sinapit ng kapatid ko dahil lang ayaw niya kaming idamay sa pagiging wanted niya ganito naman ang sinapit nito. Narinig kong umiyak si Mika at kahit sila Alice. "Hindi lang sumuko sa kanya ang matanda para mapa amo ito. Hindi kasi ito pinapansin ni Flame noon. Hanggang isang araw hindi na daw nag pupunta ang matanda kwento doon. Hangang ito mismo ang nag punta sa bahay ng matanda na malapit sa tambakan ng basura may kalayuan sa lugar ni Flame.." si Storm naman ang salita. "Simula daw noon hindi na umalis si Flame sa tabi ng matanda. Mag ta-trabaho ito sa umaga o buong mag hapon bibili ng pagkain at gamot ng matanda. Sabi din nila halos hindi ito natutulog dahil puyat sa pag pay-pay sa matanda para hindi ito lamukin," putol ni Storm Tuluyan ng bumagsak ang luha ni Storm at muling nag salita. "Nabulag na pala ang matanda simula noon, si Flame na ang nag alaga dito. Kilala si Flame bilang si Jiana kaya hindi natin siya maganap dahil ang pangalawang pangalan niya ang ginamit niya." Pinunasan ko ang mukha ko at nag salita. "Libutin niyo ang buong syudad ng manila at hanapin sila. Yung amount na kinuha nila nakaka tiyak ako na pampa-gamot. Sa hospital mag tungo kayo at sa mga pharmacy!" utos ko at tumayo na ako. Nasasaktan ako sa nalalaman ko. Ano pa bang pag hihirap na pwede maranasan ng kapatid ko? pag pasok ko sa cr doon ako umiyak ng umiyak. - Sooner or later the darkness and pain will fade away..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD