THUNDER LAVISTRE
Pagdating ko sa Underground saktong nandito din sila Blake at Hanz. Itong dalawa na ito ay madalas nang active sa gawain ng mafia.
"Mika. Naka kuha ka ba ng information tungkol sa ATM ng kapatid ko?" bungad ko ng makapasok ako sa loob.
Agad silang tumayo at yumuko sa harap ko bilang paggalang.
Pansamantala ko na muna tinake over ang pagkilos ng DCN dahil wala ang kapatid ko. "Yun ang pinag tataka ko Boss Thunder, parang alam ng taong ito na maaari kong gawin." naka nguso nitong wika
"Well, wala ng ibang gagawa niyan tandaan niyo mas halimaw si Ken kumilos. Mas lalo kapag computer na ang hawak nito." makahulugan na wika ni Ezekiel dito.
Pansin ko naman si Damon na panay lang ang kain ng banana chips habang nakatingin sa malaking screen. Nag salubong ang kilay ko dahil halos hindi ito kumukurap.
"Nakatulala ba si Damon sa screen?" tanong ko sa kanila. Agad naman nilang sinilip ito
"Hahaha! Oo nga, ano ba nangyayari sa lalaking yan?" tanong naman ng kapapasok lang na si Tatiana.
"Anong meron at narito ka?" tanong ko dito. Maya maya biglang nag Flash sa screen ang live conference sa Palasyo.
Naikuyom ko ang kamao. "Dahil sa kanya nag ka gulo lahat.." galit na bulong ko.
LIVE CONFERENCE ON MALACAÑANG;
"Bilang ama ng bansa hindi ako papayag na ang isang criminal na Mafia Boss ay makaka takas na lang sa batas! Kailangan niya mag bayad sa mga kasalanan niya!"
THIRD PERSON POV
"Bilang ama ng bansa hindi ako papayag na ang isang criminal na mafia boss ay makaka takas na lang sa batas! Kailangan niya mag bayad sa mga kasalanan niya!"
Naikuyom naman ng mga Lavistre at Valencia ang kamao nila at nag tatagis ang mga bagang sa galit sa narinig.
"Ang mga katulad niya ay dapat pinaparusahan upang hindi pamari---"
Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng biglang may sumingit sa malaking screen ng TV sa loob mismo ng palasyo. Live broadcast din ito at wala silang magagawa para harangan ito.
"Mika! Alamin mo kung sino at saan nanggaling yan!" sigaw na utos ko.
"Boss shutdown tayo! Hindi ko mabubuksan dahil sadyang pinalitan ang password ng lahat ng site natin. Kung sino ang nasa likod nito ay siya lang ang may control dito!" sagot ni Mika.
Nakita nilang hindi halos nagbabago ang screen ng mga computer nila. Kahit anong pindot nila at galaw ng mouse ay ganun parin.
"Si Ken lang ang may kaya gawin ang ganito ka hirap na trabaho." malamig na wika ni Earl.
"Ganun kagaling si Ken?" hindi maka-paniwalang tanong ni Hanz.
"Oo halimaw ang lalaking yun. Hindi lang basta lumalaban si Ken, kundi kaya din nila manira ng buong system kung gugustuhin lang niya," sagot ni Demitri.
"With no trace back!" singit ng bagong dating na si Brent.
"Yo! Bumalik ka rin gago ka!" mura na bungad ni Damon sa pinsan.
Hindi maiwasan na hindi matawa ng lahat sa bungad ni Damon sa pinsan. Nabalik silang lahat sa reyalidad ng may mag salita.
Ang boses nito ay agad na ang bigay sa kanila ng goosebump.
"Sa tingin mo ba kaya niyo tapusin ang mga kriminal na katulad ko?" malamig na tanong ng nasa kabilang linya.
Lahat ito ay mapapanood ng mga tao. Ang mga taong sumusuporta sa Mafia ay nag si diwang na.
"Sa batas sila dapat matakot mas lalo kana! Hindi ka dapat pamarisan! Isa kang krimi---"
No one can cut off the president, but only the Mafia Lord can do that!
"Over 20 years namin hawak ang bansa. Sinabi ko na sayo na mahigit isang dekada na mahigit, na dahil sa akin ay nakaka kuha ang bata mo na tip. Tip ba kamo? Tip kung saan nagaganap ang mga hindi niyo ma-resolbang kaso!" malamig na wika na pinakahihintay nilang lumabas.
Walang iba kundi si Flame Morjiana Lavistre. Hindi naman mapigilan na hindi maiyak na panganay na magkapatid na si Sky, Thunder at Storm.
Ngayon tiyak nilang buhay ang nakaka batang kapatid nila.
"At least nanay buhay siya. " umiiyak na wika ni Sky sa nanay Fely niya.
Kahit ang iba ay nag iyakan din. Dahil bilib ang mga ito sa tapang ng dalaga.
Hindi maiwasan hindi maging emotional ni Blake kahit boses lang at anino ang nakikita nila dahil madilim naman ang kuha. Ay naging sapat para mabuhayan siya ng loob na buhay pa nga ito.
"I miss her so much.." bulong ni Blake na narinig naman ni Ezekiel. Agad itong inakbayan.
"Konting tiis na lang makikita mo ulit siya at mahahawakan." bulong nito sa lalaki. Tumango naman ito.
"Sa oras na lumabas na ang video na ito sa buong mundo. Tingin mo ba walang susugod sayo? At bigla kang bombahin sa gitna ng pag papahinga mo?" nakita nila ang pag ngisi ng dalaga. Pero agad din dumilim ulit.
"Hay*p ka! Kung matapang ka lumabas ka!" sigaw nito.
Natawa naman ang babae sa kabilang linya. "Sa pag kaka tanda ko sinaluduhan mo pa ako noon so bakit ngayon para kang bombang sasabog sa galit? But anyway. I have deal for you.." wika ng dalaga.
Nang walang sumagot ay nag salita ito. "Bawiin mo ang pagiging wanted at patong sa ulo ko na 50 Million pesos. Kapalit n'yan tutulong ako o kami sa lahat ng kailangan ninyong information." pakikipag deal ng babae.
Napa iling mag pinsan sa sinabi ng dalaga. "Kilala ang Mafia sa hindi marunong tumupad sa usapan.." wika ng kanang kamay ng pangulo.
Hanggang nagulat sila na parang may mali sa video. "Teka. Mika?!" sigaw ni Storm.
"Tama ho kayo recorded na ang video at nasa loob na ng palasyo ang totoong nasa likod nito!" sagot ni Mika.
Sabay sabay silang napa singhap ng hangin ng makita na lang nila ang logo ng bansa sa screen.
"Kaya mo ba pasukin?" tanong ni Earl kina Alice. Ngunit iling lang ang sinagot ng dalaga.
"Tulad po ng sabi ko naka shut down po tayo!" magalang na sagot ng dalaga.
"Kung ganun ano ang pag uusapan nila? At bakit kailangan gawin ni Flame ang deal na yun?" Para saan?" sunod sunod na tanong ni Dimitri.
"Maaaring may pinoprotektahan siya. Tingin ko ito ang way niya para makuha ang control sa gobyerno hindi dahil gusto niya itong mapa munuan. Kundi para ipaintinde na hindi siya o kayo ang kalaban," wika ni Blake.
Namangha naman sila sa sagot ng binata. "Kung ako tatanungin ginagawa niya ito upang bumalik ang lahat sa dati. Na walang pakialam ang gobyerno sa Mafia at wala din pakialam ang Mafia sa gobyerno. Sa ganung cycle magiging maayos ang lahat.." muling wika nito.
"Tama siya. Iyon ang gustong gawin ni Flame." pagsang-ayon ni Thunder.
Nang lumipas ang halos sampung minuto bumalik sa dati ang lahat pati ang screen na parang walang nangyari.
Nakita nila ang pangulo na parang balisa at pawisan pa ito. Natawa naman si Damon at nag salita. "Siguro binugbog ni Flame sa salita yan!" Natatawa nitong wika sabay turo pa sa pangulo.
Napa iling at napa tampal naman sa noo ang mga pinsan nito.
"Kahit kailan talaga!" naiiling na wika ni Earl.
"Pupunta ako sa patungo sa puntod ni Azi para dumalaw, sama kayo?" tanong ni Thunder sa mga pinsan.
"Oo sunod kami." sagot agad ni Demitri.
SA KABILANG BANDA isang bulto ng tao ang naka tayo sa harapan ng puntod ni Azi. Hawak nito ang manipis na paint brush at basahan.
Ang suot nito ay isang three piece suit, ngumiti ng mapait ang lalaki habang inaalala ang huling beses nilang mag kasama.
"Hindi dapat nangyari sayo ito." wika ng lalaki. Binitawan nito ang hawak at pumalahaw ang mga luha nito at ang mahinang pag hikbi.
STORM LAVISTRE
Napansin ko ang isang lalaki sa puntod ni Azi na nakaupo at tila nakayuko. "Uy may dumalaw kay Azi baka si Ken yan!" tawag ko sa kanila.
Mabilis silang kumilos at sinilip. "Pero hindi ganyan ang katawan ni Ken malapad ang ang likod no'n." sagot ni Damon.
Maya maya nakita namin itong tumayo, may hawak pala itong plastic. "Kung ganun sino? Si Lance? Pero malaking tao si Lance.." pagtataka kong tanong sa kanila.
Tatawagin ko na sana ng makita kong lumapit dito agad si Earl. Kaya nag sunuran na kami dito, "Sino ka?!" tanong agad ni Earl dito.
Ramdam ko ang tensyon sa dalawang ito. Hindi ito sumagot kaya nag salita si Vlad. "Bakit dinadalaw mo ang puntod ng pinsan namin?" tanong ni Vlad dito.
Unti unti itong humarap sa amin doon ko napansin na siya yung lalaki sa party yung Lelouch ang pangalan.
"Ikaw?!" sabay sabay naming tanong dito.
"Matalik kong kaibigan si Azi noong nasa kolehiyo kami." biglang sagot nito.
Bigla kong naalala ang nangyari sa labas ng hotel. "Paano ka nag ka roon ng baril at sinabi ni Winter na pareho kayo ng tattoo ng nakaka bata kong kapatid?!" sigaw ko dito.
Binigyan naman ako ng ngisi nito. "Kung iniisip niyong kalaban ako? Mali kayo wala akong katungkulan sa lipunan na ito. Isa lang akong ordinaryong negosyante." sagot nito. Umatras ito at nag lakad na paalis.
"Adiós!" paalam nito at umalis na lang ng tahimik.
"Duda ako sa kanya." wika ko.
"Kahit ako. May mali sa kanya ang mga mata niya ay hindi nagsasabi ng totoo." wika ni Damon.
Tama siya, malikot ang mata nito kanina pero nagawa niyang sumagot ng hindi man lang na uutal.
Nagising ako sa pag iisip ng malalim, nang mag salita sa Mika sa earpiece na suot namin. "Mga boss, walang information tungkol sa sinasabi niyong si Lelouch Weisenburg. Kahit anong gawin ko ay wala ho talagang lumalabas!" wika ni Mika sa kabilang linya.
"Kung ganun sino siya at bakit siya lumalapit sa pamilya?" tanong ni Ezekiel. Nilapag ko naman ang hawak kong bulaklak sa harap ng lapida ni Azi.
"Susubukan ko parin po sa ibang paraan.." sagot ni Mika.
"Okay good Mika." sagot ni kuya Thunder dito.
"Nilisan niya ay at re-paint niya ang pangalan ni Azi.." wika ko at tinuro ko ang puntod ng pinsan namin.
"Hindi gagawin ng isang kaibigan ang tulad ng ginawa niya. Nakikita ko na may malalim na dahilan ang pagpunta at ang ginawa niyang yan.." wika ni Vlad habang naka tingin sa nilakaran ng lalaki kanina.
"At para sa isang lalaki? Payat siya, para sa isang negosyante?" takang tanong ko.
"May punto si Storm. Kung negosyante ka bakit ka nanatiling payat?" tanong ni Vlad.
"Baka naman na ba-bankrupt na?" tanong ni Damon.
Natawa naman ako bigla at tiningnan ito ng hindi maka paniwalang tingin. "Really Damon?" tanong ko dito.
"Oh? Mga mata niyo na naman?!" angil nito sa amin.
Napa iling na lang ako at tumayo na ako. "Hindi ba natin dadalawin si lolo?" tanong naman ni Ezekiel sa'min.
"Oo nga isang taon na rin naman, bakit kaya hindi naman natin siya dalawin?" tanong ko sa kanila.
"Baka oras na rin para patawarin siya?" tanong ko ulit.
Nakita ko naman nag pagkawala ng hininga si Kuya Thunder. "Fine may isa pa naman tayong bulaklak. Sa kanya na lang ibigay," pag payag ni Kuya Thunder.
"Mga boss kailangan niyo po bumalik ng Underground. We're under attack!" wika ni Alice.
Kaya nagkatinginan kami agad. "Let's go. Dalhin ko na ito muna kay lolo!" wika ni Damon at tumakbo na lang ito basta.
"Bilisan mo at sumunod kana rin!" utos ni Kuya Thunder.
Sabay sabay kami umalis sa sementeryo. Sumakay agad ako sa kotse ko at ganun din sila nakita kong sumakay na rin si Damon sa motor nito. Halos ito ang na-unang umalis.
Well, naka motor eh!
THIRD PERSON POV
Sunod sunod nag datingan ang mga sasakyan ng magpipinsan at ang ibang tauhan.
"Mika! Ihanda niyo ang ibang armas bilis!" utos ni Thunder
Kumuha ito ng baril na naka display sa pader ng underground. Mabilis itong umakyat sa itaas ng underground.
Sumunod ang kapatid nitong lalaki na si Storm at ang pinsan na si Vlad.
Naiwan naman si Damon, Earl, Ezekiel at Demitri sa ibaba. Nang dumating ibang kalaban nila na hindi nila alam kung sino ang mga ito.
Agad nila itong pinaulanan ng bala. Habang sila ay abala sa ginagawa nila hindi nila namalayan na may kasama silang nakikipag laban mula sa malayong distansya.
"Mga Boss, may bala po na nanggaling sa malayong distansya. Hindi para tamaan kayo kundi para tulungan kayo!" wika ni Divine sa kabilang linya.
"Si Lance!" sabay sabay nilang wika. Ang hindi nila alam may isa pa silang kasama.
"Pero boss may isang tao kaming nahahagip sa radar sa itaas ng puno ito nakapwesto kaya lang hindi namin alam kung babae o lalaki!" wika naman ni Jennica.
Nagsi babaan sila upang makita nila ang sinasabi ng mga ito. "Sino yan?" tanong nilang sabay sabay din.
Natawa naman si Mika sa mga amo nila. Nakita nila ang green na tuldok ibig sabihin hindi ito kalaban. Ngunit malayo ang distansya nito sa underground.
Hanggang nakarinig sila sa buong underground ng boses at pag daing. "Ouch! Putang*na naman! Hindi talaga maganda mag tago sa puno!" narinig nilang angil ng lalaki.
Nang mapag tanto nila ang boses nito agad napa takip ng bibig si Mika at ang tatlo pang babae. Hanggang makita nila ng malinaw ang mukha ng lalaki.
Matapos nito tumayo sa pag kaka hulog. "Ken?!" hindi maka paniwalang wika ni Thunder.
Nakita nila itong nagulat pa at tumingin sa camera ng Underground at masiglang kumaway. "Yo! Kamusta! Buhay pa ako ha? Baka pinag lalamayan niyo na ako?" naka ngiti nito bati sa camera.
"Tang*na mo! Bakit hindi ka nag papakita! Nasaan si Flame?" tanong ni Damon dito.
"Wala akong alam kung nasaan si Boss. " sagot nito. Nagulat sila ng biglang nawala ito sa linya kahit ang mukha niya.
"Mika saan siya naka pwesto kanina?" tanong ni Thunder.
"Boss sa main road may puno doon na malaki!" sagot ni Mika.
"Puntahan niyo doon panigurado hindi pa nakakalayo si Ken dito!" utos ni Thunder. Walang salita ang lumabas sa bibig ni Damon at Storm. Mabilis silang nag tungo sa sinabing lugar.
"May tinatago si Ken sa atin. Ngunit sino ang sinasabi niyong nasa mas malayong distansya? Si Lance ba?" sunod sunod na tanong ni Vlad sa mga kasama niya.
Nahihimigan ng pagtataka ang boses ng binata. "Opo siya lang po ang kilala namin na mabilis at malines na umasinta ng ganun ka layo!" sagot naman ni Divine.
"Ibig sabihin kung tayo ay hinahanap sila! Sila naman ay nakamasid sa kilos natin?" tanong ni Demitri habang salubong ang kilay nito.
"Tama kayo ganun nga ang nangyayari ngayon." wika ni Earl habang nag lilines ng kamay nito na puno ng dugo.
"Hayaan na lang natin sila na mismo ang lumabas at mag paliwanag. Bakit sila biglang nawala." sunod na wika ni Earl.
Kinuha nito ang inabot sa kanya ng kusa ni Alice na wet wipes."Thanks." maikli at malamig nitong wika.
SA KABILANG BANDA. Paika ika na nag lakad si Ken pabalik sa kotse niya na naka parada sa medyo malayong distansya.
"Pambihira talaga oh? Lintek naman kasing mga antik yan!" reklamo nito habang naglalakad sa gilid ng kalsada.
"Pag uwi ko talaga gagawin ko na ang utos ni Boss na magbigay ng information sa papasok na kalaban. Again? Hindi ba sila napapagod o hindi man lang ba sila marunong tumahimik?" tanong na naman nito habang patuloy sa pag lalakad.
"Ngayon alam nilang buhay ako panigurado mag iisip sila na hayaan na kami na lang ang lumabas. Pambihira talaga! Hindi ako pwede lumabas panigurado bugbog ako sa tanong ano sasabihin ko? Mamaya torturin pa ako nila at pilit paaminin!" kamot ulo naman nitong tanong sa sarili.
Hindi naman maiwasan hindi umirap ng isang taong nakikinig sa kanya mula kanina pa. "Alam mo naman siguro na nasa kabilang linya ako diba?" tanong babae sa kabilang linya.
"Woah! Akala ko putol na sorry hahaha!" natatawa nitong wika.
Napa iling na lang ito at tuluyan ng binaba ang tawag. Muli tumingin ang babae sa Underground ng DCN at ngumiti.
"Soon.." yun lang at umalis na ito sa pinag tataguan niya.
-
Allies of Justice