WINTER HELLIANA LAVISTRE
Nang maka baba kami ni Crystal panay pa kami tawa dahil sa kwento niya na about sa Monkey and the Turtle. Palagi daw kasi 'yun kinu kwento ng kuya Blake niya ng bata pa siya.
Mas lalo kapag sleep time na, Kasunod namin sila kuya pero malaki ang distansya namin sa kanila.
"Alam mo ano kaya itsura ni ate Flame ano? Is she still beautiful kaya?" tanong ni Crystal.
Nauna itong pumasok ako naman ay umikot ng biglang may sumigaw. "Winter!" narinig kong boses.
Lalaki ito at ang hindi ko inaasahan ay ang sunod sunod na putok ng baril na kinayuko ko. Bago ako maka upo ay may mainit na yakap ang naramdaman ko. "You're safe! Sh*t!" mura nito.
Napayakap ako sa taong ito na pakiramdam ko ay kilalang kilala ko. Bigla kong naisip si ate Flame.
We miss her so much. It's been 1 year and 10 months wala parin siya. "Nasaan ang mga kasama mo?" tanong nito at kumalas ito sa pag kakayakap.
Doon ko nakita na siya yung lalaki kanina. "Tsk! Not now again." may irita sa boses nito.
Mag sasalita pa lang ako ng bigla ako nitong hilahin palapit sa kanya. " itago mo sarili mo sa katawan ko ngayon na!" utos nito at narinig ko ang sunod sunod na pag putok ng baril.
Napa sigaw naman ako sa takot. "F*ck! Ganda naman nitong salubong!" mura nitong wika. Ng maupo ako lumuhod naman ito.
Dali-dali kong kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si kuya Thunder. "Kuya! Binabaril kami sa labas! Tulong!" sigaw ko at napa tili ako ng tumama ang bala sa gulong.
Nang bumukas ang pinto nakita kong sinipa ito ng lalaki na nagngangalang Lelouch. "Huwag niyo buksan! Huwag kayong tanga! I can protect this child!" galit na sigaw ng lalaki.
Hinarang niya ang katawan niya sakin para siya ang tamaan ng napansin ko ang tattoo nito sa likod ng teinga niya.
Parang katulad kay ate. "Ate Flame?" tawag ko dito at hinawakan ko iyon na parang may nabunot akong kung ano.
Nakita ko siyang lumingon at namutla ang mukha nito.
"I knew i----" napa tigil ako ng tumayo ito. Kaya mabilis akong tumayo.
"I know ikaw ang ate ko! Ate please bumalik kana!" pakiusap ko dito.
Hinawakan ko ang kamay nito ng makuha akong wire na manipis lang ito. Nang mag angat ako ng tingin nag salita ito. "I need to go. You're safe now!" wika nito at mabilis tumakbo.
Hinabol ko pa ito pero mabilis itong tumakbo "Ate!!" sigaw ko. Umiyak lang ako at nag papadyak.
"Ang daya mo! Iniwan mo kami tapos mag papakita ka! Ate!!" sigaw ko ulit.
Mula sa isang eskinita kita ko ang anino ng taong yun. Hindi siya umalis agad "Ate please bumalik kana. Hindi naman kami galit sa ginawa mo eh. Paano mo natitiis si Cloud? He always ask kung asan kana!" napa upo ako at umiyak lang.
"I miss you ate! Sapat na ang isang taon!" sigaw ko. Hanggang maramdaman ko ang pag hawak ni kuya Thunder sa balikat ko.
Nang tiningnan ko ang malayong iskinita wala na yung anino niya doon.
"Clear na ang paligid Thunder." rinig kong wika ni Kuya Damon. Tumayo ako at yumakap kay kuya Thunder.
"Sino ang tumulong sa'yo?" tanong ni kuya Storm sa'kin.
"Yung Lelouch mga kuya. Then nakuha ko ito sa kanya, nakita ko din na may pareho sila ni ate Flame ng tattoo sa likod ng kanyang teinga." humihikbi kong sagot.
Pinakita ko sa kanila ang wire. "Teka ginagamit ito as voice changer. Doon mo ito nakuha sa bagong salta?" tanong ni kuya Ezekiel sa'kin.
Tumango ako at humikbi lalo. Tinuro ko saan tumakbo yung lalaki. "Doon siya tumakbo, alam ko nakita ko po yung takot sa mukha niya ng tawagin ko po ang pangalan ni Ate." sagot ko.
Mag sasalita pa lang sana si kuya Ezekiel ng may nag text kay kuya Thunder.
"May nag text sakin ang sabi niya. "Huwag mo hahayaan na mag isa ang kapatid mo lalo kung isa kayo sa mga delikadong tao sa bansa." wika ni kuya.
Pinabasa niya ito sa iba. "Okay kung sino man 'yang Lelouch na yan kailangan natin malaman anong pakay niya. Pero sa ngayon umuwi na kayo muna, hindi ko pwede iwan ang mga bisita dito." utos ni kuya Thunder.
THIRD PERSON POV
Makikita ang isang lalaki na naglalakad sa madilim na parte ng maynila.
Pumasok ito sa isang Pharmacy habang hindi iniinda an kanyang sugat sa tagiliran niya. "Good evening.." malamig na bati nito sa babae.
"Ano po maipag lilingkod ko sainyo sir?" nakangiting tanong ng magandang babae.
"Kailangan ko ang mga ito. "sagot ng lalaki at ibinigay niya ang naka lista. Nanlaki naman ang mata ng babae.
"Sir sugatan po ba kayo? Kung oo maupo muna kayo ako na ho ang gagamot sainyo!" nahihimigan ang pag aalala sa boses ng dalaga.
"No need i can handle it." pagtanggi nito sa babae. Walang nagawa ang babae kundi ibigay sa bumili ang kailangan nito.
Lahat ito ay gamit sa mga gunshot wounds. Inabot ng lalaki ang blue ATM nito na agad naman kinuhaan mg bayad ng babae.
Pagka abot nito sa sariling ATM ay agad lumabas ang lalaki. "Badtrip talaga!" ines na reklamo nito habang naglalakad pabalik sa kanyang tinitirhan ngayon.
SA KABILANG BANDA. Naalarm naman ang buong underground nang makita nilang may gumamit ng ATM ni Flame.
"Mga boss may gumagamit ng ATM card ni Miss Flame. Malapit po sa Hotel kung saan ginanap ang kaarawan niyo!" imporma ni Mika sa lahat.
Walang nag salita sa kanila basta na lang umalis ang mga ito. Para silang naghahabulan sa isang maze na hindi alam kung sino ba talaga ang kailangan nilang hanapin.
Naunang dumating si Cross sa isang Pharmacy agad itong pumasok sa loob. "Good evening sir!" bati ng babae.
"Miss. I'm sorry pero may naging customer ka bang babae na gumamit na blue na ATM? Yung ganito." tanong ni Cross agad.
Pinakita nito ang sariling ATM sa babae. "Opo kanina lang pero lalaki ho 'yun," mahinahong sagot ng babae.
"Lalaki? Imposible sa pinsan kong babae ang ATM na yun.." sagot ni Cross.
Saktong pasok naman ng mga pinsan nito. "Negative lalaki daw ang may gamit." bungad nito sa pinsan niya.
"Miss totoo? " tanong ni Storm. Nagtataka namang tumango ang babae
"Pwede ba namin makita ang CCTV?" tanong naman ni Earl sa babae.
"Pu-pwede po tara ho dito." nalilitong wika ng babae.
Agad nila itong sinundan habang naiwan naman ang iba sa labas.
"Kuya Lino. Patingin daw ng CCTV na kuha kanina mga 10 minutes ago.." wika ng babae sa naka bantay sa CCTV.
"Okay sandali po mga Sir." sagot ng lalaki.
Nang hanapin ito ng lalaki ay nag taka sila na walang kuha na kahit ano. Putol ito at halatang nabura, nag ka tinginan ang mag kapatid at mag pinsan.
"Siya nga tama si Winter. Ang lalaking 'yun ay si Flame, kung hindi siya maingat na tao hahayaan niya ang CCTV na ito." wika ni Thunder.
Dumeretso ito ng tayo at namulsa. Nagpapasalamat sila, agad na lumabas sila ng Pharmacy at doon lang nila napansin ang patak ng dugo sa kalsada. "Maaari din na totoong lalaki siya, pero ayaw niyo ma involved siya sa atin at nag ka taon na andun siya para iligtas si Winter." mahabang wika ni Cross.
Napa isip naman ang mga ito na may punto ang pinsan. Maaari nga dahil una hindi nila nakita ang nakita ni Winter maaring namalikmata lang ang bata sa nakita niya.
Wala silang nagawa kundi umalis na lang at pabayaan ang patak ng dugo na 'yun dahil ng sundan naman ito ni Storm naputol din agad.
HINDI NAMAN maiwasan na hindi mag kamot sa ulo ang lalaki na makita ang sinapit ng kaibigan. "Alam mo na nga na hindi ka pwede mag tungo sa hospital. Nag pa tama ka pa ng bala." sermon nito sa kaibigan.
"Gawin mo na lang kasi dami mong sermon eh!" sagot naman ng kasama nito.
Natawa na lang ito at inumpisahan na nitong alisin ang bala na naka baon mismo sa tagiliran nito. Nang matapos agad niya itong tinahi.
"Sa ngayon mag pahinga ka muna." bilin nito sa kaibigan.
"You know i can't kailangan ako ni Lola. Kung hindi ako kikilos magugutom siya at kailangan niya ng gamot." sagot nito.
Napa buntong hininga na lang ito bago mag salita. "Hindi ko alam bakit mo kailangan mag tago at bakit kailangan mo mag hirap ng ganito? Kung tutuusin ang pera ay hindi problema sa'yo." namomoblema nitong sagot sa kaibigan.
"Malalaman mo din kung bakit. Malapit na yun konting tiis na lang, at mai-papagamot ko na si Lola." sagot ng dalaga.
Unti unti naman nito hinubad ang pekeng mukha na matagal na niyang pinagawa. Isa itong lalaki kaya ang nakikita ng mga tao ay isang lalaki pero babae ang nasa loob ng maskara na ito.
"Hmm, basta nandito lang ako kung kailangan mo ako alam mo paano ako makakausap." paalala ng kaibigan..
"Pwede ka na bumalik sa totoong buhay mo. Pwede mo na ako iwan kaya ko naman sarili ko." wika ng dalaga. Dahan dahan itong umupo.
"Nah, kapag ginawa ko yan panigurado tatanungin nila ako kung nasaan ka? Ano isasagot ko? Ayon nakatira sa bundok ng basura? Gusto mo ba sapakin nila ako?" sarkastikong tanong nito sa babae.
"Mas mainam na mag sabi ng totoo kesa magtiis ka sa ganitong buhay Ken.." lumingon pa ito sa kaibigan.
Umiling si Ken bago sumagot. "Mas gusto ko ang ganito. Kapag lumabas ka na, saka na rin ako lalabas dito." ngumiti ito.
NANG matapos ang usapan ng dalawa hinatid ito ng lalaki sa tinitirhan nito. Walang iba kundi sa dumpsite, sa loob ng halos isang taon dito na nabuhay ang dalaga.
Kapag wala siyang kita namumulot ito ng basura upang may ibenta sa junk shop upang mapakain niya ang Lola Meling na siyang naging kasama niya sa loob ng isang taon.
Hindi ito sumuko na paamuhin siya. Dahil na rin mailap ang dalaga sa lahat ng tao, nakikita ito ng lahat na nag pupulot at nag hihila ng banye-banyerang isda sa palengke pero hindi ito nagsasalita halos.
Ang isa pa nilang iniisip ano bang itsura nito dahil lagi may takip ang mukha nito tanging mga mata lang nito ang makikita.
Pag dating sa bahay na pinag tagpi tagpi lang nakita niya ang matandang nakahiga sa higaan nito. Agad kumilos ang dalaga mabuti ay binigyan siya ng kaibigan ng pagkain.
Kahit hindi ito kumain ang importante sa kanya maka kain ang matanda sa tamang oras at maka inom ng gamot nito. "Lola, kain na ho kayo." pag gising nito sa matanda.
Kahit hindi na nakakakita ang Lola niya ay nanatili itong naka ngiti at laging masaya. Para naman sinaksak ang puso niya ng makitang halos nangapa na ito sa hangin.
Agad niyang hinawakan ang kamay nito at inilagay sa mukha niya. " Lola konting tiis na lang po ha? Sagot na lang ang kailangan ko maipapagamot ko na kayo.. hintayin niyo po 'yun." pakiusap ng dalaga sa matanda.
"Oo hihintay ko yun. Saka gusto ko pa makita ang sinasabi mong gwapo mong anak at magiging asawa mo," naka ngiti nitong sagot.
Ngumiti ang dalaga at pinakain na ito ng maayos. Hanggang mapa inom niya ng gamot ito at nang makatulog doon lang niya naramdaman ang gutom ngunit tiniis niya ito.
Hanggang lumipas ang gabi tulad ng dati ay nag trabaho ulit ito sa palengke. Mabuti at kaya ng katawan niya ang mabibigat na bagay.
"Totoo ba na maaaring bumalik ang kilalang Mafia Boss? Diba babae yun?" narinig niyang usapan ng mga tao.
Nakatingin sila sa TV sa loob ng palengke mismo. "Grabe, balita ko buhay pa siya kasi wala naman nakitang katawan sa nasunog na bundok." wika ng aleng may edad na.
"Kung hindi dahil sa kanila hindi natin malalaman na matagal na pala tayo nasasakupan ng mga gamahan at sakim na mga tao!" gigil na wika ng isang mamimili.
"Tama ka d'yan. Tama lang na bawiin na ng pangulo ang pagiging wanted nito sa buong bansa.." wika ng matandang lalaki na kaharap niya bumibili din ito.
"Ineng isang kilong galunggong nga ako. " wika nito.
Walang salitang lumabas sa bibig nito ay basta na lang ito binigyan ng isda na gusto nito. Bukod sa trabaho niyo sa pag hila ng mga banyerang isda ay minsan ito din ang tumatao kapag wala ang may ari ng pwesto.
"Ito ho. 160 po," magalang na sagot nito.
"Kung ako sa pangulo mag iisip na ako. Sa daling pasukin ng bansa? Hindi na ako mag taka na may mga nakapasok na naman ditong mga kriminal!" wika ng isang tindero ng karne sa kaharap na pwesto.
"Bilib ako sa batang 'yan sa edad niyang bente uno? Nagawa niyang protektahan hindi lang ang pamilya niya kundi ang buong bansa mismo. Kahit pa siya ang mapahamak!" naiiling na wika naman ng katabi niyang pwesto.
Yumuko na lang ang babae at hindi nito mapigilan na hindi mapaluha sa mga narinig. Pasimple niya itong pinunasan at muling tinuon ang sarili sa pag ta-trabaho.
"Balita ko magkaroon ng rally sa harap daw ng Sandiganbayan at sa harap daw ng Malacañang Palace." narinig niyang wika ng bumibili ng karne ng manok.
"Huh? Bakit?" kanya kanyang tanong ang mga tao sa palengke, maliban sa kanya.
"Para ipaalis o hilingin na alisin ang patong sa ulo ng Mafia Boss na yan! Dahil naiintindihan nila saan nanggaling ang organization na yan. Ngunit sabi hindi pwede dahil na din sila ay isang kriminal at mga sindikato." narinig niyang sagot.
"Hay naku! Oo mga kriminal sila kaya dapat sa kanya ibitay at siya dapat ang unang makaranas ng Death Penalty!" sigaw ng isang matandang tingin niya ay angat sa buhay.
"Hoy aleng may de kulay ang buhok! Hindi natin alam bakit sila ganun. Pero ito ang paraan nila para prumutekta ng tao. Saka bago ka magsalita ng ganyan! Sana inisip mo din na may kasalanan ba siya sa'yo?" mataray na tanong ni Aling Kusing.
Ito ang dakilang chismosa sa palengke nila.
"Oo wala siyang ginawa pero. Ang pag bantaan ang mahal na pangulo noon sapat na yun para siya ay makulong!" sagot ng babaeng may kulay ang buhok.
"Pareho lang naman kayo makitid ang isip ng mga nasa gobyerno kaya ganyan kayo makapag salita! Sila ang mga tao na alam kung ano talaga ang problema ng bansang ito!" sagot naman ni Aling Kusing.
Napa iling na lang ito at nag tinda na lang siya ng maayos. Dahil para sa kanya
Parehong tama ang dalawa. Isang criminal at sindikato ang mga katulad nilang Mafia's. Pero sila ang bukas na mata sa kailangan o kulang ng bansa.
Napa buntong hininga ito biglang nakaramdam ng pagka miss sa mga kasama niya.
THUNDER LAVISTRE
Bigo pa rin akong kausap si Lance una dahil ang boss o CEO ng kumpanya ay hindi rin daw bumabalik pa
Nag ta-trabaho ito pero hindi nila alam kung nasaan ito. Puro Video call at video conference lang lagi ang ginagawa nito sa mga tauhan ni Lance.
"Pambihira! Paano ko pa ito makakausap?" kamot ulo kong wika.
Nagising ako ng may message mula kay Alice.
From Alice:
Boss mag tungo kayong lahat sa UG ang presidente po ay may sasabihin live muna sa Palasyo!
Basa ko dito. Kaya mabilis akong sumakay sa kotse ko at nag tungo sa Underground, alam ko andun narin ang iba.
-
Let the story Begin…