02

1028 Words
Chapter 02 3rd Person's POV "Ate, ayos lang ako dito. Hindi mo kailangan mag-alala at araw-araw pa ako tawagan," ani ng binata habang nakaupo sa higaan na kahoy. "Lulu, imposible naman hindi ako mag-alala sa iyo. Sobra-sobra na ito para—" "Ate ayos lang ako. Sige na ate— mag-aayos pa ako ng mga gamit ko. Huwag mo na din ako tawagan sa phone number na ito dahil kailangan ko ito ibenta," ani ng binata. Nag-react ang babae sa kabilang linya ngunit pinatayan na siya ng binata bago pa ito makapagsalita. Binaba ni Lucius Difabio ang phone sa ibaba ng kama. Iniunat ni Lucius ang mga braso bago tumayo at lumapit sa mga kahon na nasa loob ng murang apartment na inakupahan niya. Binuhat niya isa-isa ang mga kahon at nilagay sa ibawbaw ng higaan na kahoy. Kinuha niya ang walis na nandoon at ilang basahan para linisin ang buong lugar. Naging mahaba ang araw na iyon para kay Lucius dahil sa ginawa nitong pag-aayos at paglilinis ng apartment niya. Hindi na nito napansin ang oras— nalaman niya na lang na hapon na 'nong maramdaman na kumukulo na ang tiyan niya dahil sa gutom. Kinuha ni Lucius ang wallet niya para tingnan ang laman 'non. Bahagyang nanlumo si Lucius matapos makita na 500 pesos na lang laman ng wallet niya. "Kailangan ko na din siguro maghanap ng trabaho na tumatanggap ng partimer," bulong ni Lucius. Nilagay niya sa likod ng bulsa niya ang wallet at tinungo ang pintuan. Hindi na nito inabalang ayusin ang sarili kahit puno ng dumi ang suot nitong puting damit. Naglakad si Lucius palabas ng lumang apartment. Agad siya ng binati ng land lady. "Iho, anong nangyari sa iyo?" tanong ni Lucius. Nagtaka ang binata at tiningnan ang sarili. Natawa ang ginang sa idea na mukhang na-rape ang gwapong binata dahil sa tiyura nito. "Naglinis po kasi ako ng apartment," sagot ni Lucius matapos huminto at pinagpagan ang sariling damit. "Wala ka bang kasama sa apartment mo?" tanong ng ginang nang maibaba na nito ang hose at nilingon ang binata. "Wala po," tanong ng binata. Ngumiti ang mabait na land lady. "Kapag may kailangan ka sabihan mo lang ako. Baka makatulong ako," ani ng ginang. Alanganin ngumiti si Lucius at mabilis na nagpaalam. Naramdaman niya ang tingin ng ginang sa kaniya pero hindi niya na iyon pinansin. Pilit niya inaalis sa isipan ang nabasa niya sa isipan ng ginang. Maganda ang ginang kahit nasa 40s na ito at hiwalay sa asawa. Mabait ang landlady dahil mura lang ini-offer sa kaniya ang isa sa mga room sa apartment building nito pero ayaw talaga ni Lucius ang iniisip ng ginang habang kaharap siya. Bumuga ng hangin si Lucius at pilit na nilihis ang tingin niya sa mga taong dumadaan. Wala sa mga ito ang umiwas ng tingin matapos siya makita. "Ang gwapo 'nong guy." "Bago ba siya dito?" Humanap si Lucius nang malapit na store. Agad naman siya may nakita sa kabilang kalsada. Tumawid si Lucius at pumunta sa store na iyon. Napatingin siya sa karatula na nandoon. Hiring sila ng mga staff sa convenience store. Kinuha iyon ni Lucius at pumasok sa loob. Lahat ng tao na nandoon napatingin sa direksyon niya. Lumapit siya sa counter at pinakita ang karatula. "Gusto ko sana maging partimer. Hiring pa ba kayo?" tanong ni Lucius. Siniko ng cashier sa store na iyon ang katabi na babae na natulala na lang. "Ahm p-partimer? Tanungin ko lang si boss," ani ng babae na agad umalis. Naghintay doon si Lucius at naramdaman niya ang tingin ng lalaking staff. "Sigurado ka magtatrabaho ka dito?" tanong ng staff na kinatingin ni Lucius. Nabasa agad ni Lucius ang iniisip ng lalaking staff. Iniisip ng staff na mukhang puro pagpapagwapo lang ang alam niya o baka maging display lang siya sa store. "Kailangan ko ng trabaho para sa pag-aaral ko," sagot ni Lucius. Kumunot ang noo ng staff na lalaki. "Kung may ganiyan akong katawan at mukha na katulad sa iyo hindi staff sa convenience store papasukan ko. A-apply agad ako sa mga agency baka maging mas malaki ang chance na maging model ako," sagot ng staff. Ngumiti lang ng konti si Lucius at hindi nagsalita. Sa isip ni Lucius kahit iyon na ang huling trabaho na pwede niyang pasukan. Ni sa panaginip hindi siya maga-apply doon. Maya-maya dumating ang manager. Nakita niya si Lucius. Agad niya ito nilapitan at tinanong kung may experience ba ito sa pag-assist ng mga costumer at maging cashier. "Meron po minsan po ako humawak ng busine— I mean store na ganito as a assistant," ani ni Lucius. Napapalakpak ang manager sa sinabi ni Lucius. "Tamang-tama— kailangan namin na dagdag na staff," sagot ng manager. Hindi umimik si Lucius dahil iba ang naririnig niya na sinasabi ng manager at nababasa sa iniisip nito. May nauna na sa kaniya na mag-apply at kumpleto na ang mga staff sa store na iyon. Nandoon ang manager para sabihin na kumpleto na ang staff at tatanggalin na ang sign board. Pero dahil sa mukha niya at balak nitong gamitin siya para maraming estudyante na pumunta doon. Agad siya nitong tinanggap at sinantabi ang capability ni Lucius as a worker. Bumuga ng hangin si Lucius sa idea na hindi niya alam kung magpapasalamat siya dahil may ganoon siyang kakayahan dahil nalalaman niya kung may mabuting intensyon ang kaharap niya o wala. Maiinis dahil hindi niya magawang magtiwala— sinabi ng manager na pwede siya magsimula ng training bukas. Libre naman daw ang lunch doon kung pang-umaga siya or dinner kung mapunta siya sa gabi. Sinabi ni Lucius na hindi niya pa natatanggap ang schedule niya sa klase kaya hindi pa siya makapag-decide kung umaga o gabi siya papasok. After makipag-usap ni Lucius— lumabas na ang binata habang hawak ang plastic bag kung nasaan ang mga binili niyang sandwitch, juice at food na ready to eat na. Huminto si Lucius sa harap ng convenience store at tinakpan ng bahagya ang liwanag na tumatama sa mukha niya— tumingin sa langit. "Hindi ko pa din maintindihan si dad. Ano bang meron sa lugar na ito na gusto ni dad na makita ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD