01

1148 Words
Chapter 01 3rd Person's POV "Young master, kailangan niyo na gumising. May pasok pa kayo," ani ng butler habang nakatayo sa gilid ng kama. Ilang oras na siyang nakatayo doon para gisingin ang amo. "Mast—" "Ano ba sa salitang hindi ako papasok ang hindi mo maintindihan!" bulyaw ni Danger Beltran matapos ibaba nag comforter at umupo. Tiningnan niya ng masama ang butler na napalunok na lang. "Y-Young master— mahigpit na binilin ni mayor na gisingin kayo para pumasok," ani ng butler na may takot sa expression. Agad na lumabas ang butler matapos dumampot ni Danger ng alarm clock na ibabato dapat sa kawawang butler. Binagsak ng lalaki ang katawan sa kama habang nakatingin sa kisame. Nilingon niya ang pinto at doon may nakita siyang itim na bagay na bumabalot sa paligid ng pintuan. Narinig niya ang boses ng butler at ilan pang katulong sa ilabas ng pintuan. Dumilim ang mukha ni Danger at tumagilid. Inalis ang mga mata sa pintuan at kumuha ng unan para takpan ang tenga. Simula pagkabata may kakayahan na si Danger makita ang nararamdaman ng mga tao sa pamamagitan ng mga kulay na nakikita niya sa katawan ng mga ito. Anger, sadness, happiness, admiration, fear, calmness, confusion, interest, desire at iba pa. Ngunit sa kabila 'non wala pang tao ang nakikita niyang hindi nagbabago ang kulay once na mapalapit sa kaniya. Hindi nagiging itim o pula— itim kapag may hindi magandang intensyon ito sa kaniya o may tinatagong interest. Pinaghalong pula at itim once na may galit ang taong iyon sa kaniya o may masamang balak. Tinago ni Danger ang mukha sa unan at pumikit. "Sana pinanganak na lang akong walang paningin. Ayoko ng ganito," bulong ni Danger. Sa kabila ng lahat ng bagay na meron siya— yaman, kapangyarihan at perpektong anyo. May bagay si Danger na nais ngunit hindi niya makuha— wala siyang kaibigan. Walang taong sinusubukan siyang kilalanin at intindihin. — Lahat ng estudyante na nasa loob ng isang gate— tumabi matapos bumukas ang gate at pumasok ang isang itim na sasakyan. Huminto ito sa gitnan ng maraming estudyante— bumaba ang driver na agad umikot para buksan ang pintuan. Bumaba si Danger na nakasuot ng sun glasses. Kusang nagbigay ng daan ang mga estudyante at tumabi. Ang ilan ay dali-daling umalis para lumayo sa lalaki. Sino ba ang hindi nakakakilala sa isang Danger Beltran? Bukod sa mayaman ang pamilya nito ay mayor pa ang ama nito sa kanilang lugar. Walang sino 'man tao ang pwedeng mangmaliit sa tagapagmana ng mga Beltran. Humakbang ang binata at parang hari itong naglakad patungo sa school field. Nakita niya doon ang mga barkada— sandaling binaba ni Danger ang sun glasses nakakita siya ng iba't ibang kulay sa aura ng mga kaibigan ngunit nang makita siya ng mga ito. Unti-unti nawala ang mga iyon. Nakangiti sa kaniya ang mga kaibigan na agad siya sinalubong. Binati siya ng mga ito at tinanong kung kailan ulit ang punta nila sa tambayan. Ngumisi lang si Danger at inayos ang suot niya na sun glasses. Sa isip ni Danger kahit sinong makakakita sa kanila iisipin na solid ang barkada na meron sila. Tagasunod ni Danger ang mga ito simula highschool ngunit alam ni Danger na kailangan lang siya ng mga ito dahil sa mga bagay na meron siya. Walang ganang nakinig na lang si Danger sa mga usapan ng barkada niya habang naglalakad sila papunta sa klase nila. "Nakita niyo iyong bagong transferee? Gosh ang gwapo— mukhang model." "Iyon yata iyong transferee na na-perfect ang entrance exam. Tapos apat na beses siya pinag-take dahil maraming head teachers na ayaw maniwala na na-perfect ng guy na iyon 'yong exam." "Tumatanggap ng transferee ang school?" tanong ni Danger na kinatingin ng isa sa mga kasamahan niya. "Kapag siguro nakapasa sila sa entrance exam at pumasok na scholar," sagot ng lalaki na kinatawa ng ilan sa magbabarkada. "Ang taas naman yata ng pangarap ng scholar na iyon para pumasok sa ganitong school," natatawa na banat ng isa sa mga kasama ni Danger. In some reason nangunguna ang school nila sa buong bansa. Tanging ang mga elite students lang ang maaring pumasok doon at galing mayayaman na pamilya na kayang magbayad ng million para sa isang semester. Magiging exclusive student ka ng university na iyon once na mula elementary ay doon ka na nag-aaral. Iyon ang unang pagkakataon na nalaman ni Danger na may nakapasok na transferee sa kanila. Naging scholar pa matapos ma-perfect ang entrance exam ng apat na beses. Ngumisi si Danger matapos pumasok ang idea na may bago siyang laruan. Tinungo nila iyong kwarto kung nasaan ang bago nilang room. "Hanapin niyo iyong transferee— gusto ko makipag-meet," nakangisi na sambit ni Danger. Agad naman napasuntok sa hangin ang mga kasamahan nito sa idea na may bago na naman silang laruan. Walang katok-katok na pumasok sina Danger sa classroom. Napasinghap ang mga estudyante na nandoon matapos makita ang grupo. Bakas sa mukha ng mga ito ang takot. Hindi pinansin nina Danger ang teacher na nasa unahan na kusang gumusot ang mukha pero hindi nag-react. Pinaalis ni Danger ang mga estudyante na nasa pinagkagitnang pwesto. Agad naman umalis ang mga ito at humanap ng mga upuan. "Bilis!" sinipa ni Danger ang likod 'nong guy na dumaan sa harap niya at napadapa ito sa sahig. Nagtawanan ang magbabarkada dahil doon. Sumama ang mukha ng ilang mga estudyante na nandoon ngunit hindi nag-react. Mula sa unahan— naglakad ang isang binata. Nakasuot ito ng gusot na uniform at kung ikukumpara ang dala nitong bag sa mga estudyante na nandoon. Mukha iyon basahan at basura. Tinulungan ng lalaki iyong estudyante at kinuha ang mga nagkalat na libro. Kumunot ang noo ni Danger matapos mawala iyong nakikita niyang itim sa paligid ng lalaki. Binaba ni Danger ang suot na salamin at pinako ang tingin sa lalaking nakayuko. Hindi pamilyar ang mga kulay na nakikita niya. Hindi iyon maintindihan ni Danger. Tumayo ang lalaki— naiinis na tinabig ni Danger ang estudyante na sinipa niya kanina at hinarap ang transferee. Nagtama ang mata nila at napatigil si Danger. Maganda din na lalaki ang bagong mukha sa university nila pero hindi doon tumuon ang pansin ni Danger. Nag-iba ang kulay ng nakikita niya sa loob ng katawan ng binata. Pinaghalong yellow at orange. Maliwanag iyon masyado kaya sinuot muli ni Danger ang sunglasses at hinablot ang kwelyo ni Lucius. "Bakit ka nangingialam? Ang lakas naman yata ng loob mo na humarang sa dinadaanan ko," may diin na sambit ni Danger. Nanatiling kalmado ang lalaki kaya nainis si Danger. "Hindi ba masyadong maliwanag?" malamig na sambit ni Lucius habang nakatingin sa mga mata ni Danger. Naitulak ni Danger si Lucius matapos magtaraasan ang balahibo niya dahil sa tingin ni Lucius sa kaniya. "I just trying to help," bulong ni Lucius bago tumalikod at binaba ang hawak na cutter sa lamesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD