03

1072 Words
Chapter 03 3rd Person's POV Makalipas ang ilang araw. Pumasok na si Lucius sa bagong university na papasukan niya. Natanggap siya doon bilang scholar— wala siya doon babayaran hangga't nangungunana siya sa klase. Sa unang araw ng klase na-late si Lucius kaya hindi na nito nagawang ayusin ang uniform niya at nakapag-ayos ng buhok. Nagtitipid siya kaya mula sa apartment niya tinakbo niya iyon hanggang sa university niya. Hindi niya ininda ang tingin ng mga babaeng napapatingin sa kaniya. Ang ilan sa mga lalaki doon ay gumusot ang mukha matapos makita ang tiyura ni Lucius— gusot na uniform, cheap na bag at sapatos. Malayo iyon sa tingin ng mga babae nandoon na halos maghugis puso ang mga mata matapos makita ang messy at wet look ni Lucius. Hindi sila pinansin ni Lucius at tinungo ang building kung saan niya nakita ang mga estudyante na kapareho ng kulay ng ID lace na suot niya. Kailangan niya lang naman hanapin ang section niya doon since nakuha niya na ang schedule niya. Naglakad siya papunta doon at nagtingin-tingin sa mga section na nasa taas lang ng pintuan. "Excuse me," napatingin si Lucius. May nakita siyang lalaki. May suot ito na salamin— sa galaw at pananalita nito alam na ni Lucius kung anong kasarian nito. Gay ang lalaki ngunit hindi si Lucius nag-judge dahil iba ang nababasa ni Lucius sa isip ng lalaki. Wala itong masamang intensyon sa kaniya at ginagawa nito ang responsibilidad as a student council president. "Nawawala ka ba? Ikaw ba iyong transferee?" tanong ng estudyante. Inayos ni Lucius ang tayo. "Hinahanap ko ang classroom ko— hindi ko makita," sagot ni Lucius. Inabot ng lalaki ang kamay niya. "I'm Jonas Bukid, you can call me Jonas," ani ng lalaki. Inabot iyon ni Lucius at ngumiti. "Lucius Difabio." "Gosh, ayan na naman iyong baklang president." "Pati transferee pinagdidiskitahan." "Patingin na lang ng schedule mo. Samahan kita sa classroom mo since malapit na ang klase mala-late ka," ani ng lalaki. Agad naman kinuha ni Lucius ang bag niya at kinuha ang schedule niya nakaipit sa note book niya. Binigay niya iyon kay Jonas na agad kinuha. Tiningnan iyon ni Jonas at binalik sa lalaki. "Same class pala tayo and schedule maliban na lang doon sa last 2 subject mo sa schedule. Tara sumunod ka sa akin." Nauna maglakad si Jonas at sinundan siya ni Lucius. Hindi niya pinansin ang mga estudyante na napapatingin sa kanila. "Itong mga babaeng ito mga pokpok. Makakita lang ng gwapo kulang na lang dilaan ang dulo ng sapatos nila— kadiri," out of the blue na sambit ni Jonas. Nilingon ni Jonas si Lucius na nanatiling nakayuko at hawak ang bag niya. "Kung gusto mo mamaya pagka-vacant time natin lapitan mo ako para iikot kita dito sa buong university. Para malaman mo na din kung saan iyong room ng mga class subject ng schedule mo." "Okay maraming salamat," sincere na sagot ni Lucius na kinangiti ni Jonas. Nang makarating sila sa classroom nila sa ikatlong palapag. Kumatok si Jonas at pumasok— nandoon ang professor nila na mukhang naaa introduction pa lang. "Ma'am goodmorning. Siya iyong transferee," ni ni Jonas bago pumasok sa loob at hinanap ang upuan niya. Iniwan niya sa unahan si Lucius. "Lucius Difabio right? Iyong naka-perfect ng entrance exam. That's good mabuti naman may maayos-ayos akong estudyante ngayon," ani ng ginang bago umayos ng tayo at binaba ang hawak na log book. "Introduce your self, Mr. Difabio para makilala ka naman ng mga kaklase mo," may ngiti na sambit ng ginang. Sinara ni Lucius ang pintuan at naglakad papunta sa unahan. "Ang pogi." "Girl, tingnan mo ang height. Oh my god." Sari-sari ang bulungan na naririnig ni Lucius sa paligid. Kitang-kita ni Lucius ang paghanga ng mga babae sa room na iyon na kabaliktaran sa pinakikitang expression ng mga kaklase niyang lalaki. Mahaba-habang araw at school year na naman iyon para kay Lucius. Bumuga ng hangin si Lucius at magsasalita na siya nang biglang bukukas nag pinto. May anim na lalaki ang pumasok. Mga hindi ito naka-uniform at balewala lang na dumaan. Mukha din hindi siya napansin ng mga ito at ang teacher na nasa unahan. Napako ang tingin niya sa lalaking may suot na sun glasses. Bukod kasi karisma meron ito naagaw din nito ang atensyon ni Lucius dahil sa boses na naririnig ng binata sa isip ng bagong dating. Nababasa niya ang iniisip ng ibang tao na para silang mga bukas na libro once na titigan sila ni Lucius. Pumapasok lang iyon sa isip niya pero ngayon lang siya nakarinig ng boses. Boses na galing mismo sa isang tao. Sobrang ingay 'non kaya napahawak si Lucius sa ulo. Nawala ang boses kaya napatingin siya sa direksyon ng mga lalaki. Nakita niya na may sinipa si Danger Beltran na estudyante. Miyembro iyon ng isang frat sa labas ng university at malaki ang galit kay Danger. Nakita ni Lucius ang iniisip nito kaya lumapit si Lucius at tinulungan ang lalaki para pakalmahin ito. Nabitawan ng lalaki ang cutter matapos ibigay sa kaniya ni Lucius ang libro. Tinulak ni Danger ang estudyante at hinablot ang kwelyo ng suot na uniform ni Lucius. "Bakit ka nangingialam? Ang lakas naman yata ng loob mo na humarang sa dinadaanan ko," may diin na sambit ni Danger. Hindi naka-react si Lucius dahil mas nag-focus ito sa mga nabasa niya isip ni Danger. "Hindi ba masyadong maliwanag?" malamig na sambit ni Lucius habang nakatingin sa mga mata ni Danger. Tinutukoy nito ay ang mga mata meron si Danger. Pamilyar sa kaniya ang kulay ng mga mata ni Danger. Naitulak ni Danger si Lucius matapos magtaraasan ang balahibo niya dahil sa tingin ni Lucius sa kaniya. "I just trying to help," bulong ni Lucius bago tumalikod at binaba ang hawak na cutter sa lamesa. Sinundan siya ng tingin ni Danger— naramdaman ni Lucius ang tingin sa kaniya ng binata at naririnig niya ang mga iniisip nito. Hindi niya na pinansin si Danger at humarap na ulit sa mga kaklase para magpakilala. Nagtama ulit ang mata nila ni Danger Beltran . "I'm Lucius Difabio— 19 years old. Transferee." In some reason kumukulo ang dugo ni Danger sa nakikita niyang mga kulay sa katawan ni Lucius. Bahagya din naiinis si Lucius sa mga boses na naririnig niya sa isip niya. "I hate him." Parehong bulong ni Lucius at Danger dahil sa magkaibang epekto ng kakayahan nila sa isa't isa.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD