“ You mean hindi mo pala tunay na Pamilya yung kinukwento mong naglalaki sayo? ” umiling si Carmela
“ Hindi Mike, sila lang ang mga taong umampon at kumupkop sa akin noon. Mayroon lang taong nagbigay at nag abot sa kanila ng isang sanggol nuon at ako yuon. Mga two years old ata ako noon palagay nila Mama at Papa subalit hindi sila sigurado. Iyang kwintas na larawan na iyan ang simbolo raw ng pagkakakilalanlan ko kung sakaling magawa kong mahanap ang tunay na mga magulang ko. ” Sabi pa muli ni Carmela kay Mike
“ Pero kabiyak lang iyan diba? ” nagtatakang tanong na naman ni Mike
“ Ou kasi yung kabiyak nasa kakambal ko ” mas lalo pa palang ikagugulat nito. Hindi kasi Alam Ni Mike muli na may tinatago palang kakambal ang dating girl friend.
Nakakagulat talaga ang kanyang nalaman sa babaeng kaharap. “ Nabigla ako, ibigsabihin pala may kakambal ka rin? Maliban sa mga sinasabi mong umampon sayo meroon ka pang tunay na Pamilya? ”
“ Ou meroon ang sabi ng babaeng naglistas sakin nuon. Pakiusap pa nito na huwag na huwag ako ipamimigay ng mga magulang ko na umampon sakin sa kahit sino pero mayroon siyang sinabi na hanapin nila ang tunay kong mga magulang pero ng tanungin nila Papa at Mama kung anong pangalan ng mga ito hindi na nasabi pa ng babaeng nagbigay sa kanila ng isang sanggol tangi lang nasabi nito ay Delgado at ang kwintas na suot ko nuon ang magpapatunay na anak raw nila ako at isa sa kambal na anak ng sinasabi nitong tunay na magulang ko ” muli ay paglalahad ni Carmela. Habang si Mike ay napapaisip sa kanyang mga narinig.
Sa ilang taon nilang magkarelasyon ni Carmela ay ngayon niya lang narinig lahat ng mga tinatagong kwento nito sa kanyang tunay na katauhan. “ Malamang pala na hindi Carmela ang tunay mong pangalan? ”
“ Ou kasi hindi rin nabanggit ng babaeng iyon ang tunay kong ngalan kaya binigyan nalang ako ng pangalan nila Mama. Iyon ang gamit gamit ko ngayon na Carmela Isabella Geronimo ang pangalan na ipinagamit sa akin ng aking mga kinilalang magulang. ”
“ Hindi ako mkapaniwala pero hayaan mo makikita mo rin ang tunay mong magulang natitiyak ko yan. ” nakangiting sabi ni Mike
Sana nga mangyari ang sinabi ni Mike dahil matagal na panahon na rin niyang gusto masagot ang misteryosong nakapaloob sa kanyang pagkatao.
“ So may napili ka na ba? ” biglang baling na tanong niya matapos ang mahabang pag iisip na kanyang nagawa dahil sa kwento ng larawan na gusto sanang bilhin ni Mike.
Subalit nakatingin pa rin si Mike sa larawang iginuhit ni Carmela nakapaganda kasi nuon. Napakaganda ng pagkakaguhit nito subalit napapalooban pala ng masalimuot na kwento mula sa dating babaeng minahal. Ang makita nito ang tunay niyang pamilya ang siya pala naging dahilan at ispirasyon nito sa larangan na kanyang kinatatayuan, masaya siya para kay Carmela dahil nagawa nitong maiangat ang sarili sa maraming pagsubok na dinaraan. Pero hindi pa pala roon natatapos ang lahat dahil sa kabila ng mga pagsubok nito sa buhay ay mayroon pa palang panibago ang muling haharapin nito.
Mula sa pagkabata ay alam na nito na ang pamilyang kinagisnan ay ang pamilyang umampon at itinuring niya lang palang pamilya. Lingid pala sa babaeng minahal nuon na maliban sa mga ito ay mayroon talaga itong tunay na pamilya na hindi alam kung hinahanap hanap ba siya o nagawa mang lang ba hanapin si Carmela nuon sa mahabang panahon na pagkakawalay sa kanilang anak. Nakakalungkot
Maging si Mike ay nalulungkot para sa babaeng nuon ay minahal. Kaya naisip niya na nais niya rin matulungan si Carmela, subalit sa kakaisip niya hindi pa rin makuha ang kasagutan kung papaano niya ito uumpisahan kung papaano niya magagawa itong tulungan. Sabi pa ni Carmela sa kanya sa pagkakatanda nito ay mayroon pala itong kakambal dahil iyon ang sabi sa kanya ng pamilyang umampon rito na sabi rin ng babaeng nagligtas kay Carmela matapos ibigay siya sa pamilyang tumuring sa kanyang tunay na anak.
Namatay ang nag iisang tao na nakakaalam sa tunay na pagkatao ni Carmela at sa pagkakakwento pa nito may dalawang taon ata siya nuon ng dukutin siya ng masasamang loob na iyon at nang mailigtas siya ng babaeng duguan na siyang nagbigay sa kanya sa mga Mama at Papa nito ay nagawa pang maikwento ng nagligtas raw kay Carmela bago ito nalagutan ng hininga ay nasabi nito na may kakambal siya at ang hanapin ang tunay niyang mga magulang, ngunit hindi nasabi nito ang mga pangalan ng nasabing kanyang mga magulang tanging nabanggit nito ang apelyido na ng mga ito.
“ DELGADO ” tila isang Detective na pinagdudugtong dugtong ni Mike ang sinabi ng dating babae na kanyang nakarelasyon at minahal. Ang ex girlfriend na si Carmela na siyang dahilan ngayon ng mga pagmumuni muni at pag iisip niya tungkol sa mga naikwento ng dalaga sa kanya.
Para tuloy isang kaso kay Mike ang kanyang gusto lutasin, para rin itong isang puzzle na dapat buuin para makita ang tunay na sagot. Ang kasagutan na matagal na gusto makita ni Carmela.
Ang sagot sa tunay nitong pagkatao at kung papaano ba ito nawalay sa kanyang tunay na Pamilya. Ang hirap. Sumakit ang ulo ni Mike sa pagkakaasta Detective sa kaiisip ng sagot. Pero hindi siya susuko muli ay binalikan ang umpisa sa mga bahagi ng kwento ni Carmela ang bawat puzzles na magbubuo sa kwento na iyon subalit wala pa rin siyang naisip at nabuong sagot. “ Haist ” isang buntong malalim na hininga ang kanyang pinawalan.
Naisip kasi ni Mike na napakaraming nagmamay ari at nagkakaapelyido ng Delgado sa buong Mundo. May mga ilan rin siyang kilala na Delgado ang gamit na apelyido subalit hindi niya alam kung isa sa mga iyon ay may tinatanong klase na kwento na gaya nalang ng kay Carmela.
Ngunit ayon kay Carmela mayroon pang isang palatandaan na maaari raw na makapag pakilala rito sa tunay nitong mga magulang kung sakaling dumating ang araw na magkrus ang kani kanilang mga landas. Ang kwintas,
Ang hugis pusong kabigak ng Kwintas na ayon sa iginuhit ng dalaga na magkaparehas sila ng kanyang kakambal pero saan naman niya hahanapin ang gaya ng kwintas na karuktong ng kwintas na hawak nito. Hindi niya alam kung babae o lalake ang nawawalang kakambal nito.
Sabagay kung kaparehas ng sa kanyang kakambal ito mamaaring suot rin ito ng taong may hawak noon. Kailangan pala niya isa isahin ang mga kakilalang Delgado na mga kasosyo sa kanyang negosyo at mga kilalang tao na may apelyido na Delgado. Ansaklap pala.
Mahirap ang gagawin niya pero susubukarin rin niya. Basta matulungan ang dating kasintahan na ngayon ay itinuring na niyang kaibigan.
Hugis puso na pinagbiyak at hinati para sa kanilang dalawa ng kanyang kakambal. Ang pangalawang Clue sa puzzle na kanyang binubuo una ay ang apelyidong nabanggit nito Delgado. Doon muna siya mag uumpisa hanapin ang mga sagot para sa dalagang si Carmela.
“ Carmela nais kitang tulungan kung ipahihintulot mo. Gusto ko tumulong sa mga paghahanap mo subalit alam kong hindi magiging madali ang ating paghahanap pero susubukan ko. Marami akong mga Delgado na kasama sa aking Negosyo at ilan rin ruon ang mga malalapit na kaibigan ng aking pamilya ay kapwa may apelyido na Delgado susubukan ko magtanong tanong baka sakali makatulong sayo. ” nakangiting sabi ni Mike kay Carmela.
Sumilay naman ang ngiti sa mukha ni Carmela dahil sa sinabi nitong gusto siya matulungan ng dating nobyo na ngayon ay itinuring na niyang malapit na kaibigan. May munting pag asa ang binigay ni Mike na baka sakali mahanap na niya ang nawawalang pamilya at kakambal saka ang sagot sa pagkakawalay niya sa mga ito.
Umaasa tuloy si Carmela na sana sa kanyang dalangin sa puong may kapal ay magawa na niyang matagpuan ang pamilyang matagal nang hinahanap.
“ Salamat Mike ” ang sagot ni Carmela sa masayang pakiramdam na magkaroon muli ng pag asa mula sa inalok na tulong ni Mike.
“ Pero eto nais ko ay iguhit mo ako ng gaya nito para sa aking munting pagreregaluhan especial kasi iyon dahil isa sa malalapit na kaibigan ng aming pamilya. ” biro na sabi ni Mike na kapalit ng tulong na alok sa dalagang si Carmela.
Natawa si Carmela sa biro ni Mike “ May kapalit pala iyon pero sige, gaya ng sinabi ko sayo kangina kung gusto mo ay maaari kitang gawan ng gaya niyan. Hindi lang talaga maaaring iyan ang ibigay ko sayo dahil iyan lang nag iisang meroon ako na tulad niyan. Nagbabaka sakali kasi ako na baka mapadaan rito ang isa sa mga tunay na Pamilya ko at makilala iyang kwintas na nasa drawing ko. ”
“ Naisip ko nga, maaaring ganoon at ayaw mo mawala iyan sa iyong Shop. Maganda siya, una pa lang ay pinukaw nito ang atensyon ko. FINDING bakit iyon ang naisip mo ipamagat sa akda mo? Dahil ba sa kwento na nabanggit mo? ” tanong na sabi ni Mike. Una palang iyon naman na ang rumehistro sa isip ni Mike finding is just because Carmela wanted to find his family. That’s why she gave the Name of finding on his Obra. Sana nga makita na niya.
Habang si Ismael naman ay busy sa kanyang shoot. Inip na inip ito na muling makita ang kanyang Nobya na si Carmela. “ Kay tagal naman matapos ” angal na sabi pa sa kanyang sarili habang napakabagal pa ng oras na kanyang iniintay para sana sa kanilang Dates mamayang gabi ni Carmela.
Gusto niya halos araw araw ay para lang silang bagong nagsisimulang mag jowa. Araw araw na parang nililigawan ang kanyang minamahal. Madalas nga lang ay may pagkaloka ang kanyang Carmela dahil sa madrama nitong pasaging kung minsan. Palagi kasi siya nabibiktima nito sa mga naiisipang kalokohan.
“ Love are you done? ” walang tigil na kakakatok sa pintuan ng kanilang banyo. “ Love ” sigaw pa muli ni Carmela mula sa labas ng banyo at saka nilakasan ang pagkakakatok.
Malakas ang bugso at bagsak ng tubig mula sa shower at hindi niya iyon napapansin. Busy pa sa kakakanta ang binatang si Ismael habang ang dalaga naman ay walang tigil sa kakakatok sa labas.
Isang napakalakas na sigaw ang narinig ni Ismael mula sa labas at ganoon nalang ang kaba niya ng maurinigan ang boses ng babaeng nobya na kinakasama. Umakyat ang kaba sa dibdib ni Ismael dahil sa malakas na sigaw ni Carmela dali daling pinatay ang tubig mula sa bumabagsak na nagmumula sa shower.
Hindi na naisipan pang hablutin ang tuwalya na nakasabit upang matabunan ang hubad na katawan. Dali dali ang kanyang takbo upang tunguhin ang pintuan ng banyo. Naririnig pa niya ang maririin na sigaw ng dalaga mula sa labas. “ s**t ano bang nangyayari kay Carmela ” ang alalang alala na sabi pa niya bago mapihit ang seradura.
“ ahhhh, ahhhh, ” malakas pa na sigaw ni Carmela mula sa labas namimilipit na ito dahil sa pagpipigil na makapasok sa loob ng Cr. Ihing ihi na siya at kangina pa siya kumakatok sa pinto ng banyo kung saan ay naliligo ang kanyang kinakasama at nobyo na si Ismael.
Laking gulat ni Ismael na makita ang pamimilipit ng dalaga habang nakasalampat sa ibaba sa malawak na sahig ng kanilang kwarto. Wala siya malang gawi kung papaano dadaluhan ang dalagang namimilipit sa sakit “ Love are you alright? ” tanging nasambit niya sa pag aalala sa dalagang Mahal.
“ s**t ” singhal ni Carmela sabay takbo sa loob ng banyo. Habang si Ismael ay gulat na gulat na kangina lang ay sobrang pag aalala sa dalagang nakahandusay sa sahig at namimilipit ay biglang kumaripas ng takbo papunta sa loob ng banyo.
Gusto niya matawa. Ou tumawa ng pagkalakas dahil sa kabaliwan naisip ng babaeng pinakamamahal. Naiihi lang pala ito kaya namimilipit sa sakit ng puson maaari naman itong tumungo sa baba para duon gumamit ng banyo. Pero heto at dito pa talaga kung saan ay busy siya sa kanyang pagligo naisipan mang istorbo. Talaga naman.
“ Ano tapos ka na ba? ” tawag niya sa babaeng si Carmela na nagmamadali kangina pumasok ng banyo. Subalit hindi iyon nasagot. Agad naman siya lumakad patungo sa pintuang bukana ng banyo upang silipin ang babaeng kangina ay pumasok
Subalit laking gulat niya ng sabuyan siya sa mukha ng tubig mula sa tabong hawak hawak nito. Saka pa humagalpak ng malakas na tawa dahil sa ginawang pagbuhos ng tubig sa binatang si Ismael. “ Hahaha iyan kabayaranan mo sa ginawa mo hindi pagbukas ng pinto agad kangina. Hinyaan mo pa talagang mamilipit muna ako bago buksan ang pinto. Hmp ” sabay ismid sa binatang sinabuyan ng tubig
Nagpipigil sa inis si Ismael sa nag uumpisang galit niya mula sa dalagang nagsaboy ng tubig sa kanya. Gusto niya mainis, iyon ang nasa isip niya. “ Ayos ka! Kita nakikita mo bang ginagawa mo? ” galit na sabi niya sa dalagang si Carmela.
Lumakad siya pasulong palapit sa dalaga, paatras na lumakad naman ang dalaga sa kanya.