Nababahit ang takot sa mukha ni Carmela dahil sa nagsisimulang bahid ng galit sa mukha ni Ismael. Sige ang atras niya hanggang mapansandal siya sa pader.
Lamukot ang mukha ni Ismael sa sobrang inis at galit dahil sa pagkakasaboy ng tubig sa kanyang mukha. “ Nakikita mo ba ito? Sige ngayon tumawa ka, ngayon ka tumawa dahil sa iyong ginawa. TAWA ” galit na sigaw ng binatang lalake mula sa harap ng dalagang si Carmela.
Tila isang matinding eksena sa isang telenovela ang nagaganap sa pagitan ng dalawa. “ Ngayon ka tumawa! Sabi nang tawa!!! ” dumadagundong na hiyaw hiyaw ng binatang artista.
Habang si Carmela ay nag umpisa nang umakyat ang kaba sa kanginang ginawa, nakuha pa niyang tumawa dahil sa kanyang ginawa ay isang malaking biro lang sana sa kanya. Hindi niya sukat akalain na seseryosohin ng binatang actor na kanyang minamahal ngayon. “ Love ” dahan dahan pa siyang napapaatras hanggang sa tuluyang napasandal sa pader.
Kinapa kapa pa iyon ni Carmela, pader na nga ang kanyang nasandalan sa mga oras na kanyang pag atras. Takot ang namumuo sa kanyang dibdib, nanlilisik na mga mata ng binatang actor ang kanyang nakikita. “ Love sorry na ”
“ Sorry? Sorry nalang ba palagi ang gagawin mo? Sorry!!! ” galit na galit na sagot ni Ismael
Palala ng palala ang namumuong tensyon sa dalawa. “ Sa palagay mo makukuha ng sorry nalang palagi ang lahat ng ginagawa mo? Huh Carmela! ” muli ay galit na galit na sabi ni Ismael
“ Sorry na Love mali ako alam ko iyon ” napasandal pa sa pader lalo si Carmela ng ilapit ng binata ang nanggagalaiti na mukha.
“ Palagay mo Carmela sa paghingi mo ng sorry ay mapapatawad kita? Sagot! ” sa malakas na boses na sabi ni Ismael sa kaharap na si Carmela “ Hindi Carmela, malaking hindi! ” napapailing na sabi pa muli ni Ismael
Matinding tensyon na ang talagang pumapagitna Kay Carmela at Ismael. Napapahugot pa ng malalim na paghinga si Carmela habang sinasabi sa kanya iyon ni Ismael. First Time ever na makita niya na ganoon kagalit ang binatang actor na kanyang minamahal sa loob ng halos isang taon na kanilang pagsasama ay hindi nakita na ganoong kagalit ito.
Madalas pa nga ay siya ang nagpapakita ng galit sa actor. Pero ngayon ay bumaligtad na ang kanilang sitwasyon. Hindi pa ba nakuha nito na isang biro lang ang kanyang ginawa? Hindi pa ba nasasanay ito sa mga biro niya na palagiang ginagawa sa nobyo.? Paano na.
“ Ano Carmela naisip mo na ba ngayon kung gaano katindi ang iyong ginawa? Huh! Sumagot ka!!! ” Hindi makahulma si Carmela dahil sa pagkakadikit ng kanilang katawan at mukha.
Sobrang bilis na ng kanyang kaba. Dumadagundong iyon sa sobrang bilis at walang patid na paghampas nito. Muli ay mas lalo pang idinikit ng binata ang mukha sa kanyang mukha saka mariin na ipinaling ang mukha sa kabilang banda ng kanyang mukha. Left side. Habang nanlilisik pa rin ang mga mata nito. “ Ano Carmela? Tense ka na ba? ” bulong na sabi sa ibabang tenga niya.
Ramdam pa niya ang mainit na hininga ng binatang actor mula sa ibabang tenga niya banda sa leeg ni Carmela.
Dumikit pa lalo si Ismael sa katawan ng babaeng si Carmela “ Ano Carmela, ano nang gagawin mo ngayon? ” tila nanunudyo at nanghahamon na sabi ng lalakeng kaharap
“ Love tama na, biro lang iyo. Sineseryoso mo ” sagot ni Carmela sa kaharap
“ Biro na sayo iyon? Biro!!! Palagiang biro nalang ba sayo iyon? Huh Carmela!!! ” muli ay lumakas na boses na sabi ni Ismael ng sabihing biro lang ang ginawa ng dalaga.
“ Love hindi ka pa ba sanay sa mga biro ko sayo? ” takang sabi niya sa binatang actor. “ Naiihi ako, kangina ko pa nais pumasok subalit ang tagal mong maligo. Katok ako ng katok halos mawalan na ako ng boses sa kasisigaw sa labas ng banyo pero hindi mo ako pinagbubuksan. Paanong hindi ako magbibiro sayo. Alam na alam mo naman ugali ko hindi ka pa ba sanay? ” inis na sabi ni Carmela sabay ismid sa binata.
Pero hindi natinag ang binatang lalake na karelasyon sa mukha nito ay makikita ang labis na galit dahil sa ginawang pagbibiro ni Carmela sa kanya. Bumuntong hininga pa ito saka muli ay nagsalita. “ Yun na nga eh! Palagiang biro sayo pero sa akin hindi. Akala mo ba hindi ako nagsasawa sa ganyang pagbibiro mo Carmela? Sawang sawa na ako, nasusuka na ako sa lahat ng pinag gagawa mo. ” sigaw na sabi ni Ismael sa harap ng dalagang minamahal. Dalang dala siya sa acting na ginagawa at pantitrip sa dalagang nobya.
Nais niyang gumanti sa pantitrip nito dahil sa pagdadramang ginawa na may paupo upo pa sa sahig at pasigaw sigaw dahil sa namimilipit lang pala dahil sa hindi mapigilang pag ihi.
Siya naman tanga, dahil sa narinig na pagsigaw nh dalagang Mahal ay kanda karipas ng takbo sa kanyang pag aalala na kung ano na nangyayari sa babaeng kanyang karelasyon. Sige siya sa paghangos na hindi man lang naisip na at magawang magtapis ng kanyang tuwalya.
Hubo at hubad ni isang saplot ay wala siya ng magkandakaripas ng takbo upang daluhan at puntahan ang kasintahan na si Carmela. Nailing nalang si Ismael ng makita ang dalaga sa pamimilipit nito at siya naman ay walang malang gawin kung papaano ito tatanungin at dadaluhan ng biglang kumaripas ito ng tayo at takbo sa loob ng banyo at naiwan siyang tulala, walang nasabi o kahit lumabas na boses sa kanyang pag kabigla ng bigla itong tumayo at tumakbo bago pa niya ito madaluyan at tanungin kung anong nangyari sa babaeng minamahal.
Hanep kung makapagtrip ang dalagang nobya. Napapa WOW nalang siya kung minsan sa mga patudtsada ng dalaga.
Kaya ngayon naisip niyang paglaruan ito. Palihim siyang natatawa sa nakikitang reaksyon ni Carmela. “ Love ” tawag ng dalaga sa tawagan nilang dalawa.
“ Love? No way Carmela. Puno na ako, masyado mo nang pinaglaruan ang buhay ko. Madalas naaapakan ko na ang pride ko bilang lalake dahil sa pag titiis ko sa ugali mo. Pero ngayon It’s enough. Tama na lahat ng pantitrip mo sa buhay ko, wasang sawa na ako. ” saka naman tumulo ang luha sa mga Mata ni Ismael
Naramdaman pa niya ang pagdampi ng mga palad ni Carmela sa kanyang mukha at punasan ang mga luhang pumapatak ruon sa kanyang mga mata. “ Love I am sorry ” tuluyan na rin umiyak si Carmela dahil sa pag iyak ni Ismael.
Nadala na rin ito sa ginagawang drama ng kanyang nobyo. “ No! enough Carmela itigil na natin ito ” saka inalis ang dalawang kamay nito na nakahawak sa kanyang mukha.
Subalit ayaw alisin ni Carmela iyon umiiling ito habang umiiyak at pinipigilan na alisin ng lalakeng ang pagkakahawak niya sa mukha nito. “ Love biro lang iyon diba? Mahal mo ako diba? Nagbibiro ka lang, tama ako? ” nanginginig na boses na sabi niya pa sa lalakeng pinakamamahal. “ Mahal mo ako, Mahal na Mahal sabi mo pa iyon pero bakit ganyan ka! Love sabihin mo nagbibiro ka lang? ” humahangos na siya sa pag iyak habang iniisa isa ang mga katagang iyon para kay Ismael.
“ It’s not a joke Carmela, hindi sapat yung pag mamahal na sinasabi mo sa palagiang pang aapak sa pride at pagkalalake ko. I am sorry pero this time hindi ko na ata makakaya pa. ” muli ay sabi niya
“ Love Mahal na Mahal kita, kelan man ay hindi ko inapakan ang pride mo bilang lalake. Alam mo naman biro lang lahat iyon. Sa bagay na iyon ko napaparamdam sayo kung gaano kita kamahal, akala ko naman nauunawaan mo iyon. Akala ko kilala mo na ako sa bagay na palagian ko naman ginagawa sayo. Palagian ka pa nga nasakay sa palagiang pagbibiro ko sayo. Bakit ngayon gusto mo nang isuko lahat, are you sure na kaya mo itigil ito? ” Carmela said while she cried.
“ Buong akala ko rin but sorry this is enough itigil na natin! Dahil, ” panandalian pa siyang tumigil at binitin ang sasabihin.
Sa mga oras na yon gusto sumambulat sa tawa si Ismael dahil sa madramang eksena ng kanilang pagtatagpo ng dalagang si Carmela.
Sobrang pagpipigil ang kanyang ginagawa para hindi lang siya matawa sa kanyang nakikitang patuloy na pag iyak ni Carmela. Panay ang pakiusap nito at pagmamakaawa na huwag niya itong iwanan saka pagsasabi na Mahal na Mahal siya nito at hindi makakaya pa na mawala siya sa tabi nito.
Ayos nakaganti rin ako. Sabi ni Ismael sa kanyang sarili isipan. Dahan dahan pa siyang lumakad palapit sa dalaga hanggang mapasandal muli ito sa pader na kangina lang ay kinasasalampakan ng kanyang katawan. “ Mahal? May Mahal bang ganyan! Matatawag bang pagmamahal yang ginagawa mong biro Carmela? Huh ” muli ay sabi niya sa mataas na boses. “ Mahal mo ako? Pero nagagawa mong paglaruan ang puso ko? Paulit ulit, nagawa mo na ngang pasukin ito hanggang maglabas pasok ka pa rito at halos duon manirahan pero nagagawa mo pa ring paglaruan? Anong klaseng pagmamahal na matatawag mo ruon kung paulit ulit lang tayong dalawa. Carmela ”
Natatawang napapaisip si Ismael ng maalala yung pagkakataon na iyon na kanyang napagtripan ang dalagang si Carmela. Halos mandasakit ang kanyang tiyan sa tuwing naaalala iyong eksena na iyon sa kanilang dalawa. Hubo at hubad, walang baro na kahit isang saplot man ay wala siyang suot nuon ng mga oras na iyon.
Halos mainis siya subalit napaisip siyang gantihan ito at iyon ang naisip niya. Eksena iyon sa isa sa mga napanuod niyang eksena sa isang Movie nuon ng wala pa sila ni Carmela at hindi pa nagkakakilala.
Tawang tawa siya matapos iyon dahil sobrang galit ng babaeng kanyang napagtripan, mula sa mga luha at pag mamakaawa nito ay inis ang bumalot ng malamang isang malaking eksena pala iyon na namagitan sa kanilang dalawa.
“ Love biro lang talaga diba? Hindi mo naman magagawang iwanan ako ng ganoon lang? ” Hindi sumasagot si Ismael bagkus ay lalo pa siyang dumikit sa dalaga.
Inilapit niya pa ang kanyang mukha rito saka bumulong. “ Itigil na natin ito. Mabuti pang itigil na natin Carmela, dahil hindi ko na makakaya pa. ”
“ Hindi love. Please ” mariin na pagtutol pa ng dalagang kaharap na patuloy pa rin sa pag agos ng mga luha sa kanyang mga mata. “ Please love don’t do this to me. I love you ”
“ Pero Carmela hindi ko na talaga kaya pa, hindi ko na makakaya pang pigilan ang sarili ko. Kaya itigil na natin ito ” si Carmela naman ay sige pa rin sa pag iyak at hindi nakuha pa ang ibig ipakahulugan ng binatang ngayon ay kaharap at nag uumpisa na sumambulat sa tawa dahil sa kanyang itsura.
“ Love please itigil na natin ito. Hindi ko na Kaya at masakit na talaga ang puson ko sa kakapigil ng pagtawa ko. Please. It’s enough ngayon napatunayan Kong Mahal mo nga ako at hindi makakayang mawala sa buhay mo ” sabay binigyan Ito ng isang ngiti saka tumawa ng malakas na pagkalakas mawala lang ang p*******t ng kaniyang tiyan ng dahil sa kanina pang pagpipigil
na kangina pa nais kumawala subalit hindi niya magawa dahil sa mainit na tagpuan ng kanilang mga eksenang dalawa ni Carmela.
“ You mean isang eksena lang pala iyon Ismael? are you crazy at naisipan mo akong paglaruan ng ganoon? gusto mong makatikim? ” inis na singhal ni Carmela matapos malaman na pinaglalaruan lang pala siya ni Ismael matapos ay nakuha pang tumawa pa dahil sa labis na kasiyahan na siya ay nagawang nagantihan dahil sa kanyang nagawang pagbibiro sa binatang nobyo.
Inis na inis si Carmela dahil naisahan siya ni Ismael sa ginawang drama nito.