CHAPTER 17

2170 Words
Ang siyang nagsisimbulo sa tunay niyang katauhan. Wala siyang alam sa bagay na kung saan at sino siya maging sa kanyang pinagmulan. Maging ang tunay na pamilya ay hindi niya na rin matandaan ang sabi ng kanyang Papa at Mama ay ibinigay lang siya ng isang matandang babae na hindi nila kilala. Sugatan ito ng mga panahon na yon, pagkakatanda pa nila ay sinabi nito na huwag na huwag siyang ibibigay sa kahit sino na magtatangkang kunin ako. Napakaimportate siguro ako sa taong ito pero hindi naman raw ito ang aking Ina dahil nabanggit pa nito na mayroon akong kakambal na nawalay sa akin dahil sa ginawa nitong pagsagip sa aking buhay. Iyon ang bagay na gusto ko malaman. Sino ako at anong tunay na aking pagkatao? Labis labis ang pasasalamat ko sa taong nagligtas noon sa aking buhay at siyang nagdala sa panibagong pamilya na aking nakilala at tinuring akong tunay na Pamilya. Bilang tunay nilang dugo at laman. Sino kaya talaga ako at anong koneksyon sa buhay ko ng mga taong gumawa sa akin noon ng masama. Gusto ko hanapin ang sagot subalit hindi ko naman alam kung saan ako mag uumpisa ng aking paghahanap. Gusto ko masagot ang lahat ng aking agam kaya nga naisip kong dito magsimula sa pag tatayo ko ng aking Shop na agad naman inayunan ni Ismael noon. “ Love will you marry me? ” nakaluhod noon si Ismael sa aking harapan ng sabihin niya ang mga katagang kay tagal ko nang iniintay intay sa kanya. “ Carmel I want to spend my life with you. Gusto ko ikaw na ang babaeng gusto ko makasama ko sa aking pagtanda, kasa kasama sa hirap at saya, sa masasayang araw ng mga Drama at Comedy na magkasama tayong dalawa sa mga panahon na palagi ikaw ang tama, napapasakay ako sa mga Dramang wala namang ginawang tama. Pero lahat ay biro pala iyon. Love kahit palagian mo akong dinadaan sa mga mapaglaro mong kalokohan sa mga panahon napapasakay mo ako at napapaiyak sa iyong mga kadramadan Mahal na Mahal pa rin kita Love kahit minsan, madalas ay naiinis ako at napipikon at gusto na magback out pero Joke lang iyon dahil walang kasing katumbas ang pagmamahal ko sayo Love. Walang kasing halaga ang mga bagay na gusto ko pang ibigay sayo, ang maranasan na kasama kita habang ginagawa ko lahat ng bagay na yon na alam kong makapagpapasaya sayo. Gusto ko palagi kang nakatawa at napapasaya Love magagawa ko lang lahat ng iyon kung kasa kasama kita at mananatili ka habang buhay sa tabi ko. Love please will you spend your life with me? WILL YOU MARRY ME ” Napahaba ata ang salaysay ni Ismael. Masyado atang pinaghandaan ang bawat detalye. Magagawa kaya nitong mapasaya si Carmela hanggang sila ay nagsasama? Mga gumugulo kung minsan sa isip ni Carmela ngunit alam naman niya na Mahal siya ni Ismael dahil sa araw araw na pagpaparamdam nito sa kanya. Paano ba ang dapat niya isagot? Mayroon kasing kulang na bagay sa kanya na gusto niya munang makuha. Ang sagot sa kanyang tunay na pagkatao. Maari kayang makapaghintay ni Ismael na mahanap ko muna iyon bago sila magpakasal? “ Love I will but mayroon muna sana akong nais malaman bago tayo tuluyan lumagay sa tahimik at magpakasal. Gusto ko mabuo muna ang nawawalang pagkatao ko. ” Sabi ng umiiyak na si Carmela. Bumagsak na kasi ang mga luha ni Carmela sa isipin sana ay maunawaan siya ni Ismael sa bagay na gusto niya muna mangyari bago sila maikasal na dalawa. “ What do you mean of that Love? ” nagtatakang tanong ng lalakeng nais mapakasalan si Carmela ang binatang lalake na si Ismael. “ Love sorry hindi ko pa nasabi sa iyo ang tungkol sa nawawala kong pamilya ang kulang sa bahagi na hanggang ngayon ay hindi ko makuha ang sagot. Love hindi Carmela Isabella Geronimo ang tunay kong pangalan at pagkatao. Bata pa lang ako nawalay na ako sa tunay kong pamilya ang pangalan na gamit ko ay ibinigay sa aking ng mga taong umampon sa akin noon. Sila Mama at Papa ay hindi magkaanak noon at laking pasasalamat nila ng mapunta ako sa buhay nila. Isang araw may sugatang babae na nakasalubong nila habang sila ay naglalakad noon pauwi ng bahay. Isang babae na may akap akap na sanggol na babae ang nakita nila, sugatan ito at duguan iniabot ako kay Mama ng matandang babae. Sinabi nito na kung maaari ay pangalagaan nila ako at huwag na huwag ibibigay sa kahit sino. Mahigpit na bilin iyon ng babaeng sumagip sa buhay ko, sabi pa nito na mayroon akong isang kakambal at ang kwintas na suot suot ko ng bata ako ang siyang magpapatunay sa aking tunay na pagkatao subalit binawian ito ng buhay ang sabi nito ay hanapin nila Mama at Papa ang mag asawang Delgado subalit ng tinanong nila ito kung anong pangalan ng mga taong tinutukoy nito ay hindi na muli pa nasabi nito. Tuluyan ng nawalan ito ng buhay at tanging ako nalang ang naiwanang buhay ng araw na iyon. Sa takot nila Mama at Papa umalis na sila sa lugar na iyon tumawag nalang sila ng tulong matapos maitago ako sa safe na lugar dahil sa takot na baka maging sila ay nasundan ng mga humahabol rito. Ituring ako ng mag asawang kumupkop sa akin na parang tunay na anak na parang kanilang dugo at laman. ” paglalahad na sabi ni Carmela. patuloy naman pakikinig si Ismael “ Kaya sana love nais ko sana ay bago tayo maikasal ay mahanap ko muna ang aking tunay na Pamilya. nakwento ko naman sayo na maagang mawala ang mga itinuring kong mga magulang hindi na nila nagawa pang mahanap ang mga tunay kong pamilya. Kaya nais ko sana mahanap muna sila. Subalit hindi ko magagawa iyon kong ganito nalang ako, palaging naririto kasa kasama mo. Gusto ko rin sana na may gawin ako Love. Huwag ka mag alala magpapakasal ako sayo oras na malaman ko kung sino talaga ako at ang tunay na kwento sa nangyari sa akin noon at kung bakit nawalay ako sa pamilya ko gusto ko rin makilala ang kakambal ko kung sakali na siya nalang ang nabubuhay sa mundo nais ko siya mahanap love. ” Si Ismael na nakikinig lang ay naunawaan naman ang nais ng kanyang Nobyang Mahal. Nakukuha niya ng nais na ipunto ni Carmela sa bagay na nais nitong mangyari bago sila ikasal. Mahirap nga naman ang mamuhay ng may agam agam at pag aalinlangan sa kung ano ang iyong pinagmulan. Kung siya man ang nasa katayuan ng Nobya ay ganoon rin ang kanyang gagawin kung saka sakaling mangyari iyon sa kanya. Sino ba nais mabuhay ng hindi mo alam kung sino ang tunay mong pamilya walang nagnanais na hindi malaman ang bagay kung saan ka nagmula. Kaya nauunawaan niya ang pinakamamahal niyang si Carmela. Ipag dadasal niya na sana ay matagpuan nito ang tunay na Pamilya. Ngunit gusto niya ito matulungan sa bagay na gusto mangyari napaisip si Ismael sa bagay na sinasabi ng Nobya na gusto mangyari “ Love ano bang gusto mo mangyari? Ano yung bagay na gusto mo umpisahan? ” nabanggit kasi nito na may gusto itong gawin at umpisahan. “ Love I want to build my own Shop. Gusto ko magtayo ng sarili kong Art Shop. Gusto mo muna umpisahan ang mga pangarap ko sa larangan na gusto ng puso ko. Bata pa lang ako ay nais ko magpinta gusto ko ipagpatuloy ang talent ko sa pag pipinta ” Sabi ni Carmela sa kanyang Nobyo. Noon pa man mahilig na magpinta ni Carmela. Una ay palagi niya iginuguhit ang larawang ng kanyang Necklace. Gusto niya iguhit iyon upang makita ng iba at baka sakali mahanap niya ang kanyang magulang sa pamamagitan ng kanyang mga obra na magagawa. Kung palarin ang magkapangalan siya sa larangan na papasukin baka sakali malaki ang possibility na matagpuan ang tunay na Pamilya. Pummayag naman si Ismael sa gusto ni Carmela “ Sige Love susuportahan kita sa nais mo, tutulungan rin kitang mahanap ang tunay na Pamilya mo. ” nakangiting sabi nito Abot na saya ang nadama ni Carmela ng mga oras na yon. Pinanghawakan niya ang mga sinabi nito nuon ng unang gabi na patulugin niya ito sa kanilang bahay ng matalik na kaibigan ay tumatak sa isip niya ang mga makahulugan sinabi nito. Duon pa lang sinabi na niya na si Ismael ang lalakeng mamahalin niya. At siguro na siya na Mahal talaga siya nito at tutuparin lahat ng binitawang salita nito. Magagawa nitong ipantay at ibaba ang sarili sa mundo niya dahil sa pagmamahal nito sa kanya. napakasarap pakinggan lalo pa siya nagulat ng sabihin ni Ismael matapos niya sabihin rito ang nais niya at ang kanyang plano ay sinabi pa nito. Love, Kung saan ka masaya susuportahan kita. Naririto lang ako sa tabi at likod mo para umalalay sayo. Kung pakiramdam mo naman ay duon ka dinadala ng iyong mga paa. Handa naman kitang sundan at samahan. kung saan ka naman liparin ng iyong mga pakpak handa rin akong lumipad kasama mo saan ka man dalin nito. Kung sakaling sa palagay mo ay duon ang tama landasin. Sasamahan pa rin kita para hindi ka maligaw at maituro sayo ang tamang daan. Huwag kang matakot subukan kung duon mo naman palagay na tama landasin at pasukin ang buhay na gusto mo. Hindi masamang mag umpisa sa mababa dahil paunti unti magagawa ka nitong iangat basta magtiwala ka lang sa nais ng puso mo. Huwag ka mag focus sa kung ano lang ang buhay na kinagagalawan mo sa ngayon mas maigi kung sa tingin mo ay mas tamang umiba ka ng landas sa landas na ngayon ay kinagagalawan mo. Gawin mo Love walang imposible kung subukan mo naman umiba, baka sa pag iba mo ng landas duon mo matagpuan ang tunay na saya at makakapagpaligaya sayo at mahanap ang mga sagot sa mga hinahanap mo. Malay mo isang araw ang buhay mo na mayroon ka at siyang kinagisnan ay bigla nalang magbago dahil sa bagong mundo na pinili mo na tahakin ang siyang maging daan patungo sa bagay na kasagutan sa tunay na Carmela. Kaya naman napaisip siya na sundin ang gusto ng kanyang puso. Subalit may kulang pa rin dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa nakikita ang kanyang nawawalang pamilya. Ang makita ang tunay niyang pamilya ang siyang pinaka aasam asam sa buhay ni Carmela. Ngunit sadya mapaglaro ang kapalaran dahil hanggang ngayon ay wala pa siyang balita sa mga ito. Nais na niyang mahanap ang mga ito upang matupad na rin niya ang ipinangako sa kanyang Nobyo na pinakamamahal. Ou at nagsasama silang dalawa subalit hindi sapat yoon na nagsasama lang sila. Mas maganda rin na may basbas iyon ng Poong may kapal. Wala naman babae ang nagnanais na magsama lang sila ng kanilang pinakamamahal. Mas buo at mas masaya ang pagsasama kung kapwa kayo ay nagsumpaan sa harap ng Altar para sa inyong pagmamahalan. Isang pangarap para kay Carmela ang mapakasalan ni Ismael mabubuo lang siya kung sakali mangyari lahat ng kanyang pinapangarap ang makita ang pamilya na tunay na pinagmulan at ang maikasal sa kanyang pinakamamahal. “ Carmela ang ganda nitong isa na ito. Pinagbibili mo ba ito? ” tanong na sabi ng kanyang Ex boyfriend si Mike. dinalaw nga pala siya nito at ngayon ay sinasamahan niyang mag ikot ikot sa kanyang Shop dahil sa nais nitong bumili ng kanyang Obra para iregalo sa isa sa kanyang mga business partner. Nabanggit kasi nito na mahilig sa Paintings ang bago nitong Business Partners na nakameeting nito kangina lang. Kaya nais niya raw mabigyan ng handog ito bilang pasasalamat. Naisipan naman raw niya ako at ang mga paintings na iginuguhit ko. Nais niya na isa sa mga gawa ko ang gawing handog doon sa kameeting niya kangina. " Naku hindi eh! Display ko lang iyan, iyan kasi ang unang larawan na naiguhit ko ng mag umpisa ako pasukin ang larangan na ito. Marami nga ang nagkakagusto niyan sa totoo lang, pero kahit presyohan ng malaki ay hindi ko binibigay. ” “ Ganoon ba? sayang naman. Maganda siya at natitiyak kong magugustuhan ng pagbinigyan ko sana. Pero kung ganoon mamimili nalang ako ng iba ” may panghihinayang na sabi ni Mike. Nahiya naman si Carmela sa kanya Ex na naging matalik na ring kaibigan. “ Pero kung nais mo ng ganyan maaari kitang igawa ng tulad niyan. Bigyan mo lang ako ng konting panahon natitiyak ko sayong magagawan kita ng tulad na tulad niyan pangako. May meaning kasi sa akin ang larawan na yan kaya hindi ko maibigay sa iba. “ kwenton na paglalahad na rin niya. sa tinagal nila ni Mike nuon ay hindi niya nagawang banggitin rito ang tungkol sa pamilyang hinahanap. Hindi sa wala siyang tiwala at hindi ito minahal, minahal naman talaga niya si Mike pero higit lang ang naging pagmamahal niya ngayon kay Ismael. " Bakit Carmela ano bang ibig mong sabihin? ” takang tanong na ni Mike dahil sa nasabing paglalahad nito sa lalake " Kasi Mike yaan ang tanging alala ala ng tunay na pamilya ko na matagal ng hinahanap. ” Gaya ng kanyang inaasahan ay nagulat ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD