CHAPTER 9

2214 Words
Nakauwi na siya ng bahay subalit tila nililipad pa rin siya sa kawalan ng dahil sa halik na yon. Napakatagal ng tinagal ng halik na yon, halos mawalan na siya ng balanse dahil sa halik ni Ismael. Nagawa niyang tugunin iyon at sabayan ang bawat halik na pinalalasap sa kanya ng binatang si Ismael. It was the perfect kiss na natikman niya ever in his entire life. Subalit wala pa naman siyang natitikman na iba maliban sa halik ni Ismael. Ismael his first kiss. Hindi nga lang first love. Pero para sa kanya si Ismael ang first sa lahat. Masasabi niyang nabago nito ang paniniwala niya sa maraming taon ng buhay niya. Hindi niya kasi akalain na may lalakeng magtatangka na gawin sa kanya ang bagay na pinakaaayaw niya ibigay sa iba. Kahit nga si Mike na nakarelasyon niya sa mahabang panahon ay hindi niya nagawang ibigay iyon. Bumuntong hininga siya ng pagkalalim “ Anlalim non ahh ” gulat niya na nasa harapan niya pala si MauMau “ Kangina ka pa? ” gulat na tanong niya “ Ou! Kangina pa kita pinagmamasdan habang tulala ka. Masarap ba? ” gulat niya na biglang biro na natanong ng matalik na kaibigan. Saka pa lang niya napansin na nakahawak pala siya sa labi niya habang binabalikan ang mga sandaling pinagsaluhan nila ni Ismael. Kinikilig kilig naman ito habang pinagmamasdan ang tulala kong mukha. “ Best friend umamin ka! Kayo na ba talaga ni Ismael? ” “ Ano? Anong kalokohan yang naiisip mo best friend ” maang na sabi ni Carmela. “ Itatanggi pa ba? Kitang kita naman sayo na mukhang kayo na ngang dalawa! ” “ Hindi ahh! Malabo yang mangyayari ” gilalas na sabi niya. “ Malabo? In announced na kaya sa buong madla! Hindi mo ba alam? ” gulat na turan ni MauMau. Maging siya ay nagulat sa pinagsasabi nito. “ Ano bang sinasabi mo? Anong in announced? ” muli ay gulat na tanong niya “ Teka! ” bunuksan nito ang Television Pinagkakaguluhan ngayon ang pinakamatunog at trending sa Social Media mula sa sikat na Actor na si Ismael at ang babaeng nali link rito ng dahil sa isang kissing seen nila sa naganap na taping kamakaykan sa 10th year Anniversary ng naiissue na Actor. Una ay ang pag question sa naganap na Dream Dates with Ismael na nakuhanan ang sobrang pagkasweet ni Ismael sa nasabing babae na nanalo sa raffle dates na yon. Ngayon naman ay nagtrending ang mga lumabas na litrato ng dalawa bago naganap ang Dream Dates nila. Nakuhanan ang dalawa na magkahalikan mula sa shooting ng bagong Movie ni Ismael at ng leading lady nito na si Carla. Makikita roon ang malalim na halikan ng dalawa. Lahat ay kinuwestyon iyon maging ang pagkapanalo nito sa nasabing Dates. Maraming agam agam kung sinadya ba talaga ang pagkakabunot sa babaeng nali link sa Actor. Marami ang nag aantay sa sagot na ilalabas ng panig ng nasabing actor. Ngayon isang mainit na balita. Isang Conference ang isinagawa at binasag ang pananahik ng Actor. Sinabi sa Conference na ang nangyari ay isang Aksidente at hindi sinadya. Ang mga litrato na lumabas sa kanilang kissing seen na binabatikos ng marami ay totoo at kuha iyon habang sinishoot nila ang upcoming Movie nito. Subalit ang larawan na yon ay isang aksidente na pangyayari habang sinishoot nila ang kissing seen nila ni Carla ay umalis ito sa pwesto at ang dalaga ang siyang napagkamalan ng Actor kaya nangyari iyon. Dahil sa mabilis na eksena ay huli na raw ng malaman niya na maling babae ang nakabig niya ng mga oras na yon. Ito ay pinatotohanan na rin ng kanilang Director sa nasabing Movie. Ayon naman sa sinasabing pagkapanalo nito sa Dream Dates, iyon ay isang aksidente muli at mariin na itinanggi ng binata na nagkaroon ng fraud o pandaraya sa pagbunot ng nanalo. Habang nasa signing ang actor ay kitang kita sa Video ang pagbunot nito ng numero. Habang dala dala iyon ng isang staff at iniabot sa host walang nakitang pandaraya roon. Isa pa sa kinukwestyon ng marami ang pagkasweet nito sa nasabing Dalaga. Isang mainit na pag amin ang naganap. Aruyy! Maging ako ay hindi makarecover sa sinabi ng Actor. Lahat kami ay nagtaasan ang mga balahibo at kinikilig sa pag amin nito. “ Ano bang inamin niya Bessy? ” nagtataka na naitanong sa matalik na kaibigan. “ shhh, manahimik ka na nga lang at saka makinig ” saway ng kaibigan sa kanya Natitiyak namin na marami ang excited na malaman at pwede muli ay balitukusin ang pag amin ng binatang Actor. Ayon sa kanyang Press Conference sinabi rito na ang Dalagang si Carmela Isabella Geronimo ay ang babaeng nakilala niya sa isang dating site. Laking gulat niya na makilala ito ng magbitiw sila matapos ang kissing seen na yon. Matagal na raw wala siya balita sa dalaga at ni minsan ay hindi niya ito nakita ng personal maliban sa pictures na pinadala nito sa Actor. Sumunod ang Dream Dates nila. Ayon dito inaasahan na raw ng Actor kung bakit naroroon ang nasabing Dalaga. Dahil alam ng Actor na isa ito sa masugid na taga hanga nito. Nalaman niya raw iyon ng mayroon pa silang communication sa nasabing dating apps. Ganun nalang ang pagkagulat nito na ang nabunot at nanalo ay ang nasabing dalaga. Sa nasabing Dream Dates ng dalawa ang pagkasweet umano ng Actor ay inamin rin nito na hindi isang palabas kundi ito ay sinadya niya na ipakita sa nasabing dalaga na si Carmela. Isang mainit na controversial na pag amin ng binatang Actor ang ngayon ay pinag uusapan at pinagkakaguluhan muli ng maraming fans. Dahil dito ay sinabi ng Actor na isang Coincidence lahat subalit it was Destined. Destined na para sa Actor ay sinadya ng kapalaran na paglandasin sila muli ng dalagang si Carmela. Sinabi sa interview na matagal na silang walang communication ng dalawa dahil pinutol na nito iyon may ilang buwan na nakakalipas dahil sa unti unting nahuhulog ang loob niya sa nasabing dalaga. SHOCKED ang lahat dahil sa sinabing pag amin muli ng binatang Actor. Sino nga naman mag aakala na ang babaeng nag uumpisa nitong magustuhan ay pagtatagpuin sila ng landas na dalawa. Kinikilig na lahat ng staff namin sa studio, dahil sa mainit na pag amin na naganap. Kaya naman sa Dream Dates nila ay hindi na napigilan ng binata na ipakita at iparamdam ang tunay na nararamdaman niya para sa dalaga, subalit ligid sa dalaga na ang binatang nakilala nito sa dating apps ay ang nasabing Actor. Hindi raw kasi nito pinaniwalaan na siya ay ang Actor na matagal na hinahangaan ng dalaga matapos na umamin ng magsend back rin ito ng mga pictures sa dalaga. WOW shocking rebelations po talaga ang mga nangyayari ngayon mga ka SHOWBIZ. Pinagtawanan pa raw ng dalaga ang nasabing Actor dahil sa pagsasabi na siya si Ismael. Dahil ang pakilala nito ay sa Code Name na Zion. At sino ang mag aakala nga naman na maglalandas at pagtatagpuin sila ng kanilang mga tadhana. Isang sikat na sikat na Actor na may milyon na Fans at isang Ordinary na dalaga ay pinagtagpo ng kani kanilang tadhana. Maaaring totoo, kaya naman ito ay talagang Destined mula sa binatang Actor at dalagang si Carmela. Saan naman kaya ngayon dadalhin ng mainit na pag amin ang kanilang mga damdamin para sa isa’t isa. Possible kaya na humantong ito sa Of Relationship ng dalawa. Kaabang abang ang mga susunod na mangyayari. Ito po muli si JUDE CERVO SHOWBIZ PATROL Nag uulat ng maiinit na balita. Natapos rin ang mahabang panayam tungkol sa pag amin ni ismael. Can’t expect ni Carmela na aaminin nito sa buong bansa ang tungkol sa kanilang dalawa. “ Ano bessy anong masasabi mo? Totoo ba talaga na siya si Zion na iniyak iyakan mo pa ng maraming buwan? ” gilalas na tanong nito. Wala na siya nagawa kundi ang tumango at aminin sa matalik na kaibigan. Pasasaan ay malalaman rin naman nito ang tunay na katotohanan kung ililihim pa niya at itatanggi rito. “ Bessy napakaswerte mo talaga! Masaya ako para sayo ” muli ay sabi ni MauMau. “ Paano mo naman nasabing maswerte ako? Hindi mo ba alam kung gaano karami ang mga tao na pilit na hinahabol at binabatikos ako! ” malungkot na sabi niya. Natitiyak niya kasi na mas marami pa ang hahabol sa kanya upang makuha ang panig niya sa mga issue na pag amin ni Ismael. Sumasakit ang ulo niya sa isipin na yon. Papaano niya pa haharapin ang panibagong issue sa pag amin ng lalakeng minamahal. Humugot siya muli ng isang malalim na hininga. Tumunog naman ang cellphone niya. Isang text message mula sa taong pinag uusapan nila. “ Hi Love how are you? I think napanood mo na rin yung balita ” tinutukoy nito ay ang balitang ngayon ngayon lang ay napanood nila ng matalik na kaibigan na si MauMau. “ Yes! How did you do that? ” “ Simple lang! sinabi ko lang ang totoo. Wala naman masama sa sinabi ko, gusto nila malaman ang totoo di sinabi ko ” diretsong sagot ni Ismael “ Hindi ka man lang natakot batikusin ng marami mong fans? ” “ Bakit naman? ” gagad nito “ Hindi mo ba alam sa ginawa mo, marami ang babatikos at kukwestyunin ang lahat ng sinabi mo? ” “ Edi sasabihin ko ang totoo between you and me! I think next I will announce sa lahat that our relationship is finally formal ” Ismael said “ What? ” gulat na tanong niya kahit sa text messages lang sila nagkakausap parang naiimagine na niya ang itsura nito at nais ipabatid sa kanya. Bago kasi sila nagkahiwalay kangina, wala na siya nagawa kundi ang pumayag rito na maging formal in relationship na sila. Sinagot na niya ito matapos ng lahat ng kulitan at pag uusap nila. Lalo na ang matamis na halik na kanilang pinagsaluhan. “ Talaga bang gusto mo ako? ” malakas na loob na pagtanong niya rito “ Hindi pa ba halata? Mukhang hindi mo nakuha ang sagot sa halik na iginawad ko sayo ngayon ngayon lang ” mapanuksong ngiti nito. Siya naman ay tila alam na niya na pinamulahan siya ng mukha! “ Ang bolero mo! Ganyan ba talaga kayong mga artista? ” biro na tanong niya “ Siguro yung iba, subalit ibahin mo ako sa kanila! Tunay at totoo lang ang sinasabi at pinakikita ko sa mga tao lalo sa taong Mahal ko. ” pinagkatitigan pa siya nito “ Oopps! Tama na ” saway niya alam na kasi niya ang susunod na gagawin nito. Tumawa naman ito ng pagkalakas dahil sa reaksyon niya sa bagay na yon. “ Alerto ka talaga ano? ” Natatawang sabi nito “ Ou naman! Ang bilis mo kasi masyado, ni hindi mo man lang makuhang magpaalam ” nahihiya na sabi niya “ Kailangan ba talaga iyon? ” “ Ou naman! ” biro na sabi niya. Sa totoo kasi gusto rin niya ang ginagawa nito. Ang paghalik ng walang paalam. Nakakapagpabilis kasi ito ng t***k ng puso niya, sobra rin ang kilig na dulot non sa pagkatao niya. “ Okay! So Carmela can I kiss you again? ” “ What? ” tila gulat na napahiyaw siya “ Sabi mo magpaalam ako? ” “ Kaya nga! Siryoso ka? ” Carmela “ Ou! Hanggang ngayon ba hindi ka pa naniniwala? I’m Serious Carmela ” “ Totoo ba? ” maang maangan na sabi niya. Bumibilis pa lalo kasi ang hampas ng kung anong bagay sa puso niya. “ Pwede na ba? ” “ Ano? Anong pwede na ba? ” kunwari ay hindi niya magets ang sinasabi nito “ Halikan kita muli ” automatically Ismael said Hindi pa man siya nakakasagot ay nagawa na siyang halikan nito. Habang ang dalawang mata niya ay nanlalaki ng dahil sa mabilis na pag dampi ng labi nito sa labi niya. Wala na siya nagawa dahil sa muli ay nakuhang halikan siya nito, sa pagkakataon na yon ay napakapit pa siya sa magkabilang balikat nito saka pinagsalikop ang dalawang braso sa leeg ng lalakeng iniibig niya. Si Ismael naman ay hinapit ang kanyang beywang upang mailapat ang kanilang mga katawan. Magkalapat ang kanilang katawan habang pinagsaluhan ang mainit at malalim na halik na yon. Gosh napakabilis at hindi ko magawang tumanggi sa mga halik ng lalakeng masasabi niya na sa mabilis na panahon ay minamahal na nga niya ng tuluyan. Habol hininga silang dalawa ng maputol ang halik na yon. Kapwa silang natawa dahil sa itsura ni Carmela ng maghiwalay sila. Tulala pa rin kasi ito habang hawak hawak ang kanyang labi na hindi niya napansin na nagawang hawakan ng maghiwalay ang mga labi nila ni Ismael. “ Carmela are you alright? ” tawang sambit ni Ismael na inilagay pa ang isang kamay sa kanyang mukha saka ginalaw galaw narinig na rin niya na sinasabi nito na “ Hey, Carmela ” ng paulit ulit. " Huh! " gulat na turan niya sa sobrang pagkapahiya napangiti naman ng sobrang luwang ang binata dahil sa pamumula ng dalaga. Hiyang hiya si Carmela dahil sa nangyari na yon. Kaya wala siyang nahugot na salita na pwedeng idadahilan kundi ang magpaalam rito at umuwi na. " Wait! Hindi mo pa ako sinasagot ” habol na sabi ni Ismael " Kailangan pa ba? ” maang muli na sagot niya " Ou naman! ” " Diba nakuha mo na ang sagot ” biro na sabi niya " Huh? Wala pa kaya ” gulat na sabi nito " Nakadalawa ka na nga hindi mo pa alam ” nakangiting biro niya kay Ismael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD