“ Hi kangina ka pa? sorry pinag antay kita ” bungad na sabi nito pagkalapit na pagkalapit sa pwesto ni Carmela.
Ito namang si Carmela ay hindi maipinta ang mukha gawa ng pagkagulat nito. Hindi makapaniwalang ang taong minahal at ang labis na hinahangaan ay iisa.
“ hey nabigla ba kita? Sorry Carmela ” nag aalalang sabi pa nito. “ Eto na nga ba sinasabi ko, kaya ayoko sana magpakilala sayo ” muli ay ulit nito
Siya naman tila mahimasmasan sa sinabi nito. Lalo pa ata siya napahiya dahil sa inasal nito. Kasi naman hanggang ngayon hindi nito alam kung paano paniniwalaan o sadyang niloloko lang siya nito. Lumingap lingap pa siya sa paligid at baka mamaya meron muli sumigaw ng “ CUT ” mas Lalo pa niya ikahiya kung magkaganoon.
“ Ahh! Ehh! Hindi, ahh ou pala! Ayyy! Paano ba? Teka ” Walang maisip na maayos na sabihin nabigla naman talaga ito.
Napakamot pa tuloy sa ulo dahil sa mga pinagsasabi ni Carmela. “ Kasi naman baka mamaya may sumigaw na CUT! Taping lang pala ito ” aniya'y sabi niya kay Ismael. Na kinatawa nito.
“ kahit pala sa personal, wala ka pinagbago Carmela ” biro na sabi nito. Sabay silang nagtawanan dalawa.
“ Sorry nabigla muli kasi ako ” gagad na sabi niya
“ Ou nga! Alam kong mabibigla kita, inasahan ko na rin iyan. ” nakangiting sabi na nito. Habang nakatingin sa mga mukha kong gang ngayon hindi mapinta sa kahihiyan.
“ Mas maganda ka pala sa personal Carmela ” papuring uya nito. Bigla naman siya nag blush sa winika ni Ismael
“ Hindi ka rin pala bolero ano? ”
“ Halata ba? ” sabay nagtawanan muli sila.
Magaan na talaga ang loob nila sa isa’t isa kaya parang wala lang tuloy sa kanila ang mga nangyari. Nagagawa pa nila magbiro kahit sa kabila nuon maraming chismis na ipinukol sa kanila lalo na kay Carmela na ayaw tigilan ng maraming Media at busher’s.
“ Magaling ka nga talagang artisa Ismael! ” puri na sabi ni Carmela
“ Bakit mo naman nasabi Carmela? ” nagtataka na tanong ni Ismael
“ Biruin mo ikaw ba talaga si Zion? ” Hindi makapaniwala hanggang ngayon, paniniguro rin nito sa taong kaharap niya ngayon.
“ Mukha bang umaarte lang ako? O iniisip mong nagsisinungaling ako? ”
“ Dalawa ” sagot niya
“ Diba ikaw itong hindi naniwala na ako si Ismael. Nagsend pa nga ako sayo ng litrato ko ng magpalitan tayo ng pictures na dalawa tinawanan mo lang ako ” Ismael correctly said
Natawa si Carmela ng maalala iyon. Pinagtawanan pa nga pala niya ito ng magsend ito ng Pictures ni Ismael na kaniyang iniidolo. What a coincidence na iisa lang pala talaga ito.
“ Sorry hindi naman kasi kapani paniwala talaga iyon, isang Ismael Zion Montebar makakausap ng isang gaya ni Carmela Isabella Geronimo. Sino mag aakala na isang sikat na artista na gaya mo ay nagkainterest sa isang dating sites. Sa kinatatayuan mo naglipana na ang maraming babae. Tapos malalaman laman ko isang Ismael pala ang nakilala ko at nakakausap sa isang dating app. Sino hindi mabibigla ” mahabang huwestiyon aniya na natatawa pa habang binibigkas ang bawat letra.
But Ismael looking at her. “ why are you looking at me? ” maang na tanong niya
“ Wala! ang cute mo pala talaga! Kaya naman pala isang Carmela Isabella Geronimo ay nalink kay Ismael at pinag usapan ng buong mundo ng dahil ang ganda mo ” pambobola pa ni Zion, ayy este Ismael. Hindi malaman ni Carmela kung ano ang itatawag rito.
“ Isang bolero ka nga talaga. ” balik na biro ko.
“ at least gwapo ” kinatawa ni Carmela
“ Di ka lang pala bolero may kayabangan ka rin pala ” sabay di napigilan tumawa ng malakas.
Para tuloy sila close na sa isa’t isa.
“ Carmela walang kayabangan iyon, sadya lang na totoo. Kaya nga diba – ” putol na sabi nito. Bigla tuloy napatigil sa pagtawa si Carmela dahil sa putol na sinabi nito.
“ what are you talking about? Bakit hindi mo ituloy? ” hamon niya kay Ismael
“ wala! Don’t mind ” bawi nito saka tumawa tila may gusto sabihin ito na biglang pinutol at hindi na tinuloy. Saka nito binago ang usapan
“ Hindi ka ba galit dahil sa mga issue satin dalawa? ” muli ay tanong nito. Saka lang niya naalala ang issue sa kanilang dalawa.
“ ou nga pala! Sabi ko pa naman makita lang kita kakalbuhin kita! ” biro na sabi ko sabay tawa ng malakas. Biro na totoo naman sinabi niya iyon sa inis ng lumabas ang mga photos nilang dalawa.
“ Grabe siya! Kakalbuhin talaga? ” gulat na turan nito
“ Biro lang! pero nasabi ko talaga iyon sa inis ko. Pero napaisip naman ako, hindi ko magagawa iyon sa Idol ko baka mamaya mas lalo pa ako awayin ng marami mong fans. Ngayon pa nga lang napakaraming bumabush sa akin ng dahil sayo, paano pa kaya kung kinalbo Kita ” pabirong bulalas ko sa kanya.
“ Your so nice talaga beautiful girl! Ni minsan hindi ko nakitang pinatulan mo sila, lahat ng nambabush sayo. Tahimik ka lang, ako etong parang ewan na hindi mapakali at malaman ang gagawin akala ko talaga magagalit ka sakin once malaman mo na ako si Zion. ”
“ bakit naman ako magagalit? May karapatan ba ako para magalit sayo? Maging sa mga Fans mo? Isa pa it’s a coincidence. Walang may gusto mangyari lahat ng yon. ” nakangiting turan niya. “ maybe, we can be friends? ” ayoko sana sabihin yon, higit pa sana roon ang gusto ni Carmela.
“ Friends? What if ayaw ko! How about more than friends? ”
“ Seryoso? O biro? ” gulat na tanong ni Carmela. Na tinitigan pa sa mga mata si Ismael na pakurap kurap pa ang kanyang mata! Para lang siyang tanga.
“ Mukha ba akong nagbibiro? ” sagot ni Ismael
Siya naman ay kinikilig sa sinagot ng lalakeng hinahangaan. Este minamahal na pala. Parang ang bilis ata – bulyaw niya sa sarili
“ Baka kasi seryosohin ko, yon pala ay isang biro lang. ” sabay tawa. Tumawa na rin ang binatang kausap. “ oopps biro lang ” sabay bawi niya.
“ Hindi nga Carmela? I think much better na ganon ang gawin nating dalawa! What if should we try? what if we both compatible to each other. ”
“ Masyado ka naman ata mabilis? Hindi ka naman nagmamadali? ” biro ni Carmela
“ But I think we both know na gusto naman natin ang isa’t isa ”
“ Sino ang nagsabi? ” natawang sabi niya
“ Carmela huwag muna ikaila, I know na gusto mo rin ako, same as I feel. Nakikita ko rin sa mga mata mo ”
“ Artista ka nga! ” biro niya
“ I like you Carmela! I know you like me too. Tama naman ako diba? ”
Nagbubunyi naman ang kanyang puso sa mga sinabi nito. Yes she likes Ismael. But iba na kasi ang sitwasyon.
Makakaya niya kaya pangatawanan kung sakaling pumayag siya sa gusto nito?
“ But it’s complicated! yang gusto mo ”
“ Anong komplekado roon? ” balik na tanong nito
“ Yes I like you too. Subalit kung sakaling pumayag ako sa gusto mo baka masaktan lang ako, ayoko na muli mangyari yon ” pag amin niya sa nararamdaman niya para rito.
“ No! susubukan kong huwag na ulit mangyari yon! Pinapangako ko Carmela, I want to spend my life with you. Kaya gusto ko sana higit pa roon kung mamarapatin mo at payagan ako na gawin iyon ”
“ Pag iisipan ko muna ” birong sabi ni Carmela
“ Pag iisipan pa talaga ” Natatawang sabi ni Ismael
“ Bakit? Manligaw ka muna! Malay mo sagutin kita ” saka ngumiti siya
“ kakaiba ka talaga ” Ismael
“ Ou naman! Mamahaling perlas ata ito ” sabay biro niya
“ Gaano ba kamahal? Presyohan mo baka makaya ko! ” balik na biro nito
“ Malaking katumbas na halaga! Kaya mo ba? ”
“ Sabihin mo baka makaya ko ” sabay na silang natawa.
“ Sigurado ka? ” panghahamon niya rito
“ Mukha ba talagang nagbibiro ako? ” gatong naman nito
“ Naniniguro lang ”
“ Matinik ka rin ano ” palitan nila
“ Dapat lang naman ”
“ Hindi ka marunong magpatalo noh? ” ismael
“ Halata na ba? ” biro niya
Hindi talaga nagpapatalo si Carmela, sinusubukan niya kung hanggang saan ang kaya ni Ismael na sakyan siya.
Natutuwa rin siyang paglaruan ito, dahil nakikita niya na hindi rin ito nagpapatalo.
“ Ang cute mo talaga ” ismael
“ Ou naman! That’s why you like me too. ”
“ Asa ka! Hindi na oyy ”
Nagtampo?
Binibiro lang eh!
Tila nadismaya na sabi ni Carmela sa sarili niya.
“ Teka binibiro ka lang! Pikon ka ” Carmela
“ Biro? Ang sabi mo ay mamahaling perlas ka, mukha atang hindi na kita kaya. Kaya tama lang sigurong itigil na natin ito ” sabay talikod ni Ismael
“ Teka! Galit ka na agad? ” subalit hindi na sumasagot ang binata na kausap niya
Hindi naman alam ni Carmela na palihim itong tumatawa habang nakatalikod sa kanya.
Manigas ka! Tingnan lang natin kung kaya mo sakyan ang drama ko.
Bulong na sabi ni Ismael sa kanyang isip. Habang natatawa naman siya na isipin kung anong itsura na ng dalagang kabiruan niya.
“ Oyy, Ismael ” hila hila niya ang dulo ng manggas na suot ng binata.
Subalit hindi pa rin ito kumikibo.
Kinabahan na tuloy si Carmela na baka tuluyan na nagalit ito sa kanya.
“ Idol, biro lang naman! Dali na, humarap ka na! ” sinundot sundot pa niya ang braso nito sa may likuran
“ Wow ang tigas Idol ” manghang sabi niya. “ Siguro may Abs ka rin ” tugtong muli gang maisipan lumapit pa ng konti sa likuran ng binatang Lalake.
Sakto naman lilingunin na sana ni Ismael ang dalagang si Carmela.
Sapol! “ Arayyyyy ” sigaw ng dalaga ng mabangga sa likod ng binata, biglang rin siyang nawalan ng balanse subalit mabilis si Ismael agad niya nahatak ang dalagang si Carmela na sakto naman na pagtama nito sa matitigas niyang dibdib.
“ Arayyy ” muli ay sigaw nito.
“ Sorry ” hinging paumanhin ng binatang si Ismael
“ Anlaki ng galit mo sakin noh? ”
“ Hindi ahh! Saka ano ba kasing ginagawa mo? Tama bang halos idikit mo ang mukha mo sa likod ko? ” Ismael
“ A—ano kamo? Bakit ko naman gagawin iyon ” tangi ni Carmela
“ Naku! Siguro may plano kang yakapin ako? Aminin mo na? ” pangbubuskas ni Ismael
“ Grabe ka! Ikaw na tong binunggo ako, aakusahan pa ako! ”
“ Totoo naman! Plano mo yakapin ako diba, huwag mo na ikaila! Ganyan naman kayo ” kunwari ay galit galitan ito.
“ Bahala ka nga! ” bumaligtad naman ngayon si Carmela na ang tumalikod sa binata na si Ismael.
“ Galit? ”
“ Bahala ka! ” galit galitan ni Carmela
“ I love you Carmela! I really like you! ” bulong nito sa likod ng tenga niya.
Kinikilig kilig naman siya habang natatawa sa pang aamo sa kanya ni Ismael.
Makita nga natin! Kung kangina ikaw, ngayon manigas ka! It’s my turn.
Malakas ang pakiramdam ni Ismael sa ginawang pagtalikod ni Carmela.
Bigla niya inilusot ang dalawang braso sa magkabilang bewang nito saka ito niyakap na nakatalikod ito sa kanya.
“ I said I love you! I really like you Carmela ” inulit niyang sabi sa dalaga.
Saka dahan dahan itong iniharap sa kanya.
Nagtama ang kanilang mga mata ng halos magpantay na ang kanilang mga mukha.
Nababasa ni Carmela sa mga mata nito ang sincerity sa lahat ng binigkas na salita nito.
Kapwa sobrang bilis ng kabog ng mga dibdib nilang dalawa.
Hindi rin napigilan ni Mikaela ang mapapikit ng mga sandaling iyon. Napangiti naman si Ismael sa tinuran ng dalaga. Dahan dahan niyang ibinaba ang labi sa labi ng dalaga.
Naramdaman ni Carmela ang pagdampi ng labi ng binata sa kanyang labi. Sumilay ang init sa kanilang dalawa. Hindi na siya nakatanggi pa ng mag umpisa itong gumalaw at maramdaman ang pagpasok ng dila nito sa loob ng bibig niya.
Para siyang nililipad sa langit ng dahil sa paghalik ni Ismael. Muli ay natikman niya ang malambot na labi nito at ang masarap na mga halik nito. Napakasarap sa pakiramdam, sobra sobra ang kasiyahan niya ng mga sandaling iyon.
Para siyang isang Princesa na natagpuan ang Prince Charming niya.
Kilig na kilig talaga siya sa isiping gusto rin siya ng lalakeng tinatangi ng puso niya.
Mahal na nga ba niya talaga ang binatang lalake na humahalik ngayon sa kanya?
Anong aasahan niya kung sakaling sa pagkakataon na yon ay isuko niya maging ang damdamin niya para sa binatang minamahal niya?
May kahahantungan ba ang posibleng relasyon nilang dalawa?
Papaano ba niya dadalhin ito sa mundo niya na malayo sa Mundo nito.
Possible kaya mangyari iyon?
Iilan sa mga katanungan na gumugulo sa isip niya ngayon.