CHAPTER 10

2145 Words
Sa sandaling iyon ay nasaksihan niya ang sobrang kaligayahan sa mukha ng binatang minamahal. Nagawa pa nitong magtatalon sa sobrang saya. “ Yes! Finally sinagot na niya ako ” sigaw sigaw pa nito. “ Grabe siya! Ganyan ka ba talaga matuwa? ” pabiro na sabi niya “ Nope! But this time siguro. ” “ Bakit naman? May pinagkaiba ba? ” She asking Ismael “ Ou naman! Ibang iba sa lahat ng mga good news na natatanggap ko. This time because of you, Carmela I love you and I really like you! Kahit paulit ulit ko pang ipagsigawan sa mundo gagawin ko para sayo ” masayang sabi nito. “ Grabe huwag mong sabihin first time mo? ” “ Not really but this is not the same on my past relationships! Yung feeling na sobrang saya at excitement na hatid mo sakin ” he smiled with her. “ How about you Carmela? ” balik na tanong sa kanya. Nagkipit balikat naman siya. “ Actually hindi ko rin alam! Basta I fell something simula ng makilala kita. Feeling na ibang iba sa Ex boyfriend ko na Mike ” oopps. Lumagpas ata ang sinabi niya. Nakita niya ang pagbabago ng mukha ng lalakeng minamahal. “ What? You compares me to your ex boyfriend? ” Hindi niya tuloy alam kung nagbibiro ba ito o naiinis sa pagkabanggit niya sa ex na si Mike. “ Sorry! Hindi naman sa ganoon. Bakit ikaw rin naman diba! Nauna ka magsabi na iba ako sa mga past relationships mo. ” may pag angal na sabi niya. Natawa naman si Ismael! “ Carmela your so cute! Ganyan ka pala kung biruin. ” tawang tawa sa reaksyon ng dalaga na si Carmela “ Tamang pagtripan ba ako? ” inis na usal niya rito “ Dapat pala lagi ko gawin sayo iyon para makita ko kung gaano kacute ang babaeng pinakamamahal ko ” saka siya hinawakan sa magkabilang pisgi at mabilis na dinampian ng halik sa labi. Hindi na siya muling nakailag pa. “ Ang bilis mo talaga. Nakakatatlo ka na? ” singhal ni Carmela “ Kahit apatin, limahin, anim, pito, walo, siyam at sampuin ko pa hanggang makarami pa ako, hanggang maipakita at maiparamdam ko sayo kung gaano kita kagusto at kamahal ay gagawin ko. ” “ Ang korni na! ” Carmela said na tinatawanan lang ang sinabi ng binata. “ Korni ba? Hindi mo gusto? ” nakabusangot na tanong nito. “ Hindi naman! Masarap nga pakinggan ” nakangiting sagot niya rito. “ Talaga? ” biglang sumilay ang sigla sa mukha muli nito. “ wala nang bawian Carmela ” saka siya niyakap ng pagkahigpit. “ O siya uuwi na ako. Baka hinahanap na ako ng best friend ko. ” pamamaalam niya na siyang pumutol sa kasiyahan ni Ismael. “ Aalis ka na? agad agad? ” malungkot na sabi nito “ Bakit aasawahin mo na ba ako at ayaw mong umuwi ako? Kung ganoon daig mo pa ang kalapati na mabilis lumipad. Lumilipad na ata isip mo na may sarili akong bahay na dapat uwian. ” pabiro muli na sabi niya “ Kung papayag ka nga Lang, bakit hindi ” Natatawang biro nito “ Baliw ka na nga! Tse. tumabi ka nga at baka maupakan pa kita! Makita mo hinahanap mo. ” inis na sabi niya nakinikilig naman ang isang side sa pagkatao niya. “ Joke lang! ikaw naman hindi ka mabiro. Halika ihahatid na kita. ” pabiro na sabi ni Ismael subalit may tunay iyon na nais pinapahiwatig ang binata sa dalagang kasama. Natapos ang pagbabalik tanaw niya ng maalala ang binatang kausap sa text. Agad niya binuksan muli ang Cellphone na may marami rami na rin text messages mula kay Ismael. “ Are you mad with me? ” “ Hey! Bigla ka nawala ” “ Sumagot ka! Kundi bubulabugin kita ” “ Ahh ayaw mo ahh! Sige makikita mo ” Napakarami pang text messages kung tutuusin subalit paulit ulit lang iyon. Ganito pala mainlove ang lalakeng pinakamamahal. Ganito pala magmahal ang isang Ismael. Ganito pala siya kadesperado pagdating sa babae. Kakaiba ang sabi niya sa sarili. Narinig niya ng may biglang nagdoor bell at ang paglabas ng pinto ni MauMau upang silipin ang taong dumating. Maingay, Kinikilig, Tumatawa, At ang pagtawag nito sa pangalan niya ang siyang naririnig niya habang nasa kwarto siya at nagpapahinga. “ Bessy, halika at bumaba ka. May bisita tayo! Magmadali ka bilis. ” hiyaw hiyaw pa ni MauMau na halos hindi naman niya malaman kung bakit siya nito pinagmamadali. Suot suot ang isang panjama at manipis na blouse ay nakuha niya lumabas at bumaba upang silipin ang bisita na sinasabi nito. Hindi na nga niya nagawang magsuklay mula sa sabog sabog niyang buhok dahil sa pagkakahiga. “ s**t! ” ang tanging nasambit niya ng matukoy ang taong sinasabi nitong bisita nila. Sabay talikod niya sa sobrang kahihiyan dahil sa dalawa na ngayon ay titig na titig sa kanya dahil sa postura niya ng harapin ang mga ito. “ Bessy! Bakit naman ganyan itsura mo? Hindi ka man lang nagsuklay, nakakahiya sa bisita mo! ” pabirong buska ng kaibigang si MauMau Ano bang malay niya na ito ang bisitang tinutukoy nito. Hindi man lang siya inabisuhan na si Ismael pala ang taong yon. “ Teka! Babalik ako. ” pagpapaalam niya sa mga ito. “ Nope! Huwag na love bagay naman sayo ” gulat at nanlalake ang mata ng kaibigan niyang si MauMau dahil sa sinabi ng binatang si Ismael. Maging siya ay nagulat at sobrang nahihiya dahil sa sinabi nito. Hindi nga niya inaamin kay MauMau na sila na ng lalakeng yon. Ngayon ay maririnig niyang tatawagin siya nitong Love sa harap ng matalik na kaibigan. Patay na. Yari na. Gustong gusto niya ibaon ang sarili sa pagkapahiya. Natitiyak niyang abot abot na sermon ang matatanggap niya sa kaibigan matapos malaman nito ang katotohanan. “ Love pala ah! ” singhal ni MauMau Bubulong bulong siya, ang naghihinagpis ang sarili dahil sa kagagawan ng lalakeng katabi nito. Wala na siya nagawa kundi ang lumapit na sa dalawa. Umusog naman si Ismael upang bigyan siya ng puwang na maaari niyang maupuan. Hindi niya inaasahan na ganoon kadali siya mabubuko ng kanyang kaibigan. Pahamak na lalake ito. Bakit kasi naisipan pumunta nito rito. “ Hi love ” bati nito matapos makaupo “ Love mo mukha mo ” inis na sabi niya “ Ano bang nagawa ko? ” takang tanong nito “ Hindi mo alam? Itanong mo kaya sa sarili mo ” inis pa ring sabi niya kay Ismael Habang si MauMau ay natatawa sa isang tabi dahil sa pagtatalong nagaganap sa dalawa. “ Ang cute niyo pala tingnan! Bagay nga kayo ” Natatawang sambit nito. Sabay naman lingon nila sa pwesto ni MauMau na nagawa pang pandilatan ng mata ni Carmela ang matalik na kaibigan. “ Teka biro lang! Bessy paliitin muna nga iyan ” turo nito sa nanlalaking Mata ni Carmela. “ Para kasi akong nanunuod ng teledrama ang cute niyo kasi tingnan ” inulit pang sabi nito. Na mas lalo niya pa pinalaki ang kanyang dalawang Mata. subalit Ilan sandali pa ay nagpaalam na ito “ Oh siya sige na, titigil na po ako! Maiwan ko muna kayo ng makapaghanda ako ng makakain niyo ” patayo na sana ito ng muli ay magsalita ito. “ Dito lang ba kayo o duon kayo sa kwarto mo? Kasi kung sa kwarto mo ay hindi ko makikita ang ginagawa ninyo, kung dito naman kayo natitiyak mong kitang kita ko lahat ng posibleng gagawin niyo ” sabay tawa ng nakakaloko. “ Bessy ” pahiyaw na saway niya rito. “ Bessy ang pinahihiwatig ko lang naman ay kung gusto niyo ng privacy ay duon kayo sa kwarto ngunit kung hindi naman. Tama lang na dito nga lang kayo. ” muli ay pahabol nito bago tuluyang tumalikod at makalayo. Sa wakas ay nawala na rin ito sa paningin niya. Kung hindi pa ito umalis talagang malilintikan na ito sa kanya. Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigan na gaya niya. “ Okay pala yung kaibigan mong si MauMau. Alam ko na ngayon kung saan ka nagmana ” Natatawang biro nito “ Gusto mo rin ba makaisa? ” “ What? What do you mean of that? ” maang na tanong nito “ Kung hindi ka titigil baka makaisa ka na rin sakin. ” inis na sabi ni Carmela. Kangina pa kasi niya gusto magliyab. Nag iinit na ang kanyang pakiramdam at anytime ay sasabog na yon at magbubuga ng nagliliyab na apoy. “ Love are you alright? ” muli ay tanong ng binata “ Mukha bang okay ako ” galit na sabi niya sa binata. “ Galit ka ba? ” “ Hindi ba talaga halata? ” inis na sabi niya “ May nagawa ba ako? Ano bang kinagagalit mo love? ” nagtatakang tanong ni Ismael “ Ano ba kasing ginagawa mo rito ” inis na tanong niya “ Ano pa! dinadalaw ka ” “ Bakit? May sakit ba ako para dalawin mo? ” “ Masama bang dalawin ang babaeng pinakamamahal ko? ” Sa puntong iyon ay nawala ang galit ni Carmela. Alam na alam talaga ng binata kung paano aalisin ang inis sa sarili niya. Ang inis at galit ay napalitan ng kilig. “ May sinabi ba ako ” maang na sagot niya na halos mapaindak sa tuwa ang puso niya “ Ewan ko sayo ” galit na galitan na sabi ni Ismael “ Minsan anlabo mo, Hindi madalas pala, hindi pa rin. Mas madalas pa ” “ Anong gusto mo ngayon ” hamon niya sa binata “ Eto ” sabay dampi ng isang mabilis na halik sa kanyang labi “ Ano ka ba! ” inis niya na lumingap lingap pa at baka naroroon ang kaibigan. “ Kita mo naririto si MauMau, mamaya makita niya yari ako sa babaeng yon ” gilalas na sabi niya kay Ismael Ang hindi alam ng dalawa ay malingid na nagtatago ang dalaga sa isang sulok at pinanonood sila. Kilig na kilig ito para sa matalik na kaibigan. Masayang masaya si MauMau sa naabot ng dalaga. Dahil sa lahat ng pinagdaanan nito ay masasabi niya na mukhang may katuparan na rin ang pangarap niya para rito na maging masaya. “ Wala naman siya! Saka tiningnan ko naman bago ko ginawa ” biro pa ni Ismael “ Talagang nagawa mo pa tingnan bago mo ginawa ” natatawa naman si Carmela sa reaksyon ng binata. Sa isang banda ay tama si MauMau na duon sila sa kwarto niya upang may privacy sila ni Ismael na gawin ang gusto nila. Subalit ayaw naman niya pag isipan siya ng kaibigan na easy to get. Tama lang na dito sila sa sala ngunit kailangan nila mag ingat dahil tuso ang kaibigan natitiyak niya na naririyan lang iyon sa isang tabi at nagkukubli. “ Ano ba kasi ginagawa mo rito? ” siya namang takang tanong sa lalake. “ Namimiss na kasi kita! Tapos hindi ka pa nagrereply nag alala ako sayo. ” “ Ano naman ipag aalala mo naririto lang naman ako sa pamamahay ko. ” gilas na sagot niya. “ Anong malay ko! Baka mamaya ay tumungo ka na sa iba ” “ What? Anong pinagsasabi mo? Kangino Naman? ” “ Edi doon sa Mike na yon ” parang bata na sabi nito Naismid naman siya sa tinuran ng binata. “ Si Mike pa talaga pagseselosan mo? Matagal na wala na kami nuon. ” ang sabi niya “ Anong malay ko. ” patampong sabi nito. “ tigil tigilan mo ako sa mga drama mo Ismael! Masyado mo pinararamdam sakin ang pagiging magaling mong artista. Baka sa susunod ay mapaniwala mo na ako. ” pabiro subalit may laman “ Hindi ah! Mahal Kita ” bulong nito na kinatawa na niya “ Tse. Mahalin mo mukha mo ” balik pabiro niya “ I love you Carmela ” gagad na sabi nito “ I love my self! Blehhhh ” sabay dila niya sa binata. “ Ahh ganon! ” pagdaka ay siniil siya ng halik nito “ Ano ba? ” inis matapos ang halik nito “ Ang arte mo! Sabi na I Love you. Ayaw mo, gusto mo ba ipagsigawan ko pa? ” pananakot nito. “ Biro lang! ikaw naman pikon ” pagkasabi non ay mabilis na siniil muli siya nito subalit kung kangina ay saglit lang ngayon ay matagal at nagawa niya pang tugunin ito upang lalo ito naging malalim na halik na kanilang pinagsaluhan. Hinihingal si Carmela ng matapos iyon. Natatawa naman si Ismael dahil imbis na magreklamo muli ang dalaga ay nagawa nitong tumugon sa halik na ginawad niya rito. “ Sa totoo lang abuso ka na ” biro subalit gusto niya iyon. “ Ano isa pa ba? Bitin eh ” nakakalokong ngiti ang ibinigay nito sa kanya “ Eto gusto mo? ” iniumang niya pa ang isang kamao. “ No! Hindi yan ang gusto ko eh. ” “ Eh ano? ” “ Ito ” sabay siil nito sa labi niya “ Loko ka talaga! Wala kang takot na matikman ito ” “ Hindi mo naman kasi kaya gawin iyan eh ” “ Sino may sabi sayo? Baka gusto mo makaisa ” sabay tulak nito sa kanya at pabagsak na napahiga siya sa sofa Mabilis na nakapatong sa kanya si Ismael at siniil muli siya ng halik habang ang dalawang braso ni Carmela ay inilagay nito sa batok niya. Hindi na nila napigilan ang kapwa init na dumadaloy sa mga katawan nila. Naging malalim ang pagkakahalik na yon hanggang sa tumagal iyon at kapwa maghabol ng hininga. Sobrang bilis ng t***k ng puso ni Carmela at hindi na naisip na pwede sila makita ng matalik na kaibigan na si MauMau. Hindi niya kasi maunawaan kung bakit ganoon nalang ang hatid ng mga halik nito. Mabilis siya napapatiklop nito at naisusuko ang kanyang katinuan. Umaaatras ang tapang na naipon niya sa tuwing magkaharap sila nito. Matapos iyon ay kapwa sila nagbitaw saka inayos ang mga sarili nila. Baka kasi bigla nalang lumitaw ang kanyang kaibigan maabutan sila sa ganoong sitwasyon natitiyak niya malilintikan na siya. Kapwa rin sila natawa sa kanilang inasal at ginawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD