It’s already 5 o’clock in the afternoon konti nalang at matatapos na rin ang oras niya sa kanyang shoot. Nalibang siya sa kanyang pag lalakbay sa isang masayang alaala nila ni Carmela.
Maraan ay dumukot siya sa isa niyang bulsa at kinuha ang isang box. Nag lalaman iyon ng isang kwintas na pinasadya niya talaga para kay Carmela.
Isang couple necklace ang naisipan niyang ipagawa para sa kanila ng kanyang kasintahan na si Carmela. Nagsasama nga sila at hindi pa man ganap ang kanilang pagsasama dahil sa hindi pa rin nito natatagpuan ang kanyang tunay na mga magulang at ang nawawalang kakambal nito ay nais niya pa rin niya na palagiang supresahin ang kanyang Nobya.
Nais ni Ismael na araw araw ay para lang niya itong bagong nililigawan sa tuwing may maiisip na maibigay sa dalaga sinisiguro niya na ikasisiya nito at ikatutuwa dahil sa kanyang ibinigay. Duon niya lang kasi maiparamdam ang kanyang pagmamahal dahil sa palagiang busy sa kanyang trabaho.
Madalas ay halos wala na siyang oras sa dalaga at kung minsan ay gabi na nauuwi o kaya ay mga outside or inside the country siyang Trabaho ay hindi na rin niya ito nauuwian pa.
Buti nalang at andian si R'jay na siyang nagiging mata at bantay niya para kay Carmela. Si R'jay ang pinaka paborito niya sa lahat ng kanyang mga tauhan at mga kabataan na kanyang natutulungan na nag nanais na makapag aral.
Isa si R'jay sa mga kabataan na yon na nakapagtapos ng dahil sa tulong niya. Wala naman siya hinihinging kapalit sa mga kabataan na kanyang natulungan maliban sa gusto niya at ninanais na mabigyan ang mga ito ng mabuting kinabukasan.
Ngayon ay kaagapay na niya si Carmela sa mga palihim na kanyang pagtulong sa mga lihim na sinusuportahan na orphanage at ilang kabataan na kanilang pinag aaral. Minsan nag iikot sila sa mga lugar, imbes pumasyal ay humahanap sila ng mga Pamilya at kabataan na inspiring na makapag aral at konting tulong para naman sa mga Pamilya na kanilang napili na tulungan. Hindi naman sila sa namimili kundi sa natetyempuhan.
Hindi kasi kaya ng sabay sabay. Isa Isa, nagbabahay bahay kami at binabalikan nalang kung may nakaligtaan.
“ Hello po ” bati nila ni Carmela sa isang bahay na napasukan nila. Kumatok sila noon sa isang pinto sa isang eskinita sa Tatalon sa Quezon City.
Nag rounds sila nuon sa lugar saka naisipan na mag abot ng konting tulong na rin. Hindi ko naman pwede ilantad ang aking mukha gayon na rin si Carmela dahil kilala na rin ito ng maraming tao, dahil sa naging mainit na issue samin nuon ng nag uumpisa pa lang tumunog ang tungkol sa amin dalawa at sa pailang ilang paglabas nito sa tv para sa promotional appearance para sa kanyang Exhibit. Minsan kasi ay naiimbitahan ito ng ilang mga writers at directors para sa kanilang segment sa television.
“ Sino ho sila? ” ang sabi naman ng isang dalaga. Ngumiti naman sila ni Carmela rito. Subalit pakiwari nila ang itsura nito. Pinagmamasdan nila iyon at lihim na inilibot ang kanilang mga Mata sa loob ng buong kabahayan.
Napansin nila ang isang matandang babae na nakahiga sa isang maliit at masikip na papag. Naubo ubo pa ito na wari ng dalawa na may dinadaanan na sakit ang matandang babae.
Bumalong ang awa sa puso ni Carmela at gayon na rin si Ismael na palagian naman niya pinagdadaanan sa tuwing nagagawa niyang mag ikot ikot sa kung saan siya dalahin ng kanyang mga paa. “ Nanay mo ba iyon? ” patukoy sa matandang babae na nakahiga sa may gilid ng pader.
Napalingon naman ang dalagang babae sa itinutukoy ng mga mata ni Carmela “ Ah! Nanay po ba? Opo ” sagot na sabi ng dalagang babae
“ May sakit ba siya? ” muli na tanong ni Carmela
Nagtataka naman ang dalaga dahil sa naitanung ng babaeng kasama ng lalake na ngayon ay asa bukana ng kanilang pintuan ng kanilang bahay. Mga kapwa estranghero na hindi naman niya kapwa kilala subalit nagtatanong sa kalagayan ng kanyang Ina. “ Opo! May isang buwan na pong ganiyan si Nanay. Ayaw naman pong magpadala sa Ospital at wala rin kasi kaming pambayad kaya heto po nagtitiis nalang, kaya naman raw po niya at mawawala rin kung magtatagal kaya lang ayan naratay na siya sa higaan. Hindi na magawa pang bumangon ng dahil sa sakit niya. ” kwento na may bahid na pag aalala na sabi nito sa babaeng estranghera.
Hindi rin maunawaan ng dalagang babae kung bakit kailangan niya sabihin rito ang pinag dadaanan ng kanyang Nanay. Basta nalang pumasok na isip niya na sabihin rito ang tunay na lagay ng kanyang Inay. “ Naku, sabi mo may isang buwan na, na ganyan ang lagay ng iyong Ina? ” may pag aalala na sabi sa dalagang kaharap. Tumango naman ito. “ Maaari ba kaming pumasok? Nais ko sana siya makita kung maaari lang ” tanong pa na sabi niya muli dahil nais niya tingnan ang lagay ng Ina nito.
“ Sige po Ate tuloy kayo ” sagot ng dalaga saka tumabi ito at saka sila pinadaan.
Pinatuloy naman sila ng dalagang babae na anak ng matandang babae na nakaratay sa maliit at masikip na kama na iyon. Matapos makalapit ay agad na hinipo ni Carmela ang noo nito. Ganoon nalang siya nagulat ng masalat ang nag aapoy na katawan ng matandang babae. “ Antaas ng lagnat ng Inay mo! Bakit hindi mo siya dinala sa Ospital? ” gulat na singhal na turan niya na nasabi niya sa Anak ng matandang babae. Hindi naman siya galit sa pag kakasabi nuon, nagulat lang si Carmela kaya napataas ng konti ang kanyang boses dahil sa sobrang pag aalala sa babaeng ina nito. Humingi naman siya ng paumanhin sa dalagang kaharap na anak ng babaeng nakaratay sa higaan na ngayon ay inaapoy ng lagnat.
“ Inaaya ko po Ate pero ayaw talaga ni Nanay dahil sa wala raw kaming ipambayad sa Ospital. Kaya nagpabili lang siya sakin ng gamot sa tindahan at iyon ang ininom nalang niya aayos rin naman raw pakiramdam niya oras makainom siya ng gamot pero wala naging epekto sa kanya gusto ko man siya isugod pero wala naman ako nahiraman sa aming mga kapit bahay. Inaantay ko nga po kapatid ko siyang sumubok humiram sa kanyang pinagtatrabahuhan kaya lang wala pa po siya at hindi pa nabalik. ” nag aalala rin na sabi ng anak
Napahugot ng malalim na buntong hininga si Carmela habang si Ismael ay nasa sa likuran ni Carmela “ kailangan natin siyang dalin ngayon sa Hospital, hindi magandang mag aantay pa tayo sa pagdating ng kapatid mo. Kailangan natin siya maisugod agad hindi na maganda ang lagay ng iyong Ina kailangan siyang matingnan ng Doctor ”
“ Iha sino ka ba? Ayos lang ako huwag kayo mag alala maya maya mawawala rin ito. Bubuti rin pakiramdam ko ” Sabi naman ng Ina nitong hirap na hirap na, sumingit sa kanilang talakayan ng kanyang anak.
Papaanong naging okay ito ay sa pag ubo lang ay makikita na kung gaano na ito nahihirapan sa kanyang dinadalang sakit at sa napakataas na lagnat nito na lalong nagpapahina sa kanyang katawan, paano niya nasasabing okay lang siya. Sabi na may pag aalala sa kanyang sariling isipan. “ Nanay hindi na po maayos ang lagay niyo, kinakailangan na po kayo matingnan ng Doctor. ”
” Okay lang ako. Saka ay wala kami ipambayad sa Doctor. Ipahinga ko lang ito at aayos rin ang pakiramdam ko ” Sabi pa muli ng Nanay ng dalagang babae.
“ Huwag na matigas po ulo, ako na po bahala sa gastos matingnan lang kayo ng Doctor. Huwag niyo na po alalahanin pa lahat sasagutin ko na po lahat importante gumaling kayo at matingnan kayo. Hala sige po, makakaya niyo bang tumayo? ” tanong niya matapos makipag argue sa mariin na pagtutol nito na madala sa Ospital at pamimilit na gagaling siya kung maipapahinga lang nito ang kanyang katawan.
Ang dalaga naman ay nagtataka sa sinabi ni Carmela na ito na ang bahala sa gagastusin sa pagdadala sa Ina sa hospital. Hindi man niya ito kilala ay lubos na pasasalamat ang kanyang gusto ipabatid sa babae at lalakeng na ngayon ay nais matulungan ang kanyang Ina.
Hindi na nakakibo pa ang matandang babae sa nais ng dalagang kaharap ng sabihin nitong siya na bahala sa gastusin sa pagdala nito sa kanya sa Ospital. Nais pa sana niya sumagot subalik hindi na niya nagawa dahil sa nakikitang pag aalala rin ng Anak. Sinubukan ng matandang babae na kumilos ng alalayan siya ng isang lalake na lubusang makatayo.
Hindi niya mga kilala ang dalawang tao na dumating subalit maging siya at anak ay hindi na nakahupa pa, nang pangkuin ng isang binatang lalake ang kanyang ina agad naman silang sumunod ng babaeng kasa kasama nito. “ Nay bubuhatin ko na po kayo, ayos lang po ba ng hindi na kayo mahirapan pang lumakad. ” tumango naman ang matandang babae at pinangko nga ni Ismael ang matandang babae..
Isinakay nila sa kanilang dalang sasakyan ang matandang babae at gayon rin ang anak na babae nito ay kanilang isinama sa pagdala sa Ina nito sa Ospital. Sa isang Private Hospital sila tumungo at nakarating sila sa St. Luke’s General Hospital.
Ito na kasi ang may pinakamalapit na Private Hospital mula sa Tatalon. Kung sa may UE hospital pa sila tutungo ay mapapalayo na silang apat, iniiwasan rin nila Carmela at Ismael ang maraming pwede makakilala sa kanila kaya sa isang Private Hospital nila naisip dalhin ang Ina ng dalagang babae.
Saka kung sa Public Hospital ay mapipilitan pa silang pumila para sa Check up ng Ina. Kung sa Private nga naman ay matitingnan ito agad hindi na kakailanganin pang pumila ng pagkahaba para lang sa agarang check up. Emergency na ito at hindi na nais ng dalawa na lalo pang pahirapan ang inang may sakit. Ina ng babaeng kanilang kasama.
“ Kuya, Ate St. Luke’s po ito. Hindi po namin kakayanin mabayaran ang gagastusin niyo sa akin Ina. Buti pa po sa may East Ave. General Hospital nalang po tayo magtungo ” Sabi ng nag aalalang anak ng matandang babae
Naunawaan naman nila yung dalagang babae pero sumagot si Carmela “ Diba sinabi ko na sayo kami na bahala sa gagastusin ng iyong Ina? Huwag ka na mag alala. Kung duon pa tayo mapipilitan pa tayong pumila, sa kalagayan ng iyong Ina ay kailangan ng agarang matingnan agad hindi na dapat tayo mag intay. ” sabay pa sila napabaling sa Inang walang tigil sa katatahol sa pag ubo. “ Masyado na matindi ang pag ubo ng iyong Ina natitiyak kong hirap na rin ito sa pag hinga kung hahayaan pa natin ng ilang minuto baka mahuli na tayo sa pagligtas sa buhay ng iyong Ina. Kaya sige na halika na at dalhin na natin siya sa loob. ” may pag aalalang sabi sa babae saka inaya itong makapasok na sa loob ng Emergency Room.
“ Love kaya mo bang alalayan si Nanay? ” tanong na sabi niya kay Ismael.
Tumango naman si Ismael “ Yes love! Ako na bahala sa kanya, tumawag nalang kayo ng pwede magdala ng wheelchair para mabilis na maipasok si Nanay sa loob ” gagad na sagot ni Ismael.
Tumango rin ang dalawang babae na kasama ni Ismael “ Okay! Wait lang ” saka mabilis na lumakad ang dalawa mula sa labas papasok sa emergency room. Agad naman may sumalubong sa kanilang isang Staff na Nurse sa loob ng ( ER ) Emergency Room.
“ Hi ma’am emergency po? ” tanong na bungad sa kanila matapos sila salubungin.
“ Yes! Please I need a wheelchair, can you gave me? ” tanong na gagad na sabi sa staff
“ Yes Ma’am wait lang po! Kukuha lang ako ” gagad na sagot din nito.
Maya maya pa ay dumating na ito na may dalang wheelchair. “ Nasaan po ang Patient Ma’am? ” tanong na muli ng staff
“ Nasa labas! Maaari mo ba kaming tulungan? ” gagad na tanong naman niya sa staff
“ Yes Ma’am! Sandali po at tatawag rin ako ng isa pa na maaaring tumulong. ” agad na umalis ito at pagbalik ay may kasama na isang Nurse na lalake na staff rin sa Emergency Room.
“ Nasaan po ang pasyente Ma’am ” tanong na bungad ng kasamang Nurse na lalake. Ito na ngayon ang may hawak ng Wheelchair na kinuha sa babaeng Staff na kangina ay sumalubong sa kanilang dalawa ng kasama niya.
“ Tara sa labas naroroon yung pasyente kasama ng isa pa naming kasama. ” aya na sabi niya saka sila nagpatiuna sa paglabas.
Nakasalubong naman nila si Ismael na pasan pasan na ang matandang babae na Ina ng kasamang dalaga.
Agad naman itong dinaluhan ng dalawa nilang kasama na Nurse. “ Sir kami na po! Tulungan na namin kayo ” sabay pinagtutulungan ang babaeng matandan na maiupo sa wheelchair.
Nang tuluyan ng maibaba at maiupo ay inumpisahan nang itulak papasok sa ER upang makuhanan na ng Vitals ang matandang babae na may sakit.
Inihiga nila ito ng may pag iingat sa isang kama roon sa loob ng Er. Sila naman tatlo ay nakamata sa ginagawa ng dalawang Nurse na tumitingin sa Nanay ng kasamang dalaga. “ Don’t worry magiging okay rin si Nanay mo ” tinapik pa ni Carmela sa likod ng dalaga.
Napatingin pa ito sa kanyang mukha saka nagpasalamat “ Salamat po ate ” ang sabi ng dalaga