CHAPTER 16
“ Ou nga pala, wala pa pala alas dose. Nalimutan ko! ”
“ Ate tila ata nawawala ka na naman. Nitong mga nakaraan ganyan ka rin kaya! ” sabi nito
“ Ou nga pansin ko rin. Pagod at puyat siguro dahil sa nalalapit na exhibit natin sa susunod na buwan. Hayaan mo huwag mo na pansinin mamaya itutulog ko nalang pag uwi ko. ”
“ Baka nga po ate. Magpahinga ka rin Kasi ” napangiti naman siya dahil sa labis na pag aalala nito.
“ Heto kumain kayo, pagsalu saluhan niyo nalang ng mga kasama mo. ” alok niya sa pagkain na hindi nila naubos ni R'jay. Malinis naman iyon dahil hindi naman nila kinamay. “ pagpasensyahan niyo na at hindi ganoon karami ”
“ Naku si ate Carmela talaga. Ayos na po ito, paghahati hatian namin mamaya sa lunch. May kanya kanya naman po kaming baon kaya ayos na po ito. Salamat po Ate Carmela ” matapos magpasalamat ay umalis na ito. Dala ang pagkain na binigay ni Carmela para sa ilan niyang Empleyado.
“ Ate napakabait mo ayaw na ayaw mong may masasayang na pagkain, kaya binibigay mo nalang sa mga tauhan mo kesa itapon at hindi kainin. ” R'jay said
“ Kesa itapon diba. Napakaraming tao ang Hindi nakakain sa mundo sayang naman kung itatapon kung malinis naman. ” palagian niya naririnig noon sa kanyang Papa na kinalakhang Ama.
Palagiang bilin nito na ubusin ko ang mga pagkain na inihahatag nito. Dahil maraming kabataan ang nagugutom at hindi nakakain na gaya ko. Kaya madalas kung may pasobra ito ay ibinibigay pa niya sa kapit bahay para hindi masayang at mapanis man lang.
Napakaswerte niya at may magulang siyang kumupkop at nag aruga sa mahabang panahon. Hindi man niya ito nakasama sa matagal na panahon ay masasabi niya na mahal na Mahal siya ng mga ito. Edad disi otso ng mamatay ang kanyang Mama dahil sa sakit na Cancer. Ang kanyang Ama naman ay tila hinintay lang na makapagtapos siya ng kanyang pag aaral at sumunod na sa kanyang Ina.
Tragic, parang piplano lang talaga ng mag asawa na ma assured na ang kinabukasan niya. Matapos niya makapasok sa trabaho sa isang magandang Kumpanya ay namaalam na ito. Hindi niya alam, at walang kaalam alam na dumadaan rin pala ito sa isang malalang sakit gaya ng Mama niya na pumanaw. Hindi man lang sinabi sa kanya na ganoon na pala at sila ay may nararamdaman. Mas pinili pa nilang mapagtapos ako at mailagay sa maayos na buhay kesa ang maiwan nila ako na wala man lang maayos na kinabukasan dahil sa pinili nila na maipagot ang kanilang sakit para sa gagarampot na paghaba ng buhay at makasama ako.
Mas ninais pa nila mawala sa mundo na assure na ang kinabukasan ng Minamahal nilang anak. Sobrang thankful ako at sila ang pamilyang kumupkop sakin sa mahabang panahon. Kahit hindi nila ako tunay na anak ay nagawa nila ako palakihin at mahalin na bilang kanilang tunay na anak.
Papa, Mama miss na miss ko na po kayo.
Sigaw sigaw niya pa sa isip habang inaalala ang lahat ng magaganda at masasaya na kasa kasama niya ang mga ito. “ Ate ” isang mahinang boses ang kanyang narinig habang siya pala ay limit na naiglip sa pag iisip at pangungulila sa mga alaala na masasayang kasama ang kanyang mga magulang na nakagisnan.
“ Naririyan na po yung taong nagpaappointment sayo ” gulat na naimulat niya ang kanyang mga mata. Napasarap pala ang pagpikit niya at tuluyan na siyang ginupo ng kanyang pamimigat ng mga mata.
“ Sige give me a minute mag aayos lang ako ” Sabi niya habang madaling inayos ang sarili sa mahimbing na pagkakatulog.
Nagmadali siya at ayaw niya mapaghintay kung sino man ang taong nagpaappointment dito. Si Carmela ay walang malang gawin sa mga oras na iyon. Sabog sabog ang kanyang buhok dahil sa pagkakatulog. Buti nalang at hindi siya nag mamake up na gaya ng iba kundi ay maging iyon ay sabog sabog ng gaya sa nangyari sa kanyang buhok.
Ano ba itong nangyayari sayo Carmela suway sa isip niya. Bakit ngayon mo pa naisipan makatulog gayong may bisita ka na inaasahan. Nakakainis.
Hindi pagmamadali sa pagsuklay ng sabog sabog na buhok. Matapos maalis ang buhol buhol na dala sa pagkakatulog ay agad iyon pinusod. Sumulyap pa siya sa salamin at tiningnan ang mukha na baka puno ng laway laway na tumulo dahil rin sa mahimbing na pagkakatulog. May napansin siya sa ibabang bibig at kanyang pinunasan. Buti nalang at iyon lang, saka naman nagpunas ng konting press powder at nagbahid ng konting lipstick. Medyo light lang iyon dahil ayaw naman niya ng sobrang pula.
Matapos makita na okay na siya. Sumulyap pa muli ng isang sulyak kung maayos na ba talaga ang kanyang itsura. Nang makontento ay saka tumayo sa kanya gawaang kwarto o work room kung tawagin niya. Isang private room na para lang sa kanya. Pahingahan na rin kung baga.
Lumabas na siya roon at nagtungo sa kanya Opisina. Maliit lang iyon at hindi malaki na gaya rin sa iba. Pinihit na ang seradura ng pinto matapos kumatok ng may tatlong beses. Ganoon nalang ang gulat niya ng mapagtanto kung Sino ang tao na sinasabing bisita ni Carmela na nagpaappointment pa raw kay R'jay. Lalake, si Mike ang ex boyfriend.
“ Hi ” bungad na bati nito kay Carmela na gulat na gulat sa pagkakakita sa ex boyfriend na si Mike. Hindi siya makapaniwalang naririto na pala ito sa pilipinas at nakabalik na galing America. “ Gulat ka ata ” Sabi pa muli ng lalakeng kaharap niya ngayon.
Winagsi pa niya ang kanyang mukha sa pagkakailing bilang tugon sa lalakeng kaharap. “ No, hindi naman. Nabigla lang! konti lang naman. ” napangiti naman ito sa hindi malamang sasabihin
“ Hindi nga halata sayo. ” Natatawang sabi pa nito.
“ Buska ba yon? Isang malaking biro? ” balik na biro niya
“ Kahit kelan ka Carmela. Ang ganda mo once nabibigla ka! ”
“ Matagal na diba? Kaya nga minahal mo ako ” biro ulit niya
“ Anlaki ng bilib mo sa sarili mo, asa ka ”
“ Bakit hindi ba totoo? ”
“ Noon iyon, tapos na nga diba. Tinapos mo ng dahil sa nobyo mo ngayon ” aba sa kanya pa binato ang kasalanang ginawa nito.
“ Ako ba talaga? O ikaw na nagawa akong ipagpalit sa malantod na babae na yon. ” balik niya kay Mike
“ malantod talaga? Pwede ba kalimutan mo na iyon. Maayos na buhay nung tao, tigilan muna. Mamaya ay hindi pa makakain dahil sa pangbubuyo mo sa kanyang nagawa. It’s a past nakalimutan ko na nga. Ikaw kamusta na? ” balik nito sa kanya
“ Okay Lang, as you can see maayos na rin ang buhay ko. Antagal mong nawala? Anong balita sayo? ”
“ Heto gwapo na mayaman pa rin ngayon. Mas madaling sabihin mas yumaman pa kesa noon. ” pangyayabang nito.
“ Ang yabang ahh ”
“ Walang yabang roon, Kita mo Naman. ” umikot ikot pa sa kanyang harapan.
“ May nagbago ba? ” biro niya
“ Hindi mo ba talaga nakikita? ”
“ Ano bang tinutukoy mo? ” baliw na ata
“ anlabo mo Carmela, bulag ka na talaga. Nainlove ka lang dian sa artista mong boyfriend pati paningin mo ay lumabo na rin. Iba talaga dala hatid ng boyfriend mong artista ano? Akala ko puso lang ang kayang bulagin ng pagmamahal pati pala paningin ay nabubulag nito. ” pabiro na sabi ni Mike
“ Ewan ko sayo ” saka tumawa
“ Pero hindi mo talaga pansin? ” ano ba kasing sinasabi nito na hindi niya mapansin pansin na kangina pa paulit ulit sinasabi.
“ Ano ba kasi iyon? ” inis na tanong. Dahil sa pinahihirapan siyang mag isip nito sa kung anong bagay na nagbago rito maliban sa sinasabi nitong mas kinayaman niya ngayon.
Masakit na nga ang ulo sa pagkakabitin ng kanyang tulog dahil sa pagdating nito, pahihirapan pa siya sa pag iisip para sa bagay na pinagbago nito.
“ Ang hina mo, halika ” tawag sa kanya. Ngunit ito na ang lumapit para ipakita sa kanya ang bagay na sinasabi nito. “ halika dali, lumapit ka na ” madali naman siya sumunod sa sabi na paglapit niya. “ nakita mo ba? ”
Walanghiya, sambulat ng isip niya sa sarili ng mapagtanto ang bagay na tinutukoy nito. Inis na inis siya na nagawa pang isipin ang bagay na sinasabi nito. Bakit na ang hina niya makapick up, sabagay sino ba mag aakala na iyon ang bagay na tinutukoy nito. Wala, walang wala sa huwestyo ang lalakeng ex boyfriend niya.
Ang tinutukoy nito ay ang Branded nitong suot na Polo na may tatak ng sikat na sikat na designer sa buong Asia. Baliw na nga, yumaman nga.
Nakapagsuot na kasi ito ng mamahaling Polo na gaya ng suot nito ngayon. Nuon kasi ay hindi ito nabili ng mamahaling Polo na gawa ng sikat na mga designer sa bansa. Madalas bumili lang ito sa Divisoria or kaya ay magpagawa sa isang maliliit na Tailor sa Quiapo. Hindi nito sasayangin ang pera para sa mga luho na minsan lang maisusuot o kaya naman ay masisira lang dahil sa pang araw araw na gamitan. Duon na siya sa mura na isang suot man niya ay hindi panghihinayangan. Mas gusto pa itabi ang pera na kinikita ng Kumpanya para sa mas importante na paggagamitan kesa ubusin sa walang kwentang luho.
Ang kapatid lang naman nito na babae ang madalas magwaldas ng pera sa pansariling luho. Palibhasa may Kuya na masasandalan at magbibigay suporta sa kanyang kapitsuhan.
“ Iyan na pala iyong sinasabi mo? ” biro iyon
“ Ou, bagay ba? ”
“ Pwede na, pero may kulang ” biro pa rin niya
“ May kulang? ” taka na tanong nito
“ Ou, Hindi ba halata? ”
“ Ano bang kulang? Sabihin mo, baka meroon ako hindi ko lang nadala at naisuot. ” kunwari pa walang alam, ano bang tinutukoy muli nito?
Maliban sa mga Branded na suot suot niya ngayon meroon pa ba itong gusto ipagyabang sa kanya dahil sa nagawang pag alis ay nabago at nadagdag sa sarili niya.
Marami pala itong pinagbago sa pag alis nito. “ Ano pa bang gusto mo malaman? Yung bang kulang sayo ay babae na Girlfriend o babaeng maaasawa mo? ” biro niya ulit.
“ Naiwan ko nga, pero wala na rin kasi kami kaya hindi ko naisama. ” gagad na sabi pa nito
“ Bakit? Hinawalay na rin kayo? Bakit ba walang tumatagal sayo, siguro ay nambabae ka na naman at kaya ka madaling iniwan. ” gagad na balik niya kay Mike
Isang buntong hininga ang pinakawalan nito “ Alam mo naman na hindi ako ang nanloko, nadala lang ako noon sa bagay na hindi mo magawang ibigay sa akin noon. Kasi naman nakatatampo ng makilala mo iyang Nobyo mo ngayon ay sa kanya naging mabilis mong naibigay ang bagay na kaytagal kong inintay na iyong ibigay. ”
“ Mabagal ka kasi, siya mabilis ” pabiro na sabi niya
“ mahilig ka pala sa mabilis? Ako kasi ay ginalang ko ang gusto mo. Ayoko ipilit ang bagay na ayaw mo, dahil ayoko masaktan kita sa huli dahil sa bagay na pinilit ko lang makuha. O baka dahil hindi mo talaga ako nagawa mahalin noon? ” patay heto na muli si Mike pero Tama ito ginalang niya lang ang bagay na nais ko. Iyon ang malaking pasasalamat ko ng nuon ay kami pang dalawa. Alam kong minahal niya rin ako dahil sa paggalang nito sa bagay na ayaw ko.
“ Naku Tama na nga, bumabalik na naman tayo sa bagay na nakaraan. ” Natatawang sabi niya.
“ Ou nga hahaha, napahaba na kwentuhan nating dalawa. Kamusta na? balita ko ay sikat na sikat na ang lahat ng iyong Obra na gawa? Pumunta ako rito hindi dahil kamustahin ka. Pakay ko ay tingnan ang iyong gawa dahil ireregalo ko sana sa isa sa mga investor ng Kumpanya ko na mahihilig sa Painting ng ilang mga sikat na pintor. ” sabay sabi sa tunay na pakay ni Mike. “ Pero syempre kasama na roon ang kamustahin ka, ano! Baka mamaya ay magtampo ka naman dahil sa obra ako nagpunta at hindi sayo ” biro na sabay sabi nito.
“ Salamat at maging ikaw ay interesado sa mga gawa ko. Nakakaglad dahil ang isang Mike nagkainterest sa mga Obra ko ”
“ Biro rin ba iyon? ” banat na sabi ni Mike.
“ Naku ah! Hindi na kita boss, kaya umayos ka. ” biro iyon na sabi niya. “ Halika, tingnan mo umikot Tayo sa labas ng Shop ng makita mo. ” sa labas hindi sa labas ng mismong Shop kundi sa labas sa labas ng kanyang Opisina mula sa loob ng kanyang Shop.
Habang naikot ay manghang mangha ito sa kanyang nakikita. “ Napakagaganda Carmela, talaga bang ikaw ang may gawa? Hindi lang sa maganda ay naipapakita pa nito ang gusto at nais nilang sabihin sa mga nakakakita sa kanila. ” Tama ito dahil iyon ang madalas na puna ng kanyang mga customer. Ang naipapahiwating ng bawat obra na kanyang gawa ang bawat ibigsabihin nuon.
Napahinto sila sa isang bahagi ng kanyang Shop ang kauna unahang gawa niya ng siya ay nag uumpisa pa lang mahilig sa kanyang pagpipinta. Ang kwintas na hugis puso ngunit ito’y kabiyak nalang.