“ Ikaw talaga ” sita niya
“ Gusto mo pa isa? ” biro ni Ismael
“ Nakarami ka na ” Sabi naman ni Carmela
“ Ayos nga iyon ”
“ Anong ayos doon? ” maang na sabi niya
“ Alam mo na Mahal talaga Kita ”
“ Paano ko naman malalaman? Baka mamaya pinagluluko mo lang ako ”
“ Hindi mo pa rin ba makuha? Gusto mo isa pa? ” minuwestra pa ang nguso nito sa dalaga. Mabilis naman nakuha ni Carmela ang nais nitong sabihin
“ Eto gusto mo? ” sabay tutok roon ng kanyang kamao sa nguso ng binata.
“ Ikaw naman hindi ka na mabiro. ” tawa na sabi ni Ismael
Habang busy sila sa pagkukwentuhan ay mabilis na pala nakalapit si MauMau na may dalang pagkain na binili pa nito sa kanto nila.
“ Pasensya ka na! ito lang nakayanan ko. Malayo layo pa kasi rito ang Supermarket kaya sa bakery nalang ako napadpad at dinala ng mga paa ko. ” nahihiyang sabi ni MauMau sa bisita naming si Ismael.
Pandecoco, Hopia at Star Bread. May bitbit rin itong Spanish Bread at Cheese Bread saka nagtimpla ng tatlong basong Juice.
“ Naku masarap nga itong dala dala mo, nag abala ka pa! ako dapat mahiya nagpunta ako ng wala man lang dala. ” Sabi ni Ismael Lalo naman nahiya si MauMau sa tinuran nito.
Ano bang masarap sa mga tinapay na dala dala niya. Pagkain lang ito ng mahihirap at simpleng tao na gaya nila ni Carmela. Malayong malayo sa mga pagkain na lagi kinakain ng binatang nobyo ng kanyang matalik na kaibigan. Ang nasa isip ni MauMau.
“ Nakahihiya huwag mo nang isipin iyon. Masaya ako at nagustuhan mo itong simpleng pagkain na nakayanan ko. Kasi naman itong si Carmela ay walang abiso na pupunta ka pala. ” saka ibinaling ang sisi kay Carmela. Pinandilatan naman ito ni Carmela.
Siniko Naman siya ni MauMau “ Ikaw naman biro lang, sumakay ka nalang. ” bulong ni MauMau sa kaibigan. She smirked with MauMau.
“ Nakakatuwa kayong magkaibigan noh? ” usal ni Ismael
“ Napansin mo pala? Madalas nga kami mapagkamalan. Para raw kami magkapatid nitong si Carmela kung maglambingan ” MauMau
“ Hindi nga sila nagkakamali. Mukha naman talaga sa inyong dalawa. Parehas kayong cute tingnan. Ngayon alam ko na kung saan nagmana sa kakulitan itong my loves ko. Hindi na ako magtataka ” pabirong buska nito.
“ makulit ba si Carmela? Naku pagpasensyahan muna Lang. Natural na sa kanya ang ugaling ganyan. Ugaling kalye ba ang tinutukoy mo? Huwag ka na magtaka dahil dian mo makikilala ang tunay na si Carmela. ” sakay sa biro ni MauMau sa nobyo ng kaibigan.
“ Ako ba talaga ay pinagtutulungan niyo? o mananahimik kayo at kakain ng hindi nagsasalita? ” galit na sabi niya sa dalawa.
“ Nakita mo na? Diba tama ako ” sabay tawa ni MauMau. “ Bessy biro lang! Ikaw naman nagagalit agad. Halika na kumain ka na, habang mainit init pa! pag malamig na yan hindi na masarap ” biro pa nito. Si Ismael naman ay masugid na nakamata lang sa kanilang dalawa na magkaibigan.
Tahimik na nga, kumain ang tatlo wala nang kahit isa ang nagtangkang magsalita pa habang kumakain sila.
Hanggang sa matapos silang kumain ay wala ni isang nagsalita o kumibo man lang.
Nang matapos ni MauMau mailigpit lahat ay namaalam na ito.
“ Bessy mauna na ako! Idol ikaw na bahala sa best friend ko. Pagpasensyahan mo nalang malakas ang radar. Ganyan talaga pag tumatandang dalaga na wala pang asawa ” pahabol na biro nito
“ Bessy ” singal na pasigaw niya
“ Sorry Best friend, sinasabi ko lang ang totoo. Baka sakali tamaan si Idol ay maisipan lang pakasalan ka agad. ” nagpaparinig pala ang gaga.
Sabagay sa edad naming dalawa ay dapat lang naman ay may kanya kanya na kaming asawa. Sa susunod na ilang buwan ay iiwanan na rin ako ng best friend ko dahil magpapakasal na ito sa long time boyfriend nito na si Carlo.
Maiiwanan na pala talaga akong mag isa ng nag iisang kaibigan at kapamilya ko.
“ Pwede manahimik ka nalang! Matulog ka na kung aalis ka na talaga at magtutungo sa iyong kwarto. ” singhal niya kay MauMau
“ Okay na best friend aalis na po! Teka Idol anong oras na uuwi ka pa ba? Mabuti pa kaya rito ka na matulog at ipagpabukas na ang pag uwi mo. ” huwestyon nito. Napakatalino talaga ng matalik niyang kaibigan sukat naisip nito iyon. Ano kayang binabalak nito tila may naglalaro sa isip nito.
“ Magaling Bessy! Saan mo naman siya balak patulugin aber? ” gilalas na sabi niya kay MauMau.
“ Saan pa ba Edi sa kwarto mo. O baka naman gusto mo sa kwarto ko? Nasasayo kung magagawa mo siyang ibigay sa akin, walang pagdadalawang isip na tatanggapin ko. ” tawa ng tawa na sabi ni MauMau. Si Ismael man ay natatawa sa pag uusap ng magkaibigan.
“ Isusumbong kita kay Carlo ” pananakot ni Carmela kay MauMau.
“ Edi isumbong mo! Hindi naman hamak na mas gwapo si Idol at hindi na kawalan si Carlo kung si Idol naman ang kapalit nito. ” muli at malakas na biro nito kay Carmela na ikisinimangot nito.
“ May Carlo ka na, Plano mo pang sulutin ang boyfriend ko. ” inis na dumulas sa bigbig niya na nasabi niya kay MauMau.
"Napaka tabil talaga ng bibig niya " saway na sabi sa sarili niya
“ Oopss! Edi umamin ka na rin sa wakas. Grabe pa pagtanggi mo lumabas rin ang totoo. ” muli ay pangbubuskas nito sa kanya.
“ Umalis ka na nga! ” pagtataboy niya kay MauMau. naiinis na siya at baka kung saan pa dalhin ang usapan nila ng matalik na kaibigan.
“ Ou aalis na po! Paano ikaw na bahala sa kwarto muna patulugin si Idol at huwag muna pauwiin. ” sabay talikod nito subalit lumingon muli ito para sabihin lang na “ huwag kang matakot na may mangyari sa inyo ni Idol Bessy. Hindi na kayo bata para wala pang mangyari sa inyo, nasa hustong gulang naman na kayo para matakot pa sa posibleng mangyari. Bessy tama na ang Pride sunggaban muna. Hindi ka na lugi kay Idol ” saka sabay kindat pa nito. Sabay talikod at tuluyan na rin naglakad papasok sa kwarto nito.
Bwisit na babaeng yon.
Makikita niya paggising nito.
Makakatikim siya ng dapat niya matikman.
Habang si Ismael ay tawa ng tawa sa isang tabi dahil sa mga sinabi ng kaibigan ni Carmela.
Habang si Carmela naman ay naghihimutok sa galit sa sobrang pagkakapahiya. Iniisip niya kasi na baka anong isipin ng binata sa kanya. Lalo na sa edad niya na ni minsan ay wala pang experience sa bagay na tinutukoy ni MauMau.
Mapamahiin kasi siya. At sumusunod sa sinasabi ng matatanda na dapat sa lalake lang na kanyang mamahalin at pakakasalan isusuko ang kanyang Bataan.
Bwisit talaga si MauMau.
Nakakahiya ang mga pinagsasabi niya. Hindi na nahiya, sa harap pa ng lalakeng pinakamamahal niya sinabi lahat ng iyon.
Ano nalang iisipin ni Ismael sakin?
Napakaimoral ko dahil wala pa akong alam sa bagay na tinutukoy ni MauMau.
Shhh. Nakakainis. Iihawin ko talaga siya ng buhay makikita niya. gigil na gigil na sabi niya.
Habang busy siya sa pag iisip ng idadahilan sa lalakeng Mahal niya, naputol ang pag iisip niya dahil nakuha nito ang kanyang atensyon ng mahinang pagtawa ng binatang lalake dahil sa mga narinig nito ukol siguro sa kanya na sinawalat ng kaibigan.
Binalingan niya ito at saka inis na sinita dahil sa pagtawa nito. Badtrip pa naman talaga siya ngayon.
“ Anong tinatawa tawa mo? ” singhal na sabi niya kay Ismael
Napahinto naman ito sa pag tawa at tiningnan siya. “ Wala naman! Natutuwa lang ako kay MauMau kaya ako natawa. Sorry ” nang maalala na galit nga pala siya
“ Nakakatuwa pala yung sinabi ni MauMau? Magsama kayong dalawa. Dali habulin mo, dun ka sa kwarto niya matulog. ” saka walang ano ano ay tinalikuran ito.
“ Wait Carmela ” habol sa kanya ng binatang actor
“ Anong hinahabol habol mo? Diba natutuwa ka kay MauMau, edi duon ka na. ” inis na sabi niya.Pinagsalikop pa ang magkabilang braso
“ Pati ba naman sakin ay galit ka? ” walang ano na tanong nito.
Naiinis kasi talaga siya dahil sa ginawa nitong pagtawa. Inis na nga siya kay MauMau ay ginatungan pa nito lalakeng na ito.
Kung hindi ko lang siya Mahal titiisin ko talaga. Hahayaan ko siyang duon matulog sa kwarto ni MauMau.
“ Halika na! pumasok na tayo sa kwarto. ” aya niya sa binatang Actor.
Gulat naman ito sa pag aya ni Carmela. Hindi niya inaasahan na papatulan nito ang sinabi ng kaibigang si MauMau na duon na siya patulugin nito. Sabagay ay late na rin kung sakaling uuwi pa siya.
“ Antay lang Carmela ” habol habol niya sa babaeng nagpatiuna sa kanya.
“ Sa sahig ka ” ang sabi niya matapos makapasok sa kwarto.
Manghang mangha naman ang binata at hindi napansin ang sinabi ng dalagang si Carmela. May kaliitan iyon subalit punong puno ng dekorasyon. Mga iba’t ibang litrato niya na inilabas ng iba’t ibang company na siya ang endorser.
“ Hindi naman halata na gusto gusto mo ako Carmela ” biro niya sa dalaga.
“ Manahimik ka! Hindi pa tayo bati ” inis na sabi niya
“ Ikaw naman ” sabay lapit sa kanya
“ Umayos ka! Baka hindi mo alam nasa teretoryo kita ” pananakot niya kay Ismael.
“ Okay! ” sabay naghubad ito ng pang itaas na saplot! Saka naman nagtakip ng Mata ang dalaga sa sobrang kabiglaan. “ Hey! Parang hindi ka pa nagsawa sa hubad na katawan ko. Punong puno ng litrato ko ang loob ng kwarto mo na wala akong pang itaas na saplot, ayon oh! Isa pa. ” turo turo nito sa walang halos na saplot na katawan ni Ismael na tanging brief na bakat na bakat pa ang kanyang alindog na pagkalalake.
Gulat na gulat naman si Carmela sa litrato na itinuro nito. Sa sobrang pagkapahiya ay Dali dali siya nagtatakbo upang sana ay kunin iyon subalit naunahan siya ni Ismael na agad siya nahablot pabagsak sa matitipuno nitong katawan.
Iniimagine pa lang niya ang itsura ni Ismael sa personal kung makikita nita ito na hubad baro ano kaya ang kanyang mararamdaman.
Dug, dug, dug
Sobrang bilis ng kabog ng puso niya. Daig pa nagkakarerang kabayo ang naroroon sa sobrang bilis nito.
Isa pang boltahe ng kuryente ang mabilis na nagkakarerahan saka nananalaytay sa buo niyang pagkatao. Naglalaro kasi sa isip niya paano kung may mangyari sa kanilang dalawa sa mga oras na ito. Magagawa na ba niyang isuko ang matagal niyang kinaiingatan. Ang Bataan na kaylanman ay hindi niya nagawang isuko kay Mike.
“ Hey! Don’t worry wala akong gagawin sayo. ” sabi nito “ Huwag kang matakot, masyado ka naman kinakabahan. Stay here! Matulog na tayo. It’s been late! Matutulog lang tayo yon lang ” sabi pa muli nito.
Nakahinga naman ng maluwag si Carmela sa sinabi ni Ismael. “ Buti naman at alam mo ” tila ay nabasa ng Actor na si Ismael ang nasa isip isip niya.
subalit bumawi ang Actor na si Ismael " it's up to you if you just want something to happen to us ” pabirong sabi pa nito na tumatawa tawa pa lalo ng magtaas ng kilay ang dalagang si Carmela.
" Talaga palang nababaliw ka na? ” inis na sabi niya sabay irap pa sa binata.
" It's a joke! Ang cute mo kasing biruin love ” saka naman siya dinampian ng halik sa noo.
Medyo may kataasan si Ismael kumpara kay Carmela. Subalit hindi naman siya ganoon kaliit upang yukuin siya nito sa tuwing nanakawan siya ng halik.
Tuso lang talaga ang binatang kasama niya ngayon dahil sa madalas nitong pananakaw ng halik sa kanyang labi.
Iba talaga pag sikat at artistang tulad ni Ismael malakas kasi ang dating nito sa gaya ni Carmela. Ngunit napakalaking swerte ang dumating kay Carmela dahil ang gaya ni Ismael ay nababaliw sa kanya. hahaha..
lumulundag lundag pa ang puso sa saya.
Saka naman naisip niya itong tanungin na baka gusto rin nitong magshower, gaya niya ay nag hahalf bath muna siya bago tuluyan matulog. “ Gusto mo bang magshower muna bago matulog ” tumango naman ito. walang ano ay tumalikod ang dalaga upang tumungo sa kanyang Cabinet at humanap ng ilang damit na maaari nito maisuot. Saka kumuha ng bagong towel na magagamit nito.
“ Heto gamitin mo ” abot abot niya sa binatang actor ang ilang mga dala dala para dito na maaari nito maisuot.
Tinanggap naman nito iyon “ Salamat ” ang sabi pa bago tuluyan tumungo sa banyo
“ Sana magkasya sayo! Yan lang kasi ang nakita ko na pwede magkasya sayo. Alam mo naman wala naman kaming lalakeng kasa kasama rito sa bahay ”
“ Okay lang! Salamat ulit, ayos na ito mukha naman magkakasya sakin ito. ” saka lumakad na papasok ng banyo.
Makaraan ang ilang minuto ay lumabas na rin ito punas punas pa nito ang kanyang buhok. “ Basa pa ba? Gusto mo gumamit ng Hair Dyer? ” saka naman siya napatingin sa mamasa masa pang katawan nito. Gulat na gulat si Carmela dahil wala pa rin itong pantaas na saplot at tanging manipis na panjama niya lang ang suot nito habang bakat na bakat ang pang ibaba nito.
Pulang pula siya sa isipin na iyon. " Hey Carmela ” tawag nito sa kanya.
" Oh bakit? ” sagot naman niya ng biglang maalala yung hair dyer na inaalok niya. " Ahh ou nga pala ” sabay sabi niya
“ Meron ka? Sige pagamit ako ” Sabi pa ni Ismael.
Biglang nagpintig ang magkabilang tenga niya dahil sa sinabi nito ” Ano? Baka gusto mo magilitan ng buhay ” ang inis na sabi niya sa binatang actor.
" Haist naku ” saka bumuntong hininga. " Ano ba iniisip mo? ” saka tumawa " Yung hair Dyer meron ka ba kako ” ulit sa sinabi nito. Saka naman niya naalala ang inaalok nga pala niya ito ng Hair Dyer para sa basa nitong buhok.
Saka niya kinuha ang maliit na hair dyer niya sa kanyang drawer “ Heto, maliit nga lang pasensya ka na! ” maliit lang kasi iyon tama lang para sa pang araw araw na gamitan niya.
“ Okay lang! bakit ba ang hilig niyo humingi ng pasensya dahil sa ganito, ganyan na bagay! Masyado niyo naman ako tinatrato na iba. Carmela huwag mo akong intindihin dahil kaya ko ibaba ang sarili ko sa mundo na meroon ka. Hindi porke sikat ako, may pera o nagmamay ari man ng ilang kilalang negosyo. Kaya ko muling bumaba para sayo. Nanggaling rin ako sa ibaba na nagawa ko lang tumaas dahil sa pagsusumikap at kasikatan ko, subalit lahat ay may hangganan tandaan mo yan. Kaya hindi ako umaasa na habang buhay ay duon pa rin ako sa mundong kinalalagyan ko. Hindi natin alam ang sandali na pwedeng mangyari sa buhay na kinagagalawan natin. Kaya kung ayaw mo umakyat sa mundo na meron ako, ako ang bababa mula sa mundo mo. Pagkatandaan mo sana iyan. ” malalim na pahayag nito. Ginulat nito si Carmela sa mahabang sinabi ni Ismael.
“ Salamat! ” ang sagot niya sa mahabang sinabi nito.