Matapos makuhanan ng Vitals ay may lumapit na, isang Doctor na pakiwari nila dahil sa suot na uniform.
“ May Patient ba ako? ” tumango ang Nurse
“ Yes Doc, ” sagot naman ng Nurse
“ Name of Patient, age and Vitals? Anong nararamdaman ng Patient? ” Sunod na sunod na tanong ng Doctor
“ Leona Davantes, 54 years old, vitals 80/100, temperature 89.7. May mataas na lagnat, inuubo, at may paghihirap sa paghinga. ” reports na sabi ng Nurse na timingin sa Ginang na may sakit na dinala nila.
“ Okay! Check ko muna yung Patient, nasaan siya ” tanong muli ng Doctor sa Nurse.
Itinuro naman ng Nurse ang Ginang na nakahiga. “ Okay! Salamat ” saka lumakad ang Doctor palapit sa Ginang
Si Carmela naman ay nakamasid lang sa kangina na nag uusap na dalawang tao. Isang lalake na lumapit sa Nurse at tinanong ang Vitals ng Ginang.
Iyon na marahil siguro ang Doctor na titingin sa Ginang ang sabi sa kanyang isip. Malalaman kasi iyon dahil sa Uniform na suot nito at gaya rin ng pustura ng ilang mga Nurse ruon, malalaman mo naman ang pinagkaiba nila dahil maliban sa nakaputing uniform ay may nakasabit na stetoscope ito.
Kita niya pa ng makalapit ito sa Ginang na may sakit ay malumanay na isinabit sa magkabilang tainga ang Stetoscope saka itinapat naman sa didbdib ng matandang babae ang hugis bilog na tila may pinakikinggan habang pinahihinga ng malalim ang matandang babae.
“ Ma’am titingnan ko lang po kayo, please enhale and exhale po tayo okay ” magalang na sabi sa matandang babae na may sakit matapos makalapit ito sa kinaroronan nuon. Tumango naman ang Ginang.
Sige pa ito sa pagmuwestra sa matandang babae kung papaano ang paghinga ng malalim at pagbuga nito. Sinasabayan pa iyon ng batang Doctor.
Ou bata, dahil sa tindig at itsura nito mayaring nasa edad trenta malimit na naglalaro ang edad ng Doctor. Bata pa ito subalit naging Doctor na sa malaking Ospital na ito. “ Ma’am sa likod naman po tayo, same procedure inhale at exhale. ” ganoon pa rin ang ginawa ng Doctor at sinabayan muli ang pasyente nito.
Matapos ang examination na ginawa sa ginang ay hinarap nito ang Nurse na tumingin sa Ginang. “ Gaano na raw katagal ang pasyente na inuubo? ” tanong na baling sa Nurse.
“ Isang buwan na raw Doc ” mabilis na sagot ng Nurse sa Doctor
“ Isang buwan? ” tila gulat na reaskyon ng Doctor sa sinabi ng Nurse. Saka binalingan ang Ginang.
“ Nasaan ang kasama niyo Ma’am? May pamilya po ba kayong kasa kasama? ” Baling na tanong sa Ginang na tila ba may bahid na pag aalala sa Mukha ng Doctor.
“ Doc, naroroon po ang anak at mga kasama ni Ma’am ” turo turo na sabi ng Nurse sa Doctor. Sabay naman napalingon ang Dalawa sa banda ng pwesto naming tatlo ni Ismael at ng dalagang anak ng Ginang na may sakit.
Lumakad ito palapit sa amin at naiwanan mag isa Ginang dahil kasunod rin nitong naglakad ang Nurse na timingin sa Ginang.
“ Kayo po ba ang kamag anak at kasama ng Ginang? ” tanong na sabi ng Doctor matapos makalapit sa kanilang tatlo
Sumagot ang anak ng Ginang “ Anak niya po ako Doc ” mabilis na sagot ng dalagang anak.
“ Gaano na katagal ang ubo ng iyong Ina? ” tanong agad na sabi ng Doctor sa anak.
“ May isang buwan na Doc ” mabilis na sagot nito
“ Ang pagkakaroon ng lagnat at hirap na paghinga kelan pa nag umpisa? ” tanong na muli ng Doctor sa anak ng Ginang
“ Sa pagkakatanda ko po ay magdadalawang linggo na po, kaya lang pawala wala naman po ang lagnat ni Nanay. ” sagot na muli ng anak.
Huminga naman ng malalim ang Doctor sa pagkakataon na yon, tila naman sila kinabahan dahil sa ginawa nito. “ Hindi ba natingnan ng Doctor ang iyong Ina? ” gagad na balik na tanong sa anak.
Umiling ito “ Hindi po Doc, ayaw kasi ni Nanay dahil wala naman kaming pambayad sa Ospital. ”
Nagbuga naman ng isang malalim na hininga ang Doctor. Sa pagkakataon na yon ay nakuha nila Carmela ang nais na ipakahulugan ng Doctor.
Napahawak pa si Carmela sa kamay ng Nobyo na si Ismael saka napatingin sa dalagang anak ng Ginang. “ Okay naman po Nanay ko Doc? Magiging okay naman po siya diba? ” may pag aalala na sabi ng anak ng Ginang
Tumango naman ang Doctor at mariin na pag ngiti ang kanyang sinagot. Nakahinga naman sila ng maluwag ng dahil sa tinuran ng Doctor. Kinabahan sila dahil sa seryoso na mukha nito kangina habang sinasabi ang detalyo sa naging sakit ng Ginang.
“ Kakailanganin natin siyang I confined para maobserbahan, She has a Severe Bronchitis at maaaring napahamak na siya kung hindi niyo pa siya nadala. Sa paninikip ng dibdib nito at sa paghirap sa paghinga kung sakaling nagtuloy tuloy pwede rin siyang sumpungin ng Heart Attack. Humihina na rin kasi ang puso ng Nanay mo dahil sa infections na namuo sa kanyang baga. Kumunekta iyon sa kanyang puso kaya humirap siya sa paghinga. Matagal tagal na gamutan, kakailanganin natin ng matatapang na gamot na ibibigay sa Nanay mo upang mapatay ang mikrobyo na siyang nagpalala sa kanyang sakit. Sa ngayon tuturukan natin siya ng mga antibiotics at saka natin oobserbahan kung tatalab ito sa iyong Ina, kung hindi ay proceed tayo sa mas matapang na gamot para malabanan natin ang pinagsimulan ng sakit ng Nanay mo. Bibigyan ko rin siya ng Paracetamol para sa kanyang lagnat. Ibibigay ko nalang sa Nurse ang reseta na ibibigay ko na mga gamot sa iyong Ina, maaaring bilhin niyo na sa Pharmacy oras na matanggap niyo na ang mga Reseta ng gamot ng iyong Ina para maiturok at maibigay na natin agad sa nanay mo ng makainom na agad siya. ” napakahabang paliwanag ng Doctor tungkol sa mga naging sakit ng Ginang at ang mga gamot na ibibigay para rito. Matapos ay nagsalita pa muli ang Doctor
“ Nabanggit ko na I confined natin si Ma’am Leona para mas maobserbahan siya, maaring tumungo na muna kayo sa Admin upang ayusin at makapagbayad ng fee para sa confinement ni Ma’am Leona sa Hospital. Bahala na po sa inyo ang Nurse para sa ilang detalye. Kung may tanong kayo si Nurse Jen nalang ang sasagot. Sige po Mauna na ako ” pagkasabi nuon ay tumalikod na ang Doctor.
“ Dito po tayo Ma’am, Sir ” aya na sabi ng Nurse.
Iniabot nito ang isang papel na kanila raw kailangang sulatan para sa gagawing pag confined sa pasyente. Iniabot naman nila Carmela sa anak na dalaga ng Ginang na may sakit.
Napatingin pa ito sa kanilang dalawa ni Ismael na malungkot ang mukha na nababalutan ng pag aalala. “ Ate, wala po akong ipambabayad rito. Sa sinasahod sa trabaho pa lang po ng aking kapatid ay wala pa po ito sa laki ng gagastusin namin sa aming Ina ” halos mawalan ito ng pag asa sa pag aalala sa kanyang Ina.
Fifteen Thousand Pesos para pa lang sa Admin fee, wala pa ang mga gamot na kakailanganin ng Ina nito, Doctors Fee at ilang examinations na gagawin sa Ina ay wala pa sa fifteen thousand na kailangan nilang bayaran para sa confinement ng Ginang na may sakit.
Napabuga naman ng isang malalim na paghinga si Carmela at timingin sa kanyang Nobyo na lihim na nakamasid lang sa kanya. “ Love we need to pay this ” Sabi na gagad sa Nobyo na si Ismael.
“ No worries! Ako na bahala ” sagot na balik na sabi ng binatang si Ismael.
Saka naman binalingan ang dalagang babae na labis na nag aalala sa inang may sakit. Ngumiti muna si Carmela saka muli nagsalita “ Don’t worry, kami nang bahala. Just Fill up at nang maipasa na natin sa Admin ng nakabili na tayo ng mga gamit na kailangan ng Nanay mo. ” malumanay na sabi sa dalaga na kanilang kasama.
Tila nabunutan ito ng tinik na hindi makapaniwalang sasagutin ng dalawang kasama ang gastos ng kaniyang Ina. “ Naku po, nakakahiya subalit hindi ko alam kung papaano magpapasalamat sa inyong dalawa. Salamat po! Hindi ko man po kayo kilala ngunit malaking pasasalamat ko sa gagawing tulong niyo sa aking Ina. Maraming salamat po ” walang pagsidlan na pasasalamat ng dalagang kasama nila Carmela at Ismael.
“ Sige na, fill up all the blank para maayos na natin lahat ” muling nakangiting sabi niya sa dalaga. “ Ano nga palang pangalan mo? ” tanong na baling ni Carmela.
Kangina pa kasi silang magkakasama subalit hindi man nagawang tanungin ang pangalan nito. “ Joan po ” sagot na sabi ng dalaga
“ Okay Joan, bilisan mo na sa pagsulat ng maiayos na natin ang Nanay mo. Tiyak na nag iintay na yon sa iyo ” muli na sabi na nakangiti sa babaeng si Joan. Tumango naman ito at tumugon na nakangiti na rin kay Carmela at Ismael.
Ramdam nila ang kasiyahan sa mga mukha ng dalagang si Joan dahil sa labis na kasiyahan na magagamot na rin sa wakas ang kanyang Ina na may sakit. Hindi muna makikitaan ng bahid na kahit anong pag aalala para sa kanyang Ina.
Ang dalawang magkasintahan ay masayang masaya na rin sa nagawang tulong para sa mag Ina. Ang isang simpleng pagdalaw sana nila sa bahay ng mag Ina upang makapaghatid ng kahit konting tulong ay mas malaking bagay ang nangyari. Hindi naman importante sa dalawang magkasintahan na si Ismael at Carmela ang pera na magagastos para sa Ina ng dalagang si Joan. Ang mahalaga ay nakatulong sila rito at nagawa nilang iligtas sa panganib ang may sakit na Ginang.
“ Love napakalaking bagay pala na pagpunta natin sa bahay nila Joan, masaya ako na nakatulong tayo sa Ina na may sakit nito. Kung nahuli pa pala tayo ay maaaring nalagay na ito sa bingit ni kamatayan. Salamat Love sinamahan mo ako ” masayang pasasalamat na sabi ni Carmela kay Ismael.
Ngumiti ang binata sa kanyang Nobya “ Love ako ang marapat na magpasalamat sayo, simula ng maging tayo ay sinamahan muna ako at sinusuportahan sa lahat ng mga bagay na lihim na alintuntunin ko sa buhay. Kaya salamat Love, sana ay marami pa tayong matulungan na gaya nito na magkasama tayong dalawa. ”
Sumandig naman sa balikat ng binata ang Nobya nitong si Carmela “ Ou naman Love, magkasama tayong tutulong pa sa maraming tao. Hawak kamay tayong magkasama sa lahat ng bagay na gaya nito. Mahal kita Love ” saka naman nararamdaman ni Carmela ang pag angat ng isang braso ng binatang nobyo saka pinatong sa kanyang balikat.
Nakaakbay na hawak kamay ang dalawang magkasintahan na nag aantay sa dalagang si Joan na matapos ang papel na sinulatan nito. “ Ate, Kuya tapos na po ako ”
Iniabot naman ni Carmela sa kanya Nobyo ang papel na galing sa dalagang si Joan. “ Tara na, nang mailipat na ang iyong Ina sa kanyang kwarto at nang makainom na rin ng Gamot. ” aya na sabi ni Ismael sa dalawang kasama na babae.
Naglakad na tinungo nila ang Admin ng Ospital upang iprocess ang Confinement ng Ginang na may sakit. “ Hi ” bungad na sabi ni Ismael sa babaeng nasa Counter at may kausap na nasa kaliwa nito.
“ Yes Sir ” gagad na bati matapos siyang mapansin ng babae
“ Please take this, paki process please ” abot niya sa papel na hawak sa loob na maliit na butas mula sa glass na wall na nakapagitan sa kanilang dalawa ng babaen na nasa loob ng Counter.
“ Okay, just a minute Sir ” gagad na sagot saka lumingon sa Computer na nakapwesto sa gilid nito. “ Sir kaano ano nila ang Pasyente? ” tanong na sabi ng babae
Kaano ano? Paano nga ba niya dapat sabihin rito, kung ano niya ang Ginang na pasyente. Nang biglang maisip na sabihing “ Tita ko, nanay ng kasama ko ” sabay turo kay Joan na ngayon ay nagtataka na rin ng sabihin niya Tita niya ang Ginang na may sakit.
“ Okay Sir! Just wait for a while, I process ko lang po ” sabay talikod muli at humarap sa Computer saka nag umpisa na muling mag type.
Makaraan ang ilang minuto ay muling humarap ang babae sa kanya. “ Sir heto po, paki bayaran nalang po sa Cashier sa kabila para mailipat na ng Kwarto ang pasyente. ” abot sa isang hindi kaliitang papel. Half bond paper parang ganoon, nakadetalye lahat ng information tungkol sa pasyente at Room # nito na paglilipatan sa Nanay ni Joan.
“ Okay! Thanks Ma’am ” gagad na pasasalamat sa babae sa Administration ng Hospital.