CHAPTER 7

2071 Words
Mabilis lumipas ang mga oras tapos na ang office hours nito. Mabilis na gumayak ito sa pagpunta sa nasabing Restaurant. Marami pa ring reporters ang nakaabang sa kanya sa labas. “ kailangan ko makalusot, upang makarating sa pupuntahan ko ” usol nito sa isip niya. Nang may biglang tumawag sa pangalan nito. “ Carmela ” mabilis na nilingon ang taong tumawag sa pangalan niya. Si Mike. His ex-boyfriend. “ pauwi ka na? ” muli ay sabi nito. “ Yes, but may daraanan lang muna ako. ” maiksing sagot niya kay Mike. “ Hatid na kita! ” alok nito “ Hindi na ” nahihiya sagot ko. Baka kasi may makakita at sabihin pa kay Mira tiyak hindi na muli ako tatantanan. “ mukhang mahihirapan ka, hatid na kita! ” pagpupumilit nito sabay turo sa maraming reporters na nakaabang sa labas. Sa isang banda ay tama naman ito. Mahihirapan talaga siya kung paano malulusutan ang pagkaraming reporters sa labas ng opisina nila. “ okey! Mapilit ka. ” ngiting biro ko. Simula kasi ng makapag usap silang dalawa ni Mike nung nakaraan napagkasunduan nilang dalawa na maging magkaibigan sa kabila ng mga nangyari sa kanilang dalawa. It was a past. Mabuti pa maging magkaibigan nalang sila at kalimutan lahat. Masaya naman sila sa napagkasunduan nilang dalawa. “ NO MORE PAINFUL FEELINGS ” He smirked. “ Tara na! nasa lower ground nakapark ang kotse ko. ” mabilis na aya nito. Tiyak naman walang media reporters ang naroroon dahil para lang sa mga boss at bigating empleyado ang parking area na yon hindi basta makakapasok ang kung sino roon kung walang pass or appointment with the Boss. “ Sige ” sagot ko. Saka sumabay sa paglakad rito tungo sa main elevator ng company. “ Saan ba punta mo? ” muli ay tanong ni Mike. Makasakay sila sa sasakyan nito. “ Diyan lang sa kabilang kanto, pakibaba mo nalang ako. ” “ Huh? Saan naman roon ang punta mo? Baka mamaya masundan ka pa ng mga reporters na humahabol sayo. ” nag aalalang gagad nito. “ Hindi naman siguro. Dian lang sa Restaurant may kikitain lang ako. ” muli ay nakangiting sagot ko rito. Masaya ako, maayos na kaming dalawa hindi na gaya noon. “ Dian ba sa Idol Restaurant ang punta mo? ” muli ay makulit na tanong nito. I nodded Mukhang sikat na sikat talaga ang Restaurant na yon. Maging si Mike ay alam ito. “ Alam mo masasarap pagkain roon, minsan nakakain na ako roon, hindi madalas pala! ” bawi nito “ madalas kasi si Abigail mag aya roon, you know Abigail how she love Ismael as a fan. She’s one of fanatic fan kaya pati Restaurant nito kinahuhumalingan. But the food was really great its delicious. Kaya madalas hindi rin ako makahindi rito. ” Masayang kwento nito. Abigail is her younger sister, Gaya ko malugid na taga hanga rin ito ni Ismael. Halos lahat ng binebenta online na customized Shirts at collections na may kinalaman kay Ismael binibili nito. Wala lang. maipakakita lang nito na she's a mutual supporters of his idol. “ yeah! Your right! the food taste is really good. ” sang ayon ko sa sinabi nito. Nagkatinginan pa muli kaming dalawa, sabay na natawa. But it doesn’t mean we can go back to the past. Tapos na lahat ng samin at napagkasunduan na namin dalawa iyon. “ pano! Salamat. Dito nalang ako. ” sabi ko pa rito “ gusto mo ba bumaba muna ako at samahan ka? Habang iniintay mo yung taong imemeet mo? ” nag aalalang tanong nito. “ no I’m alright! Hindi na, masyado na ako nakaabala sayo. ” baling na sabi ko. Matapos na ipagbukas ako nito ng pinto. “ Wala naman siguro reporters na rito. Ayos na ako! Mag iingat ka salamat sa paghatid ” pasasalamat ko. Ngumiti naman ito “ Your welcome ” Pagkasakay nito mabilis rin umandar ang sasakyan nito. Tinanaw ko muna iyon hanggang makalayo Ito. Maswerte naman sana ako kung si Mike ang nakatuluyan ko! Napakabait kasi nito, He is very understanding. Hindi rin maitatago maliban sa mayaman ito ay hamak na gwapo rin ito. Hindi nga lang kami para sa isa’t Isa but soon mahahanap rin nito ang babaeng makapagpapatibok rito. “ hi Ma’am your back ” ngiting bati ni R'jay. Staff na minsan nakilala namin ni Marielle. “ hello ” balik na bati ko “ Si Sir po ba? ” tanong na baling nito. Napatingin kasi ito ng may isang customer na nalaglag ang dala dalang kutsara sa hawak nitong tray. Tumunog kasi iyon, tumawag ng kanilang pansin. Agad naman dinaluhan ito ni R'jay at ikinuha ng panibago saka binigay sa customer. She smiled. Mabait talaga itong bata na toh, maasikaso sa kanyang trabaho maging sa mga customer nito. “ Ou! Naririyan ba siya? ” gagad na baling ko rito matapos makitang na bumalik ito sa kinaroronan niya. “ Wala pa po eh! Pero hinabilin niya po kayo. Gusto niyo po ba kumain muna? Sasamahan ko po kayo sa taas ” alok na patanong nito. Nagugutom na rin naman si Carmela, masyado siya naging stress sa nangyari kangina. “ maidaan nalang nga sa kain ” bulong na sabi nito sa isip “ Sige! Basta sasamahan mo ako ah! ” ngiti sabi ko. Gusto ko rin kasi may makausap. He nodded. “ kuha lang po ako ng makakain niyo Ma’am ” “ Don’t call me Ma’am! Pwede ba ate nalang? Call me Ate Carmela ” nakangiting muli sabi ko kay R'jay. “ Baka po kasi makagalitan ako ” ngiting balik nito napakamot pa sa ulo. “ Yaan mona! Call me Ate Carmela pagtayong dalawa lang. Okay lang ba? ” “ okey sige po Ate Carmela. ” mahiya hiyang sabi nito. Gaya ng dati umakyat muli kami sa taas. Ngunit hindi sa kwarto kung saan kami unang dinala nito. “ Pasok po Ate Carmela ” pagpapatiunang sabi nito. “ Hindi ata ito yung kwarto kung saan mo kami unang dinala? ” tanong ko agad rito pagkapasok na pagkapasok namin dalawa. Gaya ng unang kwarto na pinagdalhan nito sa amin nuon tila isang private room rin ito. Mukhang pinasadya gaya noon. Pinagkaiba lang mas maluwang ito tila mukhang isang tunay na kwarto. Maliban sa isang office table at swivel chair mayroon rin ito isang malaking sofa bed, may maliit na personal refrigerator rin banda roon gawa ng isang kwarto puno rin ito ng photos ni Ismael. “ Hindi naman ito mahilig sa mga litrato ng Actor! ” I smirked Simple lang rin ang desenyo ng kwarto sakto lang sa isang private room na pahingahan ng isang tao. Pwede na rin matawag na tambayan nito ito. “ Yes po Ate Carmela. Kay Sir po ito, Personal Room niya pag pumupunta siya rito. Lahat po ng Branch ng Idol Resto may sarili siyang kwarto sa taas, pahingahan po ni Sir sa tuwing dumadalaw. Pagod po kasi ang trabaho nito, kaya pagdumadalaw siya mas marami pa tulog nito kesa sa trabaho ” Natatawang hayag nito. “ maupo po kayo ” Napalingon naman ako roon sa sofa na tinuro nito. “ Hindi ba magagalit ang Boss mo, kung uupo ako roon? ” concerned na tanong ko. Ilan kasi ayaw na pinapakialaman ang mga gamit nila. Baka ganon ang Boss nito, pero tumawa ito. “ Wag ka matakot Ma’am! Dahil kung kayo lang naman hindi iyon magagalit, pero kung iba baka mabulyawan ako noon. ” tawa tawa sabi nito “ Private Place niya po kasi ito at ayaw na ayaw noon ng may ibang tao kami pinapapasok rito. Maliban nalang po sa into ” nakangiting muli biro na hayag nito. Kinabahan tuloy siya. Kung ganoon pala bakit dito nito ako dinala. “ ganoon naman pala bakit dito mo ako dinala? ” “ okey lang po yan Ate Carmela. Wag na po kayo mag alala. Sa totoo lang po kayo pa lang ang babae nakapasok rito. Madalas po kasi sa kabilang kwarto niya madalas hinaharap ang mga bisita nito. Ayaw na ayaw niya kasi naiistorbo once nasa Private Place niya ito. ” “ Utos niya rin naman po ” habol na biro pa nito. “ Halina po! Kumain muna kayo Ate Carmela. ” baling na tawag nito. “ Malamig na po! Hindi masarap pagmalamig na ito ” Sabi sa bulalo na dala dala nito. Amoy pa lang nuon mukha na talagang masarap. Napangiti tuloy siya dahil sa sinabi nito. “ Masarap po ang may sabay sa taong dumaraan sa malaking problema ” ngiti biro pa muli nito. “ magdadala rin sana ako ng papaitan, kaya lang mukha mapait po ang inyong pinagdadaanan. Kaya heto po ang Sweet and Sour Pork, iyong tikman ng magkaroon ng konting tamis ang lahat ng iyong nararamdaman. Mabisa po iyan para mapalis ang lahat ng bad spirit. ” sabay tawa nito. “ ako ba ay niloloko mo? ” tanong na biro ko. “ mukhang may alam ka at hindi na ako magtatanong pa sayo. ” “ Sorry po Ate Carmela! Gusto ko lang sana mapatawa ka. Alam ko po kasi malaki ang pinagdadaanan niyo ngayon, pero wag po kayo mawalan ng pag asa basta alam niyo san kayo sasaya, wag niyo intindihin ang sinasabi ng iba mahalaga masaya kayo sa kung ano talaga ang katotohanan sa lahat ng nangyayari. ” concerned na sabi nito. May sense rin pala' kausap ito. Buti nalang simahan niya ako, medyo gumaan ang nararamdaman ko sa mga sinabi nito. “ Salamat ahh! ” Sabi ko sa lahat ng sinabi nito. He smiled “ Welcome po ate ” nakangiting sagot nito “ Sige na po kumain na kayo at malamig na yan. Tama na po at wag niyo nalang isipin lahat ng busher’s niyo inggit lang mga yon kasi mas maganda kayo sa kanila ” biro nito “ biro ba yan? O may katotohanan? aniya gagad ko “ Ano po bang gusto niyo isagot ko? ” ” Pilosopo ka rin ano? ” sambit ko natawa naman ito “ Syempre maganda po ate. Bagay nga kayo ni Sir Ismael ” buska pa nito. “ What do you think about this? ” singhal na inis na tanong ko kay Derect. “ I am sorry about that Ismael hindi sinasadya ng mga staff ko na lumabas iyan. Nagulat nalang kami ng lumabas ang mga litrato na yan. Hindi ko akalain may Media na nakakuha ng litrato niyo at inilabas ito. Don’t worry Ismael ginagawan na iyan ng paraan ng mga staff ko para hanapin ang taong naglabas ng mga litrato niyo. ” hayag ni Derect. “ Sana nga Derect! But don’t worry about this sasagutin at haharapin ko na rin lahat ng accusations nila sakin at kay Carmela. I have an interview after this. ” gagad na sagot ko rito. Dapat talaga after na namin ni Carmela makapag usap saka ko haharapin lahat ngunit kailangan ko na ayusin ito. Total andun naman si Rjay para asikasuhin muna ito. Gulat na gulat si Derect sa mga inihayag ko sa mga Media after namin makapag usap nito. Gaya ng plano, inamin ko na lahat tungkol sa amin ni Carmela wala pa naman malinaw na relasyon between me and Carmela. Ngunit mas mainam na alam nila kung pano at bakit hindi sinasay na bigla kami pinagtagpo ng mga kapalaran namin dalawa. Next! I’m going with Carmela. I want to introduce my self as her chatmate in a dating site. I smiled Hopefully she accept that my apologies. “ Ate Carmela maiwan ko na po kayo andian na po si Sir sa baba. Sasalubungin ko lang ” paalam ni Rjay “ Dug, Dug, Dug ” biglang lakas muli ng t***k ng puso ko. Bakit kaya ganon nalang kalakas ang kaba ko sa isiping makikilala ko na sa wakas si Zion. Hindi naman sa excited ako ngunit malakas talaga ang kaba ko habang alam kong palapit na ito sa kwarto kinaroronan ko. “ Ano kaya itsura nito? ” kinakabahan tanong nito sa isip niya. Malayo pa man ngunit may naririnig akong mga ingay sa kung saan, maaaring mga yapak ng mga paa na papunta rito. Mga pag uusap na hindi ko masyado marining o maulinigan. Basta ang alam niya may dalawang tao na naglalakad patungo sa kwarto na ito. “ Naririyan pa ba siya? ” malinaw na tanong ng kung sino na kasama nito. “ Opo Kuya naririyan pa po si Ate Carmela ” sagot ng Isa maaring si Rjay ito dahil sa boses nito. “ Okey sige salamat Rjay ” “ Sige po mauna na po ako Kuya good luck ” saying goodbye “ Ang boses na yon ” familiar kay Carmela Lalo pa bumilis ang t***k ng puso nito. Mas lalo pa siya kinabahan ng marinig ang boses na yon. Lalo ng mag umpisang pihitin nito ang seradura ng pinto. Habol hininga si Carmela ng dahan dahan ito bumukas, lalo ng mapagsino ang lalakeng niluwa nito. Laking bulas ng kaniyang mga mata kung sino ang taong pumasok sa pinto. “ Ismael ” aniya ng isip ni Carmela “ Siya ba si Zion ” bulalas na tanong muli ng isip niya. Mas lalo pa bumilis ng todo ang kabog ng dibdib nito ng mga sandaling iyon lalo ng makalapit na ito sa kinaroronan ni Carmela “ Shocks this is real? Zion and Ismael is the same! ” Hindi makapaniwalang bulong nito sa sarili habang titig na titig sa lalakeng ngayon ay nasa harapan na niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD