-----Tamaki's POV-----
2nd Sunday, 1 am in Old Dormitory
Ako ang pinaka-huling dumating sa lumang dorm kaya laking-gulat ko na lang na sinalubong agad ako ng galit na galit na si kuya Nickel. "Maki, sinabi na sa amin ni Akira na nandito daw sa paaralang ito nag-aaral yung lalakeng napangasawa mo."
"Oo kuya Nick at sa katunayan ay naging magkaklase pa kami." Pag-amin ko.
"Ano?! Nagkita kayo?!" Koro ng aking mga pinsan.
"Oo at alam na niyang isa akong mafia." Hindi ko na naitago sa kanila ang katotohanan.
"Pano na yan ngayon Maki?" Bakas sa tono ni Nayomi ang pag-aalala.
"Ako na ang bahala sa Zeki na yun!" Biglang sabi ni kuya Nickel na siyang ikinataranta ko.
"Kuya Nick anong gagawin mo sa kaniya?" Panay ang pigil ko rito na wag umalis.
"Tatakutin ko lang!" Saad ni kuya Nick sa malalim at matigas na boses. Mas lalo pa akong kinabahan nung pinapatunog niya ang mga buto niya sa daliri at sa leeg na parang naghahanda nang mambugbog ng tao.
"Kuya Nick please wag mo siyang saktan!"
"Alam niya ang sekreto mo Maki at pagsisisihan niyang inalam pa niya iyon!" Saad ni kuya Nick sa mababa at nakakatakot na tono.
Kaya mabilis akong napaamin dahil sa aking takot. "Kuya Nick! Kuya mahal ko si Ezekiel!"
"Ano?!" Sabay-sabay na naman silang nagulat sa sinabi ko.
"Kuya Nick ako ang nagbunyag ng sarili ko sa kaniya. Walang kasalanan dito si Zeki. Ako kuya, ako ang sisihin mo!" Panay ang yakap ko kay kuya Nick para lang mapigilan siya.
Delikado pa naman ang kuya naming ito. Sa lahat kasi ng mga pinsan kong lalake, siya ang brusko at may kamay na kasing-tigas ng bakal. Deadly weapon niya yun.
"Hindi mo siya mahal ate Maki! Nakikita mo lang si tito Levi sa kaniya kaya ka nagkakaganyan!" Si Akira naman ang sunod na nagpangaral sa akin. Mukhang lahat sila ay hindi boto kay Zeki.
"Bakit Akira, kamukha ba ng Zeki na yun ang tatay ni Maki?" Si Cyrus naman ngayon ang nagtanong.
"Hindi lang kamukha kuya Cyrus kundi kamukhang-kamukha!" Sumbong naman sa kanila ni Akira.
"Maki baka naman kulang ka lang sa pagmamahal ng tatay mo." Komento naman ni kuya Earth.
"Oo nga Maki, kung yun nga ang iniisip mo, sasabihan na kita na hindi niya mapupunan ang pagkukulang ng mga magulang mo!" Dagdag pa ni kuya Clyde.
Kumalas sa akin si kuya Nickel kaya di sinasadyang matulak niya ako ng mahina pero na-out balance ako dahilan para ako ay matumba at sumalampak sa sahig.
Lumuhod siTiffany at dinaluhan ako. Kaya may mga butil ng luha na kumawala sa gilid ng aking mga mata dahil hindi ko inasahang may makakaintindi sa nararamdaman ko.
"Wag naman kayong ganyan kay Maki. Mali ba na hanapin niya sa iba ang di kayang ibigay ng magulang niya?" Pagtatanggol sa akin ni Tiffany habang yakap-yakap ako.
Oo, siya pa ang nagtanggol sa akin dahil kahit maldita ako ay hindi ako kailanman sumagot-sagot sa mga pinsan ko lalo na kina kuya Nick. Si Tiffa itong mahina pagdating sa ibang tao pero malakas naman mang-away sa mga pinsan namin.
"Tiffa!" Warning sa kaniya ng kapatid niyang si Cyrus.
Pero hindi pa rin ito natinag at mas niyakap pa ako ng mahigpit habang nangangatwiran. "Kuya Cyrus, sayo ko naramdaman ang pagmamahal na hindi maibigay ng ating ama kaya nasisiguro ko na kailangan din ni Maki ng taong magmamahal sa kaniya. Masama bang hanapin niya yun sa kaniyang asawa?"
"Masama dahil una sa lahat divorced na sila at may girlfriend nang iba si Zeki!" Pagbubunyag ni Akira na siyang nagpalala ng sitwasyon. Mas lalo tuloy nilang inayawan si Ezekiel.
"Wala akong pakealam kahit may girlfriend siya at matawag akong mang-aagaw dahil isa lang ang alam ko, mapapaibig ko siya sa akin!" Sa unang pagkakataon ay naipagtanggol ko ang aking sarili. Hindi ko na inalintana na galit nina kuya Nickel ang sinasalubong ko.
"Tahimik! Ano ba? Yan lang ba ang pag-uusapan natin sa 2 hours na stay natin dito? Pano naman ang progress sa paghahanap kay ate Kai ha?" Biglang nagsalita ang kanina pa nananahimik sa sulok na si Ace. Ganun siya, tahimik pag seryoso at sa oras na magsalita na yan ay punto por punto ang sinasabi.
Nagpahid ako ng mga luha at sinagot ang tanong ni Ace. "W-wala pa akong progress. Di pa kasi nagpapakita si ate Demi."
"Ayan naman pala bumalik na tayo sa problema." Suhestiyon ni Nami.
"Wag na, masyado na akong maraming problema para dumagdag pa yang lovelife ni Maki sa iisipin ko!" Biglang saad ng tila problemado rin na si kuya Clyde.
"Kuya Clyde may problema ba?" Usisa ng napakagat-labi na si Nayomi. Nabaling na tuloy kay kuya Clyde ang atensiyon ng lahat.
"Wala Nami, wag mo kong intindihin." Saad nito at sapo-sapo pa rin ang pisngi na para bang may tinatakpan dun.
"Hay nako Nami wag mo nang intindihin yan si kuya Clyde. It's so hard to face his problem co'z he's problem is his face! HAHAHAHA" Sumambulat ng tawa ang mortal enemy ni Clyde na si Tiffa. Kaya tuloy parang medyo gumaan na ang mood nilang lahat.
"Tumahimik ka nga diyan Tiffa!" Singhal ni kuya Clyde rito.
"Bakit kuya Clyde? Gulat ka no na alam ko?" Patuloy pa rin sa pang-aasar si Tiffa kay Clyde.
"Pano mo nalaman yun ha bubuwit? Langya, cheer dancer nga pala yun! Malamang pinagkalat niya sa lahat ang nangyari." Bulalas ni Clyde.
"Ano ba yan Tiffa? Anong tungkol sa cheer dancer?" Naiintrigang tanong ni Cyrus.
"Kaya takip ng takip ng pisngi yan si kuya Clyde kasi nasampal yan kanina ni Relyn." Panimulang kwento ni Tiffa.
"Relyn Barja?" Tanong ni Cyrus.
"Oo kuya, yung bagong recruit namin sa cheering squad." Pagbibigay alam ni Tiffany.
"Pffttt!!! Hahahaha. Minanyak mo na naman ba Clyde?" Sapo ni Cyrus ang tiyan sa kakatawa.
"Hindi ah, girlfriend ko na yun eh kaya bakit ko mamanyakin?" Pagtatanggol ni kuya Clyde sa kaniyang sarili.
"Talaga? Sinagot ka? Himala!" Tila di makapaniwalang tanong ni Cyrus.
"Oo, sa sss. Tapos nung magkita kami ang sabi poser daw ako! Malay ko bang nakaka-gwapo talaga yung retrica o camera 360 di ba? Kaya ayun! Break na agad kami di pa man ako nakakahalik sa personal!" Katwiran nito.
"Yuck! Clyde Camera 360? Yung may pa-orange orange ng lips? Kabadingan yun bro!" Bulalas ni Cyrus.
"Wag kang epal Cy! Porke't pinanganak kang may natural red lips?"
"Hoy! Kailanman di nagyabang ang kuya ko na natural at no filter ang mga pics niya noh!" Biglang singit naman ni Tiffa sa usapan nina Cyrus at Clyde.
Habang pinagtatanggol ni Tiffa si Cyrus ay naalala ko tuloy si Zeki at kahit papano ay lihim akong napapangiti. Si kuya... si kuya na naiipit pag niyayakap ko ng mahigpit. :3
"Sige na! Magkampihan na kayong magkakapatid! Ganyan naman talaga kayo eh! Pag ako nagka-girlfriend ng maganda at seksi who you kayo sa akin!" Banta ni Clyde.
"Asa ka pa kuya Clyde! Malamang pag nangyari yun ay afford mo na ang retoke." Pang-aasar pa rin ni Tiffa.
Tumayo si kuya Earth at biglang nagsalita. "2 am na ako na ang maunang umalis."
Sumunod ako dito. "Kuya Earth! Tayo na ang magsabay."
"Halika na Maki." Saad naman niya at inakbayan pa ako.
"Kuya Earth may problema ba? Himalang ikaw ang nag-boluntaryo ngayon na maunang umuwi." Puna ko sa kaniya nung naglalakad na kami sa may likod ng old dormitory.
"Hindi naman kasi tayo pwedeng sabay-sabay na lumabas sa building na yun di ba? Kasi baka mapansin tayo ng mga guards."
"Pero usually ikaw ang nagpapahuli kuya Earth."
Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita. "Kasi naman, puro kayo problema eh kung tutuusin walang-wala iyang mga problema niyo sa akin."
"Kuya pinansiyal na naman ba? Tutulungan ka namin!" Boluntaryo ko sa kaniya.
"Hindi na Maki. Makaka-advance naman ako dun sa boss ko. Kasalanan ko naman to kasi di ako kumuha ng scholarship kaya kailangan ko ngayong gumawa ng paraan upang manatili sa school na ito."
Mukhang sinabi na lang niya yun upang panatagin ang loob ko.
**********
------Earth's POV-----
Habang papasok sa opisina ng tigress ay napausal muna ako ng tahimik na dasal at nag-sign of the cross pa. Good luck talaga sa akin. Medyo strict pa naman si boss Mia kaya baka di ako pautangin sa ikalawang pagkakataon.
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad agad sa akin ang nakayukong si maam Mia at tila may mga pinipirmahan siyang papeles sa kaniyang mesa. Nakatayo naman di kalayuan sa kaniya ay ang manliligaw niyang si sir Paul na umiinom ng wine at tila naiinip na kung kelan matatapos ang mga paper works nito.
Walang tingin-tingin sa akin si maam Mia pero alam na niyang ako yun. "Oh Mundo anong ginagawa mo dito?"
"Babalik na lang ako mamaya maam mukhang busy ka pa kasi eh baka makaistorbo ako." Saad ko dito.
"Pumasok ka Mundo, wala na akong oras mamaya kaya ngayon mo na sabihin." May diin lagi sa pananalita nito kaya kung di ka sanay ay matatakot ka talaga.
Linakihan ko ang siwang ng pinto at nagtuloy-tuloy na ako sa loob. Huminto ako sa harapan ng kaniyang mesa. Napasulyap ako kay sir Paul at mukhang nakakunot na ang noo nito sa akin kahit wala pa akong sinasabi.
Sa wakas ay nag-angat na ng paningin sa akin si maam Mia. "Anong sadya mo sa akin?" Medyo strikta ang tono ni maam pero alam kong normal na sa kaniya ang ganong intonasyon.
"Malamang manghihingi na naman iyan ng advance!" Saad ni sir Paul.
Mas lalo tuloy akong di nakaimik.
"Oh, bakit di ka na makapagsalita? Nakain mo na ba ang dila mo? o nahulaan ko ang sadya mo rito tama ba?"
"Tama na yan Paul! Ano ba yun Mundo?" Saway sa kaniya ni maam Mia at ang atensiyon ay nakatuon na ngayon sa akin.
Di ko tuloy alam kung pano ko sisimulan ang sasabihin ko. Pano ko ba sasabihin sa kaniyang kailangan ko ng 7 thousand pesos para sa tuition ko?
Di pa man ako nagsasalita ay may kinuha na si maam Mia sa kaniyang bag. Wallet yun at humugot siya dun ng 7 thousand pesos saka inabot sa akin ng nakataas pa ang isang kilay. "Ayan na, kulang pa ba yan?"
"H-hindi po maam. Sapat na sapat na po ito." Nahihiyang tinanggap ko yung pera. Ganito din yung una kong paghingi ng advance sa kaniya. Inabot niya ng di pa ako nagsasabi kung magkano ang kailangan ko.
"Good, pangalawang advance mo na to kaya 2 months ka nang magtatrabaho sa akin ng walang sahod. Tama ba?" Paalala niya sa akin.
"O-opo maam. Salamat po talaga dito." Paulit-ulit akong yumuko at inangat pa sa ere yung perang binigay niya.
"Mia! Bakit mo siya binibigyan ng pera?" Pag-alma ni sir Paul.
Napatingin si maam Mia kay sir Paul. "Bakit Paul? May problema?"
"Sinabi ba niyang kailangan niya ng 7k? Wala naman siyang sinasabi di ba? Pero nag-aabot ka na agad!"
"Matagal ko nang empleyado si Earth kaya alam ko kung kelan siya may problema sa pera o wala." Nagtaas na ng boses si sir Paul pero si maam Mia ay nanatili pa ring mahinahon.
"Kaya ka inaabuso eh dahil masyado kang mabait Mia!"
"Hindi ako mabait Paul, alam mo yan." Saad ni maam Mia at mukhang ang tinutukoy niya ay yung hanggang ngayon ay di niya pag-sagot sa panliligaw ni sir Paul.
"Bakit ka ba ganyan? Ang lupit-lupit mo sa akin pero sa mga empleyado mo nagbibigay ka ng pera kahit di nila hinihingi. Ano ka ba, charitable institution?!"
"Tumahimik ka Paul! Wala kang pakealam kung pano ko gagastahin ang pera ko dahil pera ko naman yun!"
"Mia wala lang ba talaga ako sayo?" Nagsimula nang magdrama si sir Paul. Mukhang tinatablan na siya ng espiritu ng iniinom niya.
"Wala Paul. Ayaw mo kong maging mabait sa ibang tao di ba? Kaya pinaprangkahan na kita ngayon. Ayoko sayo, kaya tumigil ka na sa panliligaw mo dahil wala kang mapapala sa akin."
"So ibang tao pala talaga ako sayo Mia." May hinanakit na umalis si sir Paul sa office pero bago yun ay matalim niya muna akong tiningnan na parang nagbabanta bago siya tuluyang naglaho.
"Maam Mia, I'm sorry... mukhang nag-away pa kayo ni sir Paul dahil sa akin." Hinging paumanhin ko sa aking boss.
"It's okay Mundo. You may go now!" Pangdidismiss nito sa akin.
Pero hindi agad ako umalis. Muli akong yumukod sa kaniya. "Salamat po ulit maam. Sobrang laki po talaga ng maitutulong nito sa pag-aaral ko."
"Ahm Mundo!" Tawag-pansin na naman niya sa akin.
"Po?"
"Mag-aral ka ng maigi at- ayusin mo lagi ang trabaho mo." Bilin nito sa akin.
"Opo maam Mia. Hindi kita bibiguin maam." Nag-iwan ako ng ngiti sa kaniya bago umalis.
Bumalik na ako sa aking trabaho ng biglang...
"Psstt... Earthy..."
Hay, sa tawag pa lang na yun alam ko nang si Abby na ang dumating. Yun kasi ang endearment niya sa akin eh para match daw sa pangalan niya.
"Oh, Abby." Saad ko nung magpakita na siya.
"Earthy kain tayo sa labas." Aya sa akin ng nobya ko.
"Huh? Eh ano kasi." Napakamot ako sa batok at di ko alam kung pano ko sasabihin sa kaniya na wala akong pera.
"Wala ka bang pera?" Tanong nito sa akin.
"A-ako? Meron! Ako pa?"
"Weeh?"
Humugot ako ng wallet at pinakita sa kaniya ang laman nun. "Kaka-sweldo ko nga lang eh."
"Wow! Eh di tara na mag-date na tayo!"
"Pano ang trabaho natin Abby?"
"Lunch break pa naman eh, kaya na yan nina Stella, Stacy at manong Ruben!" Tukoy niya sa mga kasamahan namin sa trabaho. Umangkla siya sa akin at hinila na ako ng nobya ko patungo sa paborito niyang Italian restaurant.
Kasing-edad ko si Abby, 19 years old din. Mula siya sa isang mayamang angkan, ang mga Montemayor. Nag-iisang anak kaya tinuturing na prinsesa ng kanilang pamilya. Mabait, maganda, makulit pero malambing. Yun ang mga katangiang nagustuhan ko sa kaniya.
Dahil high-profile ang girlfriend ko, di ko mapigilang magpaka-high profile din paminsan-minsan para lang hindi ako mapag-iwanan. Kaya ang perang inutang ko pa sa boss ko para pang-tuition sana ay magagamit ko na naman sa date namin ni Abby.
Napamaang ako ng hindi lang pala kaming dalawa ang kakain. Darating pala ang mga sosyal niyang kaibigan mula sa MSU kaya umorder siya ng mga eleganteng pagkain na ang presyo ay elegante rin. Talagang nganga ako sa lahat ng inorder niya.
Hindi pa natapos sa kaniya ang pag-order dahil pati ang mga kaibigan niya ay maselan sa pagkain. Hindi nila gusto yung mga inorder ni Abby para sa kanila kaya umorder pa sila ng iba.
Ako lang ang nag-iisang lalake dun kaya naman nakakahiya talaga kung sila ang pagbabayarin ko sa mga kinain namin. Di rin uso ang chip in sa mga mayayaman lalo na ang 123 kaya butas ang bulsa ko pagkatapos ng aming date kasi siyempre kailangan ko rin magpa-impress sa mga kaibigan ng nobya ko.
Talagang dun ko lang naisip na magastos magka-girlfriend. Sa pagpapa-gwapo pa lang sa sarili ko para maging presentable sa kaniya ay malaking bawas na sa aking pera, ano pa kaya sa tuwing namamasyal kami o kumakain sa labas.
Nung pauwi na kami ay napansin yata niya ang pananahimik ko kaya agad siyang nagtanong. "Earthy may problema ba?"
"Wala Abby." Tipid kong sagot.
"Earthy?" Duda pa rin siya sa sagot ko.
Tumingkayad siya at bumulong sa akin. "I love you. Alam mo naman yan di ba?"
Nakaramdam ako ng kilig dun sa sinabi niya. "Oo at mahal na mahal din kita Abby." Bulong ko rin upang walang makarinig. Inaanak kasi siya ng boss ko kaya diyahe kung makakalat na may relasyon kami. Kahit si maam Mia hindi alam yun.
Nagyakapan kami ng mahuli kami ng parents ni Abby sa may entrance mismo nung cafeteria na pinagtatrabahuan naming dalawa.
"Akala ko mag-oojt ka pero yun pala lumalandi ka lang dito ha Abby?!" Nanlilisik ang mga mata ng ina ni Abby habang nakapamewang na pinagmamasdan kami ng anak niya.
Mabilis pa sa alas kwatro kaming dumistansiya ni Abby sa isa't-isa.
"Papa! Mama! Anong ginagawa niyo dito?" Nabiglang tanong ng girlfriend ko sa kaniyang mga magulang.
"Gusto ka naming sorpresahin hija sa bago mong trabaho pero kami yung nasorpresa!" Sagot ng kaniyang ina.
Pumagitna ako kina Abby at sa mga magulang niya para magpakalalake at harapin ang responsibilidad ko sa aking girlfriend. "Maam, sir hayaan nyo po akong magpaliwanag!"
"Umuwi ka na Abby!" Nagbabanta ang sigaw ng kaniyang ama.
Gumawa ng malaking eksena ang nangyari kaya nagsilabasan ang mga usyuserong mga customer ng cafeteria pati na ang mga kapwa ko empleyado at higit sa lahat ang aking boss- na si maam Mia.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni maam Mia.
Pinagpawisan ako ng malagkit nung dumating siya.
"Mia hija, alam mo ba to? Na may relasyon itong inaanak mo sa lalakeng to?" Tinuro-turo pa ako nung ginang ng hawak niyang pamaypay.
"Tita wala po silang relasyon." Saad ni maam Mia.
"Pano ka naman nakasisiguro diyan Mia? Hindi mo nakita ang nakita namin ni Abner! Nagyayakapan silang dalawa dito sa harap mismo ng cafeteria mo!" Tila mahihimatay na yung ginang habang nagsasalita.
"Pinagkatiwala pa naman namin ang aming anak sayo Mia! Akala namin tuturuan mo siyang maging responsable tapos ito ang maaabutan namin?" Tila disappointed naman kay Mia ang tito niya.
"Tito maniwala kayo sa akin. Wala silang relasyon. Magkaibigan lang sila kaya normal lang na magyakapan sila!"
"I don't believe you Mia!" Sigaw nung ginang.
"Believe me dahil boyfriend ko si Earth at alam kong hindi niya magagawang pagtaksilan ako!" Biglang saad ni maam Mia na pinanglaki ng mga mata namin ni Abby.
"Jusmio! Hija! Nahihibang ka na ba? Pumatol ka sa mas bata sayo?" Mas lalong kinapos ng hininga ang ginang kaya nilakasan pa niya lalo ang pamamaypay.
"Alam ba to ng mga magulang mo Mia?" Tanong sa kaniya ng kaniyang tiyuhin.
"Wag niyo na pong problemahin yun tito. As long as hindi yung anak nyo ang may nobyong hampaslupa di ba?" Makahulugang saad ni Mia sa mga magulang ni Abby.
"Hay Mia! Kukunin na namin si Abby. Ito na ang huling araw niya dito sa cafeteria mo!" Saad nung ina ni Abby sabay hablot sa kamay ng kaniyang anak.
"Mommy naman!" Patuloy sa pag-alma si Abby.
"Wag nang matigas ang ulo Abby!" Pinanlisikan na naman niya ito ng mga mata.
Sapilitan nilang hinila si Abby palayo at wala akong nagawa dahil nagbanta sa akin ang kaniyang ama na ipapa-pulis ako kapag nagtangka akong pumalag.
Nung makalayo na sila ay hinarap naman ako ni maam Mia at sinermonan. "Tingnan mo na kung anong nangyari?"
Napayuko ako. "Sorry maam Mia."
"Ito na ang huling beses na pagtatakpan ko kayo ng girlfriend mo Earth. Kaya kung ano man ang relasyon nyo ay tapusin nyo na! Di mo kilala ang pamilya ni Abby, malulupit ang mga Montemayor. Kaya ka nilang pagapangin sa lupa!"
"Kaya mo po ba ako pinagtakpan maam Mia? Kasi nag-aalala ka sa akin?"
"Pinagtakpan kita dahil inaanak ko si Abby. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang niya pag nalaman nilang pinapabayaan ko ang anak nila?! Wala ka talagang isip!" Pagkabitaw ng masasakit na salitang yun ay bumalik na sa loob ng cafeteria si maam Mia upang pakiusapan ang mga customer na magsibalik na sa mga upuan nila.
Nung humupa na ang tensiyon sa lugar ay balik na naman kami sa trabaho.
"Hay, napaka-straight forward talaga ni maam Mia. Pagpasensiyahan mo na lang NBSB kasi." Saad ni Stacy na kasamahan ko sa trabaho matapos mapansin na di ako masyadong umiimik.
"NBSB? Sa edad niyang iyan? Malamang antigo na siya ha!" Hirit rin ni Stella na empleyado rin dun sa cafeteria at kapatid ni Stacy.
"Edad niyang iyan? Bakit, alam nyo ba kung ano ang edad niya?" Singit naman ng kunwari ay nagpupunas na si manong Ruben na pinaka-matanda sa aming mga empleyado pero ang totoo ay nakiki-chismiss lang din siya.
"Eh balita namin dati kayong butler ng pamilya nina maam Mia manong Ruben kaya malamang alam mo kung ano nga ba yung edad niya." Pasaring ni Stella kay manong Ruben.
"Hindi ko alam. Bawal sa aming mga butler ang manghimasok sa mga buhay ng mga amo namin. Hindi kami binabayaran para dun kaya wala akong masyadong alam kay maam Mia bukod sa lagi kong naririnig mula sa mga magulang niya na espesyal siya."
"Special child ganun? Parang di naman manong ah." Saad ni Stella.
"Hindi, hindi sa ganun. Ang ibig kong sabihin na espesyal siya ay dahil may biyaya siya. Kakaibang biyaya na hindi siya masyadong naglalapit sa ibang tao dahil sa biyayang yun. Kahit sa mga kapatid niya ay hindi siya close. Dun nga sa mansiyon nila ay makikita mong kung hindi nag-aaral ay nakatitig lang yan sa pader." Kwento ni manong Ruben.
"Buti ngayon no medyo hindi na siya aloof pero anti-social pa rin pala haist! Tingin ko 30 years old na siya." Puna ni Stacy.
"Tigilan nyo na nga si maam Mia!" Di ko na natiis na manahimik na lang habang pinag-chichismisan ang boss ko na wala namang ginagawang masama sa akin.
"Uy pinagtatanggol ang kaniyang girlfriend!" Panunukso sa akin nina Stacy at Stella.
"Girlfriend? Okay lang kayo? Hahaha."
"Uyyy... tumatawa!" Patuloy pa rin sila sa panunukso sa akin.
"Tumigil nga kayo! Sarcastic na tawa yun! Pambihira! Wag nyo nang ulitin yun dahil nakakahiya kay maam!" Saway ko sa kanila.
"Bakit? Sinabi mismo ni maam Mia kanina di ba? Na may relasyon kayo pfftt... HAHAHAHA!" Hirit pa rin ni Stella.
"Ang NBSB na si maam Mia akalain mong nagka-instant boyfriend? Pfft.. HAHAHAHA." Ginatungan pa ni Stacy.
"Ano kaya ang sasabihin ni sir Paul pag nakita niya to noh?" Pinakita sa amin ni Stella ang phone niya. Kinunan niya pala ang eksena na nangyari kaninang tanghali.
"Hoy Stella! Burahin mo na nga yan kasi baka kumalat pa yan!" Saway ko na naman dito.
"Hahaha. Busted na busted si sir Paul dito. Number 1 suitor pa naman niya yun. Buti nga sa kaniya!" Natatawang saad ni Stella habang tinatago yung phone sa kaniyang bulsa.
"Bakit parang ayaw mo kay sir Paul?" Tanong ko sa kaniya.
"Naku, ayaw ko dun. Kung umasta parang boss natin dito! Eh nanliligaw pa naman siya kay maam. Tsk!" Sagot sa akin ni Stella.
"Bakit narinig ko ang pangalan ko?" Biglang umalingawngaw ang boses ng lalake mula sa aming likuran kaya kaniya-kaniya kaming hanap ng mapag-aabalahan.
"S-sir P-paul, w-wala po! Nagtatrabaho lang po kami dito" Palusot ni Stella.
"Makinig kayo, bukas magpopropose na ako kay Mia. Kapag sinagot niya ako at naging mag-asawa na kami, sesesantihin ko kayong lahat!" Pagmamayabang na naman ni drunken master at mukhang nakainom na naman ng konti dahil namumula na naman ang pisngi niya.
Kaya siguro ayaw ni maam Mia sa kaniya dahil laging amoy alak. Sensitive pa naman sa dumi at mabahong amoy yung si maam Mia.
"Sinong sesesantihin?" Boses naman ni maam Mia ang sunod naming narinig. Kakalabas lang pala nito sa kaniyang opisina.
"Mia, wala. Pinaaalalahanan ko lang na maging mabuting empleyado sila kung ayaw nilang masesante." Pagsisinungaling ni sir Paul.
"Halika na, malelate na tayo sa meeting Paul." Ma-awtoridad na saad ni maam Mia.
"Paalam po sir, madam." Yumukod kami dun sa dalawa bago pa man sila makaalis ng cafeteria.
Nung umalis na ang sasakyan ni sir Paul ay malaya na naman kaming nagchismisan.
"Luh, magkasama sila ni Maam Mia? Nagkabati na ba sila? Pano yan? Bukas na daw siya magpopropose. Baka totohanin ni sir Paul ang banta niya, baka masibak tayo! Earth gumawa ka ng paraan!" Panay ang yugyog ni Stella sa braso ko.
Winaksi ko ang kamay niya at patuloy sa paglilinis sa mga mesa habang nagsasalita. "Hayaan na lang natin si maam Mia. Ayaw nyo ba siyang maging masaya?"
"Sino ba namang may ayaw maging masaya si maam di ba? Pero siyempre ayaw rin naming magkapatid na mawalan ng trabaho!" Katwiran ni Stella.
Biglang nag-ring ang phone ko at sinagot ko naman dahil si Abby ang tumatawag. Dumistansiya muna ako sa mga kasamahan ko sa trabaho bago nagsalita.
"Hello Earthy?" Saad ng nasa kabilang linya.
"Abby?"
"Earthy huhuhu..." Umiiyak ito kaya di ko alam ang gagawin.
"Abby, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalala kong tanong.
"Earthy, kinumbinsi ko sina mama at papa na pabalikin ako sa cafeteria."
"Pumayag ba?"
"Hindi, duda pa rin sila na may relasyon tayo. Earthy narinig kong pinaplano na nina mommy at daddy na dalhin ako ng Amerika. Ayokong paglayuin tayo ng parents ko kaya pakikiusapan ko si ninang na magpanggap na nobya mo para matigil na ang pagdududa nila."
"Nahihibang ka na ba Abby? Boss ko si maam Mia! Ninang mo siya!" Tumaas ang tono ko pero pigil pa rin ang boses ko upang di marinig ng mga kasamahan ko sa trabaho.
"Earthy alam ko, pero ayokong magkalayo tayo! Ito lang ang paraan na alam ko eh."
"Mamaya ka na tumawag. Marami pang customer." Binabaan ko siya ng phone upang malaman niyang tutol ako sa suggestion niya.
May tumawag na naman pero unregistered number na.
"Abby ano ba? Ayoko nga eh!"
"Hello? May I talk to Mr. Ocampo please?" Natigilan ako ng ibang boses ang naririnig ko.
"Speaking po." Sagot ko naman.
"Mr. Ocampo, we are from the registrar. Gusto lang namin i-follow up ang bills mo."
"Bills?" Pag-uulit ko dun sa sinabi niya.
"Yung promissory mo kasi is effective till today. We are giving you an allowance of 3 days para i-settle lahat ng bills mo sa cashier or else kailangan mo nang mag-quit sa school."
"Quit? No, I can't quit!"
"Then settle your bills sir."
Napalunok ako ng laway at napilitang mangako na naman. "Sige po gagawan ko ng paraan, salamat."
---