Kinabukasan ng hapon...
Nakipagkita sa akin si Abby, sakto naman na kailangan ko siyang makausap tungkol sa isang bagay na napagdesisyunan ko.
Agad siyang yumakap sa akin. "Earth, I'm sorry alam kong hindi ko yun dapat hiniling sayo."
Kinalas ko ang braso niyang nakayakap sa akin. "Abby makinig ka, tama ka. Si Mia lang ang solusyon sa ating problema."
"Pero ayoko nang gawin mo yun." Naiiyak niyang saad sa akin.
Sinapo ko ang magkabilang pisngi niya kaya mas lalong nag-unahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha. "Abby makinig ka, mukhang ginigipit na ako ng mga magulang mo. Tumawag ang school kanina at binigyan na lang ako ng tatlong araw upang magbayad."
"Lumipat ka na lang Earthy, sa public. Yung mas kaya mo yung tuition." Payo nito sa akin.
"Abby, kailangan kong hanapin ang mga pinsan at kapatid ko alam mo naman yun di ba?"
"Pero mahigit isang taon ka nang naghahanap sa kanila dito sa school!"
"Ang totoo ay nakita ko na ang mga pinsan ko pero nawawala pa rin ang kapatid ko. Ayoko ring maghiwalay tayo kaya maging magkaibigan muna tayo Abby."
"At si ninang?"
"Kailangan natin si Mia upang pagtakpan ang relasyon natin."
"Kaya mong gawin yun kay ninang? Pagkatapos ng lahat ng naitulong niya sayo?" Tila di makapaniwala niyang tanong sa akin.
"Abby kaya kong maging masamang tao para lang mahanap ang kapatid ko. Isa pa, kung magiging kami ni Mia hindi ko siya sasaktan. Sisiguraduhin kong nasa mabuting kamay siya. Para niya akong bestfriend at tagapagtanggol."
"Pano kung mahulog ka sa kaniya?"
"Hindi mangyayari yun dahil mahal na mahal kita Abby. Kaya kong gawin ang lahat para sayo." Assurance ko sa kaniya.
"Earthy, pano kung siya naman ang mahulog sayo? Pano kung di ka niya pakawalan?" Bakas sa mukha nito ang labis na takot.
"Wag kang mag-alala, hindi niya magugustuhan ang tulad ko."
"Pano yung kiss? Do you need to kiss her too?" Di pa man nagsisimula ay parang nagseselos na siya sa amin ni Mia.
"Kung hindi hihingin ng pagkakataon as much as possible ay iiwasan ko yun." Pampalubag-loob na saad ko sa kaniya.
"Pano yan? I heared magpo-propose na ngayon si Paul kay ninang!"
Saka ko lang naalala kaya nagmamadali akong bumalik ng cafeteria. "Kailangan ko yung pigilan!"
Pagdating ko ng Cafeteria ay...
Wala na ang mga mesa at mga upuan sa loob kaya agad akong napasigaw na may magnanakaw!
"Shhh...!!!" Mabilis na tinakpan ng mga kasamahan ko sa trabaho ang aking bibig.
"Panira ka talaga ng moment noh?! Di mo ba nakikitang may proposal na nagaganap dito? Ayun oh di mo ba nababasa? WILL YOU MARRY ME MIA?" Saway sa akin ni Stella.
"Tapos na ba ang proposal?" Nababahala kong tanong.
"Sipain kita diyan eh! Kung nag-ingay ka at narinig ni maam Mia sa loob ng kaniyang office malamang tapos na ang mga career natin! Mawawalan na tayo ng trabaho dahil sinira mo ang once in a life time surprise na pwedeng maranasan ng isang babae!" Galit na saad naman sa akin ni Stacy.
Surprise? Proposal? Kaya pala wala na halos laman ang cafeteria. Ang naiwan na lang ay isang mesa sa gitna. Dinner for two pala ang surprise ni sir Paul sa kaniya at sa sahig ay pinormang malaking puso ang mga nakahilerang kandila at WILL YOU MARRY ME SIGN na gawa naman sa pink na rosas.
Dumating na si sir Paul at agad lumapit kay Stacy. "Stacy tapos na ang pagdedesenyo niyo?"
"Yes boss!" Nag-salute sign pa ito.
Sipsip! Magkano kaya ang binayad ni sir Paul sa kanila kaya sila bumait ng ganyan sa kaniya? Tsk!
"Hoy ikaw! Wag kang tatanga-tanga lang diyan! Puntahan mo na si Mia. Pababain mo dito pero wag mong sasabihing magpopropose ako sa kaniya ha." Utos sa akin ng nagpapaka-amo ko na si sir Paul.
"Ako po ba?" Turo ko sa aking sarili.
"Alangan namang ang pader na nasa likod mo ang kausap ko di ba? TANGA LANG!" Galit na saad nito sa akin.
"S-sorry po. Sige aakyat na po ako." Agad ko siyang sinunod at umakyat na ako sa hagdan patungong 2nd floor.
Pagdating sa office ni maam Mia ay hindi na ako kumatok kaya nagkagulatan kami. Palabas na pala sana siya ng kaniyang opisina.
"Mia!" Tinulak ko siya pabalik sa loob.
"O Mundo, bakit?" Nagtataka niyang tanong sa akin.
"Wag ka munang lumabas dun."
"Bakit nga?" Naiinip niyang tanong.
"May sasabihin ako sayo Mia."
"Ano ba yun Mundo?" Sumeryoso ang mukha niya.
"Paglabas mo dito magpopropose na sayo si sir Paul."
"O tapos? Ano ngayon?" Humalukipkip siya at naghihintay sa paliwanag ko.
"Tatanggapin mo ba ang proposal niya? Hindi mo naman siya mahal di ba?"
"Oo tama ka, hindi ko siya mahal pero gaya ng lagi nyong pinag-chichismisan tungkol sa akin, magpapa-hard to get pa ba ako eh lipas na ako sa panahon? Konti na lang antique na di ba?"
Nagulat ako na alam niya ang tungkol dun. s**t! may mga CCTV nga pala dito sa cafeteria.
"Kung ano man ang narinig mo wala yun. Mia sa akin ka making-"
"Ano? Na mahal mo ko? Na kailangan mo ko? Na ayaw mo kong magpakasal kay Paul?" Naunahan niya ako sa mga salitang yun kaya naging disoriented na naman ako.
I'm sorry Mia, kailangan ko tong gawin para sa pag-aaral ko. Napapikit ako upang magkaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya ang mga kasinungalingan ko.
"Mia mahal kita. Kaya nakikiusap ako wag mong tatanggapin si Paul. Sa halip, ako yung gawin mong fiance."
Biglang sumama ang timpla niya. "Nahihibang ka na Earth!"
Nagmartsa na siya palabas ng opisina kaya hinabol ko siya at tinangkang pigilan. "Mia! Mia! Mia!"
"Mia-" Nakangisi at nakadipa pa si sir Paul nung makababa na si maam Mia at nakita na nito ang malaking sorpresa niya.
"Paul? Ano to?"
"Mia isn't it obvious? will you marry me?"
"Paul-" Tila na overwhelmed si maam Mia sa mga nakita niya. Ang dali lang talaga suyuin ng mga babae. Akala ko pa naman tigress siya pero yun pala nagiging pusa rin at napapaamo ng ganito ka bonggang proposal.
"Mia nagustuhan mo ba?" Tanong ni sir Paul nung lumapit na ito sa kaniya.
Sinuyod ng tingin ni maam Mia ang buong paligid. "Pero Paul, hindi pa kita sinasagot bilang boyfriend kaya bakit nagpopropose ka na ng kasal?"
"Mia, kapag pumayag kang maging asawa ko araw-araw kitang liligawan."
Mia please wag mong tanggapin! Saad ko sa aking isip.
"Okay, pumapayag na ako." Sagot ni maam Mia.
Shit katapusan ko na to! Mukhang kailangan ko nang tanggapin na titigil na ako sa pag-aaral. Ate Shekainah, I'm sorry kung binigo kita. Napaka-walang kwenta kong kapatid. Hindi ko man lang magawan ng paraan na mahanap ka.
"Tinatanggap ko na ang pag-ibig na inaalok mo- Mundo." Narinig kong sabi ni maam Mia.
"Maam?" Tanong ko ng makumpirmang sa akin nga siya nakatingin at hindi kay sir Paul.
"Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko tinatanggap ko na ang pag-ibig mo Earth Ocampo."
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko matapos ang lahat ng aking narinig.
"Mia this is so unfair! Ako yung nagpopropose sayo ngayon tapos sa harapan ko ay sasagutin mo ang ibang lalake?!" Galit na tanong ni sir Paul.
"I'm sorry Paul pero naunahan ka ni Earth eh. Kanina pa siya nagpropose sa akin."
"Gago ka! Hindi kita inutusang pumasok dun para mag-propose kay Mia! Kung alam ko lang ako na mismo ang sumundo sa kaniya dun!"
Kahit dinuro-duro na ako ni sir Paul ay hindi ako natinag sa kinatatayuan ko. Wag na wag niya lang malapat sa akin ni dulo ng daliri niya dahil mas matangkad ako sa kaniya. Hindi ko talaga siya uurungan sa suntukan!
Sunod niyang binalingan ay si Mia. "I've been courting you since grade 3! Kaya yang sinasabi mo na nauna siya? Alam mong hindi totoo yan! Hindi ito tama Mia! Hindi ako makapaniwalang ipagpapalit mo lang ako sa totoy na yan?"
"I'm sorry Paul." Tipid na sagot ni maam Mia na katulad ko ay wala ring katinag-tinag sa kinatatayuan niya. Kung manhid ako sa nararamdaman ni sir Paul mas lalo na siguro si Mia na sa simula pa lang ay hindi na nagpakita ng ka amor-amor sa kaniyang manliligaw.
"Matatauhan ka rin Mia! Hindi kayo bagay ng lalakeng yan!" Pahayag ni sir Paul habang nililisan ang lugar.
Sandaling katahimikan muna ang namayani bago yun binasag ni manong Ruben ng magsalita siya. "Ipagpatuloy nyo na lang ang dinner date maam Mia, sayang naman."
"Pero kay Paul yan." Saad ni maam Mia.
"Masamang magsayang ng grasya kaya maupo na kayo sa gitna at mag-date na." Utos ni manong Ruben. Siya ang mapilit na maupo kami sa gitna kaya napilitan kami ni Mia na sumunod.
"Sumabay na kayo sa amin." Aya ko sa kanila.
"Hindi na Earth date nyo yan ni maam kaya sige na." Saad ni manong Ruben.
Tinanggalan ako nina Stacy at Stella ng ribbon sa may kwelyo kaya di na ako mukhang waiter. "Aba kagalang-galang na ah." Biro sa akin ng mga ito.
"Mag girlfriend-boyfriend na kayo kaya dapat may picture!" Sigaw ni Stacy na hinahanda na ang camera ng kaniyang cellphone.
"Lapit ka dun Earth!" Utos sa akin ng aming photographer kuno na si Stacy.
Kaya naman nilapit ko kay Mia pati ang upuan ko.
"Closer pa! Para naman kayong di magsyota niyan eh!" Bulalas naman ni Stella.
"Oh akbay na!" Cheer naman sa akin ng mga kumag.
"Oh kiss naman!" Cheer na naman nila. Di ko sila matanggihan kaya napilitan akong sakyan ang kalokohan nila. Tumingin ako kay Mia at dahan-dahang nilapit ang mukha ko sa kaniya.
Nung malapit na malapit na ang labi ko sa labi niya ay nag-iwas siya at mabilis na tumayo. "Tama na ito, gabi na masyado. Magsara na kayo ng cafeteria."
Nung makaakyat na siyang muli sa office niya sa 2nd floor ay agad akong nilapitan ng aking mga kasamahan.
"Tense yata si maam kasi naman ito ang unang beses na nagka-nobyo siya." Pabulong na saad ni Stella.
"Earth, ngayong kayo na ni maam Mia, pwede bang alamin mo para sa amin ang ilang mga bagay?" Hiling ni manong Ruben.
"Ano po ba yun manong Ruben?" Inosente kong tanong.
"Alamin mo kung ano talaga ang edad niya kasi mamamatay na yata ako sa kuryosidad." Sagot naman nito.
"Earth alamin mo rin kung bakit wala pa siyang boyfriend at kung totoong virgin pa siya." Request din sa akin ni Stacy.
"Sira ka talaga Stacy!"
Humagikhik lang ito ng tawa.
"Hijo, alamin mo rin ang misteryong bumabalot kay Mia." Dagdag pa ni manong Ruben.
"Misteryong bumabalot kay maam Mia? ay yun bang tungkol sa biyaya niya?" Napatanong akong muli.
"Oo." Tipid nitong sagot.
"S-sige po manong susubukan ko pong alamin. Pero bago yan sundan ko muna si maam baka kasi nagalit yun eh."
Tumango si manong Ruben bilang pagsang-ayon at tinapik-tapik pa ang balikat ko.
Pagdating sa loob ng opisina...
"Maam Mia, galit ka ba?" Tanong ko sa nakatalikod sa akin na si maam Mia at nakaharap sa may bintana.
"Mundo, grilfriend mo na ako pero tinatawag mo pa rin akong maam?"
"Sorry maam, este Mia pala. Nasanay lang kasi eh." Napakamot ako sa batok ko.
Hindi na siya nagsalita at patuloy sa pakikipagtitigan sa pader kaya ako na ang muling nagtanong.
"N-nagalit ka ba dahil kanina M-mia?"
Sa wakas ay humarap na siya sa akin kaya ramdam na ramdam ko ang senseridad sa kaniyang mga binibitawang salita. "Ang totoo ay- hindi ako marunong humalik. Ayokong magmukhang ewan dun kaya pwedeng turuan mo muna ako ngayon bago ako makipaghalikan sayo in public?"
Napatawa ako ng walang tunog dahil sa sinabi niya.
"Pinagtatawanan mo naman ako eh!" Para siyang bata habang sinasabi ang mga salitang yun. Pakiramdam ko ay hindi na siya ang strikta kong boss. Sa oras na ito, siya muna ang aking- nobya.
Hinuli ko ang kamay niya at dinala yun sa aking labi at hinalik-halikan. In between kisses ay nangako ako sa kaniya. "Pinapangako ko Mia, na ang unang buwan ng pagsasama natin ay ipaparanas ko sayo ang saya ng pagkakaroon ng relasyon. Na kahit di man tayo magkatuluyan sa bandang huli ay di ka matatakot na muling magmahal dahil hahanap-hanapin mo ang saya ng pakiramdam ng may taong nag-aalaga sayo at nagpaparamdam na importante ka sa kanila.
"Hahaha." Siya naman ngayon ang tumawa.
"Bakit ka tumatawa Mia?"
"Nakakatawa kasi hindi pa tayo umaabot ng isang oras pero parang umaayaw ka na dahil break-up na agad iyang litanya mo."
"Sorry... wala naman akong ibig sabihin dun."
------Mia's POV-----
"Pano ko ba siya paiibigin sa akin?"
"Wag mo kong masyadong paibigin Earth, baka pagsisihan mo yan."
"Pano ko ba siya hahalikan?"
"Hindi ko alam. Ikaw ang lalake, dapat mas alam mo yan."
"Eto na... hahalikan ko na talaga siya. I'm sorry Mia... kailangan ko tong gawin para kay Abby."
Naglapat na ang mga labi namin at di ko napigilang umiyak.
"Bakit ka umiiyak Mia?" Tanong ni Earth sa akin matapos niyang madama sa pisngi ko ang mainit na likido na tumutulo mula sa aking mga mata.
Umiling lang ako at yumakap sa kaniya.
"I love the way you lie Earth Ocampo."
-EndOfChapter5-
#NextUpdate #AkiraNorice