Imperial Series III by Aya_hoshino
-----Akira's POV------
Panay ang hilot ko sa aking sentido habang naglalakad pabalik sa aking dorm. Ang ate Shekainah ko kasi... hindi ko alam kung saan namin siya sisimulang hanapin.
Shit! Ang sakit na talaga ng ulo ko.
Pagkapasok ko pa sa loob ng kwarto ay bumungad agad sa akin ang nakaupo sa kama na si Zeki at nakaharap sa pintuan.
"P-pare!" Parang nilipad ang kaluluwa ko pagkakita sa kaniya.
"Pare san ka galing?" Tanong niya sa akin.
"Bakit gising ka pa Zeki?"
"Sagutin mo kaya muna ang tanong ko bago ka rin magtanong." Reklamo niya.
"Ah kuwan nag-banyo lang ako."
"Banyo? Dalawag oras ka nagbanyo?" Nagulat niyang tanong sa akin.
"S-syempre nagpahangin din." Nauutal kong paliwanag. "So kanina ka pa gising Zeki? Nung palabas pa lang ako ay nakita mo na ako?"
"Oo. Kaya nga ako nagulat eh kasi ano namang gagawin mo ng ganito kaaga di ba?"
"Wala yun, gusto ko lang talagang magpahangin. Matulog ka na ulit Zeki." Utos ko sa kaniya.
"Sige pre!" Humiga naman ulit siya. "Ikaw? di ka pa matutulog Aki?"
"Mag-aadvance study pa ako eh. Una ka na lang." Umupo na ako sa study table ng makita ko ang bagong id ni Zeki.
Nanlaki ang mga mata ko sa aking nabasa. "Ezekiel Eduave ang buong pangalan mo?"
"Oh bakit gulat na gulat ka diyan?" Tanong ng nakapikit na ngayon na si Zeki.
"Huh? Ah wala naman. May kapangalan ka lang kasi." Pagkakaila ko. Kahit ang totoo ay may duda na akong baka siya yung pinagbilhan ng mga mafia ng apelyido para sa pinsan kong si Maki.
"Ikaw anong buong pangalan mo?" Tanong niya rin sa akin.
"A-akira, Akira Lim."
Dapat malaman ni Maki ito. Kailangan niyang malamang nandito ang may-ari ng apelyidong ginagamit niya. Kaso kailangan ko pang maghintay ng isang linggo para masabi yun.
Umaasa akong sana hindi magtagpo ang landas nila ng taong ito kundi gulo talaga ang mangyayari.
------Tamaki’s POV-----
Tuesday, First Meeting.
"Maki! Maki!" Tawag sa akin ng isang babaeng tumatakbo palapit sa akin.
"Oh?" Nagulat kong sagot.
"San ang punta mo? Bakit naka-attire ka na ng pang-p.e.?" Usisa niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "P.E. major ako remember?"
"Ay o nga pala! P.E. 2 ba ang klase mo ngayon?" Tanong nito sa akin.
"Oo, Dance and combative sports." Sagot ko naman.
"Goodluck!" Masaya niyang saad sa akin.
Tumango ako sa kaniya. "Salamat!" Yun lang at nilubayan na ako nung babae.
Nung malayo na siya ay talagang napaisip ako kung saan ko ba siya nakita. Hay, sino ba yun? Bakit ba niya ako kilala? at bakit niya ako kinausap? Tsk! takte namang buhay to oh! Daming feeling close!
Ganun ako sa school, popular kasi dahill laging nasasabit sa mga away at gang war kaya maraming nakaka-kilala. Pero wala naman akong panahon upang tandaan isa-isa ang mga mukha nila.
Pagdating sa klase ay uupo na sana ako ng awatin ako ng aking classmate. "Wag muna daw umupo sabi ni maam."
Kaya tumayo na lang ulit ako.
Hanggang sa magsalita na yung teacher sa harap. "Class ang seating arrangement natin ay base sa apelyido niyo kaya makinig ng mabuti as I call your name."
Nagsimula nang magtawag si Maam ng may biglang tumabi sa akin na matangkad na lalake. May kapayatan siya, maputi at ng tingalain ko ay agad kong napuna ang singkit niyang mga mata na animo'y laging nakatawa.
Pero ang kapuna-puna sa lahat? Ay kamukha niya si... "Tatay? Naiiyak kong sambit."
"Tatay?" Halata sa mukha niya ang pagkabigla ng tawagin ko siyang ganun.
Agad akong napayuko at nagdalawang-isip. Hindi, imposible! Kahawig lang talaga siguro. Kung sino man ang lalakeng ito ay kamukhang-kamukha niya talaga ang aking ama na si Levi Moldovan!
Hindi ko na alam ang itsura ng aking ama ngayon kasi wala namang latest picture na pinapadala sina nanay. Ang meron lang ako sa isla ay ang mga larawan nila nanay at tatay 19 years ago.
Hawig talaga sila... para silang mag-ama. Mula buhok, mata, adams apple, wala lang talaga siyang aura ng isang gangster pero di rin naman mukhang anghel.
"Eduave, Ezekiel!" Tawag ng aming guro.
Pagkatawag sa pangalan niya ay nag-step forward na siya at umupo sa kanyang upuan.
"Eduave, Tamaki Ershie!"
"Eduave, Tamaki Ershie!"
"Eduave, Tamaki Ershie!"
"Miss, nakasulat sa likod ng p.e. shirt mo ay Eduave, ikaw ba yung tinatawag ni maam?" Tanong nung babaeng nakatayo sa aking likuran.
Bigla naman akong natauhan.
"Absent?" Tanong nung aming guro.
"Maam ako pala yun! Ako yun!" Nagpataas pa ako ng kamay at natataranta.
Nagtawanan yung mga kaklase ko kaya inirapan ko silang lahat.
"Kasasabi ko lang kasi, pay attention! Hindi ka marunong makinig Miss Eduave!" Galit na turan ng aming guro.
"Hahahaha!" Tawanan ulit ang aking mga kakalase.
"Sorry po maam di na mauulit!" Napayuko ako pero pasimpleng tinitigan isa-isa yung mga tumatawa kong kaklase at sa tuwing nakikita nila akong tumitingin ng masama sa kanila ay isa-isa silang napapalingon sa ibang direksyon.
Ganyan nga, matakot na kayo para sa mga buhay niyo dahil kapag ako nainis humanda talaga kayo!
Nung makaupo na ako sa aking upuan ay yung lalake naman kanina ang halatang napamaang sa akin.
"Eduave ka rin pala? Saan ba ang mga angkan nyo nanggaling?" Pang-iinterview niya sa akin.
"Di ko alam." Tipid at direkta kong sagot.
"Panong di mo alam? Pwede ba namang hindi mo alam?" Pangungulit pa rin niya.
"Bakit ba interesado kang malaman?" This time ay humarap na ako sa kaniya at nag eye to eye kami pero agad din naman akong nagbawi ng tingin.
Hindi ko yata siya kayang tingnan ng killer-eye ko. Ako kasi yung unang nalulusaw.
"Kasi anong malay natin magkadugo pala tayo." Pamimilit pa rin niya.
"Hindi tayo magkadugo kaya kalimutan mo na!" Saad ko sa kaniya.
"Pano ka naman nakasisiguro? Eh hindi mo nga alam kung saan nanggaling ang angkan nyo di ba?"
"Basta hindi nga tayo magkadugo!"
"Alalahanin mo miss. Leyte din ba? Kasi sa Dulag, Leyte kaming mga Eduave eh."
"Hindi nga tayo magkadugo dahil hindi naman akin ang apelyidong ito! Bakit ba ang kulit mo!?" Pinaramdam ko sa kaniyang naiirita ako sa mga tanong niya.
"S-sorry! Sorry miss Tamaki. Pero nasabi mong hindi sayo ang apelyidong yun. Pano nangyari yun?" Curious na naman niyang tanong. Tila ayaw niya talaga akong tigilan sa kakatanong.
"Sa asawa ko yung apelyido." Napilitan kong siniwalat.
"A-asawa? May asawa ka na pala? Hahaha. Ngayon malinaw na sa akin na malabo nga tayong maging magkadugo."
Napatingin ako sa notebook ko sa aking mesa at humugot ng malalim na hininga bago muling nagsalita. "Isang asawang di ko pa nakikita."
"Huh? A-ano?" Nagulat niyang tanong.
Dahil sa reaksiyon niya ay muli akong napatingin sa kaniya. Siya naman ngayon ang nag-iwas ng tingin. Pinagpapawisan siya at parang nanginginig.
Naging kaduda-duda ang mga sunod niyang kilos kaya ako naman ngayon ang nangulit sa kaniya. "Ano nga ulit ang pangalan mo? Ezekiel Eduave? Sa bibliya ba yan galing? Kasi ang alam ko ganung-ganun ang pangalan nung asawa ko eh."
"Huh? Ah- eh ano."
"Bakit ka nabubulol Mister Ezekiel? May naaalala ka ba?"
"Naalala? W-wala! Ano namang pwede kong maalala di ba?" Habang nagsasalita ay hindi pa rin siya makatingin ng diretso sa mga mata ko.
"Gaya ng may pinagbilhan ka ba ng iyong apelyido?" May pahiwatig kong tanong sa kaniya.
"Wala! Wala akong maalalang ganun!" Pagmamaang-maangan pa rin niya.
Tatanggi ka pa ha. Sorry ka na lang dahil huling-huli na kita. Saad ko sa aking isip.
"Ikaw yun di ba? Base sa ekspresyon ng mukha mo ikaw nga yun!" Isinatinig ko yun sa kaniya.
"Hindi nga!" Medyo nalakasan niya ang boses niya pagkasabi nun kaya napuna kami ng aming teacher at pinagalitan.
"Pay attention class!"
Natahimik kami pareho nung lalakeng katabi ko.
Muling nagsalita ang aming guro. "Next week na tayo magsisimula sa klase. Dapat complete uniform na lahat next week okay? Kaya ikaw miss Eduave, bawal na mag skirt okay? P.E. major ka pa man din pero minsan lang kita makitang naka-pants!"
"Yes maam!" Koro ng buong klase. Kahit ako ay naki-yes maam na rin kasi na-special mention na naman. Iba na talaga ang popular. :3
"Ok, class dismiss!" Saad ng guro. Hudyat upang magsitayuan na ang lahat.
Nakakagulat na mas nauna pa yung lalake na lumabas ng room kesa kay teacher kaya mas lalo akong nagduda sa kaniya. Sinundan ko siya at napansin kong pabilis ng pabilis ang paglakad niya. Lingon siya ng lingon sa akin hanggang sa tumakbo na siya ng tuluyan.
Hinabol ko naman ang kumag. "Hoy! huminto ka!"
Panay ang lingon niya sa akin habang tumatakbo ng matulin. "Langya bakit mo ko hinahabol!?"
"Kasi tumatakbo ka ugok!"
Ang layo na ng tinakbo namin ng maabutan ko siya. Sinipa ko siya ng malakas at pinahiga sa lupa. Tinapakan ko siya sa may dibdib kaya panay ang ubo niya.
Habol namin pareho ang aming hininga. "Letse ka! Pinahirapan mo pa ako ah." Reklamo ko sa kaniya.
"Ang bilis mong tumakbo. Sa dami ng masasamang-loob na hinabol ko ikaw ang pinaka-mabilis!" Saad din niya.
Tinadyakan ko na naman siya sa dibdib kaya napa-aray siya at namilipit sa sobrang sakit. "Baka nakakalimutan mong ikaw ang hinahabol ko!" Saad ko sa kaniya.
"Miss Tamaki patayuin mo na ako nasisilipan na kita." Biglang sabi niya.
This time ay nilipat ko sa leeg niya ang paa ko.
"Aray! Eto na pipikit na!" Pumikit nga siya kahit di ko pa man pinag-utos. Natawa tuloy ako ng palihim dahil sa mga kilos niya.
"Bakit mo ba ako ginaganito? Bullying ito!" Reklamo niya ng nakapikit pa rin.
"Isa lang naman ang gusto kong malaman kaya aminin mo na, ikaw yung nagbenta ng apelyido niya sa akin di ba?"
"Oo ako nga yun miss Tamaki! Pero sigurado akong hindi ikaw yung pinakasalan ko!"
"Pano mo nasabi yan?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Nakita ko ang likuran ng pinakasalan ko, mahaba ang buhok niya!" Sobrang honest niyang sagot.
"Di ba pinagbawalan kang tingnan ako? Loko ka! Maninilip kang talaga! Mamboboso! Oo ako yun nung mahaba pa ang buhok ko!" Pinagsisipa ko siya ng mahina ngayon.
"Lubayan mo na ako please. Parang-awa mo na!" Pagsusumamo niya sa akin.
Linubayan ko naman siya. Inalis ko na ang paa ko sa may dibdib niya. "Kanina kinukulit mo ko tungkol sa apelyido ko tapos ngayon tatakbo-takbo ka."
"Miss Tamaki, wag nyo po akong ipapatay. Hindi ko naman po ipagsasabi na binenta ko sayo ang apelyido ko." Patuloy siya sa pangungumbinsi sa akin.
"Dapat lang! Ang weird pero asawa na kita kaya dapat itrato kita ng tama." Inalok ko sa kaniya ang kamay ko upang makatayo na siya pero hindi niya yun tinanggap at sa halip ay umupo siya sa damuhan. "Miss Tamaki divorced na po tayo. Wala nang dahilan upang mag-usap pa tayo."
Tumayo ito at nagpaalam. "Aalis na po ako."
Habang tinitingnan ang palayo niyang likuran ay napapangiti ako. Tila ba may hatid na kiliti ang mga cute gestures niya. Ngayon pa lang kami nagkita pero nahuli na niya ang puso ko.
"Asawa ko!" Tawag ko rito.
Muli siyang lumingon. "Ano na naman?"
Naks! Nag-response siya dun sa tawag ko. "Magkikita pa tayong muli sa Friday asawa ko! Sa P.E. class natin!" Sigaw ko upang kaniyang marinig mula sa kinatatyuan niya.
Nag face palm siya at kahit malayo na ay dinig na dinig ko pa rin ang sinabi niyang "FRY DAY tsk!"
I made a silly grin nung pikon na tumalikod na naman siya at mabilis na naglakad palayo.
Hay, kung makikita lang ako ng mga pinsan ko na ngumingiti ng ganito tiyak na maninibago talaga sila sa akin.
Kahit hanggang pag-uwi sa kwarto ko ay di pa rin maalis-alis ang mga ngiti ko kapag naaalala yung cute encounter namin kanina. Mukhang nagkaka-crush na yata ako sa kaniya.
Kung hindi pa dahil kay Zeki ay di ko mapapansing may dimples pala ako.
Tuesday pa, bakit ang bagal ng panahon? Gusto ko na siyang makita ulit. Gusto ko na naman siyang asarin.
Iba na talaga ang tama ko sa kaniya. Na-love at first sight yata ako.
Hanggang sa wakas ay dumating na ang pinakihihintay kong araw, ang FRY DAY ayon pa kay Zeki.
Friday, Second Meeting
Maaga ako dahil siyempre excited na makitang muli ang estranged husband ko. Ay ex-husband na pala kasi nga nag-divorce na kami last month lang. Kung alam ko lang na maiinlove ako ng ganito sa kaniya sana pala hindi na lang ako nakipaghiwalay.
Ako pa lang ang estudyante sa room. Kaya kampante akong ipatong ang paa ko sa mesa ng teacher habang nagbabasa ng mga rason kung bakit inaprubahan ang divorced paper namin ni Ezekiel.
Napansin kong dumaan siya sa harapan ko at nagalit. "Hoy! Burara ka talagang babae ka! Ganyan ka ba talaga? Pinapakita ang panty mo sa lahat?" Naka-kunot-noo niyang tanong.
"Tinitingnan mo naman?" Panunukso ko sa kaniya.
May mga nagsipasukan nang mga ibang kaklase namin na puro mga lalake pa kaya siya na mismo ang nagbaba ng paa ko at nag-ayos ng saya ko. Mas lalo tuloy akong kinilig sa kaniya.
"Pag nakita ka ni maam na nilalagay ang paa mo sa mesa malalagot ka talaga dun! at bakit hindi ka pa naka-complete uniform? Naka-P.E. shirt ka nga pero naka-skirt pa rin!" Saway niya sa akin.
"Sus! Ayaw mo lang akong mabosohan ng iba eh. Selfish ka kasi gusto mo ikaw lang nakakakita."
Bigla siyang namula dun sa sinabi ko. "Tumigil ka na nga! Kilabutan ka naman diyan sa mga sinasabi mo!"
Napuno ng halakhak ko ang buong classroom kaya napatingin sa akin ang mga kaklase ko. Hindi ko naman sila pinansin dahil kay Ezekiel lang talaga ang buong atensiyon ko.
Umupo na sa tabi ko si Ezekiel at ayokong palampasin ang araw na di siya naaasar. Kaya tinawag ko na naman ang atensiyon niya. "Pssst... Ezekiel!"
"Ano?" Ayun na naman ang cute looking innocent face niya.
"May erectile dysfunction ka pala?" Napabungisngis ako pagkabitaw ko ng mga salitang yun.
"Ano!?" Daig pa niya ang na-eskandalo. Mas lalo pang namula ang buong mukha niya.
"Hahaha. Ang priceless naman ng reaksyon mo! Hahaha." Hindi ako matigil sa kakatawa. Talagang ang sakit ng tiyan ko sa kaniya.
"San mo naman nakuha yan ha?" Naaasar niyang tanong.
"Eto oh, nakasulat sa divorced paper natin ang mga rason kung bakit kita hiniwalayan." Pinakita ko pa sa kaniya ang mga papeles.
"Ano?" Kinuha niya sa akin ang papel para basahin at talagang di maipinta ang mukha niya.
"Oh? Bakit ganyan ang itsura mo? Nung pumirma ka niyan di mo ba nabasa na pinaratangan kang di tumatayo yung 'ano' mo?" Natatawa kong tanong.
"Yung simula lang ang binasa ko eh na may ka-affair akong iba. Hindi ko inakalang pati yan ipagbibintang sa akin? Tsk!" Reklamo niya.
"Basahin mo rin ang number 9, ayaw mo daw akong sipingan. Hahahahahaha!"
"Ako pa? Ako pa ang may ayaw? Talaga naman oh! Letse talaga kayong mga mafia! Ang lakas makabuo ng kwento!" Naiinis niyang saad pero pigil pa rin na wag mapalakas ang boses kahit nagngingitngit na sa galit.
Natigil ang tawa ko ng banggitin niya ang tungkol sa mga mafia. Ngayon ay sumeryoso na ang itsura ko at hinila ang kwelyo niya upang lumapit siya sa akin.
Pabulong akong nagsalita. "Anong alam mo tungkol sa amin?"
"Hindi ko alam ang buong detalye pero ang alam ko ay mafia princess ka. Kasi kung sayo binigay ang apelyido ko malamang gusto ka nilang protektahan. Tama ba ako miss Tamaki Ershie? Isa kang mafia princess na nagpapanggap na normal na tao gamit ang apelyidong binili nyo mula sa akin hindi ba?"
"Tumigil ka na, pwede kang mamatay diyan sa mga nalalaman mo." Banta ko sa kaniya ng pabulong pa rin dahil natatakot akong marinig ng iba naming kaklase.
"Bakit parang concern ka yata bigla sa buhay ko miss Tamaki?"
"Dapat lang, kasi asawa kita." Sagot ko naman.
Lumayo siya ng bahagya sa akin. "Para sa kaalaman mo Ex-wife na kita."
"Apelyido mo pa rin ang ginagamit ko asawa ko." Sarkastiko kong saad.
Dumating na ang strikta naming guro kaya naputol ang aming pag-uusap.
Pagkatapos ng klase ay sinundan ko pa rin siya at kinulit-kulit. "Natapos na lang ang pagsasama natin pero hindi pa natin naco-consummate ang ating kasal sayang di ba?"
"Tumigil ka na nga sa kakasunod sa akin miss Tamaki!" Naiirita niyang pagbabawal sa akin.
"Asawa ko na lang ang itawag mo sa akin." Panay pa rin ang sunod ko sa nilalakaran niya.
Huminto siya at humarap sa akin. Hawak niya ngayon ang magkabilang braso ko at kahit galit siya ay kinikilig pa rin ako sa kaniya. "Ayaw mo ba talaga akong tigilan ha!?"
"Bakit ba? Ano bang masama kung maging mag-asawa ulit tayo?"
"Tumigil ka na pwede ba!? Baka may iba pang makarinig sayo!" Naglabasan na sa leeg niya ang mga ugat dahil sa pagpipigil niya sa kaniyang galit.
"Ezekiel natatakot ka bang malaman ng mga mafia na alam mo na ang pagkatao ko? Wag kang mag-alala. Gaya ng sabi mo mafia princess ako. Hindi ka nila pwedeng saktan hangga't nabubuhay ako!" Assurance ko sa kaniya.
"Hindi lang yun ang dahilan Miss Tamaki!"
"Ano pa? Ano bang kinatatakot mo?"
"Tamaki may girlfriend na ako! At ayokong malaman niyang nagpakasal na ako dati!"
Ang mga salitang yun ay parang bomba na sumabog sa harapan ko. Parang saglit na huminto ang oras dahil sa mga binitawan niyang salita.
Natauhan ako ng may marinig akong tumatawag sa pangalang Ezekiel.
Sabay pa kaming napatingin dun sa babae at naramdaman ko kung pano unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.
"Babes!" Bulalas ni Ezekiel.
Dun na ako nagkaroon ng ideya na ang babaeng ito na naka-phony tail ay ang kaniyang- nobya.
"Sino siya?" Istriktang tanong nung babae sa asawa ko.
"Babe magpapaliwanag ako!"
"Puwes simulan mo nang magpaliwanag Zeki!"
"Babe siya si-" Pabiting saad ni Ezekiel.
Inunahan ko na siya sa pagsagot at ako na mismo ang nagpakilala sa sarili ko. "Ako si Tamaki Ershie Eduave."
"Tamaki Ershie Eduave?" Nanlaki ang mata nung babae.
"Oo pareho kami ng apelyido dahil si Ezekiel ay-"
"Kapatid ko! Kapatid ko siya di ba Tamaki?" Inakbayan pa ako ni Zeki at pilit na ngumingiti.
Sa isip ko naman ay.. Ah, kapatid pala ha? Eh di sige pagbibigyan kita.
"Oo, kapatid nga niya ako." Saad ko naman.
Parang nabunutan ng tinik si Zeki nung sinakyan ko ang pagsisinungaling niya.
"Hindi ko akalaing may kapatid ka pala dito sa school babes." Saad nung babae.
"Babes, nag-away kasi kami ng ilang taon kaya di kami nagpansinan." Paliwanag ni Zeki.
Ako naman ang dumugtong sa ginawa niyang kwento. "Oo pero ayos na kami ulit ngayon di ba kuya? Sobrang close na namin ulit."
"Ganun ba? I'm glad na magkasundo na ulit kayong magkapatid." Saad nung kaniyang nobya.
"Oo nga eh. Namimiss ko talaga ng sobra ang kapatid kong ito." Yumakap ako kay Zeki ng matagal at ng mahigpit na mahigpit kaya hindi ito makapalag.
Pilit siyang kumawala pero ayaw ko siyang bigyan ng pagkakataon.
Kaya parang hilaw na ang sunod niyang naging pagtawa. "Hehe Tamaki... tama na yan... alam kong sobra mo kong namiss kapatid ko pero naiipit mo na si kuya eh..."
Ewan ko kong green minded lang ba ako pero iba talaga naiisip ko dun sa kuya na tinutukoy niya eh.
Kumawala na ako at nagpaalam dun sa dalawa. "Alis na ako, nice meeting you ulit-" Pabitin kong saad at naghihintay ako na i-fill niya ang blank.
"It's Sidney." Mukhang nagets naman niya kaya sumagot nga siya.
"Ah, okay. Nice meeting you Sidney." Nagkamayan pa kami ng aking karibal.
Bago ako umalis ay nag-request pa ako na sumelfie kami ni Ezekiel o Zeki for short.
"Bye kuya!" Tila hindi napaghandaan ni Zeki ang sunod kong ginawa. Ninakawan ko ng halik ang kuya-kuyahan ko.
"Hehe, ang kulit talaga ng kapatid ko noh? Di na nagbago." Hilaw na naman ang mga tawa ni Zeki habang nagpapalusot sa kaniyang nobya. Panay pa ang kamot niya sa likod ng kaniyang ulo.
Habang naglalakad palayo sa kanila ay feeling accomplished pa rin ako. Kung bakit? Siyempre dahil nakaganti na rin ako sa kaniya at naka-first kiss pa.
Pagdating sa dorm ay muli kong tiningnan ang selfie na kinuha ko kanina sa amin ni Zeki. Nagbukas din ako ng laptop at tiningnan ang f*******: ng mga Imperial. May album doon na may larawan ng mga magulang ko.
May nahanap ako doon na isang larawan nina nanay at tatay na sumi-selfie din at tinabi ko dun ang larawan namin ni Zeki. Bigla akong kinilabutan dahil halos walang pagkakaiba yung mga larawan.
Pakiramdam ko ay binubuhay naming muli ang LEVIS, na siyang loveteam noon ng nanay at tatay ko na sina Levi Moldovan at Eris Imperial. <3
-EndOfChapter4-
#ImperialSeries3 #NextUpdate #EarthOcampo