Imperial Series III by Aya_hoshino
-----Earth's POV-----
3rd Sunday, 1 am Old Dormitory
"Ano nang balita Maki?" Tanong ko sa pinsan kong mafia princess.
"Kuya-" Bigla akong kinabahan sa panimula nito.
"Ano? Bakit ka umiiyak?"
Mabilis na nag-react si Nickel. "Sabi na eh, may ginawa ba sayo yung Ezekiel na yun ha?!"
"Kuya Nick hindi, hindi siya ang iniiyakan ko!" Saad ni Maki.
"Kung hindi yun eh sino?" Tanong ni Nickel.
Nanginginig na nagkwento sa amin si Maki. "Nakausap ko na si tita Demi, may alam na ako kung ano ang nangyari kay ate Kai."
"Ano?" Koro naming magpipinsan.
"Si ate Kai ay, tumalon sa dagat nung sinusundo na siya ng chopper ng mga mafia."
"Hindi! Hindi! Hindi totoo yan!" Sigaw ko kay Maki. Hindi ko kasi matanggap na ganun ang sinapit ng kapatid ko.
"Kuya Earth makinig ka, totoo. Naalala mo ba nung bumalik ang mga chopper kinaumagahan? Akala natin binabalikan nila tayo pero hindi. Dahil ang totoo ay search and rescue operation yun para kay ate Kai." Paliwanag sa akin ni Maki.
Hinawakan ko sa magkabilang braso si Tamaki. "Bakit siya tumalon? Bakit siya tatalon ha? Nagpapakamatay ba siya? Imposible di ba? Siguradong may foul play yun!"
Kumawala siya sa pagkakahawak ko. "Kuya may blackbox ang helicopter na sinasakyan nila at nakita dun ang pagtalon ni ate Kai. Hindi siya tinulak o kung ano pa man." Matapos sabihin yun ay nanginginig na inabot ni Maki sa akin ang isang USB na naglalaman umano ng nangyari nung gabing yun.
Nagbukas si Akira ng laptop at di ko napigilang mapaluha habang pinapanood ang video nung pangyayari. "Bakit? Bakit niya ginawa ito?"
Nag-angat sa akin ng tingin si Maki. "Sabi ni tita Demi isa lang ang naiisip niyang dahilan."
Sinalubong ko naman ng tingin si Maki. "Ano?"
"Upang protektahan ka kuya Earth. Dalawa kasi kayong may apelyidong Ocampo kaya madali kayong mahahanap ng mga kalaban. Inisip niya siguro na kailangang isa lang sa inyo ang mabuhay kaya nagkusa na siyang lumayo."
"Alam ba ito ng mga magulang namin?" Tanong ko kay Maki.
"Oo, at hanggang ngayon hindi pa rin sila tumitigil sa pagahahanp sa bangkay ng ate mo."
"Bangkay? Bakit hindi buhay na katawan ang hanapin nila ha?!"
"Masyado na kasing malalim ang bahaging yun ng dagat kuya Earth kaya malabong mabuhay pa siya!" Namamaos na paliwanag sa akin ng aking pinsan.
"Magaling lumangoy ang kapatid ko, nararamdaman ko na buhay pa siya!"
"Kuya Earth, malakas ang alon nung gabing yun. Kahit magaling kang lumangoy... mahihirapan kang mabuhay." Saad sa akin ni Maki.
Nawalan ako ng lakas kaya sumalampak ako sa upuan. Dinaluhan naman ako ng mga pinsan ko at niyakap, una na dun sina Maki, Tiffa at Nayomi na pinupunuan ang espasyong iniwan ng kapatid ko.
"Bakit hindi nila pinaalam sa akin? All this time nawawala na pala ang kapatid ko?" Nanghihina kong tanong.
"Kuya Earth wala ka rin namang magagawa kahit nalaman mo! Mabubuhay ka lang sa pangungulila!" Mas humigpit pa ang yakap ni Tiffany sa may leeg ko dahil nakatayo siya sa aking likuran. Si Maki naman ay mahigpit na yumakap sa aking katawan at nakaupo sa aking gawing kanan habang si Nayomi naman ay nakapulupot rin sa braso ko sa kaliwa.
"Matagal na akong nangungulila. Mula nung kinuha nila si ate sa atin miss na miss ko na siya." Saad ko sa kanila.
"Kuya Earth tahan na." Alo sa akin ng mga pinsan ko at nag-iyakan na rin silang lahat.
"Hanggang kelan ba tayo ganito?" Naiiyak kong tanong sa kanila.
"Kuya Earth, magpakatatag tayo. Hindi ngayon ang oras para mag luksa. Kailangan na nating kumilos dahil hindi natin alam kung ilan pa sa ating magpipinsan ang sunod na mawawala." Saad ni Akira.
"Hindi ako papayag na mangyari yun Akira!"
"Kaya nga kuya Earth, dapat gawin natin ang lahat ng paraan upang hindi na tayo muli pang mabawasan."
"May plano ka bang naiiisip Aki?" Tanong ni Clyde sa pinaka-bunso sa amin na si Akira.
"Oo kuya Clyde. Tama na ang pagtatago natin. Nakakapagod nang pagtaguan ang mga kalaban. Lahat naman tayo dito gusto nang makasama ang mga magulang natin di ba? Lalo ka na Maki, Cyrus at ikaw Nayomi, ayaw mong mamatay ang mommy mo di ba?
Kung maghihintay tayo kung kelan babalik ang alaala ni tito Tristan at ang katinuan ni tito Levi walang mangyayari." Mahabang paliwanag ni Akira.
"Ano ba talaga ang binabalak mo ha bunsoy?" Usisa ni Clyde.
"Bakit hindi na lang tayo mismo ang umalam kung sino ang ating kalaban?" Biglang sagot nito.
"Ano? Gusto mong alamin kung sino yung may gawa ng pagsabog noon sa Imperial Palace na naging dahilan ng pagkamatay nina lola Helen at Darius? Nahihibang ka na ba?" Pag-alma ni Maki.
"Oo ate Maki, tayo mismo ang aalam kung sino ang nagtatangka sa mga buhay natin!" Malakas ang loob na saad ng aming bunso.
"Pano natin aalamin yun Akira eh wala naman tayong alam sa kung sino ang tao sa likod ng mga pagbabantang yun? Hindi naman natin kilala ang mga kalaban nina lolo Zheng, ng Imperial Brothers at ng Imperial Ladies. Sa 3rd generation naman, si ate Kai lang ang nakaka-kilala sa kanila at wala pa siya dito!" Katwiran ni Maki.
"Hindi nga natin sila kilala pero may paraan upang makilala natin sila isa-isa." Seryosong saad ni Akira. Ito na yata ang pinaka-seryoso niyang mukha na nakita ko sa kaniya.
"Pano?" Mataman kaming nakinig sa bunso namin.
"Naalala niyo ba na may binanggit si ate Kai dati tungkol sa isang libro kung saan mababasa natin ang tungkol sa kasaysayan ng ating angkan?" Tanong sa amin ni Akira.
"Naalala ko nga yun. Ang Imperial Series, ano naman ang tungkol dun?" Curious kong tanong.
"Pwede tayong magsimula sa pagbabasa ng librong yun. Alamin natin ang buong istorya ng ating pamilya at suriin kung sino sa mga taong nakasalamuha ng ating mga ninuno ang posibleng may gawa ng mga pagtatangka sa buhay natin noon.
I-background check din natin sila kung kamusta na sila ngayon at hanapan natin ng ebidensiya na magpapatunay na ang taong yun ang salarin." Patuloy na paliwanag ni Akira.
"Ayos yan, para tayong mga junior detectives nito!" Bulalas ng tuwang-tuwa na sina Nayomi at Tiffany.
"Wag niyong gawing laro ang pagtuklas sa katotohanan! Kaya nga tayo inilayo ng mga magulang natin mula sa kanila upang hindi tayo mapahamak!" Tutol ni Cyrus.
"Naduduwag ka lang yata Cy eh." Saad ni Nickel sa kaniya.
"Nick hindi ako naduduwag. Ayoko lang na masayang ang sakripisyo ng mga magulang natin!"
"So ano, maghihintay na lang tayo dito hanggang sa isa-isa tayong malagasan ng miyembro?" Tanong ni Nickel kay Cyrus.
"Hindi ko naman sinabi na ayaw ko sa suhestiyon ni Akira. Ang akin lang Nick ay mag-ingat tayo sa bawat misyon na gagagawin natin dahil maaaring buhay ng isa sa atin ang maging kapalit. Sinasabi ko to dahil may kapatid ako dito at obligasyon ko bilang kuya na protektahan siya." Katwiran ni Cyrus.
"Oo na oo na, ikaw na ang dakilang kuya. Ako na ang walang kapatid, pero sana naisip mo na lahat kayo ni minsan hindi ko tinuring na pinsan kundi kapatid!" Sumbat naman ni Nickel.
Parang natauhan si Cyrus dun sa sinabi niya kaya agad itong humingi ng tawad. "Sorry dude."
"Sus! Nagdadramahan pa kayo diyan mga barako boys eh may totoong problema dito oh." Saway ni Nami dun sa dalawa.
Muling nagsalita si Akira. "Kuya Cy kailangan ka namin. Kailangan ang bawat isa sa atin. Isipin mo na lang na tayo ay mga parte na bumubuo ng isang katawan. Sina kuya Clyde at kuya Earth ang mga paa na gabay natin sa landas na ating tatahakin. Sina Nayomi at Tiffany ang kamay na tutulong sa ating maabot ang mga mithiin natin. Si kuya Nickel ang ating lakas, si Maki ang ating puso, ako ang utak at si kuya Acer ang konsensiya."
"Konsensiya? Kailangan ba yun?" Nagdududang tanong ni Nayomi.
"Oo, kailangan yun Nami dahil hindi lahat ng naiisip ng utak ay tama kaya kailangan ang konsensiya na magtitimbang kung alin ang tama o mali." Paliwanag ni Akira kay Nami.
"Hmmm.. oo nga may punto ka dun... at bilang decision maker ng grupo tama nga naman na iatas yun kay kuya Ace. Ang gandang combination niyo Aki. Pero pano naman si kuya Cyrus?"
"Si kuya Cyrus? Siya ang ating visual." Sagot ni Aki sa katanungan ni Nayomi.
"Pfftt... visual lang pala? Wag na isali yan! HAHAHAHA!" Pagbibiro ni Clyde.
"Hoy! Hoy! Hoy! Kuya Clyde! Inggit ka lang kasi visual si kuya Cyrus dahil di hamak na siya ang pinaka-gwapo sa mga Imperial! Isa pa mahalaga ang mga visual noh! Kahit sa mga K-pop group meron nun! Bleh!" Binelatan pa ni Tiffany si Clyde.
Pinisil ni Clyde ang magkabilang pisngi ni Tiffa. "Oo na oo na!"
"ARAAAAAAAAAAYYYYY!!!!" Reklamo ni Tiffa habang hinihimas ang nasaktang pisngi.
"Ayan masyado- ka- kasing- maingay!!!" Sabay katok sa noo ni Tiffany.
"Ano ba! Tumigil na nga kayong dalawa diyan!" Saway ko dun sa dalawa.
"Si Clyde oh!" "Si Tiffa oh!" Nagturuan pa yung dalawa.
"Hindi ba kayo marunong makiramdam ha?! Kita nyong nagdadalamhati ako dito eh! Tapos kayo diyan magagawa nyo pang magbiruan?!" Nasigawan ko yung dalawa dahil sa inis.
"Earth, kung ako sayo hindi ako magdadalamhati hangga't hindi ko nakikita mismo ang bangkay ni ate Kai. Hindi ako magluluksa kasi sa puso at isip ko, naniniwala akong buhay pa siya." Payo sa akin ni Clyde.
Kahit papano ay napaisip naman ako dun sa sinabi niya at sumasangayon rin naman ako.
"Balik sa usapan, pano natin mahahanap ang libro?" Tanong ni Acer kaya naputol ang pagtatalo namin ni Clyde.
Binuhay na naman ni Akira ang kaniyang laptop. "Nagsearch ako at maraming libro ang lumabas pero may isa akong nakita na talagang kumuha sa aking atensiyon. Isang libro na itim ang kulay ng cover at ang pamagat nitong IMPERIAL SERIES ay naka-emboss na kulay ginto. Ganitong-ganito inilarawan noon ni ate Kai ang gusto niyang cover para dun sa nobelang ginagawa niya."
"Itim na sumisimbolo sa mga lihim at sekretong kumakatawan sa ating pamilya at ginto na nagliliwanag sa kabila ng kadiliman. Parang tayo yung mga ginto, magliliwanag kahit balutin pa ng kasamaan." -Shekainah
"Iyan na nga kaya yung libro?" Tanong ni Maki sabay turo dun sa screen shot na pinakita ni Akira.
"Sinubukan kong hanapin yan kahapon sa mga bookstores at isang bookstore lang daw ang nagbebenta tapos limited edition pa kaya nagkakaubusan talaga." Sagot naman ni Akira.
"Ano pa boy genius? Ano pa bang mga nakalap mo ha?" Tanong ko sa kaniya.
"Kuya Earth, napag-alaman ko rin na sa ating eskwelahan, may limang babae na nakabili nung libro. Eto ang listahan nila oh." Pinakita niya sa amin ang naka-excel na mga larawan at impormasyon nung mga babae.
"Pano mo nakuha ang mga pangalan nila?" Usisa ni Clyde.
"Yung mga bumili lang na nagpa-resibo ang nakuha ko. Meron yang pangalan kaya nakakuha ako ng mga impormasyon nila. Naka-match kasi sa CCTV nung bookstore ang date at ang uniform na suot nila kaya nalaman kong sa MSU sila nag-aaral at last week lang sila bumili nung libro.
"Pano mo nakita yung CCTV?" tanong ni Clyde.
Ngumiti ng bibong-bibo si Akira kay Clyde. "Cute ako eh."
Naasar na hinampas ni Clyde ang mesa at nagdrama kunwari na nasasaktan. "Ikaw na ang cute!"
"Kuya Clyde talaga di mabiro. Kaibigan ko lang yung nagbebenta."Depensa naman ni Akira.
"Sus! Pa-humble pa kunwari." Naaasar na bulong ni Clyde sa sarili.
Biglang tumayo si Acer at nagsalita. "Ganito, dahil puro babae ang nakabili nung libro, kaming mga lalake na ang bahala sa misyong ito. Tatawagin natin itong FIRST MISSION: Book Hunting!"
"Tama, kailangan nating makakuha ng kopya nung libro sa kahit na anong paraan!" Saad ko naman.
"Ipanakaw na lang natin lahat kay kuya Nickel eh di solve ang problema!" Suhestiyon ni Tiffany.
"Sa kasamaang palad hindi pwede si kuya Nick na sumali sa misyong ito." Singit naman ni Akira.
"Bakit?" Nagtataka naming tanong.
"Dahil kahapon, napag-alaman ko na binabantayan ka ni Zeki kuya Nick. Mainit ka ngayon sa mata ng publiko." Saad ni Aki kay Nickel.
"Huh? Ako? Bakit naman?" Gulat na tanong ni Nickel.
"Dahil nagdududa na siyang ikaw ang may pakana ng mga sunod-sunod na nakawan na nangyayari sa school." Pagbibigay alam ni Akira.
"Tsk! Nagpapaka-pulis patola na naman pala yung payatot na yun ha?! Puwes hindi ako natatakot sa kaniya!" Nakakunot-noong sagot ni Nickel.
"Kuya Nick hayaan mo na lang siya!" Pigil naman ni Maki.
"Kuya Nick, tama si Maki. Ipaubaya mo na lang sa amin ang misyon na ito. Mahirap nang makipagsapalaran. Pulis pa man din ang pamilya ni Zeki." Awat ko rin sa hot blooded na si kuya Nickel.
"Tsk! Bahala kayo! Wag lang didikit-dikit sa akin yang ungas na yan babangasan ko talaga iyan!" Galit na saad ni Nickel.
"Sino-sino nga ulit ang mga nakabili nung libro?" Tanong ni Maki kay Akira.
Tumingin muli si Akira sa laptop niya. "Lima ang nakabili ng libro. Anim tayo at dahil bawas si kuya Nick kaya sa tig-iisang tao tayo dapat ma-assign."
1st assignment: Akira
Sidney del Rio. Over-achiever at girlfriend ni Zeki.
2nd assignment: Earth
Shiela Marie Aldea Velayo. First year student.
3rd assignment: Cyrus
Andrea Bautista. Engineering student. Rich kid.
4th assignment: Acer
Han Saban. BS English. Member ng debater's club.
5th assignment: Clyde
Jennifer Pantaleon, mathematics student. Scholar and dean's lister.
"Kung ganon, magkita-kita na tayo sa field bukas. Unang araw si Cyrus at sunod-sunod na yun. Mas maraming libro tayong makakalap mas maganda." Utos ni Acer na sinang-ayunan naman ng lahat.
Lunes ng umaga...
Unang misyon ay kay Akira. Ang bilhin o hiramin ang librong nasa pagmamay-ari ng girlfriend ni Zeki na si Sidney. Kahit misyon niya yun ay present kaming lima na mga lalake sa field. Yung iba nagmamasid at yung iba ay gusto lang makiusyoso kung pano gagawin ng mga nauna ang kanilang misyon.
"Hi!" Panimulang bati ni Akira sa target niyang si Sidney.
"Hello." Strikta nitong sagot. Mukhang di ito kayang daanin ni Akira sa mga pa-kyut kyut at friendly looks niya.
"A-ako nga pala yung-"
"Alam ko! Ikaw yung roommate at kaibigan na ngayon ng boyfriend ko." Pambabara na agad nung Sidney sa pinsan namin.
"Sidney kasi..."
"Alam mo kung gusto mong makipagkaibigan sa akin dahil magkaibigan na kayo ni Zeki well sorry! Hindi ko pa rin makakalimutan na muntikan mo nang ipahamak ang boyfriend ko!" Mabilis na nagligpit ng gamit si Sidney at nag-walk-out.
Halata sa mukha ni Akira ang kabiguan sa kaniyang misyon. Umupo siya sa student lounge at di mapakali na ginulo-gulo ang buhok niya.
Sikreto akong lumapit at nagsalita ng hindi pinapahalatang si Akira ang sinasabihan ko. "Ayos lang, baka suwertehin ako bukas ipa-photocopy na lang natin ng marami tayong kopya."
Tumango naman si Aki bilang pag-sangayon.
Martes ng hapon...
Oras ko nang kumilos. Nagkita-kita na naman kaming magpipinsan sa iisang lugar. Target ko ay isang 1st year student at halos tatlong oras kong binuntutan si- Shiela.
"Hi Shiela Marie!" Sa wakas ay na-corner ko siya sa may locker room at nakausap.
"Hi din po manong." Magalang na sagot nito.
"Manong? Bata pa ako! Matangkad lang!" Natatawa kong saad.
Tumakbo yung bata palayo mukhang natakot yata?
Nagsilapitan ng bahagya yung mga pinsan ko. Kaya nagsalita ako ng hindi nakatingin sa kanila at halos pabulong na. "Sabi sa inyo eh, wala akong appeal pagdating sa mga mas bata sa akin. Mas malakas ang appeal ko sa mga ka-edad ko o dun sa mga matrona."
"Pffttt... yung matrona yun ang 100% TRUE." Kantiyaw naman ng nakaupo mas malapit sa akin na si Clyde. Sarap ngang batukan eh kung hindi lang siya mas matanda ng ilang buwan sa akin.
"Okay lang, may ibang araw pa naman." Kumbinsi naming lahat sa aming mga sarili.
Miyerkules...
Si Cyrus naman ang sumunod. Target niya si Andrea, isang rich and famous kid sa school, panong hindi famous eh anak ng chancellor eh.
"Sige na kuya Cy lumakad ka na." Halos itulak na ni Akira si Cyrus palayo sa kinauupuan namin para lumapit dun kay Andrea na nag-iisa.
"Parang nanginginig ako eh." Saad ni Cyrus at bakas nga sa mukha niya ang sinasabi niyang panginginig. Parang naiihi na nga rin eh :3
"Pakiusap lang wag mong pairalin ngayon ang katorpehan mo Cyrus." Pagpaparinig ko sa kaniya.
"O-okay." Saad naman nito at nagtungo na sa target niya.
"Hi........ ah..... ahm...." Nauutal na saad ni Cyrus.
"Hello, may sasabihin ka?" Nakangiting saad ni Andrea. Parang magdiriwang na kami dahil sa mga ngiti nung Andrea ay mukhang madali siyang mabobola ni Cyrus.
"K-kuwan....... ano.... ahmmm.... kuwan kasi...."
*Facepalm* Kung sana lang talaga hindi T-O-R-P-E yung pinsan namin! Naku naman!
"Ano ba yun?" Nakangiti pa rin si Andrea pero parang pahilaw na ng pahilaw yung ngiti niya.
"Ahm.... itatanong ko sana.... kung...." Nabubulol pa rin si Cy at di matapos-tapos ang sasabihin niya.
"Kung?" Tila naiinip nang tanong ni Andrea.
"Kung anong oras na ba?"
TOINKZ! Parang malalaglag na kaming mga nagmamasid dun sa aming kinauupuan.
"Yun lang ba?" Tanong nung Andrea at halata na sa mukha nito ang disappointment.
"Ah hindi! May iba pa akong itatanong." Saad ni Cyrus kaya nabuhayan na naman kami ng loob.
Sige Cy- kaya mo yan- sabihin mo- sabihin mo na dali!
"Tulad ng?" Tanong ulit nung Andrea kay Cyrus.
"Tulad ng.... ahmmm... ano... kuwan kasi...."
"Oh emgee!!! Si Cyrus!!!!" Kinuyog siya bigla ng sandamukal na mga fans niya kaya ayun! Nawala na sa paningin namin yung Andrea. Malas naman talaga oh! *Facepalm*
"Di bale, subukan naman natin bukas." Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Akira.
Huwebes...
Si Acer naman ang sumubok. Bago siya pumunta sa target niya na si Han ay nagyabang muna siya sa amin na kaya niyang i-persuade sa isang salita lang ang kaniyang target. Hmmm... tingnan lang natin ang yabang mo Ace.
"Hindi ka dapat nagbabasa niyan miss!" Agad na sabi nito dun sa babae.
"Bakit?" Tanong nung babae na halatang nagulat sa biglaan niyang pagsulpot ng di man lang nagpapakilala.
"Because it's fiction. Fictional stories are made only to widen our fantasies. Try mo magbasa ng mga mas informative na mga libro para madagdagan ang knowledge mo." Payo niya rito.
"Hmmm.. sige, eh di itapon na lang!" Sagot nung babae sabay tapon nung libro sa imburnal. Tila nainsulto kasi yata siya dun sa sinabi ni Acer.
Yung bibig naming lahat ay talagang nagkorteng NOOO!!! Di lang talaga namin pwedeng isatinig kaya panay ang pigil namin.
Wala na kaming nagawa dahil nagdikit-dikit na ang mga pahina at wala na kaming nagawa upang isalba yung libro.
"Eto ba yung good idea mo? Isang sentence lang pala ha?" Napipikong saad ni Clyde kay Acer nung magtagpo-tagpo na kami sa men's comfort room at siniguradong wala nang ibang tao sa loob.
"Malay ko bang sa imburnal niya itatapon!" Depensa naman ni Acer.
"Wala nang pag-asa ito, huli na bukas. Clyde mukhang ikaw na lang ang pag-asa ng bayan. Wag mo sana kaming biguin ha? Iyang kamanyakan mo saka mo na pairalin kapag nakuha mo na yung libro okay?" Di ko napigilang sabihin yun kay Clyde.
"Tol nagbabagong buhay na to! Di na ako tumitingin o nanghihipo ng mga babae." Saad ni Clyde.
"Owwsss talaga?" Nagdududang tanong ni Akira.
"Talagang-talaga! Honesto!" Sagot naman ni Clyde.
Biyernes...
Sunod-sunuran na kami sa target ni Clyde na si Jennifer. Nung pumasok ito sa elevator ay nakisiksik din kaming lahat dun.
"Naks naman, ang gugwapo naman ng mga nakasabayan ko." Bulalas nung babae.
"Ahm miss... pwedeng humingi ng favor?" Nagpapakyut na tanong ni Clyde.
"Ano ba yun?" Nahihiyang tanong nung Jennifer at kinikilig na niyakap yung kaniyang mga gamit.
"Ahm... kuwan kasi yang-" Nginuso ni Clyde yung libro na hawak-hawak nung babae.
Biglang nagbago ang facial expression nung babae at naka kunot-noo na ngayon. "Parang namumukhaan kita ah! Ikaw yung madalas kong isulat sa school newspaper di ba? Yung notorious na p*****t ng MSU! Bastos ka!"
SLAP! Isang malakas na sampal ang ginawad nito sa aming pinsan. Bumukas yung elevator at lumabas na yung babae.
"Pffttt!!! HAHAHAHAHAHA! May masusulat na naman bukas sa school pub!" Sapo namin ang aming tiyan sa kakatawa.
"Pero bago siya masusulat sa diyaryo ay nauna nang sinulat nung babae ang kamay niya sa pisngi ng pinsan natin! HAHAHAHA!" Biro naman ni Cyrus na lalong nagpalakas ng tawa namin.
Naiwan si Clyde na nakatanga at di maka-move on sa nangyari. Panay ang himas niya sa nagmarkang kamay sa kaniyang pisgi. "Hindi naman ako tumingin sa dibdib ah... kasalanan ko bang dinala niya malapit sa dibdib niya yung libro? Langya talaga oh! Nagbabagong-buhay na nga eh!"
"Pfffttttt!!!! HAHAHAHAHHA!" Tawa pa rin kami ng tawa.
Sumeryoso kami nung may ibang tao nang pumasok sa elevator. Balik na naman kami sa deadmahan.
Ayun umuwi kaming lahat na bigo. Bumalik na lang ako sa trabaho ko dahil baka hinahanap na ako ng boss ko. Sakto namang umalis daw si maam Mia.
"Saan ba siya nagpunta manong Ruben?"
"Pumunta sa registrar, kanina kasi ang daming tumawag mula sa school mo. Yung DEAN at adviser mo raw pati ang registrar ay nagpaalala na pinaalis ka na daw sa school!" Pagbibigay alam sa akin ni mang Ruben.
"s**t! O nga pala!" Dali-dali akong nagtungo sa registrar at natagpuan ko nga doon si Mia na kinakausap si Mr. Montemayor. Langya, sabi na eh, Montemayor pala kaya ako pinag-iinitan. Nalaman ko yun matapos kong makita ang nakasulat na label sa kaniyang mesa.
"Sa dami ng estudyante na hindi nagbabayad sa school na ito bakit si Earth ang ginigipit mo tito? Dahil ba inutos ng ama ni Abby?" Kausap niya doon sa kaniyang tiyuhin.
"Hija, pamangkin ko si Abby and I want what's best for her!" Depensa ni Mr. Montemayor.
"Ilang beses ko bang sasabihin tito na wala silang relasyon ni Earth!" Namamaos na pagtatanggol naman sa akin ni Mia.
"At kayo yung meron? Mas kapani-paniwala naman yung si Abby at si Earth ang may relasyon kesa yung pumatol siya sa kasing tanda mo na." Pangungutya nung matanda kay Mia.
"Tito kung pera lang ayan, babayaran ko na ng full ang tuition niya pati ang bayarin sa next sem babayaran ko na rin in advance! May sukli pa yan kaya sa inyo na, wag nyo lang paalisin sa school si Earth." Saad ni Mia sabay abot ng makapal na sobre.
"Hindi na tatanggapin ng cashier yan Mia dahil binura ko na sa listahan ng mga estudyante ng MSU si Earth." Giit pa rin nung matanda.
"Hindi mo magagawa yan tito!" Singhal ni Mia sa kaniyang kaharap.
"I already did kaya makakaalis na kayo." Nakatingin na rin sa akin si Mr. Montemayor. Mukhang napansin na niyang nasa may pintuan ako nakakubli.
Pumasok na ako sa loob at hinablot ang braso ni Mia. Pilit ko itong pinapatayo. "Mia tama na yan, halika na umuwi na tayo."
Matapang na hinawi niya ang kamay ko. "Teka lang Earth hindi pa ako tapos."
Muli niyang hinarap ang kaniyang tiyuhin. "Tiyo, bakit mo kami pinapaalis agad. Dahil ba nagmamadali kang mag-out upang mapuntahan mo na ang kabit mo?"
"Mia! Wag mong gamitin sa akin yang-"
Di natapos nung matanda ang kaniyang sasabihin dahil sumingit agad si Mia."Kaya wag mo kong susubukan tiyo, kung ayaw mong umabot sa mahal mong asawa na may kahati siya sayo. Siguradong isusumpa ka ng mga anak mo pag nalaman nilang estudyante pa ng MSU ang kalaguyo mo!"
"Mia I'm warning you!" Nagtaas na rin ng boses si Mr. Montemayor.
"I'm warning you also tito. Tantanan niyo na ang boyfriend ko kung ayaw niyong ilahad ko sa publiko ang mababahong sikreto ninyong mga Montemayor!" Banta ni Mia.
"You-" Nanggagalaiti pa lalo yung matanda ng marami nang mga tao sa labas ang nakiusyoso sa amin. Naiwan ko kasing bukas yung pintuan kaya maraming nakakita sa eskandalong ginagawa ni Mia.
"Nagkakaintindihan ba tayo tito?" Naghahamon ang tingin ni Mia sa kaniyang tiyuhin.
Ako ang sunod na binalingan nung matanda. "Maswerte ka Earth, palalampasin ko ito ngayon."
"Salamat tito. Madali ka naman palang kausap eh." Sarkastikong ngumiti si Mia bago nagmartsa palabas ng opisina.
Sinundan ko siya at pagdating sa labas ng building ay isang malakas na sampal agad ang ginawad niya sa akin.
Napayuko ako at humingi ng tawad. "Mia I'm sorry... babayaran ko na lang yung pera na nagastos mo pati yung mga inutang ko pangako!"
"Hindi ko alam kung saan mo ginastos yung pera pero naiinis ako na pati ito hindi mo masabi sa akin! Ano ba ako ha? Akala ko ba girlfriend mo ko?" Naiiyak niyang tanong sa akin.
"Yun na nga eh, girlfriend kita at hindi taga-bayad ng tuition ko!" Sagot ko naman sa kaniya.
"Pero dapat sinabi mo pa rin sa akin! Karapatan kong malaman kung ano nang nangyayari sayo! Hindi ko naman babayaran ng libre ang tuition mo eh, pagtatrabahuan mo naman yun ng mahabang panahon sa akin." Matapos sabihin yun ay muli siyang naglakad palayo.
Nasapo ko ang noo ko at sinundan siya upang suyuin. "Mia I'm sorry na-"
Kahit hanggang sa cafeteria ay di niya ako kinausap. Mukhang galit siya at ayaw akong kausapin. Ganito pala siya magalit, napaka-hirap suyuin. :/
Nung umalis si Mia para mag-attend ng meeting ay nagpasok ako ng boquet of flowers sa kaniyang opisina. Aamuhin ko siya ng dala kong pulang rosas, siguradong magugustuhan niya ang mga ito.
Nilapag ko yun sa kaniyang mesa ng may makita ako doon, isang pamilyar na libro ang-
Imperial Series?
-EndOfChapter6-
#NexUpdateSoulmate