Imperial Series III by Aya_hoshino
-----Shekainah's POV-----
Muling lumitaw ang isla sa pusod ng dagat kaya nagkaroon na naman kaming magpipinsan ng pagkakataong makita ang araw. Kapag ganitong mga panahon ay nagbababad kami sa ilalim ng init ng araw at naglalaro sa buhanginan.
"Kuya Earth! Kuya Earth! Turuan mo naman akong mag-magic!" Hiling ng pinaka-bata sa aming magpipinsan na si Akira.
"Oh sige ba." Agad naman nagpaunlak ang aking kapatid na si Earth.
Habang nagpapamalas ito ng kaniyang angking galing ay binuksan ko ang lagi kong bitbit na laptop at nagsimula na namang magtipa. Kailangan ko kasing isulat ang mga ugali at talento ng 3rd Generation upang wala akong makaligtaang detalye.
Una na nga diyan ang kapatid kong si Earth. Matangkad, gwapo at lalakeng-lalake sa tindig at porma. Biniyayaan ng maumbok na adams apple na siyang dahilan yata ng malalim niyang boses. 12 years old pa lang siya ngayon kaya alam kong may mas ilalalim pa ang boses niyang yun sa hinaharap na siyang magbibigay kilig sa mga babaeng makikilala niya.
Bukod sa kakisigan ay may angking talento din siya sa pag-mamagic gamit ang mga cards kaya naman tinawag namin siyang Earth 'The Card Master' Ocampo. Di namin alam kung saan niya nakuha ang kakayahang yun basta nawili na lang siya sa panonood ng mga magic shows sa youtube at inidolo na lang niya bigla si David Blaine, ang world's greatest magician.
Nung magsimula na siyang mag-magic ay pinalibutan na agad siya ng mga pinsan namin na sina Clyde, Cyrus, Nickel, Nayomi, Acer, Tiffany at Akira. Wala siyempre si Tamaki dahil nagmumukmok na naman yun sa kaniyang kwarto. Pati ako ay nakatanga sa harapan ng aking kapatid upang tingnan ang ipamamalas niyang galing.
"Sa apat na card na ito, pumili ka Akira ng isa at tandaan mo sa iyong isipan."
"May napili na ako kuya." Sagot naman ni Akira.
"Sige, ibulong mo sa mga pinsan natin ang napili mong card at siguraduhin mong di ko maririnig."
"Opo kuya." Agad kaming binulungan ni Akira at ang sabi niya ay king of Hearts ang kaniyang napili.
Nung okay na ang lahat sa King of hearts ay winagayway na ni Earth ang anim na cards. "Mawawala ang card na napili mo!" at boom pinakita nga niya sa amin na naglaho na yung card na napili namin.
Napakurap-kurap si Akira at napasigaw. "Nawala nga! Nawala nga! Ang galing! Ang galing galing!"
"Woah! Nawala talaga!" Maging si Clyde ay di mapigil ang pagkamangha.
Pati nga ako ay napa-palakpak.
"Kuya turuan mo ko!" Pamimilit ni Akira at panay pa ang hila sa laylayan ng puting damit ni Earth.
"Wag kang makulit Akira, magic trick yun kaya secret lang dapat." Saad naman ni Earth habang hinahawi ang mararahas na kamay ng bunso namin.
"Sige na kuya pamimilit pa rin nito."
"Hay oo na tuturuan kita kapag 18 years old na tayo." Napilitang saad ni Earth.
"Ay ang daya!" Pinadyak-padyak pa ni Akira ang kaniyang paa.
Matapos maalala ang tungkol sa mga edad-edad ay tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at dumistansiya sa aking mga pinsan upang makapag-isip. Lumayo ako hanggang sa di ko na sila marinig pero natatanaw ko pa rin naman ang mga kilos nila mula sa kinatatyuan ko.
"Ang saya nila." Saad ng palapit na si lola Lily.
"Oo nga po eh." Pilit akong ngumiti.
Sumeryoso bigla ang mukha ni lola Lily. "Nasabi mo na ba sa kanila hija?"
"Ang alin po?" Pagmamaang-mangan ko.
"Yung dapat mong sabihin bago ka magdesi-otso."
Umiling ako. "Hindi pa lola."
"Abay dapat sabihin mo na! Isang buwan na lang ang nalalabi mo dito sa isla baka wala ka nang panahon upang ipaliwanag sa kanila ang lahat. Masyado pa namang komplikado ang mga buhay niyo kaya kailangan mong ipaliwanag ng mabuti sa bawat isa sa kanila."
Pinigilan ko ang sarili ko na wag maluha. "Lola napaka-bata pa nila para maintindihan ang lahat. Hindi pa panahon."
"Hija kailan ang tamang panahon? Kapag wala ka na? Kapag naiwan silang walang kaalam-alam sa mga nangyayari?"
"Pero lola-"
Tinapik ni lola ang balikat ko. "Hija naiiintindihan ko na ayaw mo silang maranasan ang hirap na dinadanas mo ngayon pero hija kaya nga kayo magpipinsan di ba? Kailangan mong ibahagi ang hirap sa kanila. Hindi mo pwedeng akuin lahat ang responsibilidad. Kung kaya mo, mas kaya niyo kung sama-sama."
Hindi ako nakakibo dahil alam kong tama si lola Lily. Almost 12 years ko nang tinatago sa dibdib ko ang lahat ng problema ng aming pamilya. Ginawa ko yun dahil kahit papano gusto kong ma-enjoy muna ng mga pinsan ko ang kabataan nila bago nila pasukin ang magulong mundo.
"Hija, nakita ko na nagsusulat ka na naman kanina. Gusto mo bang maging isang writer pagdating mo ng Maynila?" Pag-iiba ni lola Lily sa usapan.
"Writer? Ang gusto ko lang naman ay mag-enjoy ang mga pinsan ko habang pinag-aaralan ang kasaysayan ng aming angkan kaya naisipan kong gawin itong nobela. Napaka-ganda naman kasi ng buhay pag-ibig ng aking mga lolo't-lola at mga tito't-tita kaya magandang magpasalin-salin pa hanggang sa mga susunod pa naming lahi ang mga kwentong yun."
"Hmmm... sangayon ako hija. Bukod sa magagandang love story, napaka-ganda din ng aral na hatid ng inyong pamilya. Kung pano ang bawat-isa sa inyo ay nagsasakripisyo para sa bawat isa. Nakakamangha kung pano ninyo alagaan ang inyong apelyido at dangal."
"Kaya nga po kapag nasa tamang edad na ang mga pinsan ko ay babasahin nila ang aklat ko at maiintindihan nila kung bakit kailangan naming mahiwalay sa mga magulang. Pero hindi pa sa ngayon. Hindi ko pa kayang isiwalat ang lahat. Gusto ko munang ma-enjoy pa nila ang kanilang kabataan. Yun naman talaga ang dahilan kung bakit kami nandito di ba? Upang magkaroon ng normal na buhay. Malayo sa takot at pangamba."
"Pero hindi ito ang normal na buhay Shekainah at alam nila yun."
Pagkasabi nun ni lola Lily ay napatingin ako sa gawi ng mga pinsan kong naglalaro sa malayo. Tama nga, hindi ito ang normal na buhay.
Naputol ang pag-uusap namin ni lola Lily ng dumating si mommy Megan lulan ng isang bangka. Sinalubong namin ito at tuwang-tuwa kami dahil may pasalubong si mommy Megan para sa lahat.
Binuklat ni Cyrus ang regalo niya at isa yung Jersey.
"Wow tita Meg salamat!" Natutuwang saad nito.
Biglang lumapit si Clyde kay Cyrus at natipuhan yung damit. "Ayos yan Cyrus ah, akin na lang! Palit tayo sayo na itong shades oh."
"Huh? Ah okay sige tol sayo na." Di naman umangal si Cyrus. Ganun talaga siya, mapagbigay lalo na sa mga pinsan niya.
Dinagdag ko sa aking sinusulat ang ugali ni Cyrus at mga hobbies niya. Mahilig siyang manood ng basketball pero ni minsan hindi pa nakakapag-laro nun. Puro buhangin kasi at mga bato ang isla kaya hindi tumatalbog ang bola kaya ayun wala siyang choice kundi maglaro ng basketball sa computer.
Si Cyrus ang anak ng ULYBE. Namana niya ang parehong height ng parents niya na sina Ulysses at Phoebe. Pero ang mukha ay kopyang-kopya mula sa ama ni mommy Bee na si lolo Alexander 'The Great'. Kaya naman sakto talaga na pinangalanan siya at ang kambal niya na Cyrus at Darius 'The Great'.
Siguro kung buhay lang si Darius kamukhang-kamukha niya si Cyrus kasi nga twin sila. Tulad ng kapatid kong si Earth, may angking kakisigan din itong si Cyrus. Sa unang tingin parang suplado kasi nga namana niya ang aura ng isang 'Alexander The Great' pero kung makikilala mo na siya malalaman mong hindi naman siya bossy, humble pa nga eh at mukhang torpe paglaki.
"Yehey! Akin na to!!!" Pagdidiwang ni Clyde at tinataas pa sa ere yung damit na na-arbor niya.
Mabilis naman na umalma ang nakababatang kapatid ni Cyrus na si Tiffany. "Anong sayo na? Ibalik mo nga yan sa kuya ko!"
"Hoy bubuwit binigay na ito ng kuya mo sa akin! Bleh!" Sabay belat pa kay Tiffa.
Ganyan naman si Clyde, sobrang magaslaw. Ano pa ba ang nakapagtataka dun? Eh anak siya ng JALEA. Sayang at hindi niya namana ang pagka-tahimik ng kaniyang ina na si Azalea. Lahat yata ng ugali ay nakuha niya sa tatay niyang si Jayden Lim lalo na yung pagka-mayabang, madaldal, funny basta Jayden talaga. Kaya nga naaaliw ako kay Clyde eh kasi siyempre crush ko daw si tito Jay nung 6 years old pa ako. Hahaha.
Kung looks naman ang pag-uusapan well ang masasabi ko lang.... {MABAIT} yang si Clyde. Hehe. Sa totoo lang di naman siya kagwapuhan kaya nga minsan tampulan siya ng tukso kasi gwapo naman ang ama niya at wala namang pangit sa lahi ng mga Imperial siya lang talaga ang tila naiiba. Pero very optimistic ang pinsan kong ito kaya lagi niyang sinasabi kapag kinukutya namin siya? "EXOTIC KASI ANG GANDANG LALAKE KO KAYA KAKAIBA SA INYO" Oh well, siguro nga hahaha kaya naninibago kami sa itsura niya.
Pero yan si Clyde sobrang galing niyang umarte. Pwedeng comedy at action kasi nga pandigma ang mukha eh hahaha. Kita mo na, habang nagsusulat ako nito panay ang tawa ko. Ganun talaga siya ka effective na comedian, mukha pa lang nakakatawa na. Bukod sa pagiging komedyante eh mahilig din siyang magbasa ng mga playboy magazines at nahuli ko pa nga minsan na nanonood ng p**n. Oh well, boys will be boys.
"Ibalik mo yan sa kuya kooooooooo!!!! Di yan bagay sayo!" Nakabibinging sigaw ni Tiffany.
"Aray ang sakit mo namang magsalita Tiffa!" Napahawak pa sa may dibdib si Clyde at kunwari natamaan siya ng palaso sa kaniyang puso.
"Masakit talaga ang katotohanan kaya tanggapin mo nang ang bagay sayo ay maskara ng matakpan yang buong mukha mo! Di tulad ni kuya na Mr. Pogi!" Singhal ni Tiffa.
"Wow! Ang lakas talaga ng bilib mo diyan sa kuya mo ah!" Pasinghal din na sagot ni Clyde.
"Oo naman! Inggit ka lang kasi gwapo ang kuya ko kaya kahit anong damit bagay sa kaniya!"
Yan naman si Tiffany, anak din ng ULYBE pero dahil sa utos ni lolo Zheng ay pinakilala siyang fraternal twins ng crown prince ng England. Oo, ginawa siyang royalty at pinakilalang anak nina Duke Christian at Dutchess Karla.
Binalik siya ng Pilipinas a few months after siya pinanganak upang makita ni daddy Ulysses pero hindi na siya nakabalik ng England dahil sinama namin siya sa pagtakas. Kaya naman ang royal princess hanggang sa mga oras na ito ay missing na rin tulad ng 3rd Generation na descendants ng Imperial Family.
Si Tiffa ay lumaki din na malayo sa poder ng kaniyang mga magulang pero iba ang epekto nito sa kaniya. Naging sobrang dependent siya sa kapatid niyang si Cyrus. Tama si Clyde sobrang laki ng paghanga niya sa kapatid niya. Sa sobrang pag-iidolo nga niya dito ay pareho silang nagpakulay ng pula sa buhok. Super close silang dalawa kaya sa aming magpipinsan sa kaniya ako higit na nangangamba kasi masyado siyang attach sa kapatid niya. Pano na lang kapag malaman niya?
"Akin na yan!!!!" Ayaw pa rin paawat ni Tiffa.
"Tiffa ibigay mo na lang yan kay Clyde para wala nang gulo." Pigil ni Cyrus sa kaniyang kapatid.
"Kita mo na, mismong may ari na ang nagsabi na ibigay sa akin!" Saad ni Clyde.
"Pero kuya di ba gusto mo to?" Naiiyak na tanong ni Tiffa sa kaniyang kapatid.
"Oo pero okay lang din naman. Itong shades na lang ang akin tutal bagay din naman oh." Sinuot pa ni Cyrus ang shades at pinakita kay Tiffa.
Umirap lang si Tiffa at nagmatigas pa rin. "Ayoko! Sayo dapat to eh!" Panay pa rin ang hila ni Tiffa dun sa Jersey.
Hanggang sa naghilahan na yung dalawa.
"Akin na sabi eh!" Hila ni Clyde papunta sa kaniyang direksyon.
"Akin yan!" Hila rin ni Tiffa pabalik sa kaniyang direksyon.
"Hindi akin nga!" Hila ulit ni Clyde.
"Kay kuya nga!" Hila ulit ni Tiffa.
Hanggang sa nakarinig kami ng tunog ng napunit na tela kaya naestatwa kaming lahat lalo na yung dalawang nag-aagawan dun sa Jersey.
Nung makabawi ay tumindig na ng maayos si Tiffa at tinapon sa mukha ni Clyde ang damit. "Ayan na kuya Clyde bagay 'NA' ngayon sayo." Saka ito nagtatakbo palayo.
Hinabol naman siya ng nag-uusok sa galit na si Clyde. "Tiffaaaaaaaaaa!!! Humanda kaaaaa!!!"
Nagtawanan kami kasi para na namang Tom and Jerry yung dalawa na naghahabulan sa paligid. Sila na ang pusa at daga namin sa isla.
Napailing maging si tita Megan dahil sa inasta nung dalawa. Batid niya na sobrang ang kukulit ng mga pamangkin niya.
Ganito kami dito sa isla, minsan sa isang taon lang dinadalaw ng aming mga magulang at hindi pa sabay-sabay. Kailangan isa-isa silang pumuslit sa isla upang hindi sila masundan ng mga kalaban. Kahit din may internet kami sa loob ng submarine aba bawal pa rin naming kausapin ang aming mga magulang kahit sa skype dahil baka ma-hack ang mga accounts nila at matunton kami ng mga kalaban.
You can't blame us kung masyado kaming maingat or paranoid kasi hindi din kaya biro yung mawalan ng dalawang miyembro ng pamilya sa isang gabi lang.
Kaya naman masaya na kaming nadadalaw ng aming mga magulang kahit na minsan lang. Ang pinaka-kawawa ay si Maki, mula pa nung unang araw na dumating kami sa isla ay hindi pa siya nadadalaw ng kaniyang mga magulang dahil nasa Amerika sina mommy Eris upang ipagamot ang lumalalang sakit sa utak ni tito Levi. Sina Tiffany at Cyrus naman, mommy lang nila ang dumadalaw sa kanila. Ni minsan hindi pa nila nakasama ang kanilang ama dahil hanggang ngayon sinisisi pa rin ni daddy Ulysses ang sarili niya dahil sa pagkamatay ni Darius kaya hindi pa siya handang makita si Cyrus.
"Halika na Kai, samahan mo ko sa kwarto ni Maki." Aya ni tita Megan sa akin at umangkla pa sa braso ko.
"Sige po tita." Tumango pa ako. Habang sunod-sunuran naman sa amin ang mga maids na may bitbit ng mga pasalubong ni tita Megan para kay Maki.
---