Imperial Series III by: Aya_hoshino
Hindi lahat ng pinanganak na mayaman masaya...
Akala ng lahat napaka-palad namin dahil nakukuha namin ang mga bagay na gusto namin ng walang kahirap-hirap. Pero dapat nga ba kaming kainggitan? Hindi namin gustong manahin ang mga bagay na hindi naman namin pinaghirapan.
Oo mga Imperial kami, hindi man sa apelyido pero dugo ng mga Imperial ang nananalaytay sa aming ugat kaya sa ayaw at sa gusto namin kailangan naming manahin ang mga pera at kayamanang naging dahilan ng mga sigalot sa aming pamilya.
Kaya ngayon hindi lang pera ang kailangan naming manahin kundi pati mga galit at poot mula sa mga taong inagawan namin ng kayamanan at tinapakan para lang marating ang rurok ng tagumpay na tinatamasa namin ngayon.
Minumulto kami ng mga galit na hinasa at pinatalim sa paglipas ng panahon. Ngayon ay kaming mga bagong henerasyon ang nakatakdang magbayad ng aming mga buhay.
Ako si Shekainah Imperial at ito ang pagpapatuloy ng mahabang kasaysayan ng Imperial Family...
------Shekainah Ocampo's POV------
6 years old ako nun nung mangyari ang pinakamalagim na bahagi ng buhay ng pamilya Imperial.
Paskong-pasko noon at lahat ay abala para sa kaarawan ni lolo Zheng. Dec. 25 kasi nataon ang kanyang kaarawan kaya isinabay na namin dun ang pag-aabang sa araw ng Pasko.
11:45 pm na. Labinlimang minuto na lang ay noche buena na kaya kailangan na naming bumaba nina mommy sa sala.
Suot ko ay magarang puting damit kaya napatingin ang lahat ng tao sa amin habang bumababa kami nina mommy, daddy at baby Earth ng hagdan.
Oo, may kapatid pa akong lalake. Buti na lang buntis na pala si mommy bago pa man nagpa-vasectomy si daddy noon kundi buong buhay talaga nilang pag-aawayan yun. Kaya naman alagang-alaga ni mommy si Earth at ako? Etsa pwera lang naman! Hayyy...
Kasalanan ko din naman kasi papa's girl ako eh. Ayoko kay mama kasi namamalo kaya hindi kami close.
Daig pa ng mga guest ang naengkanto pagkakita sa akin. Pagdating sa baba ay sinalubong agad ako ng pisil sa mukha ng mga kamag-anak, katrabaho, kaibigan at kakilala ng mga magulang ko.
"Ang cute cute mo hija. Mana ka talaga sa iyong ina." Puri sa akin ng may edad na babae.
"Hala ayan na ang prinsesa ng Imperial Family!" Bulalas naman ng medyo bata-batang mga pinagkakatiwalaang mga manggagawa ng Imperial Family.
Talagang napakasaya ng araw na yun kasi tumanggap ako ng maraming-maraming papuri.
"Baby!" Sigaw ni mommy Phoebe mula sa di kalayuan.
"Mommy Bee!" Sinalubong ko ng yakap ang ikalawa kong ina.
"Look at you mukha ka nang dalaga!" Papuri rin nito.
"Baby!" Agad akong binuhat ni daddy Ulysses nung sundan niya si mommy Bee at nakita niya ako.
Sabi niya pa bubuhatin daw niya ako ngayon habang pwede pa kasi kapag dalaga na daw ako baka mahiya na akong magpabuhat sa kaniya. Pero ang nakikita kong totoong dahilan? ay dahil magkaka-anak na sila ng babae.
Yeah, buntis na naman si mommy Bee at 2 months na yung baby sa kaniyang tummy kaya may baby girl na sila bukod dun sa kambal niyang sina Cyrus at Darius na natutulog sa itaas. Pero secret pa yun, wala pang nakakaalam na may baby siya kasi gusto niyang sorpesahin si lolo Zheng sa magandang announcement na yun mamaya.
Medyo chubby kasi si mommy Bee kaya walang nakahalatang buntis na naman pala siya hindi katulad kay mommy Izzy na maaga pa lang nalaman na ng lahat maging ng mga media na dinadala niya ang pinaka-bunso ng 3rd Generation ng mga Imperial.
7 months na lang magkakabunsong lakake na naman ang Imperial Family. Pero ayos lang, di ako magseselos at mamahalin ko pa rin ng husto ang aking mga pinsan gaya ng pagmamahalan ng magpinsang Imperial Ladies including tito Artemi na minsan din naging Imperial Lady.
"Hay sipag talaga ng Ulybe makaka-tatlong anak na sila. Buti pa sila." Pagpaparinig ni mommy kay daddy.
Actually sa kaniya ko nasagap ang chismiss na buntis si mommy Bee. Hehe.
Sa dulo naman ng pasilyo ay nakita ko si tito Levi na pinapatahan si Maki. Yes, si tito Levi ang nagbubuhat kay Tamaki Ershie. Hands-on dad kasi siya.
Si tito Jay naman, proud na proud na proud na proud din sa 1 year old na si baby Clyde na buhat-buhat ni mommy Azalea.
Si mommy Rue naman ay nasa isang sulok at kinakantahan ang surrogate baby na si Nayomi. Until now umaasa pa rin silang magkaka-baby boy ni daddy Clifford. Hindi naman nila masisi ang bata dahil naging babae ito.
Sina mommy Megan naman ay nasa 3rd floor at pinapatulog nila ni tito Tristan si Nickel.
Lumabas kami sa terrace nina lolo Zheng upang panoorin ang mga fireworks. Kahit 6 years old na ako ay nakiki-angkas pa rin ako sa wheel-chair ni lolo Zheng. Si tito Artemi naman ang taga-tulak at sumusunod naman sa amin si tita Eunice na karga-karga si baby Acer Madrid.
3
.
2
.
1
.
BOOM!!! BOOM!!!
Nagimbal ang lahat ng may dalawang sunod-sunod na pagsabog na nangyari sa 3rd Floor.
Kasunod nun ang pagbagsakan ng mga pader at ceiling. Ilang sandali ding nabalot ng makapal na usok at alikabok ang paligid kaya di ko agad nakita ang resulta ng nangyaring pagsabog.
Ng naging malinaw na ang paligid ay nakita ko na lang ang aking sarili na yakap-yakap ng duguang si mommy Ira. Napahanga talaga ako kung pano siya napunta dun sa kinatatyuan ko ng ganun kabilis. Siya na talaga si Super Mom. Kaso kahit ang mga super heroes ay nasusugatan din. May tumutulong dugo malapit sa noo niya at umaagos yun pababa sa kaniyang pisngi.
Panaka-naka ay may mga aftershock pang nangyayari kaya di ako pinagalaw agad ni daddy nung makalapit na siya sa amin. Mukhang ok lang naman sila ng kapatid ko. Umiiyak si Earth dahil yata sa takot pero at least alam kong okay lang siya kasi naririnig ko pa ang iyak niya.
Pero si mommy Ira... bukod sa sugat sa noo ay naipit ang binti niya ng naglalakihang mga bato kaya binigay ni daddy si Earth sa akin para mahawi niya ang mga pabigat na yun.
Marami akong nakitang taong namatay sa harapan ko mismo kaya natakot ako na di rin makaya ni mommy. Naiyak talaga ako nung magdilat siya ng paningin. Nasabi ko talaga sa Diyos na pangako di na ako magiging pasaway kina mommy at daddy.
Sabi ni dad magiging okay lang si mommy kaya nagtiwala ako. Iniwan niya ako kina Dadu Ezra at mommy Izzy kasi kailangan niyang isugod si mommy sa ospital. Sinamahan ko na lang ang third parents ko na hanapin yung iba pang miyembro ng aming pamilya.
Okay naman ang Imperial Brothers at ang mga asawa nila. Buhay rin si lolo pero si lola Helen... di niya nagawang makaligtaas dala na rin ng katandaan.
She's dying nung matagpuan namin siya at habang naghihingalo si lola ay nagkapatawaran pa sila ni lola Crystal. Hinabilin niya pa nga dito si lolo Zheng.
Si lolo naman ay nangakong mananatili dito sa mundo hangga't hindi nabibigyan ng hustisya ang nangyari.
Talagang napuno ng hinagpis ang gabing yun nung tuluyan nang bawian ng buhay si lola Helen pasado ala-una ng gabi. Kaarawan pa man din ni lolo Zheng ay namatay sa harapan niya si lola Helen kaya talagang masakit para sa aming lahat ang nangyari.
Tito Levi managed to protect his family at ganun din sina tito Artemi, daddy Clifford at tito Jay. Pero di namin makita ang Trigan family pati ang kambal ng Ulybe. Kaya naman nag-hysterical na si mommy Bee.
Sa tatlong araw na paghahanap sa guho ay natagpuang buhay ang Trigan. Nagawang protektahan ni tito Tristan ang pamilya niya. By instinct ay lumabas sa pagkatao niya si Silver ng di niya namamalayan kaya nung makita sila ay nasa loob silang tatlo sa matibay na aparador. Sana nga magtuloy-tuloy na yun kasi kailangan talaga namin ang husay at galing niya.
Sa mga anak naman ni mommy Bee ay si Cyrus na lang ang nakita. Umabot ng buwan at wala talagang Darius na natagpuan bukod sa mga bakas ng dugo sa kaniyang crib.
A month after he was declared dead.
Nahirapang makabangon ang Imperial Family dahil sa trahedyang iyon. Imagine, dalawa agad ang nalagas sa aming pamilya sa isang gabi lang at hindi pa natatapos ang lahat sa trahedya dahil nakatanggap din kami ng banta na babalik ang salarin.
Isang di pa nakikilalang kalaban kasi ng Imperial Family ang nag-iwan ng banta sa puting kotse na naka-park sa labas at ang ginamit pa na panulat ay pulang lipstick.
Sabi dun, uubusin daw niya ang lahat ng Imperial na isisilang sa pangatlong henerasyon.
Sabi pa niya, dadanak muli ang dugo kapag sinilang na ang panghuling Imperial.
Kaya pagkatapos ipagluksa ng buong Imperial family ang pagkawala nina lola Helen at Darius, muling nagtipon-tipon ang mga Imperial upang magsagawa ng plano.
Kahit bata pa ako ay hindi ako exempted sa pag-uusap.
"Papa, bakit ang mga apo pa namin?" tanong ni lola Crystal sa gitna ng pulong.
"Isa lang ang naiisip kong dahilan hija. Mukhang malaki ang galit ng taong yun sa akin, sa Imperial brothers o sa Imperial Ladies upang gawan tayo ng ganun." Sagot naman ni lolo.
"Yan din ang palagay ko dad." Sangayon naman ni lolo Arthur.
"Pero bakit hindi na lang tayo ang gantihan? Bakit kailangang ang mga bagong henerasyon pa ang punteryahin nila? Mga kaawa-awang bata lang sila!" Naiiyak na saad ni lola Tomoko.
"Isipin mo nga Tomoko, kapag pinatay nila tayo ano pang silbi ng paghihiganti nila? Kung hindi rin naman natin mararamdaman. Kaya mukhang plano nilang patayin ang mga mahalaga sa atin." Si lolo Kelvin naman ang siyang nagpaliwanag.
Dahil dun, bumuo ng schema si lolo Zheng. Isang plano na magdidikta sa aming mga kapalaran sa hinaharap.
Ang mga Imperial ang tipo na nagpaplano ahead of time. Kaya hindi pa man nangyayari, pinaghahandaan na nina lolo ang mga posibilidad.
Kalahating araw din nilang pinag-isipang mabuti kung pano maililigtas ang aming mga buhay.
Ganun ang mga Imperial, dahil family of businessman lagi kaming nakatingin sa epekto ng mga desisyon namin ngayon para sa hinaharap. Ang tawag diyan ay 'futuristic planning' at di ko akalaing napaka-laki pala ng bahaging gagampanan ko upang maisakatuparan ang mga planong yun.
Sa utos ni lolo Zheng ay pinagbakasyon niya si mommy Bee sa England. Doon ay sinilang naman nito si Tiffany at binigay kina Dutchess Karla at Duke Christian Wales upang palabasing fraternal twins ang anak ng royal couple.
Matapos tanghaling royal princess si Tiffa ay dinala naman siya pabalik ng Pilipinas nina Karla upang masilayan naman ng kapatid niyang si Ulysses na siyang tunay nitong ama.
Ito lang kasi ang nakita nilang paraan upang hindi madamay si Tiffa sa gulo. Habang wala pang nakakaalam na anak siya ni mommy Bee ay kailangan niyang mapalitan ng apelyido, isa yan sa schema na nilatag ni lolo Zheng.
Wala naman kasing may alam na buntis pala si mommy Bee. Ang alam ng lahat ay sampu lang ang 3rd generation including Darius at si Aki ang panghuli na anak ng Ezzy.
Kaya nangamba ang lahat ng mapaaga sa takdang buwan ang panganganak ni mommy Izzy. Matapos kasi na iuwi ang baby ay hudyat na yun ng pagsalakay ng mga kalaban. Ang tanong ay handa na ba kami?
Nasa loob kaming lahat ng function room upang muling pag-usapan ang mga susunod naming hakbang. Hindi kasi namin pwedeng balewalain ang mga naunang banta sa amin dahil alam naming handang pumatay ang mga kalaban. Wala silang sinasanto kahit ang 1 year old noon na si Darius.
Sumilip si tito Levi sa labas ng bintana at dumungaw sa mga gwardiya sa ibaba ng may napansin siya. "Ang mga mafia na nakaposte sa labas, di ko na kilala."
Nasapo ni mommy Ira ang kaniyang dibdib at halatang kinakabahan na siya. "Mga bagong mukha na din ang nakikita kong mga nag-aasikaso sa kusina kanina." Saad nito.
"Akala yata nila di natin mahahalata sa dami nila. Di nila alam na matagal na natin silang pinaghahandaan." Saad naman ni mommy Megan.
"May mga naka-lock na basement, duda ko dun ginapos at tinago sa loob ang mga napalitang mga tao ng Imperial Palace." Pagbibigay alam naman ni tito Levi.
"Tama nga ang hinala natin noon na magkakaroon na naman ng switching ng mga tauhan." Saad ni lolo Zheng.
"Oo, yun ang nangyari noon kaya tayo napasok ng mga kalaban kahit napaka-higpit na ng seguridad sa Imperial Palace. Balewala yun kung ang mga bantay ay isa-isang pinapalitan." Saad naman ni tito Levi.
"Hindi na mapipigilan ito, kailangan nang maisakatuparan ang mga plano." Utos ni lolo Alexander.
Tumango naman si tito Levi at naglatag na ng blue print ng Imperial Palace sa mahabang mesa. Kailangan yun upang malaman namin ang mga escape route na pwedeng daanan.
Pumatong ako sa mesa at matamang nakinig sa mga plano nila.
"Pero lolo! Kakasilang ko lang kay Aki." Tutol ni mommy Izzy sa mga plano nina lolo.
"Wag kang hangal Izzy! Kapag nagpaiwan siya dito, mamamatay siya gaya nina Darius at lola mo. Gusto mo bang mangyari yun?"
"Hindi po lolo." Napilitang saad ni mommy Izzy.
"Kaya ayusin mo ang sarili mo at magpanggap na walang alam. Yun lang ang makakaligtas sa buhay ng anak mo at sa mga pinsan niya."
"Opo lolo." Pinahid ni mommy Izzy ang mga luha niya at handa nang gampanan ang kaniyang parte sa plano.
Ang plano ay magtitipon-tipon lahat ng miyembro ng Imperial Family sa sala upang maging kampante ang mga kalaban at di nila maisip na tinatakas na ni tito Levi ang 3rd Generation.
Isa-isang naglabasan ang mga Imperial sa sala at sinunod ang mga plano. Pumasok si tito Levi at dadu Ezra sa banyo at nung lumabas sila ay nagpalit na sila ng damit. Pinasuot niya rin kay dadu Ezra ang cap at shades niya habang si tito Levi naman ang nag-hood.
Parang gusto kong mapa-palakpak dahil naisip nila yon? Sigurado nga naman na ang unang babantayan ng mga kalaban ay kung nasaan naroroon ang mafia na si Levi Moldovan. Hindi rin pwede na si dadu Ezra o yung ibang mga lalake ang magtakas sa amin. Tanging si tito Levi lang talaga ang may kakayahang mag multi-tasking.
Tinulungang isuot ni mommy Eris kay Levi ang carrier ni Maki matapos turukan ng pampatulog ang mga kawawa kong pinsan upang hindi lumikha ng ingay. Nilagay naman ang iba pa sa push cart at tinabunan ng kumot habang ako naman ang pinagbuhat kay baby Aki. Kahit bata pa ako ay napakalaki ng bahaging gagampanan ko sa pagtakas na ito.
Yumuko si mommy Izzy upang makapantay ako. "Anak, ikaw na ang bahala sa mga pinsan mo. Umaasa kaming lahat sayo."
"Opo mommy Zy." Sa murang edad ay naiintindihan ko na higit pa kanino ang mga dapat kong gawin upang magtagumpay ang planong ito. Bata pa lang kasi ako ay namulat na ako sa mga kakaibang taktika nila kaya di na bago sa akin ang ganito.
"Sumama ka na sa akin Eris." Saad ni tito Levi sa kaniyang pinakamamahal na asawa.
"Hindi pwede, kailangan andito ako para di maghinala ang kalaban na nawawala ang mga bata. Gaya mo kailangan ko rin gampanan ang parte ko sa plano." Sagot naman ni mommy Eris.
"Okay, babalik ako upang iligtas ka. Hintayin mo lang ako." Saad ni tito Levi at hinila pa si mommy Eris upang halikan sa noo at sa labi.
Matapos ang halikan nila ay nagbilin muna si mommy Eris bago lumabas ng sala. "Protektahan mo si Maki at ang iba pa. Umaasa kaming lahat na magtatagumpay ka myLoves."
Tumango si tito Levi at muling pinaalalahanan si mommy Eris. "Napindot na ng lolo mo ang emergency button. Ilang oras na lang darating na ang mga pulis upang saklolohan kayo. Kapag nakalabas na kami nina Shekainah sa Imperial Palace ay pumasok na kayong lahat sa malaking vault ng lolo niyo. It's the safest place para di kayo matamaan ng mga ligaw na bala kapag nagkasagupaan na ang mga mafia, pulis at ang mga di pa nakikilalang kalaban."
Tumango si mommy Eris at tinulak na ni tito Levi ang push cart palabas. Sunod-sunuran naman ako sa kaniya. Pagdungaw ko sa may hagdan mula sa 3rd floor ay nag-iikot na ang mga di kilalang tao sa sala. Mukhang kampante silang wala kaming alam tungkol sa kanila.
Nagtago muna kami ni tito Levi sa madilim na bahagi ng hallway dahil may mga maids na chinecheck ang nursery room.
"Lagot na!" Pabulong na saad ni tito Levi.
Ngumiti lang ako ng malapad sa kaniya at mukhang nagtataka siya sa kakaibang ngiti ko.
"Natutulog ang mga bata." Narinig naming saad nung isang maid na sumilip sa pinto. Muli nila itong sinara kaya nakahinga ng maluwag si tito Levi.
"Anong ginawa mo?" Tanong niya sa akin at nahahalata na yata niyang may kinalaman ako sa nangyari.
Hindi ako nagsalita at tinuro na lang sa kaniya ang kwarto ni mommy Felicity. Natawa ng walang tunog si tito Levi and tapped my head bilang papuri.
Hehe, matalino kaya ako! Ako ang nakaisip na kunin ang mga manika ng pumanaw na si lola Felicity at ilagay sa kama ng mga pinsan ko upang hindi nila mahalatang nawawala kami. Agad sumenyas si tito Levi at nginuso ang kabilang daan patungong back door. Tumango naman ako at nauna nang maglakad patungo doon.
Sa likod kami dumaan at matagumpay kaming nakalabas ng Imperial Palace. Malapit na kami sa kotse ng makarinig kami ng may sumisigaw na nawawala ang mga Imperial!
Dali-dali kaming pumasok ng kotse at nag-iyakan na ang mga pinsan ko. Mukhang nawawalan na ng bisa ang mga tinurok na pampatulog sa kanila. Maliit lang kasi ang dosage nun pero di alintana ni tito Levi ang ingay. Kailangan kasi naming makalayo agad-agad!
Pagdating sa daungan ay sumakay kami ng yate. Malayo-layo na kami ng masundan kami ng mga naka-sasakyan pero hanggang daungan lang sila at di makatawid sa dagat.
"s**t! may bazooka sila!" Bulalas ni tito Levi habang panay ang drive at tingin sa likuran.
Kinabahan ako pagkarinig nun. Ang alam ko sa bazooka ay sumasabog yun. Baka pasabugin kami nung mga humahabol sa amin.
Ilang sandali pa ay may speed boat na dumating lulan ng isang magandang babae. Isa-isa kaming binaba ni tito Levi at nilipat sa speedboat.
"Tito Levi ikaw?" Nag-aalala kong tanong nung nilipat niya ang carrier ni Maki dun sa babae.
"Halika na Levi." Aya din nung babae.
"Dito lang ako. Kailangan ko silang iligaw. Sige na umalis na kayo! Kai, ikaw na muna ang bahala kay Maki at sa mga pinsan mo. Habang inaalam pa namin kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito ha?" Tinapik pa ni tito Levi ang ulo ko bago tumalikod at bumalik sa loob ng yate.
Umarangkada na ang speedboat at napaiyak na lang ako.
May kalayuan na kami ng biglang sumabog yung yate. "Tito Leviii!!!!" Sigaw ko.
"Wag kang mag-alala Kai, hindi madaling mamatay si Levi Moldovan." Saad nung babaeng nagmamaneho ng speed boat.
"Sino ka ba?" Tanong ko sa kaniya habang humihingos.
Lumingon siya sa akin kahit nagda-drive. "Ako si Ozzy, isang kaibigan."
"Eto na tayo!" Saad nito matapos huminto ang speed boat sa baybay ng isang isla kung saan naman kami sinalubong ng mga maids at ng mayordoma na si lola Lily.
Kaya pala siya nawala sa Imperial Palace pagkatapos ng trahedya noon dahil nilipat na pala siya dito sa isla.
"Bilis na bilis!" Di ko maintindihan kung bakit nagmamadali silang lahat. Di ko rin alam kung bakit kami nagtatakbuhan eh mukhang wala namang mga kalaban na nakasunod sa amin.
Ano pa man yun basta ang alam ko lang kailangan naming bilisan dahil hinahabol na kami ng malakas na alon.
Pumasok kami sa loob ng kweba kung saan may bumukas na elevator at binaba kami sa ground floor.
Pagkabukas ng pinto ay namangha ako sa aking nakita.
Nasa loob ba kami ng Eroplano? May mga upuan kasi na naka-hilera at sa bawat upuan ay may mga bintana. Pero nakakatuwa na imbis ulap ang makita ko sa bintana ay mga isda.
Malaki at maluwag ang loob at may mga kwarto din na may mga higaan yun nga lang gawa sa bakal ang pader kaya animo'y nasa loob kami ng isang spaceship... isang malaking-malaking SPACESHIP!
"Lola, lilipad ba tayo ng Mars?" Seryoso kong tanong kay lola Lily.
"Hindi hija... magpahinga ka na... kailangan mo ng sapat na lakas para bukas." Tipid nitong sagot.
Marami akong tanong pero mailap sina lola Lily at yung mga yaya namin kaya walang sumasagot ng direkta sa mga tanong ko. Para bang pinagbabawalan silang magsalita.
Palatanong ako ng mga panahong yun kasi nga bata pa. Marami akong gustong malaman kaya kung ayaw nilang sabihin... ako mismo ang tutuklas.
Kumportable naman sa loob dahil aircon at halos naroon na lahat ng aming kailangan. Binuksan ko ang tv at nanood ng balita. Headline agad ang pagkawala ng 3rd Generation ng mga Imperial.
Ang bahaging yun ay naiintindihan ko naman na parte ng plano nina lolo na maglaho kami sa paningin ng mga di pa nakikilalang kalaban. Ang di ko maintindihan ay kung bakit sinabi ng mga tagapag-ulat na marami nang helicopter na naghahanap sa amin sa malawak na karagatan at hinalughog na daw nila ang mga karatig isla pero bakit ganun? Bakit hindi nila kami mahanap?
Sunod na pinakita sa balita ay ang sumabog na yate at ang sinusugod sa ospital na si tito Levi. Wala siyang mga sugat pero tulala siya. Yakap-yakap naman siya ng umiiyak na si mommy Eris. Masaya akong malaman na buhay ang tito Levi at kasama na niya ngayon si mommy Eris.
Lumapit ako sa telebisyon nung makita ko naman sina mommy Ira at daddy Dylan na nag-iiyakan. Hinimas ko ang screen upang kahit doon man lang ay mahawakan ko sila.
Biglang dumating si lola Lily at pinatay ang t.v. "Hija! Hindi ka dapat nanonood niyan!"
"Lola, alam naman nilang andito ako di ba?" Umiiyak kong tanong.
"Oo alam nila at sa katunayan dadalawin ka nila dito kapag may pagkakataon sila. Hindi lang muna ngayon. Hija, naiintindihan mo naman ang sitwasyon di ba? Alam kong bata ka pa pero alam ko din na hindi ka ordinaryong bata. Hindi man Imperial ang apelyido na dinadala mo pero ang dugong nananalaytay sa ugat mo ay sa mga matatalinong Imperial kaya alam ko na naiintindihan mo ang mga pangyayari di ba?" Tanong sa akin ni lola Lily.
Tumango-tango ako kaya pinisil niya ang magkabilang pisngi ko. "Tama nga ako, alam kong naiintindihan mo na ang mga nangyayari kaya hindi ka iiyak di ba kung hindi mo man makita ng matagal ang iyong mga magulang?"
"Opo! Mommy said I should never cry! Or else she will die." Yun ang mga salitang nasabi ko noon. Pilit kong pinapatatag ang aking sarili sa gitna ng kaguluhan.
"Good girl." Niyakap ako ni lola Lily.
Sa totoo lang mabigat ang loob ko na malayo kina mommy at kina lolo pero mula nung makita kong muntikan nang bawian ng buhay ang mommy ko sa aking harapan ay tumatak na sa isipan ko na kailangan ko nang sundin ang mga utos ng parents ko. Ano man ang sasabihin nila ay susundin ko wag lang silang mawala sa akin.
Kaya nung sinabi nilang kailangan kong protektahan ang mga pinsan ko ay gagawin ko. Gagawin ko ang lahat ng ito para sa kapakanan ng... Imperial Family.
Habang lumalaki ako ay isa-isang nasasagot ang mga katanungan ko. Kahit home-schooled kami ay marami akong nakukuhang mga kaalaman kaya unti-unting nabibigyan ng linaw ang lahat.
Una, kaya pala hindi kami nakita nung mga helicopter kahit sinabi nilang hinalughog na nila ang mga isla sa paligid ay dahil may mga islang lulubog-lilitaw at isa nga ang islang ito sa mga yun.
Saka ko lang din napagtanto na wala kami sa eroplano o sa spaceship kundi nasa loob kami ng tinatawag na- SUBMARINE!
"Lolo Zheng, talagang nakakahanga ka. Dakila talaga ang pagmamahal mo sa pamilyang ito." Yun ang madalas kong sabihin kapag may nadidiskubre akong mga bagong kaalaman na may kinalaman sa pagtatago namin dun sa isla.
11 years after...
Pagkabukas ng elevator ay nagsitakbuhan na kaming magpipinsan sa baybayin upang salubungin ang araw.
"Sugoood!!!" Sabay-sabay naming sigaw nina Clyde, Cyrus, Earth, Nickel, Acer Madrid, Nayomi, Tamaki Ershie, Tiffany at Akira.
Nag-unahan kaming magpipinsan sa labas. Masaya kaming nakalinya at magkakaakbay habang nakaharap sa araw.
Ang sayang tingnan na nakikita namin ang aming mga anino na nag-aakbayan sa buhanginan. "Whoooh!!!" Nagtitilian at naghihiyawan kami sa saya.
Kapag nakakalabas kami ng lungga nagtatalon talaga kami sa tuwa. Umaasa na sa susunod ay sa islang iyon na kami mismo makakaalis.
Yun nga lang may kapalit pala ang kalayaang aming hinihiling.
Simula pa lang ito ng mahaba naming paglalakbay.
-End of Prologue