Pagdating sa kwarto...
Kumatok muna ako sa pinto. "Maki, may dalaw ka."
"Sina mommy at daddy?" Masigla kaming pinagbuksan nito ng pinto.
Napanis bigla ang ngiti niya pagkakita sa amin. "Tita Megan? Ikaw lang pala. Nasa kabilang room sina Nickel." Muli na naman sana niyang isasara ang kwarto ng pigilan namin siya.
"Maki andito ako para sayo." Saad ni tita Megan.
"Hindi ikaw ang magulang ko!" Di sinasadya ay napagtaasan niya ito ng boses.
"Eto maraming padala ang mommy mo para sayo." Pamimilit pa rin ni tita Megan kay Maki.
Ngunit hinawi lang yun ng pinsan ko kaya nagkalat sa sahig. "Hindi ko kailangan yan!"
"Maki pinaghirapan tong gawin ng mommy mo." Pakiusap ni tita Megan.
"Umalis ka na tita Megan."
"Tanggapin mo muna."
"Umalis ka na sabi!" Sigaw niya at tiningnan pa ng matalim na tingin si tita Megan.
Dali-dali ko itong giniya palayo. "Tita tayo na po."
Habang naglalakad palayo ay napahawak si tita Megan sa magkabilang braso niya at parang nilalamig. "Nakita mo yun Kai? Yung mga titig niya? She reminds me a lot of her dad. Ganun ang tingin ng mga mafia na handang pumatay."
"Tita nadala lang siguro siya ng emosyon." Pagtatanggol ko kay Maki.
"Nakakatakot kasi mukha ng kapatid ko ang nakikita ko sa tuwing tinitingnan ko siya pero ang paraan ng pagtitig niya nakaka-pangilabot."
Hay, I can't blame tita Megan kung yun ang impression niya kay Maki. Si Tamaki Ershie Moldovan ay anak ng LEVIS kaya namana nito ang physical looks ni mommy Eris pati ang nunal sa bandang kaliwa malapit sa eye-bags niya pero hindi siya tatanga-tanga at sobrang lakas pa nga niya. Para bang lahat ng physical nakuha niya sa nanay niya pero ang loob? Lahat naman namana niya sa Mafia-Gangster na si Levi Moldovan.
Mabait naman si Maki at hindi rin siya loner. Nakikisalamuha naman siya sa aming magpipinsan pero sa oras na magalit talaga siya lumalabas yung killer eyes niya na naghahatid ng kakaibang kilabot na nanunot sa mga kalamnan ng tinititigan niya.
Lagi niyang binbigyan ng killer eyes ang mga maids pero sa aming magpipinsan wala pa naman. Kasi nga sobrang close naming magpipinsan kaya di niya yun ginagawa sa amin.
Tumawag si tita Megan kay tita Eris at agad nagsumbong. "Grabe Eris yung anak mo? Tinitigan na naman ako ng masama!"
"Ate wag mo na lang pansinin. Namana niya lang ang pagka-aburido ng kaniyang ama." Sagot naman ni mommy Eris sa kabilang linya.
"Panong di ko mapapansin? Eh kamukhang-kamukha mo ang anak mo. Pakiramdam ko ikaw ang gumagawa nun sa akin kaya mas lalo akong kinikilabutan."
"Ate tinanggap ba niya ang mga damit?"
"Hindi, tinapon lang ng maldita mong anak!"
"Ate, isang tao lang ang alam kong sinusunod niya."
"Sino?"
"Si Shekainah. Pakiusapan mo please na paliwanagan si Maki sa sitwasyon ko. Lahat ng magpipinsan malaki ang respeto kay Kai kaya alam ko na pakikinggan nila siya."
Napatingala sa akin si tita Megan bago muling nagsalita. "Naka-loud speak na to. Alam na niya ang gagawin."
Kaya habang bumabalik sa kwarto ni Maki ay napapahawak ako sa aking dibdib. May iniatas na namang tungkulin sa akin kaya di ako mapalagay. Napaka-laki ng expectations nilang lahat sa akin. Di ko sila pwedeng biguin.
Pagkabukas ko ng kwarto ay wala si Maki. Hinanap ko siya sa lahat ng sulok pero wala talaga. Kaya kinabahan na ako.
May nakasalubong akong maid at agad kong tinanong. "Si Maki asan?"
"Lumabas po ng kwarto senyorita."
"Ipaalam mo kay tita Megan bilis na nawawala si Maki!"
"Nakaalis na rin po ang tita Megan mo senyorita." Sagot nito.
"Nakaalis na? Di kaya?" Dali-dali akong lumabas pero wala na yung bangkang sinakyan kanina ni tita Megan. Imposible namang sumama si Maki dun ng di namamalayan ni tita Megan?
Hanggang sa nakarinig na lang ako ng sigaw mula kay Nayomi. "Si Maki! Si Maki! Naglulunod sa dagat!"
Pagkarinig nun ay agad tinigilan nina Cyrus ang kanilang ginagawa at naghubad ang mga ito ng upper shirt upang saklolohan si Maki. Nagsunuran naman sina Earth at Clyde na naghubad din ng mga pantalon at nagtatakbo papuntang dagat.
"Mag-ingat kayo malakas ang alon!" Paalala ko sa kanila.
Naglundagan na sa tubig ang mga ito. Susunod din sana yung iba pero pinigilan ko sila. "Wag!"
"Ate marunong naman kaming lumangoy!" Saad ni Acer.
Pinakita ko sa kanila ang tinatapakan kong buhangin. "Kanina hanggang paa lang ito ngayon ay hanggang tuhod ko na."
Nanlaki ang mata nina Tiffany. "Ano na bang oras ngayon? Lulubog na ba ulit ang isla? Pero sila kuya?" Nag-aalalang saad nito.
"Tiffa!" Pigil sa kaniya ni Acer.
"Bitawan mo ko kuya Ace! Kailangan kong iligtas ang kuya ko!" Naghuhulagpos ito mula kay Acer.
"Wala ka namang magagawa! Mas lalo mo lang silang ipapahamak kapag sumunod tayo dun! Mas madami silang ililigtas kapag nagpumilit ka pa!" Katwiran ni Acer.
"Pero ang kuya koooooooooooo!!!!"
"Tara na Tiffa, palubog na ang isla!" Panay ang hila ni Acer sa umiiyak na si Tiffa.
"Hindi ako aalis hangga't hindi kasama ang kuya ko!" Pagmamatigas pa rin nito at umupo pa sa tubig para lang magpabigat.
Panay ang tingin ko sa dagat, di ko na makita ang apat sa mga pinsan ko. Hanggang bewang na yung tubig kaya kailangan na naming umatras kundi hihigupin kami ng dagat.
Nakita kong gustong tumulong ni Akira pero halata sa mukha niya ang pagdadalawang-isip kaya hinila ko na siya papasok sa kweba. "Tara na, tara na Akira mauna na tayo dun."
"Pero sila-" Naantig ako ng magsimula nang mag-unahan sa pagpatak ang mga luha ng bunso namin.
Samantala, ayaw pa rin paawat ni Tiffa kaya binuhat na siya ni Nickel papasok sa kuweba kahit panay ang palag niya. Siguradong sa isip ni Nickel kung hindi man niya maligtas ngayon sina Cyrus, maligtas man lang niya ang kapatid nito.
Malapit na kami sa kweba ng makita naming bumabalik na sina Clyde, Cyrus at Earth kasama si Maki kaya nakahinga kami ng maluwag. Kumuha si Akira ng malaking lubid at initsa papunta kina Cyrus upang di sila matangay pabalik sa dagat ng malalakas na alon.
Hanggang sa matagumpay kaming nakapasok sa submarine at agad naman kaming inasikaso ng mga maids.
Kahit sa loob ay nagwawala pa rin si Maki. "Bitiwan niyo ko! Gusto ko nang mamatay!"
Nainis na ako kaya binigyan ko siya ng isang malaks na sampal. Sa wakas tumigil din siya.
Dinaan na lang niya sa iyak ang kaniyang frustration. Kahit muntikan na niyang ipahamak ang sarili niya at sina Cyrus, Clyde at Earth ay di pa rin namin magawang sisihin si Maki. Alam namin na may pinagdadaanan lang siya.
"Ate gusto ko nang umalis sa islang ito!" Umiiyak nitong saad habang nagwawala.
Lumapit si Akira kay Maki at niyakap ito. "Ate Maki ayaw mo na ba kaming makasama?"
Pagkarinig nun ay bahagyang humupa ang pagwawala ni Maki. "Hindi naman sa ganun, gusto ko lang makita ang parents ko." Napalitan ng sunod-sunod na hikbi ang pagwawala ni Maki.
Umupo na rin ako sa sahig upang makapantay ang pinsan ko. Siguro ay tama si lola Lily, panahon na upang malaman nila ang kanilang bahagi sa malaking plano ni lolo Zheng nung nabubuhay pa ito. "Maki hindi pa tayo pwedeng umalis dito. Alam mo naman di ba? Delikado kapag lumabas tayo dun! Pinoprotektahan lang nila tayo kaya tayo nandito sa isla."
"Hindi nila tayo pinoprotektahan! Kinukulong nila tayo ate Kai! Patay na si lolo Zheng pero hindi pa rin tayo pinapaalis dito sa isla! Alipin pa rin tayo ng mga salita niya!"
"Tumigil ka na dahil wala kang alam!" Napagtaasan ko na siya ng boses nung magsimula na siyang kuwestyunin ang mga ginawa ni lolo Zheng.
"Ayoko! Ayoko!"
SLAP! Sa wakas ay napatigil din siya ng aking sampal.
"Makinig ka Tamaki Ershie Moldovan! Namatay sina Darius at lola Helen, gusto mo na naman bang maulit yun?"
"Hindi." Patuloy siya sa paghagulgol.
"Kaya nga kailangan mong tatagan ang loob mo! Tandaan mo walang Levi Moldovan o Tristan Garcia na makatutulong sa atin ngayon! Ang meron lang tayo ay ang isa't-isa."
Tumayo ako at isa-isang sinuyod ng tingin ang mga pinsan ko habang nagsasalita. "Akala niyo ba kayo lang ang nahihirapan? Mas doble ang hirap ng sitwasyon nila sa atin dahil mga anak nila tayo pero kailangan nila tayong tiisin kasi gusto nilang mabuhay tayo! Kaya sana naman sikapin din nating mabuhay para sa kanila."
"Sinasabi mo yan kasi hindi mo naman alam ang pakiramdam ng walang magulang! Kahit isang beses sa isang taon ay nadadalaw naman kayo ng inyong mga magulang pero ako? Kahit isang beses ay hindi ko pa nayayakap ang nanay at tatay ko!" Umiiyak na katwiran ni Tamaki.
"Maki alam ko ang pakiramdam mo. Pero dapat matuwa ka kasi kahit papano gusto kang makita ng mga magulang mo pero wala lang talaga silang pagkakataon. Pero yung ama ko, marami namang paraan para makita niya ako pero ayaw niya lang talaga kasi sa tuwing nakikita niya ako mumultuhin siya ng alaala ni Darius. Di ba mas masakit yun na sarili mong ama ang nag-iisip na sana hindi ka na lang sinilang sa mundo?" Kahit si Cyrus ay nagdadrama na rin.
"Hay Cyrus pakiusap wag mong isipin yan! Mahal ka ng iyong ama! Hindi madali ang pinagdadaanan niya kaya sana bigyan mo pa siya ng panahon na makapaghanda sa pagkikita niyo. Ikaw naman Maki hindi madali ang mag-alaga ng baliw. May mga pagkakataong kalamado ang daddy mo pero mas madalas nagawawala siya at tanging mommy mo lang ang nagpapakalma sa kaniya. Kapag pumunta ang mommy mo dito tapos nagwala ang daddy mo dun sa Amerika di ka ba natatakot para sa daddy mo?" Paliwanag ko sa kanilang dalawa.
"Ganun siya! Mas mahal niya talaga si daddy!" May himig ng tampo sa tono ni Maki.
"Maki mahal ka ng mommy mo. May dahilan kaya pinili niya ang side ng daddy mo kaya intindihin mo na lang sana siya." Panay pa rin ang kumbinsi ko sa kaniya.
"Kailanman hindi ko siya maiintindihan!" Talagang pinanindigan pa rin nito ang pagmamatigas niya.
Sinapo ko ang magkabilang pisngi niya. "Maki makinig ka, kapag 18 years old ka na at napublish na ang libro kong Imperial Series, basahin mo dun kung pano ka binuo ng pagmamahal ng iyong mga magulang. Gawin mo yun kapag handa ka nang buksan ang iyong puso't-isipan para sa kanila.
Itong sinasabi ko ay hindi lang para kay Maki. Kundi para din sa inyong lahat. Ginawa kong exciting ang pag-aaral niyo sa kasaysayan ng ating pamilya kaya sinulat ko siya at ginawang nobela. Pagdating niyo ng Maynila, hanapin niyo ang librong yun at basahin. Marami pa kayong hindi alam na kwento tungkol sa ating mga lolo at lola at mga magulang." Bilin ko sa kanila.
"Pagdating ng Maynila? Pupunta tayo ng Maynila?" Nangingislap ang mga mata ng mga pinsan ko lalo na ni Akira habang nagtatanong nun sa akin.
Napatingin muna ako kay lola Lily at tumango naman ito bilang pagsangayon kaya muli akong humarap kay Akira at pinaalam na ang dapat nilang gawin.
"Oo tama ang narining niyo, pupunta tayo ng Maynila."
"Yehey!!!!!!!" Koro ng mga pinsan ko. Maging si Maki ay napangiti ng balitang yun.
"Ngunit hindi tayo sabay-sabay na pupunta dun."
"Ay? Bakit naman?" Koro nilang lahat.
"Bago namatay si lolo Zheng nag-iwan siya sa amin ng isang schema. Pinalabas niyang anak si Tiffa ng royal family upang mapalitan ang apelyido nito, pinalabas na missing tayong lahat dahil sa pagsabog sa yate at pinadala niya tayo dito sa isla kung saan tayo namamahay sa loob ng submarine. Lahat ng ito ay parte ng plano."
"Ang galing naman ni lolo Zheng!" Namamanghang saad ni Acer.
"Oo, pero batid niyang hindi niya tayo pwedeng ikulong dito ng panghabambuhay kaya pagdating ng ika-labing walong kaarawan natin ay dadalhin nila tayo ng Maynila para mag-aral ng kolehiyo."
"Kung pwede naman palang ganun bakit di na lang tayo pinag-aral dati pa sa Maynila ng elementary at high-school? Hindi na sana tayo home-schooled. Bakit kailangan pa nila tayong ikulong dito?" Tanong ni Acer.
"Dahil mga bata pa tayo noon. Di pa natin kayang protektahan ang ating sarili kaya kailangan muna nilang hintayin na dumating tayo sa tamang edad." Sagot ko sa kaniya.
"Ahhhh... tama nga naman, ang husay naman ni lolo upang maisip ang ganito." Humahangang saad nito sa aming lolo.
Ganyan si Acer Madrid, matanong at observant. Mana sa ama niyang si Light Artemi Imperial. Namana din niya ang parehong pagiging artistic ng mga magulang niya. Siya ay man of few words, tahimik, serious magaling mag-persuade ng tao. Mahusay sa sales talk at napakagaling mangumbinsi. Malayo ang mararating ng batang to dahil malalim mag-isip. Kung si Nayomi ay nauuna ang salita bago mag-isip itong si Acer nauunang mag-isip bago magsalita. Paborito nga niya ang linya ng isang kanta na 'wise man says only fools rush in'. Kaya naman sa aming magpipinsan siya ang 'DECISION MAKER', bukod kasi sa siya lang ang may apelyidong Imperial eh marunong siyang makinig sa opinion ng iba at alam niya how to weigh things kaya malaki ang tiwala naming lahat sa kaniya.
"Yehey!!! Makikita na rin natin ang tunay na mundo! Let it go! Let it go!-" Pakanta-kantang saad ni Nayomi.
Nagsimula na namang kumanta si Nayomi. Hindi man siya anak ni daddy Clifford ay nagtataglay pa rin siya ng magandang boses. Alam niyang surrogate baby lang siya kaya pinaghusay niya ang sarili sa pagkanta upang ma-impress ang mga magulang niya sa pag-asang matatanggap siya ng mga ito ng buong-buo. Kahit naman kasi nadadalaw siya ng parehong mga magulang niya pakiramdam niya ay malayo pa rin ang loob ng kaniyang ama sa kaniya kasi umaasa pa rin sila hanggang ngayon na sana naging lalake na lang siya. Hindi na rin kasi pwede pang magkaanak si Rue dahil nga sa may magtatangka pa rin sa buhay ng anak niya kung sakali mang subukan ulit nila ang surrogation. Maaawa lang si tita Rue sa bata kaya mas pinili niyang hintayin na lang ang kamatayan niya kesa makita ang kamatayan ng mismong anak niya.
Kaya naman sabik din itong si Nayomi na makapiling ang mga magulang niya bago pa man pumanaw ang kaniyang ina. Pero sa kabila ng kalungkutan nagagawa pa rin naman niyang ngumiti at daanin sa pag-kanta ang mga problema. Oo, mahilig siyang kumanta. Kung pwede lang na pakanta na lang lagi ang paraan ng pagsasalita niya ay gagawin niya. Sa aming magpipinsan mala-opera siya kung magsalita. Laging may tono ang bawat salita niya kaya nakakatuwa rin siya. Gaya ngayon na Let it go na naman ang kinakanta niya."
"Let it goooooooooo-"
"Wag kayong masyadong matuwa guys, iba ang magiging buhay natin dun." Putol ko sa kasiyahan nila.
"Iba? Pano magiging iba?" Tanong sa akin ni Nickel.
"Pagdating ng Maynila kailangan niyong makakuha ng scholarship kasi hindi tayo bibigyan ng pera ng ating mga magulang."
"Sa lakas ko pwede na akong construction worker. Kaya kong mabuhay kahit saan." Matigas na saad ni Nickel.
Umakbay naman si Clyde kay Nick at nagbiro. "Or pwede ka ring magnakaw."
"Loko!" Pag-alma ni Nickel sabay tulak ng malakas kay Clyde.
Nagtawanan naman kaming lahat.
Yan naman si Nickel, ang LAKAS naming magpipinsan as in literal na lakas. Mala-Hercules siya, maganda ang hubog ng katawan at may taglay na kakaibang lakas. Bunga yan ng araw-araw na sipag sa pag wowork-out. Namana niya ang pagiging misteryoso ng kaniyang ama na si Silver. Hindi namin siya ma-gets paminsan-minsan kasi pabago-bago ang mood niya. Minsan sobrang tahimik niya pero minsan sobrang maingay naman. Hindi siya pikon at may self-control. Mukhang basagulero pero hindi naman talaga. Yan nga ang pinaka-gentleman sa mga pinsan kong lalake eh.
"Gwapo ka naman bro kaya maging gigolo ka na lang!" Payo na naman ni Clyde.
"Tsk!" Yun lang naging sagot ni Nickel sa mga biro ni Clyde. Buti na lang hindi pikon si Nickel kundi matagal nang basag ang bungo ni Clyde pag nagkataon.
"Pagdating dun hindi tayo pwedeng magpansinan." Basag ko na naman sa kasiyahan nila.
"Ano!?" Halata sa mukha nila ang labis na pagkabigla.
"Kailangan nating magpanggap na di natin kilala ang isa't-isa." Paglilinaw ko sa kanila.
"That is so silly!" Si Tiffany ang pinaka-unang umalma.
"Bakit ate? Bakit kailangan nating gawin yun?" Tanong sa akin ni Earth.
"Kapag nagkumpulan kasi tayo, baka may maka-alam na tayo yung mga nawawalang Imperial. Tandaan niyo na may Acer Madrid Imperial tayo dito. Una siyang iba-background check kung sakali mang may kalabang maka-halungkat ng mga files niya at siguradong aalamin din ng mga ito ang mga nakakasalamuha ni Acer."
"Mahuhuli nga tayo pag ganun." Sangayon naman ni Acer.
"Matagal nang case closed ang pagkawala nating 3rd Generation, wag na tayong gumawa ng eksena na magiging dahilan upang muling mabuhay ang tungkol sa atin. Kaya nga kailangan nating magpanggap na hindi magkakilala." Saad ko sa kanila.
"Eh pano yan? Malalaman ng mga kalaban na isa akong Imperial?" Tanong ni Acer.
"Hindi rin Ace dahil maraming Imperial sa Pilipinas. Idagdag mo pa ang maraming impostor."
"Hmmm... may punto ka dun ate."
"Basta hindi mo lang kami kasama malabong magduda sila sayo." Assurance ko sa kaniya.
"Kung ganon wala na palang problema." Saad ni Ace.
"Ang inaalala ko na lang ay si Maki. Konti lang kasi ang may Moldovan na apelyido sa bansa."
"Eh pano yan? Mahuhuli si Tamaki! Malalaman nilang anak siya ni tito Levi!" Nag-aalalang tanong ni Akira.
Napatingin si Maki sa akin at nagtatanong din ang mga mata niya.
"May choice siya, ang magtago dito sa isla hanggang di pa nareresolba ang kaso o ang palitan niya ang kaniyang apelyido." Saad ko.
"Ayokong magpaiwan dito!" Mariin niyang pagtutol.
"Kung ganon mas pinipili mong magpalit ng apelyido?" Tanong ko sa kaniya.
"Oo ate Kai. Kung yun ang kinakailangan."
"Pero kailangan ikaw mismo ang mag-file nun kasi hindi yun pwedeng gawin ng magulang mo sa sitwasyon nila ngayon. Kaya kailangan mo pang maghintay na tumungtong ka ng desi-otso. Tapos mahaba pa ang proseso nun kaya baka di ka makaabot sa pasukan." Pagbibigay alam ko sa kaniya.
"Anong pinupunto mo ate? Na hindi na ako makakasama sa inyo sa Maynila? Na mabubulok na ako sa islang ito?!" Sunod-sunod niyang tanong sa akin.
Napayakap sina Tiffa at Nayomi kay Maki.
Bumuntong-hininga muna ako bago muling nagsalita. "May alam akong paraan upang madaling mapalitan ang apelyido mo Maki."
"Ano?" Tila naiinip niyang tanong.
"Kung magpapakasal ka."
"Ano!?" koro nilang lahat bukod kay Maki.
Nakapamewang ito habang nagsasalita. "Hindi na ako nagugulat na yan ang suhestiyon mo ate."
"Pwede ka namang mag-divorce agad pero at least mapaplitan na ang apelyido mo." Pampalubag-loob ko sa kaniya.
"Woah!? Si Maki magpapasakal?" Isang malaking reaksiyon mula kay Clyde na tila ba ngayon pa nagpoproseso sa isip niya ang lahat.
"Tumahimik ka nga Clyde! Sige ate Kai gagawin ko, magpapakasal ako. Basta hanapan niyo ko ng maganda-gandang apelyido ha." Request nito sa akin.
"Sige bibigyan ka namin ng listahan ng mga pagpipilian." Natuwa naman ako na hindi na siya kumontra. Mukhang mas nanaig ang kagustuhan niyang makaalis ng isla.
"Eh yung lalake?" Tanong ni Tiffany na ang tinutukoy ay ang pakakasalan ni Maki.
"Magpapahanap ako kay ate Demi ng lalakeng handang ibenta sa atin ang apelyido niya."
"Tsk! May katapat na pera talaga ang lahat ng bagay." Saad ni Maki sabay irap.
"Kaya sa mundong ito, kawawa ka kung wala kang pera kasi lahat ng bagay may presyo kahit pa pag-ibig." Saad naman ni Acer.
"Ate Maki pumapayag ka na ba talaga sa lagay na yan?" Usisa ni Akira.
"May magagawa ba ako Akira? Baka kapag di ko sinunod ang gusto ni lolo bumangon yun sa hukay at sakalin ako." Pagbibiro ni Tamaki.
Nagtawanan kaming lahat sa birong yun.
"Hanggang kelan naman tayo magpapanggap na di magkakilala?" Tanong sa akin ng aking kapatid na si Earth.
"Kapag naging okay na ang lahat." Tipid kong sagot.
"Kelan naman magiging okay ang lahat?" Tanong ulit nito.
"Kapag bumalik na sa katinuan si tito Levi at nagbalik na ang alaala ni tito Tristan at kapag nahuli na rin ang utak sa pagpatay kina lola Helen at Darius. Tandaan niyo, hindi natin kilala ang ating mga kalaban kaya kailangan natin ng extrang ingat." Bilin ko sa kanila.
"Ate pano yan? Next month na ang birthday mo. Iiwan mo na ba kami?" Naiiyak na tanong ni Tiffany.
"Oo, Tiffa kailangan eh. Kaya sana ngayon pa lang sanayin mo na ang sarili mo na mahiwalay sa kuya Cyrus mo."
Naiiyak na tumingin si Tiffa kay Cyrus at lumapit naman ang huli upang yakapin ang kaniyang kapatid.
"GROUP HUUUUUUUUUUUGGGGG!!!" Sigaw naman ni Clyde.
Nagyakapan kaming magpipinsan at nangangakong poprotektahan ang bawat isa at ang buong pamilya Imperial.
Habang nagyayakapan kami ay napapatingin ako kay Akira. Malakas ang kutob ko na siya ang barko ni Noah na magliligtas sa aming lahat.
-EndOfChapter1-