Chapter 2 -- 18th Birthday of HOPE

4018 Words
  Imperial Series III by Aya_hoshino ------Akira's POV------ Sumilip ako sa pinto ng kwarto ni ate Kai at ni ate Nayomi. Roommates kasi sila kaya nasa iisang kwarto lang sila. Tulog si ate Nayomi habang si ate Kai naman ay may tinitipa sa kaniyang laptop. "Ate Kai." Pumasok ako sa loob at nagtuloy-tuloy sa kaniyang kama at tumabi sa kaniya. Agad niyang sinara ang kaniyang laptop bago siya humarap sa akin. "Ate Kai anong ginagawa mo?" Usisa ko rito. "Akira bakit gising ka pa?" Di niya sinagot ang tanong ko. "Huhu, sinipa kasi ako ni kuya Cyrus sa mukha eh!" Sumbong ko sa kaniya. Kami naman ni kuya Cyrus ang roommate kaya madalas niya akong nasisipa sa mukha. Sa likot niya kasing matulog ay tumatawid hanggang sa kabilang kama ang paa niya para manipa. "Hay ang likot naman kasi nun eh." Komento ni ate Kai. "Ate anong sinusulat mo?" Tanong ko ulit sa kaniya. "Ah ito? Ito ang kasaysayan kung bakit nagkaroon ng cute na Akira ang Imperial Family." Saad niya sabay pisil sa magkabilang pisngi ko. Bumukas ang pinto at pumasok ang natatarantang si manang Lily. "Kai, andiyan na ang mga mafia!" "Akira magpanggap ka nang natutulog." Inalalayan niya ako pahiga sa kama niya and kissed me on the forehead. Paalis na sana siya ng hilahin ko siya pabalik. "Ate Kai, ika-labinwalong kaarawan mo na ngayon di ba? Happy Birthday!" Bati ko rito. Di niya napigilan ang pagtulo ng kaniyang mga luha. "Salamat, sleep tight baby boy, kailangan mo ng lakas para protektahan ang ating angkan sa hinaharap." Hinaplos niya ako sa noo at saka hinalikan. Pumikit na ako at pinilit ko ang aking sarili na makatulog. Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng tunog ng papalanding na chopper kaya napadilat ako at si Nayomi naman ay nagising sa ingay nun. "Si ate Kai ba kinukuha na nila?" Naalimpungatan nitong tanong. Tango lang ang sagot ko. Dali-dali siyang nagtatakbo palabas kaya wala akong nagawa kundi ang sundan siya. Pagdating sa labas ng kweba ay nagsi-labasan din pala ang mga pinsan ko sa kani-kanilang mga kwarto kaya sabay-sabay naming hinabol si ate Kai. "Ate Kaiiiiii!!!!" Tawag naming lahat sa papaalis na si ate Shekainah. Bago pa man nakasakay sa helicopter si ate Kai ay lumingon muna siya sa amin. Pinahid niya ang mga luha niya at saka nagtatakbo pabalik sa amin. Doon na kaming lahat nag-iyakan. Nakakalungkot isipin na makakaalis nga kami sa isla pero kailangan naman naming maghiwa-hiwalay. "Tandaan niyo lagi ang mga bilin ko ha." Paalalang muli ni ate Kai. "Oo ate Kai pangako." Koro naming magpipinsan. "Alalahanin niyo, walang Levi Moldovan at Tristan Garcia na poprotekta sa atin kaya mag-ingat kayo dun. Di rin natin maaasahan ang tulong ni daddy Ses dahil alam niyo naman na di pa niya matanggap ang pagkawala ni Darius. Ayaw din makialam ni papa Dylan, tito Jay at tito Clifford dahil baka mas mapahamak lang tayong lahat. Si tito Artemi naman at ang Imperial Brothers kailangan mag-concentrate sa mga negosyo natin upang masigurong may mga mamanahin pa tayong lahat." Mahaba niyang litanya. "Mana? Sila ang kailangan natin hindi pera!" Pag-angal ni Tamaki. "Nasasabi mo yan ngayon Maki dahil nabibigay naman dito sa isla lahat ng pangangailangan mo pero sa oras na lumabas ka na dun makikita mong kailangan natin ng pera upang mabuhay. Kaya maaasahan ko ba nag kooperasyon niyong lahat?" Tanong ni ate Shekainah sa amin. "Opo ate Kai, pangako tatandaan naming lahat ang mga bilin mo." Koro na naman naming magpipinsan. Sumakay na ulit si ate Kai sa helicopter at kumakaway sa amin mula sa malayo. Unti-unti nang lumiliit ang imahe niya hanggang sa tuluyan na siyang naglaho sa aming paningin. "Ate Kaiiii...." Nag-iyakan kaming lahat para sa ate naming unang nawalay sa amin. Imagine, 6 years ang tanda ni ate Kai sa iba naming pinsan at 7 years naman sa amin ni Tiffany kaya ang tagal pa ng kailangan naming hintayin upang masundan siya doon sa Maynila. Walang text, walang tawag, wala kahit anong means of communication pagdating doon. Kaya anim na taon din kaming mangungulila kay ate Kai. Mula nung nawala siya tila ba napakabagal ng pag-usad ng panahon. 1 year ang lumipas... 2 years ang lumipas... 3 years... 4 years... hanggang sumapit ang 5 years... Talagang napakabagal ng pag-usad ng panahon. Kahit nagkakasiyahan kaming magpipinsan sa isla hindi pa rin maalis yung lungkot at pangungulila sa aming nakatatandang pinsan na si ate Shekainah. Nagdiwang ang lahat ng sa wakas malapit na ang kaarawan ni kuya Clyde kaya malapit na siyang kunin ng mga mafia. Hindi dahil sa ayaw naming makita ang pagmumukha niya sa isla kundi dahil natutuwa kami para sa kaniya kasi makakasama na niyang muli si ate Kai. Nung sinusundo na si kuya Clyde talagang nakakapanibago.  Nag-joke si kuya Clyde ng ganito. "May kambal ako pare, nakakaasar lang kasi siya ang umuutang tapos ako yung pinagbabayad. Kaya ngayong patay na ako, siya naman ang nilibing!" Matagal bago tumawa yung iba sa joke na yun pero ako imbis na matawa gaya ng lagi kong ginagawa ay napaiyak pa ako at napayakap kay kuya Clyde. "Akira, lagi ka namang tumatawa sa mga jokes ko ah kahit ilang beses mo nang naririnig tumatawa ka pa rin. Bakit ngayon di na kita napapatawa?" Nalulungkot nitong tanong sa akin. Malamang nanibago rin si kuya sa akin kasi sa aming magpipinsan ako yung bungisngis. Madali akong patawanin kahit corny ang jokes niya ay natatawa ako at kahit pa paulit-ulit ko na yung naririnig ay natatawa pa rin ako gaya ng una ko yung narinig. Ganun ako ka-avid fan ni kuya Clyde. "Tumawa ka!" Pagksabi nun ay kiniliti ako ni kuya Clyde kaya natawa na nga ako. Alam niya talaga kung pano ako mapatawa. Memoryado na niya kasi ang mga kiliti ko. "Yan ganyan nga, wag mong alisin sayo ang happy face mo kasi yan ang asset mo. Gwapo kang bata Akira. Kamukhang-kamukha mo ang tatay mong si Ezra Lim. Namana mo ang tsinito niyang mata na animo'y laging nakangiti. Yun nga lang namana mo rin ang pagka-pandak ng nanay mo pero okay lang yun, bata ka pa naman at ikaw pa yung bunso sa ating magpipinsan kaya malaki pa ang tsansa na tumangkad ka pa. O kung hindi man, okay ka na rin sa ganyan eh, pasok na pasok ka na sa salitang 'CUTE' kaya gamitin mo yan para mang-akit ng mga babae pagdating mo ng Maynila." Bilin nito sa akin. "Si kuya talaga! Wag mo ngang itulad si Akira sayo na p*****t!" Reklamo ni Tamaki. "Oy! Maki mabait kaya ako." Pagtatanggol naman ni kuya Clyde sa kaniyang sarili. Nagulat kami ng mag-step forward si Tiffa at may inabot kay kuya Clyde. "Kuya, di muna kita aasarin ngayon na pangit kasi aalis ka na." "Asus! Ano to? Hala! Yung jersey na pinag-awayan natin noon?" Namamanghang tingin ni kuya sa laman ng paper bag na binigay ni Tiffa. "Tinahi ko na yan kaya pwede mo nang gamitin kuya Clyde." Tila maamong daga ngayon si Tiffa kay Clyde. Agad hinubad ni kuya Clyde ang damit niya at pinalitan nung jersey saka niyakap si Tiffany. "Mamimiss kitang kaasaran bubwit!" "Ako din kuya pangit sobrang mamimiss kita huhuhu..." sunod-sunod na hikbi ang binitawan ni Tiffany. "Shhhh... tahan na!" Saad ni kuya Clyde sabay yakap dito. "Group huuuuuuuuggggg!!!!" koro naming lahat at inipit nga namin ang dalawang nagyayakapan. Sa paglipas ng panahon, nasaksihan ko kung pano isa-isang kinukuha ang mga pinsan ko sa akin. Sa bawat pag-alis ng isa sa amin ay nag-iiyakan muna kami. "Kuya Earthhhhhhhhhhhhh!!!" Halos inudnod na namin ang mukha namin sa damit ng matangkad na si kuya Earth. Dahil sa height niya ay para na namin siyang ama sa Isla. Kanya-kanya kaming padala ng mga gamit upang ibigay kina ate Kai at kuya Clyde. Umaasa na maalala pa rin nila kami kapag nakita nila ang mga gamit na yun. Laging gabi kinukuha sila sa amin kaya nung gabing yun pinatingala kami ni kuya Earth sa langit sabay sabing. "Kapag namimiss niyo kami tumingin lang kayo sa mga bituin sa langit at isipin niyo na nasa iisang kalangitan lang tayo nakatingin." "Oo kuya, tatandaan namin lagi yan." Umiiyak na koro naming mga maiiwan. Pagkalipas ng ilang buwan sunod na kinuha ay si kuya Cyrus. Kaya palapag pa lang ang helicopter sa buhanginan ay di na sila mapaghiwalay ng kapatid niya na si Tiffany. "Tita Demi, pwede bang dito na muna ako? Sabay na lang kami ng kapatid ko na magpunta ng Maynila." Pakiusap ni kuya Cyrus kay tita Demi na siyang susundo sa kaniya. "Alam niyo na hindi kayo pwedeng sabay na magpunta dun! Sumunod na lang kayo sa plano ng inyong lolo kung ayaw niyong mas lalong magkahiwalay kapag natulad ang isa sa inyo sa kapatid niyong si Darius! Gusto mo ba yun Cyrus? Gusto mo bang mawalan na naman ng kapatid?" Pananakot ni tita Demi kay Cyrus. Pero kahit naman pananakot yun ay may basehan pa rin naman kaya walang nagawa si Cy.  Bumuntong-hininga muna si kuya Cyrus bago hinarap ang kaniyang kapatid. "Tiffa tama si ate Kai dati, ngayon pa lang sanayin na natin ang sarili natin na magkalayo kasi pagdating ng Maynila hindi na rin naman tayo pwedeng magkasama." "Kuya Cyrus hindi! Ayoko! Natatakot akong mag-isa!" Umiiyak na sigaw ni Tiffany. "Tahan na Tiffa, pansamantala lang naman ito. Magkakasama din ulit tayo. Gagawa tayo ng paraan ha?" Pahigpit ng pahigpit ang yakap ni kuya Cyrus sa kapatid. Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala sa kaniyang maiiwan. "Kuyaaaaaaaaaaaaa!!!" Walang tigil sa pag-iyak si Tiffany matapos tuluyang umalis sa isla si kuya Cyrus. Daig pa niya ang namatayan. Pagkalipas ng ilang araw ay si kuya Nickel naman ang magdiriwang ng kaniyang kaarawan kaya sa unang pagkakataon ay nakita namin siyang umiyak. Hindi naman nakakabawas sa pagka-macho niya ang pag-iyak pero naninibago lang kami kasi ito ang unang beses namin siyang nakita na ganun. "Mga pinsan, isang taon na lang makukumpleto na tayo dun kaya wag na tayong masyadong malungkot." Pampalubag-loob sa amin ni kuya Nickel. "Kuya Nick talaga! Ikaw nga yang umiiyak oh." Saway ni Maki. Natawa na lang ng walang tunog si Nickel sabay hinapit si Maki sa bewang at niyakap. "Sayang di ko makikilatis yung mapapangasawa mo." Pabulong niyang saad kay Maki pero naririnig pa rin namin. Sinikmuraan naman siya ni Maki at sabay silang natawa. "Kuya Nick talaga! Para namang interesado ako sa mapapangasawa ko noh! Pakakasalan ko lang siya para sa apelyido niya." "Malay ba natin kung halang ang bituka nun! Kaya dapat makilatis ko pa rin!" Habang nagsasalita ay pinapatunog ni Nickel ang kaniyang mga buto sa daliri pati sa leeg at tila ba handang-handa nang manggulpi. "Wag kang mag-alala kuya Nick hahanap ako ng relihiyoso." Biro naman ni Maki. "Dapat lang! Pano alis na ako?" Paalam sa amin ni kuya Nick ng makita niyang parating na ang helicopter na magsusundo sa kaniya. "Pero bago ka umalis dapat... GROUP HUUUUUUUUUUUUGGGG!!!!" Sigaw naman ni kuya Acer. Dinala na si kuya Nick ng helicopter pero nakakagulat na nagpaiwan ang mafia na si- Demi Moldovan sa isla. Mukhang alam na namin na ang pamangkin na naman niyang si Maki ang kaniyang sadya. Tiningnan kami ng matalim nito at tila ba pinapaalis na niya kami pero hindi namin siya hahayaang mabigyan na naman ng pagkakataong ma-brainwash si Maki na sumama sa mga mafia. "Pwede ba kitang makausap Maki? Yung tayong dalawa lang?" Istriktang tanong ni tita Demi. Tumingin muna si Maki sa amin bago muling humarap sa kapatid ng kaniyang ama. "Ayoko, gusto ko na nandito sila nang marinig din nila ang mga pag-uusapan natin." "Confidential yun Maki." Pamimilit ni tita Demi. "Puwes! Wala kaming tinatagong sikreto sa isa't-isa." "Okay, sinabi mo eh. Gusto kong malaman mo at ng mga pisan mo na kailangan mo nang magpakasal next week. Yun ang utos ni Shekainah, sangayon na rin sa bilin ng lolo niyo bago ito inatake sa puso." "Wag kang mag-alala di naman ako tatakbo. Para namang may matatakbuhan ako dito sa isla eh napapalibutan kami ng tubig di ba?" "Kung mamilosopo ka sa akin parang hindi mo ko tita ah. Matuto kang gumalang sa akin Maki!" Nag-aalburotong singhal ni tita Demi sa pamangkin niya. "Hindi ginagalang ang mga mafia na tulad mo." Saad ni Maki sa kaniyang kaharap. Talagang matalas magsalita si Maki pagdating sa mga taong ayaw niya. "Wag kang pakampante Maki kasi sa pagiging mafia din ang bagsak mo!" Banta nito. "Humanda na kayong maglaho ang inyong organisasyon dahil kailanman hinding-hindi ko mamanahin ang posisyon ng aking ama!" Ayaw patinag na sagot naman ni Maki. "Ang pagiging mafia ay hindi mo maiiwasan Tamaki Ershie M-O-L-D-O-V-A-N! Gaya ng lagi kong sinasabi, iyon na ang tadhana mo." Binigyan pa ng emphasis ni tita Demi ang apelyido nilang Moldovan upang ipaalala kay Maki kung sino siya. "Hindi kami papayag na maging masama si ate Maki katulad niyo!" Biglang singit naman ng nagtatapang-tapangan na si Tiffany kay tita Demi. "Hindi kami masamang mga mafia Tiffa. Kasi kung masama kami matagal ko nang pinilipit iyang leeg mo babaeng puro arte sa katawan!" Pinandilatan pa ni tita Demi si Tiffa. Umatras naman ang huli at tila natakot sa mga tingin ni tita Demi. Agad naman pumagitna si Maki sa kanila at tinitigan din ng matalim ang kaniyang tita. Sila na ngayong dalawa ang nagtagisan ng tingin. "Lubayan mo ang mga pinsan ko! Binabalaan kita!" "Yan... yang mga matang iyan ang dahilan kung bakit ako kumbinsido na para ka nga sa mga mafia SCORPION!" Biglang saad ni tita Demi na ikinagulat naming lahat. "Scorpion? Sinong tinatawag mong scorpion?" Nagtatakang tanong ni Maki. "Hahaha! Ang codename ng lolo mo ay TIGER, ang nakatatandang kapatid namin ay WOLF ako ay PHYTON, ang tatay mo ay EAGLE kaya ikaw ay binabansagan kong- SCORPION." "Bakit scorpion?" Yun ang tanong ni Maki na siyang tanong rin namin. "Gusto mo naman hindi ba? Ilang beses na kitang nakikita dito na naglalaro ng alakdan. Alam ko na mahilig ka sa alakdan Maki. Isa yang senyales na dapat kang tawaging scorpion. Ang ama ko ay mabilis napadami ang mga mafia kaya siya naging TIGER. Si kuya naman namin ay matapang kaya ayun WOLF ang binasag sa kaniya. Ako naman mahilig mang-ahas kaya PHYTON at si Levi kasing-bilis ng agila ang pana niya kaya siya naging EAGLE ngayon naman ikaw ay-" "Tama na!" Putol ni Maki sa sasabihin pa ni tita Demi. "Oo gusto ko nga yung scorpion pero hindi mo ako makukumbinsing maging mafia dahil lang dun!" Dagdag pa niya. "Bawat mafia may tawag ng pangangailangan...alam kong sasagot ka rin sa tawag na iyon balang-araw Maki." "Tama na, yung inutos ko sayo nagawa mo ba?" Pag-iiba ni Maki sa usapan. "Atat ka yatang mapalitan ang apelyido mo Tamaki?"  "Oo, kasi nasusuka na akong dalhin ang apelyido niyo!" Sumbat ni Maki sa kaniyang tita. "Ganun ba? Tingnan lang natin kung di mo kainin iyang mga sinasabi mo! Oh! Ayan na ang listahan ng mga lalakeng handang magbenta ng kanilang apelyido!" Saad ni tita Demi sabay tapon sa mukha ni Maki nung papel. Agad binuksan ni Maki ang papel na binigay sa kaniya at isa-isang binasa ang mga yun. "Procopio, Manggubat, Mag-aso, Lagos... ano ba tong mga apelyidong to? Nang-aasar ka ba? Wala na bang iba ha?" Reklamo ni Maki. "Basahin mo hanggang sa huli may mahahanap ka rin diyan."  Muling pinagpatuloy ni Maki ang pagbabasa at sa bawat apelyido ay napapangiwi siya. "Paz, Seco, Eduave... Eduave! Maganda ba ang tunog?" Konsulta niya sa amin. "Hmmm... Mrs. Tamaki Ershie Eduave... hmmm pwede na." Nag-thumbs up naman si Tiffany kay Maki. "Anong pangalan nung lalake?" Usisa ni Acer. "Ezekiel." Direktang sagot ni Maki. "Ezekiel? Di ba sa bible yan?" Tanong ko naman. "Nasa bible ba talaga?" Balik-tanong ni Maki sa akin. "Halatang di ka nagbabasa Maki." Saad ko naman sa kaniya. Binatukan niya ako. "Sira! Naniniguro lang!" "Oo, si Eziekel yung-"  "Okay na wag mo nang ipaliwanag. Basta ito na ang pakakasalan ko kasi nangako ako kay kuya Nick na hahanap ako ng God fearing na mapapangasawa." Putol niya sa sasabihin ko pa. "Nagkataon lang na pinangalan sa bible God fearing na agad?" Nagtaas ng isang kilay si Nayomi habang nagtatanong nun. "Nami God fearing to, siguradong pastor ang mga parents nito." Saad naman ni Maki. Napailing na lang si Nayomi kay Maki. "Hay naku bahala ka na nga! Buhay mo naman yan eh!" "Ayan na, bilhin niyo na ang apelyido niyan. Ang tanong papayag kaya yan?" Si tita Demi na naman ang kinausap ni Maki. "Wala siyang magagawa. Ang laki ng utang ng ama niyang parak sa amin." Sagot naman nito. "Okay. Makakaalis ka na. Sandali, darating ba ang mama ko sa araw ng kasal ko?" Humirit pa ng tanong si Maki bago tuluyang paalisin si tita Demi. "Oo, yun ang sabi niya." Sagot naman nito. "Talaga?" Larawan ng isang masayang Maki ang sunod naming nasaksihan. "Oo kaya ihanda mo na ang sarili mo." Bilin ng kaniyang tiya. Maging kami nina Tiffa ay labis na natuwa para kay Maki. Sa wakas ay makikita na niya ang kaniyang ina sa unang pagkakataon. Halatang hindi na siya makapaghintay na matapos ang isang linggo at dumating na ang araw ng kaniyang kasal. Hanggang sa dumating na nga ang araw na pinakahihintay niya... Nasa loob lang siya ng kwarto at nagpapaganda ng husto para sa pagkikita nila ng kaniyang ina. Kami naman ay abala sa pagdedisenyo sa kaniyang beach wedding. Ilang sandali pa ay dumating na ang bangka lulan ng ilang mga mafia kasama na si tita Demi at isang lalakeng nakagapos ang kamay sa likod at nakabalot ng sako sa ulo na tila ba bibitayin na sa araw na iyon. Talagang napamaang kaming mga nakakita. "Parang shot gun wedding lang?" Bulalas ni Nami. Nagkibit-balikat na lang kami nina Acer at muli na namang pinagpatuloy ang pagbubuhat ng mga mesa at paghahanda ng mga pagkain. Nagpupumiglas yung lalake habang pinagtutulungang kaladkarin ng naglalakihang mga mama palapit sa harap ng huwes na magkakasal sa kanila ni Maki. "Aray! Aray!" Narinig naming sigaw nung lalake. Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Maki at agad hinanap ang kaniyang ina. "Asan na si mommy?" "Hindi siya makakapunta." Cool na cool lang ang sagot ni tita Demi. Parang nang-aasar lang. "Pero sabi mo-" "Sinabi ko lang yun para umasa ka." Biglang bitaw ni tita Demi sa mga salitang nagpagunaw sa mundo ni Maki. "Ano?!" Nagulat na tanong ni Maki. "Kasalanan mo eh, panay ang tanggi mong maging mafia kaya mahal na prinsesa ng mga mafia... naisahan din kita. Ang saya hindi ba?" Pang-aasar pa rin ni tita Demi. Suyang-suya na si Maki sa tita niya. "Mandaraya ka talaga tita Demi." Nanggagalaiti niyang saad. "Magaling at natuto ka nang tawagin akong tita. Eto na siya, pakasalan mo na ng matapos na." Tatawa-tawang saad ni tita Demi. Halatang nang-aasar lang. Padabog na kinuha ni Maki ang papel na nasa harapan ng judge. "Ito na ba yung marriage license?" "Oo." Tipid na sagot nung judge. Agad pinirmahan yun ni Maki at nag walk-out. "Pero hija di pa tapos ang seremonya!" Pag-angal nung judge. Pero wala silang nagawa. Walang makakapigil kay Maki sa oras na magalit na ito. "Sige na pumirma ka na!" Utos naman ni Demi dun sa lalakeng mapapangasawa ni Maki. "Di ko po makita ang pipirmahan ko." Reklamo nito. "Hay naku!" Tinanggal ni tita Demi yung sako sa ulo nung lalake at pinapirma na ito. Tinutukan niya ng kutsilyo sa leeg yung lalake matapos nitong lingunin ang papalayong likuran ni Maki. "Aba'y lilingon pa eh!" "Oo na ito na pipirma na!" Natatarantang sabi nung lalake at tinuon na sa papel ang paningin. Di namin nakita ang mukha nung lalake kasi nakatalikod sila sa amin. Pagkatapos nitong pumirma ay binalik na yung sako sa ulo niya at hinila na pabalik ng bangka. "Naman! Nag-abala pa tayong apat para desenyuhan tong beach wedding tapos ganun lang pala kabilis silang magpapakasal? Anong silbi at dinala pa nila yung lalakeng yun dito? Sana pala nagpirmahan na lang sila tapos fax na lang." Panay ang reklamo ni Tiffany. "Hay naku di nga ako nakakanta eh." Dagdag din ni Nayomi. "Hayaan na natin. Tandaan niyo na wala naman talagang ibig sabihin ang kasal na ito. Ginawa lang ito upang mapalitan ang apelyido ni Maki. Pagkalipas ng isang taon mag-didivorce din sila kaya ano pang silbi ng seremonyas ng kasal?" Saad ni Acer. "Tama si kuya Ace, magkakaroon lang ng kahulugan ang kasalang ito kung makakadalo ang parents ni Maki pero kung hindi din lang sila makakapunta siguradong walang kwenta ang pagpapakasal niya." Sangayon ko naman sa sinabi niya. "Hay kawawang Maki." Panay ang iling ni Tiffa. Close na close din kasi sila ni Maki dahil sila ang roommates. "Mas kawawa ako." Biglang singit ni Acer sabay hinga ng malalim. "Bakit ka naman kawawa kuya Ace?" Usisa ni Nayomi. "Nakalimutan niyo na ba na ako na ang susunod kay Maki kapag nakaalis na siya next month?" "Ay oo nga pala. Isa-isa na talaga tayong nalalagas." Nakagat ni Nayomi ang kuko niya sa daliri matapos sabihin yun. Yan ang gesture niya pag kinakabahan. Kinuha na nga si ate Maki sa amin pagkalipas ng ilang araw pero hindi na kami masyadong nalulungkot kasi di tulad ng dati hindi na masyadong matagal ang paghihintay namin bago kami makasunod dun sa mga naunang mawala. Di gaya noon na taon pa talaga ang bibilangin upang sundan si ate Kai. Nakaya nga naming maghintay ng mahigit limang taon para kay ate Kai, ngayon pa kayang ilang buwan na lang magkikita-kita na kaming lahat doon sa Maynila? Kaya kaya namin to! Hanggang sa kinuha na rin sina kuya Acer at Nami sa isla kaya kami na lang ni Tiffany ang natira sa 3rd Generation.  "Pano ba yan Akira? Tayo na lang ang natira. Gusto sana kitang samahan pero-" Tinapik ko siya sa balikat. "Mauna ka na Tiffa. Alam ko namang matagal mo nang hinihintay ang araw na ito na makikita mong muli ang kuya mo. Kapag may pagkakataon na makapag-usap-usap kayo dun, ikamusta mo ko sa kanila ha at pakisabi na lagi ko silang naiisip." Napayakap sa akin si Tiffany. "Oo Aki makakarating." "Happy Birthday Tiffa." Bulong ko sa kaniya. "Salamat bebe bunsoy. Till we meet again." "Oo, TILL WE ALL MEET AGAIN." Hanggang sa tuluyan na ngang kinuha si Tiffany. Palapit na ng palapit.... ng palapit... ng palapit... ...ang araw ng kaarawan ko kaya di na talaga ako makapaghintay. "Hijo, malapit ka nang magkolehiyo at magpunta ng Maynila." Masayang saad ni lola Lily sa akin isang araw. "Lola ano kayang adventure ang naghihintay sa akin dun sa Maynila?" Excited kong tanong. "Hijo, siguradong hindi madali ang buhay na pagdaraanan mo sa oras na tumapak ka sa labas nitong isla. Kaya ihanda mo ang iyong sarili sa malaking hamon na inyong haharaping magpipinsan. Alam mo namang napakalupit ng mundo kaya mag-ingat ka." "Lola wag po kayong mag-alala, Imperial ito! Patutunayan naming ang pagiging Imperial ay wala sa apelyido kundi nasa dugo! Kaya saan man kami makarating makakaya naming mabuhay!" "Pero iyang pagiging Imperial niyo ang magpapahamak sa inyo hijo." "Hay naku si lola talaga! Basta lola kapag maayos na ang lahat... babalik ako dito para dalawin ka." Hindi kumibo si lola kaya nag-alala tuloy ako at pinukaw siya mula sa malalim na pag-iisip. "Lola?" Sa wakas ay nagising na rin ang diwa niya. "Maghihintay ako apo... maghihintay kaming lahat sa pagbabalik mo. Sana magtagumpay kayo." Ngumiti ako at nag-aabang na sa pagdating ng helicopter na susundo sa akin. Ilang sandali pa ay naririnig ko na ito. Ayan na! Ayan na! Ayan na ang pinakahihintay ko! Susunduin na ako ng mga mafia! Ate Shekainah at kuya Earth Ocampo, kuya Clyde Lim, kuya Cyrus de Guzman, kuya Nickel Garcia, Tamaki Ershie Moldovan, Acer Madrid Imperial, Nayomi Romero at Tiffany Wales... darating na ako diyan... magkikita-kita na tayong lahat mga pinsan ko!  Bumaba na si tita Demi at sinalubong ako. "Nakahanda ka na ba Akira Lim?" "Opo, matagal na akong handa." Sagot ko sa kaniya. Umakyat na ako ng helicopter at kumaway sa paliit ng paliit na imahe nina lola Lily at ng iba pang maids. "Eto na... ito na ang simula... nararamdaman ko na..." #EndOfChapter2  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD