CHAPTER 1

1946 Words
Tahimik siyang kumakain ng meryenda sa ilalim ng malaking puno habang nakatanaw sa binata na kausap si Manong Kaloy at ang iba pang ka-trabaho nila. She still can't believe that this unexpected happening will led her to be with a man. "Napaka-guwapo naman ng asawa mo! Lahat naman tayo rito ay may mga asawa pero hindi namin mapigilan na hindi mapahanga sa kakisigan niya!" ani ni Rowena. Mas matanda ito ng sampung taon sa kaniya at nakikita naman niya rito na purong puri lang iyon sa binata. Tatlong araw pa lang siya rito sa farm pero naging sikat kaagad ang binata sa mga ka trabaho nila. Hindi lang dahil sa ka-guwapuhan nito kun'di dahil sa lakas nito sa pagbubuhat ng kahit ano. She always saw Lucifer flexing his manly tattooed arms. Alam naman niyang hindi nito sinasadiya iyon dahil pokus lang ito sa pagta-trabaho pero hindi niya mapigilan na hindi iyon mapansin. Unang araw nila sa pagta-trabaho ay na-interview kaagad sila ng boss ni Lucifer. Hindi naman sila tinanong sa mga background nila dahil may mga dokyumento na naipasa naman na ang binata pero talagang sinigurado ng boss na magkasintahan sila. "Balita ko ay pupunta ang maarteng anak ni boss. Kung ako sa'yo ay dikitan mo ng husto 'yang asawa mo! Gusto ni boss lahat ng trabahador niya ay may asawa o mag-asawang magta-trabaho rin dito para pag pumunta ang maarte niyang anak ay walang mag tangkang pormahan," sambit naman ni Lyn. Habang nagke-kwentuhan sila dahil pahinga rin naman nila ay may nakita silang kotse na paparating. "Ayan na ang bruha! Akala ko ba'y mamaya na ang dating niyan? Magiging alalay na naman tayo ng malditang 'yan!" bulong ni Rowena sa kanila. Umismid si Lyn at ang iba naman ay napatayo pa nang makitang huminto na ang sasakyan sa tapat nila. Masasabi niyang mukhang takot ang mga ito sa anak ng boss nila. "Anong pagpupulong ang nagaganap dito? Hindi pa ba kayo tapos mag meryenda?" bungad sa kanila ng isang babae na kita niya sa kasuotan nito na mahilig sa damit. Iyon kasi ang kadalasan makita niya na sinusuot ng kaibigan. Medyo maiksi pero bagay na bagay sa katawan ni Camille. Napangiwi pa siya ng kaunti dahil kahit pareho manamit ang kaibigan niya at ang anak ni boss ay hindi naman ganito ka-maldita ang kaibigan. Bumaba ang tingin niya sa dibdib nito. Masiyado kasing ipit na ipit iyon tingnan kaya hindi niya mapigilang hindi mapatingin. "Ano ba! Bilisan nga ang lakad at naarawan ako!" sigaw nito sa dalawang taga-payong." Napaawang na lang ang labi niya dahil sa ugali nito. Bigla tuloy siyang naawa sa babaeng taga-payong nito. "Madam Jessica, Good afternoon po. Napaaga po yata kayo ng dating?" magalang na ani ni Mang Kaloy at tiyaka lumapit dito. Pati siya ay nakatayo na rin dahil lahat ay gano'n ang ginawa. Nakita niya ang pagtagos ng tingin nito kay Manong Kaloy, ngayon ay nakatingin na ito sa kaniyang asawa- kay Lucifer. "You are new here? H-hindi ko alam na kumukuha na pala si daddy ng mas batang worker para sa farm?" nautal pa ito at hinawi si Manong Kaloy para lapitan si Lucifer na seryoso lang ang tingin. Gusto niyang mapangiti sa oras na 'yon dahil hindi ngumingiti si Lucifer. Ewan niya ba, natutuwa siya na hindi nito pinagtutuunan ng pansin ang magandang babae. "Sabi sayo... Mata-target talaga si Dominic!" bulong sa kaniya ni Lyn. Tumikhim lang siya at binalik ang tingin sa binata. "Ako po si Dominic, tatlong araw pa lang po kami ng asawa ko rito sa farm," pagpapakilala ng binata gamit ang seryosong mukha. Narinig niya ang pagpipigil na tawa ni Rowena kaya pasimpleng tinapik niya ito dahil lumingon na sa kanila si Jessica. "Are you laughing right now?" taas kilay na ani ni Jessica. "H-hindi po madam. Pinigilan ko lang ang ubo ko." Umirap sa kanila si Jessica pero binalik din ang tingin sa binata. "So you have already a wife? You look so young-" "Yes madam... Ito po ang pinakamagandang asawa niya." Nanlaki ang mata niya nang marahan siyang itulak ni Lyn papunta sa binata. Nagkatinginan sila ng binata at mukhang naramdaman nito ang kaba niya kaya mabilis siyang hinawakan sa kamay para hatakin at akbayan. "Ito po ang asawa ko Madam Jessica." Napalunok siya dahil sa kaba pero ngumiti pa rin siya rito. Baka mabuking sila na hindi magkasintahan kung ganito siya aakto. "Magandang hapon po Madam-" "Walang maganda sa hapon ko. Kayong lahat, tapos na ang pahinga niyo at bumalik na kayo sa trabaho niyo!" sigaw niya sa lahat. "May 10 minutes pa po-" "Ano naman? Sinusuway niyo ba ako?" putol nito sa isang trabahador na umapila. "H-hindi po Madam." Sinenyasan sila ni Manong Kaloy na sumunod na lang at bumalik na sa trabaho. Wala silang nagawa kung hindi sundin ang mga ito. Humiwalay siya kay Lucifer para sumama kila Rowena dahil ito ang kasama niya sa pagwawalis ng mga dahon na nahuhulog galing sa mga puno. Mabuti na lang ay sanay siya sa mga ganitong gawain dahil sa kadalasan niya sa pagvo-volunteer. "Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho dito ay matagal ko ng sinabunutan niyang maldita na 'yan. Kaya siguro walang nagtatagal na kasintahan 'yan ay dahil sa ugali," pagra-rant ni Lyn sa kanila. Tahimik lang siya habang nakikinig sa mga ito at habang naglilinis. Siguro kung alam lang ni Camille kung nasaan talaga siya at kung ano ang ginagawa niya ay pagtatawanan siya nito. Sinabihan niya kasi ito na hindi siya matutuloy rito pero kung sakali man na tanungin ito ng magulang niya ay pagtakpan na lang siya. May tiwala naman sa kaniya ang kaibigan kaya hindi na nagtanong pa ng kung ano ano. Ipapaliwanag na lang niya rito ang lahat lahat pag nakauwi na siya. Pwede siyang umuwi, kaya naman niya tanggihan ang lalaki na hindi niya kaya ang isang buwan pero may nag uudiyok sa kaniya na tulungan ito dahil pakiramdam niya ay kailangan niyang tulungan ito. Napatigil siya sa pagwawalis nang makita sa malayo si Lucifer na bitbit si Jessica. Tanaw niya na mukhang nahihilo ang babae dahil natataranta ang dalawa nitong alalay. "Sinasabi ko sa'yo Maria! Bakuran mo na ng asawa mo! Mukha namang hindi madaling matukso iyan si Dominic pero iyang bruha na 'yan gumagawa na ng paraan!" ani ni Lyn. "Hindi mo pa siguro alam ang kwento! Kaya naging mahigpit noon si boss at may mga asawa na lang ang kinukuha dahil may guwapong probinsiyano dito dati. Moreno, matikas at mabait talaga. Iyang bruha na 'yan ang nahumaling at dahil mabait lang 'yong probinsiyano ay lahat ng utos ng madam na 'yan ay sinusunod. Eh nalaman na magpapakasal na pala sa kasintahan, kaya nagwala 'yang bruha na 'yan! Maraming nagsasabi na gawa gawa lang ni madam ang sumbong nito na re-rape-in ito ng probinsyano kahit sa tingin namin na siya naman ang may gusto! Hindi niya nakuha? siniraan niya sa daddy niya dahil alam niyang kaya kaya lang nila ang simpleng probinsyano na 'yon. Maharot na tunay 'yang bruha na 'yan!" Bigla tuloy siyang kinabahan sa kwento ni Rowena. Ayaw niyang I-judge si Jessica pero paano kung gano'n nga talaga ang ugali. Hindi sila totoong magka-relasyon ni Lucifer pero nag-aalala naman siya rito para sa trabaho nito. She saw Lucifer how much is his determination to work. Marami itong pagsubok sa buhay at problema sa pera kaya naman kung matatanggal man sila rito ay magiging kawawa ang binata. Tapos na silang maglinis at nakauwi na siya sa kubo nila ni Lucifer. Alas-diyes na ng gabi at wala pa ito kaya naman ay hinintay niya ito at hindi pa kumain. Medyo gutom na siya pero kaya pa naman. Huminga siya ng malalim habang nakatanaw sa bintana. Malamig ang hangin sa labas kaya naman ay presko ang pakiramdam niya kahit walang aircon. Ilang minuto pa ang lumipas wala pa rin ito kaya napagdesisyunan niya na maligo muna. Naghubad siya ng damit sa loob ng maliit na banyo at binuksan niya ang gripo para mapuno ang balde. Gamit ang tabo ay naligo siya. Nang matapos magsabon ay nagbanlaw siya kaagad pero napatigil saglit dahil may narinig siya na kakaibang tunog. Mahigpit ang hawak niya sa tabo at tiningnan sahig ng banyo. Kahoy rin kasi ang lapag at may mga butas iyon para bumaba ang mga tubig. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso niya nang marinig pang lumakas iyon. Napatili siya nang matanaw ang isang bubwit na dumaan sa tabi at saktong namatay pa ang ilaw sa banyo kaya nag-panic na siya. Hindi naman siya maarte sa ibang bagay pero ang pinakakinatatakutan niya talaga ay daga. Hindi niya kayang makita iyon lalo na't malapit sa kaniya. Sa sobrang panic niya ay na blanko na ang isip niya at tumakbo sa labas. Nawala na rin sa isip niya na wala pa siyang saplot sa katawan dahil maski sa labas ay madilim dahil brownout. Naiiyak na siya nang may biglang dumausdos na kamay sa baiwang niya at dahil sa gulat ay napatid pa siya. Napapikit na lang siya nang maramdaman na bumagsak siya. "Damn..." Halos lumuwa ang mata niya nang maramdaman ang mainit na hininga ng binata sa leeg niya. Hindi pa siya nakakapagsalita nang bumukas na ang ilaw tanda na bumalik na ulit ang kuryente. Napalunok siya ng pasimple nang makita kung gaano kalapit ito at kung ano ang klaseng posisyon nila ngayon. Nakapatong lang naman siya sa binata habang walang saplot sa katawan. Nakabagsak sila sa kutson na nakalatag doon. Hindi siya makapagsalita, parang hindi man lang kaya bumuka ng bibig niya sa oras na 'yon. Hindi inalis ng binata ang titig sa mata niya. Mukhang alam nito na wala siyang saplot dahil hindi nito binaba ang titig. He gulp and licked his lower lip before he looked a way. Hindi niya na napansin na inabot nito ang kumot na nakatupi roon at mabilis na binalot sa kaniya. "You... you can't run without any clothes. Mapapahamak ka talaga," mariin na ani nito. Sa isang iglap ay naipagpalit na nito nag pwesto nila at siya na ang nasa ilalim. Balot na rin ng kumot ang kaniyang hubad na katawan. "M-may daga kasi sa b-banyo... t-tapos namatay pa ang ilaw," nauutal na ani niya. Parang nawala siya sa sarili dahil sa kahihiyan na naganap ngayong gabi. Nabibingi pa siya sa bilis ng t***k ng puso niya. Nagpa-palpitate pa ata siya. Hindi ito umalis sa ibabaw niya at tinitigan lang siya ng matagal. Gusto niyang ibaling ang tingin sa iba pero hindi niya magawa. Parang may nagsasabi sa kaniya na 'wag ibaling ang tingin sa iba. Ngayon niya lang natitigan ng ganito kalapit ang binata at masasabi niyang hindi nakakasawa tingnan ang kaguwapuhan nito. "You will not let go?" Napakurap siya. "H-huh?" "You are holding me tightly... How can I stand up? I can feel you boobs in my chest-" Agad niya itong naitulak ng malakas. Nag init ng husto ang pisngi niya kaya siguradong mukha na siyang kamatis ngayon. Nagtalukbong siya dahil hindi niya kaya makita ang mukha ng binata. Gusto niyang sampalin ang sarili dahil hindi man lang niya napansin na siya ang nakakapit dito. "Next time be careful... Paano na lang kung hindi ako ang pumasok dito? Paano na lang kung masama ang ugali ko at ginawan na kita ng masama dahil sa ayos mo ngayon?" Pinagdikit niya ang labi. Lumunok muna siya bago tuluyan magsalita. "Sorry... and thank you." Nagtagal siya sa gano'ng posisyon at kinalma ang sarili. Narinig niya pa ang pagbukas ng pinto kaya sinilip niya kung ano 'yon at nakita niyang lumabas ang binata. Mukhang binibigyan siya nito ng oras para mag-ayos. Her heart skipped a beat becauase of that. He may look like a badboy but he's a gentleman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD