Nagising ng maaga si Maria para mag dilig ng mga kaniyang halaman. It's her hobby to arrange flowers or any plants that she have in their home. She always feel relax when she's arranging flowers to her liking.
"Good morning mom," bati niya at hinalikan sa pisngi ang mommy niya.
"Good morning dear. How's your sleep?" tanong ng ina at tiyaka uminom ng vegetable juice na palagi nitong iniinom. Nakahanda na ang breakfast nila kaya naman ay umupo na siya at nagpasalamat sa isang kasamabahay nilang naghatid pa ng vegetable juice sa kaniya.
They have only 2 housemaids. May kaya lang ang pamilya nila at may iilang farm business lang naman sila.
Nilingon niya ang paligid at hindi napansin ang ama niya. "Where's dad? Hindi pa umuuwi?" she asked while scooping the rice at the bowl.
"Hindi pa... May tinulungan sila kagabi dahil may sunog sa isang orphanage."
Nanlaki ang mata niya dahil sa narinig, nakaramdam siya ng pag-aalala sa mga nasunugan.
"Kumusta naman daw? Ang mga bata sa orphanage?"
"Thanks god, they are okay. Pupunta ako mamaya sa church at tutulong na rin sa mga donations."
"I'll come!"
"No. Magba-bakasyon ka kaynila Camille 'di ba? Have a rest, habang wala pang pasok sa eskwelahan."
She pouted. Pag sinabi ng mommy niya ay hindi na ito magpapatalo sa kaniya.
"Okay. I'll just buy some grocery and sent it to them." Tahimik siyang kumain habang iniisip ang mga dapat bilhin niya para sa mga donation. Of course, her parents will donate a money as they do always. Siya naman ay magpapadala na lang ng mga dagdag pagkain pa para sa mga bata at mga tagabantay sa orphanage.
Nakasanayan niya na ang pag vo-volunteer. Umiikot lang talaga ang mundo niya sa pagvo-volunteer, trabaho at sa bahay. Hindi naman kasi siya iyong tipo ng tao na puma-party, gumagala kung saan saan at nagbi-bisyo. She's not judging anyone, she just want to show that she is too normal and her life is boring for other people.
Introvert side kasi siya kaya pag mag-isa siya ay hindi naman siya nalulungkot, bagkus ay masaya pa siya. She texted Camille that she will arrive late at her house. Camille is her friend, the one and only friend that her parents approve. Ka-churchmate kasi nila ang pamilya nito kaya naman kilala ng magulang niya. Pag aalis siya ay wala ng tanong tanong ang mommy niya kung ano ang gagawin niya.
It may be funny to think a 26 years old like her that already work professionally as a teacher in highschool is still controlled and asking a permission for her parents.
Iyon na kasi ang nakasanayan niya dahil istrikto talaga ang magulang niya lalo na ng maliit pa siya. She understand it somehow, because they only want the best for her.
Nauna ang mommy niya umalis sa bahay. Inayos niya lang ang malaking bag niya na may lamang mga damit at mga kailangan niya dahil ang mga pantulog na damit at toilet neccessities niya ay mayroon na sa bahay ng kaibigan niya dahil palagi naman doon ang puntahan niya.
Camille texted her.
From Bestie,
- I'll go to party later... Want to come? Para naman hindi na ako tanungin ni daddy kung saan ako pupunta. They will not think i'm doing party again if I'm with you, bestie.
Napabuga na lang siya ng hangin at nagtipa ng reply.
To Bestie,
- You know I'm not comfortable with so many people. Baka masira ko lang din ang gabi ng mga club friends mo dahil killjoy ako. You can go, I'll stay at your home and if tito ask, then tell I'm with you.
From Bestie,
- Really?! You're the best! But you know, try to get out of your comfort zone! Alam kong ire-reject muna naman ang suggestion ko pero sasabihan na rin kita ulit. Maybe you will find something that you will love to do without thinking if your parents want it too or not. Iyong masaya ka ng tunay, hindi 'yong masaya ka lang dahil nasunod mo ang gusto ng parents mo.
She smiled. She actually envy Camille so much. Her bestfriend is brave to stand on her own. Mabait itong anak at kaibigan pero pag may gusto ito gawin kahit ayaw ng magulang nito ay hindi ito nagpapatinag. Camille's parents want her to become a lawyer, but Camille wants to become a professional makeup artist. Now, her bestfriend already achieve it and showing to everyone that she can be a successful on what job she love.
Iyon ang hindi niya nagawa. Masaya siyang naging teacher siya pero hindi niya masabi kung iyon nga ba talaga ang pangarap para sa sarili dahil laging sinasabi sa kaniya ng kaibigan na nakikita nito na masaya nga siya pero hindi nito makita iyong totoong saya.
Nag book lang siya ng sasakyan dahil nasa pagawaan ang sariling kotse dahil nasira ito. She went straight to the mall to do grocery shopping. Siya lang ang mamimili pero ipapa-deliver niya lahat ang mabibili niyang pagkain.
Sampung malaking cart ang napuno niya kaya tinulungan na siya ng mga staff para sa pagtutulak. Pwede naman siyang mag-order online pero sa tingin niya kasi ay mas mapapatagal pa iyon, isa pa't ang pag go-grocery ay nakaka-relax para sa kaniya.
Pinasalamatan niya ang mga staff na tumulong sa kaniya at binilhan pa ang mga ito ng meryenda. Pinadala niya kaagad ang mga binili niyang mga pagkain sa isang school na tinutuluyan muna ng mga bata. Sinabihan na rin niya ang kilala niya na naroroon para sa donation niya.
After her massive grocery shopping she decided to go to a bookstore to check some new books and buy a book that she wants. Habang nagtitingin siya ng mga libro ay may nakita siyang couple na naghahalikan sa dulong gawin. Nag-init ang kaniyang pisngi dahil harap-harapan na nakita pa iyon.
Lumipat siya sa kabila para maiwasan ang nakita niya. Siya ang nahihiya para sa dalawa. Though, it's normal for the couple.
Hindi niya napansin na lagpas isang oras na pala siya sa bookstore dahil napabasa pa siya saglit at nakabili rin ng tatlong libro. Lumabas na siya ng mall dahil naka-book na rin siya ng sasakyan papunta sa bahay ni Camille.
Nang makalabas ay natanaw niya ang model ng sasakyan na magsusundo sa kaniya kaya napangiti siya dahil sakto lang ang labas niya. Mabilis siyang naglakad papunta sa gawi nito at agad na sumakay.
"Kuya ang bilis mo ata," ani niya habang nakangiti. Nakatuon ang tingin niya sa dalang gamit dahil inaayos niya pa iyon.
"Shit..."
"Huh?" Naangat niya ang tingin nang marinig itong nagmura. Unti-unting kumunot ang noo niya nang makitang sa iba ang atensyon ng driver.
Bumaba ang tingin niya sa braso nitong matipuno at punong puno ng tattoo. She gulp when she get nervous.
"K-kuya..."
"What the f**k are you doing here? Do I know you?" baling nito sa kaniya pero saglit lang iyon dahil muli itong tumingin sa side mirror. Hindi pa siya nakakasagot nang umandar bigla ang sasakyan. Napakabilis ng andar kaya mas lalo pa siyang kinabahan.
"K-kuya, a-anong nangyayari? P-pwede po bang bagalan mo ang takbo-"
"Bakit ka sumakay ng kotse ko?" mariin na ani nito habang sa harapan pa rin pokus dahil sa sobrang pagmamadali ng pagmamaneho.
"Nag book ako ng s-sasakyan para-"
"s**t. I'm not a rent car or taxi! Nagkamali ka ng sinakyan!" Napapikit siya nang mag drift sila dahil sa klase ng pagliko ng sasakyan. Napatingin tuloy siya sa likod dahil tingin ng tingin ang lalaking nagda-drive ngayon.
Doon niya lang napansin na may tatlong sasakyan ang humahabol sa kanila. Humigpit ang kapit niya sa bag niya at binalik ang tingin sa lalaking nakasumbrero.
Kinagat niya ang ibabang labi dahil parang maiiyak siya sa takot dahil sa nangyari. She forgot to check the plate number. Dahil kapareho ng model ng sasakyan ang alam niyang ni rent niya ay akala niya ay ito na 'yon dahil sakto na dumating ito at sa tapat pa ng mall.
"Fuck... buckle up!"
Hindi na siya nakapagsalita pa at hinanap na lang ang seatbelt, sa sobrang taranta niya pa sa nangyayari at sa pag-alog ng katawan niya dahil sa bilis ng sasakyan ay hindi niya pa agad mai-lock iyon.
"Watch out!" she shouted when they went straight to a unknown place full of trees. Lumingon siya at nakita niya na wala na ang tatlong sasakyan sa likod nila. Medyo nakahinga siya roon ng maluwag pero nandoon pa rin ang kaba niya dahil may kasama siyang isang estranghero.
"Get out. We need to get out of this car before they find us!" Hindi na siya nagtanong pa at agad na lumabas ng sasakyan bitbit ang gamit niya. Mabuti na lang ay hindi sobrang bigat ng dala-dala niya. Inagaw iyon ng lalaki kaya naman mas mabilis siyang nakatakbo kasabay nito.
The man is holding her hand tightly. Kahit may sumbrero ito ay ramdam niya pa rin ang seryosong ekspresyon ng mukha nito. Madilim sa paligid at tanging ilaw lang ng cellphone ng binata ang liwanag nila.
Nang makasiguradong malayo na talaga sila ay tumigil na sila sa pagtakbo. Kahit natatakot siya sa lalaki ay hindi siya umalis sa tabi nito dahil mas nakakatakot naman ng lubos ang lugar kung nasaan sila. Parang napadpad na ata sila sa probinsya sa sobrang tagal ng byahe nila sa ganoong kabilis na takbo ng kotse.
Hindi niya kasi nasundan ang mga dinaanan nila dahil na-blanko na ang utak niya.
"W-where are we? H-hindi ka naman masamang tao 'di ba? M-makakauwi naman ako ng ligtas 'di ba?" kinakabahang tanong niya rito. "K-kung pera ang kailangan mo mabibigyan kita pero hindi ako isang bilyonaryo kung naiisip mo man iyon-"
"What are you saying woman? Do I look like a kidnapper- damn it. Ikaw ang sumakay bigla ng sasakyan ko!" bulyaw nito sa kaniya kaya napapitlag siya.
Mukhang mainit talaga ang ulo nito sa nangyayari.
"P-pasensya na... N-nagtatanong lang naman. Hindi naman kasi kita kilala at ngayon magkasama tayo sa hindi ko alam na lugar," napanguso siya.
Napunta sila sa may ilaw ng poste kaya naman kahit papaano ay mas napanatag ang loob niya.
"I can't take you home tonight... For your safety you need to come with me." Napaawang ang labi niya ng kaunti nang tinanggal nito ang sumbrero na suot. She can say that he is not a pure filipino. He is tall and well built. May kahabaan ang buhok nito na kahit gulo gulo na ay bagay sa itsura nito. Aaminin niya na makisig talaga ang binata. Guwapo rin ito at sa tingin niya ay papasa ang itsura kung mag-aartista man.
Napatitig siya sa labi nito dahil may lip ring ito sa gawing gilid. The tattoos and piercing made him look more manly.
"Are you listening? Don't worry I will not do anything to you... You can trust me." Nagising ang diwa niya dahil sa sinabi nito. Hindi niya napansin na nagsasalita pala ito kanina pa.
"Paano kita pagkakatiwalaan kung hindi kita kilala? Bakit may humahabol sa'yo? May ginawa ka bang masama?" sunod-sunod na tanong niya dahil gusto niyang malaman ang nangyayari. Hindi rin naman siya mapapalagay kung kasama niya ito buong gabi.
"I'm Lucifer... I have many jobs... May mga utang ako sa mga humahabol sa akin. Hindi pa ako makapagbayad kaya tinatakbuhan ko," ani nito at nilihis ang tingin sa kaniya.
Lucifer?
"Eh kanino ang sasakyan?"
"Thats... My company service car. Mayroon akong maliit na business pero nalugi rin kaya nagkaroon ako ng utang. I actually have work to do here, kaya sinadiya ko na rin na dumeretso sa lugar na 'to. Kaya ngayon ay pupunta tayo roon at doon tutuloy." Nagsimula itong maglakad kaya pati siya ay sumunod.
"M-may kakilala ka rito sa lugar na 'to?" tanong niya at dumikit pa ng husto dahil dumilim na naman ang dinadaanan nila.
"Magtatrabaho ako sa isang fruit farm. Isang buwan lang dahil kumukuha sila ng pansamantalang trabahador na hahakot ng mga bunga ng puno."
Natanaw niya ang malaking pintuan sa dulo ng daan. May apat na lalaking bantay roon at agad na naging alerto nang makita sila.
"Sino kayo? Anong ginagawa niyo rito at sa oras pa na ito?" kunot noong tanong ng isang guard.
"Ako si Dominic at narito ako para magtrabaho sa Farm. Sa totoo lang ay nahuli na ako ng dating dahil dapat kanina pa. Ito ang dokyumento at pass ko rito. Nakausap ko na rin kaninang umaga si Manong Kaloy. May nilabas itong papel sa bulsa at binigay sa guard. Ang apat na guard mismo ang mabusising tumingin sa pass na ipinakita ng binata.
Nagtataka man siya kung bakit ibang pangalan ang sinabi nito pero inisip na lang niya na may dahilan ito. For tonight, she will trust him. Wala naman siyang magagawa dahil hindi niya alam kung paano siya uuwi nang hindi nalalaman ng magulang niya ang nangyari sa kaniya ngayong gabi.
"Okay, pasok na kayo."
"Salamat pare," ani nito sa mabait na boses. Lucifer act different right now. Kanina ay seryoso at nakakatakot ito tingnan pero ngayon naman ay medyo bumait ang aura nito.
"Oh, Dominic? Ikaw nga! Tinawag ka sa akin ng guard para salubungin. Masiyadong late na ang dating mo. Ito ba ang asawa mo? Mabuti at sinama mo, alam mo naman na kine-question lagi ni boss kung talagang lahat ba ng trabahador niya ay may asawa na. Lahat dito may mga asawa at halos kasama rin nila. Sinisigurado kasi ni boss na ang mga lalaking trabahador dito ay hindi popormahan ang anak niya."
Nag init ang pisngi niya at hindi siya nakapagsalita. Nilingon niya na lang ang binata na tumingin saglit sa kaniya. Halos mapatalon siya sa gulat nang inakbayan siya ng binata.
"Ah oo manong... pero hindi pa kami talaga kasal. Magpapakasal pa lang kaya naman rumaraket ako ngayon. Kailangan ko ng maraming trabaho," ani nito rito sa mabait na boses.
She almost choked with her own saliva. Gulat na gulat kasi siya sa sinabi nito. She can't believe that she will became fiance to someone in instant.
"Goods 'yan! Hindi ka na make-question ni boss pag nakita ka. Mahigpit kasi rito at mas lalo pang humigpit lalo na nang magawa ang bagong barn ni boss."
Naglakad sila at hawak-hawak pa rin siya ng binata. Tahimik lang siya dahil ayaw niya makisawsaw sa usapan ng dalawa. Tumigil sila sa tapat ng isang maliit na bahay kubo. Bukas na ang ilaw sa loob no'n pagkapasok nila.
"Binuksan ko kaagad ang ilaw dito nang marinig na dumating ka na. Ito ang kutson at mga unan tiyaka kumot. Iyon ang banyo niyo, maliit man ang bahay kubo pero maganda na rin dahil may sariling banyo."
Nilibot niya ang paningin niya sa maliit na bahay kubo. Walang kwarto sa bahay kubo na 'yon o kahit hati man lang para maging kwarto. Para siyang studio type na itsura na may sariling banyo lang.
"Maraming salamat Manong Kaloy," sambit ng binata. Bumaling ng tingin sa kaniya ang matanda kaya naman ay nagpakita siya ng ngiti sa labi.
"Oh sige na at magpahinga na kayong dalawa. Kung okay lang din sa'yo magtrabaho bukas ay kukunin na kita dahil kulang kami sa mga babaeng naglilinis at nagwawalis sa paligid," baling sa kaniya ng matanda.
"P-po?"
"Kung okay lang sa'yo dahil dagdag kita na rin para sa inyo. Ako na ang bahala kay boss na magpaalam dahil may tiwala naman sa akin si boss."
Hindi siya makasagot dahil wala naman siyang balak na mag-stay pa rito.
"Sige ho. Bukas na lang mang Kaloy. Mag-uusap pa rin kami tungkol sa trabaho."
Natulala na lang siya hanggang sa makaalis si Mang Kaloy sa loob. Mabilis na ni-lock ni Lucifer ang pinto bago siya hinarap.
Bumalik na ang natural na seryosong ekspresyon ng mukha nito.
"Ikaw na ang matulog mag-isa sa kutson, doon na lang ako sa mahabang kahoy na upuan. Kaya ko matulog ng nakaupo," ani nito.
"Bakit hindi mo sinabing hindi naman tayo magkaano-ano? Tiyaka bakit ibang pangalan ang pagpapakilala mo? Dahil ba may mga masasamang tao ang humahabol sa'yo?" tanong niya sa binata. Sinundan niya ito ng tingin nang umupo ito sa kahoy na upuan. Napansin niyang mukha itong pagod kaya bigla siyang naawa.
"Its for our safety. Nakita mo naman na may mga humahabol sa akin. Para na rin sa kaligtasan mo dahil nadawit ka na sa akin." Napabuga ito ng hangin habang sinusuklay ang buhok gamit ang kamay. "Kailangan na kailangan ko rin ang trabaho na 'to kaya wala akong magagawa kung hindi magsinungaling."
"P-paano na lang 'yan. Baka magtaka sila na aalis na ako bukas dito?"
"You can't..."
"W-what?" nagsalubong ang kilay niya. "H-hindi ako makaalis? Pero gusto ko ng umuwi."
"Matanda ka na para maramdaman mo ang mga nangyayari. If you leave this place, I'll be question. Your background can be question too. Paano kung matungtong ka ng mga humahabol sa akin? For sure they already saw your face. You saw the guards here? they have guns," kibit balikat na ani nito na parang simple lang ang sinasabi nito sa kaniya.
Napasapo siya sa noo niya para ma-proseso ang lahat. "So... I need to live with you... For a month?!" hindi makapaniwalang bulalas niya.
For her own safety and her family safety. Natakot siya dahil baka mangyari nga ang mga sinasabi nito. Hindi pa siya nakakaranas ng ganitong aksyon sa buong buhay niya.
Tinitigan niya ang lalaking kasama niya, nakatuon ito sa cellphone na dala at seryosong nagtitipa roon. Sa totoo lang ay naaawa siya rito dahil mukhang determinado ito sa trabaho nito. Maski siya kung kailangan ng pera ay gagawin ang lahat para magkaroon ng trabaho.
Atleast, hindi ito gumagawa ng masama at nakapag-apply pa para makapagtrabaho sa disenteng trabaho.
1 month with him... in one room.
Ito na ba ang sinasabi ng kaibigan niya na lumabas siya sa comfort zone niya para may mga bagay siya na masubukan.
"Yes... after a month, I'll take you home... safely." May kinapa ito sa bulsa at nilabas nito ang isang sigarilyo at lighter. Sinindihan nito iyon at agad na nagsigarilyo sa harapan niya.
She gulp multiple times. Is it possible to look like sexy while having a smoke?
Bakit pa nga ba siya magtatanong kung ang sagot na ay nasa harapan niya. Talaga bang magiging ligtas siya ng isang buwan pag ito ang kasama niya?
Mariin siyang pumikit at huminga ng malalim. Mukhang wala na siyang magagawa dahil siya na rin ang pumasok sa gulo ng binata.
"Fine... Just for a month... Just make sure that I will be safe here and you are the one who will take me home."