Napatingin siya sa paligid nang mapansin na naman na wala ang binata.
"Hinahanap mo si Dominic? Ayon! Pinatawag na naman ng bruha." Naiiling si Lyn at hindi maganda ang ekspresyon. Alam na niya ang pinupuna nito dahil ilang araw na naka-stay sa farm si Jessica.
She's getting bothered by her actually. Alam ng lahat na kasintahan niya ang binata pero ngayon ay may umaaligid dito at anak pa ng boss nila.
Hinugasan niya ang mga iilang mangga na kinuha nila. Pang kain nila iyon kaya binalatan niya na rin. Umupo sila sa malaking kahoy na ginagawa na rin nilang kainan, upuan, tulugan at kung ano ano pa dahil malawak iyon.
Tapos na sila sa gawain nila ngayon kaya naman ay maaga silang makakapahinga.
Tumabi si Lyn at Rowena sa kaniya habang ngumunguya na ng mangga. May dalawa silang sawsawan, ang isa ay toyo na may asukal at ang isa naman ay asin lang. Bago lang para sa kaniya ang toyo na may asukal pero nasarapan naman siya sa lasa.
"Hindi pa umaalis ang mga buyer ni Boss? Nakita ko pa ang sasakyan!" ani ni Rowena.
"Hindi pa nga ata. Sabi ni Ading kanina ay guwapo ang mga buyer ng mga prutas."
"Puro ka naman guwapo Lyn! May asawa ka na at matanda ka na!"
"Eh ano naman? Puro ganito lang naman ako pero loyal pa rin ako sa asawa ko 'no!"
Natawa siya sa dalawa dahil parang mga bata ito kung magtalo.
Nangunot ang noo niya nang makita si Manong Kaloy na papalapit sa kaniya.
"Pasensya na kayo at maiistorbo ko kayo. Kailangan ko ng isa na maglilinis lang saglit doon malapit sa barn." Siya na kaagad ang tumayo nang marinig ang sinabi ni Manong Kaloy. Mas may energy pa siya kaysa sa dalawa dahil kanina pa rin siya tinutulungan ni Lyn at Rowena.
"Ako na po," presinta niya.
"Huwag na! ako na lang-"
"Ako na! Mas kaya ko naman dahil magaan lang ang trabaho ko kanina dahil sa tulong niyo," ngiting sambit niya nang putulin si Rowena.
"Sigurado ka ha?" Tumango siya ng sunod-sunod sa dalawa at nag paalam. Sumunod siya kay Manong Kaloy at tumungo sila sa Barn. Natigilan pa siya saglit dahil nakita niya roon si Lucifer na katabi si Jessica. Seryoso lang ang mukha ng binata at may bitbit ito na mga papel. Iyon ang mga listahan ng mga prutas.
Napatingin sa kaniya ang lahat kaya napayuko na lang siya. Bago pa siya yumuko ay nakita niya ang ngisi ni Jessica at mas lalong dumikit pa sa binata.
"W-wow... Didn't know that you have an angel here..." rinig niyang sabi ng isang lalaki. Sigurado siyang ito ang buyer dahil sa klase rin ng porma nito na nagsusumigaw ng kayamanan.
"Ah... Si Maria ho-" Hindi natapos ni Manong Kaloy ang sasabihin nito dahil pinutol ng lalaki.
Sa isang iglap lang ay nasa harapan niya na ito at hawak hawak na ang kamay niya.
Hinalikan nito ang kamay niya kaya naman napaangat ang tingin niya rito.
The guy was smiling while looking at her intently.
Tumagos ang tingin niya sa ibabaw ng balikat nito at natanaw niya si Lucifer na nakaigting ang panga. Mabilis niyang binawi ang kamay niya at hinarap si Manong Kaloy.
"M-maglilinis na po ako," ani niya.
"Oh siya sige... Sa Loob ng barn." Tinapik siya ni Manong Kaloy kaya nagmadali na rin siya sa pagkilos.
"Hey! I'm not done talking with her." Nanlaki ang mata niya nang hawakan siya nito sa kamay at hatakin kaya sumubsob siya sa dibdib nito. Naramdaman na lang niya ang kamay nito sa baiwang niya. Magre-react na sana siya para tulakin ito nang makita na lang niya na bumagsak ito.
She gasped when she saw Lucifer punched the guy. "Luci- Dominic!" she almost shouted his real name because of shock.
Nataranta siya at agad na hinawakan sa braso ang binata.
"Woah, woah, what the hell is your problem?! Did you just punch your customer? Anong klaseng mga worker ang mayroon kayo rito Jessica?" gigil na ani ng lalaki.
"I don't f*****g care if you are our customer here... f*****g touch her again... Ako ang magdadala sa'yo sa impyerno." Bulong lang iyon pero dahil sa sobrang lapit niya rito ay narinig niya ang mga sinabi ng binata. Kinabahan pa siya at tiningnan si Jessica na papalapit na rin sa kanila. Nakahinga siya kahit papaano nang makitang hindi naman nito narinig ang sinabi.
Binaling niya ang tingin sa lalaki at kita niya na namutla ito.
"Dominic! anong ginawa mo?!" sigaw ni Jessica at hinawi ang kamay ni Dominic para makawala ang lalaki rito dahil masiyadong mahigpit ang pagkakahawak ng binata pagkatapos nito sinapak sa mukha.
"T-tara na, tumigil ka na," bulong niya sa binata.
Hinawakan niya ang kamay nito ng mahigpit kaya doon lang ito bumaling sa kaniya. Napakadilim ng aura nito kaya maski siya ay natakot pero dahil nakasama niya na ito ng isang linggo ay alam niya naman na mabait ito.
"Hinahawakan niya ang asawa ko, paanong hindi ko siya sasapakin?" ani nito.
"Still! He's our guest and customer! Mapapahamak tayo kay daddy pag nalaman niya ito!" sigaw ni Jessica.
"Y-you two are married?" gulat na tanong ng lalaki.
"Hindi pa sila kasal! Ikakasal pa lang," singit ni Jessica sa lalaki.
Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. Hindi na niya nakita ang nakakalokong mukha nito bagkus ay parang nailang pa ito lalo na't nang mapatingin kay Lucifer.
Ramdam niyang natakot ito. Mas malaki naman kasi ang binata kumpara rito dahil payat ito at parang wala pang muscles sa katawan.
"Aalis na ako, babalitaan na lang kita sa mga prutas na kukunin ko," baling ng lalaki kay Jessica. She sighed when the didn't do anything. Mas mapapahamak sila pag nagkaroon pa ng problema.
"Are you okay?" Lucifer faced him.
Tumango siya bilang pag tugon nito. Hinawakan niya ang kamay nito na pinangsuntok sa lalaki. "Hindi mo na sana pinatulan-"
"You! Pahamak ka talaga rito, kung hindi ka lang kasi pumunta rito ay hindi mangyayari 'yon!" Nangunot ang noo niya dahil siya ang inaaway ngayon ni Jessica.
"Madam, ako po ang tumawag kay Maria para maglinis sa natabig mo kaninang mga kalat," sambit ni Manong Kaloy.
"Are you saying that its also my fault? Hoy tanda para sabihin ko sa'yo na trabaho niyo kumilos sa farm namin!" Umawang ang labi niya nang dinutdot nito ang balikat ni Manong Kaloy.
Hindi siya makapaniwala sa asal nito.
"Anak ka nga ng amo namin pero sana 'wag mong inaabuso ang kapangyarihan mo para mang maliit ng tao," sambit niya rito.
Hindi niya mapigilan na hindi magsalita dahil hindi niya kayang makita na ginagano'n lang nito ang matanda. Matagal na si Manong Kaloy sa farm ng pamilya nito at katiwala na rin ng daddy nito pero kung makaasta si Jessica ay walang galang.
"Sumasagot ka na ngayon? Lumayas ka sa farm namin! Umalis ka-"
"If you are going to fire her then fire me as well." Lucifer held her hand. Binalingan niya ito ng tingin at masama na lalo ang itsura nito.
"N-nako Dominic hindi ka pwede umalis. Kailangan ka namin ngayon sa dami ng trabaho." Humarap si Manong Kaloy kay Jessica at lumuhod ito sa harapan na mas ikinagulat at ikinasakit ng puso niya. "Madam ako na po ang humihingi ng tawad. Kakausapin ko na lang po sila. Mayayari rin ho tayo sa daddy niyo pag nagkulang ang mga tao rito dahil mahirap na ulit mag hanap ng empleyado. Ayaw pa naman ng daddy niyo ang kung sino sino lang diyaan."
Naikuyom niya ang kamao sa oras na 'yon.
Nakita niya ang pag-iba ng ekspresyon ni Jessica nang sabihin ni Manong Kaloy na mayayari sila. Mukhang may takot din ito sa daddy nito kaya naman ay ganito ang reaksyon nito.
"Mga bwisit! Ayaw kong makita ang babae na 'yan kaya pag nandito ako palayuin niyo sa akin 'yan!" Pagkatapos nito sigawan sila ay nag walk out na ito. Hindi niya na pinansin ang babaeng 'yon at tinulungan na lang si Manong Kaloy na tumayo.
"Pasensya na kayo. Sanay naman na ako sa ugali ni madam. Sa susunod ay iiiwas na kita roon. Wala naman kayong kasalanan, kaya 'wag kayong mag-alala at walang matatanggal sa trabaho. Isang buwan lang ang kontrata niyo tapos tatanggalin pa kayo."
Hindi siya nakapagsalita dahil naaawa siya kay Manong Kaloy. May mga boss pala talagang grabe ang ugali at napakalupit. Para sa kaniya ay hindi niya kayang gawin iyon kahit anong mali pa ang ginawa ng empleyado.
Sa totoo lang ay wala naman silang mali na nagawa, sadiyang masama lang ang ugali ng babaeng iyon.
Bumalik na sila ni Lucifer sa kubo nila. Tahimik lang siya at hindi nagsasalita. Nahihiya na nga siya rito nadagdagan pa ang kahiyaan niya. Siya ang may kasalanan kung bakit muntikan pa ito mawalan ng trabaho.
Kung tutuusin ay makakauwi na siya pag tinanggal siya pero pag umalis naman siya rito ay baka hindi matapos ng binata ang kontrata nito at hindi pa makasahod. Kita niya kung gaano kasipag ito sa bawat ginagawa.
"That's cool." Napapikit siya at napayuko ng bahagya nang hinawakan ng binata ang ulo niya.
"H-huh?"
"It's cool to know that you can speak for yourself. But you should react faster when that jackass touch you." Tinanggap nito ang kamay sa ulo niya at nilagpasan siya. Kumuha ito ng tubig at uminom kaya natulala siya.
Ito na naman ang itsura nitong mukhang nagmo-model para sa tubig.
"Hindi ko lang inaasahan ang ginawa niya."
Umupo siya sa tabi at pinagmasdan ang binata. He somehow looks like a simple guy who is fluent to english. Alam niya naman na businessman ito kaya hindi na siya magtataka kung bakit magaling ito magsalita. Minsan lang talaga feeling niya na mukhang hindi lang ito simpleng tao.
"Stop avoiding me. I can sense it. Dalawang araw mo na ako iniiwasan. I already forgot the embarassing moment for you-"
"S-stop!" nahihiyang saway niya rito dahil naalala niya na naman iyon.
"Sorry."
"You don't need to say sorry... Nahihiya lang talaga ako. Hindi naman kita iniiwasan e... Medyo lang?" She bit her lips when he heard him chuckled. Hindi niya pinalagpas ang oras na 'yon para makita itong tumatawa.
He smile to other co-workers but still she didn't see him laugh or chuckle like this.
It's genuine...
"Salamat sa pag-awat mo kanina. Kung hindi mo ako inawat baka na-hospital na 'yon at nawalan ako ng trabaho," ani nito at tumikhim.
Job is really important with him. She smiled with the thoughts of that. Hindi niya alam kung paano ito nalugi o nagkaroon ng problema kung ganito naman ito ka-dedicated sa trabaho.
"Wala iyon. Kung matatanggal ka sayang naman ang isang buwan na kontrata natin dito. Nandito na tayo, aatras pa ba? I already trusted you without know who you are because you make me feel that you are trustable person. You work hard and I think you will be successful in the future."
Sumeryoso ang mukha ng binata at binaba ang baso ng tubig.
"I love my job and I can do anything just to finish my task, Maria. No one can ruin it and no distractions are allowed."
Hindi niya naintindihan ang ibig nito sabihin pero hindi na siya nagsalita. She just hoping after this one month with him, that this will be a big help for his future.