Guilty
Oh my gosh no way! I can't seduce this ruthless badboy who stares devilishly! Nagmukha akong bato sa kanyang harapan, gulat at namumutla parin.
I scanned him secretly using my eyes. Kumintab pa ang earring sa right side ng kanyang tainga. I can smell his expensive manly perfume, too. He's so familiar!
Tumayo siya at nagkasalubong ang kilay. Hindi ko siya makitaan ng interes lalo na't hindi nagbabago ang kanyang ekspresyon. I almost choke with his actions yet I manage to stay still. I tried to smile again at naglahad ng kamay.
"Hi! You're Haze, right?"
Ibinulsa niya ang cellphone at nilingon ang grupo na mukhang tinawag siya lalo na't narinig ko rin ang kanyang pangalan sa dakong iyon.
Huling sulyap sa aking dibdib, ay nilagpasan niya na ako. Ni hindi rin tinanggap ang aking kamay at iniwan ako sa aking kinatatayuan nang walang sinasabi. Parang isang hangin na dumaan lamang sa aking gilid dahil sa kanyang magaang galaw.
Nalaglag ang aking panga. Nakarinig pa ako ng mga hagikhikan ng mga babae na mukhang nakakita sa kahihiyang ginawa ko at pangdededma noong Haze na nagpapula ng aking pisngi.
In my entire life, walang ni isa ang namahiya sa akin ng ganito ka lala. Iniwan niya na nga ako, hindi niya pa tinanggap ang kamay ko!
Kinagat ko ang aking labi at nanlamig. I am so embarrased! Noong nilingon ko ang gawi nila Penny, humahagikhik na si Kiera pati narin ang ibang nakakita.
"Nako Miss. You flirted the wrong dude. Ako nalang ang landiin mo." Kumindat sa akin iyong lalakeng nakasandal sa kanyang BMW.
Parang hindi ko na kayang maglakad na may mukhang dala dala sa sobrang pagkakapahiya. May iilang babae pa na nanunuya ang mga ngisi sa akin, nagbubulung bulungan at mukhang ako na ang topic. Just great! Hindi ata ako makakatulog sa nangyari!
"What happened? Nilagpasan ka lang niya!" Tumawa si Kiera maliban kina Penny at Lexy na mukhang gusto pa akong yakapin.
"Akala ko ba limang sigundo lang? What happened Brielle?" ani Kiera, humahalo parin ang tawa roon.
Ramdam ko na pinagtitinginan parin ako ng iilan. Ang hirap lumunok at parang may nakabara sa lalamunan ko. Did I break my parent's rule just to embarrased myself? The heck. Ang sarap niyang sigawan na hindi naman siya kagwapuhan! Maybe I just got blinded for a bit dahil nakakasilaw ang kagwapuhan niya kanina pero ang totoo ay hindi naman talaga! Ang pangit ng kanyang ugali and f.y.i. hindi ko nga type eh! Duh!
Tumikhim ako at isinabit ang buhok sa gilid ng aking tainga, pilit hinihila pabalik ang kumpostura.
"Ang maldito niya..." sambit ko sa medyo iritadong boses.
"Kaya nga badboy! Ano bang pagkakaintindi mo sa ganoong mga lalake, Brielle?" At tumawa muli si Kiera, tila enjoy na enjoy sa pagkakapahiya ko.
"Huwag nalang si Haze, Kiera. We all know he's very ruthless with girls around him," si Penny.
"Oo nga... Marami pa naman diyan—"
"No," putol ni Kiera kay Lexy. "Mas mabuti kung si Haze nang machallenge naman si Brielle."
Nagkatinginan kaming dalawa. She smiled at me.
"You can do it again, right? Ikaw pa... Baka nga si Zera kayang paamuhin si Haze ng sampong sigundo eh. I'm sure kaya mo rin iyon."
Why does she keeps on comparing me with Zera? Natitrigger talaga ako!
Imbes na umiling ay palaban ulit akong tumango.
"Oo naman. Warm up lang iyon kanina actually. Strategy ko talaga iyon. Pinag-aralan ko lang siya at kung paano siya magreresponse sa akin para sa huli, siya ang mahulog sa patibong ko. I can't just act carelessly infront of him, 'di ba..."
Namangha agad sina Lexy at Penny. Napawi naman ang ngiti ni Kiera. Why am I so magaling when it comes to this?
"Baka nga kaya iyon nagwalk-out kasi he can't stand my presence. Baka masyado siyang naakit kaya umiwas siya sa tukso." Humagikhik ako.
Napangiti sina Lexy at Penny, nagtatanguan na habang si Kiera naman ay humalukipkip, nakatitig sa akin.
"I knew it! We're thinking the same thing, Brielle!" Tumili si Penny.
"Oh my gosh! Nakakaexcite tuloy!" si Lexy naman na pasulyap sulyap pa sa grupo ng mga girls na pinuntahan ni Haze.
Lumingon narin ako roon. He's talking with a petite girl. May tatlong girls at dalawang boys doon at siya talaga ang kapansin pansin dahil sa tindig.
His earring, ruthlessness, dark stares and all of it look like he's Satan's apo.
"They're leaving!" ani Penny nang napansin naring bumabalik na iyong Haze sa kanyang kotse kasama ang kanyang friends.
"Pupunta sila sa Dream21 for sure," ani Kiera nang sinundan din ito ng tingin.
Dream21? What's that place?
"So susunod tayo?" tanong ni Lexy na ikinangiti agad ni Kiera.
"Of course! Magba-Bar din tayo 'no. Doon talaga ang sadya natin after ng drag race!"
Shit... Tiningnan ko ang aking suot na wrist watch at nakitang eight o'clock na. Two hours more, CinderElle.
Nagpaalam muna si Kiera roon sa kanyang dalawang friends na hindi ko na natandaan ang mga pangalan. Iwinawagayway rin nila ang mga kamay sa akin and I did the same thing too while smiling back. Mukhang may friends na naman ako kahit na ang totoo ay hindi ko talaga nakakabisado ang mga pangalan at nginginiti nalang pabalik.
Sumakay kami sa taxi at nagtungo sa nasabing Bar na Dream21. Thank God at hindi sila sa 3DBar or else malalagot talaga ako! I'm sure Ken is there, or maybe Wayt! Makilala agad ako roon!
"After kaya sa Dream21 ay lumipat tayo sa Bar niyo, Brielle?" suhestyon ni Kiera na nasa front seat.
Napaka talaga!
"Huwag na, Kiera. Mga nosy kasi ang pinsan ko at hindi ako makakapagsaya pag nandoon ako," sabi ko nang nilingon niya ako rito.
"Ayaw mo niyan, hahalo pa sila sa table natin. Ipakilala mo naman kami sa mga pinsan mo..." Humagikhik siya.
Ngumiti rin ako at nilingon sina Lexy at Penny na pinapagitnaan ako.
"They're playboys and ayokong mapunta kayo sa mga cousin ko. Sasaktan lang nila kayo and I don't want my friends to feel that way..." marahan kong sabi.
"Aww Brielle... I love you..." Niyakap ako ni Penny sa aking gilid, ganoon din si Lexy na nag 'aww' rin. Mga aso?
"You're so sweet..." si Kiera naman sa front seat. "You really love us. Aww..." she said more dramatically. Another aso.
Iyong part na ayaw ko silang mapunta sa mga pinsan ko ay totoo rin naman talaga. Ayoko silang maging Delafuente 'no! And I know my cousins won't like them, aside from Ken who's always game basta ay maganda lang at may pamatay na pangangatawan, but their attitude is just a big no. Mabait naman si Lexy and Penny unlike kay Kiera na ramdam ko talaga ang pagbabait baitan niya. She's very plastic and manggagamit.
Mga ilang minuto iyon hanggang sa naliko rin naman ang topic at napunta ulit kay Haze, that ruthless man and Satan's apo.
"Ang guwapo ni Haze 'no?" si Penny na nakangisi na sa akin.
"Kahit napakabadboy ng datingan niya ay ang gwapo niya parin," si Lexy naman na humagikhik pa.
Nagkibit ako. "Not really... He's not my type eh and he's not that goodlooking," sabi ko, lalo na't sobra akong napahiya kanina.
Nalaglag agad ang panga ng dalawa. Si Kiera ay napalingon narin dito.
"Are you blind, Brielle? Haze is very handsome!" si Kiera naman.
"Oo nga. He looks like Isaiah for me... But he's more ruthless looking," si Penny.
"Shut-up, Penny. Isaiah is a r****t. Don't compare him to Haze," giit ni Kiera sa iritadong boses at umirap pa.
Natutop agad ang bibig ni Penny. Si Lexy naman ay nag-iwas ng tingin, marahil ay biglang naawkward.
"He's not a r****t, Kiera. Zera told me he's innocent—"
"He molested my friend, Keesha!" Medyo tumaas ang kanyang boses na kahit ang driver ay napatingin sa kanya.
Natutop ang aking bibig doon. Oo nga pala, they're close friends kay hindi nakakapagtaka kung ipagtanggol niya ito.
Dumaan ang katahimikan. Nagtitinginan nalang kami nila Penny at Lexy, magngingitian saglit at iiwas din naman. Ang sarap sabihing malandi si Keesha at marahil ay inakit lang si Isaiah but I don't want to cause a fight between us two. Alangan naman paniwalaan ko si Keesha eh si Zera naman ang pinsan ko and if she said Isaiah is innocent then he's innocent.
And I know why she's hating Isaiah too much. She despise him for being poor and having a low profile in society. Basang basa ko na siya eh. He prefers Haze maybe because that guy is mayaman unlike Isaiah na kalat sa school namin ang pagiging matalino and scholar niya.
But isn't that unfair? Dapat bang maging batayan ang estado to hate someone? Ipinanganak lang naman sila sa ganoong buhay at hindi nila iyon pinili so why is she hating him so much? Dapat nga ay magpasalamat siya na ipinanganak siyang may kaya.
Doon lang rin ulit kami umingay nang nakarating na sa mismong Dream21 na Bar.
"Dito madalas si Haze with his friends... This is a very expensive Bar and minsan ay may mga modelo ring napapadpad dito like 3DBar," bulong ni Kiera sa akin.
Dim ang loob at sobrang lakas ng trance music na pumapaibabaw. Naglalaro pa ang neon lights sa kabuuan, ang amoy ay masyadong matamis at malamig rin ang loob. Hindi katulad sa 3DBar ay may second floor ito at mas malaki.
Well, mukha ngang hindi rin basta basta ang Bar na ito. Mga pumapasok palang at mga nakikita ko ay halatang mga elite or amoy mayayaman. Ang mahal kasi ng entrance and with ID pa! Buti I just turned eighteen.
Panay ang pagbebeep ng aking cellphone sa aking slingbag. Hindi ko iyon pinansin at sumunod kina Lexy na patungo na sa mga couches.
"Ayun si Haze... He's with his friends..." ani Kiera nang umupo na kami sa four seated couch na inukupa naming apat.
May lalake agad na lumapit, naka all black and he looks like a bouncer while naglalahad siya ng menu. Kiera smiled at him at tinanggap iyon.
"What do you like, Brielle?" tanong niya habang naroon ang mga mata.
Inayos ko ang aking damit at hinila pa iyon para hindi gaanong makita ang aking legs.
"Juice nalang," sagot ko.
Her eyes narrowed at me. Sina Penny at Lexy ay tatawa narin ata.
"What?! Are you kidding?" Humagalpak na si Kiera. "Like juice talaga? We're here para maglasing, Brielle!"
Huh? Iyon ba ang sadya nila rito? I'm just here because I'm triggered with Haze! Wala naman sa list ko ngayon ang maglasing at gumapang pauwi!
"Mapapagalitan ako ni Dad pag nag-inom—"
"Para saan pa ang pagtakas mo if you're not going to have fun? And you're spoiled! Hindi ka matitiis ng Daddy mo for sure! Stop being a p***y, Brielle. Have fun!" Tumawa si Kiera na ikinatango rin nila Lexy at Penny.
"May mga drinks naman na hindi hard, Brielle. Pwede ka sa smirnoff or citrus drinks na hindi ka malalasing agad," si Penny.
"Weak... Let's let her try hard drinks para maging memorable sa kanya ang unang gabing ito!" ani Kiera na ngumingisi na sa dim na paligid.
"Magpasundo ka nalang para walang masamang mangyari sa'yo and safe ka," si Lexy.
Gosh. I am so dead later!
Nagsimula na ngang mag-order si Kiera ng mga hard drinks. Ngumiwi pa ako nang maglapag na iyong lalakeng mukhang bouncer ng bote ng isang hard drink, shot glass, lemon and salt at mga finger food like french fries and nacho.
Nagsalin si Kiera roon at ibinigay sa akin with salt around it. Kalahati lamang ang laman ng loob pero parang masusuka na agad ako just by staring at it. It doesn't look good to me. Parang iyong kulay ay parehas ng wiwi ko.
"Go Brielle!" hiyaw nina Lexy at Penny.
Tinanggap ko iyon at inamoy muna.
"It smells strong and mabaho." Ngumiwi ako.
"Hindi ka lang siguro sanay," ani Lexy at binigyan ako ng lemon. What's this for? Kailangan ko ba itong isqueeze sa loob? Ano? Lemon juice?
"You don't know how to drink a tequilla?" tanong ni Kiera nang tinitigan ko pa iyon.
Ang bobo mo! It's my first time so hindi talaga!
"Eh may Bar ang mga pinsan mo eh," dagdag niya pa.
So? Anong gusto mo? Mag-iinom ako roon nang magilitan ako ng leeg ng mga pinsan ko? Gosh! Why is she so bobo?
"Bale kailangan mo lang sipsipin ang lemon after drinking, Brielle..." ani Lexy sa marahang boses.
Ah... Ganoon lang pala? Akala ko talaga gagawa na ako ng lemon juice! Phew.
Nilagok ko iyon ng isang bagsakan sa aking lalamunan at mabilis na sinipsip ang lemon. Ngumiwi pa ako ng husto nang bumyahe ang hapdi roon at parang nasunog pa dahil sa init ng aking pakiramdam. Ew! Is this a poison?! I want to p**e!
Tumawa sina Lexy at Penny ganoon din si Kiera dahil sa aking ginawa.
"Dapat dahan dahan lang kasi!" si Penny iyon.
"Ew!" sigaw ko, hindi na nakaya at mabilis na tumayo. "I'll just wash my tongue!"
Nagtawanan sila lalo sa aking inasta lalo na't tuloy tuloy na ang paghakbang ko at gusto ko nang tumakbo paalis. I think I burned my throat! My lalamunan is so mahapdi!
Nagtungo ako sa cr. Thank God walang tao! Mabilis kong binuksan ang gripo at itinapat agad ang aking dila roon. I look like a frigging dog on the mirror!
Pinunasan ko ang aking bibig noong tissue at lumabas din naman. Bago bumalik ay nagtungo muna ako sa countertop to ask for a clean water.
"May malamig na tubig ba kayo?" tanong ko sa bartender nang makalapit ako roon.
"Yes po, Ma'am..." Ngumiti ito sa akin at mabilis na kumilos.
Ngumiti ako pabalik at iginala ang mga mata sa paligid. Malakas parin ang tugtog at parang nanghihila iyon sa dancefloor lalo na't may mga nagsasayawan narin doon. Ngumiwi ako nang maalala ko ang hiphop dance namin sa P.E.
"Heto po, Ma'am..."
Lumingon ako at ngumiti sa inilahad niyang basong tubig. Tinanggap ko iyon.
"Thanks..."
Tumango tango siya sa akin at nangingislap pa ang mga mata. Nag-iwas ako ng tingin, tumalikod sa kanya para inumin iyon.
Nagbeep ulit ang aking cellphone. Bago ko pa iyon mabuksan ay nakita ko si Kuya Red sa entrance na nakajacket ng itim at pants, ang cellphone ay nasa kanyang tainga habang ang isang kamay ay nakapamulsa at gumagala pa ang kanyang mga mata, tila may hinahanap.
Naibuga ko agad ang tubig sa aking pagkakagulat. Nagsigawan naman ang mga grupo ng babaeng dumaan at natalsikan.
"Baliw ka ba?!"
"S-Sorry..." Nagpeace sign ako at yumuko para hindi makita ni Kuya Red.
Ipinatong ko agad iyong baso sa countertop at naglakad na habang nakayuko. s**t! Lagot talaga ako ngayon!
Tumakbo ako at mabilis na pumunta roon sa dulo at nagtago agad sa likod noong couch. Tinakpan ko ang aking bibig at sinilip si Kuya Red na umaabante na, tuluyan nang gumala sa loob. Laking tuwa ko at dim ang paligid kaya hindi niya agad ako napapansin dito.
Ang bilis ng kalabog ng aking dibdib. Kinagat ko ang aking labi. Bakit niya ako natunton dito?! Kasama niya ba si Kuya Blue?! Or what if he's with Daddy?!
Bago ko pa mahanapan ng sagot ang mga tanong sa aking utak, nauna kong nahanap ang gwapong mukha ng isang lalake at ang pares ng kanyang mga matang nakatitig sa akin dito. Ang pinagtataguan kong couch ay inuupuan nila, ni Haze!
He stared at me curiously. Ang mga kilay ay nagkakasalubong pa habang sinisilip niya rin ako rito sa likod at nagtataka sa aking posisyon lalo na't para akong batang may pinagtataguan dito.
Nakakapangliit ang paninitig na iyon lalo na noong bumyahe pa iyon pababa sa aking leeg hanggang sa napunta sa aking dibdib. Nalaglag din ang aking mga mata roon at napagtantong kitang kita ang aking cleavage dahil sa aking pagyuko.
Sa aking takot at pamumula ay mabilis akong tumayo saka napaatras. Matutuwa na sana ako dahil ang gwapo kaso those eyes suddenly scares me! And he's so manyak! Sinilipan niya ako! Sinilip niya ang dibdib ko!
"Woah!" Nagulat ang mga kasama niya nang tumingala sa akin.
Nakuha ko ang atensyon ng dalawa niyang kaibigang lalake dahil sa biglaan kong pagsulpot sa kanilang likuran.
Haze followed my movement using his eyes as he stared at me devilishly. Umatras pa ako, halos mamutla na naman at hindi nakakayanan ang kanyang paninitig. Pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa kanya kaya ganoon siya makatingin, tila galit kahit kalmado lang naman.
"Ba't parang pamilyar ka ata?" tanong ng isa sa mga lalakeng kasama niya, na kahit ang mga babae nilang kasama ay napatingin narin sa akin.
Huh? Ako? Pamilyar ako? Oh maybe that day...
Huling sulyap pa kay Haze ay doon ko lang napagtanto kung sino ang dalawa niya pang kasamang mga lalake. They're familiar too!
"Brielle!"
Nagulat ako sa pumaibabaw na boses ni Kuya Red. Sumimangot ako nang mahanap ko agad ang mga mata niya sa dagat ng mga tao lalo na't lahat din ng mga nakaupo sa couch ay sa akin na nakatingin.
Huli na para umatras. Malalaki agad ang hakbang ni Kuya Red para makapunta sa aking gawi.
"K-Kuya—"
Isang hila lang sa aking pulso ay mabilis na akong nakalapit sa kanya.
Nailing siya sa akin, dismayadong dismayado akong tiningnan.
"Uuwi kana. Ngayon din," malamig niyang tugon na ikinatango ko.
Hinila niya ako paalis doon, ni ang magpaalam sa tatlo ay hindi ko na nagawa.
"Hindi ba at pinsan iyon ni Zera?" Narinig ko iyon sa aking likuran, sa mga kasamang lalake noong Haze.
Mukhang ako lamang ang nakarinig noon lalo na't wala nang pake si Kuya at gusto na agad akong ilabas doon. Deri-deritso na ang aming paglalakad at nagtungo sa parking lot kung saan niya iniwan ang kanyang kotse.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat. Pumasok ako ng tahimik doon saka niya iyon isinara. Hinila ko ang seatbelt at sinundan pa ng tingin ang kanyang pag-ikot. Dapat ay magpasalamat parin ako na si Kuya Red ang nakahanap sa akin at hindi si Kuya Blue.
Pumasok si Kuya, deritso agad ang tingin sa akin.
"Alam mo bang pinaghahanap kana?" sabi niya sa pigil na boses, ayaw akong pagalitan.
"Eh paano mo ako nahanap?"
"Naka on ang GPS mo," aniya at binuhay na ang kotse.
Ah! Oo nga pala! Dapat next time ay naka off na ang cellphone ko.
Nilingon akong muli ni Kuya, nailing pa.
"Alam mo ba ang pinasok mong lugar, Elle?"
"Oo. Bar iyon at Dream21 ang—"
Natutop agad ang aking bibig nang nanliit ang mga mata niya sa akin. Sumimangot ako at nag-iwas ng tingin.
"Hindi ka nagpaalam!" giit niya.
"Nagpaalam kaya ako kaso hindi ako pinayagan," sabi ko sa maliit na boses.
"At tatakas kana? Dapat ay sinama mo nalang ako."
"Pero Kuya, gusto kong mag-isa!" Nilingon ko siya sa sobrang frustration.
"Mag-isa? Eh mukhang kasama mo nga iyong mga friends mo..." sagot niya habang nasa kalsada na ang buong atensyon.
Humalukipkip ako at deritso narin ang tingin sa harap. Ang mga streetlights at nadadaanan naming mga kotse ang nagbibigay ng daan sa madilim na bahagi ng kalsada.
"Mapapagalitan ka talaga ni Dad..."
Namutla ako roon. Sa sobrang kaba ay para na akong maiiyak ano mang oras.
"K-Kuya..." Hinawakan ko agad ang kanyang braso.
Nailing siya at nahaplos ang buhok.
"Uminom ka ba?"
Hindi agad ako nakasagot. Nilingon niya ako kaya mabilis akong tumango.
"Nakailang shot ka?"
"I-Isa lang..."
"Buksan mo ang dashboard. May mint na gum sa loob. Kainin mo."
Sinunod ko iyon at binuksan ang kanyang dashboard. Nagulat ako at ang rami ngang mga mint na gum doon. Kumuha ako ng isa at binuksan.
"Ba't marami kang ganito, Kuya?"
"Para 'yan sa isa mo pang Kuya na mahilig uminom."
Ah... si Kuya Blue? Masyado na ata siyang nawiwili kakasama kina Ken kaya nacucurious narin siya at natututo na.
Binuksan ko iyon at ipinasok sa aking bibig. Kumalat agad ang lamig doon lalo na ang lasa ng mint.
"Magperfume ka rin nang hindi ka maamoy ni Dad," ani Kuya.
"Huh?"
"Sundin mo nalang nang hindi ako pumalpak sa pantatakip sa'yo."
Nagloosen agad ang aking balikat. Bigla akong naguilty. Magsisinungaling siya kay Daddy para lang pagtakpan ako.
"I'm sorry..." bigkas ko sa maliit na boses at yumuko na.
Bumuntong lang siya ng hininga. "Saan mo ba natutunan 'yang pagtakas mo? Kailan ka pa natutong sumuway kay Dad?"
Hindi ako nakaimik at bumuntong na lamang ng hininga.