Devilish Stare
Umalis narin sina Mommy at Daddy for work. Hindi na ako lumabas ng aking kuwarto. Hindi rin ako sumabay na magbreakfast. Pinanindigan kong nagtatampo ako kay Daddy and for the very first time, hindi talaga ako lumabas!
It wasn't really bigdeal for me, kung ayaw ni Daddy edi hindi. Hindi naman ako mahilig mamilit. Isang salita lang rin ni Dad ay sumusunod agad ako.
Pero iba na ngayon... Gusto kong mapatunayan na kaya ko rin ang ginagawa ni Zera. Gusto kong tigilan na nila ang kakakumpara sa akin sa mga pinsan ko dahil ganoon din naman ako, na may maikakabuga rin.
Nakakatrigger kasi! Halatang nanghahamon itong si Kiera and I think she's thinking na gawa-gawa ko lang ang lahat ng iyon kaya mas tinitrigger niya ako. And I want to show her that she's wrong! That I can do it, too! Para saan pa ang pagiging Delafuente ko kung aatras agad ako, right?
May kumatok sa kwarto. Mabilis kong hinila ang kumot at nagtalukbong.
"Elle?"
I heard Kuya Red's soft voice. Hindi ako kumibo at pinanindigang tulog.
Nakarinig ako ng footsteps. Pumasok na siya lalo na't papalit iyon nang papalapit.
"Iiwan ko rito sa gilid ang breakfast mo."
Narinig ko ang paglalapag niya noon. Ngumuso ako.
"Thanks, Kuya..."
Kuya chuckles.
"Sinabi ni Dad na nagpaalam ka raw umalis until 10PM?"
Sumilip ako sa kumot, hindi na napanindigan ang gusto. Nakita ko siyang nakatayo, nakapamulsa ito sa short na suot at itim na sleeveless shirt naman ang pang-itaas. My Kuya is so manly!
Tumango ako, tanging mga mata lang ang pinapakita sa kumot.
"Saan ka pupunta? Hindi ka naman mahilig lumabas sa mga ganyang oras." Kumunot ang noo niya.
"Sa labas..."
"Saang labas?"
"Basta sa labas lang." Nag-iwas ako ng tingin.
"Sa labas ka lang naman pala eh ba't hanggang 10PM? Lalamukin ka sa labas niyan."
Kinagat ko ang aking labi. This conversation is so nakakabobo! Bahala sila. Lalabas ako mamaya at hindi ako magpapaawat.
"Lumabas kana, Kuya." Nagtalukbong ulit ako ng kumot.
Bumuntong siya ng hininga.
"Sabihan mo ako kung saan ka mamaya nang masamahan kita."
What? No! Gusto kong ako lang mag-isa! Ayokong sinasamahan ako. Ayokong may bumubuntot sa akin at pagbabawalan ako sa mga ginagawa ko! Bakit ba ang higpit higpit nila? Eh si Zera nga nagagawa naman lahat ng kanyang gusto! Dapat ako, ganoon din! Gagawin ko rin lahat ng gusto ko.
Kinain ko ang breakfast kong fried egg, bacon and fried rice with my milk. I think si Kuya Kaizen ang nagtimpla nito since siya naman ang sobrang hilig na binibaby ako. And he's more softer than Kuya Blue. Ang hirap rin kasing tansyahin ni Kuya minsan. Mas maluwag pa si Kuya Red compared to him who's quite strict.
Hindi ako lumabas ng kwarto ko. Naroon lang ako sa loob, nagmomovie marathon ng kung anu-ano sa aking laptop. May lakad rin naman kasi ngayon si Zera with Irah so I guess wala rin akong mapapala pag pumunta ako sa bahay nila. She likes to be with Irah...
Naka tatlong movie ako. Mga recommendation lang naman iyon sa youtube na tinry kong panoorin. Medyo nakakagulat lang iyong huling napanood ko na Crush. I can't do that to seduce someone! Hindi na ako ganoon kabaliw para gayahin ang babaeng iyon! She's creepy!
Mga bandang twelve ng hapon ay may kumatok muli sa aking kuwarto. Bumukas iyon. Hindi ako lumingon at tumitig lang sa laptop.
Sumipol si Kuya Blue.
"Nagtatampo ka raw kay Daddy?" Nagtungo siya sa aking gawi, dala dala ang tray and probably my lunch.
Hindi ako umimik at nagpatuloy sa paghahanap ng susunod na panonoorin.
Nalanghap ko agad ang pabango ni Kuya Blue nang tuluyan siyang makalapit sa aking gawi. Inilapag niya iyon sa bedside table at kinuha ang tray kanina na naubos ko na ang laman.
"Ano 'yang pinapanood mo? Patingin nga." Tumagilid pa ang kanyang ulo para lang masilip iyon.
Ipinaharap ko sa kanya ang aking laptop.
"It's suitable for my age, okay!"
Tumawa si Kuya Blue. "Chill, baby. Ano ka ba? Si Daddy ang kaaway mo hindi ako."
Umirap ako at iniharap muli ang laptop sa akin. Kuya smirked at me. Nakikita ko iyon sa gilid ng aking mga mata.
"Tayo nalang dalawa ang lumabas. Ipagsh-shopping kita. My treat..."
Umirap akong muli. "Lumabas kana, Kuya. Manonood pa ako."
"Ang sungit ah? May period ka siguro..." Nailing na lamang ito at naglakad narin paalis.
Sinundan ko ng tingin ang kanyang likod. Nang makarating na siya sa pinto at nilingon akong muli ay mabilis akong nag-iwas ng tingin.
Tuluyan rin namang lumabas si Kuya. Nilingon ko ang iniwan niyang lunch ko. It's a pancake with pineapple juice on the side. Ibinalik ko ulit ang tingin sa aking laptop at naisip na magresearch about seducing someone.
Mabilis akong nagtipa roon.
"How to... flirt..." Tinipa ko iyon at may nagsilabasan agad na mga recommended ni Google.
Cinlick ko iyong una na how to flirt like a pro hanggang lumabas agad ang maraming videos. Namili nalang ako ng most watched at iyong may ten million views.
Hmm... The title is quite interesting too like you'll never flirt the same after watching this. Talaga lang ha!
Nagsimula iyon sa isang babae na parang nagbabalita lang or talk show at may kasama siyang lalake na naka suit.
Iyon ang pinanood ko na may more than eight minutes. Humalukipkip ako at sumandal sa headboard ng aking kama habang pinapakinggan iyong sinasabi ng babae.
"Smiling and eye contact do appear to be universal method used by men and women to to convey romantic interest..."
Ah? So you just need to smile and do more eye contact to show him that you're interested! In that way ay makakapasa kana raw ng signal at maaattract so you really need to smile alot and dapat with confidence.
And sabi rin noong babae, kung ang mga kaibigan ang madalas magpapapansin at tumititig, sila ang mas mapapansin at ikaw naman ang mababalewala na tahimik lang at walang kibo.
So I just need to be confident, smile and more eye contact! Iyon lang naman pala, eh! I'll try this later.
"You have to appear inviting and confident!"
Huh? What does she mean by inviting? Like I'm game? Ganoon? Oh... kay?
May mga sinuggest din silang ways of touching someone to attract men.
So may shoulder push, shoulder tap or shandshake. Huh? Nakakaattract pala iyong itulak ang balikat ng lalake? Hindi ba iyon offending? Maybe I'll go with handshake. And of course magdadala talaga ako ng alcohol later dahil baka ano nang germs ang nasagap ko.
Ang gagawin ko lang ay eye contact, smile, flirt with confidence and handshake! In that way makakaattract na ako ng boys. And you're a Delafuente, Elle! Walang tumatanggi sa isang Delafuente!
Mga bandang 5PM ay naligo na ako. Kinabisado ko pa iyon sa aking utak habang kumakanta at sinasabunan sa shower ang aking katawan. Tiningnan ko naman ang aking katawan. Kumpara kay Zera, mas curvy pa nga ako. Magka height lang kami at mas marami ang alon sa aking natural na brownish na buhok na namana ko kay Mommy since may kaonting American ang side ng kanyang Daddy so medyo may one forth American ako? Sina Tito Vlad, Vince at Vincent nga halata ang pagiging half and I guess sa pisikal palang ay makakaattract na agad ako.
Kaso ew! I really don't like seducing someone that ends up on a heated— ew! Pag hinalikan ako bigla ipapablatter ko talaga agad! Ipapabugbog ko siya sa mga pinsan ko para matuto. I'm sure after five seconds maghahabol na iyon sa akin dahil naattract na so I really need to tell him about the boundaries. Basted agad!
I wore a simple dress na above the knee after taking a bath. Tiningnan ko pa sa malaking salamin ang aking kapayatan. Maliit ang aking beywang at litaw na litaw ang aking curves dahil sa aking suot.
Malaki ang aking dibdib. Nipis ang aking katawan at mala gatas ang kulay ko, mas maputi pa nga ako ng kaonti kay Zera eh lalo na't mabilis lang rin akong mamula.
Iyon nga lang, mas magaling talaga si Zera sa pagdadala ng kanyang sarili. She's very fashionista and she knows how to put a make-up on herself. Marunong siyang mag-ayos unlike me na ignorante ng slight sa ganoon. Pero marunong rin naman talaga ako, kahit kaonti lang. Iyon nga lang, when it comes to confidence ay nag-uumapaw talaga kay Zera.
I sighed and smiled on the mirror. Kung kaya ng mga pinsan ko, kaya ko rin!
Mga bandang five thirty ay unti-unti nang dumidilim sa labas, hudyat na kakagat na ang gabi. Dahan dahan akong lumabas ng aking kwarto.
Today is Saturday so nasa court sina Kuya Blue and Kuya Red. I already told Manang Sandra na sabihin sa kanilang maaga akong matutulog at hindi na sasama roon sa court.
"Brielle. Nandito na po iyong ipinatawag niyong taxi," sabi niya nang bumaba ako ng dahan dahan.
Tumango ako at ngumiti.
"Thanks po..."
"Hindi ka ba magpapasama sa mga Kuya mo? Alam ba nila ito?" Nag-aalalang tanong ni Manang Sandra habang sinusundan akong lumalabas ng bahay.
Umiling ako. Sumunod siya sa paglabas ko sa gate.
"Nako baka mapagalitan ka ng Daddy mo Elle..."
Ngumiti ako kay Manang.
"Mamaya pa naman 'yon," sabi ko at binuksan ang backseat ng taxi.
Gumuhit ang pag-aalala sa kanyang mukha. Iwinagayway ko ang aking kamay para magpaalam at tuluyan din namang pumasok.
Ang lakas ng kalabog ng aking dibdib noong tumakbo na ang taxi. This is my first time going out alone! O M G! Ganito pala ang feeling na lumalabas ka at hindi nagpapaalam! Parang kailangan mong sulitin ang pagsasaya dahil baka huling beses na at hindi kana makakaulit dahil sa galit ng parents mo.
Pero uuwi rin naman agad ako mga bandang 10PM. Hindi ako lalagpas! Hindi ako magpapaabot ng eleven! I'll just worry later...
Nagtext si Kiera. Binasa ko iyon sa screen.
Kiera:
Where are you?
Binuksan ko iyon. Gosh! Can't she wait?! Wala pa namang six ah?
Ako:
On the way. Nagtaxi ako eh.
Nagreply naman agad ito.
Kiera:
Hindi ka pinayagan 'no?! Tumakas ka?!
Ngumuso ako. Napapansin ko pa ang bawat pagtingin ng driver sa itaas ng salamin. Kinakabahan tuloy ako. First time kong magtaxi na ako lang mag-isa!
"Hindi naman po kayo r****t 'di ba?" tanong ko sa driver, nangunguna na ang kaba sa akin.
"Eh kung ibaba kita sa gilid ng daan, Miss?"
Namilog ang aking mga mata. "I-I'm sorry po. First time ko kasi at—"
"Tss. Mga mayayaman nga naman. Mga judgemental." Nailing ito at bumilis pa ang pagpapatakbo.
Lumunok ako at tiningnan ang labas ng bintana. Hindi na nga lang ako magsasalita. Nagtatanong lang naman... grabe kasi makatingin! Pabalik balik! Baka kung ano na ang pumapasok sa isip niya.
Inihinto niya rin naman ako sa sinabi kong lugar. Binigyan ko siya ng five hundred at hindi nalang nanghingi ng sukli. Sa kanyang inis ay pinaharurot niya agad ang taxi nang makababa na ako. Umirap ako lalo na't nagulat pa ako sa biglaan nitong pag-alis.
"Brielle!"
Kumalma ang aking ekspresyon at nilingon si Penny lalo na't boses niya iyon. Nakita ko agad sa kanyang gilid si Lexy.
"Oh my gosh!"
Nagtatalon agad silang dalawa nang lapitan ako kaya tumawa rin ako. They're both wearing shorts short while naka haltered top si Lexy and tube top naman si Penny, nakaexpose pa ang malalalim niyang collarbone.
"This is your first time! Ang saya namin at sumama ka talaga!" ani Penny.
Ngumiti ako ng matamis.
"Ako pa ba?"
Humagikhik si Lexy. "Namention pa naman ni Kiera na may iseseduce ka raw dito. Excited akong makita kang mang-akit! I'm sure katulad mo rin si Zera na matinik sa boys."
Natawa lamang ako ng plastic. Halos tatlong he he he nga lang iyon dahil hindi ko na alam ang kahihinatnan nito mamaya.
"Nasaan pala si Kiera?" Iginala ko agad ang mga mata ko sa isang malawak na openspace.
Maraming mamahaling kotse ang nakaparada at sobrang rami rin ng mga tao, lahat ay halatang mga elite at mamahalin ang amoy.
"Halika..." Hinawakan ni Lexy ang aking pulso at hinila na ako.
Unti-unti nang gumagabi. Naglalaro narin ang mga ilaw sa kotse at ang ilaw na nanggagaling sa mga poste.
"Kiera!" tawag ni Penny kaya napunta agad ang aking tingin sa grupo ng mga girls.
"Oh my gosh!" Nanlalaki ang mga mata ni Kiera nang makita ako, nakapaskil pa ang matagumpay na ngisi sa kanyang labi.
Humagikhik ako at nagtungo kaming tatlo sa kanya.
"You made it!" Niyakap niya agad ako, tuwang tuwa.
Tumawa rin ako kahit ang totoo ay gusto ko talaga siyang itulak palayo sa akin. Humiwalay rin naman agad siya at hinead to foot pa ako ng kanyang mga mata.
She's also wearing a black tube top paired with highwaist shorts. Maganda si Kiera, payat at matangkad, lamang ng isang inch sa akin since she's already nineteen.
"So this is Brielle, guys... She's one of my close friends in BTSU and she's a Delafuente," pagmamayabang niya roon sa tatlong babaeng kasama niya.
Namilog agad ang kanilang mga mata. Ngumiti ako isa-isa.
"You mean iyong mga elite na magpipinsan? Oh my gosh! Hi!" Naglahad ng kamay sa akin iyong may medium length hair na babae at naka body hugging sleeveless dress. She looks pretty, too!
"Hi!" Tinanggap ko ang kanyang kamay.
"Pinsan mo si Ken?" Her eyes twinkled with amusement.
Napatingin rin agad sa akin iyong isa pa nilang friend, iyong naka cap na itim at hawak hawak ang latest na cellphone niyang iPhone.
Hmm... Pag si Ken agad ang namemention nangangamoy isda talaga. Something's fishy... Siguro ay may gusto ito sa pinsan ko?
"Yes," sagot ko.
"Oh... Tell him I said hi. I am Rica Montemayor." Kinindatan niya ako.
Eh? Ba't ko naman iyon sasabihin? At bakit ko susundin iyang utos niya? Tumango nalang ako, wala nang gaanong sinabi pa. She smelled like Chanel pa.
"Rica is famous since she's an elite and suki siya sa mga pageant na palagi niya talagang naipapanalo," ani Kiera.
Pageant? Kaya pala tindig palang parang may something na since she really got a nice body and uh... also her ass...
Humagikhik si Rica at binitiwan ang aking kamay, sumunod naman iyong babae ring may mahabang buhok who's wearing a cap. Maganda rin, may pagka chinita ng kaonti and fair skin.
"Hi... I am Hailey..." pagpapakilala niya naman.
Tinanggap ko ang kanyang kamay.
"She's Hailey Chavez, Elle," si Kiera. "May pinsan siyang sikat na model and she's close with the Rocales sister! Iyong sikat na artistang si Kaedy and modelong si Keyla?"
"Ah... Nice to meet you!" Ngumiti ako kahit ang totoo, ni isa, ay wala akong kakilala sa mga iyon.
Who are they? At hindi ako mahilig sa tv.
Madali lang rin naman kasing kabisaduhin ang ugali ni Kiera Melendez. Halos lahat ng kanyang mga dinidikitan ay hindi basta basta, either anak ng may-ari ng school, anak ng politician, sikat na model, may connection sa mga artista, and so on. Gusto niyang may maipagmamalaking pangalan ang kanyang mga social friends kaya rin siguro ay isa ako sa mga nahila niya since she's very friendly to me from the start.
Nagsimula narin naman ang drag race. Ang ingay ng mga busina ng kotse. Narito ata halos lahat ang mga mamahaling kotse. Halos mga BMV, Camaro? Oh, Chevy... Wow. At may dalawang Mustang. Ang isa ay kulay pula at ang isa naman ay kulay orange.
"Go Raiden!" sigaw ni Hailey, chinicheer ata iyong pinsan niya.
"She's with his famous model cousin named Raiden. Iyong may Mustang na kotse," bulong naman ni Kiera sa akin na hindi ko gaanong pinagtuunan ng pansin.
"I have so many close friend who has a showbiz cousin. Baka nga maging close ko rin si Keyla since I'm close with Hailey." Hagikhik niya pa.
Tiningnan ko kung paano ibinagsak ang flag hudyat na umpisa na at kung paano nagsitakbuhan ng mabilis ang mga kotse, agad na nangunguna ang pulang Mustang na ikinahiyaw ng mga girls. Ni hindi na pumasok sa aking utak ang pinagbubulong ni Kieta kanina at nakipalakpak narin ako.
"He's really the fastest racer!" sigaw ni Rica.
Dala ng pagkamangha, halos kabahan ako sa sobrang tulin ng kanilang pagmamaneho. Hindi ba sila mababangga?!
May iba nang nagpupustahan, ang iilan ay naglalabas ng isang libo, na kahit sina Penny at Lexy ay nakisali rin sa pusta.
"We'll always bet for Haze!" ani Kiera at tumawa nang maglabas rin ng pera.
"I really don't know kung para saan pa ang pustahan since alam rin naman nating lahat kung sino ang mananalo," si Rica iyon at nakitawa narin.
Naglahad ng kamay sa akin si Kiera kaya mabilis din akong naglabas ng pera at kumuha ng isang libo. Inilahad ko iyon sa kanya saka siya kumindat.
"May pang Bar tayo later since mananalo rin naman tayo," aniya at iwinagayway pa ang pera.
Ngumiti lamang ako at mabilis na lumingon sa pagsusulputan ng mga kotse, malapit na sa finish line.
Mas lalong umingay ang paligid. Kanya kanyang cheer ang lahat pero nangingibahaw ang isang pangalang Haze. Who is he?
"Sinong Haze?" tanong ko na kay Penny na iyon rin ang sinisigaw na pangalan.
"Si Haze ang palaging nangunguna sa drag racing car, Brielle. Ang bilis bilis niya kasing magmaneho," sagot niya.
Tumigil ang mga kotse at nagsisilabasan na ang iilang nagmamaneho roon, lahat ay mga nag gugwapuhang lalake. Nilingon kong muli si Penny.
"You mean iyong may-ari ng pulang Mustang?"
Iyong pulang Mustang rin kasi ang napansin kong pinakamabilis at nanalo lalo na't naghiyawan na sila Kiera, nagtitilian dahil sa pagkakapanalo nito.
Tumango siya at ngumiti. "Yep. At alam mo ba na ang badboy looking rin ng may-ari ng Mustang na 'yan? Sikat na sikat siya rito," bulong niya pabalik sa akin.
Huh? Badboy?
"Badboy?" Isinaboses ko ang aking iniisip na ikinatango niya, ang mga mata ay natatangay sa mga kotse at hindi makafocus sa akin.
"Oo... Siya iyan oh."
Nilingon ko ang kanyang nginuso. Ang kakalabas lamang na lalake sa pulang Mustang ang nakita ko. Inaayos nito ang nagulong buhok habang lumalabas doon, nakaleather jacket, gray tshirt na panloob, dark pants at black boots.
Medyo malayo kaya hindi ko masyadong nakita ang mukha. But he's really manly at matangkad pa. Likod palang halatang may mukhang ipagmamayabang na iyan kaya siguro halos pangalan niya ang naririnig kong sinisigaw ng mga girls kanina.
"Siya ang tinutukoy kong aakitin mo, Brielle." Ngumisi ng matagumpay si Kiera sa akin nang napansin niyang nakatingin na ako roon sa lalakeng kalalabas lamang sa Mustang at hindi ko maaninag ang mukha dahil sa kanyang paggalaw.
Napasinghap sina Lexy at Penny. Iyong Rica at Hailey naman ay nilapitan na iyong may-ari ng orange na Mustang na kausap na nila.
"Seryoso ka ba, Kiera?! Si Haze?!" Nagugulantang na tanong ni Lexy.
Tumango si Kiera. "Oo... Eh sabi naman ni Brielle kahit badboy kaya niyang akitin, right? And she's a Delafuente. I'm sure piece of cake lang sa kanya ang pangseseduce so we'll challenge her."
Nanunuya na ang ngisi ni Kiera sa akin. Kumalabog naman agad ang aking dibdib. Bakit? Anong meron sa Haze na iyon?
"Seriously?! Haze is such a badboy! There's no way in hell—"
"Ngayon na ba?" putol ko sa pagkakagulantang rin ni Lexy.
Mas nalaglag ang panga ng dalawa. Lumawak lalo ang ngisi ni Kiera.
"Kaya mo siyang lapitan?"
Nagkibit ako. "Why not? Watch me."
Umalis agad ako sa kanilang harapan, tanging singhap nila ang aking narinig at masyadong nawindang sa aking confidence. Check, Elle! Ngayon ay eyw contact at smile nalang. Pag nakompleto mo iyon with matching handshake then I'm sure ay wala na silang masasabi pa sa'yo.
Tuloy tuloy ang aking lakad, patungo roon sa lalakeng nakasandal na sa ulo ng kanyang pulang Mustang, ang isang kamay ay nasa bulsa habang ang isa ay hawak ang cellphone at naroon ang buong atensyon.
So his name is Haze. Say hi, Elle! Like. Hi Haze! Or... Wait. Hmm, 'Hey!'
Tuluyan akong nakarating sa kanyang gawi, nilagpasan ang iilang mga kotse at kung sinu-sinong lalake na nagsipulan pa nang dumaan ako. Gosh, mga kauri ata ni Ken ang nandito!
Tumigil ako sa gilid noong Haze. tilted my head and smiled quickly. Kalahati palang ng mukha ang gwapo na!
"Hey!"
Nakuha ko rin naman agad ang pansin nito at nilingon ako. Wala pang limang sigundo ay napawi na agad ang aking ngiti at napaatras ng isang hakbang.
In his devilish stare, I almost forgot how to breathe. W-what the heck? Ang gwapo naman sana pero ba't ganoon?! Oh my God! I can't look at those pair of eyes! H-He's scary and very intimidating!
Huling tingin pa, ay nakumpirma kong pamilyar nga siya. Namutla nalang ako, hindi na halos makangiti sa malamig at nakakatakot niyang paninitig.