No One
Pagkauwi namin ni Kuya, bumungad agad sa sala sina Daddy, Mommy at Kuya Blue. Tingin palang nila, napayuko agad ako.
"Umupo ka rito," ani Dad at tinutukoy ang sofa.
Nagtungo ako roon at umupo. Tinabihan rin naman ako ni Mommy at pinisil ang kamay kong nasa aking kandungan kaya tiningala ko siya. She smiled at me.
"Saan mo nahanap?" tanong ni Kuya Blue.
Napatingin agad ako kay Kuya Red na hinaplos ang batok.
"Nasa rides sila ng mga kaibigan niya," ani Kuya, kalmado lamang iyong sinabi.
Lumunok ako at pinisil ang aking mga daliri. Hawak naman ni Mommy ang aking pulso.
"Ba't hindi ka nagpaalam Brielle?" tanong ni Daddy na nakahalukipkip na sa aking harap at seryoso na ang timbre ng kanyang boses.
"N-Nagpaalam ako pero hindi ka naman pumayag," sagot ko sa mahinang boses.
"See? I told you to let her!" si Mommy sa matigas na boses.
"Hindi ako pumayag dahil gabing gabi na ang 10PM," si Dad sa marahang boses.
"Dad... Gabi naman talaga iyon," si Kuya Red naman.
"Sino bang nagsasabing umaga iyon Red?" si Kuya Blue na bahagyang natawa.
Nag-angat ako ng tingin sa kanila at sumimangot.
"Ang sabi niyo sa akin pag legal age na ako ay pwede na akong lumabas. Eh ba't hindi parin pwede? Si Zera nga nakakalabas naman ah! Ba't ako hindi pwede?"
Binasa ni Dad ang labi. Sina Kuya naman ay natutop ang bibig at nakay Dad narin ang mga mata.
"Scammer ka pala eh," ani Mommy kay Dad.
Tiningnan siya saglit ni Daddy at may sasabihin sana nang naunahan ni Kuya Red.
"Pwede ko namang samahan si Elle, Dad... Kawawa nga rin naman kung ikukulong lang natin siya rito sa bahay. Baka nabobored na iyan..." aniya.
"Kinukulong ba si Elle? Nakakalabas iyan," si Kuya Blue naman.
"Iyong katulad kay Zera ang gusto ko! Nakakalabas siya tuwing gabi at pwede na siya hanggang 10PM!" giit ko.
Bumuntong ng hininga si Daddy. Si Mommy naman ay nasa likod ko na ang isang kamay at hinaplos ako roon, naninimbang din ang mga mata kay Daddy na ngayon ay nakapameywang na.
"I'll let you if you're with your cousin Zera," ani Dad na agad kong ikinabusangot.
"Pero may mga sariling lakad si Zera na hindi ako kasama. She's close with Irah..." Yumuko ako at humalukipkip. "Ayaw niya akong sinasama kaya sumasama nalang ako sa mga friends ko."
Ilang sigundo silang hindi nakaimik. Naging matabang agad ang aking panlasa sa aking bibig. Hindi ko naman talaga pagtitiisan ang friends ko kung palagi lang akong sinasama ni Zera sa mga lakad niya kaso ayaw niya eh. I don't know why... At ayoko rin namang mabored sa bahay kaya no choice ako at sa mga friends ko nalang talaga. Si Daph kasi may sarili rin iyong mundo. And I can't relate with my other cousins, the Fortalejo's! Malalayo na ang edad nila sa akin.
Yumuko si Daddy hanggang sa makalebel ko na ito. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin.
"Hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sa'yo, Elle. I am just worried..." Namungay ang mga mata niya sa akin.
Ngumuso ako at nilingon si Mommy na nakangiti narin pero halata ring sang-ayon kay Daddy. Si Kuya Red ang nag-iwas ng tingin habang si Kuya Blue ay tumango-tango naman.
"Pero ayoko rin namang nalulungkot ka rito. Ayokong nagseselos ka sa pinsan mo at pakiramdam mo ay pinagbabawalan ka namin sa mga gusto mo. I forgot you're already eighteen... Na dalaga na ang baby namin..." Daddy smiled at me.
Isinandal ni Mommy ang ulo niya sa kanyang balikat at niyakap ako sa gilid.
"Dalaga na nga siya. Baka nga ay may boyfriend na ito at—"
"W-Wala! Yuck!"
Nagtawanan sila sa naging reaksyon ko.
"Anong yuck?" Natatawa ring si Mommy at bumangon na, hinahawi pa ang aking buhok para mas makita ang aking nandidiring ekspresyon.
"You're very pretty Elle... You look like me with a mixture of your Daddy... You're a Delafuente kaya hindi na nakapagtataka kung marami riyang nagkakagusto na sa'yo at gusto kang ligawan," ani Mommy.
"Don't compliment her too much, My. Baka kung ano nang pumasok sa isip niyan," si Kuya Blue na nakaangat pa ang isang kilay sa akin.
"Totoo naman ah! Our baby is very pretty. She's white as milk and her cheeks are natural red. May mga kamukha nga siyang mga young hollywood actress kaya hindi nakakapagtaka kung maraming mabibihag na lalake si Elle at matipuhan siya."
Sumimangot si Daddy roon. "Huwag na muna iyang boyfriend boyfriend. Ayoko pa niyan."
Tumango agad sina Kuya Red at Kuya Blue. Si Mommy lang ata ang boto sa ganoong bagay na kahit ako naman ay ayaw ko parin. Hindi ako kinikilig sa lovestory 'no. I am not like Zera who likes Romance alot. Ako gusto ko iyong sa dulo bigla palang may twist at papatayin niya iyong babae or hindi sila nagkakatuluyan. I just don't like Romance at all. Parang nandidiri talaga ako sa mga kissing and such like iyong ginagawa ng mga pinsan kong panghaharot sa girls. I think it's disgusting...
"Pero wala pa naman iyon sa isip ko. Gusto ko lang naman mag-enjoy with my friends..." sabi ko na ikinakalma ng kanilang mga ekspresyon.
"Elle doesn't lie, Dad," si Kuya Red iyon, halatang suportado sa akin.
"Sus... Baka nga may crush kana lalo na't nagtatanong ka pa kay Ken kung—"
"Sinabi niyang bigla lang iyong nagpop-out sa utak niya," putol naman agad ni Kuya Red kay Kuya Blue.
Hinaplos ni Kuya Blue ang kanyang batok at ngumisi kay Red. Sumimangot naman ako habang si Daddy ay naninimbang parin ang tingin sa akin.
"Oh sige... Papayagan na kita..."
Namilog agad ang aking mga mata. Oh my gosh! Is this true?!
"Really?!" Lumawak agad ang aking ngisi.
Tumango siya at lumawak rin ang ngisi sa akin kaya kahit si Mommy ay napangiti narin.
"Basta ay hindi lalagpas ng ten."
Tumango-tango agad ako at sa sobrang saya ay niyakap ko na si Daddy.
"Thanks alot, Daddy! I love you!"
Daddy chuckles.
"Love you too..."
After that talk ay nagdinner rin naman kaming lima. Naging smooth ulit ang topic dahil hindi na ako nagtatampo kay Daddy. Maingay na naman ang hapag dahil sa tawanan namin.
After magdinner ay pumanhik rin naman agad ako sa aking kwarto. Naghalfbath ako at deritso na sa kama pagkatapos. Katext ko sina Lexy Penny at Kiera na naroon parin sa Bar.
Lexy:
You left! :(
Penny:
Ang aga mo namang umuwi. We saw your Kuya! Sinundo ka niya?
Kiera:
You're weak. Akala ko ba game ka?
Nagtagal ang titig ko sa text ni Kiera. Why is she saying that I'm weak? Sa kanya agad ako nagreply.
Ako:
Sinundo ako ni Kuya eh. Next time nalang ulit.
Nireplayan ko rin si Penny.
Ako:
Yep.
Nagtipa narin ako ng reply for Lexy.
Ako:
Sinundo ako ni Kuya. Next time nalang ulit.
Ang mabilis na nagreply ay si Kiera.
Kiera:
How about tomorrow?
Huh tomorrow? Sunday bukas ah? I can't! Family bonding namin iyon.
Ako:
May family bonding kami tuwing Sunday. Next time nalang.
May kumatok sa pinto kaya inilapag ko ang aking cellphone at hinila ang aking kumot. Pumasok naman si Kuya Blue, may dala-dalang mug.
"I brought your milk... Si Red ang nagtimpla nito," ani Kuya habang naglalakad na palapit sa akin.
Tumango ako at idinikit ang aking hita sa aking dibdib. Niyakap ko iyon habang sinusundan siya ng tingin na ngayon ay nasa gilid na ng aking kama.
"Thanks, Kuya..."
Inilapag niya iyon sa bedside table at ibinulsa ang mga kamay, nilingon na ako. Kinabahan agad ako sa seryoso niyang ekspresyon.
"Hindi ko nagugustuhan 'yang pagba-Bar mo," seryoso niyang sabi kaya halos atakihin ako sa kalabog ng aking dibdib.
S-Sinabi ni Kuya Red?
"Halatang nagsisinungaling lang si Red at pinagtatakpan ka," ani Kuya, tila nababasa ang tumatakbo sa aking isipan.
Kinagat ko ang aking labi at nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Isang shot lang naman 'yon. I was curious so..." Mas hinila ko pa ang kumot para pagtakpan ang aking tuhod.
Tumango si Kuya Blue at ngumiti sa akin.
"Matulog kana after drinking your milk." Yumuko siya at hinalikan ang aking noo.
"I'm sorry..." sambit ko sa maliit na boses at nag-iwas ng tingin.
Ang ngiti niya ngayon ay umabot na sa kanyang ekspresyon hindi katulad kanina na matabang lamang. Ginulo niya ang aking buhok.
"I'm worried, you know... Sa susunod ay magpaalam kana ng maayos."
Tumango ako sa kanya at dumaosdos na sa kama pahiga.
"Goodnight Kuya..."
"Goodnight..." Ngumisi siya sa akin at tinulungan pa akong kumutan ang aking sarili.
Lumabas rin naman siya habang naiwan akong nagmumuni-muni. Iniisip ko tuloy si Kuya Red. Pinagalitan ba siya ni Kuya Blue? Ibang iba pa naman si Kuya Blue. He's smart and he knows how to observe people. Siya iyong tipong nanghihingi ng kapalit sa isang bagay na gagawin niya unlike kay Kuya Red na gagawin lang iyon ng libre dahil ganoon siya kabait. Kung gagalitin mo ang dalawa, mas iba magalit si Kuya Blue.
Bumuntong na lamang ako ng hininga at bumangon para inumin ang aking gatas. Sinulyapan ko ang screen ng aking cellphone at napansin ang text doon ni Kiera. Dinampot ko iyon at binuksan.
Kiera:
Next week?
Nagtipa ako.
Ako:
Mag Ce-Cebu kami ng mga pinsan ko.
Isa rin kasi iyon sa napag-usapan kanina sa hapag. Kuya Blue said na pinagpaplanuhan na raw nila Kuya Hiro ang outing namin sa Cebu. I'm not sure if Kuya Grey and Kuya Toshi are coming with us. They're very busy kaya baka kami kami lang.
Inilapag kong muli ang mug nang magreply si Kiera.
Kiera:
Tumatakas ka 'no?
Sumimangot ako at gigil na nagreply.
Ako:
Bakit naman? Chill Kiera. Maaakit si Haze sa akin before this Summer ends. I assure you.
Lumabas na ata sa earth ang confidence ko at nangibang planeta na. Ganoon na kalayo ang narating noon sa sobrang taas ng aking confidence. Baka sa huli ay mapahiya kana naman niyan ah?
Naisip ko tuloy ang ginawang pangdededma noong Haze sa akin. Akala niya siguro patay na patay ako sa kanya purket ako ang unang lumapit! The nerve! Ba't naman ako magkakagusto sa apo ni Satanas? And duh. Ang layo layo niya kaya sa mga type kong boys. I will never like someone as ruthless like him!
Big check na sana kasi gwapo kaso ang maldito na nga, ang sama at ang lalim pa makatingin, plus his ruthless aura, bagsak agad siya sa standards ko sa mga lalake.
Nakakainis siya! Pagbubutihan ko talaga ang pang-aakit sa kanya nang mabasted ko siya agad at nasa akin ang huling palakpak. Paluluhurin ko talaga ang apo ni Satanas.
Hindi na ako masyadong nakakasama sa mga lakad nila Kiera sa mga nagdaang araw dahil sa outing namin sa Cebu. Binisita namin ang magagandang tourist spot doon, lalo na iyong Bounty Beach na matatagpuan sa Malapascua Island. Doon na kami kumuha ng room sa isang Ocean Vida Resort na malapit lamang doon. Maganda ang room at sa labas ay tanaw na tanaw ang view ng dagat lalo na ang sunset. Halos doon kami namalagi ng tatlong araw lalo na't hindi lang rin naman Resort ang malapit sa Bounty beach kundi pati narin Bar at Restaurants kaya ang mga pinsan kong boys ay masyado agad naging hyper lalo na't makakapang chix na naman ata sila sa Bar. Maraming pwedeng gawin sa Bounty beach bukod sa diving lalo na't doon mas popular ang beach na iyon at kadalasan sa mga bumisitang turista ay iyon ata ang sadya dahil sa mga napapansin kong mga diver.
"Deym!" Sumipol si Ken na nakasleeveless shirt na itim, boardshorts at cap na nakabaliktad sa kanyang ulo habang nakahilig sa likuran ng unuupuan nilang buhangin.
Isa sa mga rason kaya mahilig rin sila sa beach ay dahil sa mga nakabikining mga babae. Iyon talaga ang unang rason kaya hindi nawawala sa gala namin ang beaches.
Katabi niya sina Wayt at Hiro na kapwa topless at nakaboardshorts lamang, ang mga buhok na nakaatras ay basa lalo na't kakaahon lamang nila kanina sa dagat at nakahilig din sa kanilang mga kamay sa likuran.
Sinundan ko ng tingin ang sinipulan niyang grupo ng mga girls habang nagpapahid ako rito ng sunblock sa inuupuan kong lounger chair, sa gilid ko naman ay si Zera na nakasuot ng two piece bikini with her sunglasses at inienjoy ang sumisilip na init sa kanyang kinahihigaang lounger.
"I want to smack those ass, man!" Tumawa siya sa katabi niyang si Wayt sa kanang bahagi.
Ngumisi si Wayt at sumulyap narin sa mga butt noong rumampang grupo ng girls kanina at naghahagikhikan na roon sa isang cottage. Si Kuya Hiro lang ang tumingala at pumikit, walang pakialam doon sa girls.
Pansin ko rin sa bawat mga babaeng napapadaan ay napapatingin talaga sa kanila, isa-isa at magsisinghapan. Dinaig pa nila ang magandang view ng dagat at ang mayayabang ay mas nanghahakot ng turista na akala mo isa sila sa dapat ding tingnan!
Ngumiwi ako at nilingon muli si Zera na ngayon ay sinisipsip na ang kanyang citrus drink.
"Did you heard Ken?"
"Heard what?" Kunot-noo niyang tanong at tiningnan ang pagpapahid ko ng sunblock sa aking legs lalo na't nakasleeveless dress parin ako.
"He said he wants to smack the girl's ass! Ang bastos hindi ba!" Pinandilatan ko siya ng mga mata.
Imbes na magbigay ng parehas na ekspresyon sa akin ay pinasadahan niya lamang ng haplos ang kanyang buhok at tumingin sa harap, sa kumikislap na malinaw na tubig ng dagat dahil sa halik ng liwanag ng araw roon, tila mga malilit na kristal na nahulog sa kalangitan.
"Stop being so nosy... Boys talk iyan," aniya at humilig sa kanyang siko.
"Narinig ko lang naman since malakas ang boses ni Ken."
"Ang tsismosa mo."
Ngumuso ako at hindi napigilang lingunin muli ang mga boys. Humahagalpak na si Ken doon, ang dalawa sa magkabila niyang gilid ay pangisi-ngisi lang, maliban kay Kuya Hiro na nagkakasubong pa ang kilay.
Naisip ko kasing baka may matutunan ako kay Ken when it comes to flirting since he's very good at it. Hindi na ako magtatanong at panonoorin nalang siya total sa bawat lakad namin, basta may babae sa paligid ay awtomatiko agad siyang nagiging higad.
Tumayo rin naman ako at gumala sa malambot ng buhangin ng Bounty beach dala dala ang aking polaroid. Regalo ito ni Daddy sa akin noong seventeen ako lalo na't parehas kaming nakahiligan ang pagkuha ng pictures.
Kinunan ko ng picture ang gumagalaw na palm trees at tila sumasayaw dahil sa hampas ng hangin. Kinunan ko rin sina Kuya Blue at Kuya Red sa may dagat na naghahagalpakan sa isang bagay, puro rin mga topless.
Pumulot ako ng shells at kahit ang pagdikit ng pino at puting buhangin sa aking palad ay kinunan ko rin. Noong nilipat ko ang tingin sa pwesto ni Zera ay kinunan ko rin siya ng picture na perpektong nakaupo roon at kumikinang pa dahil sa pagtama ng araw sa kanyang puting balat.
Panay lang ang aking picture sa paligid and of course nagpicture rin kaming magpipinsan for souvenir. May inutusan lang kaming babae para gawin iyon na pumayag naman since si Ken pa ang humingi ng pabor at sabay haplos sa kamay noong ibinigay niya na ang aking polaroid.
Noong napagod rin naman ako kakapicture ay sinamahan ko rin si Zera na naliligo na sa pool area ng Resort.
"Ang ganda sa Cebu 'no!" sabi ko nang umahon siya at humilig sa inuupuan kong gilid ng pool.
Hinilamos niya saglit ang kanyang mukha at pinasadahan ng haplos paatras ang basang buhok. Tumango siya at tumingala, hinayaan ang katamtamang buhok na sumayaw roon sa tubig.
"I want to live here someday..." wala sa sarili niyang bigkas, nakapikit parin.
Sa mga napuntahan rin naman kasi namin dito, ang ganda nga ng Cebu.
"Huh? Talaga? Ayaw mo na sa Manila?"
Umiling siya. "Mas tahimik ata rito unlike Manila..."
Hmm...
"Sasabihin ko kay Trey iyan." Humagikhik ako.
Umahon siya at tuluyang tumabi sa akin. Bumyahe naman ang aking tingin sa kulay cream na bikini niyang dikit na dikit na sa kanyang balat at kitang kita ang nipis ng kanyang katawan. Naka one piece bikini kasi ako since my two Kuya are just too primitive! Kulang nalang ay magjacket at pajama ako rito eh.
Pinagmasdan ko siyang piniga ang basa niyang buhok sa gilid.
"Ba't mo naman sasabihin kay Trey?" Nagkasalubong ang kanyang kilay roon.
"Eh 'di ba you like him so at least may ediya si Trey sa syudad na gusto mong tirhan."
Umangat ang kanyang kilay sa akin.
"And how sure are you na si Trey ang gusto kong pakasalan?"
Huh? Eh diba he likes him? I'm sure kung sino ang gusto niya ay siya rin ang gusto niyang pakasalan.
"Edi sasabihin ko nalang iyon sa lalakeng mapapangasawa mo someday." Ngumiti ako sa kanya.
Hindi na siya umimik doon at nasa ibang bahagi na ang tingin. Hmm... Kung hindi na si Trey, edi sino ang gusto niyang pakasalan? Akala ko pa naman siya rin ang gusto niyang mapangasawa.
Nagsilipatan narin ang mga boys sa pool area kaya nabulabog na naman ang mga kababaihan dito dahil sa looks ng mga unggoy. Para silang tourists spot na natatangay talaga ang mga mata ng girls sa kanila. Imbes na mag-enjoy sa pagligo ay naiirita na tuloy ako sa mga babaeng naghahagikhikan at todo papansin sa kanila. Are they even special? Nakita na ba nilang matulog si Ken? Si Wayt? Si Hiro? Eh sina Kuya? Nakakaturn off kaya sila!
That night ay nagdinner kami sa malapit na Restaurant. Ken keeps on talking about the girls he met. Iyon ang huli niyang topic bago siya nasamid sa kanyang kinakaing steak.
"Buti nga!" Tumawa ako habang nagmamakaawa siyang bigyan siya ng tubig.
Nailing nalang ang iba kong mga pinsan. Zera even pulled the glass of water away from him kaya mas natawa ako dahil nakailang ubo na siya, ni isa ay walang balak siyang bigyan ng tubig. Sa huli, si Kuya Red ang naglahad noon sa kanya at hinaplos ang kanyang likod para tulungan itong makawala sa pagkakasamid.
Bago magpasyang bumalik sa aming room ay nagtungo pa sila sa Bar! Of course, nagmakaawa talaga akong sumama lalo na't gusto ko ring magsaya. Luckily, pumayag naman si Kuya Blue na kahit si Kuya Red ay nakaakbay pa sa akin.
"Cup C... Phew!" Iyon agad ang narinig ko kay Ken nang may sipatin siyang babae sa pagpasok namin, ang boses ay humahalo sa malakas na tugtog sa loob.
Is he talking about size of bra?! Namilog ang mga mata ko sa kanya na ngayon ay humahagalpak na sa dim na paligid suot ang kanyang button down shirt na stripes. Noong nilingon ko rin si Zera ay tila wala naman siyang naririnig, o sadyang wala talaga siyang pakialam sa mga pinagsasabi ng mga pinsan ko o ginagawa.
Umupo kami sa isang table na napuno naming pito. Panay pa ang pagkindat ni Ken sa mga kabilang table at may nahuli akong inirapan siya.
"Buti nga sa'yo!" Tumawa ako nang mapansin iyon.
Sumimangot si Ken sa akin, ang naglalarong neon lights sa paligid ay tumama pa sa kanyang malanding mukha kasabay ng pagkinang ng kanyang earrings.
"Stop insulting me..." aniya sabay haplos ng buhok paatras.
"You're very flirt! Inirapan ka noong babae kasi hindi ka niya type." Tumawa akong muli.
Sumulyap siya saglit sa mga inilapag na beers noong lalakeng waiter ata kasama pa ang iilang pulutan like sisig and french fries sabay balik sa akin.
"The girl likes me, Elle..." Ninakawan niya ng tingin ang kabilang table, nang ibalik sa akin ay nakataas na ang dalawang kilay.
Lumingon rin ako roon at tiningnan iyong babaeng may short hair at naka body hugging dress na kulay pula. Singkit ito at maputi. Nagulat ako sa liit ng beywang at sa kanyang dibdib.
"Nagtataray lang 'yan pero pag nilapitan ko iyan at nginitian, bibigay agad 'yan." Nakangising pagmamayabang ni Ken sa akin.
"Talaga?"
Tumango siya at inabot iyong isang sanmig. Tinungga niya iyon pagkatapos ay binasa ang kumintab na pula niyang labi.
"Yup. I'll get her number later..." Kumindat siya sa akin.
Humalukipkip ako. "Inirapan ka niya so it means she's not interested."
Katulad nalang noong ginawa ni Haze sa akin. Nilagpasan niya ako at pinaramdam niya agad sa akin na hindi siya interesado. Paano ko aakitin ang ganyan, kung ganoon?
Tumawa siya.
"She just want to show to me that she's not an easy girl. Ganyan naman iyan sa umpisa, ipaparamdam at ipapakita sa'yo na kunwari ay hindi ka nila gusto. Tatarayan ka, iirapan, pero deep inside ay nagpipigil lang 'yan. Baka nga isang kalabit lang ay sumabog agad sila sa pagpipigil. Believe me Elle... girls can't resist my charming smile. No one can resist a Delafuente's charm... Ten seconds..."
Really? Ibig sabihin si Haze... nagpipigil lang? Iyon ba? But if Ken's right... kung wala ngang nakakatanggi sa isang Delafuente, then malaki ang pag-asa ko roon kay Haze! No one can resist a Delafuente!
Kaya pala ganoon ako magsalita katulad ni Ken huh? May pa five seconds five seconds pa akong nalalaman! Naaadopt ko lang ata ang mga naririnig ko sa aking mga pinsan kaya ang confident kong sabihin iyon kahit ang totoo ay napulot ko lang naman talaga sa dila ng mga malalandi kong pinsan, especially Ken na madalas ko talagang naririnig.
Pero hindi naman ako tsismosa! Sadyang naririnig ko rin talaga at lumalabas narin sa aking bibig. Iyon lang naman!