With Confidence Ten-thirty na ng gabi. Medyo may tama na ang iba kong mga pinsan lalo na't nakakailang shot narin sila pero kaya pa namang dalhin ang mga sarili. I tried drinking sanmig, iyong light lamang at lemon flavored. Okay naman ang lasa, para lang siyang softdrink. Tinapik ni Ken ang balikat ni Wayt. "I'll get her number," aniya, tinutukoy iyong sa kabilang table na tumatayo na at nagtungo sa counter area. Petite at matangkad ang babae. Mala hourglass ang kanyang katawan at sa bawat paglalakad niya ay may napapalingon talaga kaya masyadong tinutubuan ng kalandian si Ken, gustong diskartehan iyong babae. Tumayo narin ako. Si Kuya Red agad ang napatingin sa akin. "Saan ka pupunta?" tanong niya. "Ah... Sa cr?" Umangat ang kanyang kilay. Nilingon ko si Ken na naglalakad na