Legal Age
Mainit ang pagpasok ng Summer na iyon nang matapos na ang klase. Palagi kong sinasabi kay Zera na pumunta kami sa Cebu, o kung saan man pero minsan, pakiramdam ko ay hindi siya nakikinig sa akin, tititig lamang pero hindi kikibo at tamad na iiiwas ang tingin sa ibang bagay.
"Hindi ba ang sabi ni Kuya Hiro nakalabas na si Isaiah. Nagkita kayo?" tanong ko habang nasa sala kami ng kanilang bahay at kumakain ng mga finger food while nanonood kami ng movie.
"Bakit ba bukambibig mo siya?" Tinaasan niya ako ng kilay, ang isang kamay ay may hawak na pizza habang ang isang kamay ay namamahinga lamang sa ibabaw ng unan.
"Wala lang naman... Nagugwapuhan lang ako."
Umismid siya at ibinalik ang tingin sa tv. Itinuon ko rin ang mga mata ko roon. Sabihin ko kaya na I have a slight crush on Isaiah? Ang gwapo niya kasi. Pero iyong crush na hindi katulad ng nararamdaman niya para kay Trey. A feeling that won't last for years... Bale kaonting paghanga lang talaga.
I never had a deep feeling for someone. Ang sabi pa naman nila abnormal daw iyong mga walang crush. I also asked Kuya Red about it at parehas pala kami, mga walang crush.
"So mga abnormal tayo?" tanong ko, bumubusangot na.
Nagkibit siya.
"Busy lang talaga tayo sa school. We're normal, Elle..."
But I wonder why they're saying na mga abnormal ang walang crush. Sinong nagsabi noon? Bakit niya nasabi? At ano ang pinagbasehan niya? I am not an abnormal person. Hindi lang talaga ako makahanap ng magugustuhan kong lalake. Or si Isaiah nalang kaya? Kaso slight lang iyon eh at unti unti naring nawawala since hindi ko na siya nakikita.
"Mag Bar kaya tayo tuwing gabi? Total legal age na ako. Pwede na akong gumala gala..." sabi ko kay Zera, nang maalala kong magkatabi pala kami.
"Akala mo naman papayag si Tito V. At boring doon," sagot niya at halos tamarin pa sa pakikipag-usap sa akin.
Papayag si Daddy 'no! Sabi nila pwede na ako magpagabi pag nasa legal age na ako! And I want to experience some night life, too! Naiinggit ako kay Zera kasi ang lakas ng loob niyang tumakas kahit hindi siya pinapayagan. Hindi ba siya takot mapagalitan ni Tito Jiro? Eh ako... takot akong mapagalitan ako ni Daddy.
Pero ang tamlay talaga ni Zera.Humalukipkip ako sa sofa at nag-isip nalang ng pwedeng pagkaabalahan.
"Eh iyong Cebu? Tuloy ba iyon? Kuya Hiro agreed..."
Nagkibit lang siya. Ngumuso ako at nahulog ang tingin sa pagkain sa center table. Hmm... How about tomorrow?
"Tomorrow? Magmall kaya tayo," suhestyon ko.
"May lakad kami ni Irah."
Oh... So... So hindi ako kasama?
"Kayo lang?"
Tumango siya at kinagatan ang pizza.
I wonder why they're very close kahit na palagi silang nag-aaway. Feeling ko nga ay mas close pa sila ni Irah kaysa sa amin eh pinsan naman sana kami. I wanted to be with her most of the times, sa mga lakad niya, kasama siyang magshopping, pero may sarili rin kasi siyang desisyon at minsan ay hindi pa ako kasama roon.
"Isama niyo nalang ako. Wala akong gagawin..." Sumimangot ako sa kanyang tabi.
"And what's the purpose of your friends?" sarkastiko ang boses na iyon, tila may ediya agad siya.
Bumuntong ako ng hininga. Kumuha ako ng isang slice ng pizza at kinagatan iyon ng tahimik.
Bumaba naman si Kuya Hiro, bagong paligo lalo na't kinukusot niya ang kanyang basang buhok, suot ang sleeveless shirt at shorts saka siya nagtungo rito.
"Hi Kuya..." Ngumiti ako sa kanya.
Tumango siya at tinabihan ako sabay kuha ng pizza.
"May lakad kayong dalawa?" tanong niya.
Umiling ako at ngumuso, tinitingnan ang malaking kagat ng kanyang pizza nang isubo niya ito.
"Meron," si Zera ang sumagot na ikinagulat ko.
"May lakad tayo?!" excited kong tanong.
"No. I'm with someone..." ani Zera at hinaplos ang kanyang buhok.
Napawi ang excitement sa aking boses. Si Kuya Hiro naman ay bumagal ang pagnguya at tumitig ng makahulugan sa kanyang kapatid.
May kung anong sinabi si Kuya Hiro na hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin dahil sumimangot na ako at tumitig nalang sa movie. Hindi ba ako masayang kasama? Nakakaselos dahil parang mas gusto niya pang kasama si Irah kaysa sa akin. We're cousins!
Hindi ako masyadong nagtagal sa bahay nila Zera at umuwi rin naman ako. Nakatanggap agad ako ng mensahe galing kay Kiera.
Kiera:
Tomorrow is Saturday. Manonood kami ng dragrace. You wanna come with us?
Dragrace? May sumunod ulit na panibagong text kaya naging maliit ang aking mga hakbang hanggang sa huminto ako sa side ng subdivision na nilalakaran ko pauwi sa bahay para basahin iyon.
Kiera:
And I want you to seduce someone... Napaka badboy kasi noon.
Kinagat ko ang aking labi. Nagtipa ako.
Ako:
I'm in.
Napakapalaban mo naman, Elle! Saan ka humuhugot ng tapang mo? Baka pwede kana ring magsundalo niyan ah! Pwede kanang pumasok sa militar at ipaglaban ang West Philippine Sea sa sobrang katapangan mo!
Naglakad ulit ako nang may biglang umakbay sa akin. Nang nilingon ko ito ay si Ken pala. Nakajersey na itim, sleeveless shirt, sapatos at pawisan.
"Yuck! Pawisan ka!" Itinulak ko siya ng kaonti kaso humalakhak siya at ginulo ang aking buhok.
"Nagjogging ako eh. Saan ka galing?" Yumuko siya at hinipan ang loob ng kanyang suot na sleeveless shirt.
"Sa bahay nila Zera..."
"Oh, sa bahay ng mga maharlika." Humalakhak siya, tunog pang malandi ang boses.
Ngumiwi ako. Bakit ba kahit ang pagtawa niya parang nakikipagflirt lang?
Speaking of flirt...
Bumagal ang aking paglalakad ganoon din siya, sumasabay lamang sa akin.
"I have a question Ken. I am just curious..."
"Hmm? What is it?" Pinunasan niya ang pawis sa kanyang leeg.
"How do you flirt with girls? Bakit habulin ka? Ginagayuma mo sila 'no?" Tinuro ko ang kanyang mukha.
Humagalpak agad si Ken. Sumimangot naman ako.
"What? Hindi ko sila ginagayuma. Sila ang nagagayuma sa kagwapuhan ko at niluluhuran ako," sabay suklay paatras ng kanyang buhok.
Ang yabang naman! Is that even true?! Oo gwapo naman ang mga pinsan ko pero sapat na ba ang kagwapuhan ng lalake para mabaliw ang isang babae at maghabol? Like ako, marami akong nagugwapuhan pero hindi ko naman piniflirt at hinahabol. Eh bakit iyong iba...
"I don't get it." Humalukipkip ako, napagod na sa kakatingala sa kanyang katangkaran kaya mas nagfocus nalang sa daan.
"Hindi gets ang alin?"
"Ikaw. Hindi kita magets," sabi ko na ikinangiwi niya.
"Ang dali lang intindihin noong sinabi ko ah. Ikaw ang mahirap magets, Elle." Humalakhak siya.
Sumimangot ako at umirap. Mahirap talaga siyang intindihin! Hindi naman ganoon kadali maakit ang mga girls! Katulad ko, hindi ako ganoon kadali maakit sa lalake kasi hanggang ngayon ay wala parin akong nagugustuhan talaga unlike sa mga boys na pag maganda lang ay gusto na agad nila. Na pag malaki lang ang dibdib ay pasok na agad sa standards nila, na pwede na agad ligawan kasi nga, may big boobs. Eh ang girls? Mapili kami. Attitude matters! Ayoko sa suplado, sa badboy, sa masama ang ugali! I want someone like my father and my Kuya's. Iyong may mga pleasing personalities. Iyong hindi lang looks kundi maganda rin ang ugali.
"So ganito nalang. Paano ka nang-aakit ng girls?" tanong ko, pasimple nalang iyong nililiko.
Ken was fixing his messy hair, na ginulo niya kanina at inayos niya lang rin ngayon. So weird!
"Hmm... Paano ba?" Pinisil niya ang pulang pang-ibabang labi.
Oh... Goodthing hindi siya nagdududa kung ba't nagtatanong about seducing someone. Buti nalang tuliro siya minsan kausap, iyong parang wala sa isip.
"Ngumingiti lang naman ako. Nag ha 'hi' at boom. We're already kissing..."
Huh?! What the heck?! Kiss?! That is so dirty and disgusting! I mean why would you let someone touch your lips with someone's lips! And yuck! May laway pa iyon! Kadiri! I can't imagine myself kissing! Ako lang ba ang hindi kinikilig sa mga ganoon? Palagi kong iniisip kung nagtoothbrush na ba sila? Kung ano ang huling kinain? Kung hindi ba yellowish ang teeth.
"Yuck..." I muttered with my thoughts.
"Anong yuck? Kissing is fun, Elle!" Kinurot niya ang aking pisngi. "You can say all the words the lips can't tell through kissing."
"Anong klaseng words ba 'yon? Alien language?" Nasira ng husto ang aking ekspresyon.
Humagalpak siya. "Ano ba 'yang pumapasok sa mga isip mo? Ba't ang layo?"
What? I make sense naman ah! Kissing on the lips is dirty! End of topic.
"Ewan ko talaga sa'yo. You need to avoid talking with your brothers you know... They're bad influence. Kung saan saan lumilipad ang isip mo. You're always high!"
"Mas bad influence ka kaya! You're talking about kiss. Eh hindi nga nagtatopic ng ganyan ang mga Kuya ko..."
"Of course... Virgins can't relate." Kinindatan niya ako.
Umismid ako sa kanya. Ang dirty dirty ng utak ni Ken. I hate him for being so flirt! Ang rumi rumi ng mga pinaggagawa niya. Like kissing with different girls! Yuck! Pag ako may humalik sa akin, whole month siguro akong magmumumog ng alcohol.
Hinatid niya ako sa bahay. Kapwa kami pumasok sa loob. I'm sure makikikain lang iyan at pag busog na ay aalis din.
Pagkapasok namin ay nadatnan ko ang mga kapatid ko sa sala, si Kuya Red sa may countertop na may kung anong kinakain, at si Kuya Blue sa sofa na nanonood ng news?
Dumeritso ako sa kanya at tumabi. Si Ken naman ay doon dumeritso sa pagkain, kay Kuya Red.
"Kuya. Tuloy ba 'yung Cebu?"
Inakbayan niya ako at ginulo ang aking buhok. Sumimangot ako saka iyon inayos.
"Bakit atat kang magbakasyon sa ibang lugar? May ginawa kang kalokohan 'no?" Umangat ang kilay niya sa akin.
Umawang ang aking bibig at sasagot na sana nang pumaibabaw ang boses ni Ken.
"Ang bunso niyo nagtatanong sa akin kung paano ako nang-aakit ng girls. She's probably curious now with romantic stuff she's she's already eighteen."
Namilog ang aking mga mata. Laglag panga naman si Kuya Blue sa akin at noong nilingon ko ang dako ni Ken para tapunan ito ng tingin, magkasalubong narin ang kilay ni Kuya Red, nagtataka akong tiningnan habang ang pataygutom kong pinsan ay sumubo subo roon na parang walang sinabi tungkol sa akin.
God, Ken! Your mouth is really a troublemaker!
"Bakit ka nagtatanong ng mga ganyang bagay? Are you interested with girls too, Elle?" Kuya Red asked me softly.
Nalaglag naman agad ang aking panga. Nauubo namang inabot ni Ken ang tubig at mukhang nasamid. Humagalpak si Kuya Blue.
"H-Hindi 'no! Ew!"
"Tangina ka, Red. Hindi ba pwedeng sa opposite guy? She's already curious, man! Puro kasi kaabnormalan ang lumalabas sa mga bibig niyo kaya marahil sa akin siya nagtatanong dahil alam niyang marami akong karanasan," pagmamalaki ni Ken at ngumisi pa sa akin.
"Stop teaching her with dirty stuff, Ken. Kakatayin na talaga kita pag nagkataon," ani Kuya Blue.
Humalukipkip ako at sinamaan ng tingin ang tv. What's the big deal? Paano nga naman ako matututo kung ngayon ay ganyan na agad sina Kuya? Sana pala talaga di nalang ako nagtanong at nagsariling sikap nalang sa pagreresearch.
"Ba't ka nacucurious sa ganoon?" Kuya Blue asked me, seryoso na ang mukha sa aking tabi.
"Hindi naman ako curious! Nagtanong lang ako pero hindi naman ako curious na malaman iyon!" giit ko at halos sumimangot.
"Kaya ka nga nagtatanong kasi curious ka," ani Kuya Blue, nakaangat na naman ang isang kilay.
Nilingon ko ang blue tshirt niyang suot. Nakapambahay ito, saka ko tiningnan ang mukha niyang kopyang kopya ang bawat anggulo ni Daddy. He smiled at me.
"Sino ba 'yang nagugustuhan mo?"
"W-Wala, Kuya!"
Mas lumawak ang ngisi niya at nanunuya pa iyon sa kanyang labi, naglalaro na marahil sa kanyang utak na meron talaga.
"Masyado kang guilty..." Itinuro niya ang mukha ko.
"Eh pinapaguilty mo ako!"
"Because you are guilty kaya ka naguguilty."
"Wow logic. How come bumabagsak ka parin kung ganyan kalalim ang logic mo, Blue?" Humagalpak si Ken sa countertop.
Nilingon ko siya roon. Siya nalang ang kumakain lalo na't busy na si Kuya Red at tila may ginagawa na dahil sa tumutunog na blender.
Ibinalik ko ang tingin kay Kuya Blue.
"Wala nga akong gusto. Curious lang ako sa pinaggagawa ni Ken. He's not that goodlooking pero bakit siya hinahabol ng girls." Nagkibit ako.
"Ouch, Elle! Of all girls... ikaw pa talaga ang magsasabi eh magkadugo naman sana tayo! You hurt my feelings!" Madrama niyang sambit doon.
Umirap ako sa kawalan. Nilingon siya ni Kuya at nginisihan.
"Elle sees you as an ugly monkey."
"f**k you, Blue. Shut-up!"
Humalakhak si Kuya Blue at hinawakan ang buhok. Bumaling siyang muli sa akin.
"May crush kana?" Naging seryoso ulit ang kanyang boses.
"Kuya naman! Wala!" Tatayo na sana ako sa sobrang inis nang hinila niya ulit ako paupo.
"Eh ba't ka nagagalit? Nagtatanong lang ako kasi wala akong alam." Tumawa siya.
"Sa akin ka magpaturo, Elle. If you want to seduce someone then you can count on me. Wala pang limang sigundo..." Nanunuya na ang boses ni Ken.
Bumuga ako ng hangin. Sumunod naman ang lagapak doon sa countertop at ang pagdaing ni Ken na tila nagrereklamo nang masakit at mukhang sinapak ni Kuya Red.
Ininat ni Kuya ang aking pisngi. Mabilis kong hinawi ang kanyang kamay at bumusangot. Tumawa siya.
"Kawawang baby naman 'to..."
God! I am not a baby anymore! I am eighteen! Dalaga na ako! Dinudugo na nga at nagkakadibdib na pero bakit parang hindi nila iyon nakikita?
Ilang sandali lamang ay naramdaman ko na ang presensya ni Kuya Red sa aking likuran, sa likod ng sofa. Tiningala ko siya lalo na't ginawan niya ako ng shake.
"Thanks, Kuya..."
"Stop teasing her." Pinalo ni Kuya Red ang balikat ni Kuya Blue.
Ngumisi sa kanya si Kuya saka ako tiningnan na nasa shake na ang buo kong atensyon.
Umupo si Kuya Blue sa may balikat ng sofa. Kahit si Ken ay nagtungo narin dito, may platong dala at bundok na pagkain na ang naroon.
"Dalaga na kasi iyang si Elle. Stop caging her, man... Bahala kayo... Kakababy niyo riyan magkababy agad 'yan." Ngumisi si Ken habang matalim na ang tingin sa kanya ng dalawa kong Kuya.
"Iluwa mo nga 'yang kinakain mo," si Kuya Blue.
Tumawa si Ken. Dinilaan ko naman ang gilid ng aking labi dahil sa napuntang shae doon.
Kumalma muli ang ekspresyon ni Kuya Blue at bumaling sa akin.
"Who is it?" seryoso niyang tanong.
Sumimangot na talaga ako. Nilingon ko rin si Kuya Red at ganoon rin ang kanyang ekspresyon, but more softer unlike Kuya Blue.
"Wala, Kuya..." sabi ko sa kanya.
Tumango si Kuya Red sa akin at tiningnan si Kuya Blue.
"Wala raw. At kung meron man, hayaan mo na total normal lang naman ang crush," si Kuya Red.
Tumawa si Ken. "Man! Walang normal sa inyo!"
"Lumayas kana nga rito!" Pananaboy ni Kuya Blue sa maingay na si Ken.
Umatras agad ito lalo na't nag-amba pa si Kuya Blue na tatapunan na siya ng soft pillow. Mabilis siyang lumabas, dala dala ang aming plate!
"Eh ba't ka nagtatanong ng mga ganyan kay Ken?"
Bumalik ang tingin ko kay Kuya Blue at naiwala ang aking atensyon sa paglabas ni Ken.
"Bigla lang iyong nag pop out sa utak ko, Kuya. There's nothing to bigdeal! Wala bang nagpapop out bigla sa mga utak niyo?" Nilingon ko sila isa isa.
Napaisip naman agad si Kuya Red. Si Kuya Blue ay lumambot narin ang ekspresyon at pinisil ang labi.
"Hmm... Kahit anu-ano lang rin naman," aniya.
"See?! Ganoon din sa utak ko. May mga naiisip lang ako bigla kahit hindi ko naman iniisip talaga!"
"Eh ba't mo naisip kung hindi mo naman pala iniisip?" tanong ni Kuya Red.
"Oo nga?" si Kuya Blue.
Nag-isip narin ako. Akma pa sanang kukunin ni Kuya Blue ang aking shake nang tinampal ni Kuya Red ang kanyang kamay.
"Para 'yan sa kanya."
Well... Hindi ko naman pwedeng sabihin na naisip ko iyon kasi may gusto akong iseduce. Baka magulat sila at baka kung anu-ano nang pumasok diyan sa utak nila.
Bumuntong ng hininga si Kuya Blue.
"Pero eighteen kana. And liking someone is normal, Brielle. Si Zera nga ang aga aga noong lumandi eh," ani Kuya Blue sa kalmadong tono ng boses.
Dumaosdos na si Kuya Red at tuluyang tumabi sa akin. Dahan dahan akong uminom ng shake.
"Kaya nasangkot sa gulo," si Kuya Red na nailing.
"You know Zera. She's really a troublemaker. Bata palang iyon ay para nang asong ayaw kinukulong at palaging naghahanap ng paraan na makawala sa kulungan niya."
"Kinukulong ba 'yon?" si Kuya Red na ikinangiwi ni Kuya Blue.
"Not literally."
Sumeryoso ulit silang dalawa. Pabalik balik ko lang silang nililingon at nacucurious na sa mga problemado nilang mukha. This is all Ken's fault! Ang rami niya talagang napapahamak sa bibig niya!
Sa gabing iyon ay nagtext ulit si Kiera. Napairap ako habang nakahiga na.
Kiera:
Let's meet tomorrow at 6PM. I'm sure pwede kanang lumabas since legal age kana, right? Ikaw pa. You're spoiled.
I can see her annoying face smirking at me. At ba't ako magpapatalo?
Ako:
Yes, of course. Kahit hanggang alas dyez pa iyan.
Kaya umaga palang, nagpaalam na agad ako.
"Hindi pwede. Gabing gabi na 'yon," ani Daddy na ikinalaglag ng aking panga.
What?
"Daddy gabi naman talaga ang 10 PM! Hindi ko naman sinabi na umaga—"
"Hindi. Hindi ka pwede sa ganoong oras, Brielle," putol niya agad habang nagbabasa siya ng kung anong libro dito sa patio while having his coffee.
Tumayo ako at iniusog ang aking upuan sa mismong tabi niya. Umupo akong muli roon at niyakap siya sa gilid. Hinalikan niya ang aking noo.
"Daddy please... You told me pwede na akong magpagabi pag legal age na ako! You promise!" Sumimangot ako at tiningala siya.
Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin sa akin, pilit pinapanindigan ang seryosong mukha at ayaw matablan.
"Twenty-two kana ba?"
Namilog agad ang aking mga mata. "Eighteen pa lang ako!"
"Edi hindi ka pa pwedeng magpagabi. Wait until you're twenty-two," kalmado niyang sabi at inilipat ang page.
Nadismayado ako ng husto. No... I already said yes to Kiera! At ayokong sabihin noon na hanggang salita lang ako! Sa aking inis ay tumayo ako at iniwan si Daddy roon. Tatakas talaga ako mamaya. This is too much! Sabi niya pag eighteen na ako ay pwede na! Ngayon na eighteen na ako ay twenty-two naman! Aakyat talaga ako sa gate mamaya. Or nanakawin ko ang susi!
Nakasalubong ko si Mommy sa hagdan. Ngumiti agad siya sa akin, kakagising palang at nakaroba pa habang magulo ang buhok.
"Good morning sweetheart..."
"Good morning, My. Daddy is so unfair!" sabi ko at nilagpasan siya.
Padabog akong nagtungo sa aking kuwarto. I can't believe this! Gusto ko nang lumabas labas!
Nagbeep ang aking cellphone at nakita roon ang text ni Penny. Binuksan ko iyon.
Penny:
Kiera told me you're coming with us. Omg! You're really free now!
Hindi ko pa lang iyon narereplayan ay sumunod na ang text ni Lexy.
Lexy:
At last, hindi kana pinagbabawalan! See you later, Brielle!
At sumunod ang text ni Kiera.
Kiera:
I'm sure papayag parents mo pero kung hindi ay tumakas ka nalang. Si Zera nga nakikita ko sometimes sa mga Bar and I'm sure tumatakas rin ang pinsan mo. Do it, Brielle. ;)
I sighed heavily. Tatakas talaga ako mamaya. Nakakaya nga ni Zera kaya siguradong ako, kaya ko rin!
Nagtipa ako.
Ako:
Nasa legal age na ako. I'll seriously do it.