Chapter 29

1964 Words
Chapter 29 - Kinilig Pa `Ko Sa Sarap     “Haaaay...” nakahinga rin ako ng malalim. Kinilig pa `ko sa sarap. “Your urine is dark, you should drink more water.” Napatingin ako ng masama kay Aahmes na nakatayo sa tabi ko. “Oy, `wag ka nga’ng manilip!” tumagilid ako sa kan’ya, at saka nagsara ng pantalon. “Tapos ka na ba?” Nagpunta ako sa lababo para maghugas. Sinundan ako doon ni Aahmes. ”Your lips are chapped again.” Inilabas n’ya ang lipgloss matapos maghugas at umambang lalagyan ako. “Ako na!” inagaw ko `to sa kan’ya at tumingin sa salamin.  Napatitig ako sa itsura ko. Talagang kamukha ko nga si kuya `pag naglilinis ako. Kung buhay pa s’ya ngayon, mapagkakamalan kaya kaming kambal? “Are you ready, professor?” napatingin ako kay Aahmes na nakatitig sa `kin. “Ah, oo.” pinunas ko ang gloss sa labi ko at iniabot `uli ito sa kan’ya. “You missed a spot,” sabi n’ya, sabay kapit sa baba ko. Napatitig ako sa mga mata n’yang nag-iiba ang kulay. Halos matakpan `to ng makapal n’yang pilik mata na ubod ng haba. Makapal din ang kilay n’ya, pero tamang-tama lang ito sa maamo n’yang mukha at matangos na ilong, kasama ang mapupula n’yang mga labi na ubod ng lam – “ “Professor?” “Wah!” agad ako’ng lumayo. Nakatitig na pala sa `kin ang putangina! “T-tapos ka na ba?! Ang tagal mo naman, dami mo pa kaartehan! Lika na! Nagsimula na `ata `yung palabas kanina pa!” Nauna ako’ng maglakad at dumiretso sa mesa kung saan parang timang na kumakaway si Pedro sa `min. “Did we miss anything?” tanong ni Aames dito. “Wala pa naman po, `yung opening lang, may kumanta.” Needless to say, ang boring ng event. Wala ako’ng halos kakilala sa mga nanalo. Buti na lang at may unli finger foods and cocktails na inilagay sa mesa naming bilog, kumain na lang ako habang naghihintay na tawagin ang pangalan ko. Ang nakakabad trip lang, eh, katabi pala namin ang mesa ng grupo ng tarantadong alphang hambog na si Hitler. ”Dr. Abdel, is the seat beside you taken?” “May nakaupo d’yan. Hinihintay pa namin.” Agad ko’ng sagot. “Ah, Prof. Antonio, buti naman at magaling na ang kaliwang kamay mo?” ngumisi `to sa `kin na parang aso. “Pasensya na, puno na kasi ang sampung upuan sa table namin, eh, since mukhang hindi naman kayo mapupuno, `eh, naisipan ko’ng dito na rin maupo. “May nakaupo nga d’yan.” Ulit ko. ”And who might your other guests be?” ngumisi nanaman `to sa `kin. Tumayo ako sa upuan at umikot sa kabila ni Aahmes. ”Ako,” sagot ko, sabay akbay kay Aahmes. ”Habibi, lipat ka sa kabila, ako na uupo rito sa dulo para walang nang-iistorbo sa `yo.” ”Thank you, professor.” Tumayo si Aahmes at umupo sa dati ko’ng upuan. Umurong naman agad ako sa inupuan niya. ”Ano, Hitler? Balak mo ba ako’ng tabihan? Sige lang, busog nanaman ako, okay lang kahit mawalan na `ko ng ganang kumain buong gabi.” Nagtitiim bagang ako’ng tinitigan ng gago, tapos ay bumalik na sa mesa nila. ”Hmph. Napakakapal talaga ng mukha ng Hitler na `yun! `Di pa namimili ng lugar lumandi at mambastos ng mga alaga ko!” naiirita ko’ng sinabi. “Aba, ang bait naman pala ng boss mo anak!” bulong ng nanay ni Pilar. “Kita mo, inilayo n’ya si Dr. Abdel sa bastos na alpha na pumipick-up sa kan’ya!” napangisi ako sa komplemento. “Akala ko ba sabi mo, eh, matandang supla – “ “Ay, mama! Ang sarap nito’ng canapé, oh! Kain pa po kayo!” bara ni Pilar dito. “Shh, ayan na ang research team award!” saway sa kanila ni Pedro na mahigpit ang kapit sa kamay ng nobyo n’ya. ‘And the award for the research team of the year goes to...’ Kumagat ako ng deviled eggs. ’Universal Laboratory’s Alpha Division!’ Agad nagtayuan ang mga nakaupo sa katabi naming mesa. Tuloy lang ang kain ko. Alam ko kasing imposibleng manalo kami, dahil laging mga Alpha research teams ang nananalo nang award na `to. Kahit pa napaka walang-wenta ng mga products na nadedevelop nila. “I would like to thank the great minds in our team for the creation of this brand new Alpha perfume that enhances the natural scent of the dominant beast in every alpha!” sabi ni Hitler na nag-commercial pa ng produkto. Feeling ko scripted ito, galing sa tito Godzilla n’ya. “Wala pa ba `yung akin? Para makaalis na tayo?” tanong ko kay Aahmes. “You are going to receive a special award, professor, that is why, it will be given near the end of the program.” “Ugh... gusto ko nang umalis!” tinikman ko na lang `yung bacon na korteng bulaklak sa tuktok ng tinapay. “Sandali na lang po, sir! I c-cheer ka namin pag-akyat mo! Para parang nasa stage na rin kami!” sabi ni Pedro na `di natitinag ang ligaya. Kaya nagpaka busog na lang ako, at nang sa wakas ay tawagin na ang pangalan ko, ay tinapik ko ang balikat ni Aahmes. “Lika na.” “I beg your pardon?” tanong nito sa `kin. “Sasama kayo sa `kin.” “Sir?” tumunganga sa `kin si Pedro at Pilar. “Ano pang hinihintay n`yo d’yan? Tatayo ba kayo o hindi?” Tumayo na nga ang dalawa, si Aahmes naman ay kinailangan ko pang pilitin bago sumama sa `kin. Buti nga at tumayo rin s’ya, dahil `di ko s’ya kayang hatakin. Walang tigil ang palakpakan ng mga tao na hinintay kaming umakyat sa entablado, habang `di magkaugaga sina Dona at ang mga magulang ni Pilar sa pagkuha ng picture. Pagdating sa stage saka ko lang napansin na nakatayo silang lahat, pati si Hitler na mukhang nahiya at walang choice na pumalakpak habang nakasimangot sa `kin. ’Ladies and gentlemen, Prof. Ericson Antonio is also this year’s recipient of ‘The Heart of Gold Humanitarian Award’ for his contribution to different omega institutions worldwide.’ Lalong lumakas ang palakpak ng mga tao na natigil lang nang lumapit kami sa mike stand sa gitna ng entablado. “Hello,” tinapik ko `to. “Salamat po sa parangal na `to, pero `di ko makakamit `to kung `di dahil sa mga kasama ko ngayon na nagtyaga at nagpursige kasama ko. Sa mga researchers ko na sina Dr. John Peter Simeon at Dr. Maureen Peralta, at s’yempre kay Dr. Aahmes Abdel na napaka pasensyado ko’ng assistant.” inabot ko kay Pedro ang award ko. “Para sa ating lahat `to.” Mukha namang maiiyak ang dalawa, habang blanko pa rin ang mukha ng Habibi ko, hanggang sa pagbaba namin ng entablado. Nagpalakpakan `uli ang mga tao, at tinapik pa `ko ng ilang hindi ko naman kilala. Mukhang kailangan ko `uling maligo pag-uwi. “Congratulations Doc!” tawag sa `kin ng mga magulang ni Pilar. “Salamat po sa pagsama sa unica hija namin!” “Walang anuman.” Ngumiti na lang ako, at least patapos na ang palabas. Tinawag na ang huling cathegory, which is the best giant pharma award, at syempre, Universal Labs ang panalo. “Haay, salamat, at uwian na!” sabi ko. ”Sir, `di po kayo pupunta sa after party?” tanong sa `kin ni Pilar. ”Kayo na lang pumunta at way past my bedtime na `yan.” Nagpigil ng tawa si Pedro, tinitigan ko `to ng masama. “Ikaw, Habibi, magpapaiwan ka rin ba?” tanong ko rito, kahit pa alam ko’ng hindi s’ya dadalo `pag wala ako. “Yes, as a matter of fact, I plan to join the reception, it is a good way to meet endorsers and potential investors for future projects.” “Ha?! Eh, pa’no ako uuwi?!” “You can always come with us,” sabi nito na nangingiwi, “or I can book a GrabMe to pick you up.” Tinitigan ko ng masama si Aahmes. Loko `to! Palibhasa alam n’yang `di ako makakauwi nang wala s’ya! Tignan nga natin... “Sige, i-book mo na lang ako ng GrabMe!” umismid ako rito. “Uuwi na lang ako’ng mag-isa!” ”Suit yourself,” sagot nito na wala nanamang expression sa mukha. Nilabas n’ya ang cell n’ya at nag-book ng ride. Hinintay pa n’yang dumating ito, at sinamahan ako sa labas para sumakay rito. Mukhang wala ngang balak ang loko na umuwi kasama `ko, at wala rin ito’ng balak na pigilan ako! Well, kung `yun ang gusto n’ya, eh, `di bahala s’ya sa buhay n`ya! Sanay naman ako’ng umuwi nang mag-isa, eh. “Mag text ka sa `kin `pag pauwi ka na, at `wag ka’ng magpapagabi, ha?” sabi ko rito bago sumakay sa GrabMe, ”Ipagtitimpla mo pa ko ng kape!” “Yes, of course, professor. Please also take care on your way home.” Sumakay na ko sa kotse. Umalis na to sa venue, at `di ko mapigil ang inis habang palayo nang palayo ang imahe ni Aahmes sa `kin. Bakit ba mas importatnte pa sa kanyang sumipsip sa mga investors kesa umuwi kasama `ko? Hindi naman kami kinakapos ng pondo, ha? Oo nga, at halos kalahati na lang ng 500 million pondo ang natisa sa `kin, pero malaki pa rin `yun, at saka, may sariling pera naman ako! Pati nga s’ya madatong din, eh, so bakit kailangan pa n’yang magpa-cute sa mga tao doon? Hmph. Sa bagay, cute naman talaga s’ya, sigurado, ang mga investors ang lalapit sa kan’ya. Nakakairita lang isipin na may mga alpha na lalapit sa kan’ya na isang omega. Palilibutan s’ya ng mga putang-inang alphang malilibog at mayayabang. Magpapataasan sila para makuha ang atensyon n’ya. Posible rin na ayain s’ya nang kung sino na sumama kung saan at gumawa ng kung ano! Teka, anong date na ba ngayon? “Manong, anong date na ba ngayon?” tanong ko sa driver ko. “Sir? May 26 po.” sagot nito. Bigla ako’ng kinabahan. April 24 ang unang araw ng estrus ni Aahmes last month. Ibig sabihin, may estrus pa s’ya ngayon! Pano kung may humarang sa kan’ya na dominant alpha na tulad ni Hitler?! Shit. Nandoon nga pala si Hitler. Ba’t `di ko naisip `yun!? ”Sir, okay lang po ba kayo?” Napatingin ako sa harap, sa driver na mukhang nag-aalala sa `kin. ”O-oo... okay lang ako...” sagot ko. “Ba’t mo natanong?” “Para po kasing hinihingal kayo...” sabi nito. Napatingin ako sa kamay ko. Nanginginig ito. At lalong bumibilis ang paghinga ko. “Sir, omega po ba kayo? Gusto n’yo po ba’ng dumaan muna sa ospital?! May suppressant po ako rito...” “No...” pilit ko’ng inayos ang paghinga ko. “Ibalik mo ako... sa hotel... kailangan ko’ng bumalik.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD