Chapter 28 - Have You Ever Thought of Taking the Place of Your Brother?
Tama nga ang sabi sa memo.
Naipit kami sa traffic, kaya’t habang nakatigil sa kalsada ay naglaro na lang ako sa cellphone ko.
“Haa... The traffic in your coultry is really something,” sabi ni Aahmes sa tabi ko na mukhang bagot na rin. Sumilip s’yang sandali sa nilalaro ko.
“What are you playing?”
“Bubble Beads.” sagot ko.
“I always see you playing with your phone when you’re not staring at the photo of your niece. Is it really that interesting?”
“`Di naman, pang-ubos oras lang.” Ibinaba ko ang game at binuksan ang aking phone gallery. “Wala pa rin papalit sa cute na cute na bebe Meme ko! Ito ang pinaka interesting para sa `kin!”
Muling napasilip si Aahmes.
“Is that your big brother?” tanong n’ya sa litrato ni kuya na bitbit ang isang buwang gulang na si Meme.
“Oo, ang pogi `di ba?”
”He looks a lot like you.” Natuwa ako sa sinabi ni Aahmes. “When you are clean,” dagdag nito.
“Huh. `Di hamak na mas gwapo sa `kin si kuya, super pogi at ganda pa! Buti nga nagmana sa kan’ya si Meme, eh. `Yung ate at kuya n’ya kamukha parehas ng tatay nilang gunggong.” Nag-swipe ako sa telepono at pinakita kay Aahmes ang dalawa ko pa’ng pamangkin.
“Eto, si Bless na panganay at si Nat-Nat na sobrang spoiled brat, lalo na nang nalaman na dominant alpha rin s’ya. Napaka sutil nang batang `yan, nang February nga lang, ilang beses nahuli `yan na may kasamang mga babae at omega sa school at gumagawa ng milagro!”
“Hmm... an early bloomer?”
“Ha! Malibog kamo masyado! Lahat tinitira, sira ulo pa ang mga kabarkadang alpha na tulad rin n’ya! Ilang beses na nga `ko pinatatawag ng school nila dahil sa mga kalokohan n’ya, eh.”
“You? Why not his father.”
“Hay, nako, walang oras ang tatay sa mga anak n’ya. Kaya nga nagkaganon si Nat-Nat, eh. Palibhasa, imbes na alagaan at pangaralan, basta bigay lang nang bigay sa lahat ng kapritsuhan ng bata. Kaya ayun, `di ako magtataka kung isang araw, may mabuntis `yan nang `di oras!”
”Is that so?” tanong ni Aahmes na pinaandar ang sasakyan ng isang metrong usad sa traffic.
”Oo, buti nga’t wala pa `uling nagpapatawag sa `kin, sinabihan ko kasi na sa susunod na ma-office s’ya, ililipat ko na s’ya sa public school,” patuloy ko, “Alam mo ba, naka dalawang palit na sila ng katulong dahil pati mga chimay, ginagapang ng batang `yun?!”
”Really?” napataas ang kilay ni Aahmes.
“Oo, although tingin ko nilalandi rin s’ya talaga ng mga puchangnang p****k na mga `yun, alam kasi na bata at mayaman, ayun nga, ang sunod ko’ng kinuha, matanda pa sa tatay n’ya!” natatawa ko’ng kwento.
“I guess you are a good uncle, then.” sabi ng katabi ko.
“Ha! Kung may award nga lang ang mga tiyuhin, baka nahakot ko na lahat!” pagmamalaki ko. “At kung p’wede lang i-flush ang tatay nila sa inidoro, ginawa ko na para sa akin na mapunta ang mga bata. Tignan ko lang kung `di tumino si Nat-Nat `pag tinutukan ko s’ya!”
“But you yourself are a workaholic. Would you have time to take care of them with your current lifestyle?”
“S’yempre naman,” sagot ko, “kaya lang naman ako tutok sa trabaho, dahil wala ako’ng ibang pinagkakaabalahan. Pero `pag nandyan ang mga pamangkin ko, sila ang priority ko. Kahit pa ang sutil na Nat-Nat na `yun.”
Sandaling natahimik ang kotse nang umandar `uli kami ng ilang metro.
“Professor,” tanong `uli ni Aahmes, “do you really hate your brother in law?”
“Ha? Bakit?” napatitig ako rito.
“Nothing,” sagot nito. ”I just noticed how fondly you talked about him. Have you ever thought of taking the place of your brother?”
Kinilabutan ako sa sinabi ni Aahmes. Hinimas ko ang braso ko’ng nagsitayuan ang mga balahibo.
”Puchang’na... `wag ka’ng magbibiro nang ganyan, ha! Kahindik-hindik! Kasuklam-suklam! Napaka laking insulto! Iniisip ko pa lang... UWEEE!” naduwal ako sa pwesto ko.
“Are you okay, professor?” agad tanong ni Aahmes na kumapit sa balikat ko.
“Kasalanan mo `to! Nakakadiri ang sinabi mo!”
“I am sorry for making you feel sick,” nakangiwi nito’ng sinabi. “It is good then.”
“Anong good doon?! Eh, sinira mo na nga ang araw ko! Buti hindi lumabas ang kinain ko’ng chopsuey kanina!”
“Good,” ulit niya na mas malaki na ang ngiwi sa mukha. “I can see the end of the line of trafffic,” sabi nito, at maya-maya nga ay tuloy-tuloy na ang takbo ng sasakyan namin.
Dumating kami sa venue at quarter to 3 pm. Magkakasunod lang kami nina Pilar at Pedro, at pinapila ang mga sasakyan namin sa harapan ng hotel na venue ng event para isa-isa kaming pababain sa red carpet kung saan naghihintay ang media at mga camera crew.
Nag-ayos na kami ni Aahmes sa loob ng sasakyan, nilagyan pa n’ya `ko ng lip gloss para daw `di nanunuyot ang mga labi ko.
“Mmm... buti nahanap mo `uli ako ng sugar cookies.”
“I ordered it especially for you.” sagot nito.
Sa paglabas namin ay pinagbuksan ako ng valet, at magkasama kami ni Aahmes na naglakad sa red carpet papasok ng hotel. Didiretso na sana ako sa grand ballroom, nang kapitan ni Aahmes ang siko ko.
“Prof. Antonio, we are supposed to get our pictures taken at the lobby first.”
“Ha? Eh, `di ba ang dami na nilang kinuhang pics kanina nang lumabas tayo ng kotse? Tama na `yun, at naiihi na `ko!”
Kinapitan naman ako ngayon ni Aahmes sa may lower back at bahagyang tinulak sa maliit na stage na may poster sa likod.
“This will not take long.”
“Tsk.”
“And here we have Prof. Ericson Antonio and his assistant, Dr. Aahmes Abdel!”
Putrages na... binuo pa talaga ang pangalan ko!
“Good afternoon, professor, buti po nakadalo kayo ngayong gabi?” bati sa `kin ng babaeng mukhang isang dangkal ang kapal ng make-up sa mukha. “Same goes to you, Dr. Abdel! How do you like your stay in the Philippines so far?” halos mabiyak ang mukha nito sa laki ng ngisi.
“I am having a great time. The people are very friendly and accomodating.”
“Then you must seriously think about settling down here! A-ha-ha-ha-ha-ha!” pilit nito’ng tawa.
“I am actually thinking about it.”
“Is that true?! Do you plan to buy your own residence here?”
“Actually, I am currently staying with a good friend,” sagot nito, “perhaps some day I would buy my own property, but for now I am contented with the friend I am living with.”
“How about you, Prof. Antonio,” tanong naman ng MC na lalaki sa `kin. “you are well known as a very secretive person, and have declined all the previous invitations given to you, so, what made you change your mind to finally bless us with your presence?”
“Kinulit ako ni ha... ni Dr. Abdel.” sagot ko rito.
Parang tanga namang nagtawanan ang dalawang MC.
”Professor, may narinig kami’ng bali-balita na nagiging very close daw kayo ni Dr. Abdel sa isa’t-isa,” tanong ng babae. “totoo po ba ito? May something na ba’ng nabubuo sa pagitan ninyo kaya nawiwiling mag-stay si doc dito sa Pinas?”
“Bakit? Masama ba kung totoo man ito?” ngumisi ako, sabay kapit sa balakang ni Aahmes. Namula ang mukha ng loka-loka.
“Naku, propesor, bagay na bagay po kayo, parehong matalino at ubod ng gwapo!”
Natawa ako.
“Narinig mo `yun, Habibi, bagay daw tayo, siguro dapat magpakasal na tayo!”
“Actually, the professor and I are merely colleagues,” sabi ni Aahmes with his signature `no expression’ face.
“Ow, basted agad ako!” kinapitan ko ang dibdib ko at nagkunwaring tinamaan. “Tama `yun, assistant ko lang ang isang `to, napakahusay na assistant, kung p’wede nga lang, aarborin ko na s’ya sa kanila, eh.”
“You can’t afford me,” sabi `uli ni Aahmes na lalong ikinatuwa ng dalawang ugok sa tapat namin.
“Can we have our photos taken now?” tanong ni Aahmes sa mga `to.
“Yes, please, and thank you for the entertaining interview.”
“Haay... sa wakas, nasaan ba ang banyo?” tanong ko kay Aahmes nang matapos na ang pictorial.
”Professor!”
At ngayon naman ay si Pedro ang papalapit sa `min na may pakaway-kaway pa.
”Prof. Antonio, I would like to introduce to you my fiance, Donatello.”
“It’s a pleasure to finally meet you, Prof. Antonio!”
Nakasuot ng long gown at mahaba ang buhok ng kasintahan ni Pedro, inabot n’ya ang kamay ko ay niyugyog ito. `Di mo aakalain na omega ito, namumula ang buong mukha nito at maluha-luha pa habang patuloy na niyuyugyog ang kamay ko.
”Ah. Okay, nice meeting you,” tinignan ko si Pedo. “Alam mo ba kung nasaan ang banyo?”
“Nasa dulo po ng hall, sa kaliwa.”
”Sige, mamaya na tayo magkita...” kapit pa rin ni Dona ang kamay ko.
”Please wait for us at our table,” sabi ni Aahmes na kinapitan ang kamay namin at pinaghiwalay.
“Professor!”
“Pucha...”
“Prof. Antonio, ipapakilala ko po kayo sa parents ko!” tawag naman sa `kin ni Pilar na may hatak na dalawang matanda. “Ma, Pa, eto po ang boss namin sa trabaho!”
“Nako, doc, salamat at napili n’yo ang anak namin para magtrabaho sa ilalim ninyo.”
“Napaka proud namin sa anak namin na `to, doc!”
“Okay, salamat din po, sandali at may importante pa ako’ng pupuntahan.” Pilit akong ngumiti sa kanila.
“You can go ahead and follow Pedro to our table, we’ll be right there behind you,” sabi ni Aahmes, to my rescue.
“Tumuloy ka na rin sa loob, ako na lang pupuntang banyo.” sabi ko nang sumunod pa `to sa `kin.
“After what happened the last time?” sagot nito, “I think not. Besides, I need to use the comfort room as well.”
Kaya lang, sa pagdating namin sa banyo ay sinalubong naman kami ng napakahabang pila!
“Pucha! And dami naman kasing istorbo, eh! ” pinigilan ko ang sarili ko na magalit.
Wala ako sa lab. Nasa labas ako. `Di ako p’wedeng magwala rito. Ika nga ni Godzilla, bawal akong umarte o magsabi ng mga bagay that could potentially harm the company. Baka mamaya, pagmultahin pa `ko nun, or worst, baka bawiin ang pondo namin na kalahati na lang ang natira!
Sa wakas, nakapasok din kami sa banyo, makapaglabas na lang dito ng sama ng loob.