Chapter 37

1160 Words
Chapter 37 - Ayan, Sir, Ha? Hindi Ka Namin Ginulat!     Sinimulan ko nang basahin ang reports ng 10,000 participants para sa clinical study ng aming Secondary Gender Testing Kits. Kailangan kong siguraduhin na maayos ang pagkakapili nina Pedro at Pilar sa mga participants, ayon sa mga categories na inilatag ko. Kailangan kasi namin ng mga bata na galing sa iba’t-ibang antas ng kabuhayan at may iba’t-ibang uri ng kalusugan. kailangan ito para malaman kung magiging epektibo ba ang SGT kits sa lahat ng mga batang, kahit saan man sila galing, mapa-mahirap man o mayaman, malusog man o sakitin, o may hereditary disorders. Nasa ika labing-anim na record na ako, nang kunin sa `kin ni Aahmes ang folder na kasalukuyan ko’ng binabasa at ilagay sa harap ko ang binili n’ya sa `king pagkain. “Eat first.”  “Ah, salamat Habibi.” “So, where are you going tomorrow?” tanong nito sa `kin. “Secret.” “Is it a trip with your niece?” “Parang ganon na nga,” nakangisi ko’ng sagot. ”A family affair, then. Since your brother would never allow her to visit you on her own.” Natawa ako. Ang galing talaga ng deductive reasoning ng Habibi ko. “Alam mo ba, na tuwing birthday ko ay ginagawan ako ng cake ng mga pamangkin ko?” pagyayabang ko sa kan’ya. “Kaya nga `di n’yo na `ko kailangan ipaghanda pa dahil ni `di ako sisipot sa araw na `yon.” “If that is so, then I shall take care of things tomorrow,” sagot ni Aahmes na as usual, ay wala nanamang reaksyon sa mukha. “Please have a good time with your family on your birthday.” Hmm... parang may nafe-feel ako’ng sama ng loob sa sinabi n’yang iyon, ha? “Don’t worry, Habibi, padadalan kita ng maraming pics ni bebe Meme para `di ka malungkot nang wala ako!” nakangisi ko’ng sabi sa kanya. “No need.” Sagot nito.   Hinapit ko ang mga records matapos kumain. Pagkatapos noon ay inayos ko ang mga waiver na lalagdaan ng mga magulang, at pinapili na rin si Pedro ng 200 additional candidates mula sa mga `di nakapasa, para kung sakaling may mag-backout. Tapos noon ay pinuntahan namin ni Aahmes ang pina-reserve naming mga hall sa baba para sa mga magulang ng volunteers bukas. Isang Orientation ang magaganap dito, tungkol sa aming SGTK project. Tatalakayin dito kung paano imo-monitor ng kumpanya ang mga batang test subjects hanggang sa kanilang puberty, para malaman kung 100% effective ang testing kits. S’yempre kailangan din namin maghanda ng pagkain para sa mga dadalo at kaunting take-home gifts. Sa dami nga nang inasikaso namin, eh, alas-onse pasado na kami natapos. “Eat something first, professor,” tawag nanaman sa `kin ni Aahmes na muling naglagay ng pagkain sa harapan ko. “Kakakain ko lang kanina, ha?” ”You last ate a single waffle stick at 9:45 PM, when one of the interns handed you a pack before they went home.” “At talagang alam mo pati oras, ha?!” natawa ako at nag-unat. ”Well, at least mukhang maayos na ang lahat, kayang-kaya n’yo na `yan bukas kahit wala ako.” “Precisely,” sagot ni Aahmes na may dalang isang malaking container ng pagkain. Hinintay ko’ng ilatag n’ya ang laman nito, pero hindi s’ya umimik. Sinimulan ko na lang kumain mag-isa. “Gumawa ako ng listahan ng mga kailangan gawin bukas, pati ng mga p’wedeng mangyaring masama at mga solusyon, at mga posibleng itanong ng mga magulang...” “Yes, professor, I have seen them already,” sabi ni Aahmes, “please eat your food so we can go home, and stop talking with your mouth full.” “Ah, pero titignan ko pa `yung set up mamaya...” pahabol ko habang namumulunan ng pagkain. “You’ve seen it five times already,” sagot ni Aahmes. “`Yung mga waiver? Naayos na ba sa mga kits na ipapamigay bukas?” “Yes, you packed them yourself.” “Eh, `yung caterers...” “They have already confirmed their attendance.” Kinapitan ako ni Aahmes sa balikat. “Now, professor, it is time for you to eat.” “Okay.” Napangisi na lang ako sa pagkain ng paborito ko’ng kare-kare na bagong init sa microwave. Pinanood lang ako ni Aahmes. Balak n’ya kayang baunin `yung binili n’yang kung ano na nasa malaking container na dala n’ya? Baka balak n’yang mag-midnight snack mamaya? Pinagpatuloy ko na lang ng pagkain ko, at nang patapos na ako, ay may tumikhim sa may likuran namin. Napalingon ako rito at napasimangot. Nandoon kasi sina Pedro at Pilar na may dalang maliit na cake na may kandila pa sa tuktok! ”Ano nanamang kalokohan `yan?!” naiirita ko’ng tanong. ”It is now exactly 12 midnight,” sagot ni Aahmes na binuksan ang container na dala n’ya. Pansit pala ang laman nito. “Happy birthday professor.” “Happy birthday po, Sir Eric!” bati rin ng dalawa kong lokong alaga. “Ayan, sir, ha? Hindi ka namin ginulat!” natatawa’ng sabi ni Pilar. “Oo, pero nakakairita pa rin kayo,” sagot ko. ”Gusto mo po, sir, kantahan ka namin?” tumatawang sabi ni Pedro. ”Gusto n’yong pagkukutusan ko kayo?” Pinatong ni Pedro ang cake sa mesang kinakainan namin at naglabas ng pinggan at mga kobyertos. Sinindihan n’ya sa bunsen burner ang mga kandila nito. ”Make a wish, sir!” Parang tanga naman ako’ng pumikit at nag-wish bago hinipan ang mga kandila na numero 2 at 7. Taon taon naman, iisa lang ang wish ko, eh. Na sana laging masaya si kuya. Kung nasaan man s’ya. Well, masaya rin naman ako kasama ang tatlong ito, kahit sabit lang ang dalawa. I guess, okay na rin ang team namin, kahit makukulit sila. Nakaka-miss nga rin na makipagtrabaho sa isang team, at `di `yung puros utos ka lang sa mga taong nawawala after a week or so. Okay `din `yung may kakulitan ka, at eto nga, sa kulit ng dalawa, eh, ala-una pasado na kami nakauwi ni Aahmes. Ilang beses pa ako’ng humikab habang nasa kotse kami pauwi. “Are you okay, professor?” tanong n’ya sa akin, “Did you have fun? Are you not angry?” Tumingin ako sa Habibi ko at tumawa. ”`Wag kayo’ng mag-alala, hindi ko kayo sisisantehin,” biro ko. ”Pasalamat kayo at importante ang event bukas,” pahabol ko, “at salamat na rin sa ’hindi surprise’ birthday party na pakana ninyo.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD