Chapter 36 - Matapos ko’ng ibigay ang first time ko sa kan’ya?!
Pucha, ang tagal naman lumabas ng lecheng Aahmes na `to, ubos na baon ko! Dapat talaga `di na `ko sumama!
Pero, nakakaduda na kasi s’ya, eh, for the past week or so, matapos kong ipakita sa kan’ya ang mga samples ni Dome, lagi na s’yang busy. Madalas s’yang pumupunta kung saan-saan at tila ba may tinatago sa `kin. Ni `di nga n’ya ko kinulit na mag-ayos noong anniversary ng kumpanya, eh, nanatili lang kami sa lab, working on an experiment, habang sinama ni Pedro at Pillar ang mga interns sa baba para maki-party.
Posible kayang isinumbong n’ya kina Godzilla ang tungkol sa kuwarto ko?
Pero kung isinumbong n’ya nga ako, eh, `di sana matagal nang na-confiscate ang mga tinatago kong contrabanda?
Pero feeling ko talaga may ginagawa s’ya na ayaw n’yang ipaalam sa `kin!
Kanina lang, ang sabi n’ya, pupunta s’ya sa accounting na nasa 6th to 10th floors ang mga office, pero lumampas doon ang elevator na sinakyan n’ya. Tapos ngayon naman, pinatawag s’ya ni Grinch.
Pucha... sinasanla na ba n’ya `ko? Matapos ko s’yang pagkatiwalaan? Matapos ko s’yang iligtas? Matapos ko’ng ibigay ang first time ko sa kan’ya?!
”P’we! Puta!”
“Prof. Antonio? May problema po ba?” tanong ng assistant ni Grinch na nagulat sa `kin.
“W-wala... nakagat ko lang dila ko,” palusot ko. ”May makukutkot ka ba r’yan?”
Nag-abot s’ya sa `kin ng mga tsitsirya na agad ko’ng binuksan at kinain.
`Eto ayoko `pag nine-nerbyos ako, eh, napapadalas kain ko. Tumataba na nga `ko sa luto ni Aahmes, mag-c-crave pa `ko ng junkfood. Lalo ako’ng lolobo nito, eh!
Paubos na ang tsitsirya ko nang may marinig ako’ng mahinang beep.
Napatingin ako sa bakanteng upuan sa kanan ko. Pader ang katabi nito.
Hindi ko na lang `to pinansin.
”Matagal pa ba sila?” tanong ko sa assistant ni Grinch. ”Mag-iisang oras na ko’ng naghihintay rito, ubos ko na kinakain ko.”
”May candy po ako rito, gusto n’yo?” alok n’ya sa `kin.
”Sige, salamat,” kinuha ko `yun at kinain, nang may marinig nanaman ako’ng beep.
Muli ako’ng napatingin sa bakanteng silya sa tabi ko. Wala namang gamit doon, at hindi rin ito galing sa cellphone ko! `Di kaya may bomba na nakatago sa ilalim nito?
Yumuko ako at sisilip na sana sa ilalim ng silya, nang bumukas din sa wakas ang pinto at lumabas mula rito si Aahmes na agad lumapit sa `kin.
”Tagal n’yo namang mag-usap!” sinimangutan ko si Aahmes na kasunod si Grinch.
”Professor!” mukhang nagulat si Grinch nang makita ako. ”Narito ka lang pala sa labas?”
”Oo, hindi ba sinabi ni Habibi?”
“There was no reason to tell him,” sagot ni Aahmes na wala nanamang ka-expre-expression sa mukha.
“Ano, tapos na ba kayo’ng mag-usap?”
“Professor, did you hear a soft beep just now?” tanong ni Aahmes na binale-wala ang tanong ko.
“Anong beep?” nagtaka ako, “Parang may nag-beep nga kani-kanina lang, dalawang beses.” Tumingin `uli ako sa may bakanteng upuan. “Bakit? anong meron?”
“Nothing,” sagot ni Aahmes na ikinairita ko. “It is just a reminder that we need to get back to our laboratory.”
“Bakit? May alarm ka ba na inilagay sa `kin?”
Hindi nanaman ako pinansin si Aahmes na hinarap si Grinch at sandaling nakipagtitigan dito.
“Thank you for your time, Dr. Gregorio, we shall be seeing you around.”
Tapos noon ay kinapitan n’ya ang kamay ko at inakay ako paalis na parang naliligaw na bata.
“`Oy, sandali, ano ba talaga ang pinag-usapan n’yong dalawa?” tanong ko rito nang sumakay kami ng elevator pababa.
Ang gulat ko naman nang bigla akong hatakin ni Aahmes at yakapin!
“O-oy! A-ano ba `yan, ha? Nananantsing ka nanaman, ha?!” tumulak ako sa kan’ya.
“Sorry,” nakangiwi n’yang sabi sa `kin, “I just had an urge to pull you close.”
Tinitigan ko s’ya ng masama.
“Okay ka lang ba talaga?” tanong ko rito, “Ano ba `yung nakuha mo’ng message at mukhang ang saya-saya mo?”
May inabot s’ya sa aking memo na nakatupe. Binuksan ko `to at `binasa.
‘We have received a message from Dr. Abdel. Please assist him accordingly. We eagerly await his return when he is ready.’
“Kailangan mo nang umuwi?” napatingin ako sa kan’ya, “So, may ginawa ka nga’ng kalokohan at ngayon ay kailangan mo nang bumalik sa inyo?!”
“No, silly,” ngumiwi nanaman ang loko’ng mukhang tuwang-tuwa sa galak. “I am not ready yet.”
Tinitigan ko s’ya ng masama.
“Siguraduhin mo lang, ha?” sabi ko rito, “Baka mamaya kung kailan nasa kalagitnaan tayo ng project, saka mo `ko biglang iwan.”
“Don’t worry, professor,” muli s’yang ngumiwi sa `kin. ”I won’t leave. Not yet. Not anytime soon.”
“Wake up, professor, it’s already 5 am.”
Ugh... `eto nanaman s’ya... ba’t kasi `di pa `to pauwiin sa kanila, eh!
“Kapipikit ko lang, pababangunin mo nanaman ako?” reklamo ko kay Aahmes na umupo sa gilid ng kama ko.
“Did you slip out of your room again when I told you to take some rest last night?”
“May tinapos lang ako...” humihikab ko’ng sinabi.
“And now you’re too tired to go to work!”
“Sabi ko naman kasi sa `yo `wag na tayo’ng umuwi kagabi, eh!”
“But I needed to get more samples from your room. I am nearing the end of my latest study, and I’m sure you would be glad to know about it.”
“Anong study?” umupo ako sa kama.
“I cannot tell you about it now, not when you have not slept for 48 hours!
“Kape lang ang katapat nito!” pagmamalaki ko.
”Then hurry up, I’m going to make you a fresh batch of coffee downstairs.”
Nagpunta ako sa banyo para mag-hilamos. Pagbaba ko sa kusina ay nabuhayan ako sa amoy ng napakasarap na kape. Nagluto si Aames ng tatlong klaseng sausages at itlog. Agad ko naman inilabas ang bahaw sa ref para gumawa ng sinangag.
Pagkakain namin ay dumiretso na kami sa trabaho, kung saan nagsimula na ang aming screening para sa mga isasailalim namin sa Secondary Gender Testing Kits.
Simple lang naman ang sceening dito, kailangan lang namin pumili ng 10,000 respondents na mga batang lalaki, ages 5-6 years old mula sa iba’t-iba’ng environments. Ito ay para malaman kung magiging epektibo ang kit sa iba’t-ibang uri ng mga bata.
Blood sample lang naman ang kukunin namin, pero kailangan ng malaking bilang ng test subjects dahil maliit na porsiyento lang sa mga ito ang maaring maging omega, at mas maliit pa ang porsiyento ng mga alpha. Tapos nito ay susubaybayan namin ang mga bata hanggang sa umabot sila sa puberty. S’yempre kasama na ang monthly allowance doon para siguraduhing healthy sila.
“Sir Eric, narito na po ang list ng mga possible candidates,” sabi ni Pedro na agad sumalubong sa `min. “We had a total of 18,486 respondents. Nakapili na kami ni Pilar ng 10,000 subjects, for your approval, Sir.”
“Salamat, sandali at iche-check ko lang ito.”
Sinara ko ang pinto sa workstation ko pagpasok namin ni Aahmes dito.
“Okay, ano `yung sinasabi mo sa bahay?”
“I have discovered a way to easily detect the catalyst gene that you discovered.”
“Sandali,” pinigil ko si Aahmes. “Walang audio ang mga camera rito, pero panigurado...” inabutan ko s’ya ng face mask para walag makabasa sa galaw ng bibig namin.
“Ayan, p’wede na tayo mag-usap,” patuloy ko, “Ano naman ang ginamit mo?”
“Well, considering that omegas and alphas react to each other’s pheromones, I theorized that each would give a different reaction to the aforementioned gene. Simply put,” patuloy ni Aahmes, “I have created a solution using dominant pheromones, both alpha and omega. It can turn the blood a tint of pink to show if the subject is an omega candidate, and blue if he is an alpha candicate. If there is no reaction, then the subject will be a beta.”
“Aba, malaking tulong `yan para mas mapabilis ang resulta ng tests natin!” napatango ako, “Much better than my plan of tracing the reaction through an electron microscope.”
“Exactly,” sagot n’ya, “But I still need to stablilize the reaction, since it takes approximately 12 hours for the solution to change color. I am hoping to get a reaction time of 45 minutes or less.”
“May dala ka ba’ng sample ngayon?”
Binuksan ni Aahmes ang metal briefcase na palagi n’yang bitbit at naglabas ng ilang mga vials mula rito. Nag-set-up s’ya sa aking mesa, at matapos kumuha ng ilang blood samples sa storage, ay sinubukan namin ang kanyang naimbento.
“Now we leave the samples for a period of 12 hours to complete the reaction.” sabi n’ya matapos ayusin ito.
Balak na sana niyang ilagay ang samples sa loob ng cold storage nang pigilan ko s’ya.
“Sandali, ba’t mo ilalagay sa ref? Dapat same temperature as an omega gets during heat. ”
“At 39.8 degrees?” napatingin s’ya sa `kin.
“Oo, mas mainam mag-experiment gamit ang natural environmont. `Di mo ba napapansin, wala’ng aircon ang lab ko sa bahay.”
“So, that was what I was missing!” sabi nito.
“Also, subukan mo ang formula na `to para mas madaling madetect ang gene.” nagsulat ako sa papel at iniabot iyon sa kan’ya. “Sunugin mo `yan matapos mo makabisa, ha?”
“Yes, professor.”
“Tamang-tama, dumating na rin ang waiver na pinagawa ko kay Atty. Derejedo, p’wede na nating papuntahin ang 1st batch bukas para sa orientation!”
“Tomorrow?”
“Oo, we will have 5 batches of 2,000 each. Bilisan mo ang pag-stabilize ng solution mo para magamit agad natin `yan.”
“But professor, isn’t tomorrow the 18th?”
“Oo, nga, kaya...
Natigilan ako at napaisip.
Oo nga pala.
“Didn’t you say you have somewhere to go to on that day?” paalala sa akin ni Aahmes.
“Oo... tama... `di ko nanaman napansin ang mga araw...”
“That is because you have been awake for 64 hours now.”
“Ah, kape lang `yan!” binuklat ko ang folder na binigay sa akin ni Pedro. ”Simulan ko na `tong listahan ng mga bata para masabihan n’yo agad ang 1st batch, papirmahin n’yo na sila sa waver bukas, matapos ang orientation, at kung may umatras, maghanap agad nang ipapalit. Tamang-tama, sa Friday tapos natin ang first 3 batches.”
“Professor, how about lunch? It’s already 2 pm.”
“Kumain na ko, di `ba?”
“You last ate breakfast at home.”
“Ah, pabili na lang kay Aling Tinay...”
“Your lunch is on your table, professor.”
Napatingin ako sa mesa, nandoon nga ang nagsesebo’ng mechado na binili ni Aahmes para sa `kin kanina.
“Ah, p’wedeng paki-init sa microwave?”
Tinitigan ako ni Aahmes. Nginisihan ko s’ya. Kinuha n’ya ang pagkain ko at lumabas ng aking opis.