Chapter 38

1894 Words
Chapter 38 - Ay, may balak ka `no?     “Ah... nakakapagod ang araw na `to.” Agad ako’ng nagpakabagsak sa sofa pagpasok namin ng bahay. “Hurry up and go change, so you can go straight to bed,” sabi sa `kin ni Aahmes na hinatak paalis ang sapatos sa paa ko. “`Di mo na `ko kailangan pilitin, inaantok na talaga `ko!” sabi ko, “Feeling ko, may nag-stapple shut sa mga mata ko, `di ko na mabuksan!” “Then hurry up and get up stairs.” Sinilip ko si Aahmes na inaayos ang mga sapatos namin sa shoe rack sa may hagdan. “Habibi, `di na ko makalakad, dito na lang ako matutulog.” “No. Go upstairs and get some proper rest.” pilit nito na hinatak ang magkabilang braso ko. Nagpahatak naman ako sa kan’ya. “Tulungan mo ko umakyat, Habibi.” nakangisi ko’ng sabi rito. Nagbuntong hininga si Aahmes. Iniikot n’ya ang kaliwang braso ko sa balikat n’ya at kinapitan ako sa balakang, tapos ay inalalayan n’ya `ko umakyat sa hagdan. Nagpabigat naman ako lalo at bumaling sa balikat n’ya. Nang bata pa ako, madalas din ako’ng ihatid ni kuya nang ganito `pag nakakatulog ako sa dining table ni tito habang nag-babasa. Doon kasi maliwanag ang ilaw, eh, at laging pundi ang ilaw sa maliit na kuwarto na pinagsasaluhan namin ni kuya, mainit pa. Nang tumira kami sa bahay nina Louie, binigyan nila kami ng tig-isang kuwarto, pero madalas ako’ng pumunta sa kuwarto ni kuya para doon matulog, hanggang sa nanganak s’ya at magsama na sila ng mate n’ya sa iisang silid matapos nilang maikasal. B’wiset, ba’t ko ba naalala `yun. ”Take your clothes off, professor.” Napatingin ako kay Aahmes na inaalis ang mga butones sa polo ko. ”Ay, may balak ka `no?” biro ko rito habang tinatakpan ang dibdib ko. “I got you a change of clothes from your dresser, hurry up and brush your teeth before going to sleep,” sabi nito na `di ako pinansin. “Okay...” tinanggal ko na nang tuluyan ang polo ko at nagpuntang banyo. Pagbalik ko sa kuwarto, nakita ko si Aahmes na nakaupo pa rin sa kama ko. May dala s’yang itim na pocketbook. ”O, babasahan mo ba `ko ng bedtime story?” ”No, this is for you,” sabi nito. Inabot n’ya sa `kin ang kapit n’ya. Hindi pala ito libro, kung `di isang manipis na kahon na yari sa bakal. “Ano `to?” tanong ko. Binuksan ko ang kahon. Isang maliit na metalic card ang laman nito. “Professor, do you know what that is?” tanong ni Aahmes nang mapansin na tinititigan `ko lang ito. “A... microchip? Sa computer ba `to?” tanong ko. “That is the triggering mechanism of a DX2030 neurochip.” sabi n’ya. “The unique key for the one inside your head.” “H-ha?” Parang ang tagal bago nag-register ang sinabi n’ya sa utak ko. Napakapit na lang ako sa sentido ko, sa parte kung saan nakabaon sa bungo ko ang micro chip na binaril dito, mga dalawang taon na ang nakakaraan. “P-pano mo nakuha `to?!” napatunganga ako sa kan’ya. “Hindi ba `to sasabog?!” “Of course not,” sabi nito, “I took it from Dr. Gregorio to make sure that no one can use it against you.” “Si Grinch... paano mo nalaman..?” “I actually thought is was Dr. Gonzaga,” sabi nito’ng nakangiwi, “but he said he was not authorized to answer my questions, so I told him to tell who ever was, that I was going to take you back to UACME with me.” “At naniwala sila doon?” tanong ko. Nawala ang ngiwi sa mukha ni Aames. ”Well, now that there is nothing holding you back, then of course, you would be going back with me to the United Arab Nations.” “Sinong nagsabi?” sinimangutan ko s’ya, “Wala ako’ng balak lumuwas ng pinas, `oy.” “But professor, there is no longer any need for you to fear the people here in Universal Laboratories. They have just lost their leverage upon you!” “Oo, pero nandito pa rin ang mga pamangkin ko! Hindi ko sila p’wedeng iwan!” paliwanag ko, “Pano kung gawin nila ang banta nila dati?” “We can take them with us.” “Para namang papayag ang bwisit ko’ng bayaw.” “Then take him, too.” “Lalong `di aalis `yun, sobrang taas kaya ng pride no’n, `di sya papayag na sumama sa `tin. Isa pa, mahal ko bayan ko! Ba’t sa tingin mo, nagta-tyaga ako’ng mabulok dito, kahit pa ang daming nag-aalok sa `kin ng trabaho sa ibang bansa? Balak nga ako’ng bigyan ng sariling building ng Taiwan branch, eh, at inalok pa ako’ng gawing head ng Universal Labs sa Italy!” “But why?” kumunot ang noo ni Aahmes. “Do you not want to be with me?” “Ugok!” dinagukan ko nga `to. “Kung ayoko sa `yo, matagal na kita’ng pinalayas sa pamamahay ko. Mag-isip ka nga.” “Then...” “Ayoko lang talagang iwan ang mga pamangkin ko, okay?” sabi ko sa kan’ya. “Kita mo nga’t ang liliit pa ng tatlo, lalo na si bebe Meme na nasa gradeshool pa lang! At si Nat-Nat, lalo lang mapapariwara ang landas no’n pag nawala ako!” “Then... you have no intention of leaving this place?” Napabuntong hininga ako. Kinapitan ko s’ya sa balikat at tinitigan ng mabuti. “Habibi, alam ko, sinabi ko dati na naiirita na ko sa lugar na `to. Pero `di ibig sabihin noon, eh, basta ko na lang silang lalayasan as soon as mawala ang... ang nasa ulo ko. May responsibilidad ako rito. Kahit ganito ako, alam ko ang obligasyon ko, at hindi ako aalis dito hanggat `di ko natatapos iyon.” “After the SGT kits, then?” Napangisi ako kay Aahmes. “Bilis mo’ng maka-gets, ha?” sabi ko sa kan’ya. ”Oo, sa ngayon, `yan ang priority ko. Ang magawa ang Secondary Genter kits para maagang malaman kung ang isang bata ay alpha o omega. Paraan ko `to para tulungan ang mga omega sa mundo, para `di na nila pagdaanan ang hirap na dinanas ng kuya Jonas ko, noong una s’yang atakihin ng estrus. Early detection means early warning, ang prevention is better than cure. This way, omegas would be aware of their situation and take the necessary precautions to keep themselves safe.” “And you would give that discovery to the people who placed a bomb in your skull?” tanong n’ya sa `kin. “Call it vindication,” sagot ko. “Nasa balikat ko ang buhay ng labing-limang scientists na pinatay ni Dome, kahit `di na natin isama ang 7 walang kwentang alpha na sundalong pinatay din n’ya. Ako ang tumulong sa kan’ya. At kahit pa hindi ko akalain na papatayin n’ya talaga ang mga tarantado sa lugar na `yun, ay dapat ko pa ring panagutan ang nangyari.” “Then let this be your last project for this branch of Universal Laboratories,” sabi ni Aahmes, “After this, I want you to come back with me to UACME.” Napatitig ako kay Aahmes. “Bakit ba masyado ka’ng obsessed sa `kin?” tanong ko, nakasimangot. “May crush ka sa `kin, ano?” “I simply adore your work, professor,” sagot nito na napaka misleading. “I want to always be by your side. That is my wish and my joy.” O, `di ba? Napaka misleading talaga. “If that is so, then, ikaw ang magtyaga dito sa Pinas na kasama ako,” ngumisi ako sa kan’ya. “Nakakagulat nga na nakatagal ka ng dalawang buwan mahigit bilang assistant ko. Kahit ang pinakamatagal ko’ng assistant dati, ni `di umaabot ng isang buwan. Pero ikaw, narito pa rin hanggang ngayon.” “It is a deal then.” Inabot n’ya sa `kin ang kamay n’ya. “I shall stay by your side, here in your country, until you finish developing your SGT kits, then we will go to my country and work together there for all eternity.” “All eternity ka d’yan! Bakit ba parang nakikipag-kasundo ako sa demonyo?” “For as long as you desire, then.” pagtatama n’ya. “As long as pumayag ako.” Nakangisi ko’ng inabot ang kamay n’ya para makipagkamayan. “Deal.” nakangiwi n’yang tugon.   “Professor! I told you to go to sleep!” Ba’t nga ba ako nakipagsundo sa demonyo? “S-sandali, may naisipan lang ako’ng gawin!” “No.” Pinagkukuha n’ya ang inilabas ko’ng test tubes at ibinalik lahat ito sa fridge. “You are going to sleep.” Ngayon naman ay ipinagtulakan n’ya ko pabalik sa kuwarto ko. “Habibi, naman! Birthday na birthday ko, ang lupit mo sa `kin!” “You are the one who is being cruel to yourself.” Kinapitan n’ya ang mukha ko ay sinilip ang mga mata ko. “Look, you can hardly keep your eyes open! Yet you insist on doing another experiment!” “Kape lang – “ “No more coffee for you!” Nagulat ako nang pagtaasan n’ya `ko ng boses. Natameme tuloy ako bigla. “Now go back to your room.” Bumalik nga ako sa kuwarto ko at nahiga sa kama. Naisip ko, babangon na lang `uli ako maya-maya `pag tulog na s’ya, pero laking gulat ko nang humiga rin s’ya sa tabi ko! “O-oy! Ba’t mo ko tinatabihan?!” “I am going to make sure that you stay in bed. I need to get some sleep too, and since you refuse to stay in your room, then I would have to sleep here and make sure that you do.” “K-kunyari ka pa! May binabalak ka’ng gawin sa `kin, ano!?” “There is nothing to worry about. I am not in heat. I will not touch you.” “Eh, kung ikaw ang gapangin ko, ha? Gusto mo `yun?” panakot ko sa kan’ya. Tinitigan lang ako ni Aahmes. As usual, `di ko malaman kung anong iniisip n’ya. “Hmph.” Kinuha ko na lang ang isang unan at inilagay `yun sa gitna namin. “Bahala ka, basta’t bawal ka’ng lumagpas d’yan, ha?! Kung `di... kakagatin kita!” babala ko sa kan’ya. “Good night, professor. Now, please go to sleep.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD