Chapter 27

1644 Words
Chapter 27 - Naglalambing Lang ang mga Bata     “Prof. Antonio, wake up.” “Mmm... kuya?” Nag-inat ako habang nakatagilid sa kama. Inabot ko ang isa ko’ng unan at niyakap ito. ”Professor, time to wake up.” “`Yoko pa...” “Wake up, or we’ll be late for work again.” Muli ako’ng nag-inat at saka itinulak ang sarili pabangon sa kama. Nagawa ko’ng umupo nang pagewang-gewang at sumandal kay kuya. Inakbayan n’ya `ko at hinimas pa ang likod ko, tapos ay tinulungan ako’ng tumayo papuntang banyo at sa kusina kung saan nagising ako sa napakasarap  na amoy ng kape. ”Ahh... anong oras na?” ”It is already 6 am.” Napatingin ako sa nakaupo sa tabi ko. “Habibi,” nagpigil ako ng hikab. “anong umagahan natin?” “It’s right in front of you, professor.” Pagtingin ko sa baba ay naroon nga ang isang pinggan ng waffles na may maple syrup at fresh berries sa tuktok. Sa tabi nito ay may malasadong itlog na bukas na ang tuktok at nakapatong sa egg cup. “Ah, as usual, mukhang ang sasarap nanaman ng luto ng Habibi ko!” hinigop ko ang itlog pagkainom ng kape. “Please hurry up, we’re already late for work.” “Sandali lang, gusto ko pa’ng lasapin ang luto mo...” at sadya ko’ng binagalan ang pagkain. “Professor, we need to hurry if you wish to finish the work you left yesterday. Remember that we leave for the award ceremony at 2 pm sharp.” “Ah! Mamaya na nga pala `yun, ano!?” ngumisi ako sa kan’ya. “And no, you can not skip this occation,” pangunguna n’ya sa `kin. Maya-maya ay nasa lab na kami, bitbit ang suit na isusuot namin sa event mamaya. Muli ako’ng nagpigil ng hikab. Ang sarap ng tulog ko kanina, `di ko na `to maalala masyado, pero alam ko, andoon si kuya, kaya malamang maganda `yun. Kung bakit kasi ginising ako agad ni Aahmes, eh. Tinuloy ko na nga ang naiwang trabaho kahapon – na dahil kay Aahmes, at ipinasok ang aking bagong data sa daily report ko na hindi ko natapos isulat – dahil din kay Aahmes. Tinatapos ko pa `to nang kumatok si Aahmes sa pintuan ko. “It is time for lunch.” sabi nito na may bitbit na paperbag mula sa karinderia sa baba. “Sandali, patapos na `ko rito. Ano ba’ng ulam ngayon?” “Chopsuey for you, salisburry steak for me.” “Aba, at bakit gulay lang ang akin?” sinimangutan ko s’ya. “You said before that you are sick of eating too much meat.” “Kelan ko sinabi na `sick’? Tinanong lang kita kung ba’t puro karne ang kinakain mo!” “Sir! May memo po, pahabol, galing sa taas!” masayang pumasok si Pedro sa opis ko. “Ano nanaman `yan?” kinuha ko `to at babasahin na sana nang sabihin na ni Pedro ang laman nito. “May red carpet welcome daw mamaya nang alas-tres sa awarding event, dapat daw nandoon tayo nang maaga! Ala-una daw tayo umalis at siguradong traffic sa venue.” “Tayo? Bakit tayo?” tinitigan ko `to ng masama. “Sir, naman, kasama po ang team natin sa isang award cathegory, kaya po sasama kami ni Pilar sa inyo mamaya.” “Huh. Ngayon ko lang nalaman `yan.” ”Isasama ko nga po ang boyfriend ko, eh, si Pilar naman isasama ang mama n’ya.” ”P’wedeng magsama?” ”Opo, sir, 2 seats po ang available for each attendee, kayo po, may isasama po ba kayo?” ”S’yempre ang Habibi ko!” agad ko’ng sabi sabay kapit sa balikat ni Aahmes. ”I am not your Habibi,” sagot nito, “and I have my own invitation.” “Oh, hindi! `Wag mo’ng sabihin na may isasama ka’ng iba?!” pang-asar ko rito. Tumayo pa ako at umarte’ng umiiyak. “Salawahan ka, Habibi! Ipagpapalit mo na ba ako?!” “I do not have a guest,” sagot nito na patuloy lang ang pagkain. “Ahh...” bumalik ako sa pagkakaupo sa mahabang lab table kung saan kami nakapuwesto. “Kung p’wede lang, isasama ko ang bebe Meme ko, kaya lang may klase pa `yun ngayon, at siguradong hindi papayag ang tatay n’yang asungot.” “Ano’ng grade na po ba si bebe Meme n’yo, sir?” tanong ni Pedro na naki-upo pa sa mesa namin. Pasalamat s’ya good mood ako. “Grade 6 na, maagang nag-aral `yun, matalino kasi, manang-mana sa papa Jonas n’ya!” pagmamalaki ko, “At s’yepre kay tito na rin!” Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang gallery ng bebe Meme ko. ”Tignan mo naman, oh, napaka cute! Parang anghel pa kung makangiti! At ang mga mata, nagniningning, puno ng buhay at katalinuhan!” “Professor, I hate to interrupt, but please eat your lunch before you sing praises to your niece,” sabi ni Aahmes na diretso pa rin sa pagkain. “Ah, sorry, nag-seselos ka ba?” ngumisi ako rito, “`Wag ka’ng mag-alala, ikaw pa rin ang  nag-iisang Habibi ko!” Hindi ako pinansin si Aahmes. “Kailan n`yo po ba `uli isasama rito sina Meme?” tanong nanaman si Pedro na mukhang sinasamantala ang good mood ko. “Ang cute po nila noong Christmas party natin, buti nakapunta sila ng papa nila.” “Hmph. Dapat lang. Pasalamat s’ya binigyan ko sila nung bagong labas na alpha suppressant. Hindi pa available sa market `yun noon.” “So, your nephew is an alpha?” tanong ni Aahmes na nakisama na rin sa usapan namin. “Hindi lang, alpha, Dr. Abdel, dominant pa kamo, tulad ng tatay n’ya.” “At kasing yabang din ng tatay nilang mahangin,” singit ko. “Alam n’yo po ba, doc, sikat na abogado ang bayaw ni Sir Eric na si Atty. Louie Del Mirasol! Dumating sila ng tatlong anak n’ya last Christmas, bilang guests si Sir Eric.” “Hmph. Ang gusto ko lang sumama, `yung tatlong bata, pati s’ya sumabit.” “Next month po, company anib sa June 6, baka po p’wede `uli silang dumalaw?” “Naku, malabo at may summer classes si Nat-Nat ngayon, napaka strikto pa naman ng lokong Louie na `yun. Parang `di n’ya madalas ayain mag-cutting ang kuya ko dati.” “Speaking of June,” eto nanaman si Aahmes, “Where would you like to celebrate your 27th birthday, professor?” Nag-freeze ang ngiti sa mukha ko. Napatunganga sa `kin si Pedro. ”Wow! Sir! Mag-bi-birthday ka next month!?” bulyaw nito. “Shhh! Manahimik ka nga!” pigil ko rito. “Yes, his birthday is on the 18th.” “Ayos, sir, dapat po may party tayo!” “Sabi nang – “ “Ano po `yun, sir? Magbi-birthday po kayo?!” Ayan na nga ba’ng sinasabi ko, eh. Nagkumpulan sina Pilar at ang mga natira ko’ng intern sa may pinto, nakiosyoso sa amin. “Wow, sir, advance happy birthday po!” “Ilang taon ka na po, sir?!” “Happy birthday po!” At may nag cha-chant pa ng `libre! libre!’ sa likod. “Pasensya na pero `di ako nagce-celebrate ng kaarawan,” sabi ko sa mga ito. “Aw, okay lang sir, kami na lang po ang mag-ce-celebrate para sa `yo!” sabi ng isang intern na tinandaan ko ang mukha para madaling mai-cross-out sa listahan mamaya. “Gawin n’yo `yun at asahan n’yong wala na kayong babalikan kinabukasan,” babala ko sa kanila. “Lintik na mga `to.” Agad nagsi-layuan ang mga loko. “Ah, sir, naglalambing lang naman po `yung mga bata, pagpasensyahan n`yo na po...” pasok ni Pedro. “Basta’t ayokong may ka-ek-ekan sa 18,” pagmamatigas ko. “Isa pa, may lakad ako sa araw na `yun.” “Okay, now can you finish your food?” singit si Aahmes na nakatingin sa `kin nang walang expression sa mukha. “Buti pa nga.”   Matapos kumain ay minadali na ako’ng mag-ayos ni Aahmes. Pinasuot n’ya sa kin ang binaon ko’ng polo at pantalon at inihanda ang isusuot kong barong na bagong bili niya kahapon. Barong `din ang isusuot n’ya mamaya sa event, at pati si Pedro ay mukhang barong din ang binaon, si Pilar naman ay nagdala ng patadyong. Masyado ata nilang sineryoso ang sinoot ko dati sa Expo, `eto nga at may bitbit din na salakot si Pedro. ”Do you have rides to the venue?” tanong ni Aahmes sa dalawa. “Opo, doc, dadalhin ng boy friend ko ang kotse niya,” sagot ni Pedro. “Susunduin naman ako ng parents ko sa car namin, sayang nga, eh, isa lang ang p’wede ko’ng isama na guest,” sabi ni Pilar na lilingon-lingon sa `kin. “Since I do not have a companion, why not let your father take my guest pass?” alok ni Aahmes dito. Tuwang-tuwa naman ang loka, may nauto s’ya. “Thank you so much, Dr. Aahmes!” sabi nito, “Tamang tama, dala na ni papa ang amerikano n’ya!” “O s’ya, umalis na tayo at traffic daw ngayon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD