Chapter 26

2289 Words
Chapter 26 – Tahan Na                           “Eric, tahan ka na, hindi nasaktan si kuya, wala `to, gagaling din `to...” Sabi ni kuya na may benda sa leeg at mga braso. “`Wag ka’ng magagalit kay kuya Louie mo, ha? Hindi n’ya sinasadya `yun, wala s’yang kasalanan, at alam mo naman na mahal ko rin s’ya, `di ba?” Actually, `yun ang dahilan kung ba’t noon pa man, ayoko na kay Louie – ang kaibigan ni kuya na mahilig makisingit sa `min. Alam ko’ng kaagaw ko s’ya sa atensyon ng kuya ko. S’ya ang dahilan kung bakit nababawasan ang oras naming magkasama, at ngayon... “At ngayon, Eric, magiging isa na kami... magiging tunay na kuya mo na si Louie.” Pero ayoko sa kan’ya! Hindi ko alam kung anong nakita ni kuya sa taong `yun! Nagkakilala lang sila sa school. Isang lalaking makulit na mahilig magpatawa, ang kokorni naman ng jokes n’ya! Ni `di ko nga maintindihan kung ba’t laging natatawa si kuya sa kan’ya, eh. Higit sa lahat, hindi ko maintindihan kung ba’t tuwang-tuwa si kuya nang makagat s’ya ni Louie. Alam ko na masakit `yun. Nakita ko ang mga sugat sa batok n’ya. Matalisob ka nga lang, mahapdi na, eh, `yun pa kayang kagatin ka nang ilang beses sa batok hanggang sa magdugo at magsugat ito?! Hindi ko maintindihan. Natakot ako noon, naisip ko na p’wede rin ako’ng kagatin at angkinin ng kung sinong demonyo, kaya mula nang mangyari `yun kay kuya, nagkulong na `ko sa kuwarto naming dalawa, sa bahay ng tyuhin naming nag-alaga sa `min. Kaya lang, may mga tao palang mas nakakatakot pa kesa sa mga demonyo. Sinama ng tito namin si kuya sa ospital, matapos lumabas sa balita ang himala na may mga lalaking nabubuntis. Big deal `yun, dahil nang mga panahon na `yun, napaka baba ng populasyon sa daigdig, at kakaunti lang ang mga babaeng natira matapos kumalat ang isang epidemya, mga 15 years nang nakakaraan. Umuwi si tito nang walang kasama. At kung `di ako nakinig sa usapan nila nang gabi’ng `yun, `di ko pa malalaman na ibinenta nila si kuya sa ospital para mapag-eksperimentuhan. Wala akong magawa noon. Anim na taon pa lang ako, wala na ang mga magulang namin, at ang inaasahan naming mag-aalaga sa `min ang s’ya pa’ng nag-benta sa kapatid ko. Oo, alam ko kung ano ang ginawa nila. Sa murang edad pa lang, naiintindihan ko na ang mga nangyayari sa paligid ko, kaya’t alam ko, noon din, na wala ako’ng ibang malalapitan kung `di ang walang hiyang gumahasa sa kuya ko. ”`Wag ka’ng mag-alala, Eric, ngayon, nandito na tayo kina Louie, hindi na tayo masasaktan nina tito. Hindi na tayo magkakahiwalay muli.” `Yun ang sabi ni kuya. Pero pagtungtong pa lang namin sa pamamahay ng demonyong `yon, alam ko na, na nawala na sa `kin si kuya nang tuluyan. Kay Louie na s’ya.   Maayos ang naging trato sa `min ng pamilya ni Louie. Pare-pareho silang masiyahin, palibhasa mayaman sila, `di sila hirap sa buhay. Tinrato nila kami na parang tunay na mga anak, pero dahil sa wala pang alam ang mundo noon sa mga bagong labas na alphas and omegas, ay naging komplikado ang unang pagbubuntis at panganganak ni kuya. Tinubuan s’ya ng cancerous tumor sa kanyang miniature omega ovary. Mula ito sa experimental drugs na pinainom sa kan’ya nang ibenta s’ya ni tito noon. Buti na nga lang at nakita agad ito at nagamot habang stage 1 pa lang. Dahil doon ay naging mahina na ang katawan n’ya. Pinag-aral naman ako ng pamilya ni Louie. Laking tuwa pa nila nang malaman na isa akong genius na may IQ na 163. Pinadala nila ako sa MIT nang sabihin ko na doon ko gustong mag-aral ng siyensya, para mas matulungan ko si kuya, pati na rin ang ibang mga omega na tulad niya. “Sigurado ka, Eric?” tanong ni kuya sa `kin. “Eight years old ka pa lang, lalayo ka na kay kuya nang mag-isa?! Ba’t `di ka na lang sa Pinas mag college? Marami namang magagandang schools dito!” Actually, kaya ako umalis, eh, para malayo ako sa kan’ya. Habang nagtatagal kasi, lalong sumasama ang loob ko sa bagong pamilya ni kuya na umagaw sa kan’ya mula sa `kin. I know it wasn’t healthy, and I was afraid that I might do something stupid if I stayed with them. So, nagpunta ako sa States para kalimutan si kuya at ginugol ang oras ko sa pag-aaral. Natapos ko ang kolehiyo in two years, and two masteral degrees in two more years. Agad akong kinuha ng Universal Laboratories bilang isa sa kanilang mga lead researchers pagka-graduate ko. I started there at age 12, which wasn’t easy, dahil sa bata ko’ng edad at dahil isa lang ako’ng beta of asian descent. Sobra’ng discrimination ang natanggap ko noon, kaya kinailangan ko’ng makipag-matigasan sa mga tao sa paligid ko. I was doing quite well, until a call came 5 years later. ‘Eric, please come home, kuya wants to see you.’ At sa tono ng pananalita ni kuya, I knew something was wrong. “I met someone.” sabi n’ya nang umuwi ako sa pinas after 8 years abroad. “I hardly know him, alam ko lang, favorite author s’ya ng panganay naming si Blessing, pero... Eric, nang makita ko s’ya, kakaiba talaga naramdaman ko... na para ba’ng matagal ko na s’yang kakilala, at tila ba ang gaan-gaan agad ng loob ko sa kan’ya... at... Eric... gusto ko s’ya makasama palagi. Eric... I think he’s my fated pair...” “So, nagising ka rin sa katotohanan na hindi `yung Louie na `yun ang fated pair mo?” tanong ko kay kuya. He looked at me sadly then, so sad that I felt ashamed of myself for asking such a question. “Eric, mahal ko si Louie. Mahal na mahal ko siya, pati na ang mga anak namin. You just met Nat-Nat, right? Ang bibo-bibo n’ya, `di ba?” ”At kamukhang-kamukha rin ng tatay n’ya.” ”Eric, please? I need your help. Ayoko’ng iwan ang pamilya ko... hindi ko kaya... pero hindi ko rin makayang malayo sa lalaking `yun... please... don’t you have something I can take to make me forget him?” `Yun ang hiling n’ya sa `kin. `Yun ang pinaggugulan ko ng oras na pag-aralan at gawin, pero kahit anong tapang ng suppressant na ibigay ko sa kan’ya, ay hindi n’ya pa rin mapigilan ang kanyang sarili na hanapin ang lalaki’ng `yun. Noon ko nakita ang bagsik nang hatak ng fated pairs. ”Kung mahal mo talaga ang kuya ko, palayain mo s’ya, Louie! Hayaan mo sila’ng magsama ng fated pair niya!” Pilit ko sa kanyang asawa. ”`Wag ka’ng makielam sa amin, Eric! Pamilya namin `to, at kung tunay na ayaw na sa `kin ng kuya mo, siya mismo ang aalis. Siya mismo ang mang-iiwan sa akin.” ”At ano? Panonoorin mo na lang s’yang maghirap dahil `di n’ya makasama ang fated pair n’ya?!” ”Alam mo naman na hindi rin sila p’wede’ng magsama, `di ba?! Mate ko si Jonas. May marka ko s’ya. Isa pa, pinili n’ya ako... ang aming pamilya! Tuluyan na s’yang nagpaalam sa lalaki’ng `yun. Pinili niya ako, dahil ako ang tunay na fated pair niya!”   Iyon ang pinagpilitan ni Louie. Kahit pa alam n’ya na binihag lang n’ya ang kapatid ko sa pamamagitan ng isang kagat. Deep inside, he knows the truth, pero mas pinili n’yang magsinungaling sa kanyang sarili. Hanga naman ako kay kuya, sa fighting spirit n’ya. Kahit alam ko’ng halos mabaliw s’ya nang maghiwalay sila ng lalaking `yon, pinilit pa rin n’yang maging matatag at malakas para sa pamilya niya. Hanggang sa isang araw, lumabas s’ya ng silid na para ba’ng nagising mula sa isang masamang panaginip. “Ang galing mo talaga, Eric, mukhang effective ang gamot na bigay mo kay kuya, ha? Hindi na `ko nanghihina! Nawala na rin ang sama ng pakiramdam ko!” But I didn’t deserve his praise. A day later, I found out that that man killed himself. Kinausap ko si Louie tungkol dito. Nagtalo kami. Patunay kasi ito na fated pair ni kuya ang lalaking iyon, dahil umayos lang ang pakiramdam ni kuya nang mamatay ito. Pero ayaw magpatalo ni Louie. Pinilit pa rin niya na sila ang destined ni kuya, although napagkasunduan naming dalawa na huwag muna ipaalam kay kuya ang nangyari. Hanggang sa mabuntis si kuya. Hanggang sa ipanganak n’ya si Mercy, na kamukhang-kamukha ko raw nang bata pa `ko. Noon lumala ang sakit n’ya. Ang cancer na akala namin ay matagal nang nawala. Bumalik ito nang nanghina ang katawan n’ya dahil sa pinagdaanan n’yang depression nang mahiwalay s’ya sa kanyang fated pair, at dahil doon, ay hindi man lang ni kuya inabot ang 1st birthday ng bunso niya. I was devastated then. But not as devastated as Louie was. If I ever questioned his love for my brother before, I have no doubts about it now, after seeing how broken he was after kuya’s death. And dating palabiro at pala-tawa na Louie, biglang naging tahimik at tulala. Kung `di nga lang dahil sa mga anak nila, tingin ko, sinundan na n’ya si kuya. Pero kailangan s’ya nina Bless at Nat-nat, at lalo na ni baby Mercy na kaiisang taon pa lang noon. Si baby Meme, na habang tumatagal, ay lalong nakakamukha ni kuya. I stayed with them those first three years. Hindi ko maiwan si Meme, kaya kahit mainit pa rin ang dugo ko kay Louie, ay tinulungan ko s’ya sa pagpapalaki ng mga bata hanggang sa makabalik s’ya sa pag-trabaho, at kahit hindi na bumalik ang dating komikero’ng Louie, ay at least, nagawa n’yang makabangon `uli. Ako naman ay pumasok na lang sa Universal Laboratory branch dito sa pinas para `di malayo sa mga pamangkin ko, lalo na kay baby Meme na kuhang-kuha ang mala-anghel na ngiti ni kuya. Pinasok ako ni Dr. Webb na dati ko’ng university professor. Noon ako napasok sa isang highly classified project concerning Dominant Omegas. Iyon ang dahilan kung bakit ako nakatali sa Universal Labs na hanggang ngayon ay `di ko magawang alpasan. At ngayon... 10 years mula nang mawala si kuya, ay naalala ko ang sinabi n’ya nang huling gabi na magkasama kami. “You’re so lucky Eric. Isa ka’ng beta, hindi mo kailangan matali sa tao’ng hindi mo gusto. Wala ka’ng pheromones na maaring bumihag sa `yo.” “Nagsisisi ka na ba ngayon sa nangyari sa inyo ni Louie?” tanong ko sa kanya. ”Hindi, Eric, si Louie talaga ang mahal ko. S’ya pa rin ang pipiliin ko kahit pa maging alpha ako o beta, o babae man. Mahal na mahal ko s’ya, Eric. My only regret is meeting that man... I know he’s my fated pair, at dahil sa kan’ya, umiksi ang masasayang araw nating magkakasama... nasira ang lahat dahil nakilala ko s’ya...” ”Pero, s’ya ang fated pair mo!” ”Oo, pero `di ko s’ya mahal, Eric, kay Louie lang ang puso ko kahit pa s’ya ang gusto ng katawan ko. At dahil sa nilayuan ko s’ya, eto, ang katawan ko ang bumigay.’ “Kaya nga sabi ko sa `yo noon pa, dapat iniwan mo na si Louie!” Umiling si kuya. Walang tigil ang mga luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata. “Eric, aanhin ko ang katawan ko kung papatayin ko naman ang puso ko?” Hinimas n’ya ang mukha ko noon. `Di ako makasagot dahil sa bara sa `king dibdib. ”Eric, balang araw, alam ko maiintindihan mo rin ang sinasabi ko, `pag natagpuan mo na rin ang mahal mo...” ”Hinding-hindi mangyayari `yun!” pilit ko. ”Hindi ako magmamahal ng kahit sino, kahit kailan!” Nangiti lang si kuya sa sinabi ko. ”Noon pa man, matigas na ulo mo, alam mo kung ano gusto mo at ipagpipilitan mo `yun. Pero may mga bagay na `di mo mapipilit o maiiwasan, Eric.” Tumingin s’ya sa likod ko, kung saan nakatayo ang pamilya n’ya at mga kaibigan. ”Louie, kayo na bahala sa makulit ko’ng kapatid,” habilin n’ya. ”At ikaw, Eric, alagaan mo mga pamangkin mo, ha? Tulad nang pag-alaga sa `yo ni kuya. Hihintayin ko `yun... ang araw na may mahalin ka higit pa kay kuya... hihintayin ko’ng ipakilala mo s’ya sa akin.” Pero hindi mangyayari `yun. Hindi ako makakahanap nang iba’ng mamahalin, kung `di si...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD