Chapter 76 - `wag mo’ng sasaktan ang mahal ko
Tumayo na ako at itinabi ang aking mga gamit.
”Are we leaving now, professor?” tanong sa `kin ni Habibi.
“Oo, punta tayo sa bahay nina Louie, walang kasama sina Mercy doon. Maitabi na rin `tong inaayos ko at baka kung sino pa makielam.”
“Now, would you let me help?” tanong `uli niya. “My men might be able to locate your nephew.”
“Haay... sige, ikaw bahala,” sagot ko kay Aahmes, nang kumatok si Pilar sa pinto ko.
“Professor, pinapatawag po kayo sa taas ni Dr. Gregorio.” sabi nito.
Napatingin s’ya sa amin.
”Maaga po ba kayo’ng uuwi ngayon?”
”Oo, may emergency sa mga pamangkin ko,” sagot ko, ”bad trip naman `tong si Godzilla, ngayon pa `ko pinatawag! Alas siete na!”
”Let’s just go straigh home after meeting him,” sabi ni Habibi na nag-aayos na rin ng mga gamit.
“Kung ganon, professor, ako na po magliligpit dito sa workstation mo,” presinta ni Pilar.
“Okay, pakitapon lahat ng solutions sa lababo, ha? Tapos pabalik sa cold storage ang mga extra chemicals,” sabi ko rito, “Salamat sa tulong.”
Pumunta na kami kay Godzilla sa taas na gusto lang pala ako’ng ipakilala sa mga bwisita n’ya. Matapos noon, ay dumiretso na kami sa kotse, pauwi na kami
nang muling mag-ring ang telepono ko.
’Tito, natawagan ka na po ba ni papa?’ tanong sa `kin ni Mercy.
”Oo, kanina, tungkol ba `to sa kuya ninyo?”
’Opo, tito, papunta ka rin po ba ng San Juan?’
”Hindi, d’yan kami papunta, dadaan lang ako sandali sa bahay para magpalit at tatlong araw ko nang suot ang kansonsilyo ko...”
”That’s why I told you to take a bath this morning,” singit ni Aahmes na nagmamaneho sa tabi ko.
‘Okay, tito, bilisan n’yo, ha? Nag-aalala na kami rito, lalo na si ate.’
“Masyado talagang worry wart `yang ate mo, eh, sabihin mo papunta na `ko, at `wag kayong mag-alala, pauwi na rin ang kuya mo.”
“You really are a good actor, professor,” sabi ni Aahmes pagputol ko sa tawag, “You sound as if you hardly care, when all this time...” kinapitan n’ya ang nanginginig ko’ng kamay, “You’re already this nervious.”
“Kung bakit kasi kung anu-anong kalokohan ang pinapasok ng tarantadong Nathan na `yun, eh...” naiirita ko’ng sagot.
Napailing na lang ako at nagbuntong hininga.
“Hindi naman talaga salbahe ang batang `yun, dati, makulit lang talaga s’ya, pero nagsimula s’yang maging tarantado nang madawit s’ya sa r**e case noong high school s’ya...”
“A r**e case?” tanong ni Aahmes na mukhang nagulat sa sinabi ko.
“Oo... he witnessed an omega getting r***d, at nang tulungan n’ya ang biktima, eh, nadawit pa s’ya rito. Siya ang pinagbintangan ng magulang ng omega, at muntik pa’ng maging tatay nang `di oras. Buti na lang at napatunayan namin na `di kan’ya ang bata through a DNA test. Pero mula noon, parang nawala na ang pagka-inosente ni Nathan. Nawalan s’ya ng tiwala sa mga omega, at iba’t-ibang kalokohan na ang pinasok n’ya, kasama ang mga tarantado n’yang kabarkada!” Nagbuntong hininga `uli ako. “Laking pasalamat ko nga nang maka-graduate na s’ya at mahiwalay sa mga demonyito n’yang barkada, eh... tapos... eto at nagkasama nanaman sila!”
Pinisil ni Aahmes ang kamaya ko.
“Don’t worry professor. Everything will turn out right in the end.”
Nagmamadali kaming nag-ayos pagkauwi. Itinaas ni Aahmes ang mga gamit namin galing UL, habang ako naman ay mabilis na nag-shower at nagpalit ng damit. Pababa na kami ng hagdan nang may magpipindot sa doorbell `ko.
“Puchangna... Ba’t ba ang daming umiistorbo sa `tin ngayon?”
Naiirita ako’ng pumunta sa gate para murahin ito, nang makita ko ang mukha ng pamangkin ko’ng sira-ulo.
”Nathan!”
Dahan-dahan na umangat ang ulo nito patingin sa akin. Mukhang `di pa n’ya `to maitaas sa kalasingan!
Sunod ako’ng napatingin sa taong umaalalay sa kan’ya.
”Please...” sabi ni Reubert, umiiyak, ”tulungan n’yo siya...!”
”Ipasok mo s’ya dali!” binuksan ko ng tuluyan ang gate. ”Nathan? Naririnig mo ba kami?”
”What happened?!” tanong ni Aahmes sa tabi ko.
”Nahanap ko s’ya sa isang bar...” sagot ni Reubert. Sabog ang buhok n’ya at tabingi ang salamin na mukhang bali pa. ”Ginahasi nila s’ya, professor... ginahasi nila si Nathan!”
”Sinong nila?!”
”Mga hayop... mga putanginang mga alpha... They drugged him... they were having their way with him... and I couldn’t help it... professor... I had no choice!”
Bigla ako’ng kinabahan.
“Pucha... anong ginawa mo?”
“I had no choice!” Ulit niya.
“Reubert, put Nathan on the couch first!” tawag sa kan’ya ni Aahmes na may dalang medical kit. Naglabas s’ya ng injection at nilapitan si Nathan.
“Ano `yan?!” tanong sa kan’ya ni Reubert na mukhang nagpakawala ng pheromones, dahil biglang napaatras si Aahmes at napailing.
“Reubert!” humarang ako sa kanila, “`wag mo’ng sasaktan ang mahal ko!”
Napatitig s’ya sa `kin.
“It’s a suppressant,” sabi ni Aahmes sa likod ko. “Your friend is suffering from a forced rut, a reaction from a drug made of concentrated omega pheromones. I also think he’s been drugged.”
Lumapit `uli si Aahmes kay Nathan, pero niyakap ni Reubert nang mahigpit ang pamangkin ko.
“Don’t touch him!” sigaw nito.
“Reubert, gusto mo ba’ng lalong lumala si Nathan?!” sigaw ko sa kan’ya.
Sa wakas, pinalapit din n’ya si Aahmes na agad tinurukan si Nathan sa braso.
”Kamusta ang vitals n’ya?” tanong ko kay Aahmes.
“I need to give him a proper check-up.” Binuksan n’ya ang kanyang medical kit at naglabas ng stetoscope.
Nakabalot lang si Nathan sa tela na mukhang table cloth.
Puro pasa ito at kagat sa mga braso at leeg, at bigla ako’ng nanlumo nang dahan-dahang inangat ni Aahmes ang tela para matignan namin ang katawan n’ya.
“Putang ina...”
Hindi ko kinaya ang nakita.
Napilitan akong umiwas ng tingin sa pambababoy na ginawa sa pamangkin ko... Mga hayop sila. Walang matinong tao na gagawa nito!
“Sinong may gawa nito?” tanong ko kay Reubert.
“Hindi ko sila kilala, pero sinigurado ko’ng `di na nila muling magagawa ito sa iba.”
“Pinatay mo sila?”
“Hindi,” sagot n’ya, “Death is too easy an escape for the monsters who did this.”
“They used heroin.” Sabi ni Aahmes na kapit ang braso ni Nathan. May mga needle marks dito. “I don’t have any opioid on hand to stop the drug’s effect, we would need to take him to the hospital.”
“To a hospital?!” napatingin sa `kin si Reubert. “Hindi... hindi ako p’wedeng...”
”Hindi ka p’wedeng mahuli na kasama kami, tama?” tanong ko sa kan’ya. ”`Wag ka’ng mag-alala, ako nang bahala sa pamangkin ko, tatawagan ko na rin ang tatay n’ya para ipaalam na nakita na natin s’ya...”
”Pero...” kinapitan ni Reubert ang braso ko. “Professor... si Nathan... kami ni Nathan...”
”I know, and I commend you for being a good professor.” Tinapik ko s’ya sa balikat. “Salamat at nahanap mo s’ya, ngayon, p’wede ka nang – “
“He means to say that Nathan and him are partners,” singit ni Aahmes.
Napatanga ako kay Reubert.
“Ang pamangkin ko?” tanong ko, “At ikaw?”
Tumango si Reubert na namumula ang mukha.
“I love him, professor.”
“There’s no time for confessions now,” muling singit ni Aahmes na hinatak ang braso ko, “We need to take Nathan to the hospital, immediately! I’m afraid he might be suffering from a drug overdose!”
“Dalin mo s’ya sa kotse, dali!” sabi ko kay Reubert na muling binuhat si Nathan. Natigilan kami nang sa pagbukas namin ng pinto ay may lalaking nakatayo rito.
”He’s with me,” agad sinabi ni Aahmes na kinapitan si Reubert sa balikat. ”What do you have to report?” tanong n’ya sa lalaki.
Nag-usap sila nang Arabo, tapos ay may inabot na mga CD’s, memory cards, at flash drives ang lalaki kay Aahmes at saka naglakad paalis.
”Ano raw `yan?” tanong ko.
”Security videos from the crime scene,” sagot ni Aahmes. Tumingin s’ya kay Reubert at sumimangot “He said the place looked like a scene in hell.”
“Kailangan na nating dalin ni Nathan sa ospital, `di ba?” pag-iwas ni Reubert.
”Sige, isakay mo na s’ya sa sasakyan namin, kami na magdadala sa kan’ya sa ospital.”
“Pero-“
Tinitigan ko si Reubert.
“Alam mo na hindi dapat tayo nagkikita. Pano kung lalong mapahamak ang mga pamangkin ko dahil sa ginawa mong ito?”
Natahimik si Reuert, `di malaman ang isasagot.
“K-kakausapin ko si Gagamba! Sasabihin ko ang lahat nang nangyari... na hindi ko alam na pamangkin mo si Nathan... na `di mo ginustong magkita `ulit tayo!”
“P’wes, kausapin mo na agad sila ngayon, at baka mamaya, eh, `di na lumabas ng buhay ang pamangkin ko sa ospital!”
Namutla ang mukha ni Reubert. Alam n’ya na maari ngang mangyari ang sinabi ko.
“Okay... Balitaan n’yo na lang po ako kay Nathan. Please, professor?”
“Sige na, mamaya na tayo mag-usap.”
Dumiretso na kami sa Ospital. Habang nasa kotse naman ay tinawagan ko sina Bleassing.
‘Hay, salamat sa Diyos!’ sagot nito.
‘Thank you tito, at maayos na s’ya, kanina pa kami nag-alala kay kuya!’ sabi ni Mercy sa background.
‘P’wede po ba namin s’yang makausap?’ tanong ni Bless.
“...bagsag pa s’ya sa ngayon...” sagot ko. “Basta’t kontakin n’yo tatay n’yo na busy ang phone, at sabihan na tumawag sa `kin. At `wag kayong mag-alala, safe na kuya n’yo.”
Binaba ko na agad ang linya.
At least, hindi na mag-aalala ang dalawa.
Pagdating namin sa ospital ay agad naming sinugod si Nathan sa emergency room. Pati ang mga doktor ay nagulat at napailing nang makita ang mga sugat n’ya sa katawan.
Agad nilang ikinunekta sa life support si Nathan at sinaksakan ng opioid, saka itinakbo sa operating room para sa isang emergency procedure.
Noon tumunog ang telepono ko.
Si Louie, sa wakas.
‘Eric, nakita mo na raw si Nathan? Nasaan na `yang batang `yan?’ galit pa n’yang tanong.
“Louie, nasa ospital ako ngayon. Pumunta ka rito sa Medical City.”
‘Ha? bakit? Anong nangyari kay Nathan?’
“Basta’t pumunta ka rito ngayon din.”
Dumating siya, 30 minutes later, na may kasamang malaking babae. Eto marahil ang sinabi n’yang bodyguard ni Blondie. Nagmamadali s’yang tumakbo papunta sa `min ni Aahmes, pawisan at hinihingal.
“Eric, nasaan na si Nathan?”
“Kalalabas lang n’ya sa ER, dinala na s’ya sa ICU para maobserbahan.”
”Bakit?! Anong nangyari? Saan n’yo s’ya nahanap?!”
“Your son is out of harm’s way for now, Mr. Del Mirasol,” sabi sa kan’ya ni Aahmes. “Huminga ka muna nang malalim at mukhang aatakihin ka na sa galit, baka ako pa masisi ng mga anak mo!” sabi ko rito.
“Let’s go to the lounge first, to talk.”
Naupo kami sa louge ng ospital. Doon, ikinuwento ko ang lahat nang aking nalalaman sa pangyayari. Hindi rin makapaniwala si Louie nang matapos ang kwento ko, lalo na nang pumunta kami ng ICU at nakita n’ya si Nathan.
Muntik nang bumagsak si Louie sa sahig!
”`Oy, okay ka lang?!” tanong ko rito.
”Paano ako magiging okay?! Nakita mo naman ang ginawa nila sa anak ko!” sabi nito, umiiyak. ”Mga hayop sila! Pagbabayaran nila ang ginawa nila kay Nathan!”
”May panahon para d’yan, sa ngayon, maghunos-dili ka muna, at baka mamaya pati ikaw, maconfine dito!”
”Eric... sabihin mo, sino ba ang gumawa nito? Nasaan na sila?”
“Malamang nandoon pa sila sa bar na `yun, pero balita ko, bagsak sila lahat. May nangyari daw na... kakaiba... possibly, drug ralated... at nagkagulo ang mga tao sa lugar na `yun.”
“Damn... that disco pub we passed!” sabi ni Louie na napatingin sa kasama n’yang si Princess Zena. “Sabi nila may nagpakawala raw ng omega pheromone drug sa isang bar na nadaanan namin kanina habang hinahanap si Nathan. Nagkagulo sa club na `yun, kaya hindi na namin ito pinuntahan. Nasa harap na namin iyon, hindi ko pa pinasok!”
“Buti na lang kamo, at `di mo pinasok!” agad ko’ng sinabi, ”Kung sakali, eh, `di pati ikaw naapektuhan? Buti na nga lang at masyado nang bangag si Nathan, kaya siguro hindi na s’ya tinablan ng kung anu mang drug na ginamit nila doon,” palusot ko, sabay tingin sa malayo. “Sa ngayon, tingin ko, kailangan mo nang umuwi muna sa inyo at magpahinga. Sinabi ko kina Bless na maayos na ang kuya nila, kayat `di na siguro sila nag-aalala ngayon, pero kailangan ka nila doon. Umuwi ka na at ipaalam sa kanila kung ano ang nangyari.”
Nagbuntong hininga si Louie at tumango.
“Tama ka... kailangan din malaman nina Bless at Mercy ang nangyari... pero si Nathan...”
”Sige na, `wag kang mag-alala, I’ll keep you informed. Magpahinga ka na, at mukhang malapit ka nang bumagsak any minute. Kami na muna ni Aahmes ang bahala kay Nathan.”