Chapter 75 - this is different
Nagulat ako kinabukasan nang mag-message sa akin si Reubert.
‘I got your number from Nathan. I’m glad that we were able to meet again, professor.’
sabi rito.
Agad ko naman ito’ng binura.
“Why erase it?” tanong ni Aahmes na nakita ito.
“Mahirap na, baka magparamdam nanaman ang demonyo.” Sagot ko.
Sa mga sumunod na araw naman ay tahimik lang si Aahmes. Hindi na s’ya nagtanong pa tungkol kay Reubert, tumutok lang kami sa trabaho, at sa pagdating ng blood samples na isa-isang naglalabas ng second gender manifestations.
Huling araw na ng Marso, nasa lab kami, nang tumawag si Bless sa phone ko.
‘Hello, tito Eric?’
“O, blessing, ano nanamang ginawa ni Nathan ngayon?” tanong ko na sanay na sa kalokohan ng pamangkin kong sutil.
‘Tito, this is different,’ sagot niya, `nawawala si Nathan!’
“Ha?” napadiretso ako sa pagkakaupo. Lumapit si Aahmes at nakinig sa usapin namin.
‘Umuwi lang s’ya nang Tuesday galing kung saan, tapos umalis din, at `di na bumalik...’
“Baka naman may inuuwian lang na kung sinong babae?” tanong ko, “Alam mo naman, malibog masyado ang kapatid mo’ng `yun.”
‘Pero, tito, walang sumasagot sa phone n’ya, nag-message man s’ya, ibang number ang gamit n’ya, tapos kanina, ang sumagot sa phone n’ya, `yung dating friend n’ya na si Dan noong highschool...’
“Sino? Yung tarantadong Dan na pasimuno sa lahat ng kalokohan nilang magkakabarkada?!” tanong ko, “Eh, baka kaya `di nagpaparamdam kapatid mo, eh, dahil nabarkada nanaman doon!”
‘Tito, nag-aalala na nga po ako, eh...’
“Eh, anong sabi ng papa mo?” tanong ko kay Bless.
‘H-hindi ko pa po s’ya nasasabihan, busy po kasi si papa at stressed na masyado sa kaso n’ya, ayoko sanang mag-alala s’ya `kung sakaling wala lang ito...’
“Malamang nga, wala lang `yan,” sabi ko. “Alam mo naman si Nathan masyadong makasarili, baka nag road trip ang mga loko or nag bar hopping, Friday pa man din ngayon, gimik day. `Wag ka’ng mag-alala, ako na tatawag sa kan’ya, masermonan na rin ang loko’ng `yan.”
‘Okay, tito, salamat po, ha?’
”Sige, uuwi rin ang Nathan na `yun `pag nagutom.”
Binaba na ni Bless ang telepono. Ako naman ay agad tumawag sa telepono ni Nathan.
Patay ito.
Sinubukan ko pa `to ng ilang beses pero wala talaga.
”Talaga ito’ng Nathan na `to, napakalaking sakit ng ulo!” bulong ko.
”Why not try contacting Reubert? He might know where Nathan is,” payo ni Aahmes.
“Ano naman ang alam ni Reubert doon? Professor lang naman s’ya ni Nathan!”
“You mean, you didn’t notice?” tanong n’ya sa `kin.
“Ang ano?”
“Professor, your nephew has a relationship with his professor.”
“Ha?!” ako’y napatayo.
“Nathan has a relationship with Reubert Go.”
“Pano mo naman nalaman?!” tanong ko sa kan’ya, hindi makapaniwala.
”Didn’t you notice how they looked at each other?”
“Wala naman kakaiba sa titigan nila, ha?”
“The way your nephew looks away when their eyes meet?”
“Malamang, walang modo ang loko’ng `yun, eh, saka guilty dahil nag-cutting class!”
“The way Nathan glared at you whenever Reubert came too close?”
“May ganoon?”
“And the sarcastic way he told you `ang taas pala ng tingin ni professor sa `yo’ that time we met?”
“Lagi namang sarcastic pananalita noon, eh!”
”Really, professor, you are too dense.”
“Nagsalita...”nginusuan ko s’ya, pero inalala ko ang numero ni Reubert para tawagan ito.
‘Hello? Professor?’ sagot ng malalim na boses ni Reubert sa telepono.
“Reubert, nandyan ba ang sutil ko’ng pamangkin?” tanong ko sa kan’ya.
‘Actually, prefessor, hindi s’ya pumasok sa klase ko, pati kahapon, wala rin s’ya... I think perhaps... ayaw n’yang magpakita sa akin.’
“Bakit naman? May ginawa nanaman bang kalokohan si Nathan?”
Matagal sumagot si Reubert.
‘Actually, professor... medyo, may problema kami...’
“Anong problema?”
‘How do I explain this...’ bulong n’ya.
“Well, kung ano pa man `yan, saka mo na i-explain, ilang araw na namin `di ma-contact ang tarantadong Nathan na `yan, may idea ka ba kung saan s’ya nagpunta?”
‘Huh?’ dinig ko ang pag-aalala sa boses ni Reubert. `Kailan pa po?’
”Huling uwi ni loko, Tuesday pa, tapos noon, patay na ang cell n’ya, at iba ang number na gamit n’ya pag-message sa mga pamangkin ko.”
Natahimik ang kabilang linya.
’Ano daw po ang message na pinadala n’ya?’ tanong n’ya.
“Kasama daw ang mga kabarkada, but we haven’t talked to him directly, nag-aalala na nga ang mga kapatid n’ya, eh.”
’Okay, I’ll ask his friends about him... I’ll message you as soon as I get word about his where abouts.’
“Please do,” sagot ko, “at pati ako nag-aalala na rin sa kan’ya.”
“Is everything alright, professor?” tanong sa `kin ni Aahmes na mukhang nag-aalala naman sa `kin.
Tumango ako at binale-wala ang pangyayari.
”Oo, wala `yun, malamang gumigimik lang ang makulit ko’ng pamangkin. Mukhang nabarkada nanaman sa mga sira-ulo n’yang kaibigan from highschool.”
”Would you need assistance in finding your nephew?”
“Hindi na, tingin ko naman lalabas `din `yun... although ngayon lang s’ya `di nagparamdam nang ganito’ng katagal...” pabulong ko’ng dinagdag. “Anyway, may inaayos pa ako... sinusubukan ko’ng gawing mas mabilis pa sa 45 minutes ang labas ng resulta sa SGT kits natin.”
“Then, perhaps I could assist you there instead.”
Pinagpatuloy namin ni Aahmes ang aming trabaho, pero `di ako makapag-concentrate ng mabuti sa ginagawa ko, kakaisip sa sira-ulo ko’ng pamangkin.
Mag-aalas-siete na nang muling may tumawag sa `kin.
Si Louie.
Agad ko’ng sinagot ito.
“Hello? Louie? Nahanap n’yo na ba si Nathan?”
‘Hindi pa, pero na-trace namin ang phone n’ya sa isang gimikan sa San Juan.’
“Sabi na nga ba gumigimik nanaman `yun, eh!” naiirita ko’ng sabi.
‘Pero, Eric, masama kutob namin. Nakausap daw ni Bless si Nathan kanina, kasama daw nito si Dan at parang wala raw ito sa sarili.’
“Si Dan nanaman?!” napakamot ako sa ulo. “Saan sa San Juan sila nagpunta?”
‘I’m sending you the coordinates right now, `di ba may kakilala ka’ng mga de-uniporme? Baka p’wedeng makahingi ng tulong, at alam mo naman na anak ng senador ang Dan na `yun, kaya ang lakas ng loob gumawa ng kalokohan. Ang pagkaka-kwento pa sa akin ni Nathan, eh, exclusive daw ang pinupuntahan n’yang bar na pag-aari nito...’ sandaling natahimik si Louie. ‘Mukhang may illegal omega p**********n ring daw sa lugar.’
“Putcha... ano nanaman ba ang pinasok ng anak mo’ng `yan?!” nasabunutan ko ang sarili ko sa inis.
‘Anyway, get ready in case I need back-up, kasama ko ngayon ang isang bodyguard ni Josh para hanapin s’ya, I’ll call you again in case we do need some help.’
“Sige, keep me updated, I’ll see what I can do.”
“You know uniformed men?” tanong sa `kin ni Aahmes pagkababa ko ng telepono.
“Actually, dati kasi nang kasama pa `ko sa DOME project, may mga sundalo na sumusundo sa `kin paminsan-pansan, lalo na kung may emergency. Ang paliwanag ko kay Louie noon, eh, may pasiyente ako na anak ng general.”
“So, who do you plan to call now?”
“Si Reubert.”
Ini-forward ko ang coordinates na bigay sa akin ni Louie. Sinagot n’ya ang phone as soon as it rang.
‘Hello? Professor? Nakita na ba si Nathan?’
“I just sent you the coordinates, nakita mo ba?”
`Yes... nasa San Juan s’ya?’
“Oo, at ang sabi ng kapatid n’ya, para daw wala sa sarili si Nathan nang makausap n’ya `to, inisip ko, posibleng nagdroga ito... malamang, naimpluwensyahan nanaman ng mga kabarkada.”
‘Actually, I also got a call from Nathan’s phone. It was some person I don’t know, at tinanong n’ya ako kung anong relasyon ko kay Nathan,’ sabi ni Reubert. `Kung anu-ano ang sinabi n’ya tungkol kay Nathan.’
“Ang sabi naman ng tatay n’ya, may pinupuntahan daw na bar si Nathan na possibleng may illegal omega prostitution.”
‘Ano?!’
“Anyway,” sandali ako’ng nag-alangan, “alam ko kung anong kaya mo’ng gawin, kaya sa `yo ako tumawag. P’wede mo ba kaming tulungan?”
‘You don’t need to ask me twice, professor, importante si Nathan sa akin,’ sagot nito, `he’s more than a student to me.’
Nangiti ako. Mukhang nakakita na rin si Reubert ng aalagaan, tulad ng pag-alaga ko sa kan’ya noon, how ironic na ang pamangkin ko pa’ng sutil ang naging pupil nya.
“Sige, salamat, at paki dagukan nga `yang pamangkin ko’ng `yan `pag nakita mo.” sabi ko, “Just, don’t over do it, okay.”
“Okay.”