Chapter 77 - It was quite obvious who the top is

1468 Words
Chapter 77 - It was quite obvious who the top is     Pumayag din umuwi si Louie. Kami naman ni Aahmes ay nagpaiwan sa ospital para bantayan si Nathan na inilipat na sa private room.  Wala pa rin s’yang malay, pero at least, nalinis na ang mga sugat n’ya at kalmado na ang mukha n’ya. Nanood kami ng balita habang nagbabantay sa kan’ya. Binanggit rito na nagkaroon ng riot sa isang sikat na club sa San Juan, pero wala nang ibang balita na inilabas tungkol rito. ”Habibi, baka gusto mo’ng umuwi muna sa bahay?” tanong ko kay Aahmes. ”Ayos lang ako rito, iwan mo na `ko.” ”I do not wish to do so,” sagot n’ya habang nakasandal ang ulo sa balikat ko, “besides, I want to wait for Nathan to wake up as well. I have a million questions I wish to ask him.” “Tulad nang?” tanong ko. “How he got attracted to Reubert. How they met and became mates.” Napailing ako. Sabi ko na nga ba, `yun ang balak n’yang itanong, eh. “Hindi pa rin ako makapaniwala na may relasyon sila ni Reubert! I mean... Napaka tarantadong dominant alpha ni Nathan! Napaka baba ng tingin n’ya sa mga omega, samantalang si Reubert naman ay may deep hatred sa lahat ng alpha.” ”And to think, that he agreed to be the bottom...” “Ha? Sino?” tanong ko. “Nathan.” “Bottom? Si Nathan?!” ngayon, `di na talaga `to kapani-paniwala! ”Is it not obvious?” tinuro n’ya ng nguso si Nathan sa kama. “He just got r***d!” sabi ko. “Reubert looks like a top, while your nephew, when with him, shows a more submissive behaviour. It was quite obvious who the top is.” “Pucha... magugunaw na ba ang mundo? Ang pamangkin ko’ng napaka libog...” `di ko natuloy ang sasabihin. “Anyway,” patuloy ni Aahmes, “that Reubert really is a powerful DOME, I was surprised when he hit me with his pheromones earlier.” “Oo nga, hindi ka ba natablan noon?” tanong ko sa kan’ya, “Kung ibang omega ka, p’wede kang mapabagsak ng tira na `yun, and possibly, even go into false heat.” “I was a bit winded, but otherwise fine,” sagot n’ya, “I only hope that your DOME didn’t notice anything.” “`Wag ka’ng mag-alala, masyado s’yang nagpapanic nang panahon na `yun, malamang, ni `di n’ya napansin na tinira ka n’ya ng pheromones.” “I doubt if I could release my pheromones in that manner...” sabi n’ya, nagmumuni-muni. “No wonder my men said it looked like a scene from hell.” “Buti wala sa kanilang naapektuhan?” tanong ko. “None of them are alphas,” sagot ni Aahmes, “I would never trust an alpha to look after me.” May kinuha si Aahmes sa kanyang bulsa. Isang flash drive. Ang isa sa mga binigay sa kan’ya ng tauhan n’ya kanina. “Would you like to watch it?” Ikinabit ni Aahmes ang drive sa cellphone n’ya. Pinanood namin ang mga video files dito. Isang club. Malawak na dance floor. Walang volume, pero alam mo na maingay. Tumatalon at kumekendeng ang mga taong masayang sumasabay sa beat ng musika. Nagsimula ang kaguluhan sa may dulo, sa parteng entrance, kung saan isa-isang bumagsak ang mga tao. Parang bumuka ang mga ito, giving way to a guy wearing a black hoodie. Lahat ng daanan n’ya ay either bumabagsak, o nagwawala at inaatake ang mga katabi nila, either male or female. “My gods... is he really that powerfull?” bulong ni Aahmes, nang umabot ang lalaki sa gitna ng dance floor. Bagsak na ang kalahati ng mga tao, ang mga natira naman ay nagtatakbuhan, o nakikipagtalik sa mga nasa paligid nila. “That’s just him releasing his pheromones.” sagot ko. “Back in the facility, mas matapang ang pinakawalan n’ya. `Di lang nawalan ng malay ang mga alpha noon, o nagwala sa sariling kalibugan. Pinatay n’ya nang tuluyan ang mga nandoon.” Tinignan din namin ang ibang mga files sa drive. May mga kuha rito sa loob ng mga private rooms, at sa isa sa mga ito, ay nakita ko ang nangyari kay Nathan. Apat sila. Pinag-piyestahan ng tatlo si Nathan, habang nanonood ang isa sa isang tabi. Si Dan. Ginamit nilang parang hayop si Nathan. Hindi ko kinayang panoorin iyon. Tanging si Aahmes lang ang nakatagal dito, at tinapik n’ya ako sa balikat nang maiba ang eksena. ”Look, professor, that’s him.” Ibinalik ni Aahmes ang video. Nakita ko ang isa sa mga hayop na pumunta sa pinto at binuksan ito. Kinuwelyohan s’ya ng lalaking naka hoodie. Kita sa video kung paano s’ya nangisay ay bumula ang bibig, bago s’ya bitawan ng lalaki at tuluyang bumagsak sa lapag. Sunud-sunod ring bumagsak ang apat na lalaki sa kuwarto. Kinapitan ng lalaking naka-hood si Nathan at niyakap, tapos ay hinatak n’ya ang table cloth sa mesa at ibinalot iyon sa katawan ni Nathan bago n’ya binuhat ito at itinakbo palabas ng silid. ”Kailangan makita `to ng mga pulis!” sabi ko. ”Are you sure, professor?” tanong ni Aahmes. “This would incriminate your DOME, as well as your nephew. Even if they don’t find out Reubert’s identity, they would still question your nephew’s relationship with him.” Natigilan ako. Tama ang sinabi ni Aahmes, at kahit pa alam ko na pagtatakpan ng gobyerno ang ginawa ni Reubert, sigurading lalabas ang envolvement ni Nathan dito. Hindi kami kasing lakas ni Reubert. Hindi namin kayang itago at protektahan si Nathan laban sa mga taong naapektuhan sa insidente na ito. Exclusive ang club. Mukhang puros mayayaman ang mga tao rito. Siguradong maghahanap sila nang mapagbubuntungan ng galit. “So... anong suggestion mo?” “My men said they destroyed the security footage. They made it look as if someone ransacked the whole place and stole all the valueables they could find. I suggest we keep quiet about this, and think of a good alibi for Nathan instead.” “Sa bagay... bagsak ang apat na mga kabarkada n’ya. Walang may alam kung ano ang tunay na nangyari... p’wede nating sabihin na nakuha natin s’ya after the incident at saka sinugod sa ospital. Marami namang isinugod din sa mga ospital mula sa lugar na `yun, may ilan ngang dinala rin dito, eh.” “Good, we can use that. We can say that we were looking for him and found him in the club.” “Kung sabihin natin na nakita s’yang naglalakad sa labas?” “He was too drugged to be able to do that.” “Then... pumasok si Louie at nakita s’ya doon?” “Then, why wasn’t he affected?” “Then... pano kung ako ang nakakita sa kan’ya at nagsugod sa kan’ya sa ospital? Hindi ako maaapektuhan, at alam din sa trabaho na umalis tayo nang maaga-aga dahil may problema ako sa pamangkin?” “That may work... and since the security footages where all destroyed, then no one can refute your claim, and we woudn’t need to get your brother-in-law or anyone else involved with us. ” “Anong us?” sinimangutan ko si Aahmes, “Ako lang ang dapat madamay rito!” “Do you know how to drive, professor?” bumuka ang bibig ko na sinara ko `uli. “Driver ka lang, ako ang pumasok at nakakita sa pamangkin ko, tapos, dumiretso na tayo sa hospital.” “And your agoraphobia?” “P’wede ko’ng sabihin na `yun ang nagtulak sa `kin na iligtas si Nathan, alam mo naman na kakaiba ang kaso ko.” “I can say that I was with you...” “Eh, `di inatake ka rin ng mga alpha?” nginusuan ko s’ya. “Ako ang pumasok at nakakuha kay Nathan!” “Can you carry him?” “Adrenalin rush! Lumakas ako due to the emergency! Besides, nagkaka-muscles na ko dahil sa kakapilit mo sa `king mag-excersise!” nag-flex ako ng muscles. Pinisil naman ito ni Aahmes. He doesn’t look impressed. “I guess we could go with that,” sang-ayon ni Aahmes, sa wakas. “We just need to speak with Reubert and your brother-in-law for our stories to match.” “Haay... eto kasing si Nathan... kung ano-ano pinapasok... `di ko malaman kung anong naisip n’yan at nauwi s’ya sa ganitong sitwasyon...” Hinimas ni Aahmes ang mukha ko at hinarap ako. ”We will ask him when he wakes up,” sabi nito. “For now, we need to rest as well.” Tumango ako at ibinaon ang mukha sa kanyang buhok. ”Salamat at nandito ka, Habibi. Salamat at kasama kita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD